Ang pagbaling ng pagsamba sa iba bukod sa Allah tulad ng pagdulog sa mga patay at paghingi ng tulong sa iba bukod sa Allah gaya ng Jinn, sa mga banal na tao, mga eskolar at pagkatay ng hayop bilang alay para sa kanila, panata at iba pa rito mula sa mga uri ng pagsamba. EE Sinabi ng Allah: (( Sabihin," Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal (ng pag-aalay),ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Walang (dapat na ) itambal para sa Kanya. At iyan ay ipinagutos sa akin, at ako ang una sa (hanay ng) mga Muslim)).[6:162] at sinabi pa Niya: (( At Katotohanan, (Kanyang ipinag-utos) na ang mga Masjid (lugar ng dasalan) ay tanging para sa Allah lamang. Kaya, huwag kayong dumalangin sa sinuman bilang katambal ng Allah)).[72:18] At sinabi pa Niya: (( At kayo ay hindi rin Niya dapat pag-utusang magturing sa mga anghel at sa mga propeta bilang inyong mga Panginoon.dapat ba Niyang ipag-utos sa inyo ang kawalan ng paniniwala pagkaraang kayo ay maging mga Muslim)).[3:80] At kabilang sa Shirk (Pagtatambal) ang pagturing sa kanila bilang tagapamagitan nila sa Allah Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan): ( Katotohanan, ang mga orasyon, mga antinganting at gayuma ay (gawaing) pagtatambal).[Isinalaysay ni Abu Dawud]. 7- Ang pagsabi (paniniwala) na ang Allah ay naroon sa lahat ng pook at sapagka't nangangahulugan ang salitang ito na ang Allah ay nasa palikuran at sa mga maruruming lugar; sadyang ang Allah ay makapangyarihan sa lahatAllah: (( kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na Siya na (may tangan ng kapangyarihan) sa kalangitan ay hindi magtutulot na kayo ay lamunin ng lupa kapag ito ay biglang umuga?)).[67:16].