Mga Artikulo

Ang "jinn o espiritu" ay bukod na nilikha ng Allah tulad ng mga tao at mga anghel. Maaari silang mag-isip tulad ng mga tao at piliin ang landas ng mabuti o masama, ngunit, hindi katulad ng mga tao, ang jinn  ay nilikha mula sa apoy (Qur'an 15:27, 55:15). Gayundin, ang jinn ay karaniwang hindi nakikita ng mga tao (Quran 7: 27) at may ilang natatanging kakayahan na wala ang tao.





Ang paniniwala sa jinn ay obligado. Dahil ang mga ito ay binanggit sa Quran at sa Sunnah ng Propeta, ang isang Muslim ay kinakailangang maniwala sa kanilang pagkalikha at anumang impormasyon na makikita natin tungkol sa mga ito sa dalawang Islamikong mapagkukunan.





Ang Buhay ng mga Jinn o Espiritu





Ang mga jinn ay namumuhay sa lupa katulad ng mga tao, ngunit mas madalas silang matagpuan sa mga lugar na guho o sira-sira at mga maruming lugar tulad ng mga banyo at mga sementeryo. Gustung-gusto nilang umupo sa pagitan ng lilim at sikat ng araw.





Ang lahat ng jinn ay hindi magkakapareho. Ang iba sa mga ito ay mabuting espiritu at ang iba sa kanila ay mga masama. Binanggit ng Allah sa Qur'an kung ano ang sinabi ng mga jinn tungkol sa kanilang sarili:





“May ilan sa atin na mga matuwid, at ang ilan ay salungat. Sinusundan natin ang magkakaibang mga landas. "(Qur'an 72:11)





May mga Muslim at di-Muslim na jinn.





“At ang iba sa atin ay mga Muslim at ang iba sa atin ay mga hindi naniniwala (na lumihis mula sa Tamang Landas). At sinumang yumakap sa Islam, kung gayon ay natagpuan niya ang Tamang Landas. "(Qur'an 72:14)





Ang mga jinn ay kumakain at umiinom, minsan ay kasalamuha natin. Madali silang maitaboy mula sa pagkain at pag-inom kasama natin na ating tatalakayin mamaya. Sila rin ay nag-aasawa at mayroong mga anak. Binanggit ng Allah ang mga anak ng jinn sa Quran, "... Kung gayon ay kukunin mo ba siya at ang kanyang mga supling bilang mga tagapagtanggol kaysa sa Akin? ..." (Qur'an 18:50)





Ang Jinn ay hindi mabubuhay magpakailanman, sila ay mamamatay. Ang Propeta ay laging sinasabi sa isa sa kanyang mga panalangin, "Humihingi ako ng pangangalaga sa Iyong kaluwalhatian, wala ibang tunay na Panginoon maliban sa Iyo (Allah), ang Nag-iisa na hindi kailanman mamamatay, at ang mga tao at ang mga jinn ay mamamatay." (Saheeh Al-Bukhari)





Ang jinn ay maaaring gayahin ang hugis ng mga ahas, itim na pusa, itim na aso, at minsan ay maaari silang mag-anyong tao.





Ang jinn ay mayroon ding mga sasakyang hayop gaya ng nabanggit sa Quran:





“At hikayatin [sa kawalang-isip] ang sinuman sa kanila sa pamamagitan ng iyong tinig at salakayin sila gamit ang inyong mga kabayo ... "(Qur'an 17:64)





Mga Kakayahan ng Jinn 





Kumpara sa mga tao, ang jinn ay may ilang natatanging kakayahan. Una, maaari silang maglakbay nang napakabilis. Sinabi sa atin ng Allah mula sa Quran:





"Sinabi ng malakas na jinn, "Dadalhin ko ito sa iyo bago ka makatayo mula sa iyong kinauupuan. Tunay, na ako ay malakas at mapagkakatiwalaan para sa gayong gawain. "(Quran 27: 39-40)





Maaari nilang maabot ang kalangitan dahil ang mga ito ay nakasalaysay na sinabi sa Qur'an:





“At hinangad naming maabot ang Paraiso; ngunit natagpuan ito na puno ng mga mahihigpit na bantay at mga nagniningas na apoy. "(Qur'an 72: 8)





Maaari silang magpalit ng iba't ibang mga hugis gaya ng unang nabanggit. Ang masamang espiritu - ang mga demonyo - ay maaaring sumanib sa katawan ng mga tao. Maaari rin nilang ibulong ang mga iniisip at hikayatin ang mga tao:





“Mula sa tagabulong ng masama (diyablo na bumubulong ng masama sa puso ng mga tao) na lumayo (mula sa kanyang pagbulong sa puso ng isang tao pagkatapos na alalahanin ang Allah). "(Qur'an 114: 4)





Mga Kahinaan ng Jinn 





Kahit na ang masamang espiritu - ang mga satanas- ay may mga natatanging kakayahan, ang isang mananampalataya ay pinoprotektahan ng Allah. Ang mga satanas ay hindi mapipinsala ang isang matuwid na Muslim na may pahintulot ng Allah.





“Tunay, na ang Aking (tapat) na mga alipin - sa kanila ay wala kang kapangyarihan; at ang iyong Nag-iisang Panginoon ay sapat na bilang (kanilang) tagapangalaga. "(Quran 17:65)





Ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa ng kanilang mga limitadong kapangyarihan:





1.    Natatakot sila sa ilang mga mananampalataya.





“Tunay, na ang Aking (tapat) na mga alipin - sa kanila ay wala kang kapangyarihan; at ang iyong Nag-iisang Panginoon ay sapat na bilang (kanilang) tagapangalaga. "(Quran 17:65)





“Ang mananampalataya ay napapahina ang kanyang demonyo sa parehong paraan na ang isa sa inyo ay nagpapahina sa kanyang kamelyo habang naglalakbay. "(Musnad)





2. Sinabi ng Propeta na kung tatakpan natin ang ating mga pinggan at bibigkasin ang 'Bismillah,' ang mga satanas ay hindi makapagbubukas ng takip. Sa katulad na paraan, hindi sila makakapasok sa isang bahay kung isasara natin ang pinto na binibigkas ang 'Bismillah.'





“Kung ang isang tao ay papasok sa kanyang bahay at binanggit ang pangalan ng Allah sa pagpasok nito at sa pagkain sa loob nito, sinabi ni Satanas, 'Walang lugar para sa iyo dito at walang pagkain dito.' Ngunit kung ang tao ay pumasok sa kanyang bahay at nakalimutan ang pagbanggit sa pangalan ng Allah sa pagpasok nito, sinabi ni Satanas, 'Nakahanap ako ng matutuluyan para sa iyo.' At kung hindi niya binanggit ang pangalan ng Allah sa kanyang pagkain, sinabi ni Satanas, 'Nakahanap ako ng tuluyan at ng pagkain.' (Saheeh Muslim, Musnad)





3.    Maaari silang magpalit ng iba't ibang anyo, ngunit hindi nila maaaring gayahin ang anyo ni Propeta Muhammad (SAW). Sinabi ng Propeta,





“Sinumang makakita sa akin sa isang panaginip ay tunay na nakakita sa akin, sapagkat hindi maaaring gayahin ni Satanas ang aking anyo. "Sinabi ni Abu 'Abdullah na," Si Ibn Sirin ay nagsabi,' Kung makikita lamang niya ang Propeta sa kanyang tunay na anyo. '"(Saheeh Al- Bukhari)





4.    Hindi sila maaaring mangalap ng impormasyon mula sa kalangitan dahil pinipigilan sila na makaabot sa ganoong kalayo, tulad ng sinabi ng Allah:





“Sa katunayan sila ay inalis malayo mula sa kahit na (isang pagkakataon ng) pagdinig dito. "(Quran 26: 212)





5.    Tulad ng mga tao, ang mga jinn ay hinamon din upang makabuo ng isang bagay na katulad ng Quran, ngunit hindi nila magawa at hindi ito magagawa:





Sabihin: "Kung ang buong sangkatauhan at jinn (espiritu) ay magsasama upang makalikha ng katulad ng Qur'an na ito, hindi sila makagagawa ng tulad nito, kahit na sila ay nagtataglay ng tulong at suporta ng bawat isa." (Quran 17:88) 





Natutunan natin sa nakaraang aralin na ang ilang mga jinn o espiritu ay mabuti at ang ilan ay masama. Ang Allah ay nagbigay sa kanila ng kakayahang maging mananampalataya o hindi naniniwala. Ang masamang espiritu ay kilala bilang mga demonyo o shayateen sa Arabik. Ang pinuno ng mga demonyo ay kilala bilang Satanas o Iblees sa Arabik. Siya ay may isang napaka-pangit na anyo at may dalawang mga sungay.





Ang Kasaysayan ni Iblees o Satanas 


Si Satanas ang laging sumasamba sa Allah kasama ng mga anghel bago siya naging mapagmataas. Pinili niya ang masamang landas sa buhay, kanyang batid na magbibigay ito sa kanya ng kaparusahan. Nilikha ng Allah si Adan at inutusan ang mga anghel na magpatirapa kay Adan. Si Satanas ay laging sumasamba sa Allah kasama ng mga anghel, kaya inutusan rin siya na magpatirapa ngunit tinanggihan niya ang utos ng Allah dahil sa pagmamataas. Bilang resulta, si Satanas ay pinalayas sa Paraiso. Siya ay nangako sa Allah na ililigaw niya ang mga anak ni Adan kung pahihintulutan siya ng Allah na mabuhay hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Kaya, siya ay naging pinakamasamang  kaaway ng tao. Nakita niya na si Adan ang dahilan ng pagpapalayas sa kanya mula sa Paraiso at ang dahilan kung bakit isinumpa siya ng Allah.





Ang Misyon ni Satanas at ang mga Demonyo





Si Satanas, o Iblees, ang Pinaka-pinuno ng digmaan laban sa mga tao sa lupa. Inilatag niya ang mahusay na pamamaraan sa digmaang ito laban sa mga tao, nagpapadala ng kanyang mga sundalo, at pagkatapos ay sinusuri ang kanilang mga trabaho. Pinupuri niya ang mga nakatapos sa kanyang misyon. Sinabi sa atin ng Propeta ng Allah (SAW),





“Itinayo ni Iblees  ang kanyang trono sa ibabaw ng  tubig. Mula doon, pinalabas niya ang kanyang mga hukbo upang tuksuhin ang sangkatauhan. Ang isa na itinuturing niyang pinakamalapit sa kanya ang siyang nagiging sanhi ng pinakamatinding  tukso. Ang isa sa kanila ay nagbabalik sa kanya at nagsabi, 'Ako ay nanatili sa gayon at kaya at hindi iniwan siya hanggang ginawa niya ito at gayon,' at sinabi sa kanya, 'Wala kang nagawa.' Pagkatapos ay dumating ang isa at nag-uulat, 'Di ko siya iniwanan  hanggang sa magkalayo sila  ng  kanyang asawa.' Pagkatapos ay dinala siya ni Iblees malapit sa kanya at nagsabi,' Napakagaling mo! '[1]





Mayroon siyang mga sundalo sa pagitan ng mga jinn, na kilala bilang mga demonyo, at kasama ang mga tao. Kabilang sa kanyang mga sundalo mula sa espiritu ay ang qareen, ang demonyo na kasama ng bawat tao.





Ang tunay na layunin ni Satanas ay upang isama  ang mga tao patungo sa Impiyerno at pigilan sila mula sa pagpasok sa Paraiso. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao upang sumamba sa iba bukod sa Allah. Kung hindi niya iyon magagawa, inaakay niya ang mga ito na gumawa ng kasalanan at sumuway sa Allah. Sinisikap niyang pigilan ang mga tao mula sa paggawa ng mabubuting gawain. Kung hindi niya magawa iyon, sa gayon ay gagawin niya ang lahat para sirain ang mga gawain ng pagsamba upang ang tao ay hindi makatanggap ng anumang gantimpala para sa kanila.





Ang isa sa mga paraan ng panliligaw ni Satanas sa mga tao ay ang pangkukulam. Kung minsan ang mga mangkukulam ay nagsasagawa ng mga gawain upang masiyahan ang mga demonyo kapalit ng kanilang hinihingi. Kung minsan ay ginagamit ang pangkukulam upang lumikha ng paghihiwalay sa pagitan ng mag-asawa (Qur'an 2: 102). Ang pangkukulam ay may dalawang uri, ang ilan sa mga ito ay isang ilusyon at ang ilan ay totoo. Ang tunay na pangkukulam ay maaaring maging sanhi ng paghihiwalay sa pagitan ng mga mag-asawa at nagiging sanhi ng iba pang mga pinsala.





