Mga Artikulo

Nakatalang Oras ng Pagdarasal


Ang oras ng pagdarasal ay nagbabago sa pagitan ng tag-lamig at tag-init. Ikaw ay may tatlong pagpipilian:





(a)  Magtanong sa isang relihiyosong Muslim kung kailan ang oras ng espesyal na pagdarasal at tandaan ang mga ito. May kunting pagbabago sa mga ito paglipas ng mga araw.





(b)  Maari mong malaman online mula sa link na ito:





http://www.islamicfinder.org/





Maari mong malaman ang mga oras ng espesyal na pagdarasal (salah) saan mang bahagi ng mundo. Ang site na ito ay mayroon ding listahan ng mga bahay-dasalan (masjid / o mosque) na malapit sa'yo.





 (c)  Kadalasan, ang mga bahay-dasalan (masjid) o mga Islamic center ay nagi-imprinta ng nakatakdang oras para sa espesyal na pagdarasal na nagsasaad rin ng oras para sa sabay-sabay na pagdarasal sa bahay-dasalan (masjid).  Mangyaring makipag-ugnayan sa kanila para makakuha ka ng kopya nito. Sa bahay-dasalan (masjid) rin ay makakatagpo ng suportang kinakailangan ang isang bagong Muslim.





Katawagan ng Dasal sa Arabik


Salin ng Katawagan ng Dasal sa Tagalog


Bilang ng yunit (Raka'ah)


Oras


Fajr





Pagdarasal sa Bukang-liwayway





2





Simula sa pagbukang-liwayway hanggang sa hindi pa nagsimula ang pagsikat ng araw





 





Dhuhr





 





Pagdarasal sa Tanghali





 





4





Simula sa oras ng Dhuh'r hanggang sa pagsimula ng oras ng As'r





 





Asr





Pagdarasal sa Kalagitnaan ng Hapon





 





4





Simula sa oras ng As'r hanggang sa hindi pa nagsisimula ang paglubog ng araw





 





Maghrib





 





Pagdarasal Matapos ang Paglubog ng araw





 





3





Simula sa oras ng Maghrib hanggang sa bago magsimula ang oras ng Isha





Isha





Pagdarasal sa Gabi





4





Simula sa oras ng Isha hanggang sa kalagitnaan ng gabi, na sa pangangailangan, ay pwede pa hanggang sa hindi pa nagsimula ang bukang-liwayway





 





Sa talahanayan-1 sa taas nakatala ang limang pang-araw araw na espesyal na pagdarasal at ang bilang ng mga yunit (raka'ah) ng bawat obligadong (fard) espesyal na pagdarasal.





Saang Direksyon Ako Haharap sa Pagdarasal? 


Ang isang Muslim ay dapat humarap sa direksyon ng Ka'bah (ang Sagradong bahay-dasalan sa Makkah) sa bawat pagsagawa ng pagdarasal (salah). Ang Kabah ay ang unang bahay-dasalan na itinayo para sumamba sa Nag-iisa't Tunay na Panginoon ng lahat ng tao. Lahat ng muslim, saan mang panig ng mundo sila naroroon ay humaharap dito sa tuwing nagdarasal, pansamantalang iniiwan ang mundong pinagkakaabalahan habang isinusubmita ang kanilang mga sarili sa Nagbibigay-biyaya. Ang direksyong ito ay tinatawag na qiblah at ito ay madali lamang mahanap.





Muli, may iilan kang pagpipilian kung paano mo aalamin ang direksyon kung saan haharap sa pagdarasal (qiblah)





(1)  Magtanong sa kapwa Muslim kung saan ang direksyong kailangan sa pagdarasal.





(2)  Sa http://www.islamicfinder.org/ ay malalaman mo kung saan ang lokasyon ng Ka'bah mula sa lugar na kinaroroonan mo.





(3)  May mga orasang-pambisig na mabibili sa mga tindahan na mas pinadadali ang paghanap ng direksyon sa pagdarasal, lalo na kapag nasa hindi pamilyar na lugar o kaya'y nasa paglakbay. Maari silang mabili online[1].





Paghahanda para sa Espesyal na Pagdarasal (Salah)


1.    Ang pagdarasal ay inobliga sa bawat Muslim na nasa tamang gulang at nasa matinong pag-iisip kapag sumapit na ang oras ng  pagdarasal.





2.    Ang pinakaminimum na kinakailangan sa pagdadamit ay dapat na matugunan ng parehong lalaki at babae para sa pagdarasal.





Para sa lalaking Muslim, dapat magsuot ng damit na tumatakip sa pusod na aabot hanggang sa natakpan ang tuhod, at siguraduhin na may nakapatong na damit sa kanyang balikat.





Para sa babaeng Muslim, dapat ay magsuot ng maluwag na damit na tumatakip sa kanyang buong katawan, kasama ang kanyang ulo (at tenga) at paa. Hindi niya kailangang takpan ang kanyang mga kamay at mukha.





3.    Ang isang Muslim ay dapat na nasa estado ng pagiging dalisay, ibig sabihin:





·       dapat na magsagawa ng wudoo (espesyal na paghuhugas) kung siya ay nilabasan ng  hangin (utot), umihi, dumumi, o nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog simula ng huling beses niyang isagawa ang wudoo.





·       dapat na magsagawa ng ghusl (pagligo) kung nagising mula sa wet-dream, nilabasan ng similya, mula sa pakikipag-talik, at  para sa mga kababaihan pagkatapos ng buwanang dalaw o pagdurugo pagkatapos ng panganganak.





4.    Dapat niyang siguraduhin na walang bahid ng dumi (najis) sa kanyang damit, katawan o sa lugar kung saan siya magsasagawa ng pagdarasal.





5.    Dapat ay nakaharap sa direksyon ng pagdarasal (qiblah).





6.    Gawing naka-intensyon na sa kanyang puso na siya ay magsasagawa ng pagdarasal na kanyang gaganapin.





7.    Ang espesyal na pagdarasal (salah) ay dapat isagawa sa lengguwaheng Arabik, mangyaring basahin ang naisatitik mula sa Arabik na naibigay sa huling bahagi ng paksang 'Ang Pagdarasal para sa mga Baguhan (ika-2 bahagi ng 2)'. Ang salin sa tagalog ay para lamang sa pag-unawa sa kahulugan ng inyong binabanggit.





(Paunawa: Lahat ng mga ibinigay na link ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon. Ang newmuslims.com ay hindi responsable sa anumang nilalaman ng nasabing  mga website.)



Kamakailang Mga Post

Definição do Islã em ...

Definição do Islã em 7 minutos

Isang mensahe mula sa ...

Isang mensahe mula sa isang Muslim na mangangaral sa isang Kristiyanong

BIYAYA NG PAG-AAYUNO ...

BIYAYA NG PAG-AAYUNO NG ANIM NA ARAW NG SHAWAL

KINIKILALA NG MGA KRI ...

KINIKILALA NG MGA KRISTIYANONG ISKOLAR ANG MGA PAGKAKASALUNGAT SA BIBLIYA