Mga Artikulo

Ito ay isang paraan na pinaghihiwalay ni Shaytaan ang mga Muslim. Sa mga taong sumusunod sa mga yapak ni Shaytaan ay maaaring hamakin ang isang kapatid na Muslim nang walang sapat na makatarungang dahilan maliban sa hidwaan hinggil sa pananalapi o ilang di-pagkakaunawaan. Ang pagkakawatak-watak na ito ay maaaring magpatuloy nang mahabang panahon. Isinusumpa ng isa na hinding-hindi na siya makikipag-usap sa kanyang kapatid at susumpa na hindi na niya itutuntong ang kanyang mga paa sa bahay ng taong kanyang nakagalit. Iiwasan niya ito kapag sila ay magkasalubong, kapag nagkataong nakita niya sa isang pagtitipon, kakamayan niya ang iba maliban sa kanya. Ito ay magiging dahilan ng kahinaan ng sambayanang Muslim. Kaya naman, ang batas hinggil dito ay di mapag-aalinlangan at ang babala laban dito ay matindi.





 





Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi:





 





"Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na talikuran ang kanyang kapatid nang hihigit sa tatlong araw; sinumang gumawa nito at namatay, siya ay papasok sa Impiyerno."( Abu Dawud, 5/215; tingnan din sa Saheeh al-Jaami', 7635)





 





Si Abu Khuraash al-Aslami ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi:





 





"Sinumang tumalikod sa kanyang kapatid ng isang taon ay para na ring pinadanak ang kanyang dugo".( al-Bukhaari sa al-Adab al-Mufrad, Hadeeth blg. 406; tingnan din sa Saheeh al-Jaami', 6557.)





 





Sadyang napakasama na ang pagkakawatak-watak ng mga Muslim ay hahantong sa pagkawala ng kapatawaran ng Allah(swt) sa kanila.





 





Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi:





 





"Ang mga gawa ng mga tao ay ipinakikita sa Allah(swt) nang dalawang ulit sa isang linggo, sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes. Pinatatawad Niya ang lahat ng Kanyang aliping mananampalataya, maliban sa isang may hidwaan sa kanyang kapatid. Kanyang sasabihin, 'iwanan ang dalawang ito hanggang sa sila ay magkabati.'” (Muslim, 4/1988)





 





Maging sinuman sa dalawang panig ang humingi ng kapatawaran sa Allah(swt) kinakailangang puntahan niya ang kanyang kapatid at batiin ito ng Salaam. Kapag ginawa niya ito at siya ay hindi pinansin, samakatuwid siya ay malaya na sa anumang kasalanan at ang pananagutan ay mapupunta sa huli.





 





Si Abu Ayyoob ay nag-ulat na ang Propeta(sas) ay nagsabi:





 





"Hindi ipinahihintulot sa isang tao ang iwasan ang kanyang kapatid sa loob ng tatlong gabi, bawa't isa sa kanila ay hindi nagpapansinan kapag sila ay nagkakasalubong. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay siyang mauunang bumati sa isa ng Salaam."( al-Bukhari, sa Fath al-Baari, 10/492.)





 





Mayroon ding mga kalagayan na may matuwid na dahilan upang talikuran ang isang tao, katulad ng hindi niya pagsasagawa ng pagdarasal, o di mapigilang paggawa ng kasamaan. Kung ang pag-iwas sa kanya ay makabubuti upang ipamulat sa kanya ang kanyang mga masasamang gawain, magkagayon obligado para sa kanya ang iwasan siya, subali't kung ito lamang ay magiging sanhi upang siya ay higit pang maging matigas at patuloy sa kanyang kasalanan, magkagayon hindi nararapat na siya ay iwasan, sapagka't walang maibubunga ang pag-iwas sa kanya. Ang pag-iwas sa kanya ay lalo lamang magpapalala sa kanyang katayuan. Kaya ang nararapat gawin para sa kanya ay patuloy na pakitunguhan siya nang may kabaitan, pangaralan at paalalahanan.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG