ANG SUFIYAH O TASAWWUF
(Ang Buod na pahayag tungkol sa katotohanan ng Sufiyyah)
Isinulat ni:
SALAMODIN D. KASIM
MGA PAKSA
1- Ang kahulugan ng Sufiyyah o Tasawwuf
2- Kailan nagsimula ang Tasawwuf
3- Mga antas ng Tasawwuf
4- Ang paniniwala ng Sufiyyah sa Allah
5- Ang paniniwala ng Sufiyyah kay Propeta Mohammad ()
6- Ang paniniwala ng Sufiyyah sa mga Awliyah
7- Ang paniniwala ng Sufiyyah ukol sa Paraiso at Impiyerno
8- Ang batas Islamiko ng Sufiyyah
9- Ang pananaw ng Sufiyyah sa Halal at Haram
10- Paraan ng paggunita ng Sufiyyah
11- Ang paniniwala ng mga Sufiyyah sa mga patay
12- Ang paniniwala at pananaw ng Sufiyyah sa mga Karamah
13- Ano ang sinasabi ng mga Iskolar tungkol sa Sufiyyah
14- Wakas
2
Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ako ay sumasaksi na walang Diyos sa dapat
sambahin kundi si Allah lamang at ako rin ay sumasaksi na si Mohammad () ay kanyang
lingkod at Huling Sugo.
Ang kahulugan ng "SUFIYYAH o TASAWWUF:
Hindi nagkaisa ang mga Iskolar at mananalaysay kung saan hango ang salitang "Sufiyyah"
kaya sa mga aklat na tumatalakay nito ay maraming nababanggit na pinagmulan ang salita
ito; ayon sa iba, ito ay mula sa salitang arabik na "Safwah" sa paniniwalang sila ay mga piling
tao, at maaaring mula daw ito sa salitang "Suf" dahil sa pagsuot nila o ilan sa kanila noon ng
lana o damit na gawa sa balahibo ng tupa, ayon naman sa ibang iskolar hango raw ito sa
pangalan ng isang banal na tao na si Sufah bin Bashar, at iba pang salitang maaaring
pinanggalingan nito, ganunpaman wala tayong katiyakan dito dahil sa iba't ibang pananaw
ng mga mananalaysay hanggang sa umabot ito ng pitong opinyon.
- Ayon sa mga Sufi, Ito ay nangangahulugan ng pagpapakabanal, pagdalisay sa puso at
pagtalikod sa mga makamundong bagay sa iba't ibang paraan kabilang ang pagpapahirap sa
sarili upang maging malapit sa Allah at tinitiyak ng bawat Imam ng Sufi ang Paraiso sa bawat
mag-aaral na Sufi, bagkus ang katotohanan, ito ay paraang pagmamalabis sa
pagpapakabanal at pagpapahirap sa sarili at pagsamba sa Allah bagay na hindi pa nangyari sa
panahon ng Propeta Mohammad (sumakanya ang kapayapaan) at kanyang mga Kasamahan
(sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah).
KAILAN NAGSIMULA ANG TASAWWUF
- Nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa "Tasawwuf" noong huling bahagi ng ikatlong siglo
ng Hijri at ang unang nagtatag ng Monasteryo ng "Tasawwuf" ay mga kasamahan ni
Abdulwahid bin Zaid na mula sa mga kasamahan ni Al-Hassan Al-Basry sa Basra, Iraq. nguni't
sa panahong iyon ay tanyag lamang sila sa mga gawaing pagpapakabanal at labis na takot sa
Diyos at walang kinalaman sa usaping paniniwala o "Aqeedah" kaya iba ito sa paraan ng
makabagong "Tasawwuf" na ilan sa kanilang paniniwala ay may halong "Bid'ah at Shirk" o
pagtatambal sa Allah.
- Kabilang sa halimbawa nito ay pagmamalabis ng ilan sa kanila kapag nakarinig ng
nagbabasa ng Qur'an at siya'y natutumba at nawawalan ng malay at namamatay pa yaong
iba gaya ng nangyari kay Zarar bin Ad at Abu Zuhair bagay na hindi sinang-ayunan ng ilang
Sahaba at Tabi'een katulad ni Asma' bint Abi Bak'r, Abdullah bin Zubair at Mohammad bin
Sireen [sumakanila lahat ang kaluguran ng Allah] sapagka't hindi nila ito nasaksihan sa
Panahon ng Propeta at mga Sahabah kaya itinuring nila ito na makabagong paraan sa
pananampalataya.
Ayon naman kay Abu Said Mohammad Al-Mihi As-Sufi na isang taga Iran; nagsimula ang
pagkakaroon ng ganap na istraktura ang grupong ito noong 430 ng Hijri at ito ay lumaganap
mula Iran tungo sa mga bansang Muslim sa Silangan pagdating ng ikaanim na siglo ng Hijri.
Sa taong 561 ng Hijri lumitaw ang grupo sa pamamaraang iniuugnay kay Abdulqadir Al-Jilani
at si Ibn Arabi ay naging isa sa mga pinuno naman ng Sufiyyah taong 638 ng Hijri. At
pagkatapos nito ay nagpapatuloy ang kanilang katuruan at paniniwala hanggang sa mga
panahong ito.
3
MGA ANTAS NG TASAWWUF
Ang Tasawwuf ay binubuo ng iba't ibang antas at pamamaraan, kabilang na rito ang
"Tasawwuf" na puno ng mga makabagong paraan ng pagdakila sa Allah (Bid'ah), mga ligaw
na paniniwala na maaaring hindi naman nakakalabas sa hangganan ng Islam, nguni't ang
nakakalungkot ay ang ilan nilang paniniwala ay naglalaman ng mga "Shirk" o pagtatambal sa
Allah.
ANG PANINIWALA NG SUFIYYAH SA ALLAH
May iba't ibang paniniwala ang mga Sufi sa Allah kabilang dito ang tinatawag na "Hulul" na
nangangahulugan –ayon sa kanila- ng pagiging Diyos at Panginoon ng taong sufi, batid niya
ang lingid (Gayb) katulad ng Allah- Maluwalhati Siya- sapagka't ang layunin ng "Sufi" ay
maabot niya ang antas ng Propeta hanggang sa tuluyan niyang maabot ang antas ng
Pagkadiyos at pagkapanginoon. Katulad ng salaysay ni Al-Bastami; isa sa mga Imam ng
Sufiyyah noong ikatlong siglo ng Hijri, sinabi niya: ( Itinaas ako ng Allah minsan, at pinatayo
ako sa Kanyang harapan at sinabi sa akin:" O Abu Yazid, Katotohanan nais ng aking mga
nilikha na masilayan ka. At aking sinabi:" kung gayun, palamutian Mo po ako ng Iyong
Kaisahan at damitan Mo ako ng Iyong pagkamakasarili at iangat Mo ako sa Iyong kaisahan...).
sa pamamagitan ng ganitong paniniwala, ang kanilang paninindigan ay humantong sa "
Wahdatul wujud" na ang ibig sabihin nito sa kanila ay " walang umiiral sa sanlibutan kundi
ang Allah lamang at walang kaibahan ang lumikha at nilikha".
Mayroon sa kanila ang naniniwala na ang Allah ay siya rin si Mohammad- Maluwalhati Siya
sa lahat ng kanilang kasinungalingan-.
ANG PANINIWALA NG SUFIYYAH KAY PROPETA MOHAMMAD ()
May iba't ibang paniniwala rin ang mga Sufiyyah kay Propeta Mohammad (); mayroon sa
kanila ang naniniwalang hindi naaabot ng Propeta () ang kanilang antas at katayuan
datapuwa't siya'y mangmang sa anumang kalagayan ng mga "Sufi" katulad ng sinabi ni Al-
Bastami:( Nasisid namin ang karagatan nguni't ang mga Propeta ay nasa baybayin lamang).
Ang iba naman sa kanila ay dinadakila ang Propeta () at iniaangat sa antas ng Panginoon
sapagka't naniniwala ang ilang "Sufi" na ang Sugo ng Allah () ay Simboryo ng sanlibutan at
siya ang Allah na pumaitaas sa Kanyang marangal na Trono- Kaluwalhatian sa kanya- at lahat
ng kalangitan, kalupaan at lahat ng nilikha ay nilalang ng Allah mula sa kanyang liwanag at
siya ang pinakaunang umiral sa sanlibutan; ito ang paniniwala ni Ibn Arabi at ang mga
sumunod sa kanya.
ANG PANINIWALA NG MGA SUFIYYAH SA MGA AWLIYA
Ang "Wali" ayon sa paniniwala ng Sufiyyah ay:" ang taong laging pinangangalagaan at
kinakalinga ng Allah ang lahat ng kanyang kalagayan at ang mga katangian ng taong ito na
tinatawag na wali ay siya ring katangian ng Diyos; ispirituwal man o panlabas na aspeto at
inaabot nito ang antas ng Allah sapagka't naniniwa ang mga Sufiyyah na may kapangyarihan
at kakayahan ang mga "Awliyah" na magpaulan, gumamot ng may sakit, nakakabuhay ng
4
mga patay at pinangangalagaan ang sanlibutan mula sa pagkawasak at iba pang mapanganib
na mga paniniwala nilang "Shirk" o pagtatambal sa Allah".
ANG PANINIWALA NG MGA SUFIYYAH UKOL SA PARAISO AT IMPIYERNO
Ang paghahangad ng Paraiso at pangamba sa Impiyerno ay hindi siya ang tunay na layunin
ayon sa mga Sufiyyah at ang tunay na layunin ay mismong pagsamba lamang sa Allah ng
walang kapalit, hindi ipinapahintulot sa mga Sufiyyah ang paghahangad ng Paraiso at
pangamba sa Impiyerno samakatuwid ang mahalaga lamang ay pagsamba sa Allah at ang
kanilang kaalaman sa mga lingid (Gayb). Kaya naging tanyag na ang salaysay ng kanilang
ilang Imam:" Hindi naming sinasamba ang Allah dahil sa takot sa Kanyang Ipiyerno at hindi
dahil sa paghahangad ng Kanyang Paraiso bagkus sinasamba namin Siya dahil sa
pagmamahal namin sa Kanya". At ang ilan sa mga Sufiyyah ay ganito ang salaysay:" Sinuman
ang sumamba sa Allah dahil sa takot sa Kanyang Apoy sa Impiyerno; ay ganito ang paraang
pagsamba ng alipin, at sinuman ang sumamba sa Kanya sa hangaring makamit ang Kanyang
Paraiso; ganito ang paraang pagsamba ng mga negosyante magkagayun ang tunay na
pagsamba ay dahil lamang sa pagmamahal sa Kanya". Dapat mong malaman aking kapatid
na ang ganitong paniniwala ay taliwas sa tamang paniniwala ng Ahlus Sunnah wal Jamaah at
taliwas sa katuruan ng Qur'an at Sunnah. Sinabi ng Allah sa Qur'an: ( katotohanan, sila ay
lagi nang maagap sa paggawa ng mga kabutihan, at sila ay lagi nang nagsusumamo sa
Amin nang may pag-asa at takot at sila ay lagi nang nagpapakumbaba sa Amin). [Al-
Anbiya:90].
ANG BATAS ISLAMIKO NG MGA SUFIYYAH
Katotohanan ang Salah, Pag-aayuno, Zakat (Obligadong kawanggawa) at Hajj ayon sa
paniniwala sa Sufiyyah ay pagsamba ng mga karaniwang mga tao lamang at tinatawag nila
ang kanilang mga sarili na "Khaassah" o mga espesyal at natatanging mga nilalang kaya ang
paraan ng kanilang pagsamba sa Diyos ay kakaiba. Kung ang pagsamba sa Islam ay para
dalisayin ang sarili at lipunan, magkagayun sa mga Sufiyyah ang pagsamba ay para daw
magkaroon ng derektang kaugnayan sa Allah upang magkaloob ang Allah sa kanila ng mga
derektang rebelasyon kaya nababatid nila ang lingid (gayb) at nararapat sa isang "Sufi" na
magkaroon ng katangiang katulad ng katangian ng Allah kaya may kakayahan silang sabihin
sa anumang bagay ang "kun fayakun" (maging, kaya nangyari nga). Samakatuwid, ang batas
ng Sufiyyah ay derektang natanggap ng "Wali" mula sa Allah kaya hindi ipinagbabawal sa
kanila ang mga bawal na gamot, alak at paghahalo ng mga kababaihan at kalalakihan sa
kanilang mga selebrasyon at mga paggunita sapagka't ito raw ay batas mula sa Allah.
ANG PANANAW NG MGA SUFIYYAH SA HALAL AT HARAM
Ang mga Imam at wali ng Sufiyyah ay umabot sa pinakamataas na kalagayan at antas kaya
lahat ng bagay ay maaari na niyang gawin ito man ay masama o mabuti sapagka't walang
tinatawag na "Haram" sa kanila bagkus lahat ay halal kaya hindi na nila kailangan pang
magdarasal dahil sa naabot nilang mataas na antas, ganito ang kanilang paniniwala sa
kanilang mga pinuno at "wali" na malinaw pa sa sikat ng araw na isa itong kaligawan at
taliwas sa katuruan ng Islam.
5
PARAAN NG "DHIK'R" O PAGGUNITA NG SUFIYYAH
Ang mga Sufiyyah ay may sariling paraan ng paggunita sa Allah at pag-alala sa Kanya. Kung sa
Islam ay pinakamainam na paggunita sa Allah ay pagbigkas, pagsabuhay at pagsapuso ng "
LA-ILAHA ILLALLAH" samantala sa Sufiyyah naman ay pinakamainam sa kanila ang paulit-ulit
na pagbigkas ng "ALLAH,ALLAH, ALLAH" at "HUWA,HUWA,HUWA", madalas natin ito
masasaksihan sa kanilang mga pagtitipon at mga selebrasyon habang sila ay sumasayaw at
malakas na niyuyugyog ang mga ulo na para bagang sinasapian ng Engkanto at daig pa ang
taong wala sa sarili. Mayroon din silang mga iba't ibang tula na puno ng mga Shirk o
pagtatambal sa Allah na kanilang binibigkas sa kanilang pagkanta at iba pang mga
pamamaraan na napakalayo sa anumang napatunayan nating tumpak na paraan ng Propeta
Mohammad () at kanyang mga Kasamahan (sumakanila ang kaluguran ng Allah).
ANG PANINIWALA NG SUFIYYAH SA MGA PATAY
Kapag namatay ang isang "Sufi" o wali at maging ang isang Propeta ay tiyak na babalik siya
sa Mundo –ayon sa paniniwala ng Sufiyyah- at magagawa niya ito kung kailan niya nais, at
siya ay babalik sa kanyang bahay at pamilya at sila'y kakausapin at dadalawin. Naniniwala rin
sila na maaaring kausapin ang Propeta Mohammad () ng kahit sino pagkatapos niyang
mamatay bagkus siya ay dadalo sa mga pagtitipon ng mga Sufiyyah.
At kabilang sa kanilang pagdakila sa mga patay ay ang kanilang pagpapaganda ng mga
puntod at pagpapatayo nito ng gusali o bahay upang doon sila magtitipon-tipon para
manalangin sa mga patay at hihiling sa kanila ng tulong at pakinabang.
ANG PANINIWALA NG SUFIYYAH SA MGA "KARAMAH"
Karamah: ay hindi karaniwang pangyayari o hindi karaniwang pagkakaroon ng isang
kapangyarihan na ipagkakaloob ng Allah sa sinumang naisin Niya mula sa Kanyang mga alipin
o sa ilang malapit na tao sa Kanya bilang tulong sa kanya o upang maging malinaw na
katibayan laban sa kaaway para manaig ang mga mananampalataya at ito ay nangyayari sa
mga tuwid na mga mananampalataya lamang katulad halimbawa kung siya ay nakakaranas
ng matinding gutom at magkakaroon siya ng pagkain at inumin at hindi niya alam kung saan
ito nagmula at iba pang halimbawa ng mga hindi karaniwang pangyayari nguni't ito ay hindi
ipinagkakaloob ng Allah kundi sa mga taong matuwid at sumusunod lamang sa Qur'an at
Sunnah
sa kabilang dako, ang mga Sufi ay naniniwalang may mga "Karamah" ang kanilang mga Imam
at wali at maging ang mga karaniwang Sufi at dahil dito napakarami nilang mga kwentong
kababalaghan tungkol sa mga kapangyarihan at hindi karaniwang pangyayari sa kanilang
mga Imam nguni't katotohanan, ito ay pawang kasinungalingan lamang, ibinabalita nila ito sa
mga kasapi upang makuha ang kanilang buong tiwala at para makahikayat pa ng ibang tao.
Isa sa halimbawa ng kanilang pagpapahalaga sa "Karamah" ang ay salaysay ni As-Siraj At-
Tusi:" Sinuman ang tumalikod sa makamundong bagay sa loob ng apatnapung araw ng tunay
at tapat mula sa kanyang puso; magkakaroon siya ng mga Karamah". Kanya itong binanggit
sa kanyang aklat na "Allama' li ithbatil ayat wal karamat".
6
Sinabi ni Al-Qushayri sa kanyang aklat na " sinasadya ng mga Sufi ang mga Jinn (engkanto)
upang sila'y tulungan para magkaroon ng karamah at mismong inamin ito ng isang Sufi na si
Al-Juniad na nakikipagkaibigan sa mga jinn at tinutulungan siya sa kanyang mga paglalakbay
at iba pang pangyayari". Isa sa mga hindi kapani-paniwala ay ang kuwento ng isa sa kanila na
mayroon daw isang "Wali" na hindi kumain at hindi uminom sa loob ng apatnapung araw at
ang isa naman ay natutulog lang sa loob ng labing apat na taon at mayroon pa daw isang
wali na may dala-dalang tungkod magkagayun kapag sinasabi niya sa tungkod na ito:" ika'y
maging tao" at ito ay nagiging tao, at iba pang mga kuwento ng mga karamah –ayon sa
kanila- sa kanilang mga aklat bagkus halos puno ng mga kababalaghan ang kanilang mga
salaysay sa mga aklat na isinusulat.
ANO ANG SINASABI NG MGA ISKOLAR TUNGKOL SA MGA SUFI
Sinabi ni Imam As-Shafi'e (kahabagan nawa ng Allah):" Kung naging Sufi ang isang lalaki sa
umaga, hindi darating ang dhuh'r (tanghali) kundi isa na siyang sira-ulo".
Si Imam Ahmad bin Hanbal (kahabagan nawa ng Allah) ay nagbigay ng matinding babala
laban sa mga pinuno ng mga Sufi sa kanyang panahon kaya pagkatapos niya malaman ang
salaysay at paniniwala ni Al-Harith Al-Mahasibi ukol sa Sufiyyah; kanyang sinabi:" Hindi ito
pinag-usapan ng mga Sahabah at mga Tabi'een". At si Imam Ibn Al-Jawzi ay binanggit niya sa
kanyang aklat na " Talbis Iblis" kung paano niligaw ni Iblis (Satanas) ang mga Sufi na siyang
nagsadlak sa kanila sa mga kadiliman.