Mga Layunin
· Upang mapahalagahan ang kabuluhan ng mga kagandahang-asal.
· Upang matutunan ang tungkol sa 10 mga Islamikong kagandahang-asal.
Pambungad
Nang tanungin ang tungkol sa pinakamainam sa mga mananampalataya, ang Propetang si Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay sumagot, "Sila yaong may pinakamainam na katangian at mga ugali."[1]
Ang kagandahang-asal ay ang pinakamabigat na mabuting gawang ilalagay sa timbangan ng mga gawa ng isang tao sa Araw ng Paghuhukom.
Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, "Walang gawa na ilalagay sa timbangan ng mga gawa (sa Araw ng Paghuhukom) na magiging higit na mabigat kaysa sa kagandahang-asal. Katiyakan, ang isang taong may magandang asal ay makakamit ang antas ng mga may mabuting talaan ng kusang-loob na pag-aayuno at mga pagdarasal."[2]
1. Katapatan
Ang Islam ay itinuturong ang katapatan ay higit na malayo pa kaysa sa pagkakaroon ng matimtimang dila. Sa Islam, ang katapatan ay ang pagsang-ayon ng panlabas sa panloob, ng pagkilos sa layunin, ng pananalita sa paniniwala, at ng pagsasanay sa pangangaral. Tulad ng sinalaysay ni Propeta Muhammad:
"Iniuutos ko sa inyo na maging matapat, sapagkat katiyakan ang katapatan ay nag-aakay sa kabutihan, at katiyakan ang kabutihan ay humahantong sa Paraiso. Ang isang tao ay patuloy na nagiging matapat at nagsusumikap para sa katotohanan hanggang sa siya ay isusulat bilang isang matapat na tao sa Diyos. At mag-ingat sa kasinungalingan, sapagkat katiyakan ang kasinungalingan ay nag-aakay sa pagkakasala, at katiyakan ang pagkakasala ay humahantong sa Apoy. Ang isang tao ay patuloy na nagsasabi ng mga kasinungalingan at nagsusumikap sa kasinungalingan hanggang sa siya ay isusulat bilang isang sinungaling sa Diyos."[3]
2. Katimtimang-loob o katapatan at integridad
Ang katimtimang-loob o kapatapatan, isang mahalagang sangkap ng katangiang Muslim, kinabibilangan ng pagiging matapat kay Allah sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya nang taus-puso; pagiging matapat sa sarili, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ni Allah; at pagiging matapat sa iba sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan at pagiging tapat sa lahat ng pakikitungo, tulad sa pagbili, pagbebenta at pag-aasawa. Dapat ay walang panlilinlang, pandaraya, pamemeke o pagtatago ng impormasyon, kaya ang isang tao ay dapat na pareho sa loob kung ano ang nasa labas.
Ang Qur'an ay nagpahayag,
"Kapahamakan sa mga nagbibigay ng kulang sa sukat, yaong, kapag sila ay tumanggap ng kanilang karapatan sa mga tao, hinihiling na ibigay ito nang buo subalit kung kailangan nilang sukatin o timbangin ang anumang karapatan ng iba sa kanila, nagbibigay ng mas mababa kaysa sa kung ano ang dapat na karapatan." (Qur'an 83:1-6)
3. Pagpaparaya
Bagamat ang mga Muslim ay maaaring hindi sumasang-ayon sa iba pang mga ideological na mga sistema at relihiyosong mga doktrina, hindi ito dapat humadlang sa kanila mula sa pagpaparaya at magalang na pakikipag-ugnayan sa mga di-Muslim:
"At huwag makipagtalo sa mga Angkan ng Kasulatan maliban sa isang paraang pinakamabuti, maliban sa mga gumagawa ng kawalang-katarungan sa pagitan nila, at sinasabing naniniwala kami sa ipinahayag sa amin at ipinahayag sa inyo. At ang aming Diyos at ang inyong Diyos ay isa; at kami ay mga Muslim [sa pagsuko] sa Kanya." (Qur'an 29:46)
Ang Islam sa pamamagitan ng mga nag daang kasaysayan nito ay nagkaloob sa mga tao ng iba pang mga pananampalataya ng pinakamataas na antas ng pagpaparaya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanilang sundin ang kanilang mga paraan, bagamat ang ilan sa kanilang mga kasanayan ay maaaring sumasalungat sa relihiyon ng karamihan.
Kahit sa kanilang mga sarili, ang mga Muslim ay dapat sa pangkalahatang maging mapagparaya sa kanilang mga pagkakaiba.
4. Pagiging mabait at maawain
Ang kabaitan ay isang tanda ng isang Muslim. Si Allah ay nagsabi tungkol sa Kanyang Sarili,
'Katiyakan, si Allah ay mabait at maawain sa mga tao.' (Quran 2:143)
Si Allah ay inilarawan ang Propetang si Muhammad bilang mabait sa Qur'an (9:128). Ang Sugo ni Allah ay nagsabi, "Ang mananampalataya ay mabait at maawain, sapagkat walang kabutihan sa kanyang hindi mabait o maawain. Ang pinakamainam sa mga tao ay yaong mga pinaka kapaki-pakinabang sa iba."[4]
Siya ay nag-utos kahit sa kanyang mga asawa na maging mabait, "O Aisha, si Allah ay mabait at minamahal Niya ang kabaitan sa lahat ng bagay."[5]
5. Pagiging mapagkakatiwalaan
Ang isang mahalagang bahagi ng marangal na Islamikong katangian ay pagiging mapagkakatiwalaan. Si Propeta Muhammad ay nakilala, bago pa man ang kanyang pagkapropeta na isang Al-Amin (ang mapagkakatiwalaan). Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay nagpapahiwatig ng pagiging matapat, patas sa mga pakikitungo at maagap gayundin ang pagpaparangal sa mga pagtitiwala at pagtupad sa mga pangako at mga kasunduan.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi,
"Si Allah ay nagsabi, 'May tatlong tao na sila ang magiging kalaban ko sa Araw ng Paghuhukom: Isang taong nagbigay ng isang bagay sa Aking Pangalan at pagkatapos ay ipinagkanulo; isang taong nagbenta sa isang malayang tao (bilang isang alipin) at ginamit ang halaga; at ang isang taong umuupa ng isang manggagawa, na gumamit ng kanyang serbisyo pagkatapos ay hindi nagbigay sa kanya ng kanyang sahod.'"[6]
6. Kababaang-loob
Ang kababaang-loob ay isa sa pinakadakilang biyaya na maaaring ipagkaloob ni Allah sa isang tao. Pinapayagan siya nitong makamit ang tunay na pagpapasakop kay Allah. Ang kababaang-loob ay nagmumula sa pagkakaalam tungkol kay Allah at pagkilala sa Kanyang kadakilaan, paggalang sa Kanya, pagmamahal sa Kanya at pagiging matatakutin sa Kanya; at ito ay nagmumula sa pagkilala tungkol sa sarili at kanyang sariling mga pagkakamali, at mga kahinaan. Si Allah ay ibinibigay ang mga katangiang ito sa kanilang nagpupunyagi upang maging malapit sa Kanya sa pamamagitan ng mga gawang kabanalan at kabutihan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi,
"Ang kayamanan ay hindi nababawasan dahil sa kawanggawa, at ang Diyos ay pinararami ang karangalan ng alipin kapag nagpapatawad siya ng iba. At walang sinuman ang nagpapakumbaba ng kanyang sarili sa harap ng Diyos kundi ang Diyos ay itataas siya (sa kalagayan)."[7]
Ang isang Muslim ay inaasahang gumagalang sa iba at mapagpakumbaba sa kanila.
7. Pagiging patas at makatarungan
Sa Islamikong pandaigdigang pananaw, ang katarungan ay nagpapahiwatig ng paglalagay ng mga bagay sa kanilang nararapat na lugar. Ito ay nangangahulugan ding pagbibigay ng pantay na pakikitungo sa iba. Ang Propeta ng Islam ay nagsabi:
"Mayroong pitong kategorya ng mga tao kung saan ang Diyos ay pasisilungin sa ilalim ng Kanyang lilim sa Araw na walang lilim maliban ang sa Kanya. [Ang isa ay] ang makatarungang pinuno."[8]
Si Allah ay nangusap sa Kanyang Sugo sa ganitong paraan:
"O Aking mga alipin, ipinagbawal ko ang kawalan ng katarungan para sa Aking Sarili at ipinagbawal din ito para sa iyo. Kaya iwasan ang pagiging hindi makatarungan sa isa't isa."[9]
8. Pagkamapagbigay
Ang pagkamapagbigay ay kabilang sa hindi mabibilang na mabuting mga katangian ni Propeta Muhammad. Siya ang pinaka-mapagbigay sa mga tao at siya ay nagiging pinaka-mapagbigay pa sa Ramadan.
Ilang mga tao ay dumating kay Propeta Muhammad at nagtanong, "Kung ang isang tao ay walang maibibigay, ano ang kanyang gagawin?" Sinabi niya, "Siya ay dapat magtrabaho sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at makinabang sa kanyang sarili at magbigay din sa kawanggawa (mula sa kanyang natamo)." Ang mga tao ay nagtanong pa, "Kung hindi niya matagpuan kahit ito?" Siya ay sumagot, "Siya ay dapat tulungan ang mga nangangailangan na humihingi ng tulong." Pagkatapos ang mga tao ay nagtanong, "Kung hindi niya magagawa yaon?" Siya ay sumagot, "Magkagayun ay dapat siyang gumawa ng mabuting mga gawa at lumayo sa masasamang mga gawain at ito ay maituturing na mga kawanggawang gawain."[10]
9. Pagiging mapagpasalamat
Ang isang Muslim ay palaging mapagpasalamat kay Allah para sa lahat ng Kanyang walang-hanggang mga pagpapala. Maraming mga paraan upang ipahayag ang pasasalamat sa Kanya. Ang una at pangunahing paraan ay ang pagsamba sa Kanya sa paraang Kanyang ipinag-utos. Ang Limang haligi ng Islam ay itinakda sa atin ni Allah at pinapatnubayan tayo nito upang sumamba sa Kanya ng magaan. Ang mananampalataya ay nagpapahayag din ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng kawanggawa. Si Allah ay nagsabi,
"Samakatuwid, alalahanin Ako (sa pamamagitan ng pagdarasal, pagluluwalhati, atbp.). Aalalahanin ko kayo, at maging mapagpasalamat sa Akin (para sa Aking hindi mabilang na mga Pabor sa inyo) at huwag kailanman maging hindi mapagpasalamat sa Akin."(Qur'an 2:152)
Ang isang Muslim ay mapagpahalaga din at mapagpasalamat sa mga taong nagbigay pabor sa kanya. Si Allah ay nagsabi,
"Mayroon bang ibang gantimpala para sa kabutihan maliban sa kabutihan?" (Qur'an 55:60)
Si Propeta Muhammad ay nagsabi, "Ang sinumang gumawa ng pabor sa iyo, ay nararapat na tugunan, at kung hindi ka makatagpo ng anumang bagay na maitutugon, magkagayun ay ipagdasal mo siya hanggang sa tingin mo ay natugunan mo na siya."[11]
10. Pagpapatawad
Ang pagpapatawad ay nangangahulugang iwanan ang karapatang pagganting mayroon ka sa isang tao para sa isang kamaliang bagay na ginawa sa iyo. Si Allah ay nag-aalok ng hindi mabilang na mga gantimpala para sa mga nagpapatawad. Siya ay nagsabi sa Qur'an,
"Hayaan silang magpatawad at magparaya. Hindi ba ninyo hahangaring si Allah ay patawarin kayo? At si Allah ay Laging Nagpapatawad, Lubos na Maawain." (Qur'an 24:22)
"Subalit kung ang isang tao ay matatag at nagpapatawad, yaon ang pinakamatibay na landas na susundin." (Qur'an 42:43)
"... (mga yaong) nagpipigil sa galit at nagpapatawad ng mga tao; katunayan, si Allah ay minamahal ang mga gumagawa ng mabuti." (Qur'an 3:134)
Ang kawalan ng kakayahang magpatawad ay maaaring makaapekto sa atin nang lubusan, sa damdamin, sa espirituwal at maging sa pisikal. Nagiging sanhi ito ng tensyon at masamang kalusugan.
1. Pagtupad sa mga Pangako
Ang lipunan ng tao ay hindi maaaring gumana nang walang institusyon ng mga pangako at kasiguraduhan ng katuparan nito. Ito ay obligado upang matupad ang mga pangako at mga tipan, at haram na sirain ang mga ito at kumilos sa isang mapanaksil na paraan. Si Allah ay nagsabi,
“At tuparin (ang bawat) tipan. Katiyakan! ang tipan, ay tatanungin." (Qur'an 17:34)
Ang pagtupad ng mga pangako ay isang paraan ng pagkakaroon ng seguridad sa mundong ito at maiwasan ang pagdanak ng dugo, at ng pangangalaga sa karapatan ng mga tao, parehong mga Muslim at di-Muslim, ayon sa sinabi ni Allah:
“subalit kung sila ang humingi ng iyong tulong sa relihiyon, tungkulin mong tulungan sila maliban kung laban sa mga tao kung kanino ka mayroong isang kasunduan ng magkaparehong alyansa, at si Allah ang Nakakikita ng lahat ng iyong ginagawa" (Qur'an 8:72)
2. Pagiging maagap
Walang anumang alinlangang ang antas ng pagiging maagap ay nagsasabi sa atin kung gaanong paggalang sila mayroon patungkol oras. Ang Pagkamaagap ay kabilang ang pagiging magalang sa oras ng ibang tao. Kapag siya ay nagbigay sa isang tao ng oras upang makipagkita o gawin ang isang bagay, magkagayun siya ay dapat maging maagap sa pagtupad nito.
Sa antas ng komunidad, kung may isang programa ay dapat itong magsimula ayon sa nakatakda at yaong mga nakaabot sa oras ay hindi dapat maghintay para sa mga mahuhuling dumating. Gayundin ang programa ay dapat magtapos sa oras upang magawa ng mga taong makaalis para sa iba pang mga tipanan na maaaring kanila nang binalak, sa halip na antalain sila ng mas mahaba kaysa sa kanilang inaasahan.
Ang araw ng isang Muslim ay itinayo sa paligid ng mga pagdarasal na kung saan kailangan nilang isagawa sa mga natatanging mga oras, at ito ay nagbibigay sa isang Muslim ng isang tamang magandang kasanayan upang maging maagap. Ang iba pang mga nilikha ni Allah tulad ng araw, buwan, gabi, at araw ay sumusunod sa isang disiplinadong kinalalagyan,
“Hindi niyo ba nakikitang si Allah ay pinag-uugnay ang gabi sa araw, at pinag-uugnay ang araw sa gabi, at pinakikilos ang araw at ang buwan, bawat isa ay kumikilos sa kinalalagyan ng mga ito sa itinakdang panahon; at si Allah ang Nakakaalam ng Lahat ng inyong ginagawa." (Qur'an 31:29)
3. Pagiging mapitagan at magalang
Upang maging isa sa mga matagumpay, Sa Islam ay inaatasan ang bawat indibidwal na matutong sundin ang Tagapaglikha at sa gayon pakitunguhan ang sangkatauhan, ang kapaligiran, ang mga mananampalataya, at ang ating sarili na may paggalang.
Ang paggalang ay kinabibilangan ng pananatiling ganap na malayo sa mga malalaking kasalanan ng panlilibak, pagsisinungaling, paninirang-puri, at tsismis.
Ang paggalang sa sangkatauhan ay nangangahulugang paglayo sa mga kasalanan na maghahasik ng pagsasalungatan sa mga tao at humahantong sa pagkawasak. Ang paggalang ay kinabibilangan ng pagmamahal sa ating mga kapatid sa kung ano ang pagmamahal natin para sa ating mga sarili. Ang paggalang ay kinabibilangan ng pakikitungo sa iba sa paraang inaasahan nating pakikitungo sa atin at paraang inaasahan natin kay Allah na pakikitungo sa atin- na may awa, pagmamahal at habag.
4. Pagiging palakaibigan
Ang isang Muslim na tunay na nauunawaan ang mga turo ng kanyang relihiyon ay magiliw, palakaibigan at kaibig-ibig. Siya ay nakikipag-ugnayan sa mga tao at nakikipagkasundo sa kanila. Nauunawaan niya na ang pakikipag-ugnayan sa mga tao at ang pagkakamit ng kanilang tiwala ay 'maka-Muslim'. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:
"Sasabihin ko ba sa inyo kung sino sa inyo ang pinakamamahal sa akin at magiging pinakamalapit sa akin sa Araw ng Pagkabuhay Muli?" Inulit niya ito ng dalawa o tatlong beses, at sinabi nila, "Oo, O Sugo ni Allah". Siya ay nagsabi: "Yaong sa inyong may pinakamahusay na pag-uugali at pagkatao." [1]
Ang ilang mga ulat ay nagdaragdag: "Yaong mga mababang-loob at mapagpakumbaba, na nakakasundo ng iba at siya na ang iba ay kumportable."
5. Pagpipigil sa sarili
Ang pagpipigil sa sarili ay isang katangiang nakadikit na sa relihiyong Islam. Tayo ay nahaharap sa mga pagpili at mga tukso sa lahat ng dako. Hinihiling sa ating ibaba ang ating paningin, pigilan ang ating galit, at isaalang-alang ang ating mga kataga bago magsalita. Ang pag-aayunong buwan ng Ramadan ay isang pagsasanay sa pagpipigil sa sarili. Kami ay umiiwas sa pagkain at pag-inom mula sa bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw. Maaaring kami ay magutom at mauhaw subalit sinasanay namin ang pagpipigil sa sarili upang bigyang lugod si Allah at itayo ang aming katatagan. Ang pagsunod sa aming sariling mga pagnanasa ay hindi isang bagay na hinihikayat ng Islam.
“…sila lamang ay sumusunod sa kanilang mga pagnanasa. At sino ang higit na naliligaw kundi siyang sinusunod ang kanyang sariling mga pagnanasa, na walang patnubay mula kay Allah?" (Qur'an 28:50)
6. Pagiging matulungin at kooperatibo
Makipagtulungan tayo: sa pook laruan, sa opisina, sa pagpapalaki ng mga bata. Ang tao ay hindi mabubuhay maliban sa pakikipagtulungan sa iba. Kailangan natin ang isa't-isa. Ang bawat propesyonal ay nangangailangan ng tulong ng iba. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ang buhay ay patuloy na maayos; subalit kung walang pakikipagtulungan, ang buhay ay darating sa paghinto. Ang Islam ay nananawagan para sa pakikipagtulungan at hinihimok ang mga Muslim na makipagtulungan upang mapanatili ang kanilang pagkakaisa. Ang sabi ni Allah:
"Makipagtulungan sa isa't isa sa kabutihan at pagkatakot, subalit huwag makipagtulungan sa isa't isa sa pagkakasala at pagsuway." (Quran 5:2)
7. Pagkakaroon ng empatiya
Ang empatiya ay ang kakayahang kilalanin, unawain at ibahagi ang damdamin ng iba, tulad ng paglalakad sa mga sapatos ng ibang tao. Ang empatiya ba ay hinihikayat sa Islam? Siyempre! Isaalang-alang ang talatang ito tungkol sa ating Propeta Muhammad:
"Mayroong tunay na dumating sa inyong isang Sugong mula sa inyong mga sarili. Masakit sa kanya ang anumang inyong pinagdudusahan; (siya ay) may malasakit sa inyo at sa mananampalataya ay mabuti at maawain." (Qur'an 9:128)
Ang ating Propeta ay laging nararamdaman ang ating pagdurusa at pinuri ni Allah para sa kanyang likas na pagiging empatetiko.
Ang Propeta din mismo ay hinikayat tayong magkaroon ng empatiya sa isa't isa, siya ay naiulat na nagsabi:
"Ang mga mananampalataya sa kanilang magkaparehong kabutihan, habag at awa ay katulad ng isang katawan. Kapag ang isa sa mga bisig ay naghihirap, ang buong katawan ay tumutugon dito ng kawalan ng antok at lagnat." [2]
8. Kahinhinan
Lahat ng mga propeta at mga sugo ay hinihikayat ang kahinhinan, tulad ng ang Propeta ay nagsabi:
“Katiyakan mula sa mga pagtuturo ng mga naunang propeta na umabot sa inyo ay, 'kung wala kayong kahinhinan, magkagayun ay gawin niyo ang inyong nais." [3]
Ang kahinhinan bilang isang pakiramdam ng kahihiyan o pagkamahiyain sa mga tao ay ang pag-urong ng kaluluwa mula sa masamang pag-uugali, isang katangiang pumipigil sa kanyang kumilos nang masama sa iba o naghihikayat sa ibang kumilos nang masama sa iyo. Ang Islamikong etika ay isinasaalang-alang ang kahinhinan ng higit pa kaysa sa isang katanungang kung paano ang isang tao manamit, at higit pa sa pagiging mahinhin sa harap ng mga tao; sa halip ito ay makikita sa pagsasalita, pananamit, at pag-uugali ng isang Muslim: sa publiko patungkol sa mga tao, at sa pribado patungkol kay Allah.
9. Kadalisayan
Ang Ikhlas (kadalisayan) ay ang gawin ang lahat, panloob at panlabas, na hinahangad lamang ang kagalakan ni Allah. Ito ay upang kalimutan ang mata ng mga tao, at kung tinitingnan nila ang iyong mga gawa o hindi, na ang tanging bagay sa iyong isip na si Allah ay nakamasid sa iyo. Mayroong magagandang mga talata sa Qur'an sa bagay na ito, kung saan inilalarawan ni Allah ang mga matuwid sa Paraiso:
"Sila (yaong mga) tumutupad (ng kanilang) mga panata at natatakot sa isang Araw na ang kasamaan ay magiging laganap. At nagbibigay sila ng pagkain sa kabila ng pagmamahal sa mga ito para sa mga nangangailangan, ulila, at bihag, (na nagsasabing), "Pinapakain lang namin kayo para sa kasiyahan ng Allah. Kami ay di humihiling mula sa inyo ng gantimpala o pasasalamat." (Quran 76:7-9)
10. Pagtakwil ng kasamaan para sa kabutihan
Si Allah ay pinupuri silang yaong mga tumutugon sa kasamaan ng mga mabubuting gawa. Ang mga nagtatakwil sa masama para sa mabuti ay matatagpuang ang kanilang mga kaaway ay magiging kanilang mga kaibigan. Si Allah ay nagsabi,
"Hindi magkatumbas ang mabuting gawa at ang masamang gawa. Itakwil ang masama ng kung ano ang mas mabuti, at magkagayun ang siyang napopoot sa iyo ay magiging tulad ng isang mapagmahal na kaibigan. Subalit walang pinagkalooban nito (sa katangiang ito) maliban sa mga mapagtiis at walang pinagkalooban nito maliban sa kanyang may dakilang kapalaran." (Quran 41: 34-35)
Si Allah ay nagpaalala sa mga mananampalataya sa ilang mga talata upang maitakwil ang kasamaan para sa kabutihan sa pamamagitan ng pagiging matiisin, maawain, at mapagpatawad.