Mga Artikulo

Ang mga tao na nasa ganitong gawain ay Kilala bilang mga manghuhula, tagapaliwanag ng kapalaran, at may mga katangiang makita ang hinaharap, magpapalad, ilang taong nag-aangkin ng katangiang nalalaman ang hinaharap. sila'y gumagamit ng ibat ibang pamamaraan at mga kasangkapan na kanilang pinaniniwalaan na nakakapagbigay sa kanila ng impormasyon, gaya ng pagbabasa sa mga dahon, pagguhit ng linya, pagsulat ng numero, pagbasa sa  palad, sa mga bituin, bolang kristal na panghuhula, at pagbato ng mga stik.





Nalalaman ba nila talaga ang kanilang ina-angkin?


1.    Ilan sa kanila ay walang totoong kaalaman. Sila ay nagsasagawa ng mga walang kabuluhang ritwal, at sila ay magsasabi ng mga haka-hakang pananaw. Ilan  sa kanilang haka-haka ay maaring nagkataong  katulad ng katotohanan. Ang mga tao ay tumitingin sa mga mangilan-ngilang hula na  nagkatotoo at nakakalimutan ang  maraming hindi nagkatotoo.





2.     May ilang grupo na may ugnayan sa  Jinn. at ito ay nabibilang sa isang malaking kasalanan na  shirk,  at silang mga kasangkot  ay nagbabakasakaling maging mas makatotohanan sa kanilang impormasyon .





 Ang tungkulin ng Jinn


Ang masamang  Jinn ay kadalasang tinatawag  sa pamamagitang ng mga di kaaya- ayang gawain  na ipinagbabawal sa relihiyon para tulungan ang kanilang kasabwat na tao sa paggawa ng kasalanan at kawalang paniniwala. Kapag ang pakikipag-ugnayan ng mga manghuhula sa jinn ay isinagawa, ang mga jinn ay nagbibigay-alam  sa kanila ng ilang mga kaganapan sa hinaharap. Ang Propeta sumakanya  nawa ang biyaya at pagpapala ng Allah, ay nagsabi kung paano nakakakuha ng impormasyon ang mga jinn  patungkol sa hinaharap, isinalaysay niya na ang mga jinn ay kayang maglakbay sa pinaka mababang antas ng mga kalangitan at pinakikinggan ang ilang impormasyon patungkol sa hinaharap ,kung saan itoy ibinabalita ng mga anghel sa kanilang mga kasamahan, at sila'y babalik sa mundo upang ibalita ito sa kanilang mga kasabwat na tao  (Bukhari).  Kaya't sa pamamagitan nito  naging malinaw na ang mga jinn ay walang kaalaman sa  anumang di nakikita, kung hindi sila ay nagnanakaw lang ng impormasyon na kanila lamang naririnig mula sa mga anghel, sa katotohanan, ang mga anghel mismo ay wala din kaalaman sa mga bagay na ito maliban na ipahintulot ng Allah na malaman nila ito.





Ang Jinn  ay magagawa ding magbigay-alam sa kanilang kasabwat na tao  patungkol sa hinaharap mula sa ibang kapamaraanan, kung may pupunta sa isang manghuhula, ang jinn ng manghuhula ay kukuha ng impormasyon mula sa Qareen ( Ang jinn na nakatalaga sa bawat tao) kung ano ang planong meron siya bago ito dumating. Kaya't ang manghuhula ay pweding magsabi na gawin mo ito at yaon. O pumunta ka dito o doon, sa pamamagitan ng paraan na ito , ang tunay na manghuhula ay magkakaroon din ng  kaalaman sa nakaraan ng taong nagpapahula na maliwanag at detalyado, kaya niyang sabihin sa nagpapahula ang pangalan ng kanyang magulang, kung saan siya ipinanganak, at ang kanyang kabataan.





Ang pagbisita sa mga manghuhula


Ang Propets ay naglatag ng mga panuntunan  na maliwang na nagbabawal sa anumang sitwasyon ng pagbisita sa mga manghuhula, siya ay nagsabi: 





 “ Ang panalangin ng sinumang magtutungo sa mga manghuhula  at siya ay magtanong  ng anuman  ay hindi tatanggapin sa loob ng 40 araw  at gabi.” (Muslim)  





 Ang kaparusahan ay dahil lamang ng pagbista sa isang manghuhula at magtanong o mag-usisa.





Paniniwala sa mga Manghuhula


Sinuman na bumisita sa manghuhula  sa paniniwalang may alam siya sa mga di nakikita  at sa hinaharap ay nakagawa ng  kufr (kawalang paniniwala). Ang Propeta ay nagsabi :





“ Sinuman ang makipag-ugnayan sa manghuhula  at maniwala sa sinasabi nito  ay nawalan ng paniniwala sa ipinahayag kay Muhammad.” (Abu Dawud)





Ang ganitong  paniniwala ay nakatalaga sa ilang mga katangian ng  Allah  patungkol sa kaalaman ng mga di nakikita  at sa hinaharap. 





 katulad din ito doon sa mga  nagbabasa  ng mga aklat at mga isinulat ng mga manghuhula, pakikinig sa kanila sa internet, radyo, o sa telebesyon.





Lahat ng ibat-ibang klase ng pamamaraan na ginagamit ng mga tagabulong, manghuhula  at mga kauri nito ay hindi ipinahihitulot sa mga Muslim.





Ang pagbabasa ng palad, I-Ching, fortune cookies, mga dahon ganun din ang   Zodiacal signs at  Bio-rhythm computer na programa, lahat ng pag-angkin na  para masabi sa mga naniniwala sa kanila ang kanilang hinaharap. Ganunpaman  si Allah  ay nagpahayag  na  walang sinuman ang nakakatiyak  at Siya lang ang tanging nakakaalam  ng hinaharap:





“Katiyakan, ang kaalaman sa Takdang oras  ay kay Allah lamang. Siya  ang nagpapababa ng ulan  at Siya ang nakakabatid sa anumang  nilalaman ng mga sinapupunan walang nakakaalam kung ano ang kanyang kahihinatnan sa kinabukasan at kung saang lugar siya aabutan ng kamatayan, ngunit si Allah ang pinaka-maalam  at lubos na nakakabatid .”(Quran 31:34)





Astrolohiya


Ang astrolohiya ay ang pag-aaral sa ugnayan sa pagitan ng paggalaw ng mga bituin at ang mga impluwensiya nito sa mga tao at mga kaganapan. 





 Ang astrolohiya ay kapansin-pansing lumaganap  sa mga nakalipas na mga panahon.   Libro, magasin, at sa mga peryudiko ay nailathala, sa ilalim ng ibat ibang titulo o katawagan  kagaya ng  Ano ang meron sa  Bituin para sa iyo? 





 Ang isang totoong Muslim  ay nararapat lang na lumayo sa astrolohiya dahil nagpapahiwatig ito ng ugnayan  sa pagitan ng mga bituin, planeta, at mga pangyayari  na naganap dito sa mundo, na nagpapalagay na ang hinaharap ay nahuhulaan. Ito'y nag-aangkin ng kaalaman sa mga hindi nakikita base sa mga haka-haka at pala-palagay  gayung ang kaalaman ay tanging kay Allah lamang. Ang planeta at mga bituin ay hindi pweding gamitin bilang tagapagpahiwatig  ng kasiyahan, kalungkutan, buhay, o kamatayan. Ang kataas-taasang Allah ay nagsabi  sa banal na  Quran :





"(Siya lamang ) ang Pinaka-maalam ng mga  ghayb (di nakikitang  bahagi ),  at hindi Niya ipinahayag kaninuman ang Kanyang  ghayb (di nakikitang bahagi),  maliban sa Mensahero ( mula sa sangkatauhan) na Kanyang pinili ( at ipinahayag Niya dito ang mga  di nakikitang bahagi ayun sa Kanyang nais ), at Siya ay  naglagay ng mga anghel na tagamasid  na mangangalaga na mauuna sa kanya at  sa likuran niya." (Quran 72:26-27)





Ang paniniwala sa astrolohiya at sa kalagayan ng horoskop  ay maliwanag  na kabaliktaran  sa katuruan ng islam. Parehong nag-aangkin na may kaalaman sa hinaharap, ang pag-angkin ng tagapag-gawa ng astrolohiya  ay  salungat sa tawhid  gaya ng mga ordinaryong manghuhula, sila'y nag-aangkin na ang mga katangian ng  tao ay may kinalaman  sa mga bituin at sa kanilang hinaharap, at ang mga pangyayari sa kanilang buhay ay nakasulat sa mga bituin. Ang isang ordinaryong astrolohiyo  ay nag-aangkin  na ang pagkakadugtong ng mga dahon  sa ilalim ng isang tasa  o ang mga linya ng mga palad ay nagsasabi ng parehong bagay, sa parehong  pangyayari  ang isang indibiduwal  ay nag-aangkin  ng kakayahang mabasa sa  pisikal  na pagkakabuo  ng  mga  nilikhang bagay, kaalaman sa di na nakikita. 





Interpretasyon ng Panaginip





Ang kahulugan ng mga panaginip


 Ang panaginip ay isang serye ng mga saloobin, mga imahe at mga sensasyon na nagaganap sa isip habang natutulog ang isang tao. Ang mga panaginip ay isang unibersal na karanasan ng tao at ang nananaginip ay may napakaliit na kontrol  sa nilalaman nito. Ang ating mga karanasan sa mga panaginip ay may tunay na mga katangian at maaaring maging napakalinaw at madalas na kakaiba. Ang ilang mga tao ay nag-uulat ng mga napaka-emosyonal na mga karanasan habang nananaginip at mga nakakatakot o nakakainis na mga panaginip na madalas na tinutukoy bilang mga bangungot. Sa buong kasaysayan ng sangkatauhan ay sinubukan ng mga tao na bigyang-kahulugan ang kanilang mga panaginip at maraming mga tao ang naniniwala na naglalaman ang mga ito ng mahahalagang mensahe o mga simbolo. Maraming mga pamahiin at mga paniniwala na nauugnay sa mga panaginip at ang Islam ay nilinaw ang maraming mga maling pakahulugan na kinasasangkutan ng mga panaginip at ang kanilang interpretasyon.





  Sinasabi ng mga iskolar ng Islam na habang ang mga panaginip ay maaaring maging makabuluhan, hindi lahat ng mga panaginip ay dapat isaalang-alang na mahalaga. Si Ibn Siren ay itinuturing na pinakatanyag sa mundo na dalubhasa  sa pagbibigay ng interpretasyon ng mga panaginip at tinawag niya itong  isang mahirap na siyensya na dapat bigyan nang lubos na pag-iingat. Ang kahalagahan ng isang panaginip ay kadalasang natutukoy ng pakiramdam na nagawa nito sa taong nanaginip, subalit ang karamihan sa mga panaginip ay walang tunay na halaga at dahil dito ay hindi na kailangan ang interpretasyon.





Ang tatlong uri ng mga panaginip


Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi sa atin na mayroong tatlong uri ng mga panaginip[1]. Ang isang totoong panaginip (kung minsan ay tinatawag na isang mabuting panaginip) na dumadating sa atin mula kay Allah, ang isang masama o nakakatakot na panaginip na nagmula sa Shaytan at ang pangatlo ay isang panaginip na nanggagaling sa mga karanasan at mga saloobin ng isang tao. Ang bawat isa ay dapat na pinangangasiwaan ng naiiba.





Sinabi ni Propeta Muhammad na kapag nanaginip ang sinuman ng gusto niya kung gayon ito ay mula kay Allah. Dapat niyang pasalamatan si Allah para dito at isalaysay ito sa iba[2].  Ang Propeta ay nagpatuloy at nagsabi na kapag ang isang tao ay may isang mabuting panaginip, dapat niyang asahan ang magagandang bagay na mangyayari at isalaysay lamang ang panaginip sa mga taong gusto niya[3].  Ang isang halimbawa nito ay nasa Quran nang si  Propeta Yusuf ay nagsalaysay sa kanyang ama ng kanyang panaginip tungkol sa araw, sa buwan at ang mga bituin na nagpatirapa sa kanya. Ang kanyang ama, si Propeta Yaqub ay nagsabi kay Yusuf na huwag isalaysay ang panaginip sa kanyang mga kapatid.





“Tandaan nang sinabi ni Yusuf sa kanyang ama: 'O aking ama! Katotohanang aking nakita sa aking panaginip ang labing-isang bituin  at ang araw at ang buwan , ang mga ito ay nakita kong nagpapatirapa sa akin. Siya [ang kanyang ama] ay nagsabi, ;O anak! Huwag mong isalaysay sa iyong mga kapatid ang iyong nakita sa iyong panaginip baka sila ay magbalak laban sa iyo.'..” (Quran 12: 4 & 5)





Ang nakakatakot o nakakagambala na mga panaginip ay mula sa Shaytan at walang iba kundi ang kanyang pagtatangka na takutin at sindakin tayo. Sinasabi sa atin ni Propeta Muhammad na ang mga panaginip na ito ay hindi makakapinsala sa isang tao sa anumang paraan. Kaya kung ang isang tao ay may isang masamang panaginip o bangungot ay dapat siyang dumura ng tuyo (walang laway na dapat lumabas) sa kanyang kaliwa ng tatlong beses at humingi ng pagpapakupkop laban kay Shaytan mula kay Allah[4].  Inirerekomenda din niya ang pagbaliktad [5].





Ang pangatlong uri ng panaginip ay isa na hindi umaakma sa alinman sa mabuti o masamang kategorya. Ang mga panaginip na ito ay mula sa kung ano ang iniisip o ikinababahala ng isang tao o mula sa mga karanasan, mga pangyayari at mga kinakatakutan na nakaimbak sa memorya at walang kamalay-malay na isip . Ang mga panaginip na ito ay walang kinalabasan at walang interpretasyon para sa mga ito.





Mga panuntunan ng interpretasyon ng panaginip


 Ang opinyon ng karamihan sa mga iskolar ng Islam na ang mga panaginip ay dapat lamang bigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng isang tao na karapat-dapat na gumawa nito. Ang dahilan dito ay sa dahilang ang interpretasyon ng mga panaginip ay maaaring maging problema. Tingnan natin halimbawa ang isang simpleng bagay tulad ng pag-alam kung ang panaginip mo ay tungkol sa iyo o sa ibang tao o kahit isang tao na konektado sa ibang tao. Nakita ng isang kasamahan ni Propeta Muhammad sa isang panaginip ang dakilang kaaway ng Islam na si Abu Jahl na naging Muslim at nangako ng katapatan sa Propeta. Ito ay hindi nangyari; ang anak na lalaki ni Abu Jahl ang kalaunan ay nagbalik-loob sa Islam at nangako ng katapatan. Ang mga simbolo sa mga panaginip ay nakakapagdulot din ng problema dahil ang mga ito ay nagbibigay ng kahulugan ng iba't ibang mga bagay sa iba't ibang tao.





Dapat tayong mag-ingat na huwag umasa nang labis sa mga panaginip o maniwala na sila ay puno ng mga nakatagong mga kahulugan at mga simbolo. Subalit may ilang mga panaginip na madaling mabigyan ng interpretasyon. Kung ang Propeta Muhammad ay lumitaw sa isang panaginip at nakita siya bilang kung ano ang inilarawan sa Sunnah kung gayon ay maaari nating siguraduhin na ito ay isang totoong panaginip, na mula kay Allah at puno ng mabubuting balita. Sinabi ng Propeta na sinuman ang nakakita sa kanya sa isang panaginip ay talagang nakita ng katotohanan[6].   





Tungkol sa pagpapakahulugan ng mga panaginip bilang isang sagot sa isang pagdarasal ng Istikarah[7],  kung gayon ito ay maling kasanayan . Hindi sinasagot ni Allah ang mga dasal na ito sa pamamagitan ng panaginip.  Ang mga panaginip na nabigyan ng interpretasyon ay dapat gawin nang ayon sa Quran at Sunnah. Ang isang halimbawa nito ay kung ang isang tao ay nanaginip na siya ay nakahawak  nang mahigpit sa isang lubid. Nauunawaan natin na ito ay nangangahulugan na isang tipan mula kay Allah dahil makikita natin sa Quran ang sumusunod na talata.





“At tumangan kayo ng mahigpit sa lubid ni Allah...” (Quran 3:103)





Ang mga panaginip ng mga propeta


Ang totoo o magagandang panaginip ay bahagi ng pagka-propeta; Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na ang mga totoong panaginip ay isa sa 46 bahagi ng pagka-propeta[8].  Sinabi sa atin ng kanyang minamahal na asawa na si Aisha na ang unang pahayag na ipinagkaloob sa Propeta ay isang totoong panaginip sa isang estado ng malalim na pagtulog at hindi na siya kailanman nanaginip ng isang panaginip na hindi nagpapakita ng pangitain pagkatapos nito[9]. Sumasang-ayon ang mga iskolar ng Islam na ang mga panaginip ng mga propeta ay isang anyo ng rebelasyon. Ang isang halimbawa nito ay nang si Propetang Ibrahim ay nag-intensyon na patayin ang kanyang anak dahil nakita niya ito sa isang panaginip.





Ang pagiging totoo ng isang panaginip ay may kaugnayan sa pagiging makatotohanan at pagiging matapat ng siyang nanaginip. Sinabi ni Propeta Muhammad na ang mga may totong panaginip ay yaong mga pinaka matapat sa pananalita[10].  Sinabi rin niya sa atin na sa pagtatapos ng mga araw ay magkakaroon ng napaka-kaunting mga panaginip na hindi totoo. Ipinaliwanag niya na dahil ang mga propeta at ang kanilang impluwensya ay napakalayo sa panahon, ang mga mananampalataya ay bibigyan ng isang anyo ng gantimpala, mga tunay na panaginip[11].



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG