Mga Artikulo

·       Kabah - Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.





·       Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.





·       Zakah - obligadong kawang-gawa.





·       Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, ng walang pagtatangi ng kulay, lahi, wika o nasyonalidad.





Si Abu Bakr ang tagapagtanggol.  (pagpapatuloy)


·       RightlyGuidedCaliphsAbuBakr2.jpgAng dalawang magkaibigan na si Abu Bakr at Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagkikita bawat araw at araw-araw ang kanilang pagkakaibigan ay lumalago. Nadama ni Abu Bakr na tungkulin niyang ipagtanggol si Propeta Muhammad. Isang araw habang nagdarasal sa Kabah, sinalakay si Propeta Muhammad. Isang pagtatalo na nagsimula bilang pangungutya na mabilis umakyat sa isang pisikal na pang-aabuso. Nang ipinaalam kay Abu Bakr, siya ay tumakbo sa Kabah at nilagay ang kanyang sarili sa gitna ng labanan at sumigaw, "Papatayin ninyo ba ang isang tao sa pagsasabi na ang Allah ay kanyang Panginoon". [1] Ang mga taga-Mecca ay kagyat  na nasindak ngunit pagkatapos ay nabaling kay Abu Bakr ang panggugulpi, na sa sobrang lubha maraming dugong dumaloy at nagulo ang kanyang buhok. Kahit na pinalo hanggang nawalan ng malay ang sunnah ay pinapaalam sa atin na ang unang mga salita ni Abu Bakr noong nagkamalay ay ang  agarang pagtatanong tungkol sa kondisyon ni Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya





·       Sa isa pang pangyayari nang dumadalangin si Propeta Muhammad sa Kabah isa sa mga lider ng Mecca ay naglagay ng isang pirasong tela sa paligid ng kanyang leeg at sinimulang sakalin siya. Maraming tao ang nanonood pero walang nagmatapang pigilan ang pang aapi maliban kay Abu Bakr, na nagmadali at nakipaglaban sa taong umaatake sa kanyang minamahal na kaibigan.





Paglipat ni Abu Bakr.


·       Isang araw sa kainitan  ng tanghali, dumalaw si Propeta Muhammad sa tahanan ni Abu Bakr. Inihayag niya sa kanyang kaibigan na binigyan siya ng pahintulot ng Allah na umalis sa Mecca. Sinabi ni Aisha na ang kanyang ama ay napaluha nang marinig niya na siya ay magiging kasama ni Propeta Muhammad sa paglalakbay. Hindi siya napaluha sa takot kundi sa kagalakan. Nananaig sa damdamin ni Abu Bakr na siya ang magiging kasama at tagapangalaga ng Sugo ng Allah.





Nang gabing iyon, lumakad ang Propeta at si Abu Bakr sa mga madidilim na disyerto, at pinangalagaan sila ng Allah sa pamamagitan ng isang sapot ng panlilinlang. Si Abu Bakr at si Propeta Muhammad ay patungo sa Yathrib (ngayon ay pinangalanang Medina) ngunit nalaman  ng mga taga-Mecca at naguumapaw sa galit at hinahanap sila sa lahat ng dako, kaya nagtago sila ng tatlong gabi sa isang kuweba sa timog ng Mecca. Ang grupong naghahanap sa kanila ay nakarating ng sobrang lapit sa kanila na halos nakikita na ni Abu Bakr ang harapan ng kanilang mga sapatos. Nakatayo sila sa labas ng kuweba ngunit hindi pumasok sapagkat binulag sila ng Allah na makita ang pasukan.





Si Abu Bakr ang mandirigma.


·       Ang unang labanan na nakibahagi ang bagong Muslim na nasyon ay Ang Labanan ng Badr; ang kalalakihan ay tumanggi na pahintulutan si Propeta Muhammad sa mga linya sa harap at gumawa para sa kanya ng isang silong sa likuran ng mga pulutong. Si Abu Bakr ay nagkusang magbantay sa kanyang Propeta. Walang sinuman ang nagnais gawin iyon, marahil dahil gusto nilang maging kasama sa labanan; gayunpaman, naunawaan ni Abu Bakr na ang buhay ni Propeta Muhammad ay ang pinaka mahalaga. Habang si Propeta Muhammad ay nasa silong, makikita si Abu Bakr na naglalakad na  papunta at pabalik, na  ang kanyang tabak (sword) ay nakalabas, handa na ipagtanggol ang kanyang kasama. Mayamaya sa labanan, pinangunahan ni Propeta Muhammad ang kalagitnaan ng batalyon at si Abu Bakr ang kanang kamay.





·      Noong 630 CE nagpasiya si Propeta Muhammad na manguna sa isang ekspedisyon sa Tabuk sa paligid ng Syria. Malaking pangangailangan ng mga hayop at kagamitan ay kinakailangan para sa ekspedisyon kaya si Propeta Muhammad nag-anyaya ng mga pagaambag at mga donasyon mula sa kanyang mga tagasunod. Sinasabi sa sunnah na ibinigay ni Abu Bakr ang lahat ng kanyang kayamanan upang tustusan ang labanan na ito. Nang tanungin siya ni Propeta Mohammad kung magkano ang kanyang naibigay na sinabi ni Abu Bakr, "Nadala ko ang lahat ng mayroon ako. Iniwan ko na lamang ang Allah at Kanyang Propeta para sa aking sarili at sa aking pamilya ".[2]





Si Abu Bakr ang Khalifa.


·       Pinamunuan ni Abu Bakr ang mga Muslim sa pinakamalubha at mahihirap na oras na naharap sa Ummah. Si Propeta Muhammad ay namatay  at ilang bilang ng mga tribo ay nagrebelde sa pamamagitan ng pagtangging bayaran ang zakah. Kasabay nito ay may mga huwad na nagaangkin ng pagkapropeta at nagsimulang magrebelde. Sa ilalim ng mga kalagayang ito, maraming nagpayo kay  Abu Bakr na pumayag  na lamang ngunit hindi siya sumang-ayon at iginiit na walang pagkakaiba sa pagitan ng alinman sa mga haligi ng Islam lalo na sa paghahambing ng zakah sa pagadarasal. Sinabi niya na ang anumang pagpapaubaya para sa kanila ay magpapaguho sa mga pundasyon ng Islam. Ang mga nagrerebeldeng tribo ay sumalakay, gayunpaman ang mga Muslim ay handa at ang kanilang pagtatanggol ay matagumpay na pinamunuan ni Abu Bakr, ang Khalifa mismo. Pinilit din ni Abu Bakr ang mga huwad na nag-aangkin ng pagkapropeta na bawiin ang kanilang mga pag-angkin at karamihan sa kanila ay sumuko sa kalooban ng Allah sa pamamagitan ng muling pagsali sa Ummah.





     Si Abu Bakr ay namatay noong Agosto 634 sa edad na animnapu't tatlo. Siya ay inilibing sa tabi ng kanyang mahal na kaibigan at pinuno, si Propeta Muhammad. Sa kanyang maikling pagiging Khalifa na dalawampu't pitong buwan pinalakas niya ang Muslim na Ummah mula sa mga panganib na nagbabadya sa pag-iiral nito.





Ang pag-ibig at debosyon ni Abu Bakr kay Propeta Muhammad ay inaalaala ng mataimtim kahit na pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang ika-apat na Wastong Pinatnubayan na Khalifa, si Ali ibn Abi Talib ay nagsalita sa libing ni Abu Bakr at pinasiya ang mga nagdadalamhati ng mga kuwento ng kanyang katapangan. "Inalalayan mo siya (Propeta Muhammad) nang ang iba ay iniwan siya, at nanatiling matatag ka sa pagtulong sa kanya sa mga kapahamakan nang ang iba ay inalis ang kanilang suporta. Mayroon kang pinakamababang boses ngunit pinaka kakaiba. Ang iyong pangungusap ay pinaka-kapuri-puri at ang iyong pangangatwiran ang pinaka-makatarungan; ang iyong katahimikan ay pinakamahaba, at ang iyong pananalita ay ang pinaka mahusay. Pinaka matapang sa mga tao, at mahusay sa kaalaman tungkol sa mga bagay, ang iyong pagkilos ay marangal. "





RightlyGuidedCaliphsAbuBakr1.jpgBago ang kanyang kamatayan, si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, hiniling niya sa kanyang mga kasamahan na, "Panghawakan nang matibay ang aking halimbawa (sunnah) at sa mga Khalifah na wastong pinatnubayan" [1] Yaong mga kilala bilang wastong pinatnubayan na mga Khalifah (Al-Khulafa 'Ar-Rashidun) o Rashidun ang unang apat na pinuno, pagkamatay ni Propeta Muhammad, ng bansang Islam. Ang kanilang mga pangalan ay marahil pamilyar sa inyo sapagkat ang mga ito ay malapit na mga kasama at kamag-anak ng Propeta Muhammad. Sila ay sina Abu Bakr, Umar ibn Al-Khattab, Uthman ibn Affan at Ali ibn Abi Talib. Ang mga lalaking ito ay kilala sa kanilang pagka matuwid, sa kanilang masidhi na pag-ibig at debosyon sa Islam.





Abu Bakr


Ang unang Khalifah na Wastong Pinatnubayan ay si Abu Bakr. Pinamunuan niya ang pagiging Khalifa mula 632-634 ng Common Era (CE), humigit-kumulang na 27 buwan.





Ang buong pangalan ni Abu Bakr ay Abdullah ibn Abi Quhafa ngunit siya ay tinatawag na Abu Bakr dahil sa kanyang dakilang pagmamahal sa pagpapalaki ng mga kamelyo. Siya ay ipinanganak sa marangyang pamilya at sa pagtuntong niya ng sapat na gulang ay madali niyang  naitatag ang kanyang sarili bilang isang matagumpay na mangangalakal / negosyante. Siya ay isang kagiliw-giliw na tao na nakikipag-usap na may malawak na koneksyon. Noong panahong iyon ang mga Arabo ay masyadong nababahala sa talaangkanan(genealogy) at si Abu Bakr ay isang dalubhasa dito. Ang kanyang kaalaman kasama ang kanyang kaaya-ayang pagkatao ang nagsilbi upang mapadali ang kanyang pakikihalubilo sa kabuuan ng lipunan ng Mecca.





Mula sa kasaysayan ng Islam at ang Sunnah natutunan natin na si Abu Bakr ay mas bata ng humigit-kumulang na 2 taon kaysa kay Propeta Muhammad at pareho silang ipinanganak sa tribo ng Quraish, kahit na sa iba't ibang mga angkan. Sila ay pamilyar sa isat-isa sa,  ang kanilang panghabambuhay na pagkakaibigan ay tumibay noong si Propeta Muhammad ay kinasal sa kanyang unang asawa na si Khadijah at sila ay naging magkapitbahay. Hindi sila nagkakalayo ng katangian. Parehas silang negosyante, na nagsagawa ng lahat ng kanilang mga gawain sa katapatan at kagandahang-asal. Si Abu Bakr ay kilala bilang As-Siddiq, ang matapat. Si Propeta Muhammad mismo ang nagbigay sa kanya ng titulong ito. Ang mga ito ay dalawang kalalakihan na may kamangha-manghang pagkatao at ang kanilang mga ugnayan ay naging mas malakas pa noong pinakasalan ni Propeta Muhammad ang anak na babae ni Abu Bakr na si Aisha, nawa ay kalugdan siya ng Allah.





Si Aisha mismo ang nagsabi sa atin ng marami patungkol sa pag-uugali ng kanyang ama. Isa sa mga kuwento na kanyang isinaysay tungkol sa kanyang ama ay hindi siya nagpatirapa sa isang idolo. Sa ibang salaysay, si Abu Bakr mismo ang nagsabi sa atin na noong bata pa siya ay dinala siya ng kanyang ama sa lugar kung saan may nakatago na idolo at iniwan siya doon na nag-iisa. Sinuri niya ang mga idolo na ito at nagtaka siya kung anong pakinabang nilang totoo. Tinanong niya sila at siyempre hindi sila tumugon. Alam ni Abu Bakr na ang mga rebulto at mga idolo ay hindi karapat-dapat sa pagsamba. Naging madali para sa kanya na paniwalaan at yakapin ang bagong relihiyon na ipinakita sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Muhammad.





Si Abu Bakr ang una.


·       Siya ang unang nasa tamang gulang na lalaki na tumanggap sa Islam. Nang madinig  si Propeta Muhammad na nagsasabi na walang karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Allah at si (Muhammad) ay Sugo ng Allah, tinanggap agad ni Abu Bakr ang Islam.





·       Siya ang unang pampublikong tagapagsalita para sa Islam. Noong sila ay mababa pa sa 40 na mga Muslim, nais ni Abu Bakr na ipahayag ang mensahe sa publiko. Tinanggihan ni Propeta Muhammad, Iniisip niya  na ang bilang nila ay napakaliit para ipahamak sa paglalantad ngunit pinilit ni Abu Bakr. Si Propeta Muhammad ay kalaunan inutusan ng Allah na gawing publiko ang mensahe at siya at si Abu Bakr ay nagpunta sa Kabah kung saan si Abu Bakr ay nagpahayag, "Walang karapat dapat na sambahin kundi ang Allah, at si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo"





·     Siya ang una sa mga Muslim na nagsagawa ng anumang mabubuting gawa. Ibig sabihin hindi siya nag-atubili bagkus kinuha niya ang bawat pagkakataon na kumilos nang matuwid. Ang pamangkin ni Propeta Muhammad, si Ali ibn Abi Talib, ay pinuri si Abu Bakr bilang unang tao na gumawa ng anumang mabubuting gawa. [2] Sa Islam, hinihikayat ang pakikipag paligsahan sa isa't isa upang gumawa ng mabubuting gawa.





·       Siya ang unang Khalifah. Matapos ang pagkamatay ni Propeta Muhammad, ang mga Muslim ay nagdadalamhati at nasa kaguluhan gayunpaman sa panahon ng matinding krisis na ito pinili nila si Abu Bakr bilang kanilang pinuno.





·        Siya ang magiging unang tao ng Ummah na ito na makakapasok sa Paraiso. Nalaman natin ang patungkol kay Abu Bakr mula sa Sunnah ng Propeta. [3] Sinabi ni Propeta Muhammad, "Si Anghel Jibreel (Gabriel) ay dumating sa akin at kinuha ang aking kamay at ipinakita sa akin ang pintuan kung saan ang aking Ummah ay papasok sa Paraiso". Sinabi ni Abu Bakr, "Sana'y makasama ako sa iyo upang makita ang pintuan", at sinabi ni Propeta Muhammad na "Abu Bakr, dapat mong malaman na ikaw ang magiging una sa aking Ummah na makakapasok sa Paraiso." [4]





Si Abu Bakr ang tagapagtanggol. 


·       Sa pagdating ng Islam, ang mga pinuno ng Mecca ay naglunsad ng isang kampanya ng kalupitan na sobrang nagpahirap ng buhay para sa mga bagong Muslim, lalo na ang mahihina ay  nanganganib kabilang narin ang maraming alipin. Ang pag uusig  at pang-aabuso ay ginawa upang sirain ang bagong relihiyon at muntikan na sanang magawa ito nang maayos kung hindi dahil sa lakas at tapang ng loob ng mga tao tulad ni Abu Bakr. Siya ay nasa kalagayan na, isang mayaman at maimpluwensiyang mangangalakal na kinayang mapagaan ang pagdurusa ng maraming alipin sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito mula sa kanilang mga amo at pagbibigay ng kanilang kalayaan. Ang isa sa mga alipin na pinalaya niya ay si Bilal, ang lalaking naging unang tao na nagsagawa ng pagtawag sa mataimtim na pagdarasal.





Si Abu Bakr ang pinili ni Umar na maging pangalawang khalifah (caliph) ng Islam. Sa bingit  ng kanyang kamatayan, sama-samang tinipon ni Abu Bakr ang kanyang mga kaibigan at tagapayo at hiniling niya sa kanila na pumili ng kanyang kahalili mula sa kanilang mga sarili, gayunpaman hindi nila magawa ito at bumalik sila kay Abu Bakr at nagpumilit na siya mismo ang magpasya. Pinili niya si Umar Ibn Al-Khattab. Nakuha ni Umar ang pamumuno sa Ummah noong 634 CE noong pagkamatay ni Abu Bakr.





Batid ni Umar ang kanyang reputasyon sa pagiging tigasin at ang kanyang unang gawain ay upang kausapin ang mga tao at banggitin ang mga inaasahan nya sa kanila higit lalo ang sa inaasahan nya sa kanyang sarili. Ang kanyang pananalita ay walang kaduda-duda sa atin na si Umar ay hindi humihingi ng papuri, ni hindi siya naghahanap ng kadakilaan. Gayunpaman, nais niyang itaguyod ang pamana ni Propeta Muhammad. Sinimulan niya sa pagsasabing, "O mga tao, alamin ninyo na ako ay itinalaga upang pamahalaan ang iyong mga gawain, kaya kilalanin na ang aking pagiging tigasin ay humina na ngayon, ngunit magpapatuloy ako na maging matigas at malupit sa mga tao na mapang-api at mapaglabag ..." Yaong panahon ni Umar na ang Islamikong ulirang pang-relihiyon at pampulitikang imprastruktura ay nabuo at pinagtibay. Ibinigay niya ang kahulugan at ipinakita ang mga salitang ito mula sa Quran:





“O kayong mga naniniwala, manindigan para sa katarungan bilang mga saksi sa Allah...” (Quran 4:135)





Namalas sa pamumuno   ni Umar ibn Al-Khattab na  ang maliit na bansang Islam na nakabase sa Medina ay  naging makapangyarihan sa mundo. Ang mga kuta ng militar ay nabuo at sa kalaunan ay nabago ang ilan sa mga dakilang lungsod ng Islamikong Caliphate tulad ng Basra, Damascus, Kufa at Fustat na kilala ngayon bilang Cairo. Hinati-hati ni Umar ang malawak na Caliphate na ito sa mga lalawigan at siya ay nagtalaga ng mga gobernador na ang mga katungkulan at awtoridad ay malinaw na tinukoy. Ang sinumang  mga kurakot na administrasyon ay pinarurusahan nang mahigpit. Ang eksekutibo at ang hiktadura ay nahiwalay at ang qadis ay hinirang upang mangasiwa ng katarungan ayon sa mga prinsipyo ng Islam.





     Iginiit  ng Khalifah na si Umar na ang kanyang hinirang na mga gobernador ay mamuhay ng simpleng buhay at masasanggunian ng mga tao sa lahat ng oras, at siya ang nagsilbing halimbawa sa mga ito. Madalas siyang matagpuan sa gitna ng mga tao o sa moske kung saan ang kanyang damit at kilos ay di naiiba sa mga ordinaryong tao.  Ginugol din ni Umar ang maraming gabing nagmamatyag at naghahanap ng sinuman na nangangailangan ng tulong o pangangailangan. Mayroong isang ahadith na nagpapatunay sa mga gabi ng pagmamatyag ni Umar, naglalakad siya  sa mga lansangan ng Medina. May mga mahihirap na tao at nagugutom na mga manlalakbay na pinaglutuan ni Umar at mga sanggol na ipinanganak sa tulong ng asawa ni Umar ibn Al-Khattab. Natutuklasan ni Umar kung ano ang naiisip ng mga karaniwang tao at nakakagawa o nababago ang mga patakaran nang naaayon (para sakanila). Halimbawa, ang badyet ng mga bata ay kadalasang binibigay pagkatapos ng pagpapasuso ng ina ngunit binago ito sa pagbibigay sa panahon ng kapanganakan upang hikayatin ang mga ina na huwag madaliin ang pag-iwan sa pagpapasuso.





     Ang isang natatangi na kuwento ay ang katulong ng  tagagawa gatas na hinihikayat ng kanyang ina na dayain ang gatas upang kumita ng mas maraming pera. Narinig ni Umar ibn Al-Khattab ang pag-uusap kung saan sinalungat ng taga gawa  ng gatas ang kanyang ina at sinabi na bagaman maaari nilang linlangin ang Khalifah at ang mga tao, hindi nila maitatago ang panlilinlang mula sa Allah. Hinimok ni Umar ang kanyang anak na lalaki na pakasalan ang babae dahil sa kanyang mga prinsipyo at kaugalian pang Islam. Sa isang pagkakataon, may isang babae na nagreklamo laban sa Khalifa mismo. Nang si Umar ibn Al-Khattab ay lumitaw sa harapan ng qadi, ang qadi ay tumayo bilang tanda ng paggalang sa Khalifah. Sinaway siya ni Umar, habang sinasabi, "Ito ang unang gawain ng kawalang-katarungan na ginawa mo sa babaeng ito!"





Sa buong malaking pagpapalawak ng Ummah ni Umar ibn Al-Khattab kinontrol niya ng maigi ang pangkalahatang patakaran at inilatag ang mga prinsipyo para sa pamamahala ng mga nasasakupan na lupain. Ang istraktura ng tamang islamikong pagsasanay ay dahil sa kanya. Si Umar ay isang kamangha-manghang tagapamahala. Nagtatag siya ng isang Konseho ng Shura kung saan siya naghihingi ng payo tungkol sa mga bagay sa estado, ang mga mahahalagang pasya ay ginagawa lamang pagkatapos ng masusing debate.





     Itinatag ni Umar ang institusyong kilala bilang Diwan kung saan ang taunang badyet mula sa pampublikong pananalapi ay binibigay sa lahat ng mga kasapi ng Ummah. Ganap na panagutan na pananalapi, accounting, pagbubuwis at mga kagawaran ng kayamanan. Mga pulis, mga bilangguan at mga koreo ay itinatag at ang mga sundalo sa malawak na mga hukbong Muslim ay binabayaran. Ang mga guro ay binabayaran rin habang hinihikayat ang edukasyon. Ang pag-aaral ng mga siyentipikong wika, literatura, panitikan, pagsulat at kaligrapya, lahat sila ay nakatatanggap ng suporta at iba pa,  mahigit 4,000 moske ang itinayo. Ang standardisasyon ng teksto ng Quran ay natapos sa panahon ng pagiging khalifah ni Umar.





      Si Umar ibn Al-Khattab ay sabik na isulong ang Ummah na Muslim sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at konstruksiyon na kilala sa mga lupain na nasasakupan nila. Ang pagtatayo ng mga windmills tulad ng ginamit sa Persiya ay hinimok sa buong Caliphate. Ang mga lumang tulay at mga kalsada ay naayos at mga bago ang itinayo. Sabi nila na ang isang manlalakbay ay maaaring makabyahe nang madali mula sa Ehipto patungo Khorasan sa gitnang Asya. Ang malawak na teritoryo ng Kanlurang Asya at Hilagang Aprika ay nauugnay sa isang malayang kalakalang lugar. Kinuha ang sensus ng populasyon at itinatag ni Umar ang kalendaryong Islamiko simula sa Hijrah ng Propeta Muhammad.





Nakakalungkot at di kapani paniwala na  si Umar, na isang lalaki na tumayo para sa hustisya ng lahat ay pinaslang dahil sa isang hatol na ibinigay niya sa isang sibil na kaso. Ang isa sa mga Kasamahan, si Mugheera bin Sho'ba, ay pinarentahan ang isang bahay sa isang karpintero ng Persiya na nagngangalang Abu Lulu sa halagang dalawang dirhams sa isang araw, halaga na nadama ni Abu Lulu na masyadong mataas. Nagreklamo siya sa Khalifah na si Umar ibn Al-Khattab na nagsuri ng lahat ng mga katotohanan, at tinukoy na ang upa ay patas. Ang maliit na pangyayari na ito ay ang naging daan sa pagtatapos ng 10 taon ng pamumuno  ni Umar bilang ika-2 Khalifah ng Ummah. Nangako si Abu Lulu na tatapusin niya ang buhay ng Khalifah. Pagkasunod na umaga, pumaroon si Umar sa moske at habang pinamumunuan niya ang pagdarasal, binibigkas ang Quran, isinaksak ni Abu Lulu ang  kanyang  may dalawang-ulo na espada sa tiyan ng Khalifah. Ang pagdurugo sa loob ay walang tigil at si Umar ibn Al-Khattab na pinuno ng mga mananampalataya ay namayapa sa sumunod na araw. Ang taon ay 644 CE.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG