Mga Layunin
· Upang pahalagahan ang Islam bilang isang holistikong paraan ng pamumuhay at ang mga maliliit na kilos gaya ng pagkain ay maaaring maging isang kapakipakinabang na gawaing pagsamba.
· Upang matutunan ang Islamikong kaugalian ng pagkaini.e. ang mga kinakailangang kilos bago at pagkatapos kumain.
Terminolohiyang Arabik
· Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawain ng Propeta.
Eating01.jpgAng Islam ay isang relihiyon gayunpaman ang mas mainam na paraan upang ilarawan ito ay ang tawagin itong isang paraan ng pamumuhay; isang holistikong paraan na dinisenyo ng ating Tagapaglikha upang pakinabangan ng sangkatauhan. Ang pagiging komprehensibo ng Islam ay nagkakaloob sa bawat aspeto ng buhay na maging gawaing pagsamba, mula sa pagdarasal hanggang sa pagtulog. Bawat gawa mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki ay maaaring magkamit ng hindi mabilang na gantimpala sa pamamagitan lamang ng isang taong naghahangad na kalugdan ng Allah sa bawat pagiisip at pagkilos.
Nang nilikha ng Allah ang mundo hindi Niya itinalaga ang mga bagay at pagkatapos ay iniwan sa atin ang pagpapasya; sa kabila nito Siya ay nagpadala sa atin ng patnubay. Ang patnubay na ito ay dumading sa anyo ng Quran at ng Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Sa pamamagitan ng dalawang mga saligan ng gabay na ito ay matatagpuan natin ang mga tuntunin at regulasyon, at ang mga karapatan at pananagutan na nagbunsod sa atin na harapin ang anumang sitwasyong ating kinalalagyan. Sa araling ito ay matutuklasan natin ang Islamikong paguugali sa pagkain.
Lahat ng mga kilos na isinagawa sa pang araw-araw na takbo ng buhay ay maaaring maging pagsamba sa pamamagitan lamang ng simpleng pagalaala at pagpuri sa Allah at sa ikalulugod Niya. Oo, maging ang pagkain; mayroon itong kakayahang magpaangat sa kanyang kalagayan mula sa makamundo tungo sa mabiyayang gawaing pagsamba. Pagisipan mo. Ang pagkain ay may mahalagang bahagi sa ating pangaraw-araw na buhay. Ang pamimili, pagiimbak, paghahanda, pagkain, at paglilinis - lahat ay gumugugol ng maraming oras, pagsisikap at salapi. Ang mga gantimpala na naipon mula sa pagkain ay maaaring hindi mabilang at higit na mabigat kaysa sa isang busog na tiyan o bilbil sa baywang.
Ang alintuntunin ng magandang asal sa pagkain ay kinabibilangan ng mga kilos bago, habang, at pagkatapos kumain.
Kalinisan
Mayroong sinaunang kasabihan ang mga kanluranin - ang kalinisan ay kasunod ng Kabanalan at ang Islam ay naglalaan ng matinding pagdidiin sa kalinisan. Kung paanong ang isang Muslim ay nagpapadalisay sa kanyang katawan bago humarap sa Allah sa pagdarasal ay dapat din niyang bigyang pansin ang kalinisan ng kanyang paligid.
Minamahal ng Allah ang mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili.” (Quran 2:222)
Samakatuwid mahalaga na ang lugar ng paghahanda ng pagkain at ang mga kamay na hahawak sa pagkain ay pinananatiling malinis. Ang maruming kalagayan ay nagdudulot ng sakit at masamang kalusugan. Kung hindi ka naman kasama sa paghahanda ng pagkain mahalaga ring hugasang mabuti ang kamay bago kumain.
Pagbanggit sa pangalan ng Allah
Ang isang Muslim ay dapat simulan ang bawat tungkulin, kahit sa pagkain, sa pagbanggit ng pangalan ng Diyos. Siya ay dapat magsabi:
“Bismillah” na ang kahulugan nito ay “Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah”.
“Kapag ang isa sa inyo ay kakain, dapat niyang banggitin ang pangalan ng Allah; kung makalimutang banggitin ang pangalan ng Allah sa pagsisimula, siya ay dapat magsabi:
“Bismillaahi fee awwalihi wa aakhirihi”
“Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah sa simula at katapusan nito (i.e. itong pagkain).”[1]
Ang pagkain at pag-inom sa kanang kamay
Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay ay obligado para sa mga Muslim maliban kung mayroong dahilan gaya ng karamdaman o pinsala. Kadalasang ginagamit ang kaliwang kamay sa paglilinis ng katawan ng dumi o anumang karumihan habang ang kanang kamay ay ginagamit sa pagkain, pagpasa ng mga bagay mula sa isang tao patungo sa iba at pakikipagkamay. Si Prophet Muhammad ay nagpayo rin sa atin sa kanyang Sunnah na si Satanas ay kumakain sa kanyang kaliwang kamay kung kaya't ang mga mananampalataya ay dapat umiwas mula sa anumang magiging sanhi ng pagkakatulad kay Satanas.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi, Kapag ang isa sa inyo ay nais kumain, siya ay dapat kumain sa kanyang kanang kamay, at kapag siya ay (magnais) na uminom siya ay dapat uminom sa kanyang kanang kamay, sapagkat si Satanas ay kumakain sa kanyang kaliwang kamay at umiinom sa kanyang kaliwang kamay.[2]
“Noong ako ay bata pa lamang sa pangangalaga ng Sugo ng Allah, ang aking kamay ay naglilibot sa plato (ng pagkain). Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa akin, ‘O munting bata, banggitin mo ang Bismillah (Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah), kumain sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kumain kung ano iyong nasa harapan’.”[3]
Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay ay isang paraan upang tularan si Propeta Muhammad at ang kanyang mga kasamahan, at iyon ay ipinapayo at kapaki-pakinabang na gawa, gayunpaman, ang paggamit ng tinidor, kutsara at kutsilyo ay hindi ipinagbabawal.
Magandang kaugalian
Sa mga sitwasyon kung saan ang lahat ay kumakain sa iisang dulang o lagayan ng pagkain para sa lahat, ang pagkuha ng pagkain na nasa harapan mo ay itinuturing na kagandahang asal. Ang pagabot sa iba o pagtikim sa paghahanap ng masarap na kakainin ay makapagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kasalo at magiging dahilan pa upang magmukha kang walang modo o sakim.
Ito ay mula sa mga asal ng Islam na respetuhin ang mga bisita sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng piling pagkain at sa maayos na pamamaraan. Ang mga panauhin ay magmamadaling tikman at purihin ang handa sa pamamagitan ng pananalangin at paghingi ng biyaya para sa naghanda. Isang magandang panalangin para sa naghanda ay ang sumusunod:
“Allaahumma baarik lahum feemaa razaqtahum, waghfir lahum warhamhum”
“O Allah, pagpalain mo sila sa kung anuman ang ipinagkaloob mo sa kanila, at patawarin mo sila at kaawaan mo sila.“[4]
Mali na punahin ang pagkain, manapa'y makabubuting huwag na lamang kainin ang hindi mo nagugustuhan. Si Umm Hufaid ay pinagsilbihan ang Propeta Muhammad ng isang platong mantikilya (ghee), keso at bayawak. Kinain niya ang hinalong mantikilya at keso, ngunit isinantabi ang bayawak sapagkat hindi niya ito gusto.[5]
Ang kagandahang asal na likas sa Islam ay kinapapalooban din na ang isang tao ay hindi nararapat dumura o suminga habang kumakain, o sumandal habang kumakain.
Mga Biyaya sa Pagkain
Ang pagiging komprehensibo ng Islam ay nakapagdudulot sa atin na magbigay at tumanggap ng mga biyaya habang kumakain at umiinom gayunpaman huwag nating kakalimutang ang Diyos ay nagbibigay ng pagpapala mula mismo sa pagkain. Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagpayo na pulutin, tanggalan ng dumi at kainin ang bawat piraso ng pagkaing nahuhulog sa sahig, upang matiyak na hindi mapapalampas ang anumang biyaya o maiwan ang pagkain kay Satanas.
“Kung sinuman sa inyo ang makahulog ng isang subo ay nararapat itong pulutin at tanggalan ng anumang dumi, at kainin ito, at huwag iwanan ito para kay Satanas. Hindi niya dapat punasan ang kanyang kamay hanggat hindi niya muna ito nasasaid sa kanyang mga daliri, sapagkat hindi niya batid kung saang bahagi ng pagkain naroroon ang biyaya.”[1]
Kung kakayanin, upang makatanggap ng higit pang biyaya, ang isang Muslim ay nararapat ibahagi ang kanyang pagkain at huwag kumaing magisa. Ang pagsasalu-salo kasama ng pamilya, mga kaibigan, mahal sa buhay, at kapit-bahay ay lumilikha ng pagsasasamahan sa pagitan ng mga mananampalataya. Hindi problema kung kakaunti lamang ang pagkain, sapagkat ang biyaya ay mas higit pa sa dami ng pagkaing kakailanganin.
“Ang pagkain para sa dalawa ay sapat para sa tatlo, at ang pagkain para sa tatlo ay sapat para sa apat.”[2]
“kumain na magkakasama, sapagkat mas maraming biyaya kapag kumakaing sama-sama.”[3]
Kumain na may Kahinahunan
Ang kaasalan sa pagkain ay kinabibilangan ng pagkain na may pagdadahan-dahan at huwag magmalabis gaano man nakakagana ang pagkain. Si Propeta Muhammad ay nagpaalala sa atin na ang pagpapanatiling magaan at malusog ang pangangatawan ay higit na mainam kaysa sobrang taba, tamad at walang ginagawa.
“Walang anumang sisidlan na pinupunuan ng isang tao na mas masahol pa sa kanyang tiyan. Sapat na para sa mga anak ni Adan ang kumain ng anumang husto para sa kanyang katawan. Ngunit kung nais nila, kung gayon isang-katlo para sa pagkain, isang-katlo para sa kanyang inumin at isang-katlo para sa hangin.”[4]
“At kumain at uminom, ngunit huwag magaksaya, katiyakang hindi nalulugod ang (Allah) sa mga mapagaksaya.” (Quran 7:31)
Mula sa Sunnah ni Propeta Muhammad ay natutunan nating umiwas na kumain at uminom mula sa mga lalagyan na yari sa pilak at ginto.
“Huwag magsuot ng sutla at huwag uminom mula sa mga sisidlang ginto at pilak, o kumain sa mga platong yari dito. Ito ay para sa kanila (mga hindi naniniwala) sa mundong ito at para sa atin sa Kabilang-buhay.”[5]
Matapos Kumain
Sa unang bahagi ay natutunan natin na banggitin ang pangalan ng Diyos bago kumain at ngayon ay tatapusin natin sa pamamagitan ng pagpupuri at pasasalamat sa kanya sa paraang akma sa Kanyang kadakilaan. Sasabihin natin Alhamdulillah (ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang sa Diyos) upang kilalanin na ang Diyos ang nagkakaloob ng lahat ng pangangailangan. Kaunti man ito o marami, ay pinapasalamatan natin Siya at pinupuri.
“At walang anumang gumagalaw (nabubuhay) na nilikha sa mundo ngunit ang kanyang pangangailangan ay galing sa Diyos.” (Quran 11:6)
Si Propeta Muhammad ay nagsabi na “Ang Diyos ay nalulugod kapag ang isa sa Kanyang mga alipin ay kumakain ng anuman at pinasasalamatan siya mula dito,”[6] at iyon ang dapat gawin ng isang tunay na mananampalataya; ang kakayahang maging kalugod-lugod sa Diyos sa lahat ng kanyang gawain.
Si Propeta Muhammad ay nagpayo sa ating lahat na maghugas ng kamay bago at matapos kumain kahit na nasa kalagayang dalisay o hindi. Mainam na maghugas sa tubig, subalit kanais-nais na gumamit ng sabon o cleaning liquid. Inirerekomenda rin na magmumog pagkatapos kumain.
Minsan sa isang paglalakbay si Propeta Muhammad ay pinangunahan niya ang panghapong pagdarasal at humingi ng pagkain. Inihanda ang pagkain at ang lahat ay nakisalo. Sa oras ng panggabing panalangin, si Propeta Muhammad ay bumangon, nagmumog ng bibig sa pamamagitan ng tubig, ganun din ang kanyang mga kasamahan. Pagkatapos siya ay nagdasal na hindi inulit ang kanyang wudoo (ritual ablution).[7]
Mula sa ulat na ito ay may natutunan tayong dalawang bagay, na kanais-nais na magmumog pagkatapos kumain at ang pagkain (maliban sa anumang kadahilanan) ay hindi nakasisira ng wudoo.
Oral Hygeine
Bagamat hindi inuobliga ang paglilinis ng ngipin pagkatapos kumain, isinasama ng Islam na may malaking pagpapahalaga ang paglilinis ng bibig (oral hygiene). Si Propeta Muhammad ay nagtagubilin sa paggamit ng patpat na pang-ipin (tooth stick) na tinatawag na miswak o siwak. Ipinaalam niya sa atin na ito ay nakalilinis ng bibig at kalugod-lugod sa Diyos. Ang Miswak ay isang sanga na may natural na mga mineral; nakalilinis ito ng ngipin, nakapipigil sa pagdurugo ng gilagid, pumapatay ng bacteria, at nakapagpapabango ng hininga. Kung walang miswak, maaaring gumamit ng toothpaste at mouth wash dahil ito rin ay katanggap-tanggap. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:
“Gumamit ng miswak, sapagkat ito ay lumilinis ng bibig at kalugod-lugod sa Diyos. Kung hindi lamang sa pangamba ko na mahihirapan ang aking Ummah (nasyon), Ipaguutos ko sa kanila na gumamit ng miswak bago at pagkatapos ng pagdarasal.” [8]
Si Propeta Muhammad ay nagmungkahi rin sa mga mananampalataya hinggil sa pamamaraan ng paginom ng tubig. Ipinayo niyang dapat uminom ng tatlong patlang kaysa tuloy-tuloy na lumagok ng tubig, at nagbabala mula sa paghinga sa sisidlang tubig dahil ang tubig nito ay maaaring mahahaluan ng laway. At mainam para sa isang tao na uminom habang nakaupo.
Panghuli, katulad nang nabanggit natin, ang Islam ay kumpletong paraan ng buhay; maging ang mga mumunting gawa gaya ng pagkain o paginom ay maituturing na dakilang pagkakataon na mapaglingkuran ang Diyos.
Karne ng mga tao ng Kasulatan
Mga Layunin
· Upang maunawaan ang kahalagahang mapag-aralan ang Islamikong mga alituntunin ng pagkain.
· Upang maunawaan ang mga elemento ng Islamikong pamamaraan para sa pagkatay at ang karunungan sa likod ng Islamikong patakaran ng pagkakatay.
Mga Katagang Arabe
· Qiblah - Ang dakong hinaharapan ng isang tao habang nasa pormal na mga pagdarasal.
· Halal - pinahihintulutan.
Kahalagahan na Mapag-aralan ang Islamikong mga Alituntunin ng Pagkain
Meat-of-the-People-of-the-Book-(part-1-.jpgPara sa isang Muslim, maraming kalituhan ang bumabalot sa katanungan sa mga pagkain at mga karneng ibinebenta sa mga pamilihan at pagkain sa mga ito sa mga kainan sa Kanluran. Ang usaping pagkakatay ng mga hayop ay hindi isang makamundong usapin na kung saan ang isang indibidwal ay maaaring ginagawa ito ayon sa kanyang kagustuhan, sa halip ito ay itinuturing na isang gawaing pagsamba. Ang Sugo ni Allah, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:
"Sinumang magdasal ng ating pagdarasal at humarap sa ating qiblah at kumain ng ating kinatay na mga hayop, ay isang mananampalataya na nasa ilalim ng pangangalaga ni Allah at ng Kanyang Sugo."[1]
Ang hadith na ito ng Sugo ni Allah ay malinaw: ang pagkakatay ng mga hayop ay nagtataglay ng makabuluhang katayuan sa Islam. Ang Propeta ay isinasagawa ang pagkakatay ng mga hayop na may pagdarasal at humaharap sa qiblah.
Dalawang Kategorya ng Pagkain
Mga Gulay at mga Prutas
Siyempre, wala alinman sa mga prutas o mga gulay ang may mga natatanging mga alituntunin ng pagkakatay. Sa pamamagitan ng pinagkasunduan ng mga iskolar, ang mga ito ay halal at pinahihintulutan, maging sino ang luminang o nagmamay-ari nito hangga't ito ay malusog at ligtas mula sa karumihan. Samakatuwid, ang isang Muslim ay maaaring kainin ang mga ito mula sa isang kasapi ng anumang ibang relihiyon.
Ang karne ng hayop ay higit pang nahahati sa dalawang kategorya: pagkaing-dagat at mga hayop sa kalupaan.
Pagkaing-dagat
Sa pamamagitan ng napagkasunduan ng mga iskolar, ang pagkaing-dagat ay halal sa pangkalahatan maging saan ito lumaki o sino ang nakahuli. Dahil ang isda ay hindi nangangailangan ng mga natatanging pamamaraan ng pagkakatay, ang mga ito ay itinuturing na ipinahihintulot. Kabilang dito ang mga hipon at mga sugpo ayon sa karamihan ng mga iskolar. Ang ilang mga bukod-tangi ay:
· Mga Buwaya
· Mga Palaka
· Mga Oter at mga pagong (subalit halal pagkatapos ang pagkakatay sa mga ito)
Ipinagbabawal na mga Karne ng Amak (domisticated) na mga Hayop
Mabangis na hayop, ito ay , hindi amak, ay pinahihintulutang kainin ito kung ang pangunahing kinakailangan ng pangangaso ay natugunan.
Ang karne ng mga amak na hayop na may kondisyong ito ay kinatay ayon sa Islamikong mga pamantayan ay pinahihintulutan. Kung ito ay mahuhulog sa isa sa mga kategoryang binanggit sa sumusunod na talata, ito ay magiging ipinagbabawal:
"Ipinagbabawal sa inyo (sa pagkain) ay mga patay na hayop, dugo, ang laman ng baboy, at ang karne ng yaong kung saan kinatay bilang isang alay para sa iba bukod kay Allah..." (Qur'an 5:3)
Si Ibn 'Abbas ay iniulat na ang Sugo ni Allah ay ipinagbabawal ang pagkain ng lahat ng mga karniborong mga hayop na may mga pangil na sadyang makakapunit ng laman (ito ay mga hayop na sumisila, tulad ng mga aso at mga tumangong o ang foxes), at lahat ng mga ibon na may mga kuko (tulad ng mga agila at mga palkon).[2]
Mga Elemento ng Islamikong Pamamaraan para sa Pagkatay
· Ano ang dapat Hiwain:
· dalawang ugat na jugular (malaking mga sisidlan ng dugo sa leeg)
· lalamunan (lagusan para sa paghinga; tatagukan)
· esopago (tubong daanan ng pagkain at inumin; lalamunan)
· Anumang kagamitang may kakayahang maduguan ang hayop ay pinahihintulutan, maging ito ay gawa sa bakal, asero, matalim na bato o kahoy, maliban sa buto, ngipin, o kuko. Ang kagamitan ay dapat maging matalim. Di ini encourage ang isang taong gumamit ng isang kagamitang mapurol upang ang hayop ay hindi mabagabag o mailagay sa hindi nararapat na paghihirap.
Karunungan sa likod ng Islamikong Patakaran ng Pagkakatay
Ang karunungan sa Islamikong mga patakaran ng pagkakatay ay ang pagkitil sa buhay ng hayop sa pinakamabilis at pinakamagaan na paraan; ang mga pangangailangan ng paggamit ng isang matalim na kagamitan at pagputol ng lalamunan ay may kaugnayan dito. Ipinagbabawal ang paglaslas ng lalamunan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ngipin o mga kuko dahil ito ay magdudulot ng pasakit sa hayop at para na ring sinakal ito. Ang Propeta ay itinatagubilin ang paghahasa ng kutsilyo at paglalagay ng hayop sa kaginhawahan, na sinasabing, si Allah ay nagtakda ng kabaitan sa lahat ng mga bagay, "at kapag kayo ay nagkatay, gawin ito sa pinakamainam na paraan sa pamamagitan ng paghahasa muna ng kutsilyo at pagpapakalma muna dito."[3]
Ang Pagsambit ba ng Bismillah ay isang Pangunahing kailangan?
Una, ang kasanayang ito ay nasa pagsalungat sa kasanayan ng mga sumasamba sa rebulto bago ang Islam, na sinasambit ang mga pangalan ng kanilang di-umiiral na mga diyos habang kinakatay ang mga hayop.
Pangalawa, ang mga hayop, tulad ng mga tao, ay mga nilikha ni Allah, at sila ay mga nabubuhay na nilalang. Samakatuwid, mahalagang sambitin ang 'Bismillah' bago kitilin ang buhay ng isa sa mga hayop na ito sapagkat ang kasanayang ito ay katumbas ng paghingi ng pahintulot mula kay Allah. Ang pagsambit ng pangalan ni Allah habang kinakatay ang hayop ay isang pagpapahayag ng banal na pahintulot na ito, na tila ang siyang kumakatay ng hayop ay nagsasabi, "Ang gawain kong ito ay hindi isang gawaing kalupitan laban sa sansinukob o pang-aapi sa nilalang na ito, subalit sa pangalan ni Allah ako ay nagkakatay, sa pangalan ni Allah ako nangangaso, at sa pangalan ni Allah ako ay kumakain."
Ayon sa karamihan ng Muslim na mga iskolar, ang pagsambit ng Bismillah ay kinakailangan kung hindi ang karne ay magiging ipinagbabawal. Ito ay batay sa 6:121, 5:4, 22:34, 22:36, 6:138, 6:119. Ang Propeta ay nagsabi, ''Kaya kumatay sa Pangalan ni Allah.'[4]
Sino ang Kwalipikadong Kumatay?
Ang isang Muslim, Hudyo, o isang Kristiyano ay mga kwalipikado sa pagsasagawa ng pagkatay. Ayon sa karamihan ng mga iskolar, ang karneng kinatay ng isang Hudyo o isang Kristiyano ay dapat matugunan ang parehong pamantayan na dapat matugunan ng isang Muslim. Kung hindi niya matugunan ang pamantayang yaon, magkagayun ang karne ay ituturing na isang 'patay na hayop' o isang bagay na katulad.
Karaniwang Pagtutol
Ang ilang mga tao ay nagsasabing hangga't ang mga tao o Angkan ng Kasulatan ay itinuturing ang kung ano ang kanilang kinatay (sa pamamagitan ng pagkuryente, atbp) bilang halal at itinuturing nilang pinahihintulutan sa kanilang relihiyon, ito ay halal para sa mga Muslim.
Ito ay hindi tama sapagkat:
(a) Si Allah ay ipinagbawal para sa atin ang isang hayop na binigti o sinakal sa kamatayan (halimbawa sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid), o pinalo sa kamatayan sa pamamagitan ng isang batuta na nakasaad sa 5:3 at ang lahat ng Muslim na mga iskolar ay sumasang-ayon tungkol sa kanilang pagbabawal. Kaya, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano na walang tamang pagkakatay ay ituturing na ipinagbabawal at ang karne ay magiging ipinagbabawal tulad ng laman ng baboy at walang pagkakaiba maging ang isang Muslim man ay sinakal ito pinalo ito sa kamatayan o ng ibang tao. Ayon sa Quran 5:3 ito ay ipinagbabawal.
(b) Ang karneng baboy ay kinakain ng mga Kristiyano, gayunpaman wala ni isang iskolar na nagturing ditong pinahintulutan. Gayundin, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano sa pamamagitan ng pagbali ng leeg o anumang iba pang paraan na hindi tumugon sa Islamikong pamantayan sa pagkakatay ay magiging ipinagbabawal. Bakit? Sapagkat ang lahat ng mga ito, ang laman ng baboy, nabubulok na bangkay, ang isang hayop na sinakal o pinalo sa kamatayan, ang lahat ay ginawang ipinagbabawal ni Allah sa parehong talata sa Qur'an 5:3. Ang talata ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng baboy, isang hayop na kinatay sa pamamagitan ng pagsakal, o tinulig/kinuryente, o pinalo sa kamatayan, o na ang ulo ay pinisak.
Mga Pamamaraan ng Bahay-katayan sa Kanluran
Mayroong maraming dokumentadong katibayan ang mga pamamaraan ng bahay-katayan sa Kanluran.
Mga Pamamaraan ng Manukan
· Shackling (Sagkaan):
Sa bahay-katayan, ang mga ibon ay pinananatili sa mga trak nang walang pagkain o tubig sa loob ng 1 hanggang 9 na oras o higit pa na naghihintay upang katayin. Sa loob ng planta, sa "buhay-bigtihang" lugar, ang mga ito ay nagsisiksikan sa isang bakal na sabitang nag-iipit sa mga ito ng patiwarik mula sa paa ng mga ito.
· Stunning Tank for Electrical Immobilization (Tangke ng Tuligan para sa Elektrikal na Imobilisasyon):
Ang mga ulo ng ibon at itaas ng mga katawan ay kinakaladkad papasok sa isang may pumipilansik na tubig na labangan na tinatawag na "stunner" (tuligan). Ang tubig na ito ay malamig at inasinan upang maghatid ng kuryente. Ang layunin nito ay upang patigasin, upang panatilihin ang mga ito sa hampas at upang maparalisa ang mga kalamnan ng balahibo ng mga ito upang mapalabas ang mga ito nang madali. Kung minsan ang makina ay pumapalya at ang manok ay naiiwang nakabitin sa tubig na ito ng maraming oras.
· Pagputol ng Leeg
Matapos kaladkarin sa pamamagitan ng "stun" na pagpapaligo, ang mga ibon na ang kanilang mga leeg na bahagyang hiwa sa pamamagitan isang umiikot na makinang patalim at/o isang manu-manong pamutol ng leeg. Maraming pagkakataong ang mga ugat ay namimintisan habang nakatarak ito sa leeg ng ibon.
· Bleed-Out Tunnel and Scalding Tank (Paduguang Lagusan at Napakainit na Tangke):
Buhay pa rin - ang industriya ay sadyang pinapanatili ang mga ibong buhay habang nasa proseso ng pagkatay upang ang kanilang mga puso ay nagpapatuloy sa pagbomba ng dugo - pagkatapos ay ibibitin ang mga ito ng patiwarik sa loob ng 90 segundo sa isang paduguang lagusan kung saan dapat silang mamatay mula sa pagkaubos ng dugo, subalit milyun-milyong mga ibon ang hindi namamatay, habang may di-tukoy na bilang ng mga ibon ay nalulunod sa mga lawa ng dugo kapag ang conveyer belt (sinturong tagapaghatid) ay sumawsaw ng masyadong malapit sa sahig. Patay o buhay, ang mga ibon ay ilalaglag sa mga tangke ng maligamgam na tubig. Noong 1993, mga 7 bilyong mga ibon ang kinatay sa mga pasilidad ng Estados Unidos, mahigit sa 3 milyong mga ibon ang natubog sa napakainit na mga tangke nang buhay.[1] Ayon sa isang dating manggagawa ng bahay-katayan, kapag ang mga manok ay dinudusdos ng buhay, ang mga ito ay "nagkakakawag, nagtititilaok, nagsisisipa, at ang kanilang mga mata ay lumabas sa kanilang mga ulo. Madalas ang mga itong lumalabas sa kabilang dulo ng bali-bale ang mga buto at sira at may nawawalang mga bahagi ng katawan dahil sa matinding pagpupumiglas ng mga ito sa tangke."
· Mula sa pananaw ng Shariah, ang pamamaraang ito ay problema dahil sa sumusunod na mga kadahilanan:
(a) Ang stunning (panunulig) ay maaaring humantong sa kamatayan. Ilang mga pagtatantiya ay nagpapakitang hanggang sa 90% ng mga manok ay namamatay dahil sa pagkaka-kuryente. Kapag nagkaganito, ang manok ay namamatay na bago pa ang leeg nito ay maputol at itinuturing na patay na.
(b) Ang mga patalim ng mga makinang pamutol-leeg ay kadalasang nagmimintis sa leeg o nahihiwa ito nang bahagya. Ang industriya ng manok ay may natatanging katawagan para sa gayong manok, 'redskins (pulang balat).' Ang mga ito ay kalaunang nakakatay sa napakainit na tangke. Ang ganitong mga manok ay maituturing na patay na rin.
(c) Kapag ang isang makina ay lumalaslas ng mga lalamunan, hindi posibleng masambit ang Bismillah para sa bawat manok. Sa kadalasan ay maaaring bigkasin ito ng tao bago paandarin ang makina. Ang pagsambit ng Bismillah sa oras ng pagkatay ay isang pangangailangan para sa karne ng hayop para maging halal.
Mga Pamamaraan ng Paghahayupan
Bago ang pagkatay, ang mga baka sa Kanluran ay itinatago sa tinatawag na 'feedlot' - o lungsod ng baka. Sa halip na damo, ay pinakakain ang mga ito ng mais, na kung saan ay mura, upang patabain ang mga ito sa maikling panahon. Ang mais ay lumilikha ng mga problema sa kalusugan, kaya binibigyan sila ng antibiotiko. Mayroong hanggang 100,000 mga hayop sa loob ng dalawang daang ektarya. Ang mga baka ay may halos sapat lamang na puwang upang tumayo, natutulog sila at namamahinga sa dumi. Ang unang ginagawa ay pag-aalis ng dumi kapag dumating na ang mga ito sa bahay-katayan mula sa feedlot. Ito ay isang mahirap na proseso; ang ilan ay napapahalo sa karne. Ang dumi ay nagtataglay ng E-Coli at iba pang mga pathogens. Iyon ang dahilan kung bakit ang karne ay kumikintab.
Sa Estados Unidos, ayon sa batas, ang mga hayop ay dapat tuligin sa pamamagitan ng pagkuryente, gaas, pagpalo sa ulo gamit ang maso, o ang pagbaril sa pagitan ng mga mata mula sa isang naglalaman ng ispring na tornilyo (na kilala bilang 'captive bolt system') bago isabit ng patiwarik at katayin sa kanilang mga lalamunan. Habang nasa ganitong yugto ng proseso ay tanging dalawang ugat na jugular ang lalaslasin at ang esopago at ang daang hingahan ay naiiwang buo.
Narito ang isang tipikal na pamamaraan: isang taong may hawak ng isang bagay na tila isang malakas na pampakong baril, na tinatawag na stunner na nagpapasok ng tornilyong bakal sa utak ng baka, sa pagitan ng mga mata. Ito ay halos kasing sukat at haba ng isang matabang lapis. Ito ay nagdudulot sa hayop na mamatay ang utak.
Ang isa bang stunned (tinulig) na hayop ay halal pagkatapos itong katayin ng isang Muslim, Hudyo, o Kristiyano? Sa ilang mga kaso ang mga hayop ay tiyak na namamatay bago nakakatay na kung saan gagawaran ang mga itong haram. Ang mga iskolar na nakasaksi sa ilan sa mga pamamaraang ito ay nag-aalinlangan kung ang hayop ay buhay pagkatapos ng pagbaril sa pagitan ng mga mata. Sa ilang mga kaso, ang pagkuryente at pag-gaas ay nagdudulot din ng tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng asphyxiation (kawalan ng hangin sa paghinga). Ito ay tila naging isang tampok ng imbestigasyon para sa Muslim na mga dalubhasa. Sa kaliit-liitan ay ang stunning (pagbaril sa pagitan ng dalawang mata) na hayop sa ganitong paraan ay isang kaduda-dudang kasanayan at ito ay sulit na banggiting ang mga Hudyo ay hindi ginagawa ito.
Ang Pagkain ng Karneng Ibinibenta sa Kanlurang Pamilihan ay Hindi Maituturing na Halal Dahil sa Sumusunod na mga Kadahilanan:
(a) Walang paraan upang malaman ang relihiyon ng taong nagsasagawa ng pagkatay, dahil maraming tao ang nagtatrabaho sa mga bahay-katayan na mga Hindu, Sikh, Budista, ateista, at mga taong walang relihiyon.
(b) Kung ang karamihan sa mga taong naninirahan sa lugar kung saan matatagpuan ang isang bahay-katayan ay mula sa mga Angkan ng Kasulatan, walang paraan upang malaman kung ang tagakatay ay isang Amerikanong may Kristiyanong pangalan dahil maraming mga tao sa Kanluran ngayon ay mayroong Kristiyanong mga pangalan, subalit hindi sila mga Kristiyano.
(c) Kahit na ipinapalagay na ang tao ay isang Kristiyano, ang karamihan sa mga pamamaraan na ginagamit sa mga bahay-katayan ay magagawaran ang hayop ng hayagang haram o sa hindi bababang alinlangan (tulad ng mga tinulig na baka).
Dahil sa mga pagsasaalang-alang sa itaas, ang isang Muslim ay hindi pinahihintulutang bilhin ang kanyang karne mula sa mga pamilihan sa Kanluran maliban kung may katiyakang ang karne ay kinatay ayon sa mga pamantayan ng Shariah.
'Si Adi ibn Hatim ay iniulat: tinanong ko ang Sugo ni Allah tungkol sa pangangaso. Sinabi niya: Kapag itinudla mo ang iyong palaso, sambitin ang pangalan ni Allah, at kung makita mo ang palaso ay katayin ito pagkatapos kainin, maliban kapag natagpuan mong ito ay bumagsak sa tubig, sapagkat sa gayong kaso ay hindi mo alam kung tubig ang sanhi ng kamatayan nito o ang iyong palaso.[2]
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig: kung may ilang mga palatandaan ng karne sa pagiging halal at ang ilan sa mga ito ay haram, ang mga palatandaan ng haram ang siyang bibigyan ng pagkiling. Gayundin, ang karne ay itinuturing sa pagiging hindi pinahihintulot, hanggang sa mapatunayan sa pagiging halal na binanggit ng maraming mga hukom.
Paano Kung Hindi Natin Alam Kung Ang Pangalan ng Diyos ay Sinambit sa Karneng Kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano?
Walang anumang iskolar na pagtatalo, ito ay pinahihintulutan sa ganitong kaso.
Karneng Kinatay ng mga Pagano, Hindu, at Ateista
Ang mga iskolar ay sumang-ayong ang ganitong kinatay na karne ay haram at hindi maaaring kainin.
Kung ang isang Hindu o sinumang politeista ay hindi kinatay ang karne mismo, subalit bumibili ng halal na karne, magkagayun ay maaari niya itong kainin.
Paano Kung Hindi Tukoy ang Siyang Kumatay Nito At Kung Papaano Kinatay, Katulad ng Karneng Matatagpuan sa Pamilihan ng isang Karihan?
(i) Kung ito ay matatagpuan sa isang nakararaming Muslim na bansa ay maaari siyang bumili ng karne mula sa palengke at kainin ito nang walang anumang iskolar na pagtatalo kahit na hindi natin alam ang pangalan ng taong kumatay nito o kung ito ay ginawa ayon sa Shariah. Ito ay dahil sa kung ano ang matatagpuan sa mga lupain ng Muslim ay ipinapalagay itong natugunan ang pamantayang itinakda ng Shariah.
'May mga taong nagtanong sa Propeta na binigyan ng karne ng ilang tao at hindi nila alam kung ang Bismillah ay sinambit dito o hindi. Ang Propeta ay tinuruan silang sambitin ang Bismillah dito at kainin ito.'
(ii) Sa isang bansa kung saan ang karamihan ng mga tao ay kundi man mga Hudyo o mga Kristiyano, ang karne ay hindi maaaring bilhin mula sa mga palengke at hindi maaaring kainin, maliban kung siya ay may katiyakan o may magandang dahilan upang paniwalaang ito ay kinatay nang maayos ng isang Muslim o isang Hudyo o Kristiyano.
(iii) Kung ito ay natagpuan sa isang bansa kung saan ang halal at haram na karne ay parehong matatagpuan, magkagayun ay hindi pinahihintulutan dahil sa pagdududa; dahil sa isang sitwasyon kung saan ang halal at haram ay magkasamang umiiral, ang pagkatig ay ibibigay sa haram; samakatuwid, dapat niyang iwasan ang naturang mga karne. Ito ang katayuan ng karamihan ng mga iskolar. Ito ay batay sa hadith ni 'Adi na nagtanong, 'Ipagpalagay na ipapadala ko ang aking aso subalit may natagpuan akong ibang aso sa laro, at hindi ko alam kung aling aso ang nakahuli dito? 'Ang Propeta ay sumagot,' Huwag kainin ito, dahil sa habang sinambit mo ang pangalan ni Allah sa iyong aso, hindi mo sinambit ito sa iba pang aso.
(iv) Kung ito ay natagpuan sa isang lupain kung saan ang karamihan ng mga tao ay mga Hudyo at mga Kristiyano, ang orihinal na kapasyahan ay katulad ng sa mga lupain ng Muslim sapagkat ang kanilang karne ay pinahihintulutan katulad ng sa mga Muslim. Subalit, kapag ito ay tiyak na nakilala o may magandang dahilan upang maniwalang hindi nila kinatay ayon sa pamantayang itinakda ng Shariah, magkagayun ay hindi pinahihintulutang kainin ang kanilang karne maliban kung ang tamang pagkakatay ay natiyak. Ito ang nangingibabaw na kaso sa Kanlurang mga bansa na ipinahayag ng maraming iskolar na talagang nanirahan dito o nasiyasat na ang usaping ito habang nasa kanilang pagbisita.
Praktikal na mga Payo
· Manaliksik online para sa halal na pamilihang Muslim sa inyong lugar o kalapit na mga siyudad.
· Makipag-ugnayan sa inyong lokal na moske o magtanong sa Muslim na mga kaibigan para sa impormasyon sa mga pamilihang nagbebenta ng halal na karne.
· Kaugnay sa mga karneng kinatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, pag-iingat ang dapat sanayin na ang mga karne ay nananatiling di-naproseso. Kung sila ay naproseso dapat niyang basahin ang etiketa para sa mga sangkap. Sa maraming mga kaso ang alkohol (pulang alak/puting alak) ay idinagdag sa mga produktong karne upang palambutin atl ang mga ito.
· Ikaw ay maaaring bumili ng hilaw na karne na may tatak na kosher mula sa mga lokal na mga pamilihan.