Mga Artikulo

Panimula


Bad-Morals-to-Stay-Away-From-(part-1-of-2).jpgAlam natin na maraming mga ulat mula kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, na nagpapahiwatig ng kahusayan ng pagkakaroon ng mabuting pag-uugali. Bahagi ng mga mabuting asal ay ang pag-alam at pagtalikod sa masasamang ugaling tulad ng:





1.   Pandaraya


Ang pandaraya at panlilinlang ay kasuklam-suklam na katangian na wala  sa  isang disenteng tao. Sinabi ng Propeta:





“"Ang sinuman na magdala ng sandata laban sa atin ay hindi kabilang sa atin, at sinumang mandaya sa atin ay hindi kabilang sa atin.”[1]





Tinitingnan ng Islam ang pandaraya at panlilinlang bilang mga kasuklam-suklam na kasalanan; ang mga ito ay  itinuturing na  pinagmumulan ng kahihiyan sa  nagkasala ng paggawa sa mga ito, dito sa mundong ito at sa susunod. Ang Propeta ay hindi lamang sumumpa sa kanila sa pamamagitan ng pagbubukod sa kanila mula sa komunidad ng Muslim sa mundong ito; ipinahayag rin niya na sa Araw ng Paghuhukom:





“Ang bawat traydor ay magkakaroon ng isang bandila sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sasabihin: Ito ang tagapagkanulo ni ganito at ganito”[2]





2.   Panunuhol


Ang panunuhol ay nangangahulugan ng pagbibigay ng pera sa isang tao na kung saan ang taong ito ay kumukuha ng isang bagay na wala siyang karapatan. Halimbawa, ang panunuhol ng isang hukom upang makakuha ng isang hatol sa iyong pabor, o panunuhol ng isang opisyal na magbigay sa iyo ng pagkiling na higit sa iba o upang makakuha ng iba pang mga pabor tulad ng pamamahagi ng isang kontrata at iba pa.





Ang panunuhol ay isang malaking kasalanan sa Islam. Si Allah, ang Dakila, ay nagsabi:





“At huwag ninyong kainin [lustayin o kamkamin] ang yaman ng iba sa paraang di-makatarungan o ipadala ito bilang suhol sa mga taong may katungkulan upang sakaling kayo ay tulungang kamkamin ang isang bahagi ng yaman ng iba sa paraang makasalanan...” (Quran 2:188)





Sinumpa ng Sugo ni Allah ang sinumang nagbigay ng suhol at ang siyang tumanggap ng suhol..[3]





3.   Pagseselos


Ang pagseselos ay kabilang sa mga pinakamapanirang damdamin na maaaring maipakita ng isang tao sa kanyang kapwa tao. Nagdudulot ito sa kanya na maghangad ng masama para sa iba at maging maligaya kapag ang kasawian ay nakakaapekto sa kanila. Nagbabala ang Propeta laban sa inggit sa pamamagitan ng paghahambing nito sa apoy na tumupok sa kahoy.





Ang pagseselos ay isang sakit at nagiging sanhi ito ng karumihan sa puso. Nang tinanong ang Sugo ni Allah: "Sino ang pinakamabuti sa mga tao?" Sumagot siya: "Ang siyang may malinis na puso at may matapat na dila." Tinanong nila: "Nauunawaan namin ang isang matapat na dila, ngunit ano ang ibig sabihin ng malinis na puso?" Sumagot siya: "Ito ang puso ng isang taong maka-Diyos, dalisay, at walang kasalanan, paglabag, galit at pagseselos."[4]





4.   Ang Panlilibak at Paninirang-puri


Sinabi ni Allah:





“At huwag kayong maniktik o manirang-puri sa isat-isa. Nais ba ng isa sa inyo na kainin ang laman ng patay niyang kapatid?Katiyakang ito ay inyong kamumuhian.” (Quran 49:12)





”Si Abu Dharr, kalugdan nawa siya ni Allah, minsan ay nagtanong kay Propeta Muhammad, "O Sugo ni Allah, ano ang panlilibak?" Sumagot siya, "Ito ay ang banggitin ang tungkol sa iyong kapatid na kanyang kinamumuhian." Sinabi ni Abu Dharr, "O Sugo ni Allah, pano  kung ang nabanggit ay isang katangian na kanyang tinataglay? "Sumagot siya," Alamin mo na kapag binanggit mo ang nasa kanya, siya ay iyong nilibak, at kapag binanggit mo ang wala sa kanya, kung gayon ay nakagawa ka ng paninirang-puri sa kanya. "





5.   Pagtsitsismis


Ang tsismis ay mapanganib at nakakapinsala; maaari nitong sirain ang kaayusan at moralidad ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakalat ng tsismis para sa maraming mga kadahilanan tulad ng pagmamataas (mas mabuti ang kanilang pakiramdam kung ang isang tao ay mas masama pa kaysa sa kanila), dahil sa pagseselos, para makibagay sa grupo, para sa atensyon (sila ay nagiging sentro ng atensyon ng ilang sandali), dahil sa paghihiganti at gayundin sa dahilan ng labis na pagkainip (ang isang tamad na isipan ay isang pagawaan ng demonyo).





Kailangan nating paalalahanan ang ating sarili nang paulit-ulit na tayo ay mananagot sa ating mga gawa sa harap ni Allah. Sabi ni Allah





“O kayong mga naniwala, kapag ang isang suwail ay dumating sa inyo na may dalang balita, siyasatin ang katotohanan nito upang hindi mangyaring inyong mapinsala o masaktan ang isang mamamayan bunga ng kamangmangan at sa gayon ay inyong pagsisihan ang anumang inyong nagawa.” (Quran 49:6)





6.   Pagsisinungaling


Ang pagsisinungaling ay napakasama na tinatanggihan ng lahat ng tao. Sinabi ng Propeta:





“Ang isang tao ay nagsisinungaling ng nagsisinungaling, hanggang sa siya ay isinulat sa Diyos bilang isang pala-sinungaling na tao.”[5]





Ang pinakamalapit na kaibigan ng Propeta at sumunod na kahalili na si Abu Bakr as-Siddiq, nawa ay kalugdan siya ni Allah, ay nagsabi





“Mag-ingat sa pagsisinungaling, sapagkat ang pagsisinungaling ay nagsasalungat sa (tunay) na pananampalataya”[6]





At ang anak na babae ni Abu Bakr na si Aisha, nawa ay kalugdan siya ni Allah, na siyang minamahal na asawa ng Propeta, ay nagbanggit na:





“Walang higit na kasuklam-suklam sa Sugo ng Diyos, naway ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya, kaysa sa pagsisinungaling.”[7]





7.   Ang Pagiging Mapaghinala


“Mag-ingat sa hinala, dahil ang hinala ay ang pinakamalaking kasinungalingan. Huwag ninyong susubukang maghanap ng kasalanan sa isa't isa, huwag mag-ispiya sa isa't isa, huwag makipag-away sa isa't isa, huwag mainggit sa isa't isa, huwag magalit sa isa't isa, huwag lumayo sa isa't isa, at maging mga tagapaglingkod ni Allah, mga kapatid sa isa't isa, tulad ng iniutos sa iyo.”[8]





Ang mga kasamaan tulad ng hinala, paghahanap ng kasalanan, inggit at pag-abanduna ay mga kasamaan na sumisira sa isang komunidad na may  mas malaking pinsala na  maidudulot  kaysa sa sinumang kaaway.





8.   Paghahanap ng kasalanan sa iba


Ang ilang mga tao ay may isang mapagkumpetensiyang pagkatao. Ang mga pariralang,  "Tumututol ako", "Kasalanan mo" at "Ikaw ang dapat sisihin" ay  ilan sa kanilang mga paboritong parirala.





Ang isa sa mga malaking kahinaan ng tao ay ang kamangmangan sa kanyang sariling mga pagkakamali. Maraming panahon na tayo ay nakatutok sa ating  pagsisikap sa paghahanap ng mga pagkakamali sa iba, ngunit nalilimutan natin ang ating sarili. Sinabi ng Propeta,





“Ang isang mananampalataya ay hindi isang pala-hanap ng kasalanan at hindi abusado, bastos, o kurso.”[9]





9.   Pumipinsala ng iba sa pamamagitan ng salita at pisikal na pagpinsala


Tinukoy ng Propeta ang totoong Muslim bilang isa na umiwas sa pagpinsala sa ibang mga Muslim sa kanyang dila (salita) at kamay (mga aksyon). Sinabi ng Isang Kasamahan,





"Sino ang pinaka mabuti sa mga Muslim?" Sabi niya, "Ang isa na ang kaniyang dila at kamay ay ang iba pang mga Muslim ay ligtas”‘[10]





Bilang pangkalahatang tuntunin, ang mga Muslim ay hindi dapat makapinsala sa ibang tao. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi,





“Hindi dapat magkaroon ng pagpinsala o pagganti sa pinsala”.[11]





Dapat tayong maging maingat upang protektahan ang mga nasa loob ng ating sariling komunidad, ngunit ang prinsipyo ay hindi lamang para sa mga Muslim. Sa halip, naaangkop ito sa lahat ng tao at maging sa mga hayop.





10.    Ang pagiging mapagmataas


Sinabi ng Propeta: "Ipinahayag sa akin ni Allah na lahat kayo ay maging mapagpakumbaba tungo sa isa't isa na tulad ng walang sinumang lumalabag o nagtataas ng kanyang sarili sa iba.”[12]





Sa kasamaang palad, itinuturing natin ngayon na isang tanda ng kumpiyansa na magmalaki tungkol sa ating sarili. Anuman ang mayroon ka, ay dahil si Allah ay nagbigay nito sa iyo o pinahintulutan kang magkaroon nito; maging ito man ay katalinuhan, hitsura, kayamanan, lahi, pananampalataya, karakter o anumang bagay.





Kung ang isang tao ay nag-iisip na pinagsikapan nila ng husto at nakamit ang isang bagay sa pamamagitan ng kanilang sariling kagalingan, dapat silang tumingin sa lahat ng mga nagsisikap rin nang mabuti ngunit hindi nakarating sa kanilang mga layunin. Kung ikaw ay nag-aral ng mabuti at nanguna, sino ang nagbigay ng posibilidad para sa iyo na magkaroon ng panahong mag-aral at magtagumpay?





1.  Pagdududa sa layunin ng iba


Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi,





“O kayong mananampalataya, iwasan ninyo ang labis na hinala, sapagkat ang ibang hinala ay kasalananBad Morals to Stay Away From (part 2 of 2).jpg.” (Quran 49:12)





Bilang isang Muslim, binibigyan natin  ang mga tao ng benefit of the doubt at ipinapalagay ang pinakamabuting intensyon. Kapag binibigyan mo ang mga tao ng benefit of the doubt at ipalagay na mayroon silang pinakamabuting intensyon, ikaw ay gagantimpalaan ng isang mas mahusay na pananaw  at mas positibo at produktibong pakikipag-ugnayan.





Ang hinala ay maaaring makasira ng relasyon sa pagitan ng mga tao, lalo na kung ito ay batay sa mahinang katibayan o sabi-sabi. Kapag nagduda tayo sa intensyon ng iba na walang matatag na batayan, mas lalo tayong magkakasala ng mas  malaki, at ito ay ang paghihinala na walang katibayan.





2.   Labis na pananamantala sa iba


Ang pananamantala sa iba ay resulta ng pagtataksil sa tiwala. Ang pagsasagawa ng mga tungkulin sa tanggapan ng publiko ay isang tiwala at ang pananamantala sa pamamagitan ng pagkuha ng suhol ay ipinagbabawal. Ang tiwala ay nangangailangan na kapag ang isang tao ay itinalaga sa isang mataas na tanggapan ay hindi niya dapat gamitin ito para sa pansariling kapakanan o para sa kapakinabangan ng kanyang mga kamag-anak, na gamitin ang mga pondo na para sa  publiko, para sa mga personal na layunin, ito ay isang krimen. Ang taong hindi gumaganap ng kanyang tungkulin na kung saan siya ay binabayaran ay nagsasagawa din ng pananamantala ng iba. Ang Propeta, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi,





“ Magkakaroon ng isang bandila malapit sa ulo ng bawat manlilinlang na itataas niya ayon sa kanyang panlilinlang. Walang pagdududa, ang pinakamasamang manlilinlang ay ang isang Ameer na nandaraya sa publiko.”[1]





3.   Ang pagiging mapanlinlang at taksil


 Ang pagkakanulo o pagtataksil ay kabaligtaran ng pagiging mapagkakatiwalaan at katapatan. Kung ang pagiging mapagkakatiwalaan at katapatan ay ang mga katangian ng pananampalataya at kabanalan, kung gayon ang  pagkakanulo at pagtataksil ang katangian ng pagkukunwari at kasamaan.





Sinabi ng Sugo ni Allah: "May apat na katangian, na sinuman ang nagtataglay ng lahat ng ito ay tunay na mapagkunwari: kapag nagsasalita siya ay nagsisinungaling, kapag siya ay  nangako ay hindi niya ito tinutupad, kapag siya ay gumagawa ng kasunduan ay ipinagkakanulo niya ito, at kapag nakikipagtalo siya ay nagsasabi ng malalaswang salita. Sinumang nagtataglay ng  isa sa mga ito ay mayroong  isa sa mga katangian ng mapagkunwari, hanggang sa maalis niya ito.” [2]





4.   Inggit


Ang inggit ay tumutukoy sa pagnanais na nararamdaman ng isang tao na mapinsala o mawalan ng pagpapala na meron ang ibang tao. Inutusan ni Allah ang mga mananampalataya na magpakupkop mula sa kasamaan ng taong mainggitin at ng inggit sa pangkalahatan. Si Allah, ang Dakila, ay nagsabi: "At mula sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit." (Quran 113:5)





Ang Sugo ni Allah ay nagsabi din:





“Tunay na ang inggit ay kumakain ng mga mabubuting gawa tulad ng apoy na tumupok sa panggatong.”[3]





Mayroong maraming kuwento sa Quran na nagpapakita ng mga panganib at kasamaan ng inggit tulad ng kuwento ni Propeta Yusuf (Joseph) sa Kabanata 12 at ang kuwento tungkol kay Cain at Abel sa Kabanata 5.





5.  Ang pagiging malamig at mailap sa kapwa


Ang pakikipagkaibigan at mga samahan ay mahalaga sa Islam. Ang  mga tao ay likas na mahilig sa pakikipagkapwa-tao o pakikihalobilo; sila ay nangangailangan ng mga kaibigan at kasama. Ang tagumpay ng isang komunidad ay nakasalalay sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ang mga malalakas na mga indibidwal ay ang buod o sentro  ng isang malakas na komunidad, na siyang bagay na dapat laging sinisikap ng mga Muslim na makamit.





Ang isang mabuting kaibigan ay isa na tumatanggap ng iyong mga pagkukulang, gayundin siya ay nagbibigay ng gabay at sumusuporta sa iyo. Ang mga mananampalataya ay hindi dapat pinapahiya o ginugulo ang isa't isa. Hindi nila dapat ilantad ang mga pagkakamali ng isa't isa. Ang kabaitan at awa ay dapat na maliwanag sa lahat ng pakikitungo. Gayundin, habang ang mga Muslim ay nararapat na pangalagaan ang lahat, ang isang tao naman ay hindi dapat magkaroon ng isang malapít na pakikipagkaibigan sa opposite gender o makipagrelasyon dito. Ang uri ng pagiging malapit na ganito ay nakalaan para sa mga mag-asawa.





6.   Kawalan ng pakialam at hindi nagbibigay ng tulong


Ang isa sa mga pinakapangunahing alituntunin ng Islam ay ang pagtulong sa iba. Ang Quran at lalo na ang Sunnah ay nagpapakita kung paano na ang pagtulong sa ibang tao ay isang pangunahing aspeto ng Islam. Ang pangunahing layunin ng isang Muslim ay ang sambahin si Allah; ito ay hindi lamang makakamit sa pamamagitan ng mga ritwal tulad ng pagdarasal at pag-aayuno ngunit ito ay makakamit din sa pamamagitan ng pagtrato sa  ibang tao. Mahal na mahal ito ni Allah na kapag tayo ay tumutulong sa iba ay  pinapatawad Niya tayo sa ating mga kasalanan.





7.   Karamutan


Ang pagiging madamot ay kaugnay na katawagan. Kung ang isang tao ay nagbabayad hinggil sa kanyang pananalapi  na ayon sa Islam, at gayundin siya ay namumuhay ng isang napaka-simpleng buhay, kung gayon ito ay isang kaso ng simpleng pamumuhay at hindi isang kaso ng karamutan. Sa kabilang banda, kung ang isa naman ay hindi nagbabayad sa kabila ng dami ng kaniyang pera at namumuhay ng buhay ng isang kuripot, ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi kaibig-ibig sa Islam. Ito ay katumbas ng pagkamaka-sarili, at ang pagkamaka-sarili ayon sa Islam, ay isang kasuklam-suklam, ipinagbabawal na pag-uugali.





8.   Pagiging di-makatarungan at madaya


May tatlong malawak na uri ng kawalang-katarungan:





1.    Ang maging hindi makatarungan kay Allah. Ito ang pinaka-kasuklam-suklam na uri at maaaring sa anyo ng kawalang-paniniwala, politeismo, o pagkukunwari. Ang sabi ni Allah:





“Walang alinlangan, ang sumpa ni Allah ay nasa mga di-makatarungan” (Quran 11:18)





2.     Ang maging di-makatarungan sa ibang mga tao. Ang sabi ni Allah:





“ang dahilan ng pagkakasala  ay laban lamang sa mapaggawa ng di-makatarungan sa mga tao at nang-api [naniil, nagmalupit] sa kalupaan ng walang katuwiran. Sila yaong mga magtatamo ng mahapding parusa” (Quran 42:42)





3.     Ang maging di-makatarungan sa sarili. Ang sabi ni Allah:





“Aming pinamanahan ng Aklat ng Quran yaong Aming pinili. At kabilang sa kanila ay isang gumagawa ng kamalian sa kanilang mga sarili...” (Quran 35:32)





9. Intolerance (Hindi mapagparaya)


Ang pagpaparaya ay isang mahalagang katangian ng mabuting pag-uugali ng isang Muslim. Ang mga Muslim ay dapat maging mabait at magiliw, mapagpasensya sa mga tao, mapagpatawad sa hindi magandang pag-uugali, at maawain hangga't maaari. Inutusan ng Propeta ang mga Muslim na iwasan na makapagdulot ng hindi kinakailangang suliranin at kahirapan sa buhay ng mga tao at upang magbigay ng inspirasyon sa mga tao ng may magagandang pananalita,





“Gumawa ng mga bagay na madali at huwag gumawa ng mga bagay na mahirap. Magbigay ng masayang balita at huwag itaboy ang mga tao. Makipagtulungan sa bawat isa at huwag kayong maging hinati.”[4]





Ang pagiging di  mapagparaya at pagiging malupit ay nagtataboy sa mga puso at nagtataguyod ng kawalan ng pagkakaisa. Ang hindi pagiging mapagparaya  ay nagmumula sa pagkapoot at maaaring humantong sa pagpatay at karahasan.





10.    Pagiging arogante at mapagmalaki


Nagbabala si Propeta Muhammad na ang isang tao na may kahit isang katiting nito sa kanyang puso ay hindi makakapasok sa Paraiso.





Ang isang arogante na indibidwal ay kinamumuhian ng lahat; samantalang, ang isang mapagpakumbaba, magalang, at madaling makausap ay minamahal. Gustung-gusto natin ang mga taong nagbibigay sa atin ng paggalang at karangalan. Kaya kung susundin natin ang mga alituntunin ng pagtatrato sa iba sa paraang gusto nating itrato sa atin, karamihan sa mga problema ng ating komunidad ay malulutas



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG