ANG DHIKR PAGKATAPOS NG SALAH
Isang paalaala mula kay Abdul Aziz bin Baz para sa lahat ng Muslim.
Sunnah na bigkasin ng Muslim pagkatapos ng bawat Obligadong Salah:
أستغفر الله (3 ×)
Astaghfirullaah (3 ×) (Ako’y humihiling ng kapatawaran sa Allah)
اللهم أنت السلام ومنك السلام تباركت يا ذا الجلال والإكرام
O Allah Ikaw ang Walang kapintasan at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ay Punung-puno ng pagpapala, O may taglay ng pagpipitagan at pagpaparangal.
لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد وهو على كل شي ء قدير، لا حول ولا قوة إلا بالله، لا إله إلا الله ولا نعبد إلا إياه، له النعمة وله الفضل وله الثناء الحسن، لا إله إلا الله مخلصين له الدين ولو كره الكافرون، اللهم لا مانع لما أعطيت ولا معطي لما منعت ولا ينفع ذا الجد منك الجد.
Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang. Wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ng Allah. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, at hindi kami sumasamba maliban sa Kanya lamang. Angkin Niya ang pagpapala at angkin din Niya ang biyaya at sa Kanya lamang nauukol ang mainam na papuri. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, iukol para sa Kanya ang tapat na Pananampalataya, kasuklaman man ito ng mga hindi nananampalataya. O Allah, walang makapipigil sa Iyong pagkakalooban at walang makapagbibigay kapag pinigilan Mo. At hindi makapagbibigay ng kapakinabangan sa taong may magandang kapalaran ang magandang kapalaran sapagkat sa Iyo ito nanggagaling.
At bigkasin pagkatapos ng Salah sa Fajr at Salah sa Maghrib ang sumusunod (nang sampung beses), kasama na ang naunang nabanggit:
لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد يحيي ويميت وهو على كل شيء قدير (10 ×).
Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. Siya ang nagkakaloob ng buhay at bumabawi ng buhay. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.
Pagkatapos, kanyang bigkasin:
(سبحان الله 33 )، (الحمد لله 33)، (الله أكبر 33).
Subhaanallaah (33 ×) (Kaluwalhatian sa Allah).
Alhamdu lillah (33 ×) (Ang pagpupuri ay sa Allah).
Allaahu akbar (33 ×) (Ang Allah ay dakila).
Pagkatapos, kanyang bigkasin sa kabuuan ng isang-daan:
لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد وهو على كل شي ء قدير.
Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.
Pagkatapos, kanyang bigkasin ang Ayatul kursee:
اللَّهُ لآَ إِلَهَ إِلاَّ هُـوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ، لاَ تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلاَ نَوْمٌ، لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ، مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلاَّ بِإِذْنِهِ، يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيْهِمْ وَ مَا خَلْفَهُمْ وَلاَ يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلاَّ بِمَا شَآءَ، وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَوَاتِ وَ الأَرْضَ، وَلاَ يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا، وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ.
(Allah – walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Kanya – Ang may buhay (na walang hanggan), Ang Tagapag-aruga (ng lahat). Hindi Siya natatangay ng antok ni ng pagkatulog. Kanyang pag-aari ang anumang nasa mga kalangitan at ng kalupaan. Sino nga ba ang makapamamagitan doon sa Kanya maliban sa pamamagitan ng Kanyang pahintulot ? Kanyang nalalaman ang anumang nasa hinaharap nila (sa Huling-Araw) at ang anumang nasa likuran nila (ang kanilang nakaraan sa Mundong ito); at hindi nila matatalos ang anuman sa Kanyang kaalaman maliban sa Kanyang loobin. Saklaw ng Kanyang luklukan ang mga langit at ang lupa ; at hindi Siya napapagod sa pangangalaga ng mga ito. At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila). Al-Baqarah: 255
Pagkatapos, kanyang basahin:
Ang Suoratul Ikhlaas, ( قل هو الله أحد ...)
Ang Suoratul Falaq, ( قل أعوذ برب الفلق….)
At ang Suoratun Naas ( قل أعوذ برب الناس….).
At kanyang uulitin ang mga ito nang tigtatatlong beses pagkatapos ng Salah sa Fajr at Maghrib.
Ito ang siyang pinakamainam …Pagpalain nawa ng Allah ang ating Propeta na si Muhammad ()…
Isinalin sa wikang Tagalog ni:
Muhammad Taha Ali