Mga Artikulo

Sa Islam, si Hesus ay isang minamahal at pinahahalagahang tao, isang Propeta at Sugo na nanawagan sa kanyang mga nasasakupan na sumamba sa Nag-iisang Tunay na Panginoon. Ang mga Muslim at Kristiyano ay may  pagkakatulad ang paniniwala tungkol kay Hesus. Ang isang buong paglalarawan ay matatagpuan dito, http://www.islamreligion.com/articles/1412/ at sa iba pang mga artikulo sa parehong website. Gayunpaman, ang mga Muslim at mga Kristiyano ay may malayo at magkahiwalay  na paniniwala sa isang napakaimportanteng detalye. Ang mga  Muslim ay hindi naniniwala na si Hesus ay ang Allah ( Diyos), o na siya ay anak ng Allah ( Diyos), o siya ay bahagi ng isang pagiging tatlo (trinity).





Aralin 1





Minamahal rin ng mga Muslim si Hesus





Ang kalagayan ni Propeta Hesus sa Islam ay minsang nagbibigay ng pag-aalinlangan sa maraming mga Kristiyano na yumayakap sa Islam. Kadalasang mahirap para sa kanila na pagtugmain ang mga dating sagradong paniniwala para sa kanilang mga bagong pinaniniwalaan. Ang unang mahalagang aral na ating matututunan sa pamamagitan ng pagsulyap  sa buhay ni Propeta Hesus na siya ay nananatiling isang napakahalagang tao. Ang isang nagmamahal kay Propeta Hesus ay maaaring yumakap o magbalik-loob sa Islam nang hindi kinakailangang ihinto ang pagmamahal sa kanya. Sa Islam, ang pagmamahal sa lahat ng mga Propeta at mga Sugo ay isang mahalagang doktrina ng Pananampalataya.





Si Propeta Hesus ay isang maimpluwensyang kinatawan sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano na posibleng bumuo ng tulay o daan sa buong mundo  tungo sa pag-unawa, pagbibigayan, ng  mga ibinahaging kahalagahan dahil sa  kanilang pagmamahal sa Propetang ito.





Aralin 2


Hindi Kailanman Tinukoy ni Hesus ang Kanyang Sarili bilang isang Diyos





Sa parehong Ebanghelyo ng mga Kristiyano, na tinutukoy ng mga Muslim na Bibliya (Injeel), at sa mga pinagkukunan ng Islam, hindi kailanman tinawag ni Hesus ang kanyang sarili na isang Diyos (Allah) o itinuro na siya ay anumang bagay maliban sa isang Propeta o Sugo na mula sa Allah para sa mga tao ng Israel. Tinuruan ni Hesus ang kanyang mga tagasunod na manalangin sa Nag-iisang Diyos lamang, hindi sa kanyang sarili. Hindi rin niya itinuro na dapat manalangin ang sinuman sa pamamagitan ng kanyang pangalan.





Ang una sa sampung mga kautusan na ipinahayag kay Propeta Moses (Musa) ay ang Deuteronomi: 4, "Dinggin mo, O Israel: Ang Panginoon na ating Diyos ay ang nag iisang Panginoon". Ito ay inulit at itinaguyod ni Hesus sa Ebanghelyo ni Marko (12:28 at 29). "At ang isa sa mga tagapahayag ay dumating, at ... siya ay tinanong, kung ano ang  unang kautusan sa lahat? At si Hesus ay tumugon sa kanya, Ang una sa lahat ng mga kautusan ay, Dinggin mo, Oh Israel; Ang Panginoon na ating Diyos ay ang Nag-iisang Panginoon. '"





Sa Quran, sinabi ni Propeta Isa (Hesus), “… 'Dumating ako sa inyo na may kaalaman, at upang maging maliwanag sa inyo ang ilan sa mga (bahagi) na inyong pinagtatalunan. Kung gayon, matakot sa Allah at sumunod sa akin. Katotohanan, ang Allah ang aking Panginoon at iyong Panginoon, kaya sambahin lamang Siya. Ito ay isang matuwid na landas. '"(Qur'an 43:63)





Sa mga salitang mula sa Bibliya ni King James, nang siya ay tinanong ng isa sa mga disipulo ni Hesus, "Panginoon, turuan mo kaming manalangin, gaya ng itinuro ni Juan sa kanyang mga alagad." Siya ay sumagot, "Kapag ikaw ay nanalangin, iyong sabihin: 'Ama naming nasa langit, sambahin ang ngalan mo, ang iyong darating na kaharian, ang iyong kalooban ay magaganap sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pang-araw-araw na makakain, at patawarin mo kami sa aming mga nagawang pagkakasala tulad ng ginawa naming pagpapatawad sa mga nagkamali sa amin. Isa-ilalim mo kami sa pagsubok nguni't iligtas mo kami mula sa masama.'"(Lucas 11: 1-4, Mateo 6: 9-13)





Itinuro ni Hesus sa kanyang mga tagasunod kung ano ang tinutukoy ng Kristiyanismo na "Ang Panalangin ng Panginoon", isang panalangin na pinahahalagahan ng mga Kristiyano sa halos parehong paraan na iniisip ng mga Muslim sa pagbukas ng kabanata ng Quran, ang Al-Fatihah.





Aralin 3





Ang isang Kapatiran na mayroon sa pagitan ni Propeta Isa(Hesus)  at ni Muhammad (SAW)





Tulad ni Hesus na anak ni Maria, si Propeta Muhammad (SAW) ay dumating upang kumpirmahin ang mensahe ng lahat ng mga Propeta na nauna sa kanya; nanawagan siya sa mga tao upang sambahin ang Nag-iisang Diyos. Sa kanyang Sunnah ay tinukoy ni Propeta Muhammad (SAW) ang ugnayan na mayroon sa pagitan ng lahat ng mga Propeta ng Allah bilang isang kapatiran. Ngunit nang magsalita siya tungkol kay Propeta Hesus, ay kanyang sinabi: "Ako ang pinakamalapit sa anak ni Maria sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Walang ibang Propeta sa pagitan niya at sa akin. "[1]





Sinabi rin niya, "Sinuman ang nagpapatotoo na walang karapat-dapat na sambahin maliban sa Nag-iisang Diyos, na walang katambal, at si Muhammad (SAW) ay Kanyang alipin at Propeta, at si Hesus ay Alipin ng Allah, Kanyang Propeta, at Kanyang salita.[2]na ipinagkaloob Niya kay Maria ang  isang espiritu na nilikha mula sa Kanya; at ang Paraiso (Langit) ay totoo, at na ang Impiyerno ay totoo, na ang Allah sa huli ay tatanggapin siya sa Paraiso, ayon sa kanyang mga gawa. "[3]





Sinabi ng Allah sa Quran: “Si Hesus, ang anak ni Maria, ay isang Sugo lamang ng Allah, at ang isang katuparan ng Kanyang utos ay, 'Maging', na Kaniyang ipinahayag kay Maria, at siya ay isang kaluluwa na nagmula sa Kanya, katulad ng mga kaluluwa ng iba pang mga tao. "[4]





Aralin 4


Panlipunang Katarungan


Parehong sina Propeta Muhammad (SAW) at Hesus ay nagkaroon ng malakas at matatag na pangitain para sa panlipunang katarungan. Sila ay parehong nakipaglaban sa mga di-pagkakapantay-pantay at kawalang-katarungan sa kani-kanilang mga lipunan, at sila ay parehong masugid na tagapagtanggol ng mga maralita, mga balo, at mga ulila.





Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Ang isang taong nag-aasikaso at tumutulong sa isang balo o mahirap na tao, ay parang isang mandirigma na nakikipaglaban para sa Kapakanan ng Allah o tulad ng isang taong nag-aayuno sa araw at nagdarasal sa buong gabi." [5]





           “Ang mga paggugol ng Zakah ay para lamang sa mga mahihirap at sa mga                  nangangailangan at para sa mga nagtatrabaho upang mangolekta ng [zakah]              at para pag-isahin ang mga puso [para sa Islam] at para sa pagpapalaya ng                 mga  bihag [o mga alipin] at para sa mga nabaon sa pagkakautang at para sa               kapakanan ng Allah at para sa [naiwan na] manlalakbay - isang obligasyon ang           [ipinataw] ng Allah. At ang Allah ang may Alam at Matalino. "(Qur'an 9:60)





Si Propeta Hesus ay madalas ring magsalita alang-alang sa mga mahihirap at mga nalalamangan ( sa buhay). Ang kilalang pangangaral sa Bundok ay isang halimbawa: "Mapalad kayong mga mahihirap, sapagkat sa inyo ang kaharian ng Nag-iisang Panginoon. Mapalad kayo na nagugutom ngayon, sapagkat ikaw ay mapupuno. Mapalad ka na umiiyak ngayon, sapagka't ikaw ay tatawa. "(Lucas 6:20 at 2)





Sa ebanghelyo ni Mateo, 25: 31-46, iminungkahi ni Propeta Hesus na ang kanyang mga tagasunod ay makikilala at hahatulan sa pamamagitan ng kanilang mga gawain sa pagpapakain sa mga nagugutom, pagdadamit sa nakahubad, at pagbisita sa may sakit at nabilanggo. Sinasabi ni Hesus na kapag ang isa ay gumawa ng isa sa mga gawain na ito sa "pinakamababa" (sa larangan ng pamumuhay) niyang mga kapatid, ito ay tulad ng paggawa niya para sa  Propeta .





Ang pagpapahalaga sa kawanggawa at hustisya ni Propeta Hesus ay hindi pangkaraniwan tulad ng katarungang panlipunan na itinuro at ipinatupad ni Propeta Muhammad (SAW).



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG