Panimula
Sa Islam ay mayroong mga espesyal na alituntunin patungkol sa tatlong uri ng pagdurugo na nararanasan ng mga kababaihan, ang mga iyon ay ang buwanang dalaw, pagdurugo matapos ang panganganak, at ang pagdurugong hindi normal. Dapat na maunawaan ng mga kababaihan ang mga hatol o pasya patungkol sa bawat uri na mga ito kaugnay sa kanilang pamamahala sa mga importanteng aspeto ng pagsamba tulad ng pagiging malinis at dalisay, pagdarasal at pag-aayuno. Sisikapin ng araling ito na maipaliwanag ang mga mahahalagang hatol na may kinalaman sa bawat klase ng pagdurugo.
Ang Buwanang Dalaw o Regla
Ang buwanang dalaw o regla ay ang paglabas ng mga dugo at mga tisyu mula sa kaselanan ng babae na buwanang dumarating, hindi ito sanhi ng mga partikular na pangyayari tulad ng panganganak o pagkapunit ng hymen. Ang buwanang dalaw kadalasan ay isang beses sa isang buwan at tumatagal ng ilang araw. Ang pagkawala ng dugo dahil sa pagreregla ay paibaiba sa bawat buwan. Kadalasang gumagamit ang mga kababaihan ng pasador o maliit na bilo bilang pangsalo ng dumadaloy na dugo. Ang dugo mula sa regla ay halos laging matingkad ang kulay at hindi maputla.
Pagdurugo Matapos ang Panganganak
Ang mga ganitong klase ng pagdurugo ay pumapatak matapos ang panganganak o kung di kaya'y nakunan. Wala itong minimum na tagal, ngunit maari itong umabot hanggang sa apatnapong araw. Ayon sa sinabi ni Umm Salamah:
“Sa panahon na nabubuhay ang Propeta, ihinihiwalay ng bagong panganak na babae ang kanyang sarili mula sa nakararami sa loob ng apatnapung araw.” (al-Bukhari)
Ang isang babae na nasa katayuan ng pagdurugo matapos ang panganganak ay hihinto sa pagsagawa ng espesyal na pagdarasal sa loob ng apatnapung araw o hanggang sa matapos ang kanyang pagdurugo. Kung matapos na ang kanyang pagdurugo bago pa man ang apatnapung araw, siya ay dapat na magsagawa ng pagligo (ghusl) at magsimulang muli sa gawaing pagdasal. Kung mayroon pa rin siyang makitang dugo matapos ang apatnapung araw, ayon sa karamihan ng mga iskolar ay hindi siya dapat huminto pa sa pagdarasal. Ang dugo matapos ang panganganak ay halos laging matingkad din ang kulay.
Mga Ipinagbabawal na Gawain
Ang banal na karunungan ay nilibri ang mga kababaihan na hindi muna sila gagawa sa ilang gawaing pagsamba dahil sa ilang kadahilanan na may kinalaman sa pagdurugo. Ang mga sumusunod ay mga gawaing ipinagbabawal sa panahon ng buwanang dalaw o regla at matapos ang panganganak:
(1) Espesyal na Pagdarasal (Salah)
Ang isang babae na nasa panahon ng regla o pagdurugo matapos ang panganganak ay pansamantalang hindi magdarasal, mapa-obligado o ang mga boluntaryong pagdarasal, at ang mga pagdarasal na hindi niya naisagawa sa kadahilanang ito ay hindi niya babayaran pa pagkatapos.
Kung pumatak ang kanyang dugo sa oras na nag-umpisa na ang oras para sa isang partikular na pagdarasal, halimbawa, kalahating oras matapos ang oras ng Dhuhr, pagkatapos ng kanyang pagdurugo ay dapat nyang palitan ang Dhuhr dahil nasa estado na siya ng pagkadalisay ng maging obligado para sa kanya ang pagdarasal. Sa kabilang banda, hindi na niya babayaran ang mga nalaktawan niyang pagdarasal noong siya ay merong pagdurugo.[1]
Kung wala ng natitirang oras para maitayo pa niya maski isang raka'ah (yunit ng pagdarasal) matapos niyang magsagawa ng ghusl (espesyal na pagligo} , dapat pa rin niyang isagawa ang pagdarasal na yon, dahil ayon sa sinabi ng Propeta:
“Sinuman ang nakaabot ng isang yunit ng pagdarasal (rakah) bago sumikat ang araw ay naabutan niya ang Fajr, at sinumang ang naabutan niya ang isang rakah bago nagsimula ang paglubog ng araw ay naabutan niya ang Asr. ” (Saheeh al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Halimbawa: Kung siya ay nagsagawa ng pagliigo matapos ang kanyang pagdurugo sa oras ng Asr at meron pang sapat na oras na natitira bago ang paglubog ng araw para siya ay makapagtayo ng isang rakah, ay dapat siyang magdasal ng Asr.
(2) Pag-aayuno
Ipinagbabawal sa isang babae na kasalukuyang nagreregla o nasa pagdurugo matapos ang panganganak na mag-ayuno, maging para man ito sa Ramadan o boluntaryong pagaayuno, ngunit di tulad sa mga obligadong pagdarasal dapat niyang palitan ang mga araw ng mga pag-aayuno sa Ramadan na hindi siya nakapag-ayuno.
(3) Pakikipag-talik
Ipinagbabawal sa isang babae na kasalukuyang nagreregla o nasa pagdurugo matapos ang panganganak na makipag-talik, bagama't ipinapahintulot naman ang ibang uri ng paglalapit. Patungkol sa pakikipagtalik gamit ang likurang bahagi ay ipinagbabawal ito sa lahat ng oras. Ang Propeta, ang habag at kapayapaan ay mapasakanya, ay tinanong "Ano ang ipinapahintulot sa akin na gawin ko sa aking asawa habang siya ay nasa panahon ng pagreregla?". Ayon sa sinabi ng Propeta:
“Gawin mo ang 'yong ninanais liban lamang sa pakikipag-talik” (Muslim)
(4) Paghawak sa kopya ng Quran
Ipinagbabawal sa isang tao na nasa estado ng hindi pagiging dalisay na humawak sa kopya ng Quran, dahil ayon sa sinabi ng Allah:
“…na hindi maaring hawakan liban na lamang ng nasa estado ng kadalisayan.” (Quran 56:79)
Ayon sa sinabi ng Propeta sa mga tao mula sa Yemen::
“Walang sinuman na pwedeng humawak ng Qur'an liban na lamang sa kanya na nasa estado ng kadalisayan.” (Malik, an-Nasa’i, Ibn Hibbaan, al-Bayhaqi)
Mag Ipinapahintulot na Gawa
(1) pagbabasa ng Quran mula sa mga namemorya.
(2) Du’a (pananalangin).
(3) pagsasagawa ng adhkar: pagsasa-alaala sa Allah sa pamamagitan ng mga partikular na mga salita tulad ng Subhan-Allah, Allahu Akbar, at iba pa.
(4) pagbabasa ng mga aklat patungkol sa mga hadeeth o iba pang mga babasahing Islamiko.
Dapat tandaan na ipinapahintulot ang pagbasa o paghawak sa aklat na salin ng Quran, dahil hindi ito ang mismong salita ng Allah bagkus ay salin lamang ng mga kahulugan nito, kahit pa ito ay may salitang arabik.
Pagtatapos ng Regla
Maaring malaman ng isang babae na tapos na ang kanyang regla o buwanang dalaw sa pag-obserba sa dalawang bagay:
1. Ang puting discharge na indikasyon na tapos na ang pagdurugo.
2. Kompletong katuyuan kung ang isang babae ay walang puting discharge. Sa pangyayaring ganito maari niyang malaman na tapos na ang kanyang pagreregla o buwanang dalaw sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na bulak o anumang telang katulad nito, kung ito ay wala ng bahid ng dugo, nangangahulugan ito na tapos na ang kanyang pagreregla. Kung ito ay may bahid ng pula, dilaw o kulay-kape, nangangahulugan ito na hindi pa tapos ang kanyang regla.
Ang isang babae ay dapat na magsagawa ng pagligo matapos ang kanyang pagdurugo bago siya magsagawa ng pagdarasal, bayaran ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno, o ang gawaing sekswal sa kanyang asawa. Maari siyang maligo habang nasa estado pa ng pagdurugo, ngunit ang tinutukoy natin dito ay espesyal na pagligo (ghusl) na kanyang dapat isagawa sa panahong tiyak na tapos na ang kanyang pagdurugo upang kanya nang maipagpatuloy ang mga naturang gawaing pagsasamba
Mga Patak ng Dugo matapos Dalisayin ng isang Babae ang Kanyang Sarili
Ayon sa sinabi ni Umm ‘Atiyyah: “Binabalewala na namin noon ang manilaw-nilaw at may pagka kulay-kapeng lumalabas matapos ang puting discharge na siyang palatandaan na tapos na ang pagdurugo.” Mula rito, mauunawan na ang mala kulay-kapeng lumalabas matapos ang discharge at hindi na parte pa ng regla, lalo na kung ito ay nangyari bago pa man sumapit ang kadalasang pagpatak ng buwanang-dalaw at walang senyales ng regla tulad ng pamumulikat, sakit sa likod, at iba pa. Kaya mainam para sa isang babae na bayaran na ang mga pagdarasal na hindi niya naisagawa sa panahong ito.
Kung ang pagdurugo ng isang babae ay tapos na at nakakita na siya ng puting discharge na indikasyon na tapos na ang kanyang pagreregla, ang mala kape at manilaw-nilaw na lumalabas matapos nito, o anumang patak o pamamasa ay hindi isang regla, kaya hindi ito magiging hadlang para siya ay magsagawa ng espesyal na pagdarasal, pag-aayuno o pakikipag-talik sa kanyang asawa. Ngunit hindi niya dapat na madaliin hangga't hindi nagiging malinaw sa kanya na siya nga ay nasa estado na ng kadalisayan, dahil may ibang kababaihan, na kapag nabawasan na ang pagdurugo, ay agad agad nang naliligo bago pa man makita ang puting discharge.
At kung ang isang babae ay may regular na buwanang dalaw na tiyak na bilang ng mga araw ng pagreregla, anumang dugo na makikita sa labas nito ay masasabing hindi totoong regla, at dapat na siya ay magsagawa ng pagligo at pagdarasal, kahit pa siya ay walang nakitang puting discharge. Anumang hindi normal na pagdurugo ay maituturing na hindi tunay na regla.