Mga Terminolohiyang Arabik
· Adhan - ang pamamaraang Islamiko sa pagtawag sa mga Muslim para sa limang obligadong pagdarasal.
· Iqamah - Ito ay ang pangalawang pagtawag sa pagdarasal na binibigkas bago simulan ang pagdarasal.
· Shirk - ay salita na ang pakahulugan ay ang pagtatambal kay Allah, o pag-uukol ng mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o ang maniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kapinsalaan at mga biyaya ay galing sa iba at hindi kay Allah.
· Salah - salitang Arabe na pinapakahulugan ng direktang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Sa mas detalyado, sa Islam ito ay ang pormal na pagdarasal ng limang beses sa isang araw at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
· Tawheed - Ang kaisahan at pamumukod-tangi ni Allah sa kanyang pagkapanginoon, mga Pangalan at Katangian at Kanyang karapatan na sambahin.
· Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang impormasyon o kwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos at gawa ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
· Fajr - ang pang-umagang dasal.
Panimula
Sa salita, ang katagang Adhan ay nangangahulugang "panawagan" at ito ang ibig sabihin ng talata sa Qur'an:
“At ang panawagan (adthan) mula kay Allah at sa Kanyang Propeta sa lahat ng tao sa araw ng malaking pilgrimo na si Allah ay malaya mula sa mga obligasyon sa mga nagtatambal, at gayun din ang Kanyang Sugo.” (Quran 9:3)
Sa kontekstong pang relihiyon, ang Adhan ay ang panawagang ginagawa na binubuo ng mga tukoy na mga "salita ng pag-alala", na ang oras ng mga obligadong dasal ay nagsimula na. Sa mundo ng kamusliman at ilang lugar sa Kanluran, ang panawagan sa pagdarasal ay pinananawagan ng limang beses sa isang araw sa bawat mosque na oras na ng pagdarasal, na alalahanin si Allah, at iwanan muna ang lahat ng mga alalahanin sa buhay upang maghanda sa pagsamba sa Nagbigay ng Buhay. Ang Pagdarasal "Ang Dios ay Pinakadakila" ay sumasalamin sa lahat ng pagkakatulad ng lahat ng sibilisasyon, mula sa maliliit na bayan hanggang sa malalaking siyudad.
Ang Adhan ay sumasakop sa lahat ng pangunahing bagay ng pananampalataya sa Islam sa ilang mga salita:
1. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kadakilaan ni Allah.
2. Ito ay testimonya ng tawheed (kaisahan) ni Allah at ng Kanyang natatanging karapatan na sambahin.
3. Ito ay nagtatanggi ng shirk - ang pagsamba sa lahat liban pa kay Allah.
4. Ang adhan ay pagsaksi na si Muhammad, sumakaniya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay Sugo ni Allah.
5. Binabanggit nito ang paniniwala sa isa sa pinakadakilang haligi ng Islam; ang salah (ritwal ng pagdarasal).
6. Pag-anyaya sa pagdarasal at ihinahalintulad ito sa kasaganahan, kaligtasan at tagumpay (sa Kabilang buhay).
7. Sinigurado nito ang gantimpala para sa Salah: kasaganahan para sa nagbubukod tangi kay Allah sa tawheed (kaisahan). Sumusunod sa Kanyang Propeta, nagtataguyod ng pagdarasal at iba pang mga haligi ng Islam.
8. Ipinahihiwatig nito ang kawalan ng isang hindi tumugon sa panawagan ng adhan at hindi nagdarasal.
Kasaysayan ng Adhan
Ang adhan ay ipinag-utos sa panahon ng unang taon ng Propeta sa paglikas sa Medina. Ito ay naituro sa pamamagitan ng panaginip ng dalawang kasamahan ng Propeta at ginawang bahagi ng buhay ng mga Muslim ng mismong Propeta. Si Abdullah ibn Zaid, isang kasamahan ng Propeta, ay nag-ulat:
"Nang ang Propeta ay pag-utusan na gumamit ng kampanilya upang tawagin ang mga tao sa pagdarasal, ay hinde niya ito nagustuhan sapagkat natutulad ito sa mga pamamaraan ng Kristiano. Habang ako ay natutulog, isang lalaki ang dumating sa akin na may dalang kampanilya. Sabi ko sa kanya 'O lingkod ni Allah, ipinagbibili mo ba ang kampanilya?'
Sabi niya: 'Anong gagawin mo dito?'
Sumagot ako: 'Tatawagin ko ang mga tao sa pagdarasal sa pamamagitan nito'
Tumugon siya: 'Nais niyo ba na ituro ko sa inyo ang kung anong mas mainam diyan?'
Sabi ko: 'Tiyak.'
Sabi niya: 'Marapat mong bigkasin:
Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar
Ashhadu alla ilaha illal-lah, ashhadu alla ilaha illal-lah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah,
ashhadu anna Muhammadar-Rasool-lal-lah
Hayya ‘alas-salah, hayyah ‘alas-salah
Hayya ‘alal-falah, hayya ‘alal-falah
Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.’
At pagkatapos ay lumayo siya ng kaunti at sinabi, 'kapag itatayo na ang dasal' ay bigkasin:
Allahu akbar, Allahu akbar
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Hayya ‘alas-salah, hayya ‘alal-falah
Qad qaamatis-salah, qad qaamatis-salah
Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.’
Pagsapit ng umaga, pumunta ako sa Sugo ni Allah upang sabihin kung ano ang aking nakita, Sabi niya, 'Ang panaginip mo ay tunay, kung luloobin ni Allah. pumunta ka kay Bilal, at sabihin mo kung ano ang iyong nakita, at sabihin na gawin niya ang panawagan sa dasal, sapagkat siya ang may pinakamainam sa boses sa inyo.' Ako ay nagpunta kay Bilal at sinabi ko sa kanya kung ano ang gagawin, at ginawa nga niya ang pagtawag sa dasal. 'Si Umar ay nasa bahay niya ng marinig niya ito. Lumabas siya ng nakabalabal, at nagsabi 'Sumpa man sa Siyang nag angat sa iyo ng katotohanan, nakita ko ang tulad ng nakita mo.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Lahat ng papuri ay para kay Allah.”[1]
Ang Propeta ay nagtalaga ng dalawang kasamahan upang magtawag ng adhan sa Medina sa kanyang mosque: Si Bilal na dating aliping Aprikano na binili ang kalayaan ni Abu Bakr, at si Ibn Umm Maktum para sa adhan ng Fajr. Tinalaga niya rin si Abu Mah-zura sa Mecca at Sa'ad al-Qaraz sa Quba'.
Ang Kahigtan ng Adhan
Maraming ahadith ng ating Propeta Muhammad ang naglalarawan sa mga kahigtan ng adhan at sa tumatawag nito:
(1) “Kung nalalaman lamang ng mga tao kung ano ang mayroon sa adhan at sa unang linya (sa dasal at kahigtan nito), at hindi nila ito makakamit maliban lamang sa pamamagitan ng palabunutan at magpapalabunutan nga sila.”[2]
Ang kahulugan ng hadith ay kung nalalaman lamang ng mga tao ang masaganang gantimpala na mayroon sa pagtawag ng adhan, at kung wala silang ibang makitang paraan para sa kung sino ang siyang magtatawag ng adhan maliban sa palabunutan, kung gayun ito ay gagawin nila para lamang makamit ang kahigtan nito.
(2) “Ang mga nagtatawag ng adhan ay sila ang may pinakamahahabang leeg sa Araw ng Pagbangon.”[3]
Ang kahulugan ng hadith na ito ay ipinaliliwanag na sila ay magiging mga amo at pinuno, Sapagkat ang mga Arabo ay inilalarawan ang mga namumuno na may mahahabang leeg, o pinapakahulugan na sila ang magtataglay ng mga pinakamagagandang gawain upang ibilang para sa kanila.
(3) “Si Allah at ang kanyang mga anghel ay nagpupugay sa kanilang nasa unang linya ng salah, at sa nagtatawag ng adhan ay pinatatawad hanggang sa layo ng nararating ng kanilang boses, at anumang nakakarinig sa kanila, may buhay o walang buhay, tinitiyak ang anumang sinabi niya, at magkakaroon siya ng gantimpala tulad ng kasama niyang nagdasal ”[4]
(4) “Ang iyong Panginoon ang Maluwalhati, ay nalulugod sa pastol na nagbabantay ng kanyang mga tupa at pagkatapos ay papanhik sa bundok upang tumawag sa pagdarasal at magdasal. Si Allah ang Maluwalhati ay magsasabi, 'Tignan mo ang Aking alipin na nagtatawag sa pagdarasal at nagdadasal dahil sa takot niya sa Akin. Pinapatawad ko Siya at papayagang pumasok sa Paraiso.’”[5]
(5) “Ang imam ay ang siyang tagapanagot o garantor, at ang nagtatawag sa dasal ang siyang katiwala. O Allah gabayan mo ang mga imam at patawarin mo ang mga nagtatawag sa dasal.”[6]
(6) “Sinuman ang tumawag ng dasal ng labindalawang tao ay gagantimpalaan ng Paraiso, at sa bawat araw ay may anim na mabuting gawa ang itatala para sa kanya dahil sa kahigtan ng adhan, at tatlumpong mabuting gawa ang para naman sa iqama.”[7]
Paano ang Pagtawag ng Adhan?
Ito ang mga binibigkas sa adhan.
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kunid si Allah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah
Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah
Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah
Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay
Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
La ilaha illal-lah[8]
Walang dios kundi si Allah
“Ang Pagdarasal ay mas mainam kaysa pagtulog" para sa Adhan ng Fajr
Ang Adhan sa Fajr ay may mga karagdagang mga salita.
As-salaatu khairun min an-naum
Ang pagdarasal ay mas mainam kaysa pagtulog
Ang Propeta ay nagturo,
"Sa adhan ng umaga, sabihin,
as-salaatu khairun min an-naum, as-salaatu khariun min annaum. Allahu akbar, Allahu akbar. La illaha illal-lah.”[1]
Iqamah
Bago magsimula ang salah, ang mga mananampalataya ay tinatawag muli upang ipaalam sa kanila na ang dasal ay magsisimula na. Ang pagtawag na ito sa pagdarasal ay tinatawag na iqamah:
(I)
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako ay sumasaksi na walang dios kundi si Allah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah
Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah
Hayya ‘alal-falah
Halina sa Salah
Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na
Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
La ilaha illal-lah[2]
Walang dios kundi si Allah
(II)
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Allahu akbar
Si Allah ay Dakila
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah
Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah
Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah
Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah
Hayya ‘alal-falah
Halina sa tagumpay
Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay
Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na
Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na
Allahu akbar
Si Allah ang Dakila
Allahu akbar
Si Allah ang Dakila
La ilaha illal-lah[3]
Walang dios kundi si Allah
Ang Kaasalan sa Pagtawag ng Adhan
(1) Inirerekumenda sa isang lalaking nagtatawag ng adhan na magpakadalisay siya mula sa malalaki at maliliit na karumihan.
(2) Ang adhan ay isinasagawa habang nakatayo at nakaharap sa qiblah (direksyon ng Kabah).
(3) Ang nagtatawag ay ihaharap ang kanyang ulo sa kanan habang binibigkas ang "Haaya 'alal-salah" at sa kaliwa kapag binibigkas ang "Hayya 'alal-falah."
(5) Ang hintuturong daliri ay ilalagay sa dalawang tainga.
(6) Ang boses ay marapat na malakas, kahit pa nag-iisa ang lalaki. Sinabi ni Abu Sa'eed Al-Khudri, isa sa mga kasamahan ng Propeta, sinabi niya sa isa sa kanyang mga estudyante, "Nakita ko na mahal mo ang tupa at ang disyerto. kapag ikaw ay nasa iyong tupa o nasa disyerto ay lakasan mo ang iyong boses habang nagtatawag ng adhan, nang marinig ng mga jinn, tao o anumang bagay na makakarinig sa paligid na nararating ng iyong boses upang maging saksi ito sa Araw ng Pagbangon... Narinig ko ang Sugo ni Allah ay sinabi ito.”[4]
(8) Mas mainam na huwag kausapin ang isang lalaki habang siya ay nagtatawag ng adhan o iqamah.
Larawan 1 ‘Ang Muezzin’s ay nagtatawag para sa Salah’ mula sa Wallace Collection, London, ni Jean-Leon Gerome (1824-1904) isang pintor na Pranses
Ang Babae at Adhan
Maari ba ang babae na magtawag ng adhan sa mga kalalakihan, o sa grupo ng mga Muslimah, o kung siya ay nag-iisa? Ayun sa napagkasunduan ng mga iskolar, ang Muslimah ay pinagbabawalan na magtawag ng adhan sa mga kalalakihan. At hindi siya inatangan ni Allah na magtawag ng mga mananampalataya sa mosque. Gayunpaman, kapag siya ay nasa grupo ng mga kababaihan o siya ay nag-iisa, ay maari siyang magtawag ng adhan at iqamah sa mahinang boses.
Ang Pagtugon sa Adhan
Marapat sa isang nagbabasa ng Qur'an, sa nagsasagawa ng dhikr (Pag-alala kay Allah), o sa nag aaral, na tumigil sa kung anuman ang kanyang ginagawa at ulitin ang Adhan pagkatapos ng tumatawag sa pagdarasal. Pagnatapos na ito, ay maari ng bumalik sa dating ginagawa. Uulitin niya ang bawat kataga pagkatapos ng adhan, maliban sa bahaging ito:
Hayya ‘alas-salah ang pagtugon ay La haula wa la quwatah illa billah
Hayya ‘alal-falah ang pagtugon ay La haula wa la quwatah illa billah
Ang Propeta ay nagsabi:
‘La haula wa la quwatah illa billah (walang may kakayanan at lakas kundi si Allah) ay isa sa mga kayamanan sa Paraiso.’[5]
Panalangin Pagkatapos ng Adhan
Sa Araw ng Paghuhukom si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, siya ay magiging tagapamagitan ng taong nanalangin kay Allah nang espesyal na mga salita na kanyang itinuro pagkatapos marinig ang adhan. Sinabi ng Sugo ni Allah:
“Kapag narinig mo ang pagtawag ng dasal, ay ulitin mo ito. At pagkatapos ay manalangin kayo para sa akin, at sinuman ang siyang manalangin para sa akin ay gagawin ni Allah ng sampung ulit ito para sa kanya. At pagkatapos ay hilingin mo kay Allah na laanan ako ng lugar sa wasilah. Ito ay lugar sa Paraiso na natatangi para sa mga lingkod ni Allah. Ako'y umaasa na makasama siya, at sinumang humiling kay Allah na laanan ako ng lugar sa wasilah, ang aking pamamagitan ay ipahihintulot sa kanya...” (Saheeh Muslim)
Sa ibang hadith, ang Propeta ay nagturo ng panalangin:
“Sinuman ang magsabi (pagkatapos) marinig ang pagtawag ng dasal,
‘Allaahumma Rabba haa-zihi’l-da’wat il-taammah wa’l-salaat ul-qaa’imah, aati Muhammada nil waseelata wa’l-fadeelah, wab’athhu maqaaman mahmooda nil lazi wa’at-ta (O Allah, Panginoon ng ganap na panawagang ito at ng itinaguyod na mga dasal, pagkalooban mo si Muhammad ng lugar ng wasilah, ang pinakamainam na lugar at itaas mo siya sa pinaka kapuri-puring kalagayan na siyang ipinangako mo sa kanya)’,
…pahihintulutan ang aking gagawing pamamagitan sa kanya sa Araw ng Paghuhukom.” (Saheeh Al-Bukhari)
Ang bawat isa ay maari ring magsagawa ng sarili niyang mga panalangin pagkatapos ng Adhan, sapagkat ito ay isa sa mga panahon na ang mga panalangin ay tinatanggap. Ang Propeta ay nagsabi:
“Ang panalangin (du'a) ay hindi tatangihan sa pagitan ng adhan at iqamah, kaya't manalangin.” (Al-Tirmidhi, Abu Dawud)
Paglabas ng Mosque Pagkatapos ng Adhan at Bago ang Salah
Hindi pinahihintulutan na umalis ng mosque pagkatapos na ang adhan ay natawag na, maliban kung may katangga-tanggap na dahilan o may intensyon na bumalik para sa dasal. Sinabi ng Propeta sa kanyang mga kasamahan:
“Kung ang isa sa inyo ay nasa loob na ng mosque at ang pagtawag ay nagawa na, Siya ay marapat na hindi umalis ng mosque hanggang sa siya ay makapagdasal.” (Ahmad)