Mga Karangalan ni Adam
Prophet-Adam.jpgHinirang ng Allah si Adan (Quran 3:33) higit pa sa ibang mga tao na may ilang dakilang mga katangian:
1. Si Adam ay ang ama ng lahat mga tao. Pinili siya ng Allah na maging ama ng sangkatauhan gaya ng sinabi ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah “Kayong lahat ay mga anak ni Adam at si Adam ay nilikha mula sa lupa.”[1]
2. Nilikha ng Allah si Adam sa pamamagitan ng Kanyang mga Kamay. Habang tinutukoy si Satanas, ang Allah ay nagsabi, “Ano ang humahadlang sa iyo na magpatirapa sa isa na nilikha Ko sa aking mga kamay?” (Quran 38:75).
3. Ang Allah ang lumikha ng kaluluwa na inihinga kay Adam. Ang anghel ng Allah, Gabriel, ang huminga ng buhay sa kanya. (Quran 15:29, 38:72).
4. Ang Allah ang nag-utos sa kanyang mga anghel na magpatirapa kay Adam (Quran 15:29, 38:72).
5. Ang Allah ang nagbigay sa kanya ng malaking kaalaman, higit pa sa Kanyang ibinigay sa mga anghel (Quran 2:31).
6. Ang Allah ang nagbigay sa kanya ng tahanan sa Paraiso kasama ng kanyang asawa, Eva, at pinahintulutan silang maging maligaya doon (Quran 2:35).
7. Si Adam ang unang Propeta sa sangkatauhan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “…Si Adam ay isang Propeta at tumanggap ng kapahayagan.”[2]
8. Si Adam ay nagtataglay ng katulad na relihiyon sa lahat ng mga Propeta at nanawagaan sa kaparehong pananampalataya, Islam. Lahat sila ay nag-anyaya sa paniniwala sa Allah at pagsamba sa Allah lamang (Quran 21:25, 16:36).
Paglikha kay Adam
Ang Allah ay nagsabi sa mga anghel na siya ay nagbabalak na magtayo ng isang ‘khalifah’[3] sa Mundo. Ang ‘Khalifah’ ay isang tao na sinusundan ng iba. Naunawaan nila kaagad na hindi si Adam lamang ang mabubuhay sa Mundo, ngunit sa halip, ito ay mahabang kawing ng sangkatauhan, marami sa kanila ang magiging masama:
“At (sabihin mo, O Muhammad), nang ang iyong Panginoon ay nagsabi sa mga anghel, ‘Katotohanan, Lilikha ako ng mga magkakasunod na mamumuno sa mundo.’ Sila ay nagsabi, ‘Maglalagay baga Kayo ng magdudulot ng katiwalian at pagdanak ng dugo, habang kami ay nagpapahayag ng pagpuri sa Iyo at nagpapabanal sa Iyo?’ Ang Allah ay nagsabi, ‘Katotohanan, Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.’” (Quran 2:31)
Ang tanong ng mga anghel ay hindi upang kwestiyunin ang karunungan ng Allah o bunga ng inggit o poot sa mga tao. Nais lamang nilang maunawaan ang layunin ng paglikha kay Adam. Ang tugon ng Allah ay nagsasabi sa atin na sa Kanyang ganap na kaalaman, batid Niya ang mga bagay tungkol kay Adam na hindi nalalaman ng mga anghel.
Nangangamba ang mga anghel na maaaring hindi karapat-dapat si Adam na maging isang khalifah sa Mundo, pinatunayan sa kanila ng Allah na hindi iyon totoo dahil sa ang bagong nilalang ay maaaring malampasan pa sila sa kaalaman. Ang Quran 2:31-33 ay nagsalaysay na tinuruan ng Allah si Adam ng mga pangalan ng lahat ng mga nilikhang bagay na hindi alam ng mg anghel. Binigyang-diin ng Allah sa kanila na ang kanilang kaalaman ay limitado at ang alam lamang nila ay kung ano ang itinuro Niya sa kanila. Nang matalo ni Adam ang mga anghel sa ‘paligsahan ng kaalaman,’ nakuha niya ang kanilang paggalang. Kaya't, nang pag-utusan ng Allah ay nag-unahan sila sa pagpapatirapa kay Adan.
Ilan pang mga detalye sa Paglikha kay Adam
Ang Allah ang nagsabi sa atin sa Quran 20:55 at sa 30:20 na nilikha Niya tayo mula sa lupa. Tinipon ng Allah ang ibat-ibang mga uri at kulay ng lupa upang likhain si Adam. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Katotohanan, si Adam ay nilikha mula sa tatlong uri ng purong: itim, puti, at pula.’[4]
Ang lupang tinipon sa paglikha kay Adam ay ginawang luwad katulad ng nabanggit sa Quran 6:2. Ang luwad ay malagkit (Quran 37:11). Matapos matuyo ang luwad ni Adan, ito ay naging uri na gaya ng palayok, gumagawa ng tunog kapag tinatapik (Quran 15:26).
Matapos hubugin ang luwad ni Adam, Inanyuan ito ng Allah at inilagay sa Paraiso nang ilang panahon bago Niya ito binigyan ng buhay. “Sinimulan ni Satanas na paikutan ang luwad, pinag-aaralan ang kanyang kalikasan. Nang malaman na ito ay marupok, naisip niya, ‘lulupigin ko ito, dahil sa ito ay nilikha na hindi kayang magsama-sama.’ ‘Hindi kayang magsama-sama’ ay nangangahulugang hindi niya kayang pigilin ang kanyang pagnanasa.
Si Adam ay higit na malaki sa sukat kumpara sa mga tao sa ngayon. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Ang Allah ay nilikha si Adam na anim-napong pulgada ang taas, at ang sangkatauhan ay patuloy na lumiliit hanggang sa (sumapit sa matatag na taas) ngayon.’ (Bukhari, Muslim) Kaya't, ang mga tao ay hindi dumaan sa mga antas ng ebolusyon.
Sa ilang mga talata ng Quran (2:117, 3:47, 6:73, 16:40, 19:35, 36:82. 40:68), ang Allah ay nagpahayag na Siya ay lilikha sa pamamagitan lamang ng salita o pag-uutos. Minsan, sa halip na tuwirang magutos, Ang Allah na ang gumagawa ng paraan para mangyari ito. Para sa tao, ang Allah ay nagpadala ng mg anghel upang huminga at bigyan sila ng buhay. Sa sitwasyon nina Adam at Hesus, ipinadala ng Allah si Gabriel upang ihinga ang buhay sa kanila. (Quran 15:29, 38:72).
Ibinuga ang buhay kay Adan sa araw ng Biyernes. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Katotohanan, kabilang sa mga mainam na araw ay ang Biyernes. Sa araw na ito, si Adan ay nilikha, at sa araw ding ito siya ay namatay. Ganun din, sa araw na ito Hihipan ang Trumpeta at sa pagkabigla mamamatay ang lahat.’[5]
Pinaalis si Adan sa Paraiso at ibinaba sa Lupa sa araw ng Biyernes. Ito ang tanda nang pagsisimula ng pananagutan para sa sangkatauhan. Ang kasalanan ni Adan ay pinatawad sa araw ng Biyernes. Mula noon, siya at ang kanyang mga inapo ay magsisimula ng kanilang buhay na may malinis na talaan na pupunuan nila ng kanilang mga gawa, mabuti man o masama.
Kaugalian sa Pagbahin at Salam
Pagkatapos na ihinga ng Allah ang kaluluwa kay Adan, Itinuro Niya kay Adan ang asal sa pagbahin at pagbati. Sa pagpasok pa lamang ng kaluluwa sa kanyang katawan, bumahin si Adan at nagsabi, Alhamdu-lillah Rabbil-‘Alameen (Purihin ang Panginoon ng nilikha). Ang Allah ay tumugon, Yarhamu-kallah (Kahabagan ka nawa ng Allah)[6].
Sinabi ng Allah kay Adan na magtungo sa pangkat ng mga nakaupong anghel malayo sa kanya at bumati sa pamamagitan ng pagsasabi , ‘As-Salamu Alaikum’ (sumaiyo ang kapayapaan). Sila ay tumugon, ‘Alaykas-Salam wa-Rahmatullah’ (at suma inyo rin ang kapayapaan at habag ng Allah)[7].
Ang Asawa ni Adan
Matapos lalangin si Adan, nilikha ng Allah ang kanyang asawa, Hawwa o Eva. Mula sa kanila, ang Allah ay nagkaloob ng mga tao. (Quran 49:13). Si Hawwa ay nilikha mula sa tadyang ni Adan. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay nagsabi, “Pangalagaan mo ang kababaihan, sapagkat ang (unang) babae na nilikha ay mula sa baluktot na tadyang (ni Adan), at ang pinaka-baluktot na parte ng tadyang ay ang bandang itaas. Kapag pinilit mong ituwid ito, mababali mo ito sa pagtutuwid sa kanya, mababali mo ito at kung iiwanan mo ito, mananatili itong baluktot. Kaya't pangalagaan ang kababaihan.” (Bukhari)
Ang mga Anak ni Adan (Adam)
Matapos likhain si Adan, kinuha ng Allah ang lahat ng kanyang angkan mula sa kanyang gulugod (Quran 7:172). Ang Propeta ay nagsabi, “Nang nilikha ng Allah si Adan, hinagod Niya ang kanyang likod, nalaglag mula roon ang bawat tao na magiging supling ni Adan na Kayang lilikhain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.”[1]
Inutusan ng Allah ang mga Anghel na Magpatirapa kay Adan
Ipinagutos ng Allah sa mga anghel na magpatirapa kay Adan matapos niyang bigyan ng hininga si Adan. Ang Allah ay nagsabi sa kanila,
“Nang matapos siyang mabigyan ng anyo (Adan) at hipan ang kanyang kaluluwa, magpatirapa kayo sa kanya.” (Quran 15:29, 38:72)
Matapos bigyan ng buhay si Adan, ipinagutos ng Allah sa mga anghel na magpatirapa sa kanya,
“(Alalahanin) nang Aming sinabi sa mga anghel, ‘Magpatirapa kayo kay Adan.’” (Quran 2:34, 17:61, 18:50, 20:116)
Nang ang Allah ay ma-utos sa mga anghel na magpatirapa kay Adan, si Satanas (o Iblees sa Arabik) ay kabilang sa kanila. Ang mga anghel ay agarang nagpatirapa, subalit si Iblees ay hindi tumalima (Quran 2:34, 20:116, 15:30-31). Ang kanyang unang kasalanan ay ang hindi pagsunod sa utos ng Allah na magpatirapa. Si Iblees ay hindi isang anghel (Quran 18:50); siya ay isang jinn ngunit nakikisalamuha sa mga anghel. Sa halip na magpakita ng pagsisisi at humingi ng tawad sa kanyang inasal, ang Allah ay nagsabi,
“Kaya't sila (mga anghel) ay nagpatirapa, maliban kay Iblees, na tumanggi, nagmataas, at (kaya) napabilang sa mga hindi naniniwala.” (Quran 2:34)
Binigyan siya ng Allah ng pagkakataong magsisi; gayunpaman, si Iblees ay lalong sumuway at naghimagsik. Upang bigyang-katwiran ang kanyang pagmamataas, si Satanas ay nagsabi na mas nakakahigit siya kay Adan sapagkat ang apoy ay higit na mainam kaysa sa luwad.
Pinalayas ng Allah si Iblees mula sa Paraiso bilang parusa.
Batid ni Iblees na siya ay mapaparusahan sa kanyang hindi pagsunod, ngunit siya ay humiling na iantala ang kanyang kaparusahan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Pinagbigyan ng Allah ang kanyang kahilingan para sa isang dakilang karunungan.
Inihayag ni Iblees ang kanyang masamang balak na iligaw ang sangkatauhan. Ipinagyabang niya kay Allah,
“Si (Iblees) ay nagsabi, ‘Sapagkat inilagay mo ako sa kamalian, katiyakang haharangan ko sila (mga tao) tungo sa Inyong matuwid na landas. Katiyakang ako ay sasalakay mula sa kanilang harapan at mula sa kanilang likuran sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa, at karamihan sa kanila ay matatagpuan mong walang pasasalamat (sa Inyo).’” (Quran 7:16-17)
Sinisisi ni Iblees ang Allah sa kanyang kasawian, kahit na ang Allah ay hindi pumigil sa kanyang kalayaang pumili. Ang karunungan ng Allah ay nag-uutos na si Iblees ay maging "instrumento' bilang pagsubok sa sangkatauhan at siya ay binigyan ng pambihirang kapangyarihan sa mga tao, subalit ang kanyang limistayon ay hindi niya magagapi ang mga totoong alipin ng Allah.
Pinahintulutan ng Allah si Iblees na ipagpatuloy ang kanyang balak. kapag natapos na niya ang kanyang masamang pakana, siya ay mananahan sa Impiyerno kasama ng kanya mga kampon mula sa mga jinn at tao (Quran 7:18).
Sina Adan at Hawwa sa Paraiso
Hinayaan ng Allah sina Adan at Eva na manahan sa Paraiso, ang pinakamainam na tirahan. Pinahintulutan Niya sila na magtamasa ng walang patid na kasaganahan doon. Gayunpaman, pinagbawalan sila ng Allah na kainin ang isang partikular na prutas,
“Aming sinabi, ‘O Adan, mamalagi, ikaw at ang iyong asawa, sa Paraiso, at kumain ng anumang nais mula sa kasaganahang naroroon. Ngunit huwag lalapitan ang punong ito, baka ikaw ay mapabilang sa mga masasama.’” (Quran 2:35)
Di-naglaon pagkatapos na si Adan at Hawwa ay nagsimulang manirahan sa Paraiso, pinakawalan ni Satanas ang kanyang mapanuksong panlilinlang sa kanila. Inosente ang dalawa at walang alam sa kasinungalingan at panlilinlang. Nagsagawa si Satanas ng huwad na panunumpa at ginamit ang kanilang kamangmangan sa kanyang sariling kapakinabangan. Iminungkahi sa kanila ni Satanas na matutulad sila sa mga anghel o mabubuhay magpakailanman sa Paraiso. Sina Adan at Hawwa ay dinaig ng pagnanasa at nahulog sa patibong ni Satanas at kumain mula sa ipinagbabawal na puno. Matapos nilang gawin iyon, ang kanilang pribadong bahagi ng katawan ay nalantad (Quran 2:36). Ang mabilis na resulta ng kanilang pagsuway ay ang pagtanggal ng espirituwal na damit ng taqwa, kaya sila ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkawala ng mga pisikal na kasuotan na tumatakip sa kanilang mga pribadong bahagi.
Sila ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkawala ng mga pisikal na kasuotan na tumatakip sa kanilang mga pribadong bahagi.
Unang tinukso ni Satanas si Hawwa at pagkatapos ay hinikayat niya si Adan na kumain mula sa ipinagbabawal na puno (ayon sa mga ulat nina Bukhari at Muslim).
Matapos akitin ni Satanas ang mag-asawa na suwayin ang Allah, sila ay pinalayas sa Paraiso upang mamuhay sa Mundo, na susundan ng kamatayan at muling pagkabuhay.
Nang mapagtanto nina Adan at Hawwa ang labis nilang pagkakasala, pinangsisihan nila ito at humingi ng tawad sa Allah. Ang kanilang naging pag-uugali sa nagawa nilang kasalanan ay lubhang malaki ang pagkakaiba kay Satanas. Sinisi ni Satanas ang kanyang Panginoon sa kanyang pagsuway at pagtanggi na magpamalas ng pagsisisi.
Ipinakita ng Allah ang pamamaraan ng paghingi ng tawad sa pamamagitan ng pagturo ng ilang mga salita upang ihayag ito. Ang mga salitang sinabi ni Adan at ng kanyang asawa ay:,
“Aming Panginoon, kami ay nagkamali sa aming mga sarili at maliban sa gawaran Mo kami ng kapatawaran at ipagkaloob ang habag sa amin, tunay na kami ay mapapabilang sa mga talunan.” (Quran 7:23)
Ang pinakamainam na paraan upang humingi ng tawad ay kilalanin ang pagkakasala at pagkakamali. Itinuro ng Allah kina Adan at Hawwa kung paano sabihin ang paghingi ng tawad.
Tinanggap ng Allah ang kanilang paghingi ng kapatawaran at sinabi sa kanila na ang tao ay kailangang mamalagi sa Mundo. Tanging ang gumagawa ng kabutihan ang siyang papapasukin sa Paraiso.