Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang.
Sino ang Panginoon mo?
Ito ay pinakadakilang tanong sa kairalan. Ito ay pinakamahalagang tanong na kinakailangan sa tao na makaalam sa pagsagot nito.
Ang Panginoon natin ay ang lumikha ng mga langit at lupa. Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig saka nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga at mga punong-kahoy, bilang pagkain para sa atin at para sa mga hayop, na pinagkukunan natin ng sustansiya.Siya ang lumikha sa atin, lumikha sa mga ninuno natin, at lumikha sa bawat bagay. Siya ang gumawa ng gabi at maghapon. Siya ang gumawa sa gabi bilang oras para sa pagtulog at pahinga at sa maghapon bilang oras para sa paghahanap ng makakain at kabuhayan.Siya ang nagpasilbi para sa atin ng araw, buwan, mga bituin, at mga dagat; at nagpasilbi para sa atin ng mga hayop, na kumakain tayo mula sa mga ito at nakikinabang tayo mula sa mga gatas ng mga ito at mga lana ng mga ito.
Ano ang mga katangian ng Panginoon ng mga nilalang?
Ang Panginoon ay ang lumikha ng nilikha. Siya ang gumagabay sa kanila tungo sa katotohanan at gabay. Siya ang nangangasiwa sa mga pumapatungkol sa lahat ng mga nilikha. Siya ang nagtutustos sa mga ito. Siya ang Tagapagmay-ari ng lahat ng nasa buhay sa Mundo at nasa Kabilang-buhay. Ang bawat bagay ay pag-aari Niya at ang anumang iba sa Kanya ay minamay-ari para sa Kanya.Siya ang Buhay na hindi namamatay at hindi natutulog. Siya ang Mapagpanatili na ang pananatili ng bawat buhay ay ayon sa utos Niya. Siya ang may awa na nakasakop sa bawat bagay. Siya ang hindi napagkukublihan ng anuman sa lupa ni sa langit.Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Siya ay nasa ibabaw ng mga langit Niya, na Walang-pangangailangan sa nilikha Niya samantalang ang mga nilikha ay nangangailangan sa Kanya. Hindi Siya sumasanib sa nilikha Niya at hindi sumasanib ang isang bagay mula sa nilikha Niya sa sarili Niya – kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya.Ang Panginoon ay ang lumikha sa nasasaksihang Daigdig na ito kalakip ng lahat ng mga balanseng sistema nito na hindi napag-iiwanan, maging ang mga ito ay sistema ng katawang pantao at panghayop o mga sistema ng Sansinukob sa paligid natin kalakip ng araw nito, mga bituin nito, at nalalabi sa mga sangkap nito.
Tunay na ang bawat sinasamba bukod pa sa Kanya ay hindi nakapagdudulot para sa sarili nito ng pakinabang ni pinsala. Kaya papaanong magdudulot siya ng pagtamo ng pakinabang sa sumamba sa kanya o magtulak siya ng pinsala palayo rito?
Ano ang karapatan ng Panginoon natin sa atin?
Tunay na karapatan Niya sa lahat ng mga tao na sumamba sila sa Kanya – tanging sa Kanya – at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. Kaya huwag silang sumamba sa iba pa sa Kanya o kasama sa Kanya na tao ni bato ni ilog ni materyal ni planeta ni alinmang bagay; bagkus gawin nila ang pagsamba bilang wagas na ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ano ang karapatan ng mga tao sa Panginoon nila?
Tunay na karapatan ng mga tao kay Allāh, kapag sumamba sila sa Kanya, na ipagkaloob Niya sa kanila ang kaaya-ayang buhay na matatagpuan nila rito ang katiwasayan, ang seguridad, ang kapayapaan, ang kapanatagan, at ang pagkalugod. Sa tahanan sa Kabilang-buhay, karapatan nila na papasukin Niya sila sa Paraiso, na naroon ang kaginhawahang mananatili at ang pamamalaging walang-hanggan. Kung sumuway sila sa Kanya at sumalungat sila sa utos Niya, gagawin Niya ang buhay nila na kamiserablehan at kahapisan kahit pa sila ay nagpapalagay na sila ay nasa kaligayahan at kapahingahan. Sa Kabilang-buhay, papapasukin Niya sila sa Impiyerno na hindi sila makalalabas mula roon at ukol sa kanila roon ang pagdurusang walang-katapusan at ang pamamalaging walang-hanggan.
Ano ang layon ng kairalan natin? Bakit Niya tayo nilikha?
Tunay na ang Mapagbigay na Panginoon ay nagpabatid sa atin na Siya ay lumikha sa atin alang-alang sa isang marangal na pakay: na sumamba tayo sa Kanya – tanging sa Kanya – at hindi tayo magtambal sa Kanya ng anuman. Nagtalaga Siya sa atin sa paglinang ng Daigdig sa pamamagitan ng kabutihan at pagsasaayos. Kaya naman ang sinumang sumamba sa iba pa sa Panginoon niya at Tagalikha niya, hindi siya nakaalam sa layon na nilikha siya alang-alang dito at hindi siya nagsagawa ng kinakailangan sa kanya tungo sa Tagalikha niya. Ang sinumang nagpagulo sa Daigdig, hindi niya nalaman ang tungkulin na itinalaga sa kanya.
Papaano tayong sasamba sa Panginoon natin?
Tunay na ang Panginoon – kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya – ay hindi lumikha sa atin at hindi nag-iwan sa atin na napababayaan at hindi gumawa sa buhay natin bilang walang-kapararakan; bagkus pumili Siya mula sa mga tao ng mga sugo sa mga tao nila. Ang mga sugo ay ang pinakalubos sa mga tao sa mga kaasalan, ang pinakabusilak sa kanila sa mga kaluluwa, at ang pinakadalisay sa kanila sa mga puso. Nagpababa Siya sa mga ito ng mga mensahe Niya at naglaman Siya sa mga mensaheng ito ng kinakailangan sa mga tao na malaman tungkol sa Panginoon at tungkol sa pagbuhay sa mga tao sa Araw ng Pagbangon, ang Araw ng Pagtutuos at Pagganti.Ipinaabot ng mga sugo sa mga tao kung papaano nilang sasambahin ang Panginoon nila. Nilinaw ng mga sugo sa kanila ang mga pamamaraan ng mga pagsamba, ang mga oras ng mga ito, at ang pabuya sa mga ito sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagbigay-babala ang mga sugo sa kanila laban sa ipinagbawal ng Panginoon nila sa kanila na mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa; gumabay sa kanila tungo sa mga kaasalang nakalalamang at sumaway sa kanila laban sa mga kaasalang napupulaan.
Ano ang Relihiyong tinatanggap sa ganang Panginoon?
Ang Relihiyong tinatanggap sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Ito ang Relihiyon na ipinaabot ng mga propeta sa kalahatan nila. Hindi tatanggap si Allāh sa Araw ng Pagbangon ng isang relihiyong iba pa rito. Ang bawat relihiyong niyakap ng mga tao na iba pa sa Islām ay relihiyong walang-kabuluhan at hindi nagpapakinabang sa kaanib nito; bagkus ito ay magiging kamiserablehan sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ano ang mga saligan ng Relihiyong ito, ang Islām, at ang mga haligi nito?
Ang Relihiyong ito ay pinadali ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang pinakadakila sa mga haligi nito ay na sumampalataya ka kay Allāh bilang Panginoon at bilang Diyos at sumampalataya ka sa kairalan ng mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at pagtatakda. Sasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān, na isang buwan sa isang taon. Magsasagawa ka ng ḥajj para kay Allāh sa Matandang Bahay, na ipinatayo ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) ayon sa utos ng Panginoon niya, kung makakaya mo na magkaroon ng daan patungo roon.Iiwasan mo ang ipinagbawal ni Allāh sa iyo na idolatriya, pagpatay ng tao, pangangalunya, at pakikinabang sa yamang bawal. Kapag sinampalatayanan mo si Allāh, ginawa mo ang mga pagsambang ito, at iniwasan mo ang mga ipinagbabawal na ito, ikaw ay Muslim sa Mundo. Sa Araw ng Pagbangon, ipagkakaloob sa iyo ni Allāh ang kaginhawahang mananatili at ang pamamalaging walang-hanggan sa Paraiso.
Ang Islām ba ay isang relihiyon para sa isang lipi o lahi?
Ang Islām ay Relihiyon ni Allāh para sa lahat ng mga tao. Walang kalamangan dito sa isa higit sa isa kundi sa pangingilag magkasala at maayos na gawa. Ang mga tao rito ay magkakapantay.
Papaanong nakikilala ng mga tao ang katapatan ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).
Nakikilala ng mga tao ang katapatan ng mga sugo sa pamamagitan ng maraming paraan, na kabilang sa mga ito:
Na ang dinala nila na katotohanan at patnubay ay tinatanggap ng mga isip at mga naturalesang matino, sinasaksihan ng mga isip ang kagandahan nito, at hindi nadadala ng hindi mga isinugo ang tulad sa inihatid nila.
Na ang inihatid ng mga isinugo ay nagdulot ng pagkaayos ng relihiyon ng mga tao at pangmundong buhay nila, ng pagkatuwid ng mga nauukol sa kanila, ng pagkapatayo ng mga kabihasnan nila, at ng pagkaingat ng relihiyon nila, mga isip nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila.
Na ang mga isinugo – sumakanila ang pangangalaga – ay hindi humihingi sa mga tao ng pabuya sa paggabay nila tungo sa kabutihan at kapatnubayan; bagkus naghihintay sila ng pabuya nila mula sa Panginoon nila.
Na ang inihatid ng mga isinugo ay katotohanan at katiyakang hindi nahahaluan ng pagdududa ni nagkakasalungatan ni nalilito at ang bawat propeta ay nagpapatotoo sa mga naunang propeta at nag-aanyaya tungo sa tulad ng ipinaanyaya nila.
Na si Allāh ay nag-aayuda sa mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) sa pamamagitan ng mga malinaw na tanda at mga himalang tagagapi na pinangyayari Niya sa mga kamay nila upang ang mga ito ay maging mga tagasaksi ng katapatan na sila ay mga isinugo mula sa ganang kay Allāh at ang pinakadakila sa mga himala ng mga propeta ay ang himala ng Sugong Pangwakas na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang Marangal na Qur'ān.
Ano ang Marangal na Qur'ān?
Ang Marangal na Qur'ān ay Aklat ng Panginoon ng mga nilalang. Ito ay Salita ni Allāh. Nagbaba nito si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Sugong si Muḥammad. Nasaad dito ang lahat ng inobliga ni Alalh sa mga tao na malaman tungkol kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.Nasaad dito ang mga pagsambang kinakailangan, ang mga ipinagbabawal na kinakailangan ang pag-iingat laban sa mga ito, ang mga kaasalang nakalalamang at napupulaan, at ang bawat kabilang sa nauugnay sa mga pumapatungkol sa panrelihiyong buhay ng mga tao, pangmundong buhay nila, at pangkabilang-buhay nila. Ito ay aklat na tagapaghimala, na ipinanghamon ni Allāh sa mga tao na maglahad sila ng tulad nito. Ito ay iniingatan hanggang sa Araw ng Pagbangon, na nasa wika na pinagbabaan nito, na walang nabawas mula rito na isang titik at walang napalitan mula rito na isang salita.
Ano ang patunay ng pagbuhay at pagtutuos?
Hindi mo ba nakikita ang lupa habang patay na walang buhay dito ngunit kapag bumaba sa ibabaw nito ang tubig ay gumalaw-galaw ito at nagpatubo ng bawat halamang marilag? Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay.Tunay na ang lumikha ng tao mula sa isang patak mula sa isang tubig na aba ay nakakakaya sa pagbuhay rito sa Araw ng Pagbangon para magtuos Siya rito at gumanti Siya rito ng ganting pinakalubus-lubos; kung mabuti ay mabuti ang ganti at kung masama ay masama ang ganti.Tunay na ang lumikha ng mga langit, lupa, at mga bituin ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa paglikha ng tao dahil ang pagpapanumbalik ng paglikha ng tao nang ikalawang ulit ay higit na magaan kaysa sa paglikha ng mga langit at lupa.
Ano ang mangyayari sa Araw ng Pagbangon?
Bubuhayin ng Panginoon (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ang mga nilikha mula sa mga libingan nila. Pagkatapos tutuusin Niya sila sa mga gawa nila. Kaya ang sinumang sumampalataya at naniwala sa mga isinugo, papapasukin Niya ito sa Paraiso na siyang kaginhawahang mananatili, na walang sumasagi sa isip ng tao na kadakilaan niyon; at ang sinumang tumangging sumampalataya, papapasukin Niya ito sa Impiyerno na siyang pagdurusang walang-katapusan, na hindi gumuguniguni niyon ang tao. Kapag pumasok ang tao sa Paraiso o Impiyerno, tunay na siya ay hindi mamamatay magpakailanman sapagkat siya ay mananatiling pananatilihin sa kaginhawahan o pagdurusa.
Kapag nagnais ang tao na pumasok sa Islām, ano ang gagawin niya? Mayroon bang mga rituwal na kinakailangang gawin niya o mga taong kinakailangang magpahintulot sa kanya?
Kapag nakaalam ang tao na ang Totoong Relihiyon ay ang Islām at na ito ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang, kailangan sa kanya na magkusa sa pagpasok sa Islām dahil ang nakapag-uunawa, kapag luminaw sa kanya ang katotohanan, ay kailangan na magdali-dali roon at hindi magpaliban sa bagay na ito.Ang sinumang nagnais pumasok sa Islām ay hindi kinakailangan sa kanya ang pagsasagawa ng mga takdang rituwal at hindi kinakailangan sa kanya na maging nasa isang pagdalo sa isa sa mga nilikha; subalit kung iyon ay naging nasa isang pagdalo ng isang Muslim o nasa isang Islāmic Center, ito ay higit na mabuti sa higit na mabuti. Kung hindi naman, sasapat sa kanya na magsabi ng: Ashhadu allā ilāha illa –llāh wa-ashhadu anna Muḥammadan rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh), habang nakaaalam sa kahulugan nito at sumasampalataya rito. Sa pamamagitan niyon, siya ay nagiging isang Muslim. Pagkatapos mag-aaral siya ng nalalabi sa mga batas ng Islām nang unti-unti upang makapagsagawa siya ng inobliga ni Allāh sa kanya.