Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa pinakadakilang Propeta at Sugo ng Allah, si Muhammad (), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan lahat …
-
Ang di pagtakda ng Niyyah (layunin) sa gabi o bago ang pagsapit ng Fajr (Adhan sa madaling araw) – sa ubligadong pag-aayuno. At kahit paman (may nagpapahayag) na ang minsang pagtakda ng Niyyah sa buwan ng Ramadan ay sapat na.
-
Ang pagkain at pag-inom habang isinisigaw ang Adhan sa Fajr o pagkatapos nito. At kahit paman ang ilan sa mga nananawagan ng Adhan ay nauuna, bilang pagbabakasakali lamang.
-
Ang maagang pag-aalmusal sa madaling araw (Suhur), isang oras o dalawang oras bago ang Fajr. Samantalang ang mapananaligang ulat ukol dito ay ang pag-iinganyo sa maagang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar) at pagpapahuli ng pag-aalmusal sa madaling araw (Suhur).
-
Ang pagmamalabis sa pagkain at inumin ng karamihan sa mga tao. Ito'y sumasalungat sa kautusang pagpipigil ng gutom na siyang dahilan ng kataimtiman ng pananampalataya.
-
Ang di pagdalo sa pagsasagawa ng Salah sa sama-samang pagdarasal (sa Mosque), tulad ng Salah sa Dhuhr at As’r, dahil sa katamaran, pagtulog o pagkaka-abala sa mga bagay-bagay na walang katuturan.
-
Ang kawalan ng pag-iingat sa dila sa araw ng Ramadan at maging sa gabi nito mula sa walang katuturan at masasamang salita, kawalang katotohanan at kasinungalingan, paninirang-puri at pagtsitsismis.
-
Ang pagpapalipas ng mga mahahalagang oras sa paglilibang at paglalaro, panonood ng mga palaro at pelikula, mga bugtong at palaisipan at pag-iistambay sa mga daan.
-
Ang di pagsasanay sa mga gawain na paulit-ulit ginagawaran ng gantimpala sa buwan ng Ramadan, tulad ng mga panalangin, mga dhikr, pagbabasa (ng Qur'an), at pagsasagawa ng mga kusang loob na Salah.
-
Ang di pagdalo sa Salah ng Tarawih sa sama-samang pagdarasal, samantalang napatunayan ang pag-iinganyo sa pagsasagawa nito kasama ng Imam hanggang sa ito’y lumisan nang sa gayo'y maitatala sa kanya ang pagtaguyod sa buong magdamag.
-
Napupuna sa unang mga araw ng Ramadan ang maraming bilang ng mga nagsasagawa ng Salah at mambabasa (ng Qur'an), subalit sa huling mga araw ng Buwan lumalaganap ang katamaran at kakulangan, samantalang may nabubukod-tangi na partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan sa mga unang araw nito.
-
Ang di pagtaguyod ng dasal sa gabi (Al-Qiyam) na siyang partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan. Sa katunayan ang Propeta (Muhammad ), kapag sumapit ang huling sampung araw ng Ramadan, binibigyan niya ng buhay ang kanyang gabi at ginigising ang kanyang mag-anak, pinag-iibayo ang pagsisikap at hinihigpitan ang kanyang epron.
-
Ang pagpupuyat sa gabi, anupa't nakatulugan ang Salah sa Fajr, kaya’t hindi ito naisasagawa ng iba kundi sa pagsikat na ng araw, at iyon ay napakalaking pagkukulang sa tungkuling ito.
-
Ang karamutan sa salapi at pagtanggi sa mga nangangailangan, samantalang dumadami sila sa Ramadan, sa kabila na ang gantimpala ng pagkakawanggawa sa ganitong mga pagkakataon ay ginagawaran nang paulit-ulit.
-
Ang hindi pagpapahalaga sa pamamahagi ng kabuuan ng Zakah (ubligadong kawanggawa) ng karamihan. Samantalang ito ay kaakibat ng Salah at Pag-aayuno, kahit paman ito'y hindi nabubukod-tangi lamang sa buwan ng Ramadan.
-
Ang pagkalingat sa panalangin habang nasa sandaling pag-aayuno, lalong-lalo na sa oras ng Iftar (hapunan), sa pag-aalmusal ng pagkain at inumin anupa’t ito’y matutunghayan sa Hadith. At sa katunayan, may kahilingan ang isang nag-aayuno na hindi natatanggihan sa sandali ng kanyang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar).
-
Ang di pagsasagawa ng I`tikaf (pananatili sa Mosque) sa buwan ng Ramadan lalong-lalo na sa huling sampung araw nito, anupa’t matutunghayan ang kadakilaan nito sa Qur’an at sa Sunnah.
-
Ang paglalabas ng karamihan sa mga kababaihan sa Mosque nang may magagandang damit at humahalimuyak na pabango kaakibat pa nito ang mga bagay-bagay na nagiging dahilan ng paglalaganap ng tukso.
-
Ang pagbibigay luwag sa paglalabas ng mga kababaihan sa gabi ng Ramadan sa mga palengke na ang tanging kasama lamang ay banyagang tsuper, ni walang kasamang Mahram. Kadalasan pa’y hindi naman ito kanais-nais.
-
Ang di pagsasagawa ng Sunnah At-Takbeer sa gabi bago ang Eid at sa kinaumagahan nito bago isagawa ang Salah, at sa sampung araw ng Dhul Hijjah, anupa’t ito'y ipinag-uutos sa Qur’an.
-
Ang pagpapaliban sa Zakatul Fitr, samantalang ang wastong kaparaanan ng pamamahagi nito ay sa araw ng Eid bago isagawa ang Salah. At maaari ring ipamamahagi ito, isang araw o dalawang araw bago ang araw ng Eid.
Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa Propeta nating si Muhammad (), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan.
Isinulat ni: Shaikh Abdullah bin Abdul Rahman Al-Jibreen.
Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha Ali