Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?
Ako ba ay nasa tamang daan?
Sino ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga dakilang nilikha na hindi natatalos.
Sino ang gumawa ng eksaktong mahusay na sistemang ito sa langit at lupa?
Sino ang lumikha ng tao, nagkaloob dito ng paningin at isip, at gumawa rito na nakakakaya sa pagkamit ng mga kaalaman at pagtalos ng mga katotohanan?
Sino ang nagpasimula ng eksaktong pagyaring ito sa mga bahagi ng katawan mo at nag-anyo sa iyo saka nagpahusay sa anyo mo?
Pagbulay-bulayan mo ang pagkalikha ng mga bagay na buhay ayon sa pagkakaiba-iba ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito, sino ang nagpasimula sa mga ito sa mga aspetong walang hangganan sa mga ito?
Papaanong naoorganisa at napatatatag ang Sansinukob na ito kalakip ng mga batas nito na nagkokontrol dito sa isang eksaktong pagkontrol sa paglipas ng mga taon?
Sino ang naglagay ng mga sistemang namamahala sa Daigdig na ito: ng buhay at kamatayan, pag-anak ng mga buhay, gabi at araw, pag-iiba ng mga panahon, at iba pa?
Nilikha ba ng Sansinukob na ito ang sarili nito? O dumating ito mula sa wala? O umiral ito dala ng isang pagkakataon? Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ (٣٥)أَمْ خَلَقُوا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بَلْ لَا يُوقِنُونَ﴾{35. O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?36. O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.}(Qur'ān 52:35-36)
Kaya kung hindi natin nilikha ang mga sarili natin at isang kaimposiblehan na tayo ay dumating mula sa wala o pagkakataon lamang, samakatuwid ang totoo na walang pag-aalinlangan dito ay na ang Sansinukob na ito ay kailangan na may isang dakilang nakakakayang tagalikha yayamang nagiging imposible na ang Sansinukob na ito ay lumikha ng sarili nito o dumating mula sa wala o dumating dahil sa isang pagkakataon!
Bakit sumasampalataya ang tao sa kairalan ng mga bagay na hindi niya nakikita, tulad ng pagkatalos, isip, kaluluwa, mga damdamin, at pag-ibig? Hindi kaya dahil siya ay nakakikita ng mga epekto ng mga ito? Kaya papaanong magkakaila ang tao sa kairalan ng isang Tagalikha ng dakilang Sansinukob na ito samantalang siya ay nakakikita sa mga epekto ng mga nilikha, pagkagawa, at awa ng Tagalikha?
Hindi tatanggapin ng isang nakapag-uunawa na sabihin sa kanya na ang bahay na ito ay dumating nang hindi ipinatayo ng isa o sabihin sa kanya na ang wala ay ang nagpairal sa bahay na ito. Kaya papaanong naniniwala ang ilan sa mga tao sa nagsasabing ang dakilang Sansinukob na ito ay dumating nang walang tagalikha? Papaanong natatanggap ng isang nakapag-uunawa na sabihin sa kanya na ang pagkakawastong eksakto ng Sansinukob ay dumating dala ng isang pagkakataon?
Ang lahat ng ito ay nagpapahantong sa atin sa iisang resulta: na ang Sansinukob na ito ay may isang Panginoon na Dakila na Tagapangasiwa rito, na Siya – tanging Siya – ay ang karapat-dapat sa pagsamba, at na ang bawat sinasamba bukod pa sa Kanya ay walang-kabuluhan ang pagsamba at ito ay hindi nagiging karapat-dapat na sambahin.
Ang Panginoong Tagalikhang Dakila
Mayroong isang Panginoong Tagalikha. Siya ang Tagapagmay-ari, ang Tagapangasiwa, ang Tagapagtustos na nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Siya ang lumikha ng lupa, nagpasunud-sunuran nito, at gumawa nito bilang naaangkop para sa mga nilikha Niya. Siya ang lumikha ng mga langit at anumang nasa mga ito na mga dakilang nilikha at gumawa para sa araw, buwan, gabi, at maghapon nitong kawastuhang eksakto na nagpapatunay sa kadakilaan Niya.
Siya ang nagpasilbi para sa atin ng hangin na walang buhay sa atin nang wala ito. Siya ang nagpapababa sa atin ng mga ulan at nagpasilbi para sa atin ng mga dagat at mga ilog. Siya ang nagbibigay-sustansiya sa atin at nag-iingat sa atin habang tayo ay mga fetus pa sa mga tiyan ng mga ina natin noong hindi pa tayo magkaroon ng lakas. Siya ang nagpadaloy ng mga dugo sa mga ugat natin mula sa pagkapanganak sa atin hanggang sa mamatay tayo.
Ang Panginoong Tagalikhang Tagapagtustos na ito ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya!
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَى عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾{Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.}(Qur'ān 7:54)
Si Allāh ay ang Panginoong Tagalikha ng bawat anumang nasa Sansinukob kabilang sa nakikita natin at kabilang sa hindi natin nakikita. Ang bawat iba sa Kanya ay isang nilikha kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya – at na hindi sambahin kasama sa Kanya ang isa sa mga iba pa sa Kanya. Walang ukol sa Kanya na isang katambal sa paghahari Niya o paglikha Niya o pangangasiwa Niya o pagsamba sa Kanya.
Kung sakaling nagpalagay tayo ng isang argumento na may mga iba pang diyos kasama ng Panginoon (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya), talaga sanang nasira ang Sansinukob dahil hindi naaangkop na mangasiwa sa nauukol sa Sansinukob ang dalawang diyos nang sabay. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):{لَوْ كَانَ فِيهِمَا آلِهَةٌ إِلَّا اللَّهُ لَفَسَدَتَا}{Kung sakaling sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito.}(Qur'ān 21:22)
Ang mga Katangian ng Panginoong Tagalikha
Ang Panginoon – kaluwalhatian sa Kanya – ay may mga pangalang pinakamagaganda na hindi naiisa-isa at may mga katangiang pinakamatataas na marami at dakila, na nagpapatunay sa kalubusan Niya. Kabilang sa mga pangalan niya ay Al-Khāliq (Ang Tagalikha), "Allāh" na ang kahulugan ay ang dinidiyos na karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ang Ḥayy (Buháy), ang Qayyūm (Mapagpanatili), ang Raḥīm (Maawain), ang Rāziq (Tagapagtustos), at ang Karīm (Mapagbigay).
Nagsabi si Allāh sa Marangal na Qur'ān:﴿اللَّهُ لا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ لا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلا نَوْمٌ لَهُ مَا فِي السَّمَوَاتِ وَمَا فِي الأَرْضِ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَوَاتِ وَالأَرْضَ وَلا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ﴾{Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.}(Qur'ān 2:255)
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ (١)اللَّهُ الصَّمَدُ (٢)لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ (٣)وَلَمْ يَكُنْ لَهُ كُفُوًا أَحَدٌ﴾{1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."}(Qur'ān 112:1-4)
Ang Panginoong Sinasamba ay Nailalarawan sa mga Katangian ng Kalubusan
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ay ang dinidiyos na sinasamba. Ang anumang iba sa Kanya, ito ay nilikhang naaatangan, nauutusan at nasusupil.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ang Buháy, ang Mapagpanatili. Ang bawat buháy sa kairalan ay si Allāh ang nagbigay-buhay rito at nagpairal dito mula sa wala. Siya ang tagapanatili rito sa kairalan nito, panustos dito, at pagbibigay-kasapatan dito. Ang Panginoon ay Buháy na hindi namamatay – at imposible sa kanya ang pagkalipol – na Mapagpanatiling hindi natutulog; bagkus walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ang Maalam na walang naikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ang Madinigin, ang Nakakikita na nakaririnig ng bawat bagay at nakakikita ng bawat nilikha. Nalalaman Niya ang isinusulsol ng mga sarili at ikinukubli ng mga dibdib. Walang naikukubli sa Kanya na anuman – kaluwalhatian sa Kanya – sa lupa ni sa langit.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ang May-kakayahan na hindi napahihina ng anuman at hindi natututulan ng isa man ang pagnanais Niya. Gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya, pumipigil Siya ng anumang niloloob Niya, nag-uuna Siya, at naghuhuli Siya. Sa Kanya ang masidhing karunungan.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagatustos, ang Tagapangasiwa na lumikha ng nilikha at nangasiwa rito. Ang mga nilikha ay nasa paghawak Niya at nasa ilalim ng pagsupil Niya.
Kabilang sa mga katangian Niya na Siya ay ang sumasagot sa nagigipit, sumasaklolo sa naliligalig, at pumapawi sa mga dalamhati. Ang bawat nilikha, kapag nasadlak ito sa dalamhati o panlulumo, ay napipilitang dumulog sa Kanya.
Ang pagsamba ay hindi nagiging ukol kundi kay Allāh sapagkat Siya ang karapat-dapat dito – tanging Siya – hindi ang iba sa Kanya. Ang bawat sinamba bukod pa sa Kanya, ito ay sinasamba ayon sa walang-kabuluhan. Ito ay nagkukulang at nasasalang sa kamatayan at pagkalipol.
Nagtustos sa atin si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ng mga isip na nakatatalos ng isang bahagi mula sa kadakilaan Niya. Nagkintal Siya sa atin ng naturalesang umiibig sa kabutihan at nasusuklam sa kasamaan. Napapanatag ito kapag dumulog kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang naturalesang ito ay nagpapatunay sa kalubusan Niya at na Siya ay hindi maaaring mailarawan sa pagkakaroon ng kakulangan – kaluwalhatian sa Kanya.
Hindi naaangkop sa nakapag-uunawa na sumamba kundi sa Lubos kaya papaano siyang sumasamba sa isang nilikha na nagkukulang o higit na mababa kaysa sa kanya!
Ang sinasamba ay hindi maaari na maging isang tao o isang anito o isang puno o isang hayop!
Ang Panginoon ay nasa ibabaw ng mga langit Niya, na nakaluklok sa trono Niya, na nakahiwalay sa nilikha Niya. Sa sarili Niya ay walang anumang mula sa mga nilikha Niya at sa mga nilikha Niya ay walang anuman mula sa sarili Niya. Hindi Siya sumasanib at hindi Siya nagsasakatawan sa anuman sa nilikha Niya.
Ang Panginoon ay walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita. Wala Siyang kapantay na isa man. Siya ang Walang-pangangailangan sa nilikha Niya. Hindi Siya natutulog at hindi Siya kumakain ng pagkain. Siya ay Dakila na hindi maaaring magkaroon ng asawa o anak. Ang Tagalikha ay may mga katangian ng kadakilaan at hindi maaari magpakailanman na mailarawan sa pagkakaroon ng pangangailangan o kakulangan.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٌ فَاسْتَمِعُوا لَهُ إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَنْ يَخْلُقُوا ذُبَابًا وَلَوِ اجْتَمَعُوا لَهُ وَإِنْ يَسْلُبْهُمُ الذُّبَابُ شَيْئًا لَا يَسْتَنْقِذُوهُ مِنْهُ ضَعُفَ الطَّالِبُ وَالْمَطْلُوبُ (٧٣)مَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ﴾{73. O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.74. Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.}(Qur'ān :73-74)
Bakit tayo nilikha ng Dakilang Tagalikhang ito? Ano ang ninanais Niya sa atin?
Maiisip kaya na si Allāh ay lumikha sa lahat ng mga nilikhang ito nang walang layon? Lumikha kaya Siya ng mga ito nang walang layon samantalang Siya ang Marunong, ang Dakila?
Maiisip kaya na ang lumikha sa atin sa ganitong kawastuhan at kahusayan at nagpasilbi para sa atin ng nasa mga langit at lupa ay lumikha sa atin nang walang layon o nag-iwan sa atin nang walang sagot sa pinakamahalaga sa mga tanong na umaabala sa atin tulad ng kung bakit tayo narito, ano ang mangyayari matapos ng kamatayan, at ano ang layon sa paglikha sa atin?
Maiisip kaya na hindi magkaroon ng parusa sa mga tagalabag sa katarungan ni ng kabayaran sa mga tagagawa ng maganda?
Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):﴿أَفَحَسِبْتُمْ أَنَّمَا خَلَقْنَاكُمْ عَبَثًا وَأَنَّكُمْ إِلَيْنَا لَا تُرْجَعُونَ﴾{Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?}(Qur'ān 23:115)
Bagkus nagsugo si Allāh ng mga sugo upang makaalam tayo sa layon ng pag-iral natin. Gumabay Siya sa atin kung papaano tayong sasamba sa Kanya at magpapakalapit-loob sa Kanya, kung ano ang ninanais Niya sa atin, at kung papaano tayong magtatamo ng pagkalugod Niya. Nagpabatid Siya sa atin tungkol sa kahahantungan natin matapos ng kamatayan.
Si Allāh ay nagsugo ng mga sugo upang magpabatid sila sa atin na Siya – tanging Siya – ang karapat-dapat sa pagsamba, upang makaalam tayo kung papaanong sasambahin Siya, at upang magpaabot sila sa atin ng mga ipinag-uutos ni Allāh at mga sinasaway Niya at magturo sila sa atin ng mga mainam na pinahahalagahan (value), na kung susundin natin ay magiging kaaya-aya ang buhay natin, na paghaharian ng mga kabutihan at mga pagpapala.
Nagsugo nga si Allāh ng maraming sugo, tulad nina Noe, Abraham, Moises, at Jesus. Nag-ayuda si Allāh sa kanila ng mga tanda at mga himala na nagpapatunay sa katapatan nila at na sila ay mga isinugo mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagpabatid nga sa atin ang mga sugo nang buong kaliwanagan na ang buhay na ito ay isang pagsubok at na ang buhay na tunay ay mangyayari matapos ng kamatayan.
Nagpabatid ang mga sugo na mayroong Paraiso para sa mga mananampalataya na sumamba kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at sumampalataya sa lahat ng mga sugo, at mayroong Impiyerno na inihanda ni Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya na sumamba sa mga iba pang diyos kasama kay Allāh o tumangging sumampalataya sa alinmang sugo kabilang sa mga sugo ni Allāh.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي فَمَنِ اتَّقَى وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ (٣٥)وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾{35. O mga anak ni Adan, kung may pupunta nga naman sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na nagsasalaysay sa inyo ng mga tanda Ko, ang mga nangilag magkasala at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.36. Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at nagmalaki sa mga ito, ang mga iyon ay mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.}(Qur'ān 7:35-36)
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ اعْبُدُوا رَبَّكُمُ الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ (٢١)الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ فِرَاشًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ فَلَا تَجْعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ (٢٢)وَإِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِمَّا نَزَّلْنَا عَلَى عَبْدِنَا فَأْتُوا بِسُورَةٍ مِنْ مِثْلِهِ وَادْعُوا شُهَدَاءَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ (٢٣)فَإِنْ لَمْ تَفْعَلُوا وَلَنْ تَفْعَلُوا فَاتَّقُوا النَّارَ الَّتِي وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ أُعِدَّتْ لِلْكَافِرِينَ (٢٤)وَبَشِّرِ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ كُلَّمَا رُزِقُوا مِنْهَا مِنْ ثَمَرَةٍ رِزْقًا قَالُوا هَذَا الَّذِي رُزِقْنَا مِنْ قَبْلُ وَأُتُوا بِهِ مُتَشَابِهًا وَلَهُمْ فِيهَا أَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ وَهُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾{21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,22. na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.23. Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat.24. Ngunit kung hindi kayo nakagawa – at hindi kayo makagagawa – ay mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya.25. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila mula sa mga ito ng bunga bilang panustos ay nagsasabi sila: "Ito ay ang itinustos sa amin bago pa niyan." Bibigyan sila nito na nagkakawangisan. Ukol sa kanila roon ay mga asawang dinalisay at sila ay doon mga mananatili.}(Qur'ān 2:21-25)
Bakit dumami ang mga sugo?
Talaga ngang nagsugo si Allāh ng mga sugo Niya sa mga kalipunan. Kaya walang anumang kalipunan malibang nagsugo nga si Allāh doon ng isang sugo upang mag-anyaya sa kanila sa pagsamba sa Panginoon nila at magpaabot sa kanila ng mga ipinag-uutos Nito at mga sinasaway Nito. Ang layon ng pag-aanyaya nila sa kalahatan ay ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya: kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Sa tuwing nagsimula ang isang anumang kalipunan sa pagwaksi o pagbaluktot sa inihatid ng sugo nito na utos ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, nagtatalaga si Allāh ng iba pang sugo upang magtumpak sa landasin at magpanumbalik sa mga tao sa matinong naturalesa ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya.
Ganito hanggang sa winakasan ni Allāh ang mga sugo sa pamamagitan ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na naghatid ng Relihiyong Lubos at Batas na Mamamalagi, na pangkalahatan para sa lahat ng mga tao hanggang sa Araw ng Pagbangon, ang tagapaglubos at ang tagapagpawalang-bisa sa bago nito na mga batas. Ginarantiyahan ng Panginoon para sa Relihiyong ito ang pananatili at ang pamamalagi hanggang sa Araw ng Pagbangon.
Ang tao ay hindi magiging isang mananampalataya hanggang sa sumampalataya siya sa lahat ng mga sugo.
Si Allāh ay ang nagsugo sa mga sugo at nag-utos sa lahat ng nilikha Niya ng pagtalima sa kanila. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa pagkasugo ng isa sa kanila, tumanggi nga siyang sumampalataya sa lahat. Kaya naman walang pagkakasalang higit na mabigat kaysa sa pagtanggi ng tao kay Allāh ng pagsisiwalat Niya. Kaya naman kailangan para sa pagpasok sa Paraiso ng pananampalataya sa lahat ng mga sugo.
Ang kinakailangan sa bawat isa sa panahong ito ay sumampalataya kay Allāh at sa lahat ng mga sugo ni Allāh at sumampalataya sa Huling Araw. Hindi mangyayari iyon malibang sumampalataya at sumunod sa kahuli-hulihan sa kanila at pangwakas sa kanila, si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). ang inayudahan ng himalang mamamalagi, ang Marangal na Qur'ān na naggarantiya si Allāh ng pag-iingat nito hanggang sa magmamana Siya sa lupa at sinumang nasa ibabaw nito.
Bumanggit si Allāh sa Marangal na Qur'ān na ang sinumang tumanggi sa pananampalataya sa alinmang sugo kabilang sa mga sugo ni Allāh ay tagatangging sumampalataya kay Allāh at tagapagpasinungaling sa pagsisiwalat Niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿إِنَّ الَّذِينَ يَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيُرِيدُونَ أَنْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ اللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيَقُولُونَ نُؤْمِنُ بِبَعْضٍ وَنَكْفُرُ بِبَعْضٍ وَيُرِيدُونَ أَنْ يَتَّخِذُوا بَيْنَ ذَلِكَ سَبِيلًا (١٥٠)أُولَئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ حَقًّا وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا﴾{150. Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, nagnanais na magtangi-tangi sa pagitan ni Allāh at ng mga sugo Niya, nagsasabi: "Sumasampalataya kami sa ilan at tumatanggi kaming sumampalataya sa iba pa," at nagnanais na gumawa sa pagitan niyon ng isang landas [ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya],151. ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.}(Qur'ān 4:150-151)
Dahil doon, tayong mga Muslim ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, gaya ng ipinag-utos ni Allāh, at sumasampalataya tayo sa lahat ng mga sugo at mga naunang kasulatan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿آمَنَ الرَّسُولُ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مِنْ رَبِّهِ وَالْمُؤْمِنُونَ كُلٌّ آمَنَ بِاللَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْ رُسُلِهِ وَقَالُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا غُفْرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيْكَ الْمَصِيرُ﴾{Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."}(Qur'ān 2:285)
Ano ang Marangal na Qur'ān?
Ang Marangal na Qur'ān ay ang Salita ni Allāh at ang pagsisiwalat Niya na pinababa Niya sa kahuli-hulihan sa mga sugo, si Muḥammad. Ang Qur'ān ang pinakadakilang himala na nagpapatunay sa katapatan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Marangal na Qur'ān ay ang totoo sa mga patakaran nito at ang tapat sa mga pabatid nito.Humamon nga si Allāh sa kanila na maglahad ng iisang kabanatang tulad nito ngunit nawalang-kakayahan sila roon dahil sa kadakilaan ng napaloloob dito at kasaklawan ng nilalaman nito para sa bawat nauugnay sa tao sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay. Naglaman nga ito ng lahat ng mga katotohanang pampananampalataya na kinakailangan ang pananampalataya sa mga ito.Naglaman din ito ng mga ipinag-uutos at mga sinasaway na kinakailangan na tumahak sa mga ito ang tao kaugnay sa pagitan niya at ng Panginoon niya o pagitan niya at ng sarili niya o pagitan niya at ng nalalabi sa mga nilikha. Ang lahat ng iyon ay sa isang mataas na istilo ng retorika at paglilinaw.Naglaman nga ito ng marami sa mga patunay ng pang-isip at mga katotohanang pangkaalaman na nagpapatunay na ang Aklat na ito ay hindi maaaring mula sa gawa ng tao, bagkus ito ay Salita ng Panginoon ng tao –kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya.
Ano ang Islām?
Ang islam ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, ang pagsunod sa Batas Niya nang may pagkalugod at pagtanggap, at ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa sa Kanya.
Isinugo nga ni Allāh ang mga sugo nang may iisang mensahe: ang pag-aanyaya tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa kay Allāh.
Ang Islām ay ang relihiyon ng lahat ng mga propeta sapagkat ang paanyaya nila ay iisa bagamat ang mga batas nila ay nagkakaiba-iba. Ang mga Muslim sa ngayon ay ang mga natatanging kumakapit sa tumpak na relihiyon na inihatid ng lahat ng mga propeta. Ang mensahe ng Islām sa panahong ito ay ang totoo. Ito ang mensaheng pangwakas mula sa Tagalikha ng Sangkatauhan.Ang Panginoon na nagsugo kina Abraham, Moises, at Jesus (sumakanila ang pangangalaga) ay ang nagsugo sa Pangwakas sa mga sugo, si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dumating nga ang Batas ng Islām bilang tagapagpawalang-bisa sa bago nito na mga batas.
Tunay na ang lahat ng mga relihiyon na ipinansasamba ng mga tao sa ngayon – maliban sa Islām – ay mga relihiyon na gawa ng mga tao o mga relihiyong makadiyos dati pagkatapos kinalikot ang mga ito ng kamay ng tao kaya naging isang pinaghalu-halo mula sa tambak na pangkatha-katha, mga alamat na minana-mana, at mga pagpupunyaging pantao.
Hinggil naman sa Relihiyon ng mga Muslim, ito ay iisang relihiyong maliwanag, na hindi nag-iiba-iba, kung paano na ang mga pagsamba nila na ipinansasamba nila kay Allāh ay iisa, sapagkat lahat sila ay nagdarasal ng limang dasal, nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, nag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Pagbulay-bulayan mo ang konstitusyon nila, ang Marangal na Qur'ān. Ito ay iisang aklat sa lahat ng mga bayan. Nagsabi si Allāh:﴿ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗاۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ فِي مَخۡمَصَةٍ غَيۡرَ مُتَجَانِفٖ لِّإِثۡمٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ﴾{Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. Ngunit ang sinumang napilitan dahil sa kagutuman, nang hindi nagkakahilig sa pagkakasala, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.}(Qur'ān 5:3)
Nagsabi pa si Allāh sa Qur'ān:﴿قُلْ آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ عَلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَالنَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ (٨٤)وَمَنْ يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾{84. Sabihin mo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, sa anumang pinababa kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa anumang ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."85. Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}(Qur'ān 3:84-85)
Ang Relihiyong Islām ay isang metodong sumasaklaw sa buhay, na nakikisang-ayon sa naturalesa at isip at tinatanggap ng mga matinong kaluluwa. Nagsabatas nito ang Tagalikhang Dakila para sa nilikha Niya. Ito ay Relihiyon ng kabutihan at kaligayahan para sa mga tao sa kalahatan sa Mundo at Kabilang-buhay. Hindi ito nagtatangi ng isang lahi higit sa isang lahi ni sa isang kulay higit sa isang kulay. Ang mga tao rito ay magkakapantay. Hindi natatangi ang isa sa Islām higit sa iba sa kanya maliban sa balor ng maayos na gawa niya.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):(مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةٗ طَيِّبَةٗۖ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ){Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}(Qur'ān 16:97)
Ang Islām ay ang Daan ng Kaligayahan.
Ang Islām ay Relihiyon ng lahat ng mga propeta. Ito ay Relihiyon ni Allāh para sa lahat ng mga tao at hindi isang relihiyong natatangi sa mga Arabe.
Ang Islām ay ang daan ng tunay na kaligayahan sa Mundo at ng palagihang kaginhawahan sa Kabilang-buhay.
Ang Islām ay ang kaisa-isahang relihiyong nakatutugon sa mga pangangailangan ng kaluluwa at katawan at sa paglutas sa lahat ng mga pantaong suliranin. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿قَالَ اهْبِطَا مِنْهَا جَمِيعًا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ مِنِّي هُدًى فَمَنِ اتَّبَعَ هُدَايَ فَلا يَضِلُّ وَلا يَشْقَى (123)وَمَنْ أَعْرَضَ عَنْ ذِكْرِي فَإِنَّ لَهُ مَعِيشَةً ضَنْكًا وَنَحْشُرُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَعْمَى﴾{123. Nagsabi Siya: "Lumapag kayong dalawa mula rito nang lahatan. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay;124. at ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag."}(Qur'ān :123-124)
Ano ang mapapala ko sa pagpasok sa Islām?
Ang pagpasok sa Islām ay may mga dakilang mapapala, na kabilang sa mga ito:
- Ang pananagumpay at ang karangalan sa Mundo dahil sa pagiging ang tao ay isang lingkod ni Allāh, dahil kung hindi, siya ay naging isang lingkod ng pithaya, demonyo, at mga pagnanasa.
- Ang pagtamo sa Kabilang-buhay ay sa pamamagitan ng pagpapatawad ni Allāh sa kanya. pagdapo sa kanya ng pagkalugod ni Allāh, pagpapasok sa kanya ni Allāh sa Paraiso, at pagtamo ng pagkalugod at kaginhawahang mananatili; at pagkaligtas ng tao mula sa pagdurusa sa Impiyerno.
- Na ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon ay maging kasama ng mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Kay tamis bilang kasa-kasama! Ang sinumang hindi sumampalataya, ay magiging kasama ng mga nagpapakadiyos, mga masama, mga salarin, mga tagatiwali.
- Ang mga papapasukin ni Allāh sa Paraiso ay mamumuhay sa kaginhawahang walang-hanggan nang walang kamatayan o karamdaman o sakit o pag-uulyanin o kalungkutan. Tutugunin sa kanila ang mga ibig nila ayon sa lahat ng ninanais nila. Ang mga papasok sa Impiyerno ay magiging nasa isang pagdurusang walang-katapusang mamamalaging hindi napuputol.
- Sa Paraiso ay mayroong mga matatamasa na hindi nakita ng isang mata, hindi narinig ng isang tainga, at hindi sumagi sa isip ng alinmang tao. Kabilang sa mga patunay niyon ang sabi ni Allāh:﴿مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَى وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾{Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}(Qur'ān 16:97)Nagsabi pa si Allāh:﴿فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ﴾{Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.}(Qur'ān 32:17)
Ano ang maiwawala ko kung sakaling tinanggihan ko ang Islām?
Maiwawala ng tao ang pinakadakilang kaalaman at pagkakaalam. Ito ay ang pagkakaalam at ang kaalaman kay Allāh. Maiwawala niya ang pananampalataya kay Allāh na nagkakaloob sa tao ng katiwasayan at kapanatagan sa Mundo at kaginhawahang mananatili sa Kabilang-buhay.
Maiwawala ng tao ang pagkabatid sa pinakadakilang aklat na pinababa ni Allāh sa tao at ang pananampalataya sa Dakilang Aklat na ito.
Maiwawala niya ang pananampalataya sa mga propetang dakila at maiwawala din niya ang pakikisama sa kanila sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon at siya ay magiging kasa-kasama ng mga demonyo, mga salarin, at mga nagdidiyus-diyusan sa apoy ng Impiyerno. Kay saklap ang tahanan at kay saklap ang kapitbahayan!
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿قُلْ إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَلا ذَلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ (15)لَهُمْ مِنْ فَوْقِهِمْ ظُلَلٌ مِنَ النَّارِ وَمِنْ تَحْتِهِمْ ظُلَلٌ ذَلِكَ يُخَوِّفُ اللَّهُ بِهِ عِبَادَهُ يَا عِبَادِ فَاتَّقُونِ﴾{15. Kaya sambahin ninyo ang anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya." Sabihin mo: "Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon." Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw.16. Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng mga kulandong mula sa apoy at mula sa ilalim nila ng mga kulandong. Iyon ay ipinapangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya mangilag kayong magkasala sa Akin."}(Qur'ān 39:15-16)
Ang sinumang nagnais ng kaligtasan sa Kabilang-buhay, kailangan sa kanya na pumasok sa Islām at sumunod kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabilang sa mga katotohanan na nagkaisa sa pagsang-ayon sa mga ito ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay na walang maliligtas sa Kabilang-buhay kundi ang mga Muslim na sumampalataya kay Allāh, hindi nagtambal sa pagsamba sa Kanya ng isa man, at sumampalataya sa lahat ng mga propeta at mga sugo. Kaya ang lahat ng mga tagasunod ng mga isinugo, na mga mananampalataya sa kanila, na mga tagapaniwala sa kanila, ay papasok sa Paraiso at maliligtas mula sa Impiyerno.
Ang mga nasa panahon ni Propeta Moises noon, sumampalataya sa kanya, at sumunod sa mga katuruan niya, ang mga ito ay mga Muslim at mga mananampalataya na matutuwid. Subalit matapos na ipinadala ni Allāh sa Jesus, kinakailangan sa mga tagasunod ni Moises na sumampalataya kay Jesus at sumunod sa kanya.Kaya naman ang mga sumampalataya kay Jesus, ang mga ito ay mga Muslim na maaayos; at ang sinumang tumanggi sa pagsampalataya kay Jesus at nagsabi: "Mananatili ako sa relihiyon ni Moises," ito ay hindi mananampalataya dahil siya ay tumanggi sa pagsampalataya sa isang propetang isinugo ni Allāh.Pagkatapos matapos na ipinadala ni Allāh ang kahuli-hulihan sa mga sugo, si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kinailangan sa lahat na sumampalataya sa kanya. Ang Panginoon ay ang nagsugo kina Moises at Jesus at ang nagsugo sa kahuli-hulihan sa mga sugo na si Muḥammad. Kaya naman ang sinumang tumangging sumampalataya sa pagkasugo ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "Mananatili ako sa pagsunod kay Moises o kay Jesus," ito ay hindi manananampalataya.
Hindi nakasasapat na magsabi ang tao na siya ay gumagalang sa mga Muslim at hindi nakasasapat para sa kaligtasan niya sa Kabilang-buhay na magkawanggawa siya at umalalay sa mga dukha; bagkus kailangan na siya ay maging isang mananampalataya kay Allāh, sa mga kasulatan Nito, mga sugo Nito, at Huling Araw, upang tumanggap si Allāh niyon mula sa kanya sapagkat hindi nagkaroon ng isang pagkakasalang higit na mabigat kaysa sa pagtatambal (shirk) at pagtangging sumampalataya (kufr) kay Allāh, pag-ayaw sa kasi (pagsisiwalat) na pinababa ni Allāh o pagtanggi sa pagkapropeta ng kahuli-hulihan sa mga propeta Niya na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Kaya naman ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano na nakadinig sa pagkapadala kay Muḥammad bilang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tumanggi sa pagsampalataya sa kanya, at tumanggi sa pagpasok sa Relihiyong Islām, sa Impiyerno ay magiging mga mamamalagi roon magpakailanman. Ito ang kahatulan ni Allāh at hindi kahatulan ng isa sa mga tao. Nagsabi si Allāh:﴿إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ أُولَـٰئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّة﴾{Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay magiging nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.}(Qur'ān 98:6)
Yayamang bumaba sa Sangkatauhan ang kahuli-hulihang mensahe mula kay Allāh, kinakailangan sa bawat tao na nakaririnig tungkol sa Islām at nakaririnig tungkol sa mensahe ng Propeta na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumampalataya rito, sumunod sa Batas nito, at tumalima rito sa ipinag-uutos nito at sinasaway nito. Ang sinumang nakaririnig tungkol sa huling mensaheng ito at tumanggi rito, hindi tatanggap si Allāh mula sa kanya ng anuman at magdudulot si Allāh ng pagdurusa sa kanya sa Kabilang-buhay.
Kabilang sa mga patunay niyon ang sabi ni Allāh:﴿وَمَنْ يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}(Qur'ān 3:85)
Nagsabi pa si Allāh:﴿قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَى كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ﴾{Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}(Qur'ān 3:64)
Ano ang nag-oobliga sa akin upang ako ay maging isang Muslim?
Para sa pagpasok sa Islām, kinakailangan ang pananampalataya sa anim na haliging ito:
Ang pananampalataya kay Allāh, na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapangasiwa, ang Tagapagmay-ari, na walang katulad sa Kanya na anuman at wala Siyang asawa at walang anak; na Siya – tanging Siya – ay ang karapat-dapat sa pagsamba; at na maniwala na ang pagsamba sa bawat anumang sinamba bukod pa sa Kanya ay pagsambang walang-kabuluhan.
Ang pananampalataya sa mga anghel, na sila ay mga lingkod ni Allāh, na nilikha Niya mula sa isang liwanag at gumawa na kabilang sa mga gawain nila na sila ay bumababa kalakip ng kasi (pagsisiwalat) sa mga propeta Niya.
Ang pananampalataya sa lahat ng mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga propeta Niya (gaya ng Torah at Ebanghelyo bago ng pagpilipit sa mga ito) at sa kahuli-hulihan sa mga kasulatan, ang Marangal na Qur'ān.
Ang pananampalataya sa lahat ng mga sugo gaya nina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at sa kahuli-hulihan sa kanila na si Muḥammad. Sila ay kabilang sa mga tao. Nag-ayuda si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng kasi (pagsisiwalat). Ibinigay Niya sa kanila ang mga tanda at ang mga himala na nagpapatunay sa katapatan nila.
Ang pananampalataya sa Huling Araw kapag bubuhayin ni Allāh ang mga una at ang mga huli, hahatulan Niya ang nilikha Niya, at papapasukin Niya sa Paraiso ang mga mananampalataya at sa Impiyerno ang mga tagatangging sumampalataya.
Ang pananampalataya sa pagtatakda, na si Allāh ay nakaaalam sa bawat bagay: ang anumang nangyari sa nakaraan at ang anumang mangyayari sa hinaharap; at na si Allāh ay sumulat nga niyon, lumuob niyon, at lumikha ng bawat bagay.
Huwag mong ipagpahuli ang pagpapasya!
Ang Mundo ay hindi tahanan ng pamamalagi ...
Maglalaho mula rito ang bawat karikitan at mapapawi ang bawat pagnanasa ...
Darating ang Araw na tutuusin doon ang tao sa bawat gawang ipinauna niya. Iyon ay ang Araw ng Pagbangon. Nagsabi si Allāh:﴿وَوُضِعَ الْكِتَابُ فَتَرَى الْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَا وَيْلَتَنَا مَالِ هَذَا الْكِتَابِ لاَ يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلاَ كَبِيرَةً إِلاَّ أَحْصَاهَا وَوَجَدُوا مَا عَمِلُوا حَاضِرًا وَلاَ يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا﴾{Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon." Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man.}(Qur'ān 18:49)
Nagpabatid nga si Allāh na ang tao na hindi umaanib sa Islām ay tunay na ang hantungan niya ay ang pamamalagi sa Apoy ng Impiyerno magpakailanman.
Kaya naman ang kalugihan ay hindi magaan; bagkus ito ay mabigat:﴿وَمَن يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَن يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}(Qur'ān 3:85)
Kaya naman ang Islām ay ang relihiyon na hindi tatanggap si Allāh ng iba pa rito kabilang sa mga ibang relihiyon.
Si Allāh ay lumikha sa atin, sa Kanya tayo manunumbalik, at ang Mundong ito ay isang pagsubok para sa atin.
Maging nasa katiyakan ang tao: na ang buhay na ito ay maikli, tulad ng panaginip ... walang isang nakaaalam kung kailan siya mamamatay.
Kaya ano ang magiging sagot niya kapag tinanong siya sa Araw ng Pagbangon: Bakit hindi niya sinunod ang katotohanan at bakit hindi niya sinunod ang pangwakas sa mga propeta?
Ano ang isasagot ng Panginoon mo sa Araw ng Pagbangon? Nagbigay-babala na Siya laban sa mga pagsunod sa kawalang-pananampalataya sa Islām at nagpabatid na Siya sa iyo na ang kahahantungan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang kapahamakan sa Impiyerno magpakailanman.
Nagsabi si Allāh:﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾{Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.}(Qur'ān 2:39)
Walang maidadahi-dahilan para sa sinumang nagwaksi sa totoo at gumaya-gaya sa mga magulang at mga ninuno.
Nagpabatid sa atin si Allāh na marami sa mga tao ay tumatanggi sa pagpasok sa Islām dala ng pangamba sa kapaligirang pinamumuhayan nila.
Marami ang mga tumatanggi sa Islām dahil sa kawalan ng pagkaibig nila sa pagpapaiba sa mga paniniwala nila na minana nila sa mga magulang nila, kinamit nila mula sa mga kapaligiran nila at mga lipunan nila, at nakahiratian nila. Marami sa kanila ang pinipigilan ng panatisismo at bulag na pagsunod sa kabulaanan na minana nila.
Ang mga ito sa kalahatan ay hindi magkakaroon ng maidadahi-dahilan doon. Titindig sila sa harapan ni Allāh nang walang katwiran.
Hindi maidadahi-dahilan para sa ateista na magsabi: "Mananatili ako sa Ateismo dahil ako ay ipinanganak sa isang ateistang pamilya!" Bagkus naoobliga siya na gamitin ang isip na ipinagkaloob ni Allāh sa kanya at magbulay-bulay sa kadakilaan ng mga langit at lupa, at na mag-isip-isip sa pamamagitan ng isip niya na ipinagkaloob sa kanya ng Tagalikha niya upang matalos niya na ang Sansinukob na ito ay may isang Tagalikha.Gayon din ang sinumang sumasamba sa mga bato at mga anito, walang maidadahi-dahilan para sa kanya sa paggaya-gaya sa mga magulang niya; bagkus inoobliga siya na saliksikin ang katotohanan at tanungin ang sarili niya: "Papaano akong sumasamba sa isang bagay na hindi nakaririnig sa akin, hindi nakakikita sa akin, at hindi nagpapakinabang sa akin ng anuman?"
Gayon din ang Kristiyano na sumasampalataya sa mga bagay-bagay na sumasalungat sa naturalesa at isip, inoobliga siya na tanungin ang sarili niya: "Papaanong ukol sa Panginoon na magpabaya sa pagpatay sa anak niya, na hindi nakagawa ng pagkakasala, alang-alang sa pagtubos sa mga kasalanan ng mga ibang tao? Ito ay bahagi ng kawalang-katarungan!" Papaanong ukol sa mga tao na magpako sa krus at pumatay ng anak ng Diyos? Hindi ba ang Diyos ay nakakakaya na magpatawad ng mga kasalanan ng Sangkatauhan nang hindi magpahintulot sa kanila ng pagpatay sa anak niya? Hindi ba ang Diyos ay nakakakaya na magtanggol sa anak Niya?
Kaya ang kinakailangan sa nakapag-uunawa ay na sumunod sa katotohanan at hindi gumaya-gaya sa mga magulang at mga ninuno sa kabulaanan.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا إِلَى مَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَإِلَى الرَّسُولِ قَالُوا حَسْبُنَا مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا أَوَلَوْ كَانَ آبَاؤُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ﴾{Kapag sinabi sa kanila: "Halikayo sa pinababa ni Allāh at sa Sugo" ay nagsasabi sila: "Kasapatan sa amin ang natagpuan namin sa mga magulang namin." Kahit ba noon ang mga magulang nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan?}(Qur'ān 5:104)
Ano ang gagawin ng sinumang nagnanais na umanib sa Islām at nangangamba para sa sarili niya ng perhuwisyo ng mga kamag-anak niya?
Ang sinumang nagnais na umanib sa Islām at natatakot sa kapaligirang nasa palibot niya, maaari sa kanya na umanib sa Islām at magkubli ng pagkaanib niya sa Islām hanggang sa magpadali si Allāh para sa kanya ng isang daan ng kabutihang makapagsasarili siya sa sarili niya at makapaglantad siya ng pagkaanib niya sa Islām.
Kaya bahagi ng kinakailangan sa tao na umanib sa Islām kaagad, subalit hindi kinakailangan sa kanya ang magpabatid sa mga nakapalibot sa kanya ng pagkaanib niya sa Islām, o ang maghayag nito kapag sa paghahayag na iyon ay may kapinsalaan sa kanya.
Alamin mo na ang tao, kung umanib siya sa islam, ay magiging isang kapatid sa milyun-milyong Muslim. Maaari sa kanya ang makipag-ugnayan sa masjid o Islāmic Center sa bayan niya at humiling sa kanila ng payo at tulong sapagkat ikaliligaya nila iyon.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يَجْعَلْ لَهُ مَخْرَجًاوَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لَا يَحْتَسِب﴾{2. ... Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa kagipitan],3. at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. ...}(Qur'ān :2-3)
O marangal na mambabasa,
Hindi ba ang pagpapalugod sa Diyos na Tagalikha – na nagbiyaya sa atin ng lahat ng mga biyaya Niya, nagbibigay sa atin ng sustansiya habang tayo ay mga fetus sa mga tiyan ng mga ina natin, at nagtutustos sa atin ng hangin na sinisinghot natin ngayon – ay siyang higit na mahalaga kaysa sa pagkalugod ng mga tao sa atin?
Hindi ba ang pananagumpay na pangmundo at pangkabilang-buhay ay naging karapat-dapat sa pagpapakasakit sa bawat anumang alang-alang doon na mga maglalahong tinatamasa sa buhay? Oo, sumpa man kay Allāh!
Dahil dito, hindi nararapat na hayaan ng tao ang nakaraan niya na pumigil sa kanya sa pagtumpak sa maling tinatahak niya at paggawa ng bagay na tumpak.
Maging isang tunay na mananampalataya ang tao ngayong araw! Huwag siyang magpahintulot sa demonyo na magpahinto sa kanya sa pagsunod sa katotohanan!
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمْ بُرْهَانٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَأَنزلْنَا إِلَيْكُمْ نُورًا مُبِينًا (174)فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَاعْتَصَمُوا بِهِ فَسَيُدْخِلُهُمْ فِي رَحْمَةٍ مِنْهُ وَفَضْلٍ وَيَهْدِيهِمْ إِلَيْهِ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا﴾{174. O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang patotoo mula sa Panginoon ninyo. Nagpababa Kami sa inyo ng isang liwanag na malinaw.175. Kaya hinggil naman sa mga sumampalataya kay Allāh at nangunyapit sa Kanya, magpapapasok Siya sa kanila sa isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob at magpapatnubay Siya sa kanila tungo sa Kanya sa isang landasing tuwid.}(Qur'ān 4:174-175)
Ikaw ba ay handa na sa paggawa ng pinakadakilang pasya sa buhay mo?
at nalaman na ng tao ang reyalidad sa puso niya, kailangan sa kanya na humakbang ng unang hakbang tungo sa pagiging Muslim.
Sino ang nagnais alalayan sa paggawa ng pinakamainam na pasya sa buhay niya at gabayan siya sa pamamaraan na siya ay magiging Muslim?
Huwag niyang gawin ang mga pagkakasala na hahadlang sa pagpasok sa Islām sapagkat nagpabatid nga sa atin si Allāh sa Qur'ān na Siya ay magpapatawad sa mga pagkakasala ng tao sa kabuuan ng mga ito kapag umanib siya sa Islām at nagbalik-loob siya sa Tagalikha niya. Kahit pa matapos ng pagtanggap niya sa Islām, bahagi ng pagkalikas na ang tao ay makagagawa ng ilan sa mga pagkakasala sapagkat tayo ay mga tao at hindi mga anghel na napangalagaan laban sa pagkakasala.Subalit ang hinihiling sa atin ay hilingin natin ang kapatawaran mula kay Allāh at magbalik-loob tayo sa Kanya. Kapag nakita ni Allāh sa atin na tayo ay nagdali-dali sa pagtanggap sa katotohanan, pumasok sa Islām, at bumigkas ng Dalawang Pagsaksi, tunay na Siya ay tutulong sa atin sa pagwaksi sa mga iba pang pagkakasala sapagkat ang dumudulog kay Allāh at sumusunod sa katotohanan ay itinutuon ni Allāh sa tama. Para sa karagdagan ng kabutihan, huwag mag-atubili ang tao sa pagpasok sa Islām ngayon.
Kabilang sa mga patunay sa mga iyon ang sabi ni Allāh:﴿قُلْ لِلَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَنْتَهُوا يُغْفَرْ لَهُمْ مَا قَدْ سَلَفَ﴾{Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na.}(Qur'ān 8:38)
Ano ang gagawin ko upang ako ay maging isang Muslim?
Ang pagpasok sa Islām ay isang madaling bagay at hindi nangangailangan ng mga rituwal ni ng mga gawaing opisyal o ng pagdalo ng isang tao. Kailangan lamang sa tao na bumigkas ng Dalawang Pagsaksi habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang sumasampalataya rito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa- llāh, wa-ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh). Kung naging madali para sa iyo na sabihin ito sa wikang Arabe, maganda. Kung naging mahirap sa iyo iyon, makasasapat na bumigkas ka nito sa wika mo. Sa pamamagitan niyon magiging Muslim ka, pagkatapos kailangan sa iyo na matutuhan ang Islām na magiging pagkukunan ng kaligayahan mo sa Mundo at kaligtasan mo sa Kabilang-buhay.