Proteksyon Laban kay Satanas at mga Demonyo 





1.    Ang pinaka-mabuting paraan upang pangalagaan ang sarili laban kay satanans ay sa pamamagitan ng pananatili sa Quran at Sunnah at sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa mga katuruan ng Islam. Sinabi ng Allah sa Qur'an,





“O ikaw na naniniwala, pumasok sa Islam nang ganap at huwag sundin ang mga yapak ni Satanas. Sa katunayan, siya ay isang lantad na kaaway sa iyo. "(Quran 2: 208)





2.    Paghingi ng proteksyon sa Allah. Sa katunayan, ang pagbabalik-loob sa Allah at paghingi sa Kanya ng proteksyon ay isa sa mga pinaka-mabuting paraan upang maging ligtas mula kay Satanas. Itinuro sa atin ng Allah sa Quran ang mga salita na magbibigay ng proteksyon na maaaring isalin tulad ng:,





At sabihin, 'Aking Nag-iisang Panginoon, humihingi ako ng proteksyon sa Iyo mula sa bulong ng mga diyablo at humihingi ako ng pangangalaga sa Iyo, Aking Nag-iisang Panginoon, kung sakaling sila ay lumapit sa akin.' "(Qur'an 23: 97-98)





3.   Ilagay ang iyong mga anak at ari-arian sa ilalim ng pangangalaga ng Allah. Ang Sugo ng Allah (SAW) ay laging humihingi ng proteksyon para sa kanyang mga apo sa pamamagitan ng mga salitang ito:





"U’eedhu-kuma bi kalimaa-til-laahit-taammah min kulli shaytaanin wa haamma wa min kulli aynin laammah.”





“Pinagkalooban ko kayo ng dalawang bagay upang mapangalagaan sa pamamagitan ng perpektong mga salita ng Allah, mula sa bawat demonyo at peste, at mula sa bawat masamang mga mata. "(Saheeh Al-Bukhari)





4.   Ang pinaka-mabuting mga salita sa paghingi ng proteksyon sa Allah. 





Ang huling dalawang kabanata sa Quran, ang Surah al-Falaq at Surah an-Naas, ang pinakamagandang salita sa paghingi ng proteksyon (Sunan Nasai).





5.    Humingi ng proteksyon sa pamamagitan ng talata ng Al-Kursi





“Sinuman ang magsabi nito pagbangon sa umaga ay magiging protektado mula sa jinn hanggang sa siya ay mahiga sa gabi, at sinuman ang magsabi nito bago magpahinga o matulog sa gabi ay magiging protektado mula sa kanila ( mga shayateen) hanggang sa siya ay bumangon sa umaga. "(Hakim)





Iyong pinag-aralan ang Surah al-Falaq, Surah an-Naas, at ang talata ng Al-Kursi sa nakaraang aralin. Mangyaring basahin o pag-aralan muli ang mga ito.





6.    Manatiling malapit sa Komunidad ng Muslim





Upang maiwasan ang pagbagsak sa mga patibong ng demonyo, manatiling malapit sa komunidad ng mga Muslim at pumili ng mabubuting  mga kaibigang Muslim para sa iyong sarili na tutulong at hihikayatin kang sundin ang katotohanan at lumayo mula sa kasinungalingan. Ang Propeta, purihin nawa siya ng Allah, ay nagsabi,





“Dapat mong sundin ang komunidad ng mga Muslim at mag-ingat sa pagkakabukod-bukod, sapagkat ang demonyo ay kasama ng isang tao na nag-iisa, ngunit siya ay mas  malayo mula sa dalawa ( dalawang muslim). "(Tirmidhi)





7.   Labanan ang Demonyo





Ang demonyo ay kumakain, umiinom, at kumukuha ng mga bagay gamit ang kanyang kaliwang kamay, kaya dapat mo siyang labanan at kumain, uminom, at kumuha ng mga bagay gamit ang iyong kanang kamay. Gusto ng demonyo na makita ang salapi na nasasayang, kaya maging maingat at huwag mag-aksaya ng iyong salapi. Panghuli, pigilin ang paghikab (na nagpapahiwatig ng katamaran) sa abot ng iyong kakayahan dahil ito ay nagmula sa demonyo.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG