Mga Artikulo

Mga Layunin





·       Upang matutunan ang konsepto ng Limang mga Kinakailangan.





·      Upang matutunan ang mga katangian ng sistema ng pagpaprusa sa Islam.





·      Upang malaman ang tungkol sa iba't ibang uri ng kaparusahan.





 Mga Terminolohiyang  Arabik





·       Qadi - Isang hukom na Muslim na nagbibigay ng mga legal na desisyon ayon sa Shariah.





Pambungad


Ang batas sa krimen o pagpaparusa ay ang kabuuan ng batas na nangangasiwa sa kapangyarihan ng estado na magpataw ng parusa sa mga tao upang ipatupad ang pagsunod sa ilang mga panuntunan. Ang mga ganoong alintuntunin ay kadalasang nangangalaga sa interes at kapakanan ng publiko na itinuturing na mahalaga ng lipunan. Ang Batas sa Krimen, samakatuwid, ay nagbibigay ng kabatiran sa kung ano ang pinapahalagahan ng lipunan at ng mga pinuno nito.





Sa halip na magkakapareho at malinaw na pagbabalangkas ng batas, ang Islamikong batas sa krimen ay isang diskursong pang-dalubhasa na naglalaman ng mga opinyon ng mga iskolar, na nangatwiran, batay sa mga teksto ng Quran, ang mga Propetikong mga kasabihan at ang pinagkasunduan ng mga unang henerasyon ng mga iskolar na Muslim, kung ano ang batas.





Ang mga antas ng pagpapatupad ng Islamikong batas sa krimen at ang pagsama ng iba't ibang awtoridad na nagpapatupad ng batas (katulad ng qadi, pinuno at ang mga opisyal ng ehekutibo) na sa kasaysayan ay nagkakaiba sa bawat rehiyon at mga dinastiya.





Ang pagpapatupad ng Islamikong batas sa krimen ay nagtapos na maliban sa ilang mga pagkakataon tulad ng Saudi Arabia.  Ang doktrina nito, gayunpaman, ay buhay. Ito ay pinag-aralan ng mga iskolar ng Islam, at tinatalakay at itinuro sa mga mag-aaral.                                                                                                                                                                         Ang Limang Pangangailangan





Ang tunay na layunin ng bawat Islamikong pagtuturo at piraso ng batas ay ang pagsiguro ng kapakanan ng sangkatauhan at paglikha ng isang makatarungan at balanseng lipunan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa kapakanan ng mundong ito at tagumpay sa kasunod na may layuning maghatid ng isang egalitarian na lipunan. Matapos maunawaan ang puntong ito, lahat ng Islamikong batas ay maaaring ibalik sa limang pandaigdigang mga prinsipyo na kinakailangan para sa kapakanan ng mga tao. Ito ay ang pangangalaga ng:





1.       Buhay





2.       Relihiyon





3.       Katwiran





4.       Lahing-pinagmulan





5.       Ari-arian





Ang Islamikong alintuntunin sa pagpaparusa ay naglalayon din na mapanatili ang limang pandaigdigang prinsipyo. Upang maipaliwanang pa itong lalo, ang Islamikong batas sa pagpaparusa ay naglalayong pangalagaan ang buhay, ang kaparusahan sa pagtalikod sa paniniwala ay nangangahulugang mapangalagaan ang relihiyon, ang pagpaparusa sa pag-inom ng alak ay upang mapangalagaan ang pag-iisip, ang mga batas laban sa pakikiapid ay upang pangalagaan ang lahi, at ang kaparusahan sa pagnanakaw ay upang mapangalagaan ang kayamanan. Upang pangalagaan ang lahat ng limang mga kinakailangan, ipinag-uutos nito ang pagpaparusa sa highway robbery. Samakatuwid, Isinaayos ng Islam ang mga parusa para sa mga sumusunod na krimen:





1.       Paglabag laban sa buhay ito man ay nasa anyo ng pagpatay o pag-atake.





2.       Paglabag laban sa relihiyon sa pamamagitan ng pagtalikod o apostasiya.





3.       Paglabag laban sa katwiran sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin. 





4.       Paglabag laban sa lahi sa pamamagitan ng pakikiapid o walang katotohanang pagpaparatang ng pangangalunya.  





5.       Paglabag laban sa ari-arian sa anyo ng pagnanakaw.





6.       Paglabag laban sa lahat ng makamundong pangangailangan (highway robbery).





Mga Katangian ng Islamikong Penal na Sistema


1.    Ang kagandahan ng Islamikong mga katuruan ay ang mga panlabas na pagsusuri kaalinsabay ng kakayahang moral ng tao ay nagsisilbing panloob na hadlang. Ang Islamikong Batas, kapag hinaharap ang mga problema sa lipunan tulad ng krimen, ay hindi umaasa lamang sa batas at mga panlabas na hadlang sa anyo ng mga parusa.  Ito ay nakatuon sa panloob na direksiyon sa pamamagitan ng masidhing pagpapahalaga o pagbibigay diin sa kakayahang moral  ng tao.  Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng budhi mula pagkabata upang pahalagahan niya ang kagandahan ng pag-uugali bilang matanda. Ang Islam ay ipinapangako ang kaligtasan sa mga gumagawa ng kabutihan at nagbibigay babala para sa mga gumagawa ng mali, kapagdaka'y nagbibigay inspirasyon sa pananampalataya sa Diyos, pagasa sa Kanyang awa, at takot sa Kanyang parusa upang itakwil ang imoral na gawain at pananakit sa iba  habang ikinikintal sa isip ang moralidad at pagnanais na gumawa ng kabutihan sa kapwa.





2.    Ang Islam ay lumilikha ng balanseng ugnayan sa pagitan ng indibidwal at ng lipunan. Habang ang sagradong Batas ay nangangalaga sa lipunan sa pamamagitan ng paggawa ng batas sa mahigpit na pagpaparusa bilang hadlang laban sa mga krimen, hindi nito binabalewala ang indibidwal para sa kapakanan ng lipunan. Bagkos, ang Islam ay nagbibigay ng prayoridad sa pangangalaga sa kalayaan at karapatan ng indibidwal. Ginagawa ito sa pagkakaroon ng pangangalaga upang mawalan ng dahilan ang isang tao na maging kriminal. Hindi ito magtatalaga ng parusa hanggat hindi naihahanda ang indibidwal sa sitwasyon ng buhay na maayos at kaaya-aya.





Mga Uri ng Parusa


Ang Islamikong Batas ay nakabatay sa dalawang prinsipyo:





a) Hindi nababagong pangunahing mga doktina





b) Nababagong segundaryong mga batas





  Para sa pemanenteng mga aspeto ng buhay, ang Islamikong batas ay nagtatag ng takdang mga kautusan. Para sa pagbabago ng mga aspeto ng buhay  na naging epekto ng panlipunang pag-unlad at pagsulong sa kaalaman ng tao, nagkaloob ang Islamikong Batas ng pangkalahatang paniniwala at pandaigdigang patakaran na magagamit sa ibat-ibang pamamaraan ng lipunan at mga kalagayan.





Kapag ang mga prinsipyong ito ay inilagay sa sistema ng pagpaparusa, ang Islamikong Batas ay may malinaw na mga teksto na nagbigay ng mga takdang kaparusahan para sa mga krimeng umiiral sa bawat lipunan dahil ang mga ito ay nakabatay sa palagian at walang pagbabagong kalikasan ng tao.





Kapag humaharap sa ibat-ibang mga krimen, Ang Islamikong Batas ay naglalagay ng pangkalahatang prinsipyo na nagbabawal sa kanila, subalit ipinapaubaya ang pagpaparusa na mapagpasiyahan ng mga lehitimong may kapangyarihang pulitikal. Ang may kapangyarihang pulitikal ay maaaring bigyan ang kriminal ng kunsiderasyon at isaalang-alang ang pinaka-epektibong paraan upang mapangalagaan ang lipunan.





Kaya, ang mga kaparusahan sa Islamikong Kautusan ay nahahati sa tatlong uri:





1. Inihatol na mga parusa





2. Paghihiganti





3. Napagpasyahang mga kaparusahan





Mga Uri ng mga kaparusahan sa Islamikong Batas


1-    Ipinag-utos na mga Kaparusahan sa Hadd na mga Krimen


Ang Hadd na mga krimen ay tinukoy bilang mga takdang pagkakasala, mga ipinag-uutos na kaparusahan batay sa Quran o sa Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Pangunahing layunin sa pagtatatag ng pagpapapsya sa mga kaparusahang ito ay upang mahadlangan ang mga gawaing nakakapinsala sa lipunan.





Isang natatanging katangian ng batas sa mga krimeng hadd na ang doktrina ay ginawang lubhang mahirap bago makakuha ng hatol. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng tatlong mga kadahilanan:





(1)  Mahigpit na panuntunan ng katibayan upang patunayan ang mga krimeng ito.





(2)  Malawakang paggamit ng paniniwala sa shubha (walang katiyakan) sa pagtukoy ng mga krimen upang ipagpaliban ang mga mahigpit na parusa sa kadalasang mga pangyayari.





(3)  Nililimitahan ang kahulugan ng mga krimen na nagtataglay ng mahigpit na mga kaparusahan upang ang katulad na mga paglabag ay mauwi na labas sa saklaw nito at hindi mapanagot sa mga parusang nakatakda, ngunit sa kapasyahan lamang ng hukom.





Ang mga krimen na may takdang mga parusa ay ang:





·       Pagnanakaw





·       Nakawan sa Lansangan





·      Labag sa batas na pagtatalik





·       Walang batayang paratang ng labag sa batas na pakikipagtalik (paninirang-puri, maling paratang, pagbibintang)





·       Pag inom ng alak





·      Pagtalikod sa Pananampalataya





Ang Apostasiya ay tinutukoy bilang pahayag ng isang Muslim na naglalahad o nagsasagawa ng isang aksyon na pagtalikod sa Islam. Ang kaparusahang ito ay bilang lunas sa mga problemang lumitaw noong kapanahunan ni Propeta Muhammad. Ilang grupo ng mga mapagkunwari ang nagpapahayag sa publiko ng pagyakap sa Islam at pagkatapos ay iniiwanan ito upang gumawa ng kaguluhan sa mga mananampalataya at himukin ang mga karaniwang tao na pagdudahan ang pananampalataya. Ang Quran ay inihayag ang pangyayaring ito:





“Isang pangkat mula sa mga Tao ng Kasulatan ay nagsabi: ‘Paniwalaan ninyo ang anuman na ipinahayag sa mga naniwala sa simula ng araw, at talikuran ninyo ito sa pagtatapos ng araw, nang sa gayon ay magkaroon sila ng pagdududa at magbalik sa dati nilang paniniwala.’” (Quran 3:72)





Ang itinagubilin na parusa para sa apostasiya o pagtalikod sa paniniwala ay itinatag upang hadlangan ang ganoong mga paguugali.





2-    Paghihiganti


Ito ay isang uri rin ng pagpaparusa sa Islamikong Batas. Ang may sala sa krimen ay pinarurusahan ng kaparehong pinsala na kanyang nagawa sa biktima. Ang kriminal ay pinapatay kapag ang kriminal ay napatay ang biktima. Kung nasaktan niya o napinsala ang braso ng biktima, kung gayon ang sarili nitong braso ay puputulin o pipinsalain kung kinakailangan na hindi na kinikitil pa ang buhay ng kriminal. Ang mga dalubhasa ang siyang nagpapasya hinggil dito.





3-    Diskrisyunaryong Pagpaparusa


Ito ay ang mga kaparusahang hindi takda sa Islamikong Batas. ito ay para sa mga krimen na alinman sa lumalabag sa mga karapatan ng Allah o sa mga karapatan ng isang indibidwal, ngunit walang takdang mga kaparusahan o nailatag na mga kabayaran sa teksto ng Quran o sa Sunnah. Ang mga ito ang pinaka-nai-aakmang uri ng kaparusahan dahil kinukunsidera nito ang mga pangangailangan ng lipunan at nagbabagong mga kundisyon. Tinukoy ng Islamikong Batas ang ibat-ibang uri diskrisyunaryong mga parusa mula sa  pangangaralan hanggang sa paghagupit, magmumulta, at pagkakakulong. 





Mga Layunin ng Islamikong Sistema ng Pagpaparusa


Unang Layunin: Nais ng Islam na mapangalagaan ang lipunan sa krimen. Ang laganap na pag-u-ugaling kriminal ay nagdudulot sa lipunan ng pagiging hindi ligtas na pamumuhay at inilalagay sa panganib ang kaligtasan ng buhay kung hindi siniyasat.  Ang Islam ay naglalayong magtatag ng panlipunang pagkakaisa at katiwasayan, na nagpapalaganap ng kapayapaan. Ito ay may batas na may mga kaparusahan na ginawa upang pigilan ang krimen. Ang layuning ito ay binanggit sa sumusunod na talata na tumatalakay sa paghihiganti at ang epekto nito sa lipunan:





“Mayroong (pangangalaga ng) buhay sa paghihigantil, O kayong mga tao na may pag-unawa, upang kayo'y maging matuwid.” (Quran 2:179)





Magdadalawang-isip ang isang kriminal kung malalaman niya ang hindi magandang kahihinatnan ng kanyang krimen. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kaparusahan ang pipigil sa kriminal upang umiwas sa paggawa ng krimen sa dalawang paraan:





a)    Ang kriminal na naparusahan na dati ay malamang na hindi na ulitin pa ang nagawang krimen.





b)    Para naman sa lipunan, ang kanilang kabatiran sa resulta ng kaparusahan ay magpapa-iwas sa kanila sa pagkakasangkot sa krimen.





Upang maiwasan ang pag-uugaling kriminal, ipinag-uutos ng Islam na ihayag sa publiko kung kailan isasagawa ang pagpaparusa batay sa talata ng Quran:





“…Ang pangkat ng mga mananampalataya ay dapat masaksihan ang pagpaparusa.” (Quran 24:2)





Ikalawang Layunin: nais lamang talaga ng Islam magbago ang kriminal. Madalas na binabanggit ng Quran ang pagsisisi kaugnay ng mga krimen upang ipabatid ang katotohanan na ang pintuan ng pagsisisi ay laging bukas. Sa ilang sitwasyon, ginawang dahilan ng Islam ang pagsisisi para ipawalang-bisa ang takdang parusa. Halimbawa, bilang pagtukoy sa kaparusahan sa nakawan sa lansangan (highway robbery), ang Allah ay nagsbi sa Quran:





“…maliban sa mga nagsisisi bago mo sila mahuli. Kung gayon ay ipabatid na ang Allah ay ang Nagpapatawad, ang Maawain.” (Quran 5:34)





Ang Allah ay nagsabi tungkol sa parusa para sa pakikiapid:





“Kung sila ay parehong magsisi at inayos ang kanilang mga sarili, kung gayon ay hayaan sila.  Katiyakan, ang Allah ang Tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.” (Quran 4:16)





Sinabi ng Allah matapos banggitin ang parusa para sa maling paratang:





“… maliban sa yaong mga nagsisisi pagkatapos at nagsasagawa ng pagbabago, kung gayon ay kaotohananh ang Allah ang Nagpapatawad, ang Maawain.”





Sinabi rin ng Allah matapos baggitin ang mga kautusan sa parusa sa pagnanakaw:





“Sinuman ang magsisi pagkatapos ng kanyang kasalanan at gumawa ng mga pagbabago, kung gayon ay katotohanan na ang Allah ay tatanggapin ang kanyang pagsisisi at katotohanan ang Diyos ay ang Nagpapatawad, ang Maawain.” (Quran 5:39)





Ang layuning ito ay mas nauukol sa diskrisyunaryong mga pagpaparusa kung saan isinasaalang-alang ng hukom ang mga kalagayan ng kriminal at kung paano masisiguro ang kanyang pagbabago.





Ikatlong Layunin: Ang parusa ay ang kabayaran para sa krimen. Hindi kanais-nais na pakitunguhan ng magaan ang isang kriminal na pinagbabantaan ang seguridad ng lipunan. Nararapat lamang makamit ng kriminal ang kanyang makatarungang kabayaran. Karapatan ng lipunan at ng mga inbidwal na miyembro nito na maging ligtas. Ang Quran ay nagbanggit sa layuning ito kaugnay sa bilang ng mga kaparusahan. Halimbawa, ang Allah ay nagsabi:





“Ang mga magnanakaw, lalaki at babae, putulin ang kanilang mga kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa...” (Quran 5:38)





“Ang kabayaran sa mga yaong nagtaguyod ng marahas na pagsuway laban sa Allah at sa Kanyang Sugo at nagpatuloy sa pagpapakalat ng katiwalian sa Lupa ay nararapat patayin o ipako sa krus o ang kanilang mga kamay at paa ay dapat putulin na magkakahalili o sila ay ipatapon sa ibang lugar.…” (Quran 5:33)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG