(1) Tinanggap ko kamakailan ang Islam, kailangan ko bang baguhin ang aking pangalan?
Hindi, hindi mo kailangang baguhin ang iyong pangalan maliban kung ang kahulugan nito ay hindi kanais-nais sa Islam. Ang Propeta, ang awa at habag ng Allah ay sumakanya nawa, ay hindi ipinag-utos sa lahat ng tumanggap ng Islam na baguhin ang kanilang mga pangalan. Dahilan sa ang mga pangalang Arabo sa pangkalahatan ay may mga kahulugan, binago lamang niya ang mga pangalan na may hindi kanais-nais kahulugan. At kung ang pangalan ay walang pangit na kahulugan sa Islam, inirerekumenda na pumili ng isang Muslim na pangalan o katawagan na nais mo at hindi na kailangang magpalit ng pangalan.
Kahit na ang iyong unang pangalan ay sumasalungat sa Islamikong mga prinsipyo at ang pagpapalit nito sa mga opisyal na dokumento ay magdudulot sa iyo ng malaking kaabalahan o pinsala, kung gayon ay sapat nang baguhin ang katawagan sayo ng iyong pamilya at mga kakilala.
Kung babaguhin mo ang iyong pangalan, huwag mong baguhin ang iyong apelyedo o pangalan ng iyong ama o angkan, kahit na ito ay hindi pinapahintulutang pangalan, baguhin lamang ang iyong unang pangalan. Ang sabi ni Allah sa Qur'an:
“Tawagin sila (kinupkop / inampon na mga anak na lalaki) sa pamamagitan ng (mga pangalan ng) kanilang mga ama, iyon ang makatarungan sa Allah.” (Quran 33:5)
(2) Ako ay hindi tuli, at bagong yakap sa Islam. Kailangan ko bang magpatuli?
Oo, ang pagpapatuli ay obligado pagkatapos mong tanggapin ang Islam. Subalit, kung hindi mo kayang magawa ito, o takot na mapinsala ka nito, maaari mong ipagpaliban ang pagsagawa nito. Kung magpasya kang isagawa ang karapat-dapat na gawaing ito ng pagsamba, hindi mo kailangang madaliin ang iyong sarili para maisagawa ito. kailangang tiyaking mabuti ang husay at kakayahan ng seruhano (surgeon) na magsasagawa ng pagtutuli bago ito gawin. Ang sugat ay tumatagal ng isang linggo bago tuluyang gumaling. Isa sa mga benepisyo ng pagpapatuli ay mas madali ang paglinis sa sarili, at mapapanatili ang kalinisan, pagkatapos umiihi o paglabas ng semen o semilya ng lalaki, nararapat na malinis ang inyong katawan at inyong damit sa oras ng pagdasal (salah)
(3) Kailangan ko bang bigkasin ang Patotoo ng Pananampalataya (Shahadah) sa harap ng mga tao?
Hindi. Hindi kailangang bigkasin ang dalawang pagpapahayag o pagpapatotoo:
Laa ilaaha ill-Allah, Muhammad-ur-Rasool-ullah,
…sa harap ng mga tao para maituring na isang ka nang Muslim sa paningin ng Diyos. Maaari mong ipahayag ito sa iyong sarili.
Ang importante:
(i) Alam mo ang kahulugan ng Pagpapatotoo ng Pananampalataya
(ii) Binigkas mo ang dalawang pahayag ng pagpapatotoo
(iii) kinukumpirma ito ng iyong puso, totoong pinapaniwalaan mo ito, at nais mong isabuhay ito sa abot ng iyong makakaya.
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
“ Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at ako ang Sugo ni Allah. Ang bawat alipin na kumikilala sa Allah nang walang pag-aalinlangan ay tatanggapin sa Paraiso.” (Saheeh Muslim)
Sinabi din Niya,
“Sinuman ang magsabi ng 'La ilaha illa Allah' na taus sa kanyang puso at inabutan ng kamatayan, siya ay po-protektahan mula sa impyernong apoy (hal. sila ay papapasukin sa paraiso)." (Saheeh al-Bukhari)
Magkagayon man, wala namang masama kung sakali na magpahayag ka ng pananampalataya sa harap ng maraming tao, ito ay pabor para sa iyo, halimbawa sa mosque, sapagkat malalaman ng mga tao na ikaw ay isa nang Muslim. Sa ibang bansa kinakailangan na magparehistro ang isang Muslim upang kapag inabutan doon ng kamatayan ay mabigyan ng Islamikong kaparaanan ng paglibing. At, mainam din na mayroong pinaghahawakan na kasulatan (hal. Shahada Certificate / Conversion Certificate) mula sa isang Islamic center na nagsasabi o nagpapatotoo na ikaw ay isang Muslim. Malaki ang ang pakinabang nito lalo kung mag aapply sa Hajj pilgrimage, o kaya naman ay ang pagdeklara ng kasal sa isang Muslim na bansa.
(4) Bakit kinakailangan na bigkasin ang pagpapahayag ng pananampalataya?
Ang Testimonya ng Pananampalataya ay literal na kinakailangang bigkasin at ipahayag, hindi sa puso lamang. Kinakailangan itong ipahayag, ang Propeta mismo ay pinapayuhan ang sinuman na nagnanais tanggapin at yakapin ang pananampalatayang Islam na bigkasin ito. Kinakailangan din na bigkasin ito sa Arabic, sapagkat ang kapahayagan na ito ay isang dasal na binibigkas sa wikang Arabik.
(5) Ano ba ang mga karaniwang pagbati na kailangan kung matututunan kapag may mga pagtitipon?
Dalawa ang pinaka mahalagang pagbati na meron sa Islam. Kapag may nakasalubong ka na kapwa o kapatid sa pananampalatayang Islam, ang bumabati ay nagsasabi ng, ‘As-Salamu ‘Alai-kum.’ at ang binabati ay nararapat na sumagot ng , ‘Wa ‘Alai-kum us-salam.’ Ang mga kalalakihan ay kinakamayan ang kapwa lalaki at ang kababaihan naman ay gayundin sa kapwa babae din. Hindi pinapahintulot sa kababaihan ang makipagkamay sa hindi niya mahram[1].
Ang isang Muslim ay nagsasabi ng , ‘Alhamdulillah,’ (Lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah) kapag bumahing, at kapag nakatanggap ng magandang balita o nasa maganda at maayos na kalagayan..
Kapag naman sila ay nagsabi ng kanilang gagawin, nararapat na sabihin nila ang, “In shaa-Allah (Naisin o Pahintulutan nawa ng Allah).
At kapag naman may pinapapurihan na tao o bagay, kailangan ang sasabihin nila ay, “Baarak-Allahu feeh (pagpalain nawa ng Allah), o Barak-Allahu feek (pagpalain ka nawa ng Allah).”
Ang lahat ng mga ito ay itunuro ng Propeta ng Islam.
(6) Katatangap ko lang ng pananampalatayang Islam . Magaan sa pakiramdam, ngunit kung minsan ay nagtataka ako kung inilalapit ba ako ng Islam sa Diyos?
Walang duda, inilalapit ng Islam ang tao sa kanyang Tagapaglikha. Nais ng Allah na ikaw ay maging isang Muslim. Natitiyak iyan. Ang Islam ay nag uugnay sa sangkatauhan sa kangyang tunay na Panginoon, sa pamamagitan ng paniniwala sa nag iisang Diyos at sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain ng pagsamba. Habang sinasamba ng bawat nilikha ang Allah, lalo silang napapalapit sa Kanya. Hindi kailanman mapapalapit sa Allah ang sinuman, maliban kung gagampanan niya ang mga obligadong gawain katulad sa nabanggit ng Propeta:
“Sinabi ng Diyos na Makapangyarihan, 'Ako ay nagpahayag ng digmaan sa sinumang nagpapakita ng poot sa aking minamahal na alipin. Ang aking alipin ay hindi nagiging malapit sa akin maliban kung isasagawa niya ang mga bagay na ginawa kong obligado sa kanila, at higit lalo silang napapalapit sa akin dahil sa mga boluntaryong gawain na pagsamba na kanilang isinasagawa hanggang sa mahalin ko sila. Kapag mahal Ko ang aking alipin, ako ang kanyang pandinig upang siya ay makarinig, kanyang paningin at siya ay makakakita, kanyang mga kamay at siya makakapagkumpas, kanyang mga paa nang siya ay makalakad, at kapag humingi siya ng anumang bagay ay akin itong ibibigay sa kanya. Kung hihingi siya sa Akin ng saklolo, ako ang kanyang kanlungan.” (Saheeh Muslim) [Ang Propetikong salaysay na ito ay hindi dapat unawain ng literal, ang ibig nitong sabihin ay ito, 'Ang tao ay nararapat na kumilos ayon sa kung ano ang kalugod-lugod sa Panginoon. Halimbawa, hindi siya titingin sa mga bagay na hindi ipinahihintulot, at makikinig lamang sa mga may benipisyo at pakinabang na gawain katulad na lamang ng pakikinig sa Quran, at mga Islamikong pagtuturo o aralin, atbp.]
Manatili sa mga pag aaral. Maging mapagpasensya. Bigyan ng pagkakataon ang sarili na lumago bilang isang Muslim. Mahalaga ang may kaalaman katulad din pagpili ng mabuting kaibigan.
(7) Bago ako sa Islam at wala akong kakilalang Muslim, natatakot akong magpunta sa Masjid, sino ba ang maaari kong lapitan ?
Ikaw ay malugod naming inaanyayahan na mag-aral sa e-learning content ng aming web site. Maaari mo din kaming kontakin sa support page masaya kami na i-assist ka upang magkaroon ka ng mga kaibigang Muslim. Ipag du'a, natin, na biyayaan nawa tayo at gawin tayong matatag sa paghawak sa katotohanan. Ang Panginoon ang bukod tanging Nagbibigay ng gabay tungo sa landas ng katotohanan at liwanag.
(8) May nagsabi sa akin na ang Muslim ay hindi daw maaaring makipag ugnayan sa mga hindi Muslim? Lahat ng pamilya ko ay hindi Muslim at ayaw kong putulin ang ugnayan sa aking pamilya.
Mag-ingat tayo sa mali na impormasyon. Ang nasabi sa iyo ay hindi tama. Hinihikayat tayo ng Islam na maging mabait at mapagbigay sa ating mga kamag-anak sila man ay Muslim o hindi. Higit lalo na, sa ating mga magulang, sapagkat sila ang may malaking karapatan sa atin. Mayroon tayong mga aralin kung saan mas matututunan mo ang tungkol dito.
(9) Narinig ko na obligado ang pagdalo sa Salat ul-Jumuah (Friday Prayer). Paano kung hindi ako payagan ng aking amo na mag day off sa araw na ito para makadalo?
Hindi mo kinakailangan sabihin sa iyong amo na dadalo ka sa Salat ul-Jumuah (Friday prayer). Ang Salat ul-Jumuah ay umaabot ng 45 minuto hanggang1 oras, maaari mo gamitin ang iyong oras sa lunch break. Kung kinakailangan, maaari kang maki-usap sa mahaba-habang oras ng lunch break tuwing biyernes at mag extend ka na lamang sa iyong oras ng trabaho upang mapunuan ang kulang mo. Anu't anuman, maaari kang makiusap sa iyong amo para sa oras ng Salat ul-Jumuah on Friday.
Ang pagbabalik-loob sa Islam ay kadalasang ipinagpapalagay bilang isa sa pinakadakilang araw sa buhay ng isang tao. Ang buhay ay nakakasumpong ng kaliwanagan, pakiramdam mo ikaw ay mas malaki, mas mahusay, at mas malakas. Nararamdaman mo ang pangingilig sa matinding kagalakan. Marami sa atin ang gustong sumigaw ng malakas. Ang ilan ay masuwerteng napapalibutan ng mga kaibigan at pamilya, ang iba ay nagbalik-loob ng pribado sa kanilang sariling tahanan o kahit na sa silid-tulugan. Ang iba ay ligaw at walang mapuntahan, mag-isa o walang tirahan. Ngunit ngayon ikaw ay isang Muslim, bahagi ng isang pandaigdigang kapatiran; bahagi ng isang pamilya. Para sa marami maaaring ito ang unang pagkakataon na nadama nila ang pagiging isang bahagi ng anumang bagay. Sa isang panandaliang sandali o sa mas matagal na pagpapakilala sa isang bagong tunay na buhay, ang lahat ay perpekto. Sa ibang pagkakataon, at ito ay iba sa bawat isa sa atin, ang katotohanan ay nagsisimula.
Kasama ng mga tagumpay ay dumarating ang mga pagsubok at kapighatian. Siyempre ito ay isang malaking hakbang, isang napakalaking pagbabago, hindi lamang para sa taong tumatanggap ng Islam kundi pati na rin sa kanyang mga kaibigan, pamilya at kasamahan. Minsan maaaring maramdaman na parang mabilis ang lahat ng nangyayari, sa iba pang mga pagkakataon at para sa iba, para bang hindi ka maaaring matuto agad nang sapat at ang mga pagsubok at kapighatian ay tila dumudurog sa iyong bagong natagpuang kaligayahan. Ang isang tao ay maaaring magtanong din kung bakit patuloy na sinusubukan siya ni Allah gayong nakita na niya sa wakas ang katotohanan ng buhay at niyakap niya si Allah at ang Islam ng buong-puso. Sa sitwasyong ito ay makakatulong na maunawaan kung bakit ang isang mananampalataya ay nakakaranas ng mga pagsubok at kapighatian, at kung bakit kasama sa labis na kagalakan ay maaaring dumating ang kalungkutan at mga hindi inaasahang mga problema.
Ang ating pag-iral dito sa lupa ay walang iba kundi ang isang pansamantalang pagtigil sa daan patungo sa ating walang hanggang tahanan. Kapag ang isang tao ay tunay na nauunawaan at tinatanggap ang lahat ng ibig sabihin ng katotohanang ito, ito ay magniningning ng kakaibang liwanag sa ating mga pagsubok at kapighatian. Ipagpalagay na ikaw ay, nasa isang malaking pandaigdigang paliparan, sa biyahe ay balisang naghihintay na makauwi. Kung minsan ay mabilis na lumilipas ng maayos ang oras, ngunit sa iba pang mga pagkakataon ay may mga pagkaantala, mga nakansela na mga paglipad, mga tauhan na maiinit ang ulo at teribleng mga pagkain sa paliparan (di makain). Anuman ang iyong nararanasan, ang oras ay lumilipas pa rin at sa huli ikaw ay nakauwi. Kapag babalikan mo ang karanasan na ito tila mayroong isang maliit na blip ( maliliit na sagabal) sa isang maayos na paglalakbay ngunit sa oras na iyon ito ay malaking abala. Ang buhay sa mundong ito ay medyo kagaya nito. Malinaw na binanggit ni Allah na ang mundong ito na ating hinahangad ay walang anuman kundi isang lugar ng mga paghihirap at pagsubok at hindi lamang iyon, sa malaking plano ng buhay (kabilang buhay) ito ay di nagtatagal o napakaikli.
“At katiyakan. kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na nakakapangamba, gutom, kawalan ng yaman, buhay at mga pananim, subalit magbigay ng magandang balita para sa mga matiisin.” (Quran 2:155)
“At itong makamundong buhay ay isa lamang pag-aaliw at paglilibang! Katotohanan, ang tahanan ng Kabilang Buhay - iyan ang walang hanggang buhay, kung ito ay kanilang nababatid lamang.” (Quran 29:64)
Mayroong karunungan sa likod ng mga pagsubok at kapighatian na binibigay ni Allah sa atin, at ito ay nakakaginhawa na malaman na ang mga ito ay mga gawang walang pinipili ng isang malupit na hindi organisadong daigdig . Ang ating pag-iral ay bahagi ng isang mahusay at maayos na mundo, isang mundo na nilikha ni Allah para sa ating kasiyahan. Gayunpaman ito ay isang lugar ng higit pa sa makamundong kasiyahan. Narito ang pagtupad natin sa ating tunay na layunin na sambahin si Allah, sa mga panahong mabauti at masama. Kaya mahalaga na maunawaan na si Allah ay hindi nagpapasiya para sa isang mananampalataya ng kahit ano kundi mabuti. Ang nakikita ng isang tao na masama ay maaaring sa katunayan ay naglalaman ng maraming kabutihan. Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi, "Napakaganda ng mga gawain ng mananampalataya, sapagkat lahat ng mga ito ay mabuti. Kapag may isang magandang bagay na mangyayari sa kanya, siya ay nagpapasalamat para dito at iyon ay mabuti para sa kanya. Kung may masamang bagay na mangyayari sa kanya, siya ay nagtitiis at iyon ay mabuti rin para sa kanya.”[1]
Sinusubok tayo ni Allah ng mga pagsubok at kapighatian ng buhay, at kung pagtitiisan natin ang mga ito ay makakamit natin ang isang dakilang gantimpala. Sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kalagayan at mga panahon ng pagsubok, sinusubok ni Allah ang ating antas ng pananampalataya at tinitiyak ang ating kakayahang maging matiisin at tinatanggal ang ilan sa ating mga kasalanan. Si Allah ay maibigin sa lahat at matalino sa lahat at ang nakakaalam sa atin nang higit kaysa sa alam natin sa ating sarili. Hindi natin maaabot ang Paraiso kung wala ang Kanyang awa at ang Kanyang awa ay mahahayag sa mga pagsubok at paghihirap sa buhay na ito. Nais ni Allah na gantimpalaan tayo ng buhay na walang hanggan at kung ang sakit at paghihirap ay makatutulong upang makamit ang Paraiso, kung gayon ang mga pagsubok at kapighatian ay pagpapala. Ang mga ito ay hindi iba sa mga bagong nagbalik-loob sa Islam, ni hindi ito ang sukatan ng kasiyahan o pagkasuklam ni Allah. Alam ni Allah kung ano ang kayang dalhin ng bawat tao at kung ano ang kailangan ng bawat tao upang mapakinabangan ang kanilang mga pagkakataon para sa isang maluwalhating gantimpala.
Mayroong maraming mga ahadith na nagpapaliwanag ng mga dahilan kung bakit tayo binibigyan ng mga pagsubok at kapighatian. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung nais ng Diyos na gumawa ng kabutihan sa isang tao, binibigyan Niya ito ng mga pagsubok."[2] Sinabi rin niya, "Ang isang tao ay susubukin ayon sa antas ng kanyang paglalaan sa relihiyon, at ang mga pagsubok ay mananatiling nakakaapekto sa isang alipin ng Diyos hanggang siya ay naiwan sa paglakad sa ibabaw ng lupa ng walang pasanin na kasalanan kahit ano pa man”[3]
Dapat nating tanggapin ang mga pagsubok at kapighatian bilang isang bahagi ng pagiging buhay, gayundin ang mga masasayang sandali at mga tagumpay. Mula sa pinakamataas na taas hanggang sa pinakamababang baba, ang kondisyon ng tao ay isang pagpapala mula kay Allah na idinisenyo nang natatangi para sa bawat indibidwal na tao. Sa mga sumusunod na aralin ay kukuha tayo ng inspirasyon mula sa mga Propeta at sa sahabah at matutunan kung paano sila tumugon sa harap ng mga dakilang pagsubok at kapighatian.
Ang isa sa mga tunay na nakakaginhawang bagay hinggil sa Islam ay ang malaman na ang lahat ay nangyayari sa Kapahintulutan ni Allah. Walang isang dahon na bumagsak, o isang ibon na kumanta, walang isang sanggol na ipinanganak o isang gusali na itinayo nang walang kaalaman at pahintulot ni Allah. Si Allah ang lumikha ng sansinukob at nagpapanatili sa lahat ng buhay; Siya ay responsable para sa mabuti at masama (tulad ng nakikita natin), ang mga oras ng kahirapan at ang mga oras ng kagaanan. Nakakatuwa na malaman nang may katiyakan na ang ating pag-iral ay bahagi ng isang mahusay na maayos na mundo at ang buhay ay nailalahad ng kung ano ang dapat; ito ay isang konsepto na nagdudulot ng katahimikan at kapayapaan.
“At katiyakan, kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na nakakapangamba, gutom , kawalan ng yaman, buhay at mga pananim, subali't magbigay ng magandang balita para sa mga matiisin.” (Quran 2:155)
Ang mga Propeta ni Allah ay mga matutuwid na tao, na puno ng taqwa, ngunit sila din ay humarap sa mga pagsubok at kapighatian. Hinarap nila ang kanilang mga pagsubok nang may pagtitiis at pati pasasalamat at tayo ay natututo mula sa kanilang mga karanasan. Sila ay inusig ng kanilang sariling mga komunidad at nagdusa. Inanyayahan ni Propeta Noah ang kanyang mga tao patungo kay Allah, dumaan ang mga araw, mga taon sa loob ng 950 na taon, at araw-araw ay dinala niya ang kanilang mga pang-aalipusta at panunuya hanggang sa huli ay hindi na niya ito makayang dalhin at sinagip ni Allah si Noah at ang mga mananampalataya hindi lamang mula sa pagtaas ng baha kundi pati na rin sa kasamaan ng mga tao. Si Propeta Joseph ay inabandona ng kanyang mga kapatid na lalaki, itinapon sa isang balon, ibinenta sa pang-aalipin at gumugol ng maraming taon sa bilangguan. Tulad ni Noah, hindi niya pinahintulutan ang kanyang pananampalataya kay Allah na mag-alinlangan. Ang kanilang taqwa ang kanilang kalasag o sanggalang.
Bilang mga tao tayo ay nagdurusa sa mga pagsubok at kapighatian ng madalas sa anyo ng pagkakasakit, mga karamdaman at kondisyong medikal ngunit wala nang higit pa kaysa kay Propetang Job. Sa kabila ng lahat ng nawala sa kanya, pagkawala ng kayamanan, ari-arian, at pamilya, nanatili siyang mapagtiis at patuloy na umaasa kay Allah. Sa huli ang kalusugan ni Job ay kinuha mula sa kanya. Siya ay dinapuan ng isang sakit sa balat, at nasa sobrang kirot sa gabi at araw at tinalikuran ng lahat ng nakakakilala sa kanya maliban sa kanyang asawa, na mula sa awa ni Allah ay nanatili kay Job kahit na wala silang kapera-pera. Hindi kailan man sinisi ni Job si Allah, at ang kanyang kalusugan, kayamanan at pamilya ay ibinalik sa kanya. Ang isang buong kuwento ng kuwento ni Job ay matatagpuan dito.[1]
Ang pagsamba kay Allah nang buong pagsuko ay nangangailangan ng pagtitiis. Madaling sumamba sa loob ng ilang araw o ilang linggo, ngunit kailangan natin itong gawin ng tuloy-tuloy. Ang pagdarasal sa gabi ay nangangailangan ng pagtitiis, ang pag-aayuno ay nangangailangan ng pagtitiis, at ang pamumuhay na may mga kapighatian at pagsubok ay nangangailangan ng pagtitiis. Iyon ang dahilan kung bakit madalas marinig na si ganito at si ganyan ay may "pagtitiis ni Job". Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ang kanyang sarili mismo ay nagdusa mula sa sakit. Ang kanyang minamahal na asawa na si Aisha ay nagsabi, "Wala akong nakita na kahit sino na naghirap ng sobra mula sa karamdaman na tulad ng Sugo ni Allah". Para sa isang mananampalataya, ang paghihirap ay maaaring maging isang pagpapala. Nalalaman ng isang mananampalataya na si Allah, sa Kanyang awa, ay aalisin ang ilan sa kanyang mga kasalanan kung mananatili siyang matiisin. Sa Sunnah makikita natin na sinabi ni Propeta Muhammad, "Walang Muslim ang napinsala dahil sa karamdaman o sa iba pang kahirapan, maliban na si Allah ay aalisin ang kanyang mga kasalanan para sa kanya tulad ng isang puno na naglaglag ng mga dahon”.[2]
Marami sa mga Sahabah ang malubhang inusig o pinatay pa pagkatapos maging Muslim. Ang tiyuhin ni Uthman ay binalot si Uthman ng isang banig ng dahon ng palma, at sinilaban ang ilalim niya. Nang nabalitaan ni Umm Mus'ab ang tungkol sa pagbabalik-loob ng kanyang anak sa Islam, tumanggi itong pakainin siya at pagkatapos ay pinalayas siya mula sa kanyang tahanan. Si Bilal ay pinagpapalo ng malubha ng kanyang amo nang malaman ng huli ang kanyang pagbabalik-loob sa Islam. Minsan ang isang lubid ay ipinalibot sa kanyang leeg at pinakaladkad siya sa mga kalalakihan sa kalye sa mga lansangan at pataas at pababa sa mga burol na nakapalibot sa Mecca. Minsan siya ay ginugutom, minsan ay ginagapos at pinapadapa sa napakainit na buhangin sa ilalim ng nakakadurog na pasan ang mabibigat na bato. Nakaligtas si Bilal at may karangalan na maging unang tao na tumawag sa mga Muslim sa pagdarasal; ang kanyang kuwento ay maaari ring basahin dito.[3]
Ang mga problema at kahirapan na minsan ay lumilitaw pagkatapos ng pagbabalik-loob sa Islam ay hindi isang sukatan ng karakter ng isang tao o sukatan ng kasiyahan o pagkasuklam ni Allah. Ang mga ito ay isang napakahalagang bahagi ng pagsubok sa tinatawag nating buhay ng mundong ito. Kailangan nating kayanin ang mga ito ng may pagtitiis at may lubos na pasasalamat na nalalaman ng husto na ang ating tunay na buhay ay hindi pa nagsisimula. Si Allah lamang ang nakakaalam ng kumpletong karunungan sa likod ng kung bakit ang magagandang bagay ay nangyayari sa masasamang tao, o kung bakit ang masasamang bagay ay nangyayari sa mabubuting tao. Sa pangkalahatan, ang anumang nagiging dahilan ng ating pagbabalik kay Allah ay mabuti at dapat tayong magtiis at maging mapagpasalamat. Sa mga panahon ng kagipitan, ang mga tao ay lumalapit kay Allah sapagkat Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kaginhawaan at habag. Nais ni Allah na gantimpalaan tayo ng buhay na walang hanggan at kung ang sakit at pagdurusa ay maaaring magdala sa atin sa Paraiso, kung gayon ang mga pagsubok at kapighatian ay pagpapala. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung nais ni Allah na gumawa ng mabuti sa isang tao, pinapahirapan Niya ito ng mga pagsubok."[4]
Ang pangkariwang tao sa maunlad na mundo ay nakikipaglaban sa kalungkutan at pag-aalala sa pang-araw-araw na buhay. Sa parehong pagkakataon ay madalas mong maririnig ang opinyon kung gaano kasaya at kakuntento ang naninirahan sa mga bansang Muslim. Kahit na nahaharap sa matinding kahirapan, kagutuman at kawalan, paulit-ulit nilang tinatanggap ang kanilang mga kalagayan nang walang reklamo. Bakit hindi sila dumaranas ng paghihirap at pagkabalisa? Maaari nating tanggapin ng ganoon lang, na dahil sila ay nahaharap sa kahirapan at kamatayan araw araw, ang lahat ng iba pa ay nagiging katulad din at madali nalang tanggapin o maaaring nating suriin ng mas malalim at mamangha o magtaka tungkol sa kanilang ugnayan sa Allah.
Sa ika-21 siglo ang mga paniniwala sa relihiyon ay hindi nagbibigay ng parehong kaginhawaan na inaasahan natin ng isang daan, limampu o kahit dalawampung taon na ang nakakaraan. Mayroon tayo lahat ng bagay na magagamit na nasa ating mga kamay o sa pamamagitan ng pagpindot ng isang pindutan, ngunit hindi hawak ng teknolohiya ang ating mga kamay sa katahimikan ng gabi o nakapag-aalis ng ating mga takot kapag ang ating mga puso ay nanghihina, at ang ating mga kaluluwa ay nababalot ng labis na takot at pagkabalisa. Ang relihiyon ng Islam ay tungkol sa paggawa at pagpapanatili ng isang ugnayan sa Nag-iisang Diyos. Tinuturuan tayo ng Islam na harapin ang kalungkutan at pag-aalala sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Allah nang may pagtitiis, pasasalamat at pagtitiwala.
Ang pinaka-mahusay na iskolar sa Islam noong ika-14 siglo CE, si Ibnul Qayyim na nagsabi na ang ating kaligayahan sa buhay na ito at ang ating kaligtasan sa Kabilang Buhay ay nakabase sa pagtitiis. Ipinaliwanag niya na ang pagtitiyaga o pagtitiis ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang pigilin ang pagdaing, o kawalan ng pag-asa, at may kakayahan ring kontrolin ang ating sarili sa mga panahon ng kalungkutan at pag-aalala.
Ang ibig sabihin ng pagtitiis ay pagtanggap sa kung ano ang hindi natin kontrolado. Sa mga panahon ng kalungkutan o pag-aalala, ang pagsuko sa kalooban ng Allah ay isang kaluwagan. Hindi ito nangangahulugan na umupo tayo sa isang tabi at hayaang lumipas ang buhay sa pamamagitan ng hindi pagsali. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsisikap na bigyang kasiyahan ang Nag-iisang Panginoon sa lahat ng mga aspeto sa ating buhay at sa lahat ng oras na inilalagay sa isip na kung ang mga bagay ay hindi umayon sa ating mga plano, o sa ating kagustuhan, tinatanggap natin kung ano ang itinakda ng Allah at patuloy na nagsisikap na malugod Siya . Ang pagiging mapagtiis ay mahirap na gawain; ito ay hindi laging madali o likas na dumarating, gayunpaman, sinabi ni Propeta Muhammad, ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, "Sinumang sinisikap na maging mapagtiis, ay tutulungan siya ng Allah na maging matiisin".
Ang pagtitiis at pasasalamat ay magkasama. Sabr at Shukr, ay ang mga salitang Arabik para sa pagtitiis at pasasalamat. Ang pagsasanay sa pagtitiis ay nagiging mas madali kung binibilang natin ang ating mga pagpapala at nagpapasalamat para sa mga ito. Madalas nating malimutan na ang mga pagpapala mula sa Allah ay kasama ang hangin na ating nilalanghap, ang mga ulan na bumabagsak mula sa kalangitan, ang sikat ng araw na sumisikat sa ating mga mukha o ang silungan mula sa ulan at lamig.
Maraming mga paraan upang ipahayag ang pasasalamat ngunit ang pinakamadali at pinaka-kapaki-pakinabang na paraan ay ang pagsunod sa Allah sa pamamagitan ng pagtupad sa lahat ng ating mga obligasyon sa Islam. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa limang haligi ng Islam ay naipapahayag natin ang ating pasasalamat sa Allah. Kapag nagpatotoo tayo na, walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin kung hindi ang Allah lamang at si Muhammad ay ang Kanyang huling Sugo, tayo ay naging mapag-pasalamat na pinagkalooban ng Islam. Kapag ang isang mananampalataya ay nagpatirapa sa Allah ng tahimik, masayang nananalangin, tayo ay nagpapahayag ng pasasalamat. Sa panahon ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan,tayo ay nagpapasalamat sa mga pagkain at tubig sa pamamagitan ng pagka-unawa na ang Allah ang nagbibigay sa atin ng makakain. Kung ang isang mananampalataya ay may kakayahang magsagawa ng paglalakbay o peregrinasyon sa Bahay ng Allah sa Makkah, ito ay tunay na isang dahilan ng pasasalamat. Ang paglalakbay sa pagsasagawa ng Hajj ay maaaring maging mahaba, mahirap, at magastos. [1]
Ang pagsunod sa Islam sa paraang itinuro ng Allah ay isang pagpapahayag ng pagtitiis at pasasalamat. Kung tatanggapin at kikilalanin natin bilang mga biyaya ang mga pagsubok, pagtatagumpay, at kapighatian sa buhay na ito, ay binubuksan natin ang daan para sa paglipol ng lahat ng ating mga alalahanin at pamimighati. Ang lahat ng ating mga karanasan, mula sa pinakamataas na antas hanggang sa pinakamababang antas, ay mga biyaya mula sa Allah. Kapag tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan o pag-aalala, dapat tayong magtiwala sa Allah, magsikap na maging matiisin at mapagpasalamat at ibigay ang ating pagtitiwala sa Allah dahil ang Allah ang pinaka-Mapagkakatiwalaan.
“Ang mga mananampalataya ay iyong mga, kapag binanggit ang Allah, ay nakadarama ng takot sa kanilang mga puso at kapag ang Kanyang mga Talata (Quran na ito) ay binabanggit sa kanila, sila (ang mga taludtod) ay nadaragdagan ang kanilang Pananampalataya; at sila ay nagtitiwala sa kanilang Nag-iisang Panginoon lamang. "(Quran 8: 2)
Ang kumpletong pagtitiwala sa Allah ay tinatawag na tawakkul. Nangangahulugan ito na nahaharap tayo sa mga pagsubok sa buhay, at nagtatagumpay sa pagkakaalam na anuman ang ating mga paghihirap ay batid ng Allah kung ano ang mas makabubuti para sa atin. Ang pagtitiwala natin sa Allah ay dapat na maging tapat, sa lahat ng sitwasyon, mabuti, masama, madali, o mahirap. Anuman ang mangyayari sa mundong ito ay dahil sa Kanyang pahintulot. Ang Allah ang nagbibigay ng buhay at maaari Niya itong bawiin. Ang Allah ang tanging Panginoon ng buhay at kamatayan; Siya rin ang Isa na nagtatakda kung tayo ay magiging mayaman o mahirap, malusog o may sakit. Kung alam natin na ang Allah ang may kontrol sa lahat ng mga bagay at nais Niya na habambuhay tayong manirahan sa Paraiso, maaari nating simulan na isantabi at alisin ang ating kalungkutan at pag-aalala. Kung haharapin natin ang ating mga takot at mga pagkabalisa nang may ganap na pagtitiwala sa Allah, at kung magpapakita tayo ng pagtitiis at pasasalamat sa lahat ng ating mga kalagayan, ang kalungkutan at pag-aalala ay mawawala.
Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW) na, "Napakaganda ng kalagayan ng mananampalataya, sapagkat ang kanyang kalagayan ay lahat mabuti, at ito ay naaangkop lamang sa mga mananampalataya. Kung may magandang bagay na mangyayari sa kanya, siya ay nagpapasalamat at ito ay mabuti para sa kanya, at kung may masamang bagay na mangyayari sa kanya, hinaharap niya ito ng may pagtitiis, at mabuti ito para sa kanya. "[2]
Sa susunod na aralin ay tatalakayin natin ang mga paraan upang maging mas malapit sa Allah at nang sa gayon ay magsimulang alisin ang pag-aalala at kalungkutan mula sa ating buhay.
Upang maipagpatuloy ang ating mga pamumuhay na may lubos na pagtitiwala sa Allah, ay kailangang bumuo ng isang ugnayan sa ating Nag-iisang Tagapaglikha. Upang harapin ang kalungkutan at pag-aalala na tila isang bahagi na ng pang-araw-araw na buhay sa maunlad na mundo, ay kailangan nating magtiwala sa Allah. Kung ibibigay natin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya, at kakayanin ang mga pagsubok at kapighatian na darating sa ating buhay ng may sabr at shukr, ang ating pananaw sa buhay ay magbabago. Tiyak, hindi natin inaasahan na maging ligtas sa pag-aalala dahil ang mga pagharap sa mga balakid ay bahagi na ng buhay ng tao. Gayunpaman, ang pagharap sa mga problema na may pagtitiwala sa Allah at kasiyahan sa Kanyang kapasyahan para sa atin ay gagawing mas madali at mas masaya ang buhay.
Hindi mo lubos na mapagkakatiwalaan ang isang tao nang hindi nakikilala ang mga ito ng mabuti at ang tulad nito ay maaaring sabihin ang pagtitiwala sa Allah. Bago natin isuko ang ating sarili sa kalooban ng Allah, dapat nating malaman kung kanino tayo nagpapasakop. Maraming mga paraan na ang isang tao ay makapagtatatag ng ugnayan sa Allah. Bilang karagdagan, ang pagpapanatili na maging malapit sa Allah ay makakatulong sa atin na labanan ang mga di-maiiwasang sakit at mga kalungkutan na bahagi ng pagiging buhay. Susuriin lamang natin ang tatlo sa maraming mga paraan upang mapalapit ang isang tao sa Allah at maging matatag sa panahon ng kalungkutan at paghihirap.
Pagtawag sa Allah sa pamamagitan ng Kanyang Pinaka-Magandang mga Pangalan
Hinihikayat ang mga Muslim na alalahanin ang Allah at magpasalamat sa Kanya sa lahat ng oras, gayunpaman ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang lalo na kung ang isa ay nawala sa kalaliman ng kawalan ng pag-asa o kahit na ang makaramdam ng kaunting pagkapagod sa araw o sa buong linggo. Hinihikayat tayong alamin ang Magagandang Mga Pangalan ng Allah at sa gayon, ay makilala natin ang ating Tagapaglikha at tawagin Siya sa pamamagitan ng Mga Pangalan na nagpapahiwatig ng ating mga pangangailangan.
Hinihikayat tayo ni Propeta Muhammad (SAW) na tumawag sa Allah sa pamamagitan ng lahat ng Kanyang Pinaka-Magandang mga Pangalan. Sa kanyang sariling mga panalangin, kilala siya sa pagsasabi, "O aming Nag-iisang Panginoon (Allah), hinihiling ko sa iyo sa pamamagitan ng Iyong bawat pangalan na itinawag mo sa iyong sarili, o na Iyong ipinahayag sa Iyong Banal na Libro (Qur'an), o na Iyong itunuro sa Iyong mga nilikha, o na Ikaw ay nananatiling nakatago sa hindi nakikitang kaalaman sa Iyong Sarili ". [1]
“Ang Allah! (Walang karapat-dapat na sambahin maliban sa Kanya)! Sa Kanya ay nabibilang ang Pinakamagandang mga Pangalan. "(Qur'an 20: 8)
“At (ang lahat) ng Pinaka-Magandang mga Pangalan ay nabibilang sa Allah, kaya tawagin Siya sa mga ito... "(Qur'an 7: 180)
Ang pagninilay nilay sa Mga Pangalan ng Allah ay maaaring magdulot ng malaking kaginhawahan. Ito ay nagpapahiwatig sa Kanyang kadakilaan at nagdaragdag ng ating pananampalataya. Maaari din itong makatulong sa atin sa pagtuon sa pagiging mahinahon at matiisin. Mahalaga na maunawaan na kahit na ang mananampalataya ay hinihimok na huwag magpadala sa kalungkutan at pagdadalamhati o dumaing hinggil sa mga kahirapan at mga problema, hinihikayat siyang magbalik loob sa Allah, manalangin sa Kanya at humingi ng lunas sa Kanya. Ang paggamit ng mga pangalan ng Allah na tumutugma sa pangangailangan ay isa ring kapuri-puri at mahinahong gawain.
Manalangin sa bawat Pagkakataon
Kung ang isang tao ay nalulungkot, mahalaga na malaman na ang Allah ay nasa malapit lamang at ang isang epektibong paraan upang maabot Siya ay sa pamamagitan ng panalangin. Kung ang isa ay mananawagan sa Pinaka-Maawain, Siya (ang Allah) ay tutugon. "At kapag tinanong ka ng Aking mga alipin tungkol sa Akin, kung gayon (sagutin sila), ako ay tunay na malapit (sa kanila sa pamamagitan ng Aking Kaalaman). Tumutugon ako sa mga pagtawag ng nananalangin kung siya ay mananawagan sa Akin. Kaya't hayaan silang sumunod at maniwala sa Akin, nang sa gayon sila ay maakay sa tama. "(Qur'an 2: 186)
Tinuruan ni Propeta Muhammad (SAW) ang kanyang mga tagasunod ng isang panalangin lalo na para sa mga yaong nakakaramdam ng kalungkutan at namimighati
“Ang sinumang dinapuan ng kapighatian at kalungkutan, at nagsabi: Allaahumma inni 'abduka ibnu' abdika ibnu amatika naasiyati bi yadika, maadhin fiyya hukmuka, 'adlun fiyya qadaa-uka. Asaluka bi kulli ismin huwa laka sammayta bihi nafsaka aw anzaltahu fi kitaabika aw 'allamtahu ahadan min khalqika aw ista-tharta bihi fi' ilmil-ghaybi 'indaka,' an taj-'alal-Qur-aana rabee'a qalbi wa noor sadri wa jalaa huzni wa dhahaaba hammi (O Allah, ako ay iyong alipin, anak ng Iyong lalaking alipin, anak ng iyong babaeng alipin: ang aking kapalaran ay nasa Iyong kamay, ang iyong ipinag-utos sa akin ay habambuhay na tutuparin at ang Iyong kapasyahan sa akin ay makatarungan. Hinihiling ko sa Iyo sa bawat pangalan na nabibilang sa Iyo kung saan pinangalanan Mo ang Iyong Sarili, o ipinahayag sa Iyong Banal na Libro, o itinuro Mo sa sinuman na iyong nilalang, o Ikaw ay nanatili sa kaalaman ng Hindi Nakikita, na ginawa Mo ang Quran na maging buhay ng aking puso at ang liwanag sa aking dibdib, ang nag-aalis ng aking kalungkutan at ang nagpapaginhawa ng aking kahirapan), ngunit papawiin ng Allah ang kanyang kahirapan at kalungkutan, at papalitan ito ng kaligayahan. "Siya ay tinanong:" O Sugo ng Allah, dapat ba natin itong matutunan?" Kanyang sinabi: "Siyempre; sinuman ang makarinig nito ay dapat itong matutunan." [2]
Ang panalangin (Du'a) ay nagdaragdag ng pananampalataya, nagbibigay ng pag-asa at kaginhawaan sa mga namimighati at inililigtas ang nananalangin mula sa kawalan ng pag-asa at pagkakabukod. Ang paggawa ng taos-pusong panalangin ay tunay na isang sandata na kayang makipaglaban kahit na sa pinaka-matinding paghihirap at kalungkutan. May mga hindi mabilang na mga pangyayari nang ang mga Propeta at ang ating mga matuwid na sinaunang mga tao ay nanalangin at ang Allah ay tumugon upang sila ay iligtas mula sa anumang tiyak na panganib, kalamidad o pasakit.
Pag-unawa sa katotohanan ng buhay sa Mundong ito
Madalas na kasawian, pasakit, at pagdurusa na maaaring dumating dahil sa ating sariling mga pagkilos. Pinipili nating gumawa ng kasalanan, ngunit nililinis tayo ng Allah sa pamamagitan ng pagkawala ng kayamanan, kalusugan o mga bagay na ating minamahal. Kung minsan ay naghihirap ngayon, sa mundong ito bilang kabayaran sa paghihirap sa kabilang buhay; minsan ang lahat ng pasakit at paghihirap ay nangangahulugan na tayo ay inhahanda sa isang mas mataas ng hantungan sa Paraiso.
Alam ng Allah ang tunay na karunungan sa likod ng kung bakit ang magagandang bagay ay nangyayari sa masasamang tao, o kung bakit ang masasamang bagay ang nangyayari sa mabubuting tao. Sa pangkalahatan, anuman ang maging sanhi ng pagbabalik-loob natin sa Allah ay mabuti. Sa panahon ng pagsubok ang mga tao ay napapalapit sa Allah. Ang Allah ang Tagapagtustos at Siya ang Pinaka-Mapagbigay. Nais Niya tayong gantimpalaan ng buhay na walang hanggan at kung ang pasakit at paghihirap ay magdadala sa atin palapit sa Paraiso, kung gayon ang karamdaman at kapinsalaan ay isang biyaya. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Kung nais ng Allah na magbigay ng kabutihan sa isang tao, binibigyan Niya ito ng mga pagsubok." [3]
Maraming mga tao na nagbalik-loob sa Islam ay gumawa ng isang matibay na desisyon na baguhin ang kanilang mga pangalan upang maging tanda sa pagsisimula ng isang bagong buhay, isang bagong simula at isang bagong relihiyon. Gayunpaman ay dapat nating tandaan na hindi obligado sa isang tao na baguhin ang kanilang pangalan maliban na lamang kung dahil sa mga partikular na kalagayan. Ang isang tao ay hindi kailanman obligadong baguhin ang kanilang mga pangalan maliban kung ang ibig sabihin nito ay pagkaalipin ng isang tao o isang bagay maliban sa Allah o may ipinagbabawal na kahulugan. Gayunpaman, itinuturo sa atin ng Islam na ang bawat tao ay maiimpluwensiyahan ng mga kahulugan at mga diwa na nauugnay sa kanyang pangalan, at samakatuwid ay dapat nating pangalanan ang ating mga anak ng "mabuting" mga pangalan. Ito ay pareho ring totoo na kapag ang isang tao ay nagbalik-loob o yumakap sa Islam. Dapat nilang isaalang-alang ang kahulugan ng kanilang pangalan at kung ano ang ibig sabihin o tawag dito. Sa gusto natin o hindi, ang mga pangalan ay nagtataglay ng mga kahulugan at pumupukaw sa mga imahe o nagtataglay ng masamang palagay tungkol sa mga tao na pinangalanan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iminungkahi ni Propeta Muhammad (SAW) na baguhin ng ilang tao ang kanilang mga pangalan. Kung gayon ay tingnang mabuti ang pagpili at pagpapalit ng iyong pangalan pagkatapos magbalik-loob o yumakap sa Islam.
Mga Ipinagbabawal na Pangalan
Ipinagbabawal ang pagpili ng mga pangalan na nabibilang lamang sa Allah. Kabilang dito ang mga pangalan tulad ng Al-Ahad (Ang Nag-iisa), As-Samad (Ang Isa na pinagkakatiwalaan ng lahat para sa kanilang ikabubuhay), Al-Khaaliq (Ang Tagapaglikha), Al-Razzaaq (Ang Tagapagtustos), at Al-Jabbaar (Ang Tagabunsod). [1] Ipinagbabawal na gamitin ang anumang pangalan kung saan nangangahulugan ng pagkaalipin sa anumang bagay o sinuman bukod sa Allah, tulad ng 'Abdul-'Uzza (alipin ng al-'Uzza - isang paganong diyosa),' Abdul-Ka'bah (alipin ng Ka'bah ), 'Abdul-' Ali (alipin ni 'Ali),' Abdul-Husayn (alipin ni Husayn). Ipinagbabawal ding gamitin ang mga pangalan na kabilang sa mga idolo o diyus-diyusan, o isang pangalan na may malinaw na mga paganong pinagmulan.
Mga Hindi Kanais-nais na Pangalan
May maraming mga uri ng mga pangalan na hindi kanais-nais kahit na sila ay hindi tahasang ipinagbabawal. Kabilang dito ang mga pangalan na may masasama o nakapipinsalang mga kahulugan, o kung ito may tunog na kakaiba, o magiging sanhi ng kahihiyan. Ang mga pangalan na gaya ng mga ito ay salungat sa gabay ni Propeta Muhammad (SAW) na nagturo sa atin na pumili ng mga mabuting pangalan. Hindi rin ipinapayo na gumamit ng mga pangalan na nakakapukaw o malaswa o naghahatid ng anumang uri ng kasalanan at pagsuway sa Allah. Mayroon ding ilang pagkakaiba ng opinyon sa mga iskolar ng Islam kung ang mga mananampalataya ay maaaring gumamit ng mga pangalan ng mga Anghel o Kabanata ng Quran.
Arabik o Hindi Arabikong Mga Pangalan
Ang Islam ay dumating sa mga Arabo at di-Arabo, kaya hindi mahalaga para sa isang bagong Muslim na kumuha ng isang Arabong pangalan, sa halip mahalaga na ang pangalan ay hindi dapat pangit o may kahulugan na laban sa Islam. Kung ang di-Arabong pangalan ay may isang mabuting kahulugan, walang mali sa paggamit nito. Maraming Persiano at Byzantino ang yumakap sa Islam at pinanatili ang kanilang mga pangalan, at hindi binago ang mga ito. Sa katunayan, marami sa mga Propeta ay may mga pangalan na hindi Arabo dahil sila ay hindi Arabo. Gayunpaman ang lahat ng mga Propeta ay may mabuting mga pangalan at nagbigay ng mga mabuting pangalan sa kanilang mga anak, na kinuha nila mula sa kanilang natatanging mga kaugalian at tradisyon. Kasama sa mga halimbawa ang Isaac (Ishaaq), Moses (Musa) at Aaron (Harun).
Mga Mabuting Pangalan
Ginawang malinaw ni Propeta Muhammad (SAW) na ang mga magulang (at sa gayon ang mga nagbabago ng kanilang mga pangalan sa pagbabalik-loob sa Islam) ay dapat gumamit ng binanggit niyang magandang mga pangalan. Ang mga magulang ay dapat pumili ng isang mabuting pangalan para sa kanilang anak, at hindi ito dapat maging kakaiba o kakatwa sa lipunan kung saan sila naninirahan, dahil ang pagkakaroon ng isang kakaibang pangalan na maaaring maging sanhi sa pangalan o sa nagmamay-ari nito na tuksuhin o libakin. Sinabi sa atin ng minamahal na asawa ni Propeta Muhammad (SAW) na si Aisha (kalugdan nawa siya ng Allah) na lagi niyang binabago ang masamang mga pangalan at ang isa sa anak na babae ng kasamahan ni Propeta Muhammad (SAW) na si Omar (RA) ay tinawag na 'Aasiyah (suwail) at pinalitan ng Propeta ang kanyang pangalan na Jameelah (kaibig-ibig). [3]
May limang mga natatanging uri ng magagandang mga pangalan. Ang una ay binubuo ng mga pangalan na Abdullah at 'Abd ur-Rahman. Iniulat na ang Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi, "Ang pinakamamahal na mga pangalan sa Allah ay Abdullah at 'Abdur-Rahman." [4] Ang pangalawang uri ay ang lahat ng mga pangalan na nagpapahayag ng pagkaalipin at pagsamba sa Allah, tulad ng' Abdul- Azeez, 'Abdur-Raheem,' Abdul-Malik, 'Abdus-Salaam, at iba pa. Ang ikatlong uri ay ang mga pangalan ng mga Propeta at ang ika-apat, ay ang mga pangalan ng mga matuwid lalo na ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad (SAW). Sa huli, ang ikalimang uri ay iba pang pangalan na may maganda at kaaya-ayang kahulugan.
Ang Opisyal na Pagpapalit ng Pangalan
Kung ang pagpapalit ng pangalan ng isang tao sa opisyal na mga dokumento at mga kasulatan ay magdudulot ng isang malaking abala, sapat na itong baguhin sa kanyang pamilya at mga kakilala. Sa ganitong kalagayan siya ay tatawagin sa kanyang bagong pangalan ng mga kaibigan, mga kakilala, at pangkalahatang tao, habang ang mga opisyal na dokumento ay mananatili ang dating ibinigay na pangalan. Hindi ito magiging sanhi ng mga problema at ito ay ganap na katanggap-tanggap. Maraming mga tao ang nag-aalala ng hindi kinakailangan na ang mga di-Arabo o di-Muslim na mga pangalan ay maaaring humadlang sa kakayahang magsagawa ng Hajj o Umrah. Hindi ang kalagayang ito. Ang bisa ng Hajj o Umrah ng isang tao ay walang kinalaman sa kanilang pangalan. Kapag nag-aplay ng bisa upang makapunta sa Hajj o Umrah, dapat na makakuha ng isang sapat na sertipiko mula sa lokal na Islamikong tanggapan na nagpapatunay na ang tao ay yumakap sa Islam. [5]
Pagpapanatili ng Angkan o Lahi
Mahalaga sa isang tao na kilalanin ang kanyang angkan mula sa kanilang biyolohikal o tunay na ama, maging siya man ay Muslim o hindi. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW) na, "Sinumang magpahayag ng sinasadya na siya ay nabibilang sa ibang tao (anak ng iba) maliban sa kanyang ama ay tatanggihan ng Paraiso." [6] Kaya kahit na ang isang tao ay nagpasiya na baguhin ang kanilang pangalan para maging akma sa bago nilang relihiyon ay hindi nila maaaring baguhin ang pangalawa o ang tinatawag sa kanluran na apelyido.
Tiyak na maaaring may ilang mga sagabal sa pagpapalit ng pangalan, ang bawat tao at ang kanilang mga kalagayan ay magkakaiba, gayunpaman ang relihiyon ng Islam ay ginawa ito na maging madali. Mula sa mataas na mga panukala ay maaaring makita na ang kompromiso ay laging posible. Maliban na lamang kung ang isang pangalan ay may ipinagbabawal na kahulugan, ang bawat sitwasyon ay hahatulan sa bawat pansariling katangian.
Ang mga pag-aalinlangan tungkol sa kung ano ang ating pinaniniwalaan at kung bakit naniniwala tayo dito ay isang pangkaraniwan. Sa katunayan madalas na ang mga pagdududa ay nagiging daan sa mga tao na yakapin ang Islam. Ang pag-aalinlangan tungkol sa pagiging wasto ng pamamaraan ng kanilang paniniwala ay madalas na nagdadala sa mga tao sa paghahanap sa isang bagay na maaari nilang maunawaan at paniwalaan. Ang pagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa piniling relihiyon o mga aspeto ng relihiyong iyon ay maaaring mangyari ngunit ang kaibahan ay pinahihintulutan tayo ng Islam na magbabala at maghanda sa pagharap sa mga pagdududa. Ang Islam ay madalas na inilalarawan bilang 'ipinabatid na kaalaman' sa halip na hindi makitang pananampalataya (blind faith), samakatuwid kapag ang mga pagdududa ay lumitaw at hindi natin magagawang mapaglabanan ang mga ito. Ang mga pag-aalinlangan ay isang sakit na maaaring maging sanhi ng malaking pinsala sa ating espirituwal na kalusugan kung ang mga ito ay hahayaang lumala sa halip na harapin kung ano ang mga ito - mga panlalansi o salamangka at mga ilusyon na ibinato sa atin tulad ng mga palaso mula sa pana ng Shaytan.
Ang Shaytan ay ang sinumpang kaaway ng sangkatauhan. Tulad na maaari niyang ibulong ang masasamang mga saloobin sa ating mga puso, maaari rin niyang punan ang ating mga isipan nang mga pagdududa, mga pagdududa na ginawa upang maging sanhi ng pagkabalisa at pagkalito. Minsan ang isang tao ay hindi kayang makilala ang pagitan sa kung ano ang itinanim ng Shaytan at kung ano ang iniisip natin sa ating sariling pagpapasya. Sa iba pang mga pagkakataon ang mga kaisipan ay tulad ng isang nakasisindak na sariling katangian na natatakot tayong maulit ang mga ito o suriin sila kung sakaling hatulan nila tayo o ibunyag sa atin ang pagiging mapagkunwari o sumasalungat sa Islam. Ang isang tao ay dapat na ganap na hindi bigyang pansin ang ganoong mga saloobin at pagdududa at hindi isipin ang mga ito at humingi ng proteksyon mula sa Shaytan sa Allah. Sabihin "A'udhu billahi minash-shaytaanir-Rajeem" (humihingi ako ng proteksyon sa Allah mula sa sinumpang Shaytan) at humingi ng kapatawaran.
Mula sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad, mapasakanya nawa ang awa at mga pagpapala ng Allah, sinabi sa atin na kapag ang isang tao ay nakaramdam ng pag-aalinlangan sa kanyang pananampalataya ay nangangailangan siyang humingi ng gabay sa Allah, itakwil kung ano ang nagiging sanhi ng pag-aalinlangan at sabihin, "Aamantu billaahi wa rusulihi ", na ang ibig sabihin ay, naniniwala ako sa Allah at sa Kanyang Sugo. [1]
Walang proteksyon mula sa pagkawasak na maaaring maranasan sa pamamagitan ng mga pagdududang ito, maliban sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Allah. Kaya kapag ang mga pag-aalinlangan ay bumabagabag sa iyong puso, isip o kaluluwa lumapit sa Allah at makaramdam ng kaginhawahan sa pagsunod sa Kanya at sa pagnanais na malugod Siya. Sa Sunnah ni Propeta Muhammad (SAW) ay nakita namin ang isang magandang pagsasalaysay ng Propeta kung saan direktang nagsasalita ang Allah sa mga mananampalataya. Kaya kapag ang mga pag-aalinlangan ay naramdaman, humingi ng gabay mula sa Allah lamang, kilalanin natin ng lubos at labis na umasa sa Kanyang awa at harapin ang mga pag-aalinlangan na may kaalaman at mabubuting gawa.
“‘O Aking mga alipin, ipinagbabawal ko ang pang-aapi para sa Aking Sarili at ipinagbabawal ito sa inyo, kaya't huwag apihin ang isa't-isa. O Aking mga alipin, lahat kayo ay maliligaw maliban sa Aking mga ginabayan, kaya humingi ng gabay mula sa Akin at gagabayan Ko kayo. O Aking mga alipin, lahat kayo ay nagugutom maliban sa Aking mga pinakakain, kaya humingi ng makakain mula sa Akin at kayo ay Aking pakakainin. O Aking mga alipin, lahat kayo ay hubad maliban sa Aking mga nabihisan, kaya humingi ng pananamit mula sa Akin at dadamitan Ko kayo. O Aking mga alipin, nagkakasala kayo sa gabi at araw, at pinatatawad ko ang lahat ng mga kasalanan, kaya humingi ng tawad mula sa Akin at kayo ay Aking patatawarin. O Aking mga alipin, hindi ninyo Ako mapipinsala o mabibigyan ninyo ako ng kapakinabangan. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu sa inyo upang maging mabuti sa pinaka-mabuting puso na mayroon ang sinumang tao sa inyo, na hindi madaragdagan ang Aking kaharian ng anumang bagay. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu sa inyo upang maging mahina sa isang may pinaka-mahinang puso na mayroon ang sinumang tao sa inyo, na hindi mababawasan ang Aking kaharian ng anumang bagay. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu inyo upang itaas sa isang lugar at hihiling sa Akin, at ibibigay ko sa lahat kung ano ang kanilang hinihiling, nang hindi mababawasan kung ano ang mayroon sa Akin, anumang hihigit pa sa isang karayom na makapagpapababa sa dagat kapag inilagay ito. O Aking mga alipin, ito ay walang iba kungdi ang iyong mga gawain na Aking susukatin para sa inyo at pagkatapos ay gagantimpalaan ka para dito, kaya't hayaan siya na makita ang mabuti na purihin ang Allah at hayaan siya na makita ang iba na higit na walang sinumang dapat sisihin maliban sa kanyang sarili. '"[2]
Ang bagay na pinaka-gusto ng Shaytan ay ang makapagdulot sa isang tao na natagpuan ang katotohanan palayo mula sa kanyang piniling landas. Sinusubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya na maglagay ng mga pag-aalinlangan at siya ay lubos na may kakayahan na gawin iyon sa pamamagitan ng pagpuno sa mga puwang sa isipan ng isang tao na hindi pa napupunan ng tunay na kaalaman. Kaya mahalaga na patuloy na maghanap ng kaalaman mula sa duyan hanggang sa libingan. O, sa ibang salita mula sa oras na iyong unang sinimulang pag-isipan ang pagyakap sa Islam hanggang sa oras na tatayo ka nang harap-harapan sa Anghel ng kamatayan.
Dahil sa ating limitadong kaalaman ay maaaring hindi natin maunawaan ang ilan sa mga pahayag o kadahilanan sa ilang mga ipinag-uutos at maaari itong magdulot ng mga pag-aalinlangan o pagdududa. Sa isang sitwasyon na tulad nito, ang isang tao ay dapat na muling pagtibayin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga batayan ng Islam; dahil ito ay tinanggap na nagpapakita ng talino, ang ilang mga bagay na ang isa ay maaaring makaramdam ng pag-aalinlangan, hindi dapat manatili na isang suliranin, sapagkat naniniwala tayo na ang Allah ay Makapangyarihan-sa-lahat, Pinaka-Matalino!
Bilang mga Muslim, ay matatag tayong naniniwala na ang lahat ng mga bagay ay may isang siguradong dahilan sa likod ng kanilang paglikha; kung minsan, nauunawaan natin ang dahilan, at sa ibang mga pagkakataon ay hindi. Ang ating kamangmangan sa mga panuntunan kung bakit sa likod ng isang bagay ay hindi itinatanggi ang katotohanan na may isang dahilan. Ito ay dahil lamang sa ating mga pagkukulang na hindi natin naiintindihan ang ilang mga bagay. Ito ay napatunayan sa nakalipas na panahon ng ating katutubong kasaysayan; maraming mga bagay sa nakaraan ay tila hindi kilala, mahiwaga, at iniisip ito na isang kakatwang bagay, ngunit habang umuunlad ang agham, ang karunungan sa likod ng mga bagay na iyon ay naging malinaw. Ang apendise (appendix) ay isang halimbawa, ilang taon na ang nakalilipas, naiisip lamang ito bilang isang walang silbing bahagi ng katawan, ngunit ngayon habang umuunlad ang agham, ang kaalaman sa likod ng pagkakaroon nito ay naging malinaw!
Sa maikling sabi, hindi tayo sinabihan ng dahilan at kaalaman sa lahat ng bagay. At kung ang isang tao ay may mga pag-aalinlangan tungkol sa mga batayan ng Islam, kung gayon ang isang tao ay dapat isaalang-alang ang mga katibayan sa Islam nang mas detalyado upang palakasin ang kanilang pananampalataya.
Sa araw at panahon na ito ay nahaharap tayo sa hindi kapani-paniwalang pagpasok sa kaalaman na mula sa lahat ng dako ng mundo at nakakalungkot na kasama dito ang maraming mga lugar (site) at mga mapagkukunan na sinusubukang linlangin ang Islam sa pamamagitan ng pagbaluktot sa mga katotohanan, pagsipi ng mga salita na walang kaugnay na kahulugan, pagsipi sa mga mahina at gawa-gawang tradisyon mula sa Sunnah o sa pamamagitan lamang ng pagbuo ng mga kasinungalingan laban sa Islam. Mahalagang malaman na ang iyong natutunan tungkol sa Islam ay mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan.
Kahit na ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad (SAW) ay ginugulo ng mga negatibong saloobin at may maraming mga katibayan sa Sunnah na nagpapaliwanag ng normalidad ng mga karanasang ito.
“Patatawarin ng Allah para sa aking Ummah, na kung ano ang ibinubulong sa kanila at kung ano ang tumatakbo sa mga isipan nila, hangga't hindi nila ito isinasagawa o nagsasalita tungkol dito." [3]
Isinalaysay na sinabi ni Abu Hurayrah (nawa'y kalugdan siya ng Allah) na: "Ang ilan sa mga kasamahan ng Sugo ng Allah (SAW) ay lumapit sa Propeta at sinabi sa kanya, 'Nakikita namin sa aming mga sarili ang mga pag-iisip na labis na kakila-kilabot sa sabihin. 'Kanyang sinabi,' Tunay ba na kayo ay nahihirapan dito? 'Kanilang sinabi,' Oo. 'Kanyang sinabi,' Iyon ay isang malinaw na tanda ng pananampalataya. '"[4]
Kaya kung ang isang taong nakakaranas ng mga pag-aalinlangan ay nakakaramdam ng hindi maganda at namimighati dahil dito, hindi siya dapat na mag-alala o matakot, tulad ng sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), ang mga saloobing ito ay "tanda ng pananampalataya"! Ipinaliwanag ng mga iskolar ng Islam na tulad lamang ng isang magnanakaw na umaatake lamang sa isang lugar na alam niya na mayroong kayamanan at ang mga tagapagtanggol sa lokasyong iyon ay mga mahina, tulad ng Shaytan na umaatake lamang at naglalagay ng mga pag-aalinlangan sa mga puso na naglalaman ng kayamanan ng tunay na pananampalataya.
Binigyan tayo ng Allah ng isang simple at malinaw na pamamaraan sa Quran kung paano haharapin ang mga pagdududa. Kanyang sinabi:
“Magtanong sa mga taong may kaalaman kung hindi mo alam." (21: 7)
Ang pagkakaroon ng mga pag-aalinlangan ay nagpapakita sa isang anyo ng kamangmangan na maaalis lamang sa pagkakaroon ng kaalaman. Ang mas higit na pagtuturo sa kanilang mga sarili at pagpapalakas sa kanilang pananampalataya, sila ay magiging mas malakas na itaboy ang mga pag-uudyok ng pag-aalinlangan.
Ano ang stereotype?
Understanding-Media-Stereotyping.jpgAng estereotyping ay pangkalahatang paglalarawan na ginagamit upang makilala ang isang grupo o tao at sila ay hindi naman lahat masama. Gayunpaman, ang problema sa mga stereotypes ay kadalasang pinalalaki o dinadagdagan na nagbubunsod sa ibang tao na humusga batay sa hindi sapat na kaalaman o pag-unawa. Nagreresulta ito sa baluktot o hindi kumpletong impormasyon na tinatanggap bilang katotohanan.
Tayong lahat ay nagsisimula mula sa may pagkiling na pananaw sapagkat mayroon lamang tayong iisang pagtanaw sa mundo; nakikita lamang natin kung ano ang nasa harap ng ating mga mata, naririnig kung ano ang nasa paligid, at nababasa kung ano ang nasa ating harapan. Samakatuwid, kapag iniharap tayo sa parehong mga stereotype malamang na makita natin kung ano ang inaasahan nating makita. At may ugali tayo na baguhin at baluktutin ang mga katangian ng iba hanggang umayon sila sa ating mga stereotype.
Ang Stereotyping ay maaaring maging kapaki-pakinabang; Tinutulungan tayo nito na hanapin ang ating sarili sa mundo at tinutulungan tayong matukoy ang ating lahi, uri, kasarian, relihiyon, o kultura etc. Habang tayo ay lumalaki dapat tayong kumilos na labas sa ating mga pagiisip at pagkiling sa pamamagitan ng kritikal na kakayahang magisip upang makabuo ng mas balanseng mga opinyon. Natututo tayo na unawain ang impormasyon at gumawa ng mga pagpapalagay mula sa karanasan at kaalaman. Ang problema sa media stereotyping ay, na tayo, bilang mga madla, ay pinauulanan ng maraming impormasyon na higit pa sa kaya nating maunawa. Tayo kung ganun ay nawawalan ng kakayahan na alamin ang katotohanan mula sa kathang-isip dahil ang mga opinyon at pagkiling ng ibang tao ay inilalahad at ipinakikilala bilang hindi maikakailang katotohanan. Ang mga tao ay gusto, nais, at kailangang uriin ang mundo sa paligid nila tungo sa maayos at munting grupo, dahil ito ay tumutulong sa atin na matukoy ang ating lugar sa mundo at ang media stereotyping ay nakatutok sa pangangailangang ito.