
Ang Paglilinaw sa Kawalang-Pananampalataya
at Pagkaligaw ng Sinumang Nag-akala na
Pinapayagan sa Isang Tao ang Paglabas sa
Sharī`ah ni Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh
at Pangalagaan)
Akda ng Kanyang Kabunyian:
Ang Ikalabindalawang Mensahe:
Ang Paglilinaw sa Kawalang-Pananampalataya
at Pagkaligaw ng Sinumang Nag-akala na
Pinapayagan sa Isang Tao ang Paglabas sa
Sharī`ah ni Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh
at Pangalagaan)
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng
mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol
sa pangwakas sa mga propeta at mga isinugo ang
Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak
niya at mga Kasamahan niya nang magkakasama.
Sa pagpapatuloy, napag-alaman ko sa artikulong
inilathala ng pahayagang Ash-Sharq Al-Awsaṭ sa isyu
nitong numero: 5834 at petsang 5/6/1415 Hijrah
(11/10/1994 CE), na isinulat ng isang tumatawag sa
sarili niya bilang `Abdulfattāḥ Al-Ḥāyik, sa ilalim ng
pamagat na: Ang Maling Pagkaintindi.
Ang buod ng artikulo: Ang pagkakaila niya sa
isang nalalamang bahagi ng Relihiyong Islām dahil sa
kalinawan at dahil sa teksto at ijmā`. Ito ay ang
pagkapangkalahatan ng mensahe ni Muḥammad
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng
mga tao. Ang pag-aangkin niya na ang sinumang hindi
sumunod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) at hindi tumalima sa kanya, bagkus
nanatili ito sa pagiging isang Hudyo o isang
Kristiyano, ito ay nasa isang relihiyong totoo.
1
Pagkatapos nagmataas siya sa Panginoon ng mga
nilalang (kaluwalhatian sa Kanya) sa kasanhian sa
pagdudulot ng pagdurusa sa mga tagatangging
sumampalataya at mga suwail at nagturing siya na
iyon ay bahagi ng kawalang-kapararakan.
Nagsagawa siya ng paglilihis ng mga tekstong
pangkapahayagan at paglalagay ng mga ito sa hindi
kinalalagyan ng mga ito. Nagpakahulugan siya ng mga
ito sa pamamagitan ng idinidikta ng pithaya niya.
Umayaw siya sa mga patunay na pangkapahayagan at
mga
tekstong
tahasang
nagpapatunay
sa
pagkapangkalahatan ng mensahe ni Muḥammad
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa kawalang
pananampalataya ng sinumang nakarinig sa kanya
ngunit hindi sumunod sa kanya, na si Allāh ay hindi
tumatanggap ng iba pa sa Islām bilang relihiyon, at iba
pa riyan mula sa mga tekstong tahas na inayawan niya
upang malinlang sa pamamagitan ng pananalita niya
ang mga mangmang.
Ang ginawa niyang ito ay isang kawalang
pananampalatayang tahasan, isang pagtalikod sa
Islām, at isang pagpapasinungaling kay Allāh
(kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at sa
Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan),
gaya ng pagkakaalam niyon ng sinumang nakabasa ng
usapin mula sa mga alagad ng kaalaman at
pananampalataya.
Ang kinakailangan sa nakatalaga sa tungkulin ay
ang pagsampa ng kaso niya sa hukuman para sa
2
paghiling ng pagbabalik-loob niya at paghatol sa
kanya ayon sa hinihiling ng dinalisay na batas.
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas
Siya) ay naglinaw nga ng pagkapangkalahatan ng
mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) at pagkakinakailangan ng pagsunod sa
kanya ng lahat ng mga jinn at mga tao. Iyon ay hindi
nalilingid sa sinumang may pinakamababang taglay
na kaalaman kabilang sa mga Muslim.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
{Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni
Allāh sa inyo nang lahatan, na ukol sa Kanya ang
paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi
Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan
Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo
Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya
kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa
kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.”}
(Qur'ān 7:158) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
{Ikinasi sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala
ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito.} (Qur'ān
6:19) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
{Sabihin mo: “Kung kayo ay umiibig kay Allāh,
sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at
magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala
ninyo.} (Qur'ān 3:31) Nagsabi pa Siya (napakataas
Siya):
{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām
bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa
kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga
lugi.} (Qur'ān 3:85) Nagsabi pa Siya (napakataas
Siya):
{Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan
para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak
at bilang mapagbabala,} (Qur'ān 34:28) Nagsabi pa
Siya (napakataas Siya):
{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para
sa mga nilalang.} (Qur'ān 21:107) Nagsabi pa Siya
(napakataas Siya):
{Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga
iliterato: “Nagpasakop ba kayo?” Kung nagpasakop
sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila,
tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay
4
Nakakikita sa mga lingkod.} (Qur'ān 3:20) Nagsabi pa
Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
{Napakamapagpala ang nagbaba ng pamantayan
sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay
maging isang mapagbabala,} (Qur'ā n 25:1)
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām
Muslim ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
ay nagsabi: "Binigyan ako ng limang hindi binigyan
ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa
pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa
layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa
akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang
pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa
Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya,
ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang
hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan
ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala
sa kalipunan niya sa partikular samantalang
ipinadala ako sa mga tao sa pangkalahatan."}
Ito ay isang paglilinaw na tahasan dahil sa
pagkapangkalahatan at pagkasaklaw ng mensahe ng
Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh
at pangalagaan) sa lahat ng mga tao, na ito ay
nagpawalang-bisa sa lahat ng mga naunang batas, at
na ang sinumang hindi sumunod kay Muḥammad
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi
tumalima sa kanya, iyon ay isang tagatangging
5
sumampalataya na tagasuway na karapat-dapat sa
parusa ni Allāh. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
{Ang sinumang tumangging sumampalataya rito
kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa
kanya.} (Qur'ān 11:17) Nagsabi pa Siya (napakataas
Siya):
{Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos
niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o
may tumama sa kanila na isang pagdurusang
masakit.} (Qur'ān 24:63) Nagsabi pa Siya (napakataas
Siya):
{Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo
Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay
magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at
ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.}
(Qur'ān 4:14) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
sinumang magpapalit ng kawalang
pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis
nga palayo sa katumpakan ng landas.} (Qur'ān 2:108)
Ang mga talata [ng Qur'ān] kaugnay sa kahulugang ito
ay marami.
6
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-ugnay ng
pagtalima sa Sugo (basbasan Niya ito at pangalagaan)
sa pagtalima sa Kanya. Naglinaw Siya na ang
sinumang naniwala sa iba pa sa Islām, ito ay lugi.
Walang tatanggapin mula rito na isang tungkuling
pagsamba ni isang kusang-loob na pagsamba
sapagkat nagsabi Siya:
{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām
bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa
kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga
lugi.} (Qur'ān 3:85) Nagsabi pa Siya (napakataas
Siya):
{Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima
nga kay Allāh.} (Qur'ān 4:80) Nagsabi pa Siya
(napakataas Siya):
{Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allāh at
tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tatalikod kayo,
tanging kailangan sa kanya ang ipinapasan sa kanya
at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo. Kung
tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo.}
(Qur'ā n 24:54) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
{Tunay na ang mga tumangging sumampalataya
kabilang
sa mga May Kasulatan at mga
tagapagtambal ay magiging nasa Apoy ng Impiyerno
bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang
pinakamasama sa sangkinapal.} (Qur'ān 98:6)
Nagsalaysay si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya na ang
Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
ay nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa
ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang
nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa
Kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano,
pagkatapos
namatay iyon habang hindi
sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon
ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa
Impiyerno."
Naglinaw nga ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan) sa gawa niya at sabi niya ng
kawalang-saysay ng relihiyon ng sinumang hindi
pumasok
sa
Relihiyong
Islām
sapagkat
nakipagdigmaan siya sa mga Hudyo at mga Kristiyano
kung paanong nakipagdigmaan siya sa iba pa sa
kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya
at tumanggap siya mula sa nagbigay sa kanya
kabilang sa kanila ng jizyah nang sa gayon hindi sila
pumigil sa pag-abot ng paanyaya sa natitira sa kanila
nang sa gayon pumasok sa Islām ang sinumang
nagnais kabilang sa kanila nang walang pangamba sa
8
mga kalipi nito na bumalakid sa kanya o pumigil sa
kanya o pumatay sa kanya.
Nagsalaysay nga sina Imām Al-Bukhārīy at Imām
Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa
kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nasa
masjid, lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Humayo kayo sa
mga Hudyo." Kaya lumisan kami kasama niya
hanggang sa dumating kami sa Bet Midrash.
Tumindig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) saka nanawagan sa kanila saka
nagsabi siya: "O katipunan ng mga Hudyo, umanib
kayo sa Islām, maliligtas kayo." Kaya nagsabi sila:
"Nakapagpaabot ka na, O Ama ni Al-Qāsim." Kaya
nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan): "Iyon ay ninanais ko; umanib
kayo sa Islām, maliligtas kayo." Kaya nagsabi sila:
"Nakapagpaabot ka na, O Ama ni Al-Qāsim." Kaya
nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan): "Iyon ay ninanais ko"
Pagkatapos nagsabi siya nito sa ikatlong
pagkakataon.}1 Teksto ng hadith.
Ang tinutukoy ay na siya (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) ay pumunta sa mga may relihiyon
kabilang sa mga Hudyo sa Bet Midrash nila saka nag
anyaya sa kanila tungo sa Islām at nagsabi sa kanila:
"Umanib kayo sa Islām, maliligtas kayo." Inulit-ulit
niya ito sa kanila.
1Bahay ng pag-aaral o paaralan ng mga Hudyo.
9
Gayundin, nagpadala siya ng sulat niya kay
Heraclius, na nag-aanyaya roon tungo sa Islām at
nagpapabatid doon na kung tatanggi iyon, maaatang
sa kanya ang kasalanan ng mga tumanggi sa Islām
dahilan sa pagtanggi rito. Nagsalaysay nga sina Imām
Al-Bukhārīy at Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ nilang dalawa
na si Heraclius ay nagpatawag ng sulat ng Sugo ni
Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka
nagbasa nito saka nasaad dito: "Sa ngalan ni Allāh,
ang Napakamaawain, ang Maawain. Mula kay
Muḥammad na Sugo ni Allāh tungo kay Heraclius na
Dakila ng Bizancio. Kapayapaan ay ukol sa sinumang
sumunod sa patnubay. Sa pagsisimula, tunay na ako
ay nag-aanyaya sa iyo sa pamamagitan ng paanyaya
ng Islām. Umanib ka sa Islām, maliligtas ka:
magbibigay sa iyo si Allāh ng pabuya sa iyo nang
dalawang ulit; ngunit kung tatalikod ka, tunay na sa
iyo ang kasalanan ng mga tagabukid. At
{Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa
isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo:
na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo
magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa
ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa
kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin
ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}"
(Qur'ān 3:64)
10
Pagkatapos noong umayaw sila at tumanggi sila sa
pagpasok sa Islām, nakipaglaban sa kanila siya
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga
Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) at
isinatungkulin niya sa kanila ang jizyah.
Para sa pagbibigay-diin sa pagkaligaw nila at na sila
ay nasa isang relihiyong walang-saysay matapos ng
pagkapawalang-bisa nito ng Relihiyon ni Muḥammad
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nag-utos si
Allāh sa Muslim na humiling kay Allāh sa bawat araw,
sa
bawat dasal, at sa bawat pagyukod na
magpatnubay sa kanya sa landasing tuwid na tumpak
na tinatanggap, ang Islām; na magpaiwas sa kanya sa
daan ng mga kinagalitan, ang mga Hudyo at ang mga
kawangis nila na nakaaalam na sila ay nasa
kabulaanan at nagpupumilit doon; na magpaiwas sa
kanya
nagpapakamananamba nang walang kaalaman at
nag-aakala na sila ay nasa isang daan ng patnubay
samantalang sila ay nasa daan ng kaligawan, ang mga
Kristiyano at ang mga nakiwangis sa kanila kabilang
sa mga iba pang kalipunan nagpapakamananamba sa
pagkaligaw at kamangmangan. Ang lahat ng iyon ay
upang makaalam ang Muslim ng kaalaman ng
katiyakan na ang bawat relihiyong iba pa sa Islām ay
kabulaanan
at
na ang bawat sinumang
nagpapakamananamba kay Allāh ayon sa iba pa sa
Islām ay ligaw. Ang sinumang hindi naniniwala roon
ay hindi kabilang sa mga Muslim. Ang mga patunay sa
paksang ito ay marami mula sa Qur'ān at Sunnah.
11
Kaya ang kinakailangan sa may-akda ng artikulong
ito na si `Abdulfattāḥ ay na magdali-dali siya sa tapat
na pagbabalik-loob at na magsulat siya ng isang
artikulong nagpapahayag dito ng pagbabalik-loob
niya. Ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh ng isang
tapat na pagbabalik-loob, tatanggap si Allāh sa kanya
ng pagbabalik-loob batay sa sabi ni Allāh
(kaluwalhatian sa Kanya):
{Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga
mananampalataya, nang sa gayon kayo ay
magtatagumpay.} (Qur'ān 24:31) Ang sabi pa Niya
(kaluwalhatian sa Kanya):
{68. [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay
Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng
taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa
karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang
gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan
sa kasalanan:
69. pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa
Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na
hinahamak,
12
70.
maliban sa sinumang nagbalik-loob,
sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos
sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga
gawang maganda ang mga gawang masagwa nila.
Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (Qur'ā n
25:68-70) Batay rin sa sabi ng Propeta (basbasan siya
ni Allāh at pangalagaan): "Ang Islām ay nagwawasak
ng anumang bago nito. Ang pagbabalik-loob ay
nagwawasak ng anumang bago nito." Ang sabi pa
niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang
nagbalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng
sinumang walang pagkakasala sa kanya."
Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa
kahulugang ito ay marami.
Humihiling ako kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya
at napakataas Siya) na ipakita Niya sa atin ang
katotohanan bilang katotohanan at itustos Niya sa
atin ang pagsunod doon; na ipakita Niya sa atin ang
kabulaanan bilang kabulaanan at itustos Niya sa atin
ang pag-iwas doon; na ipagmagandang-loob Niya sa
atin, sa manunulat na si `Abdulfattāḥ, at sa lahat ng
mga Muslim ang tapat na pagbabalik-loob; na
kupkupin Niya tayo sa kalahatan laban sa mga
panliligaw ng mga sigalot at pagtalima sa pithaya at
demonyo; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at
ang Nakakakaya niyon.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta
nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga
Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila
13
sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng
Pagtutumbas.
14