Paano natin matupad ang Laylat al-Qadr? Ito ba ay sa pagdadasal, o sa
pagbabasa ng Qur’an at ng Seerah ng Propeta, ang pakikinig ng mga aralin at
ang pagdiriwang sa Masjid?
Ang papuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng sansinukob at ng mga
daigdig. Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin sa sampung huling araw ng
Ramadan.
١. Ang Sugo ng Allah ay madalas ay matiyagang nagsusumikap sa
pagsasamba sa sampung huling araw ng Ramadan na hindi niya
pangkaraniwang ginagawa sa ibang panahon katulad ng pagdadasal,
pagbabasa ng Qur’an at mga du’a (pagsusumamo).
Iniulat ni Aisha na sa pagdating ng sampung huling araw ng Ramadan, ang
Propeta ay gumigising sa gabi kasama ang kanyang pamilya at talikdan
ang ugnayang mag-asawa. [Al-Bukhaari at Muslim]
Iniulat na ang Propeta ay madalas matiyagang nagsusumikap sa pagsamba
sa sampung huling arwa ng Ramadan na hindi tulad sa pangkaraniwang
panahon. [Ahmad at Muslim]
٢. Ang Propeta ay naghihikayat na manatiling gising at ipagdasal ang Laylat
al-Qadr ng may pananampalataya at ang paghahangad ng gantimpala.
Sinabi ng Propeta:
“Sinuman ang manatiling gising at nagdarasal sa Laylat al-Qadr ng dahil sa
paniniwala at hangaring makamit ang gantimpala, ang kanyang mga
nakaraang kasalanan ay mapapatawad.” [Napagkasunduan]
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig na ang Laylat al-Qadr ay matutupad sa
pamamagitan ng paggugul sa gabi sa pagdarasal.
٣. Isa sa pinakamahusay na du’a na maaring bigkasin sa Laylat al-Qadr ay ang
itinuro ng Propeta kay Aisha. Tinanong niya sa Propeta na kung batid niya
ang Laylat al-Qadr, ano ang kanyang sasabihin sa gabing iyon?
Sinabi ng Propeta:
“Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-‘afwa fa’affu ‘anni (O Allah, Ikaw ay
mapagpatawad at kinaiibigan mo ang pagpapatawad, kaya’t patawarin mo
ako.” [Tirmidhi]
٤. Hinggil sa paniniguro sa gabi ng Laylat al-Qadr sa buwan ng Ramadan, ito
ay nangangailangan ng tiyak ng katibayan. Subali’t ang mga araw tulad ng
٢١, ٢٣, ٢٥, ٢٧, at ٢٩ sa sampung huling araw ng Ramadan ay
malamang na ang Laylat al-Qadr kung ihahambing sa ibang araw at ang araw
ng ika-٢٧ ang nakahihigit sa lahat sapagka’t ang araw na ito ay ang
nabanggit sa Hadith.
٥. Ang mga pagbabago (inobasyon) ay tinatanggihan sa buwan ng Ramadan
at sa anumang araw o panahon.
Sinabi ng Sugo ng Allah:
“Sinuman ang maglabas ng pagbabago sa mga bagay na nuukol sa
pagsamba at paniniwala na hindi nito bahagi ay tatanggihan.”
Sa isa pang pag-uulat:
“Sinuman ang gagawa ng isang gawain na hindi bahagi ng atin ay
tatanggihan.”
May mga ilang pagdiriwang na ginaganap sa gabi ng sampung huling araw ng
Ramadan ng ilang Muslim. Subali’t ang ganap na patnubay ay ang patnubay ni
Muhammad at ang pinakamasama sa lahat ng bagay ay ang pagbabago
(bid’ah).
Ang Allah ang taga-pagbigay ng lakas. Nawa’y pagkalooban ng Allah ng
biyaya at kapayapaan ang ating Propeta Muhammad, ang kanyang pamilya at
mga Sahabah.
Ang Palatandaan sa Laylat Al-Qadr
Ang mga sumusunod ay mga palatandaan sa Laylat –Al-Qadr mula sa mga
katibayan ng mapananaligang hadith.
Ang Unang Palatandaan:
Iniulat ni Ubayy ibn Ka’b na ipinahayag ng Propeta na ang isa sa kanyang
palatandaan ay kung ang sikat ng araw sa sumunod na umaga ay walang
makikitang sinag. [Muslim, ٧٦٢]
Ang Pangalawang Palatandaan:
Iniulat ni Ibn ‘Abbaas narrated mula kay Ibn Khuzaimah at sa musnad ni al-
Tayaalisi na sinabi ng Propeta:
“Laylat al-Qadr ay isang kasiya-siyang gabi, ang kapaligiran ay katamtaman
hindi mainit o malamig, at ang sumunod na araw, ang araw ay sisikat ng
mapula at mahina.” [Saheeh Ibn Khuzaymah, ٢٩١٢; Musnad al-Tayaalisi]
Ang Pangatlong Palatandaan:
Iniulat ni al-Tabaraani na hasan ang isnaad mula sa hadith Waathilah ibn al-Asqa
na sinabi ng Propeta:
“Laylat al-Qadr ay isang maliwaag na gabi, hindi mainit o malamig, na
walang bulalakaw na makikita.” [Narrated by al-Tabaraani in al-Kabeer. See
Majma’ al-Zawaa’id, ٣/١٧٩; Musnad Ahmad]
Ito ang mga tatlong saheeh ahadeeth na nagpapaliwanag sa mga palatandaang
nagpapatunay ng Laylat al-Qadr
Hindi mahalaga sa isang nakasaksi ng Laylat al-Qadr na mapag-alaman na
nasaksihan niya ito. Ang mahalaga nito ay ang matiyagang pagsusumikap at
maging matapat sa pagsamba batid man o hindi ng iba na nasaksihan niya ang
Laylat al-Qadr. Maaring ang ilan sa mga hindi nakababatid na nasaksihan nila
ang Laylat al-Qadr ay nakahihigit sa mata ng Allah at nakatataas ang antas
kung ihahambing sa mga taong nakababatid sa anong uri ng gabi ang nagdaan,
sapagka’t matiyaga siyang nagsumikap.
Hilingin nating mula sa Allah na tanggapin an gating pag-aayuno at an gating
panalangin sa gabi, at upang tulungan tayong maalaala Siya at pasalamatan
Siya at sambahin Siya ng maayos. Nawa’y ipagkaloob ng Allah ang biyaya sa
ating Propeta Muhammad.