Mga Artikulo

     Ang unang dapat malaman at maintindihan ay kung ano ba ang pagkakaiba ng tinatawag na fard at tinatawag na nafl. Ang fard ay isang obligadong gawain, na siyang pinag utos satin ng Allah na gawin ito, at kapag ito’y ating iniwan ay isang kasalanan at ito’y pananagutan natin sa araw ng paghuhukom. Halimbawa nito’y ang dalawang rakah sa fajr na pagdarasal. Nafl ang literal na ibig sabihin nito ay “karagdagan”. Ang nafl(boluntaryong) pagdarasal ay hindi pinag utos na gawin o kinakailangang gawin ng isang Muslim , sa halip ito’y nasa indibidwal na kung ito’y kanilang gagawin o gustohing gawin. Dahil ito’y hindi kinakailangan gawin at isang boluntaryong gawain lamang. Ang isang Muslim ay hindi magkakasala kapag ito ay kaniyang iniwan, ngunit siya ay gagantimpalaan sa paggawa at pag ganap  niya rito(boluntaryong pagdarasal). At ang mga halimbawa nito ay ang mga boluntaryong pag-darasal na siyang tatalakayin sa araling ito.





Isang magandang payo patungkol sa boluntaryong pagdarasal .  Ito’y idagdag mo ng dahan dahan  sa iyong pang-araw a araw, na mga obligadong mga pagdarasal. Kailangan mo munang ituon ang iyong sarili sa limang beses na pang araw araw na pagdarasal at isabay mo ng unti-unti, at wag mong pahirapan ang iyong sarili rito, at gayun din ay wag mong ipag sawalang bahala at iwan ito (ang mga boluntaryong pagdarasal)





Mga Benepisyo  ng Nafl na  Pagdarasal





Sinabi  ng Propeta (saw): "katotohanan ang unang itatanong sa mga gawain ng mga tao sa araw ng paghuhukom ay ang kanilang pagdarasal, sasabihin ng ating Panginoon sa Kanyang mga anghel at Siya ang mas nakakaalam:" Tingnan ninyo ang ginawang pagdarasal ng aking alipin (ang obligadong pagdarasal) kung kanya ba itong nakompleto o kanya itong napabayaan.' At kung kanya itong nakompleto ay isusulat  para sa kanya ng buo, at kung ito naman ay kanyang napabayaan, sasabihin ng Allah :' Tingnan ninyo kung mayron ba siyang nagawang mga  boluntaryong pagdarasal.' Kung mayron  siyang mga boluntaryong pagdarasal, Sasabihin ng Allah:'Ganapin ninyo o kompletuhin para sa aking alipin ang kanyang pagkukulang na pagdarasal mula sa kanyang nagawang mga boluntaryong pagdarasal.'Pagkatapos nito ay susuriin naman  kanyang mga gawa sa parehong pamamaraan" (Abu Dawud).





Ang Dalawang Uri Ng  Nafl o Boluntaryong Pagdarsal


a)     Ang pangkalahatang nafl na pagdarsal: Maaring isagawa ito  kung kailan man gustohin ng isang muslim ng kahit na walang rason  o  kadahilanan para rito, at wala ring  tiyak na bilang sa pagsasagawa nito. Ganun paman dapat tandaan  na ang Pangkalahatang nafl na pagdarasal ay hindi dapat isagawa sa mga oras kung saan ipinagbabawal o di kaaya aya  ang pag sasagawa nito.





b)   Mga natatanging nafl na pag darasal : Ito’y mga pagdarasal na may natatanging mga dahilan at rason . 





Mga Halimbawa Ng Mga Natatanging Nafl na pagdarasal


 As-Sunan ar-Rawatib ( kadalasang tinatawag na 'Sunnah o boluntaryong mga pagdarasal')


Ito yung mga bulontaryong pagdarasal na may kinalaman sa mga obligadong pagdarasal na siyang may nakatakdang bilang at pagkakasunod sunod. Ang mga pagdarasal na ito ay ang mga sumusunod:





Pangalan





ng Dasal





Rakah ng Fard na pagdarasal





Rakah ng ‘Sunnah na pagdarasal’ bago ang Fard





Rakah ng ‘Sunnah ng pagdarasal’ pagkatapos ng Fard





Fajr





2





         2    


 





Dhuhr





4





4 (2+2)





2





Asr





4





 





 





Magrib





3





 





2





Isha





4





 





2





 





  Ang sugo ng Allah(saw) ay nagsabi: “Ang sinumang mag salah(magdasal) ng labing dalawang rakah sa araw at sa gabi ay pag kakalooban o igagawa ng Allah ng bahay sa Paraiso: apat na rakah bago ang dhuhr at dalawa pagkatapos nito,  dalawang rakah pagkatapos ng Magrib, dalawang rakah pagkatapos ng Isha,at dalawang rakah bago ang Fajr.” (Tirmidhi)





Ang Propeta o Sugo ng allah  ay nagsabi patungkol sa dalawang rakah ng Fajr na obligadong pagdarasal,” Ito’y mas mahalaga sa akin kaysa sa sa buong mundo.” (Saheeh  Muslim)





"Ang Propeta  ng Allah  kailanman ay hindi  iniwanan  ang apat na rakah bago ang obligadong dasal sa Dhuhr at ang dalawang rakah bago ang  obligadong  dasal sa  Fajr sa kahit na anong sitwasyon. .” (Saheeh al-Bukhari)





Witr na Pagdarasal


       Ang Propeta (saw) ay nagdasal  at hinikayat ang iba na isagawa ang Witr na pagdarasal ito. Ito’y isang nafl  o boluntaryong pagdarasal na napakahalaga at  binigyang importansiya, at ayon sa ibang Skolar ay ito  ay kinakailangang pagdarasal





Ito’y isinasagawa pagkatapos ng Isha na pagdarasal at pwede ring isagawa bago paman dumating ang oras ng  pagdarasal ng Fajr.





Ang  Witr  ay maaring isagawa  sa pamamagitan ng:





1.     Pagdarasal ng dalawang rakah tulad ng ibang pagdarasal na tig dadalawang rakah na pagdarasal at wawakasan  ng pag  tasleem, at pagkatapos ay ang karagdagang isang rakah at ito’y magtatapos  din ng  pag tasleem .





2.     Pagdarasal ng tatlong rakah na tuloy tuloy ( walang pag upo pagkatapos ng pangalawang rakah tulad sa Maghrib) at pagkatapos ay magtatapos sa pamamagitan ng pag-tasleem.





3.    Isang rakah at ito’y magtatapos sa pag tasleem.





Tahiyya-tul-Masjid (Ang pagdarasal sa tuwing papasok ng Masjid) 


Ito’y pagdarasal kung saan ang dalawang nafl  na rakah ay isinasagawa kapag papasok sa Masjid. Ang Sugo ng Allah ay nag sabi,” Sinuman sainyo ang pumasok sa Masjid, ay nararapat  mag salah ng dalawang rakah bago siya umupo.” (Saheeh Al-Bukhari)





Salat at-Tawba (Pagbabalik loob na Pagdarasal)


Ang Sugo ng Allah ay nag sabi: “ Walang  sinuman, na nakagawa ng kasalanan, nagpakadalisay at  nag salah (nagdasal) ng dalawang rakah , humingi  ng kapatawaran kay Allah,  kundi  siya ay patatawarin ng Allah.” (Abu Daud, Tirmidhi, Ibn Majah)





Duha na Pagdarasal


Si Abu Dhar ay nag ulat na ang Propeta (saw) ay nagsabi: “ Nararapat na makapag kawang gawa ang bawat  parte  ng iyong katawan araw araw. Sa tuwing pagsambit ng 'Subhanallah- Ang Allah ay walang depekto, perpekto sa lahat ng bagay' ito'y  isang kawang gawa at sa tuwing sasabihin ang Alhamdulillah- Ang papuri ay para sa Allah lamang' ay kawang gawa, At sa tuwing sasabihin ang ‘La illaha illa Allah ’- Walang ibang diyos kundi ang Allah lamang’ ay kawang gawa. At sa tuwing sasabihin ang ‘Allahu Akbar- ang Allah ay dakila’ ito  ang napakalaking kawang gawa. Ang mag utos ng mabuti ay kawang gawa, at ang mag bawal ng masama ay kawang gawa, at  ang makakasapat dito (bilang  kawang gawa) ay  ang dalawang rakah ng Duha.” (Saheeh Muslim)





     Ang oras ng Duha ay nag sisimula kapag ang liwanag ng araw ay kumalat na sa kalangitan at hangang sa ito’y makarating na sa katanghalian. At mas mainam na ipahuli ang pagsasagawa nito hangang sa ang araw ay tumaas  na at ang umaga ay maging mainit na.





Ang pinakamababang bilang ng  pagsasagawa nito ay dalawang rakah, maaari niya itong dagdagan hanggat gusto niya.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG