Mga Artikulo

Mga Terminolohiyang Arabik





·       Ka'bah - Ang hugis kwadradong na gusali  na matatagpuan sa lungsod ng Meka. Ito ay nagsisilbi bilang isang tampulang dako kung saan ang lahat ng mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.





Detailed-Biography-of-Prophet-Muhammad-part-1-of-3.jpgAng buhay ni Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsimula sa Arabya, subalit ang kanyang kasaysayan ay nagsimula na ng libu-libong taon bago pa ang kanyang kapanganakan. Ang aklat ng Henesis, na kapwang ang mga Hudyo at Kristiyano ay iginagalang, ay binabanggit ang kasaysayan tungkol kay Abraham at sa kanyang dalawang anak, sina Ismael at Isaak. Si Abraham ay inutusan ng Diyos na iwanan ang kanyang asawang si Hagar at ang kanyang anak na si Ismael doon, mag-isa, bilang pagsubok sa kanilang debosyon sa Diyos. Ang Diyos ay nagpabukal ng isang balon para sa kanila at sila ay nakaligtas sa katigangan ng disyerto.





Hindi nagtagal, ang ilan sa mga nakapalibot na tribo ay nagsimulang manirahan sa lambak na ito, na naging kilala bilang Meka. Si Ismael ay lumaki sa tribong Arabo ng Jurhum, natutunan ang kanilang wika, at naging kilala bilang Ismael.





Kalaunan, nang si Abraham, na kilala sa Arabe bilang Ibrahim, ay nagbalik, siya at ang kanyang anak ay tinuruan ni Allah upang bumuo ng isang maliit na lugar ng pagsamba na nakatuon sa Kanya. Ito ang unang gusaling ganap na nakatuon sa tanging  pagsamba kay Allah. Ang mag-ama ay inanyayahan ang mga Arabo upang sambahin si Allah at itakwil ang lahat ng iba pang huwad na mga diyos.





Si Ismael sa kalaunan ay naging isang propeta tulad ng kanyang ama at nanatili sa Meka kasama ang kanyang pamilya. Pagkatapos ni Ismael, ang kanyang mga inapo ay sumamba kay Allah at sinunod ang kanilang moral na mga aral. Ang Ka'bah ay nanatiling tampulan para sa pagsamba kay Allah at ang mga mananampalataya ay dumarating mula sa buong Arabya para sa pilgrimahe.





Panahon ng Kamangmangan


Ang mga bagay ay nabago ng panahon at ang mga Arabo ay nakalimutan ang tunay na pamamaraan ni Ismael. Ang pilgrimahe ay naging isang hungkag na ritwal sa halip na isang gawaing pagsamba. Nang mga ika-4 na siglo, ang tribong nagngangalang Khuza'ah ay pina-alis  ang mga inapo ni Ismael palabas ng Meka at isa sa kanilang mga pinuno ay pinasimunuan ang pagsamba sa idolo. Sa loob ng ilang siglo, ang idolatriya ay nananaig sa paligid ng Arabya at ang Bahay ni Allah ay naging isang Bahay ng Idolatriya. Ito ay hindi dahil sa hindi sila naniniwala sa isang Tagapaglikha; naniniwala sila. Gayunpaman, sila ay nagsimulang maniwalang si Allah ay hindi maaaring tuwirang malapitan at ang mga idolong ito ay ang mga tagapamagitan sa pagitan nila at ni Allah. Upang mapalubag ang mga rebultong ito, sila ay nagkakatay pa ng mga hayop at inaalay ang sakripisyo sa mga ito. Ang idolatriya ay naging organisadong relihiyon na nasamahan ng mga bagong tuklas ng kaugaliang pang-relihiyon.





May iba pang mga Arabo na hindi talaga naniniwala kay Allah. Ang ilan ay purong materyalista na naniniwala lamang na ang panahon sa kalaunan ang sumisira sa lahat. Ang iba ay sumasamba sa araw, sa buwan, o sa natatanging mga bituin at planeta. Karamihan sa mga sumasamba sa idolo ay may kaunti o walang konsepto ng kabilang buhay.





Ang katayuan ng kababaihan ay makikita mula sa katotohanang kapag ang isang bata ay ipinanganak, ang mga magulang ay hayagang ipinapahiwatig ang kanilang kawalang-kasiyahan kung ito ay isang babae. Ang ilang mga ama ay inililibing pa nga ang batang babae ng buhay, dahil sa takot sa kahirapan. Ang prostitusyon ay karaniwan at naging tanggap na pamantayan ng lipunan.





Napakakaunting mga tao ang nakakabasa o nakakasulat, o may anumang uri ng pormal na edukasyon. Ang tanging agham na nagkakahalaga para banggitin ay ang tula, kung saan ang mga Arabo ay mga Dalubhasa.





Mga Pangyayari Bago ang kanyang Pagsilang


Nang mga ika-5 siglo, si Qusayy ibn Kilab ay namuno sa isang pag-aalsa laban sa tribo ng Khuza'ah at nagawang makuhang muli ang pangangasiwa ng Meka. Ang mga miyembro ng kanyang tribo, na kilala bilang mga Quraysh, ay tuwirang mga inapo ni Propeta Ismael.





Nang ika-6 na siglo, ang mga Quraysh ay nagtamasa ng isang posisyon ng karangalan sa maraming mga tribong kalat sa paligid ng Arabya dahil inaalagaan nila ang Ka'bah at ang mga peregrinong darating upang bumisita.





Ang tribo ng Quraysh ay binubuo ng maraming magkakaibang pamilya o mga angkan. Ang pamilya ni Hashim ay kabilang na ngayon sa pinakatanyag. Si Abdul Muṭṭalib, ang pinuno ng angkan, ay naging pansamantalang pinuno ng Quraysh sa Meka. Marami siyang mga anak, subalit isa sa kanyang paborito si Abdullah. Hinulaang siya ang magdadala sa sinimulan ng kanyang ama, ngunit ito ay hindi nangyari. Si Abdullah ay pinakasalan si Aminah mula sa angkan ng Zuhrah. Ilang buwan ang nakalipas, sa kanyang paglalakbay patungong Yathrib sa hilaga, siya ay nagkasakit at pumanaw, na iniwanan ang kanyang asawang nagdadalang tao.





Isang Ulila Ang Ipinanganak


Si Aminah ay nagsilang sa isang anak na lalaki sa taong 570. Ang lolo ng bata ay pinangalanan siyang Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, na nangangahulugang 'isang kapuri-puri', isang pambihirang pangalan sa Arabya.   





Kaugalian sa Arabya na ang mga sanggol ng mga mararangal na pamilya ay dinadala sa disyerto sa mga Bedouin. Si Muhammad ay lumaki sa sambahayan ni Halima na kanyang ina-inahan at natutunan ang mga pamamaraan ng disyerto. Siya ay dumadalaw sa Meka kada ilang mga buwan upang makipagkita sa kanyang ina, at bumalik muli sa disyerto. Pagkaraan ng maikling panahon, nang si Muhammad ay anim na taon pa lamang, ang kanyang inang si Aminah, ay nagkasakit at pumanaw habang sila ay nasa isang paglalakbay. Ang kanyang lolong si Abdul Muttalib ang nag-alaga sa kanya at itinuring siyang tulad ng kanyang sariling anak. Gayunpaman, nang ang batang si Muhammad ay walong taon pa lamang, siya ay pumanaw din. Ang kanyang tiyuhing si Abu Talib ang magtataguyod sa kanya mula ngayon.





Si Abu Talib ay mahal na mahal ang kanyang pamangkin at isinasama pa kapag siya ay maglalakbay papuntang Sirya at ibang lugar para sa pangangalakal.





Bilang isang Pastol


Gayunpaman, si Abu Talib ay hindi masyadong mayaman tulad ng kanyang ama, kaya si Muhammad ay kailangang magtrabaho para kumita sa kabuhayan at tulungan ang kanyang tiyuhin. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang pastol, pinangangalagaan ang mga kawan ng mga tupa at kambing para sa mga tao ng Meka. Ang isang pastol ay natututo ng dakilang pakikitungo sa responsibilidad. Kailangan niyang gabayan ang mga tupa, ng sama-sama bilang isang kawan, at pangalagaan din ang mga ito mula sa mga maninila.





Ito rin ay nagtuturo sa pastol ng pagtitiis at nagbibigay sa kanya ng maraming panahong mag-isip at magmuni-muning malayo sa labis na ingay ng lungsod.





Marami sa mga propetang ipinadala ni Allah sa ibang mga komunidad ay kilala bilang mga pastol sa ilang mga bahagi ng kanilang buhay dahil ang ikinabubuhay ng isang tao ay may malaking kinalaman sa kanyang pagkatao.





Ang Kanyang Reputasyon


Si Muhammad ay isa sa ilang tumangging sumamba sa mga idolo mula pa lamang sa napakabatang edad. Siya ay dadalaw sa Ka'bah subalit itutuon lamang ang kanyang pagsamba kay Allah. Siya rin ay umiwas sa pagkain ng anumang karneng kinatay sa pangalan ng idolo. Matapos ang pagpapastol ng ilang taon, siya ay nagka interes sa kalakalan at naging negosyanteng pinangangalakal ang mga kalakal ng mga tao para sa kanila. Karamihan sa mga taong maharlikang kabilang sa mga Quraysh ay mga mangangalakal ang propesyon. Gayunpaman, si Muhammad ay nangibabaw sa iba dahil sa kanyang katapatan at sinseridad. Agad siyang nakilala sa Meka bilang al-Amin, 'ang matapat.' Gayundin, kilala siya dahil sa kanyang mataas na moralidad, malinis na karakter, at pag-iwas sa alak, pagsusugal, bawal na relasyon, at iba pang mga bisyo.


Pag-aasawa at Pamilya


Detailed-Biography-of-Prophet-Muhammad-2.jpgIsang mayamang babaing nagngangalang Khadijah ang umupa sa kanya upang ibenta ang kanyang kalakal sa Sirya para sa kanya. Siya ay makatatanggap ng porsiyento ng komisyon mula sa mga maibebenta. Ginawa niya ang tungkulin nang may katiyakan at katapatan na siya sa kalaunan ay nag-alok na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagpapadala ng isa sa kanyang mga kaibigan upang tanungin siya kung interesado siya. Nakatanggap siya ng maraming mga pag-alok matapos pumanaw ang kanyang pangalawang asawa, subalit tumanggi siya sa lahat ng mga ito. Gayunpaman, nakita niya ang isang bagay na natatangi kay Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, at tinanggap siya nito.





Si Muhammad ay kinailangang lumikom ng nakatakdang halaga upang bayaran ang kanyang dote na halos 500 dirham. Siya ay dalawampu't limang taong gulang habang si Khadijah ay hindi lamang higit na matanda kaysa sa kanya kundi siya ay naikasal na ng dalawang beses dati.





Ito ay hindi pa rin humadlang sa kanya dahil nasa kanya ang lahat ng mga katangiang maaari niyang hilingin: isang matuwid na katangian, marangal na angkan, kagandahan, at kayamanan. Si Muhammad at si Khadijah ay ikinasal at nang lumaon ay nagkaroon ng anim na anak: dalawang lalaki at apat na babae. Ang parehong lalaki ay pumanaw nong sila ay sanggol pa habang isa lamang anak na babae ang umabot na buhay ang kanilang ama. Gayunpaman, ang dalawang lalaki ay itinakdang mapalitan ng dalawa pa. Isang batang lalaki na nagngangalang Zayd ibn Harithah na nahiwalay sa kanyang pamilya at humantong sa Meka. Si Muhammad at Khadijah ay nagpasyang ampunin siya at siya ay nakilala bilang Zayd ibn Muhammad.





Pagkalipas ng ilang taon, nagkaroon ng taggutom sa Meka at ito sa  katunayan ay  naging napakahirap, lalo na para kay Abu Talib na kailangang suportahan ang malaking pamilya. Upang mapagaan ang pasanin niya, si Muhammad at Khadijah ay inampon ang isa sa kanyang mga anak, si Ali, sa kanilang sambahayan at pinalaki siya bilang sarili nilang anak. Sa gayon, sila ay naging masayang pamilya ng walo.





Ang Kanyang Pagtutol sa Politeismo


Si Muhammad ay ipinagpatuloy ang kanyang propesyon bilang isang mangangalakal ng maraming taon at namuhay sa isang payak na pamumuhay kasama ang kanyang asawa at mga anak. Siya ay nababagabag sa imoralidad na umiiral sa kanyang lipunan. Subalit ang pinaka-kasuklam-suklam sa lahat ng mga kasamaan ng kanyang mga mamamayan ay ang kanilang pagsamba sa idolo. Sinasabi ng kanilang mga labi ang paglilingkod kay Allah habang sumasamba sila sa mga rebulto at mga larawang ginawa ng kanilang sariling mga kamay. Nakikita niya mismo ng hayagan sa harapan ng mga pakanang ritwal kung saan ang mga Arabo ay nakikibahagi, kahit habang nasa pilgrimahe.





Sa katunayan, hindi siya nag-iisa sa kanyang pagtutol sa pagsamba sa idolo. Nariyan si Waraqah ibn Nawfal na nilisan ang idolatriya at naging isang Kristiyano. Nabasa niya ang mga kasulatan ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa Hebreo at nagpasiyang sundin ang landas na ito. Hindi nalaman kung anong sekta ng Kristiyanidad ang sinunod niya, subalit dahil siya ay isang iskolar, marahil ay nagkaroon siya ng sariling ideya tungkol sa tunay na itinuro ni Propeta Hesus.





Kapahayagan


Isang gabi, malapit sa katapusan ng buwan ng Ramadan, si Muhammad ay nagdarasal at nagninilay-nilay nang nadama niya ang isa pang presensya sa kuweba. "Basahin!", utos ng tinig. "Hindi ako nakakabasa," si Muhammad ay tumugon ng may katapatan, dahil siya ay walang pinag-aralan tulad ng karamihan sa mga Arabo. Isang bagay ang sumunggab at pumiga sa kanya nang husto hanggang sa hindi na niya matiis ang sakit, pagkatapos ay pinalaya siya. "Basahin!", Ang tinig ay nag-utos muli. "Hindi ako nakakabasa," sagot ni Muhammad ulit.





Sinunggaban siya nito sa pangalawang pagkakataon at pinisil siya. Ito ay hindi panaginip. Ang isang maliit na pagkurot ay sapat na makagising sa kanya kung panaginip nga. 





Nang hindi na niya matiis ang sakit, pinalaya din siya. "Basahin!", ang tinig ay nag-utos sa pangatlong pagkakataon. Si Muhammad ay natakot. Ano ito? Ano ang nangyayari? Maraming mga tanong ngunit walang panahon para mag-isip. Kinailangan niyang tumugon nang mabilis, "Hindi ako nakakabasa." Muli siyang kinapitan ng puspusang lakas, pagkatapos ay pinakawalan siya. Ang tinig ay ipinahayag ang sumusunod na salita: "Basahin sa pangalan ng iyong Panginoong Tagapaglikha. Nilikha niya ang tao mula sa namuong dugo. Basahin! Ang iyong Panginoon ay Lubos na Mabuti. Itinuro Niya sa pamamagitan ng panulat. Itinuro Niya sa tao kung ano ang hindi niya nalalaman. "(Qur'an 96: 1-5)





Ito ang Anghel ng Kapahayagan, si Gabriel (Jibreel). Malinaw na siya ay sinabihang ulitin kung ano ang narinig niya, at siya ay sumunod ng lubos. Ang mga salitang yaon ay ganap na naka-ukit sa kanyang memorya. Pagkatapos ang presensya ay nawala, at siya ay nag-isa muli.





Anong nangyari? Ano ang mga talatang yaon? Si Muhammad, bilang isang Arabo, ay pamilyar sa mga tula, subalit ito ay ni  alinman sa dalawa,  tula ni prosa. Walang panahon para magnilay. Siya ay natakot at tumakbo pababa ng bundok. Nagpunta siya nang tuluyan sa kanyang asawa, na lubos na makaaalo  sa kanya. "Takpan mo ako! Takpan mo ako! "Si Khadijah ay naglagay ng isang kumot sa ibabaw niya hanggang sa siya ay huminahon. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanya ang tungkol sa kanyang karanasan at inamin na siya ay natakot. Pinaalala niya ang mga talata sa kanya, titik sa titik. Siya ay kaagad na inalo na nagsasabing, "Si Allah ay hindi ka ipapahamak. Mabuti ka sa iyong pamilya, tinutulungan mo ang mga mahihina, tinutulungan mo ang mga taong nangangailangan, ikaw ay mapagbigay sa iyong mga panauhin, at nagpupunyagi ka para sa katotohanan." Siya ay matatag na naniniwalang si Allah ay hindi hahayaan ang anumang masamang mangyayari sa isang matuwid na tao.





Lihim na Pag-anyaya


Ang Propeta ay patuloy na nakatanggap ng mga pahayag para sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Una lamang niya itong ipinagtapat sa mga taong alam niyang maaaring mapagkatiwalaan. Ang Meka ay ang puso ng idolatrya at hindi madali ang baguhin ang mga bagay ng magdamag. Ang misyon ay nangangailangan ng pangmatagalang pagpaplano at sa gayon ay nagsimula sa isang lihim na pag-anyaya para lamang sa mga malamang na magiging interesado. Ang Propeta ay nagsimula sa kanyang sariling sambahayan. Matapos ang pakikipagkita kay Waraqah, si Khadijah ay naniniwala na ang kanyang asawa ay tunay na isang propeta. Kilala niya ang kanyang asawa sa loob at sa labas para sa huling labinlimang taon at ito ay malinaw pa sa kristal sa kanya na siya ay hindi alinmang isang sinungaling o sinasaniban. Siya ang itinuturing na unang mananampalataya. Pagkatapos ay ang kanyang pinsang si Ali at ang kanyang ampong si Zayd ang sumunod. Sila ay parehong mga kabataan at maaaring sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang impostor at isang matapat na tao. Ang mga kabataan minsan ay may kakayahang makita ang mga bagay na kahit ang makaranasang mga nakatatanda ay hindi kayang mahalata.





Ang unang tao sa labas ng pamilyang tinanggap ang mensahe ay si Abu Bakr. Siya ang naging pinakamatalik na kaibigan ng Propeta sa loob ng maraming taon. Siya ay isang mangangalakal ng marangal na angkan at iginagalang sa buong Meka para sa parehong pagiging isang pilantropo pati na rin bilang isang dalubhasang henealohista. Si Abu Bakr ay agad nagsimulang sabihin sa kanyang malalapit na kasamahan ang tungkol sa Propeta. May ilang mga tumugon tulad ng'uite n, al-Zubayr, 'Abd al-Rahman, Sa'd at Talha. Ang mensahe ay nagsimulang kumalat sa Meka, kahit na palihim.





Pagtanggi sa Mensahe


Mayroong maraming iba't ibang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay tumatangging tanggapin ang mensahe ng Islam.





Una, ang karamihan sa kanila ay lubusang nakadikit sa kanilang mga pang-tribong kaugalian na hindi nila maisip na lisanin ang mga paraan ng kanilang mga ninuno.  





Pangalawa, ang mga pinuno ng mga Quraysh ay natatakot na mawala ang kanilang katayuan at kapangyarihan.





Ikatlo, ang mga Arabo ay minamahal ang kanilang kalayaan upang magpakasasa sa lahat ng uri ng imoral na pag-uugali.





Ang pagsalungat ng mga taga-Meka ay nagsimula sa anyo ng mga pangungutya at mga pagpaparatang. Ang ilan ay nagdulot ng paninira sa pagkatao, pagbabansag sa Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, isang salamangkero, isang makata o baliw.





Pagmamalupit


Ang Islam ay unti-unting  sumusulong, marahan subalit tiyak, sa kabila ng negatibong propaganda. Ang mga tao ay nagsimulang gawing  katuwaan ang mga mananampalataya nang hayagan, pinagtatawanan sila kapag sila ay napapadaan. Kaya ang mga Quraysh ay nagpatuloy sa kanilang pagmamalupit at nagsimulang pahirapan ang maraming mga Muslim, lalo na ang mga alipin at mga mahihirap.





    Si Bilal ibn Rabah, isang maitim na alipin mula sa Ethiopia na tinanggap ang Islam, ay kinaladkad sa mainit na disyerto ng kanyang tagapagmay-ari at sapilitang pinalalapat ang kanyang likuran sa nakapapasong buhangin. Pagkatapos, isang malaking bato ang ipinapatong sa kanyang dibdib at sinasabi sa kanya, "Ikaw ay mananatili sa ganito hanggang sa mamatay ka o hanggang sa tanggihan mo si Muhammad at sumamba sa aming mga idolo." Siya ay sasagot sa pagsasabi, "Isa! Isa!"  na nangangahulugang  siya ay sasamba kay Allah lamang. Isang araw, sa panahon ng kasagsagan ng pagpapahirap, si Abu Bakr As-Siddiq ay dumaan, binili si Bilal, at pinalaya siya, katulad ng ginawa niya sa anim na iba pang Muslim na mga aliping pinagmamalupitan.





Sa Abisinya


Nang ika-5 taon ng pagkapropeta, ang Sugo ni Allah ay itinagubilin sa ilan sa mga mananampalataya na lumipat sa Abisinya. Ang lupaing ito, na nasa kabilang panig ng Dagat na Pula sa Africa, ay pinamamahalaan ng isang makatarungang hari na kilala bilang Negus. Higit sa isang dosenang mga Muslim, mga kapwa kalalakihan at kababaihan, ang lumipat, kabilang maging ang anak na babae ng Propeta, si Ruqayyah, kasama ang kanyang asawa.





Ang Kaluwagan ay Dumating


Nang ika-anim na taon ng misyon, si Hamza ibn Abdul Muttalib, isa sa mga tiyuhin ng Propeta, ay nagkaroon ng pagbabagong-puso at taimtim na tinanggap ang Islam. Ang kanyang pagtanggap sa Islam ay dumating  bilang isang matinding  pagkabigla sa Meka. Ang pagtanggap ng Islam  ni  Hamza ay napatunayang naging isang malaking mapagkukunan ng lakas para sa mga Muslim at makakatulong sa pagkabawas ng pagmamalupit.





Nang maglaon, si Umar ibn Al-Khattab ay tinanggap din ang Islam at hindi ito inilihim. Nagtungo siya sa mga kaaway ng Islam at sinabi sa kanila na siya ay naging isang Muslim. Sila ay nagalit subalit wala silang nagawa, dahil takot sila kay Umar. Dahil  kay Hamza at Umar, ang mga Muslim ay nagawang makapagsamba nang lantaran sa Ka'bah nang walang takot sa mga Quraysh.





Mga Pagpaparusa


Ang mga Quraysh ay nag-alala. Sinubukan nila ang bawat posibleng paraan upang hadlangan ang mensahe ng Islam. Subalit habang sinusubukan nila, ay lalong ang Islam ay patuloy na kumakalat. May bagay na higit pang marahas ang dapat gawin. Ang ilang partikular na islamopobikong mga pinuno ng ng Quraysh ay nagtatag ng isang lihim na pagpupulong kung saan sila ay nagpasyang boykotin ang angkan ni Propeta Muhammad hanggang sumang-ayon silang ibigay ang Propeta sa kanila. Isang kasunduan ang nilagdaan na kapwa ng mga angkan ng Hashim at kanilang mga malalapit na kaalyado, ang angkan ni Muttalib, ay boboykotin ng mga Quraysh. Walang sinuman ang papayagang bumili, magbenta o makasal sa kanila. Ang ganitong kalagayan ay tumagal ng tatlong taon hanggang sa ang ilan sa mga taga-Meka ay nagpasyang ito ay tama  na.





Taon ng Kalungkutan


Si Abu Talib, ang tiyuhin ng Propeta, ay nagkasakit at nalalapit na sa kanyang mga huling araw. Bago ang kanyang huling hininga, ang Propeta ay tinangka sa huling pagkakataong magawa niyang isaalang-alang muli ang Islam, subalit siya ay tumanggi. Ito ay naging bukas na pagkakataon upang puntiryahin ang Propeta, ngayong ang pangangalaga ng kanyang angkan ay halos nawala na. Kaagad pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang malupit na tiyuhing si Abu Lahab ay sinamantala ang pagkakataong ito upang puntiryahin ang kanyang pamangkin. Pinilit niya ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hiwalayan ang kanilang mga asawa, na kapwa mga anak na babae ng Propeta.





Pagdalaw sa Taif


Pagkaraan ng sampung taon ng pagpapalaganap ng Islam sa Meka, ang Propeta ay naglakbay sa isang kalapit na bayan na tinatawag na al-Taif, mga limampung milya sa silangan. Dinalaw niya ang mga pinuno mula sa tribo ng Thaqif, para lamang kutyain at tanggihan ng mga ito.





Pag-anyaya sa mga Tribo sa Islam


Sa loob ng maraming taon, ang Propeta ay inanyayahan ang iba't ibang mga tribo ng Arabya sa Islam sa panahon ng pilgrimahe. Dahil ang karamihan sa mga tribo ay mayroong kahit paanong ilang mga miyembro nitong nagpupunta sa Meka bawat taon, ang karamihan sa Arabya kahit paano ay narinig na ang tungkol sa mensahe ng Islam. Nang ika-labing isang taon ng pagkapropeta, ang ilang mga tao mula sa tribo ng Khazraj ay tinanggap ang Islam. Sila ay naninirahan sa isang bayan na tinatawag na Yathrib na kamakailan lamang ay nagambala sa patuloy na digmaang sibil.





Mga Pangako sa Aqabah


Nang sumunod na taon, ang mga lalaki mula sa Yathirb ay bumalik sa Meka na may delegasyong labindalawang tao. Ang Propeta ay nakipagkita sa kanila nang lihim sa gabi sa isang lugar na tinatawag na Aqabah. Sa pagkakataong ito, ang Propeta ay ipinagawa sa kanila ang pangangako ng katapatan: "hindi ka maglalagay ng anumang katambal kay Allah, hindi ka magnanakaw, hindi ka makikiapid, hindi mo papatayin ang iyong mga anak, hindi ka maninira sa puri ng iba at hindi ka susuway sa akin sa anumang mabuting iniuutos ko sa iyo."





Ngayon ay ang ikalabintatlong taon na ng pagkapropeta at sa pagkakataong ito pitumpu't tatlong kalalakihan at dalawang kababaihan ang nagpunta sa Meka upang makipagkita sa Propeta sa panahon ng pilgrimahe. Sila ay nagkitang muli ng lihim sa Aqabah, subalit sa pagkakataong ito sila ay partikular na humiling na ang Propeta ay magtungo sa Yathrib at manungkulan bilang kanilang bagong pinuno.





Bago tanggapin ang kanilang alok, kinuha niya ang pangako ng bawat isa sa kanila: "ikaw ay pakikinggan at susundin ako maging ito ay madali o mahirap, ikaw ay mag-aambag kung ikaw ay may kakayahan o kung hindi man, ikaw ay hihikayat ng iba sa kabutihan at magpaalala laban sa kasamaan, hindi ka matatakot sa anumang paninirang-puri kapag gumagawa ka ng isang bagay para sa ikagagalak ni Allah at pangangalagaan mo ako sa paraan ng iyong pangangalaga sa iyong sariling mga pamilya. 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG