Mga Artikulo

Panimula


Corbis-42-59585768.jpgSi Imam An-Nawawi (1233 – 1278 CE) ay ipinanganak sa isang maliit na pamayanan na pinangalanang Nawa, sa lugar ng Damascus. Bago pa man mag sampung taong-gulang saulado na niya ang buong Quran at sa edad na desenuebe (19) siya ay nagpunta sa Damascus para mag aral. Doon natutunan ni Imam Nawawi mula sa dalampung (20) bantog na mga dalubhasang guro sa iba't-ibang larangan ng disiplina kasama na ang pag aaral ng ahadith at Islamic jurisprudence.





Sinasabi na si Imam An-Nawawi ay isang asetiko o may matibay at matatag na disiplina at maka-Diyos na tao, kadalasang kulang sa tulog dahil sa mga gawaing pagsamba o pagsusulat. Siya ay kilala na nag-aatas sa mga tao na gumawa ng mabuti at pumipigil sa paggawa ng kasamaan. Kahit na nakapagsulat siya ng higit sa 40 mga libro, ang pinaka-kilala sa mga ito ay walang duda na ang kanyang koleksyon sa “The Forty Hadith”.





Sa humihit 800 taon ang mga iskolar at mga estudyante ay parehong nakinabang mula sa kanyang aklat. bawat hadith sa kanyang koleksyon ay nagtuturo sa atin tungkol sa isa sa mga  mga batayan ng Islam at ang ahadith ay karamihan nagmula sa koleksyon  ni Saheeh Bukhari at Saheeh Muslim.





Ito ang una sa serye ng ahadith mula sa aklat.





Hadith 1


Ang unang hadith sa koleksyon na ito ay inilahad sa atin ni Umar ibn Al-Khattab. sinabi niya na kanyang narinig si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ay sumakanya nawa, na nagsabi ng mga sumusunod:





“Ang mga pagkilos / paggawa ay hinuhusgahan ayon sa  kanilang niyyah, kaya't ang bawat tao ay magkakaroon ng kung ano ang kanyang nilayon.  Kaya, siya na lumipat (hijrah) ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang paglipat ay sa Allah at sa Kanyang Sugo; ngunit siya na ang pag-lipat ay para sa ilang makamundong bagay o para sa kasal, ang kanyang paglipat ay sa na kung para saan siya lumipat.”





Ang hadith na ito ay nangyari sa panahon na may isang lalaki ay lumipat mula sa Mecca papuntang Medina upang mag-asawa at hindi para sa kapakanan ng Islam. Sinasabing isa ito sa pinakadakila na ahadith sa Islam sapagkat makakatulong ito sa isang mananampalataya na suriin at hatulan ang mga pagkilos ng puso at magpasya kung hindi sila maaaring ituring na ibadah. Si Imam As-Shafi (767 -820 CE) tinawag ito na ikatlo ng kaalaman at nagsabi na ito ay may kaugnayan sa pitumpung paksa ng fiqh. Pinaniniwalaan na si Imam An-Nawawi ay nagsimula sa hadith na ito dahil nais niyang paalalahanan ang bawat tao na nagbabasa ng aklat tungkol sa kahalagahan ng ikhlas.





Si Propeta Muhammad ay  nagsimula dito sa hadith na may prinsipyo – ang mga pagkilos ay hinuhusgahan ng kanilang niyyah (intentions). Binigyan niya tayo ng tatlong halimbawa; ang una ay isang mahusay na pagkilos, paglipat para sa kapakanan ng Allah. ang pangalawa at pangatlo na gawa ay mga halimbawa ng mga sitwasyon kung saan maaaring kailanganin nating suriin ang ating niyyah, paglipat para sa isang makamundong bagay sa pangkalahatan at paglipat sa higit na partikular na dahilan upang makapag-asawa . Sabihin man natin na ang ating intensyon ay upang gawin ang lahat ng aspeto sa ating pang-araw-araw na buhay bilang ibadah, sa pamamagitan ng paggawa ng mga ito para sa kaluguran ng Allah, kailangan nating maunawaan na ang mga gawa ay magiging maayos, ngunit kung ang kanilang mga intensyon ay mali, ang mga gawa ay  magiging mali din . Kapag ginawa natin ang niyyah para sa Allah lamang, ang mga ipinapahintulot na mga gawain ay magiging mabiyaya.





Ang pagiging taos-puso, makatotohanan at tapat sa ating ibadah ay isa sa mga kundisyon na dapat gampanan upang tanggapin ng Allah ang ating mga mabubuting gawa. Isa sa mga pinag-uugatan ng kawalan ng katapatan ay ang paggawa ng mga bagay upang matupad ang ating sariling mga kagustuhan dito sa lupa. Si Imam Al-Harawi, na  namatay noong  846 CE, ay  nagbabala sa atin na may pitong uri ng mga hangarin na maaaring makapinsala sa ating ikhlas. Ang pagnanais na:





1.    Magpakita ng mabuti  para sa puso ng iba.





2.     Hanapin  ang papuri ng iba.





3.     Iwasan ang sisihin ng iba.





4.    Humingi ng pagluluwalhati sa iba.





5.     Hanapin ang kayamanan ng iba.





6.     Hanapin ang pagmamahal ng iba.





7.     Humingi ng tulong mula sa isang bagay maliban sa Allah





Samakatuwid ay mainam para sa isang mananampalataya na suriin ang kanilang mga intensyon at kanilang ikhlas, hindi lamang bago isagawa ang obligadong mga gawain ng pagsamba, ngunit ganun din sa buong araw. Kung kinakailangan, mapapalakas natin ang ating ikhlas sa tatlong madaling paraan.





1.     Sa pamamagitan ng paggawa ng mas matuwid na mga gawain.





2.     Pagsaliksik ng kaalaman.





3.    Pag-alala na suriin ang ating  niyyah.





Apat na pangunahing bagay na salungat sa ikhlas at samakatuwid ay magpapawalang-bisa sa anumang mabuting intensyon na sinisikap nating linangin. Ito ang mga sumusunod:





1.    Paggawa ng mga kasalanan.





2.     Pag-ugnay sa iba sa Allah.





3.     Paggawa ng pagsamba upang magpakitang-tao.





4.     Ang pagiging mapagkunwari.





Mahalaga na ito'y matandaan, alam man natin ito o hindi, ang bawat gawain na ginagawa natin sa pang-araw-araw nating buhay ay may nakalakip dito na layunin. Samakatuwid, ang pagtuturo sa ating mga sarili na alalahanin ang Allah palagian sa araw-araw, at pag-iisip tungkol sa mga bagay na kalugud-lugod sa Kanya, ay makatutulong sa atin na gumawa ng taos-puso, tama, at kapaki-pakinabang na mga hangarin.





Si Imam Ibn Uthaymeen ay nagsabi na ang hadith  na ito ay nagtuturo sa atin na kung ang isang tayo ay naglalayong gumawa ng mabuti, subalit ito'y hindi naisakatuparan dahil sa ibang mga balakid, ang gantimpala para sa kanyang nilayon ay maitatala pa din sa kanyang mga gawa. Ito ay sa katotohanang, si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Itinala ng Allah ang mabubuting gawa at ang masasamang gawain. Sinuman ang nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa ngunit hindi ito naisagawa, itinatala ito ng Allah sa Kanyang Sarili bilang isang kumpletong mabuting gawa; ngunit kung ninais niya at ginagawa ito, itinala ito ng Allah sa Kanyang Sarili bilang sampung mabuting gawa, hanggang sa pitong daang beses, o higit pa. Ngunit kung siya ay naglayon na gumawa ng masama at hindi niya ginawa, Itinatala ito bilang isang kumpletong mabuting gawa; subalit kung nilayun nya ito at ginawa, ito ay itatala ng Allah bilang isang maling gawa.”





Kabilang sa mga kahulugan ng estranghero na matatagpuan sa Dictionary.com ay, isang bagay o isang tao na hindi pangkaraniwan, pambihira, o hindi pamilyar. Ang estranghero ay isang tao na hindi natin nakasanayan o wala tayong alam. Maaari nating sabihin na ang isang tao ay isang estranghero, gaya ng “Hindi ko pa nakita ang taong iyon .” O maaari namang tayo ang maging estranghero, gaya ng, “Pakiramdam ko ay wala akong lugar dito, ito ay kakaiba at hindi pamilyar sa akin.” Ang mga Muslim ngayon ay pamilyar na sa pag tuturing na kakaiba o kakaiba. Iniisip natin na ito ay isang katangian ngayong ika-21st na siglo subalit tayo ay mali sa ating palagay.





Lahat ng mga sumasamba sa nag-iisang Diyos lamang ay nakadarama ng estrangherong pakiramdam. Ang mga propeta at mga mensahero ay nakaramdam na sila ay  iisang tao lamang  sa  gitna ng karamihan. Karamihan sa mga tao ay hindi nag-iisip katulad ng kanilang pag iisip. Ang kanilang pamilya ay kinikilala ng karamihan, ang kanilang mga tagasunod ay nakikitang hindi pangkaraniwan at nakakaramdam ng hindi pamilyar na pagtrato sa kanilang lipunan na kinabibilangan. Ang mga unang Muslim sa Mecca ay nakaramdam  din ng kakaiba. Isipin nalang natin ang kanilang pagtataka kung bakit ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi nakaramdam ng kanilang nararamdaman. Isipin mo nalang kung ano ang pakiramdam ng nag-iisa ka sa karamihan, o di kaya ay isang maliit na grupo sa malaking kumunidad. Si Propeta Muhammad, nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya, ay nagsabi sa mga  sahabah na ang  kanilang pagiging estranghero ay magandang senyales; Ang magandang balita, sabi niya, ay nabibilang sa estranghero.





Isang kilalang hadith ay nagpaliwanag ng kakaibang nararamdaman natin. “Ang Islam ay nagsimula bilang kakaiba, at ito ay babalik na muli sa pagiging kaka-iba, kung kaya magpahayag ng magandang balita sa mga estranghero.”[1]  Ang kanyang mga tagapakinig ay nagtanong, “Sino ba itong mga estranghero, O Sugo ng Allah?”  at kanyang sinagot, “Yaong mga nagwawasto sa mga tao kapag sila ay naging masama.”[2]  Sa ibang pagsasalaysay ng hadith sinabi niya bilang tugon sa parehong tanong, “Ang mga ito ay isang maliit na grupo ng mga tao sa gitna ng isang malaking masamang populasyon.  Ang mga lumalaban sa kanila ay higit sa mga sumusunod sa kanila”.[3]





Nang magsimulang manawagan si Propeta Muhammad  sa Islam, iilan lamang ang nagbigay panahon upang makinig sa kanyang mga babala at mensahe. Yaong mga nakinig ay napabilang sa mga kaka iba. At habang dumadami ang bilang ng tao na yumayakap sa relihiyon ng Allah, unti-unti sila ay hindi na gaanong estranghero sa isat-isa, silang mga tumangi na tanggapin ang mensahe ang naging estranghero.  Isang magaling na iskolar ng Islam si  Ibn al-Qayyim (1292 – 1350 CE) ay  nagpaliwanag na may mga estranghero kahit sa hanay ng mga estranghero mismo.  Sinabi niya na, ang mga Muslim ay estranghero sa sangkatauhan; ang totoong mananampalataya ay kakaiba sa mga muslim; at ang mga iskolar ay kakaiba sa hanay ng totoong mga mananampalataya.  At ang mga tagasunod sa Sunnah, yaong mga umiiwan o tumatanggi  sa  lahat ng anyo ng pagbabago, ay mga estranghero din.4]





Si Ibn al-Qayyim ay hinati sa tatlong grado ang pagkaka-iba iba:





1.     Kapuri-puri .  Ito ay mga tao na nagsasabi na walang ibang diyos maliban sa  Allah at si Muhammad ay kanyang mensahero. Ang maging mananampalataya sa mundo na puno ng di-mananampalataya ay isang kapuri-puri na kaibahan, maginhawang pagkaka-iba.





2.     May malaking Pananagutan.  Ito naman ay mula sa hanay ng mga hindi mananampalataya.  Sila yaong mga dapat tayong mag ingat, at humingi tayo ng proteksyon sa Allah laban sa kanila sapagkat sila ay mga estranghero sa Panginoon.





3.     Yaong mga neutral,  hindi masabing kapuri-puri o may malaking pananagutan, ito ang mga klase ng nararamdaman ng mga manlalakbay kapag nakakasalamuha sila. Ayon kay Ibn al-Qayyim, ito ay may potensyal na maging kapuri-puri.





Ang paninibago ng manlalakbay ay ang kakaibang pakiramdam ng isang tao kapag siya ay malayo mula sa lugar kung saan siya pinaka-komportable, ang kanyang tahanan. Kapag ang isang tao ay nanatili sa isang lugar sa maikling panahon, batid niya na siya ay dapat nang lumipat, siya ay  nakararamdam ng kakaiba, na parang hindi siya  nabibilang doon. Sinabi ni Propeta Muhammad, “Manirahan  kayo sa mundong ito na tila isang estranghero o manlalakbay.”[5]





Maraming mga mananampalataya na nakararamdam na sila ay mga estranghero dito sa dunya. Ang mga bagong Muslim ay madalas na nagugulat o nahihiwagaan kapag kanilang napagtanto na kahit na niyakap nila ang Islam ang kanilang pakiramdam ay hindi lubos na panatag, tila hindi pa rin sila ganap na napapabilang o naangkop at di mawala ang kakaibang pakiramdam. At ang pakiramdam na ito ay hindi lamang mga bagong Muslim ang nakararamdam. Maraming tao na ipinanganak sa deen ng Islam ay nakararamdam din na sila ay hindi naangkop sa kanilang lugar na kinaroroonan. Magpahanggang sa kasalukuyan, marami ang naniniwala na ang ganitong pakiramdam ay hindi lilisan hanggang sa tayo ay ligtas na, at naroon na sa ating totoong tahanan, sa Paraiso.





Sa buong Quran ang Allah ay nagpapaalala sa mga mananampalataya na ang Kabilang Buhay ay ang ating huling destinasyon. Ang mundong ito, ay sinasabi Niya sa atin, ay hindi hihigit sa isang pansamantala na pagtigil, dibersyon o pagpapalipas ng oras, isang pagsusulit at isang pagsubok.  Si Ibn Rajab (1335 -1393 CE) ay ipinaunawa na si Propeta Muhammad ginamit ang analohiya ng isang taong estranghero, dahil ang isang estranghero ay karaniwang isang tao na naglalakbay at laging handa na umuwi; naglalakbay dito sa dunya naghahanda para sa Kabilang-Buhay nag-aasam ng Paraiso.





Bilang karagdagan, ang isang estranghero ay hindi mukhang katulad ng ibang tao, siya ay naiiba. Ang kaibahan niya ang dahilan kung bakit siya ay isang estranghero.  Ang tunay na mananampalataya ay mga estranghero at angkop na hindi tayo katulad ng mga hindi naniniwala. Sa isang mundo kung saan ang pagsunod sa mga turo ng Islam ay tiningnan o tinuring bilang isang bagay na kakaiba, paminsan-minsan kahit sa mga Muslim, madaling maugnay sa ideya na ang Islam ay babalik sa pagiging isang bagay na kakaiba.  Samakatwid, yakapin ang iyong kaibahan at maging mapagpasalamat para sa masayang balita na kasama nito.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG