Si Uthman ibn Affan ay ang ikatlong pinuno ng Muslim na Ummah pagkamatay ni Propeta Mohammad. Siya ay namuno ng 12 na taon mula 644 CE hanggang 656 CE. Ang mga unang taon ng kanyang pamumuno ay tahimik ngunit ang mga huling taon ay pininsala ng sagupaan at mapanghimagsik na kilusan.
Humigit-kumulang pitong taon pagkatapos ipinanganak si Propeta Muhammad, si Uthman ibn Affan ay isinilang sa sangay ng Ummayad ng tribong Quraish. Sila ang pinaka-maimpluwensyang angkan ng Mecca at si Uthman ang kanilang tinatawag na gintong lalaki. Guwapo, mahiyain, mahinhin, mayaman at mapagbigay din, Si Uthman ay lubos na iginagalang, may pinag-aralan at maalam sa paglalakbay. Ang ama ni Uthman, isang mayaman na mangangalakal, ay namatay nang si Uthman ay bata pa at minana niya ang isang yumayabong negosyo.
Si Uthman ay tatlumpu't apat na taong gulang nang hikayatin siya ni Abu Bakr sa Islam, at ang kasaysayan ay nagsasabi sa atin na siya ang ikaapat na tao na tumanggap sa Islam. Ang agarang tugon ni Uthman sa paaanyaya ni Abu Bakr ay batay sa katiyakan at matatag na paniniwala. Nakita ni Uthman ang Islam bilang isang bagong paraan na sumakop sa kanyang sariling moral na pamamaraan. Itinuring niya ang Islam na isang paanyaya sa kabutihan. Ang mga ugnayan ng kapatiran sa Islam sa pagitan ni Uthman ibn Affan at Propeta Muhammad ay pinalakas nang si Uthman ay ikinasal sa anak na babae ni Propeta Muhammad na si Ruqayyah.
Sa mga unang araw ng Islam, ang pang-aabuso sa mga tagasunod ng bagong relihiyon ay napakarami. Ang mga Muslim ay pinahirapan at pinagpapapatay at kahit na ang katayuan ni Uthman bilang ang gitong lalaki ng Quraish ay hindi rin nagamit upang ipagtanggol siya. Siya ay inabuso at pinahirapan ng kanyang sariling tiyuhin, na nakagapos sa kanyang mga bisig at binti at kinandado sa isang madilim at kulob na lugar. Hindi nagtagal matapos ang pangyayaring ito si Uthman at ang kanyang asawa na si Ruqayyah ay nakilahok sa unang hijrah. Sila ay bahagi ng isang maliit na grupo ng mga Muslim na nagtungo at nagpakanlong sa Abyssinia. Pagkatapos marinig ang isang huwad na sabi-sabi na ang mga tao ng Mecca ay nagbalik-loob lahat sa Islam si Uthman at ilang iba pa ay bumalik sa Mecca. Nanatili sila upang maging malapit sa Propeta at maging bahagi ng nakikibakang bagong komunidad.
Sa oras na ito nabuo ni Uthman ang isang malapit na ugnayan sa kanyang biyenan na si Propeta Muhammad at narinig si Propheta Muhammad na tinukoy si Uthman bilang kanyang kawani. Walang duda na siya ay isa sa mga instrumento sa pagtulong kay Propeta Muhammad na itatag ang bagong Muslim na Ummah sa Medina. Ang isang daan at apatnapu't anim na ahadith ay naiulat ni Uthman ibn Affan kayat sa pamamagitan niya ay ating naunawaan ang ilan sa mahirap maintindihan sa pagsamba. Siya ay nagsilbi bilang sanggunian para sa mga nagsusumikap unawain ang kanilang relihiyon ng mas malalim na antas.
Sa oras ng unang labanan sa pagitan ng bagong Muslim na Ummah at ng mga pwersa ng Mecca, ang asawa ni Uthman na si Ruqayyah ay nagkasakit at namatay. Si Uthman ay nanatili sa tabi ng kanyang asawa sa buong panahon ng kanyang sakit at dahil dito siya ay hindi nakalahok sa Labanan ng Badr. Malungkot siya sa pagkawala ng kanyang asawa; ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sa mapasakanya, sa madaling panahon ay ipinakasal sa kanya ang kanyang isa pang anak na babae na si Umm Kulthum. Kaya't siya ay naging kilala bilang tao na may dalawang liwanag. Dahil sa agarang pagkakasal ni Propeta Muhammad sa dalawa sa kanyang mga anak na babae kay Uthman nagsisilbi itong patunay sa mabuti at matibay niyang pagkatao at kanyang dedikasyon sa bagong relihiyon ng Islam.
Sa buong Sunnah at makasaysayang mga teksto ng Islam, ating matatagpuan ang patuloy na mga reperensya patukoy sa kabutihan at kagandahang loob ni Uthman. Naiulat na tuwing Biyernes si Uthman ay bumibili ng mga alipin para sa layuning palayain lamang sila. Noong ang mga hukbong Muslim ay lalabanan ang mga Byzantine sa Tabuk, hinimok ni Propeta Muhammad ang mga mayayamang tao na tustusan at tulungan ang mga sundalo. Nagbigay si Uthman ng 200 na mga may sintaderang(saddle) kamelyo at 200 onsa(ounce) na ginto. Nagbigay din siya ng 1,000 dinar. Si Propeta Muhammad ay patuloy na humingi ng mga donasyon na umaasa na magbigay ng inspirasyon sa iba na magbigay ng malaya tulad ni Uthman. Gayunpaman, si Uthman ay patuloy na nilalagpasan sila at nagbigay ng isang kabuuang 900 na kamelyo na may mga pabaon.[1]
Sa panahon ng pagiging Khalifa ng parehong sina Abu Bakr at Umar, Si Uthman ay nanatiling malapit sa kanila pareho. Si Uthman at Abu Bakr ay nanatiling malapit na mga magkaibigan at si Uthman naman ay ang unang tao pagkatapos ni Umar na naghandog ng kanyang katapatan nang si Abu Bakr ay naging khalifah (caliph). Sa panahon ng mga maliliit na digmaan na naganap sa panahon ng pagiging khalifa ni Abu Bakr, nanatili si Uthman sa Medina bilang representatibo niya at kay Uthman din nasalaysay ni Abu Bakr ang kanyang huling habilin. Si Uthman ang unang tao na nag-aalok ng katapatan kay Umar. Noong 644 CE, si Uthman ay hinirang na ikatlong pinuno ng Muslim na Ummah. Ipinagpatuloy niya ang makatao at makatarungan na pamumuno ni Propeta Muhammad, Abu Bakr, at Umar.
Isang araw habang ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nasa Bundok ng Uhud sa Madinah, ito ay umuga at pinalo niya ito ng isang pamatpat at sinabi: "O Uhud, maging matatag! Tunay na nasa ibabaw mo ay isang Propeta, isang Sid'deeq (nagsasalita lamang ng katotohan) at dalawang martir. "Ang salitang 'Sid'deeq' ay tumutukoy kay Abu Bakr, ang unang Khalifah ng Islam, at ang dalawang martir ay sina Umar at Uthman. Si Uthman ay naging khalifah (caliph) matapos ang pagpatay kay Umar ibn Al-Khattab noong 644 CE. Siya ay namuno sa loob ng 12 taon, at sa panahon ng kanyang pamamahala, ang lahat ng Iran, karamihan sa Hilagang Aprika, ang mga Caucus at Cyprus ay idinagdag sa Islamikong Imperyo. Nang siya ay mamatay na, si Umar, ang pangalawang khalifah ng Ummah ay nagtalaga ng konseho ng anim na kalalakihan upang pumili ng isang bagong pinuno. Kaya si Uthman ibn Affan ay hinirang na khalifah sa pamamagitan ng isang proseso ng konsultasyon at masusing pag iisip. Si Uthman ay magiging 70 taong gulang noong inihalal siya sa katungkulan na ito. Sa loob ng maraming taon ay pinigilan niya ang mga kaluguran ng buhay na ito upang mapalapit sa Allah kaya noong nagtalumpati siya sa mga tao bilang bagong inihalal na khalifah hindi nakakabigla na nagtakda siya ng paggalang at malasakit at ito ay ang naging simbolo ng kanyang pamumuno.
Si Uthman ang unang khalifah na nag-ayos ng isang hukbong-dagat. Inayos niya ang mga administratibong dibisyon ng Ummah at pinalawak at pinasimulan ang maraming pampublikong proyekto. Sa ilalim ng pamamahala ni Uthman maraming mga moske, mga paaralan at mga bahay ng panauhin (guest house) ang itinayo sa patuloy na pagpapalawak ng Caliphate. Pinangasiwaan niya ang pagtatayo ng mga kanal upang hikayatin ang agrikultura at tinanggal ang mga paghihigpit sa pagbili ng lupa sa mga nasasakupan na lupa. Minahal ng mga tao si Uthman dahil labis siyang mapagbigay at nagtatag ng isang balangkas na sistema ng kapakanan para sa mga taong hindi ganoon kapalad. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ang mga tao ay natamasa ang mga luho na hindi natatamasa ng Khalifah mismo. Kasama ng mga magagandang halimbawa na ito, si Uthman ay lubos na matatag at mahigpit kapag ito ay dumating sa mga usaping hustisya. Wala siyang tinatangi sa kanyang pamilya sa bagay na ito; isang beses ang kanyang kalahating kapatid na lalaki ay iniharap upang parusahan para sa isang krimen na ginawa niya, ang kaparusahan ay hindi nabawasan o pinawalang-bisa kahit pa sa kanyang relasyon sa khalifah.
Si Uthman ay napaka-mapagpakumbaba at karaniwan makikita na natutulog nang nag-iisa sa moske na nakabalot sa isang kumot na walang mga kasama o mga gwardya sa paligid niya, o nakasakay sa isang mola. Siya ay isang deboto na lalaking nagmamahal sa Quran at kinahihiligan ito. Sa panahon ng kanyang pamumuno na kung saan ang iba't ibang mga dialekto ng Quran ay maaaring mabigkas ay ginawang isang dialekto at kopya na kilala ngayon bilang 'Mushaf Uthman'. Ang pamantayang kopya na ito ay walang tutol na tinanggap ng Ummah at ito ay parehong kopya na binabasa natin ngayon.
Kahit na ang Caliphate ay mabilis na lumalawak, ang mga taong may lihim na motibo ay nagsimulang magkalat ng mga binhi ng pagtatalo-talo sa mga kabataan at walang karanasan; kaya, ang mga huling taon ng paghahari ni Uthman ay minarkahan ng isang paghihimagsik. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagpropesiya na ito ay magaganap, tulad ng sinabi niya: "Ang Islam ay tatakbo nang maginhawa tulad ng isang maaayos na pagkakalagay ng batong panggiling, hanggang sa taong 35." Ang taong 35 ay marka ng taon kung saan si Uthman, nawa ay kalugdan nawa siya ng Allah, ay pinatay.
Ang mga rebelde na nagtipun-tipon sa Madinah mula sa iba't ibang panig ng Caliphate ay kinubkob ang tahanan ni Uthman sa loob ng 40 araw, kung saan ay pinigilan siya kahit sa pag-inom ng tubig. Si Uthman ay lumabas upang kausapin sila, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi nahihikayat. Sa simula, sila ay hinarangan sa pamamagitan ng batalyon ng mga kasamahan na nagsilbing bantay ng kanyang tahanan kasama ng mga ito ay sina Al-Hasan at Al-Hussain (ang mga anak ni Ali), nawa ay kalugdan nawa sila ng Allah. Inutusan sila ni Uthman na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil hindi niya nais na dumanak ang dugo ng sinuman. Pagkaalis nila ang mga rebelde ay pumasok sa kanyang bahay at pinatay siya sa harapan ng kanyang asawa. Habang tinatamaan ng tabak ng mamamatay-tao, binabanggit ni Uthman ang mga sumusunod:“Sapat na ang Allah sa iyo laban sa kanila. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.” (Quran 2:137)
Si Propeta Muhammad ay nag propesiya na malalagay si Uthman sa isang malubhang sitwasyon nang sabihin niya, "Marahil ay bibihisan ka ng Diyos ng isang kamiseta(damit pang ibabaw), Uthman, at kung gusto ng mga tao na hubarin sayo ito, huwag mong alisin ito para sa kanila." Bagaman hinihiling ng mga rebeldeng ito na siya ay bumaba bilang Khalifah, tumanggi siya at hindi nagpadala sa kanilang mga hinihingi. Ang kanyang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang Sugo ay nagbibigay sa kanya ng parehong lakas at pagpapakumbaba sa harap ng katandaan at matinding paghihirap.