Mga Layunin
· Ang tanggapin na ang Quran ay biyaya ng Allah at Matuto ng ilang katangian nito.
· Ang tanggapin na ang Quran ay may kaugnayan sa ating kasalukuyang panahon gaya noong unang ipinahayag ito.
Ilan sa mga katangian ng Quran
1. Why-and-How-to-Learn-the-Quran--part-1.jpg“At sa inyo ay may darating na patnubay mula sa akin, at sinumang sumunod sa aking patnubay sila'y hindi magkakaroon ng pangamba o kalungkutan man na madarama.” (Quran 2: 38)
Ang Quran ang siyang pinakamalaking biyaya ng Allah saiyo. Ito ang katuparan ng Kanyang pangako kay Adam at sa kanyang mga inapo.
2. Ito ang natatanging daan upang mapagtagumpayan ang iyong pagkatakot at pagkabalisa. Ito ang tanging liwanag (nur), habang ika'y nasa kawalan at kadiliman, at magdadala sayo sa katagumpayan at kaligtasan. Ang natatanging kagalingan (shifa’) sa iyong karamdamang pang kaluluwa, gayun din sa suliranin ng lipunan na nakapaligid sayo. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi,
“Ang Quran ay tagapamagitan at katanggap tanggap ang kanyang pagiging tagapamagitan at ang kanyang hatol ay katangap-tanggap. Sinuman ang gawin niya itong gabay - gagabayan siya nito patungong Paraiso at sinuman ang tumalikod dito, (ang kanyang kahihinatnan ) siya ay mahuhulog sa Apoy.”[1]
3. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Makiisa ka sa mga laging umaalala sa Allah at sa pagbigkas sa Kanyang Aklat, dahil ito ay ang iyong ilaw dito sa sanlibutan at (na dahilan upang) ikaw ay mabanggit sa kalangitan.”[2]
Ang Quran ang patuloy na tagapa-alala ng iyong tunay na kalagayan at iyong magiging kalalagayan, ng iyong katayuan, ng iyong katungkulan, iyong gantimpala, ng iyong kapahamakan. Higit sa lahat, ito ang natatanging daan upang mapalapit ka sa iyong Tagapaglikha. Ipinapakilala niya ang Allah sayo, ang Kanyang katangian, paano Niya pinamamahalaan ang sandaigdigan at ang nakaraan, paano Siya nakikipag-ugnayan sayo at paano ka makikipag-ugnayan sa Kanya, sa iyong sarili at sa iyong kapwa tao at sa ibang pang nilikha.
Ang gantimpalang naghihintay sayo dito ay katotohanang napakarami, at dumadami ng maraming ulit hanggang sa kabilang buhay, ngunit ang naghihitay sayo sa huli ng iyong paglalakbay, ang pangako ng Allah sa Hadith qudsi,
“Anupat walang mata na nakakita, ni walang taingang nakarinig at kailanman man walang pusong naglalaman nito”, at idinagdag ni Abu Hurayrah, “Basahin kung iyong nanaisin: ‘Walang tao ang may kakayanan na unawain kung anong kasiyahan ang ikinubli sa kanilang paningin bilang kabayaran ng dahil sa kanilang palagiang ginagawa.’ (Quran 32:17)”[3]
Ang Quran ay may kaugnayan sa kasalukuyan gaya noong panahong ito ay unang naipahayag
Ang patnubay ng Quran, sa kanyang sariling pahayag, ay may walang hanggang ugnayan sa lahat ng tao bilang kapahayagan ng walang hanggang Diyos. Ang Quran, ang walang hanggang gabay ng walang hanggang Diyos ay siya ding ugnayan natin ngayon mula pa noong ipinahayag ito mahigit 14 daang taon na ang nakalipas at mananatili ito magpasa walang hanggan. Ang salita ng dakilang tagapaglikha ay ipinahayag upang maging gabay sa sangkatauhan at sa mga darating pang panahon.
Para sa katotohanan ng pag-angkin na ito, nararapat lamang na matanggap natin, maranasan at maintindihan ang Quran gaya ng mga naunang pinagpahayagan nito hindi man sa antas na kanilang ginawa. Sa madaling salita, sa kabila ng makasaysayang pangyayari sa pagkakapahayag nito sa ibang wika o sa panahon at lugar, nararapat lang na tanggapin natin ang Quran dahil ang kanyang mensahe ay sumasakop sa lahat ng panahon.
Para sa mga unang nakarinig dito mula sa bibig ng Propeta, ang Quran ay isang buhay na katotohanan. Sila ay hindi nagkaroon ng pagdududa na si Allah ay nangungusap sa kanila sa pamamagitan niya, ang kanilang puso at isipan ay nasakop nito, umagos ang luha sa kanilang mga mata at nanginig ang kanilang katawan, dahil nalaman nila na ito'y angkop sa kanilang mga alalahanin at kasalukuyang nararanasan at naging sakop na ng kanilang pamumuhay, sila ay tuluyang binago nito. At ang naging bunga nito, ang mga tagapastol ng tupa at mga pulutong ng mga kamelyo ay naging mga tagapag-gabay ng sangkatauhan.
Sa panahon natin, meron tayong parehong Quran, kahit na merong napakaraming kopya nito na nailathala, hindi natin nababasa ang Quran, sa katotohanan ang ating mata ay nanatiling tuyo sa mga talata nito, ang ating mga puso ay di natitinag ng mga katotohanan patungkol dito at ang ating isipan ay di nahipo at ang buhay natin ay di nabago, nananatili pa ba ang Quran bilang buhay, malakas na sandigan ,at makapangyarihan ngayon kagaya noon mahigit 1400 taon na ang nakalipas? Ito ang pinakamalaking katanungan na dapat nating mabigyan ng kasagutan kung nagnanais tayong maitama ang ating buhay mula sa patnubay at gabay ng Quran.
Paano natin ito gagawin? ang sagot ay madali lang. Pag-aralan natin ang Quran sa pamamagitan ng pagpasok sa mundo ng Quran na parang ang Allah ay nakikipag-usap sa atin ngayon sa kasalukuyan at sa pagsunod sa mga panuntunan gaano man ito kahirap, sa pamamagitan ng pagsentro ng buhay natin sa Quran, makikita ng mga muslim ang kahalagahan ng paglikha sa kanila at kanilang dignidad dito sa mundo.
Gawin nating parte ng ating buhay ang mensahe nito gaya ng mga unang naniwala dito ng may parehong kahalagahan at malalim na kaugnayan sa lahat ng kasalukuyang pangyayari at mga pinagdaanan.
Ang Biyaya ng Quran ay walang katapusan, ngunit ang hangganan ng iyong pagtanggap ay nakadepende sa kung hanggang saan mo ito bibigyan ng halaga, kaya ang pinaka umpisa, gawin mong malalim ang iyong pagkaunawa sa kung ano ang kahalagahan ng Quran sa iyo at kung ano ang karapatan nito saiyo.
At bilang pagtatapos, bawat Muslim ay may katungkulan na ilaan ang kanyang sarili sa pagbabasa, pag-unawa at pag-saulo sa Quran. Ang susunod na aralin ay nakatuon kung paano pag-aaralan ang Quran.
Mga Terminolohiyang Arabik
· Hadith - (pangmaramihan – ahadith) isang bahagi ng pahayag o kwento. Sa Islam ito ay ang naitalang kapahayagan at mga kasabihan at mga isinagawa ng Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Quran ayon sa mga salita ni Propeta Muhammad
1. Why-&-How-to-Learn-the-Quran-Part-2.jpg"Ang pinakamainam sa inyo ay siyang natutunan ang Quran at itinuturo ito."[1]
2. Ang Allah ay may sariling mga tao sa pagitan ng mga tao: "Sila ay nagsabi: "O Sugo ng Allah, sino po sila ? "ang Propeta ay nagsabi: Ang mga mamamayan ng Quran, ang mamayan ng Allah at sila ang mga pinakamalapit sa Kanya."[2]
3. "Ang Quran ay piging ng Allah. Paramihin niyo ang pag-aaral mula sa kanyang piging. Ang Quran ang lubid ng Allah, at ito ay isang malinaw na liwanag [ang mainam at kapakipakinabang ] na kagalingan. Ito ay proteksyon sa mga kumakapit dito at kaligtasan sa sinumang sumusunod dito. Ito ay hindi baluktot kaya naman ilalagay ang lahat ng bagay sa katuwiran. Hindi ito nag naglilihis para pagsisihan. Ang kanyang himala ay walang katapusan. Hindi naluluma kahit paulit ulit. Kayat bigkasin ito at ikaw ay gagantimpalaan ng Allah sa pagbigkas sa bawat letra...." ( ganundin si Abdullah ibn Masud ay nagsabi, “Itong Quran ay ang piging ng Allah. Sinuman ang pumasok dito ay ligtas.”).[3]
Ang Quran ay isang 'piging' na ang pakiwari ay isang bagay na kapupulatan ng maraming benipisyo na inihanda ng Allah para sa sangkatauhan kayat anyayahan sila dito.
4. "... Ang grupo ng mga tao ay di nagtitipon sa bahay ng Allah o sa mga bahay ng Allah (ang mosque) na bumibigkas sa mga talata ng kapahayagan ng Allah at pinag-aaralan nila - maliban na ang kapanatagan ay napapasa sa kanila, sila ay napapalibutan ng habag at pinaliligiran ng mga anghel-at sila ay binabanggit ng Allah kasama ng mga kasama niya (mga nakakataas na anghel).”[4]
5. "Sinuman ang magturo ng isang talata ng aklat ng Allah ang Pinakamakapangyarihan, ay gagantimpalaan (sa tuwing itoy binibigkas)."[5]
Praktikal na Panuntunan sa Pag-aaral ng Quran
Gaano ito kadalas basahin?
Araw araw ay dapat mong basahin ang Quran. Sa katotohanan, hindi dapat na sabihin na ang isang araw ay kompleto na hindi ka naglalaan ng panahon sa Quran. Mas mainam na magbasa nito palagi, kahit maikling bahagi lamang kaysa magbasa ng mahaba ngunit minsanan lang.
Gaano Karami ang Babasahin?
Walang eksaktong kasagutan. Nakasalalay ito sa tao at sa sitwasyon nito. Ang batayan ay sinabi ng Allah: 'Magbasa ayon sa iyong makakayanan ng may kahinahunan' (Quran 73:20)
Ang dami ng mababasa ay maaring nakadepende sa layunin ng pagbabasa, kung ikaw ay maglalaan ng panahon sa Quran, o kaya ay sisilayan lang ito, maari mong basahin ng mabilis at mas marami, kung ikaw ay nagnanais na maintindihan at maisabuhay, basahin mo ito ng may kabagalan at kahit mas maikli.
Kailan Babasahin?
Any time of the day or night is suitable for reading the Quran and one may do so in any physical posture. Sinabi ng Allah, Anumang oras sa araw o gabi ay mainam sa pagbabasa ng Quran at maari mong basahin ito ng kahit anong posisyon ng katawan. Sinabi ng Allah,
“Alalahanin mo ang pangalan ng iyong Panginoon sa umaga at sa gabi at anumang bahagi ng gabi.” (Quran 76:25)
“Sila na umaalala sa Allah kung sila ay nakatayo, at kung sila ay nakaupo , at kung sila ay nakahiga..” (Quran 3:191)
May mga pagkakataong mas mainam at may gantimpala dahil ang mga ito ay nirekomenda ng Allah at ng kanyang Propeta. Meron ding mga ilang nirekomendang posisyon ng pagbabasa. Ang pinakamainam na oras ng pagbabasa ay sa gabi at ang kanais nais na posisyon ay pagtayo sa pagdarasal. Para magawa ito nararapat na ikaw ay magsa-ulo ng ilang bahagi ng Quran at ikaw ay manatiling gising sa ilang bahagi ng gabi. Maaring hindi magagawa ito ng palagian dahil sa ilang kadahilanan at ang Quran ay maluwag sa mga ganoong limitasyon, kayat ikaw ay pinahihintulutan sa kung ilang bahagi, sa anumang oras at 'anumang posisyon.'
Pag-aralang magbasa ng tama sa Arabik
Maaring gumugol ng panahon at pagsisikap upang matutunan ang arabikong salita at matutong magbasa ng Quran ng tama, mas mabuting pag-aralan ang mga ito sa pamamagitan ng isang kwalipikadong guro, ngunit kung wala kang pagkakataon para gawin ito, maari kang matuto sa alinmang online na nagtuturo ng Quran na websites. Maglaan ng kalahating oras sa loob ng tatlo hanggang limang araw sa isang linggo sa loob ng isang taon at makikita mo ang iyong sarili na bumibigkas na ng Quran sa arabik.
Pakinggang Mabuti
Habang hindi mo pa natutunan ang pagbigkas ng Quran agad-agad, maari kang mag download ng libreng MP3 files ng Quran, pakinggan itong mabuti at tumahimik habang binibigkas ang Quran. Ito ang mismong sinasabi sa Banal na Quran: “Habang binibigkas ang Quran, makinig na mabuti, at manahimik, upang ikaw ay biyayaan ng habag ”. (Quran 7:204)
Hindi ka dapat nagsasalita habang ang Quran ay binibigkas.
Isaulo ang Quran
Isaulo ang Quran sa abot ng iyong kakayanan. Ang pagsasaulo ay isang mahalagang paraan upang ang Quran ay makapasok sayo (sa puso at isip), hindi ito isang mikanikal o ritwal na gawain, ito ay isang gawaing nakakapagtaas ng ispirtwal at magandang kalagayan, sa pagsasa-ulo lamang makakabigkas ng Quran sa pagdarasal at intindihin ang kanyang kahulugan habang ikaw ay nakatayo na kasama ang bumibigkas nito at ang Quran ay dadaloy sa iyong dila, magiging bahagi ng iyong isip, at mananahan sa iyong puso. Magiging kasama mo ito palagi. Ang pinaka mainam para maisaulo ito ay sa pamamagitan ng isang kwalipikadong guro, ngunit kung itoy hindi posible, ang online na guro ay maari. Hindi mo kakayanin ito na mag-isa.
Libring mapagkukunan
· http://www.tvquran.com/en/
· http://quranicaudio.com/
· http://www.quranexplorer.com/Quran/Default.aspx
· http://www.clearquran.com
· http://www.quranful.com
· I search ang I Tunes o google play para sa pagbabasa na aplikasyon na may keyword na "Quran" para sa iyong smartphone o tablet.