Mga Artikulo

Habang ang karamihan ng mga Muslim ay may parehong pangunahing paniniwala, na may 1.62 bilyon na mga tagasunod- nasa halos  isang-kapat (1/4) ng populasyon ng Daigdig [1] –  kumalat halos sa lahat ng  mga kontinente at sa 49 na mga bansa kung saan ang mga Muslim ay mayorya at may kasaysayan ng higit pa sa isang libong taon, ang lahat ng mga tao na tumawag sa kanilang sarili  na Muslim ay hindi eksaktong magkakapareho. Kung minsan ay may malaking pagkakaiba sa relihiyon sa pagitan nila. Sa mga sumusunod na dalawang aralin, masasakop natin ang mga sumusunod na mga punto:





Ang pagkakaroon ba ng mga sekta ay nangangahulugan na ang mga aral ng Islam (nakapaloob sa Quran at Sunnah) ay nag-uutos dito? Ang sagot ay hindi. Ang mahalaga ay ang mapagtanto na hindi ito katulad ng ibang mga relihiyon, si Allah ay ginawang protektahan ang Islam - ang huling kapahayagan at ang pinaka kumpletong relihiyon ng Diyos para sa sangkatauhan. Hindi ka makakatagpo ng anumang pangako mula sa Diyos sa Biblia o halos anumang iba pang relihiyosong teksto na pinangalagaan Niya ng ganito. Sa kabilang banda, nakikita ang dalawang mahahalagang pangako mula sa Diyos sa Quran:





“Ginawang kumpleto ng Diyos ang Kanyang relihiyong Islam” (Quran 5:3)





Ang Diyos ang mangangalaga at magpoprotekta sa kanyang relihiyon sa anumang anyo ng pagbabago (Quran 15:9)





Ang pag-iral ng mga sekta ay dahil sa mga kadahilan na ang pagtalakay ay di sasapat sa araling ito lamang.





Ang Lahat ng Sekta ay Hindi Pantay: Paghahalintulad sa Bilog


Ang pagkakatulad ay mainam na maipaliwanag ang  isyu ng mga sekta. Ang Quran at Sunnah ay nasa gitna na kung saan maraming mga lupon. Ang ilang mga Muslim ay nananatili sa loob ng isang bilog, ngunit ang iba ay namamalagi sa labas nito. Sa ibang salita, ang ilang mga Muslim ay mas malapit sa sentrong aral, ang iba ay maaaring malayo. Kung gayon, isipin ang isang pulang bilog na kung saan ay malayo mula sa sentro na ang sinumang namamalagi sa labas ng pulang bilog na iyon ay hindi itinuturing na isang Muslim. Ang radius ng bilog ay isang sukatan kung sino ang "ligaw" na sekta. 





Sa madaling salita, ang pinaka-"ligaw" na mga sekta, ay maaaring tawagin sila na mga kulto, sila ay nasa labas ng pulang bilog. Sila ang magiging mga pinaka malubhang taga-salungat  sa itinatag na paniniwala at kasanayan sa Islam. Ang mga halimbawa ay si Ahmadis, Bahais, at ang Druze.





Nakakalito ang mga Sekta, Sinong Susundin Ko?


 Ang nagiging nakalilito ay ang siyang pagkakaroon ng iba't ibang mga sekta, Sino ang susundin ng isang bagong Muslim, lalo na kapag ang karamihan sa mga sekta ay nagsasabing sumusunod sa Quran at Sunnah. Ano ang gagawin ng isang bagong Muslim? Paano niya matutukoy kung sino ang tama at sino ang mali? Sa simpleng salita, paano maiiwasan ng isang bagong Muslim ang pagkalito? Iwaksi natin ang sagot sa tanong na ito sa ilang mga punto:





Una, kung babalik tayo sa Quran at Sunnah, makikita natin ang sagot sa tanong na ito. Makikita mo, ang Quran at Sunnah ay mga teksto; ang ilan ay susubukan na batayan ang Quran lamang, na ihihiwalay ito mula sa Sunnah (Tradisyon ng Propeta). Bibigyan nilang pakahulugan ang Quran ayun sa kanilang mga sairling unawa. Ang tanging paraan upang maintindihan nang maayos ang Quran ay sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga tradisyon ng Propeta at sa liwanag ng pagka-unawa ng mga taong nandoon sa panahon ng pagkapahayag nito. Ang mga tekstong ito ay inihayag sa kanilang panahon, marami sa mga teksto ay ipinahayag para sa kanila[2], at mayroon silang pinakamahusay na guro (ang Propeta ni Allah) upang ipaliwanag sa kanila ang anumang bagay na kailangan ng pagpapaliwanag. Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Propeta tungkol sa bagay na ito,





“Ang pinakamainam sa mga tao ay ang aking henerasyon, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)





Ang Propeta ay kinilala ang unang tatlong henerasyon ng mga Muslim upang maging "pinakamainam." Kung ang mga ito ay ang "pinakamainam" ayon sa Propeta ng Islam, makatuwiran lamang na naiintindihan at gampanan natin ang Islam kung paano nauunawaan at tinupad ng mga taong "pinakamainam" sa Islam.





Ikalawa, mahalagang malaman na ang unang henerasyon ng Islam ay kilala bilang henerasyon ng "Sahabah." Ang salitang "sahabah" ay nangangahulugang "mga kasamahan" sa wikang Arabe. Ang pang-isahan nito ay "sahabi," na nangangahulugang isang "kasama." Ang pangalawa at pangatlong henerasyon ay may mga pangalan din, ngunit ang "sahabah" ang pinakamahalagang termino na malaman mo ngayon.





Ikatlo, mahalaga na ang isang tao ay hindi maghuhusga kung sino ang Muslim pa o hindi na. Kapag ang isang tao ay walang sapat na kaalaman, ang mga isyu na tulad nito ay dapat na ipagkatiwala sa mga iskolar. Mayroong ilang mga sekta na may kabutihan at may kasamaan na isinama sa kanilang mga paniniwala. Ang mga Sufi [3] bilang isang halimbawa. Ang lahat ng kanilang mga paniniwala at gawi ay hindi naman mali, ngunit ang iilan. Ang isa ay dapat maging maingat dahil sa kawalan ng kaalaman upang hindi malito.





Tanda ng mga Ligaw na Sekta


SectsInIslam2.jpgBagaman walang madaling paraan upang sabihin kung sino ang kabilang sa kung anong sekta, ang mga sumusunod ay ilang mga patnubay na kinakailangan ng pag-iingat:





1.      Ang hindi pagbibigay halaga sa mga katibayan at ebidensya batay sa Quran at Sunnah.





2.      Nagsasalita ng masama laban sa  mga sahabah (kasamahan) ng Propeta.





3.     Pagsunod sa kanilang  mga pangsariling pagnanasa at paglalagay ng mga ito bago ang Quran at Sunnah.





4.      Hindi nagbigay ng pansin sa Islamikong Monoteismo at napopoot sa mga gumagawa nito.





5.      Paggawa ng mga ng dibisyon sa pagitan ng mga Muslim.





6.      Tinatanggihan ang mga aral (Sunnah) ng Propeta Muhammad, at nag-aangkin na ang Quran ay sapat na.





7.      Ang paglalagay sa ibang tao (kadalasan ang pinuno ng sekta) sa parehong antas ng Propeta Muhammad sa mga tuntunin ng pag-ibig, paggalang, at pagsunod.





8.      Namumuhi sa mga iskolar ng Islam.





Mga Halimbawa ng mga Sektang may Impluwensya ng Kanluran


Tulad ng nabanggit kanina, hindi lahat ng mga sekta ay pantay. Kahit na sa loob ng isang sekta, may mga maliliit na sekta na iba-iba sa kanilang mga aral. Dapat nating tandaan, sa ibaba ay isang maikling pagtalakay sa ilang sa mga sekta:





1.      Ahmadis[1]


Ang Ahmadis o Qadiyanis ay isang misyonerong -  nakabase sa pinagmulan nito sa India, itinatag ni Mirza Ghulam Ahmad (1839-1908). Ang Qadiyanis ay kasalukuyang may presensya sa maraming bansa, kabilang ang karamihan sa mga bansa sa Kanluran. Ang kanilang malawak na bilang sa buong mundo ay tinatayang tumaas na 10 milyon. Kahit na ang kanilang punong-himpilan ay nasa Pakistan, mayroon silang isang malakas na presensya sa London, UK.





2.      Ismailis


Kilala rin bilang "Sevener Shi'ites." Ang mga Ismailis ay tinanggihan ang Quran at lahat ng mga anyo ng mga panalangin na matatagpuan sa pangunahing tradisyon ng Sunni Islam. Nagbibigay ito sa kanila ng kalayaan sa mga obligasyon tulad ng panalangin, pag-aayuno, at hajj. Ang karamihan ay matatagpuan sa Pakistan, North-west India at ang lalawigan ng Sin-Kiang sa Tsina. Ang Khojas, isang maliit na-sekta, ay higit sa lahat ay matatagpuan sa Gujarat, India. Mayroon ding mga  grupo ng Khoja sa Silangan at Timog ng  Africa. Natagpuan din sila sa mga bansa sa Kanluran. Ang karamihan sa mga negosyo ng Ismaili ay naglalagay sila ng larawan ni Prince Karim Agha Khan, kanilang pinuno, sa isang kilalang lugar sa kanilang mga tindahan.





3.      Bahais[2]


Ang Bahais ay sumusunod sa katuruan ng Bahaullah ('kaluwalhatian ng Diyos') (1817-1892). Nakakakuha sila ng mga tagasunod sa pagsasalita ng pagkakaisa ng sangkatauhan at ang ganap na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. Ang mga Bahais ay nakikita ang kanilang mga sarili na gumagawa patungo sa pagtatatag ng isang pandaigdigang gobyerno na magtatanggal ng labis na kayamanan at kahirapan. Ang mga kasulatan ng Bahaullah ay itinuturing na sagrado. Tinataya na mayroong 3 hanggang 4 milyong Bahais sa mundo ngayon, kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo na may pinakamalaking konsentrasyon sa India. Sa Iran ang Bahais ay nananatiling pinakamalaking grupo ng minorya na may mga 300,000 tagasunod. Ang  pang-internasyonal na sentro ng Bahá'í ay nasa Israel.





4.      Shias[3]


Isinusulat din ng "Shi'ites." Ang "Twelver Shias" ay naniniwala na, pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta, ang Imamate (ang pampulitika at relihiyosong pamumuno ng komunidad ng Muslim) ay dapat na mapunta kay 'Ali - ang pinsan at asawa ng anak ng Propeta - at ang kanyang mga inapo ay mayroon ng banal na karapatan.





Hindi tulad ng  mga Sunni, na nagsasagawa ng mga limang beses na pagdarasal sa isang araw, ang mga Shiite ay nagdarasal nang tatlong ulit sa isang araw. Ang populasyon ng Twelver Shias noong 1980 ay nasa tinatayang 73,000,000. Ang mga ito ay nangingibabaw sa Iran, ngunit matatagpuan din sa Pakistan, India, Iraq, Lebanon, Kuwait, Saudi Arabia, Bahrain, at Syria. Mayroon ding mga maliit na komunidad ng Shia sa kanluran, isa sa pinakamalaki ang sa Dearborn, Michigan.





5.      Nation of  Islam[4]


Ang Nation of Islam ay itinatag ni Wallace Muhammad sa Detroit noong 1930. Ang grupo ay naniniwala na ang isang tao na tinatawag na Fard Muhammad ay "Diyos sa lupa." Kinikilala nila si Elijah Muhammad bilang "Mensahero  ng Katotohanan." Si Warith Deen Mohammed, ang anak ni Elijah Muhammad, ang nagdala sa grupo na mas mapalapit sa aral ng  pangunahing Sunni Islam. Ang ilan sa mga hindi nasisiyahang miyembro ay pinamunuan ni Louis Farrakhan, na binuhay  ang dating  grupo noong 1978 na may parehong mga aral ni Elijah. Pinahihintulutan lamang nila ang mga lahing itim na maniwala o maging kaanib, at naniniwala  na sila ang orihinal na lahi sa mundo. Sila ay lalong tanyag sa loob ng bilangguan sa US.





6.      Submitters - Mga Nagpasakop


Itinatag ni Dr. Rashad Khalifa, isang Egyptian computer scientist. Kinilala ng mga Submitters si Rashad Khalifa bilang Sugo ng Diyos. Tinanggihan nila ang dalawang talata ng Quran, ipinangaral ang "himala ng 19," at tinanggihan ang hadith at Sunnah ng Propeta Muhammad. Ang mga ito ay nakabase sa Tucson, Arizona, US, at tanyag sa Internet. Ang mga ito ay itinuturing na ganap na labas  na sa Islam, dahil sa kanilang mga maling paniniwala.





7.      Sufis[5]


Ang pinaka-kontrobersyal at nakalilitong "sekta" ay ang Sufis. Sa Kanluran lamang,  ay mayroong higit sa 1000 Sufi na sekta. Ang mga ito ay magkakaibang grupo. Ang ilang mga Sunni Muslim ay nagpapatupad ng ilang mga ideyang Sufi, habang ang iba pang mga sufi ay may mga malapit na ugnayan sa mga sinaunang Mahiwagang pagkakasunod-sunod (mystical order). Gayunman, ang iba ay nakagawa ng kanilang sariling mga turo at inangkop ito sa madla sa Kanluran. Ang iba pa ay gumagamit lamang ng terminong "sufi" ngunit ipinapahayag na wala silang kaugnayan sa Islam o anumang relihiyon kahit ano pa man.





Sa pangkalahatan, hindi nila naiintindihan ang Islamikong espirituwalidad at gumawa ng mga pagkakamali sa maraming pangunahing konsepto ng Islam tulad ng tamang tiwala sa Diyos, pag-ibig sa Propeta, at pagtaas sa kalagayan ng mga relihiyoso, mga namatay na Muslim. Sa mga tuntunin ng pagsamba, ang ilan ay magtataglay ng "Islamic chanting circles" ("zikr" na grupo), relihiyosong pagsasayaw tulad ng whirling dervishes ng Turkey, at pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad.





Mga pagbabago sa Islam





Ang Bidah  ay isang arabik na salita na nagmula sa salitang ugat na Al-Bada’ na ngangahulugang gumawa ng isang bagay na walang karapatan na gawin ito o manguna. Sa salitang Tagalog   ay gagamitin natin ang salitang mga pagbabago. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa bidah kailangan nating maintindihan ang dalawang uri ng bidah. Ang unang uri ng pagbabago ay ang mga bagay bagay patungkol sa ating buhay sa mundo,  mga bagay gaya ng tiknolohiya, elektresidad, at trasportasyon ay maiu-ugnay sa kategoryang ito. Ang mga bagay na ito ay pinahihintulutan at sa isang banda ito ay katanggap tanggap. Ang isang uri ng pagbabago ay patungkol sa relihiyon o pagsamba, sa mga bagay patungkol sa relihiyon ang bidah ay hindi pinahihitulutan at isang napaka-delikado na magsagawa ng mga pagbabago sa ating relihiyon.  At dahil sa itoy delikado mayroong binanggit  na napakaraming mga kasabihan  at mga tradisyon si Propeta Muhammad para tukuyin ito. 





“Sinuman ang magdagdag o magbago sa aming mga sinabi na hindi namin ipinahintulot ay di katanggap-tanggap ”.[1]





 ang pinakamainam na salita ay ang aklat ng Allah at ang pinakamainam na gabay at halimbawa ay ang kay Muhammad  at ang pinakamasama sa lahat ng bagay  ay ang mga makabagong inimbentong bagay (patungkol sa relihiyon), dahil bawat pagbabago sa relihiyon  ay kamalian  at kaligawan. ”[2]





“…Bawat pagbabago sa relihiyon  ay dahilan ng pagkaligaw  at bawat pagkaligaw   ay sa apoy.”[3]





Ang deen ng Islam ay hindi nangangailangan ng mga pagbabago o  bidah.  Ang relihiyong Islam ay kompleto  at walang dahilan para dagdagan o magimbento  ng bagay patungkol sa relihiyon. ito ay pinatutunayan ng salita sa Quran “Sa araw na ito Aking ginawang ganap ang relihiyon para sa inyo, at ginawang lubos ang Aking pagpapala sa inyo at Aking pinili ang Islam bilang inyong  deen” (Quran 5:3)





Kung ang isang tao ay magbabago o magdaragdag sa deen  ng mga bagay na hindi  dating kasama dito,  siya ay nagpapahiwatig na ang relihiyon ay may kulang at nangangailangan pa ng iba para maging mabuti ito,  o pagpapahiwatig na hindi  kinumpleto at ginawang ganap ang kanyang relihiyon. Ito ay  nagpapasinungaling sa  mga talatang nasa itaas 





Bakit  importante na  hindi tangkilikin ang  bidah


Habang si Allah  ay hindi nagpaparusa  sa isang taong nagkamali dahil sa kawalan ng  kaalaman sa kanyang nagawa, nararapat lamang na obligahin ang ating sarili na tayo ay matuto sa abot ng ating makakaya. Ang  katotohanan na si Allah ay hindi tatanggap ng mga gawaing  hindi tumutupad sa dalawang mga mahahalagang kondisyon. Ang unang kondisyon ay ang pagsasagawa ng isang bagay na may sinserong intensyon na malugod ang pinaka- makapangyarihang Allah.  Ang pangalawang kondisyon  ay ang mga bagay na gagawin ay alinsunod sa katuruan ng Quran  at sa pinagtibay na Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang mga gawa  ay nararapat na sumusunod sa  Sunnah at di  sumasalungat  dito.





Sa ganitong kaisipan, ating balikan  muli ang kahulugan ng  bidah.  Ayun sa pakahulugan ito ay mga bagay na inimbento o gawang makabago,  mga bagay na walang batayan at dahilan. Sa  legal na paraan, ito ay pagdadagdag ng bago sa deen ng Allah.  Kahit na ang aksyon ay ginawa na ang layunin ay para mapalapit  o para sa pagsamba  sa Allah hindi pa rin ito ito katanggap-tanggap. At ito ay kasalanan. 





Paano natin malalaman kung ang isang gawain ay isang gawaing bidah?


Sa lahat ng pagkakataon  ay maririnig natin na sinasabing ang Islam  ay ang relihiyon na  ipinaalam na karunungan. Nangangahulugan ito na ang mga naniniwala ay di dapat tumatanggap ng katuruan na  basat-basta. Ang isang mananampalataya ay  dapat mag-ukol ng panahon upang maunawaan ang mga bagay patungkol sa  deen at siya ay dapat matutong magtanong patungkol sa mga gawa o kawikaan na walang sapat na katibayan. Kung ang isang tao ay mag-uukol ng panahon na matutunan ang islam magagawa niyang malaman kung ano ang sunnah na gawain at ano ang bidah.





Ang mga sumusunod ay ang anim na pamamaraan  kung paano malalaman ang kaibahan ng  Sunnah sa  Bidah:





1.     Ang gawang pagsamba na ini-uugnay sa dahilan o rason na hindi pa naman naisasabatas:


Hindi pinahihintulutan  na mag-ugnay ng gawang pagsamba para sa anupaman o kadahilanan na hindi pinatutunayan ng Quran o  ng mga mapapanaligang Sunnah ni  Propeta Muhammad. Ang isang halimbawa nito ay ang paggising sa gabi at manalangin  tuwing sasapit ang ikapitong araw  sa Islamikong buwan  ng  Rajab  dahil sa paniniwalang si propeta Muhammad ay naglakbay sa mga kalangitan sa gabing yaon. Ang gawaing pagdarasal sa gabi ay bagay na napagkasunduan sa islam na may sapat na ibedensiya sa  Quran at Sunnah, ganun paman kung ito ay gagawin dahil sa rason na nabanggit sa taas  ay lalabas itong  bidah  dahil ito ay ibinase  at binuo   sa rason na hindi napagtibay  mula sa  Shariah.





2.     Uri ng pagsamba


isa ring kahalagahan na ang gawang  pagsamba ay ayon sa  Shariah sa larangan na ito. Kung ang isang tao  ay sasamba sa Allah  na  ang gagawing pagsamba ay isang uri na hindi naisabatas (sa Islam) ay hindi tatanggapin. Halimbawa hindi tama na isakripisyo (katayin) ang kabayo. Ito ay isang bagay na maaring bidah, isang pagdaragdag na makabago sa deen. Ang mga pwedeng isakripisyo ay nilimitahan ng  shariah ng Islam sa tupa, baka ,kambing  at mga kamelyo.





  Ating ipagpapatuloy ang ating pagtalakay  patungkol sa bidah  sa ikalawang bahagi ng pag-aaral  sa pagsasaliksik sa ibang paraan para alamin ang kaibahan ng  Sunnah at ng bidah at pagtatala  ng ilang karaniwang bidahs na makikita natin araw-araw  sa mga mosque at sa ilang mga  Muslim sa buong mundo.





Paano natin malalaman kung ang gawaing pagsamba ay tunay na gawaing bidah?


3.  Bilang ng pagsamba:


Innovations2.jpgIsa sa mga paraan upang matukoy natin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang Sunnah at isang bidah ay batay sa dami ng bilang ng pagsamba. Kung ang isang tao ay nagpasyang magdasal ng limang rakah para sa salah ng dhuhr tunay na ito ay bidah. Batid natin na ang dasal na ito ay binubuo ng apat na unit o rakah; ito ang siyang isinabatas at itinakda at ang pagpapakilala ng karagdagang unit o rakah ay maituturing na makabago, bid'ah.





4.     Pamamaraan ng pasasagawa ng pagsamba:


Isa pang paraan upang matukoy natin ang kaibahan ng anumang nagmumula sa Quran at Sunnah at nang Bid'ah ay sa pamamagitan ng pagsuri ng pamamaraan ng pagsasagawa. Yaon ay kung paano natin isinasagawa ang gawaing pagsamba, ito ba ay naaayon sa kung paano ito itinuro ng Islam, o tayo ba'y nagmalabis sa hangganan at nagdagdag ng anuman sa relihiyon na kung saan ay ginawang ganap na. Ang halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng takdang paghuhugas o wudhu bago ang pagdarasal nang mali ang pagkakasunod sunod, tulad ng pasisimula sa paghuhugas ng paa sa halip na ito ay sa pagtatapos.





5.     Takdang Oras ng Pagsamba:


Ang takdang oras kung kailan isinasagawa ang gawaing pagsamba ay mahalaga rin. Kung ang pagsamba ay isinagawa ayun sa turo ni Propeta Muhammad at sa takdang oras nito, samakatuwid ito ay tunay na makapagpapalugod sa  ating Tagapaglikha. Datapwa't kung ang isang tao ay kanyang tangkain na baguhin ang tiyak na oras, samakatuwid, ang taong yaon ay nahuhulog sa kasalanan ng bidah. Halimbawa, ang pag-aalay (Pagkatay) ng tupa sa buwan ng Ramadhan na may layuning paghahangad ng gantimpala tulad ng gantimpala ng pag-aalay (pagkatay) ng tupa sa panahon ng Eid ul-Adha, samaktuwid ito ay maituturing na makabago o bidah.





6.     Lugar ng Pagdarausan ng Pagdarasal:


Ang lugar kung saan isasagawa ang gawaing pagsamba ay marapat ding naaayon sa kung anu ang itinakda o isinabatas. Kapag, halimbawa ang isang tao ay magsasagawa ng Itikaf sa kanyang tahanan, katunayang ito ay hindi katanggap tanggap. Ang lugar na marapat pagdausan ng Itikaf ay ang Masjid, kaya't ang pagsasagawa nito sa kahit saang lugar maliban sa masjid ay maituturing na bidah.





Ang Talaan ng mga karaniwan at laganap na Makabago o Bidah


·       Paghahangad ng tulong mula sa patay sa libingan.





·       Pag-upo ng sama-sama at pagbigkas ng mga salitang naglalaman ng pag-alaala sa Allah, tulad ng Allahu Akbar ng sabay-sabay.





·       Pagturing sa araw ng kapanganakan ng Propeta bilang isang Pista.





·       Pag-ayuno sa ika labing limang araw ng Islamikong buwan ng Shaban at paggugol sa gabi nito sa pamamagitan ng pagsamba.





·       Pagdiriwang para sa kaarawan ni Propeta Muhammad sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.





·       Pagbasa ng Quran upang makinabang ang patay (kasama na dito ang pagkuha ng tagabasa ng Quran).





·       Paghaplos ng tubig sa batok sa tuwing nagsasagawa ng takdang paghuhugas o ablusyon.





·       Paghahanda ng namatayan ng pagkain para sa mga bumibisita.





Anu ang “Mabuting bidah”?


May mga pagkakataon na makakarinig kayo ng isang bagay na kung tawagin ay ‘mabuting bidah’. Ayon kay Sheikh Ibn Uthaymeen, sumakanya nawa ang habag ng Allah, “… Walang ganoong bagay sa Islam (sa relihiyosong pagkaunawa) bilang mabuting bidah.”[1]   Ang Sheikh ay nagbigay-diin din na “…tungkol sa karaniwang usapin sa kaugalian at asal, ito ay hindi matatawag na bidah (makabago) sa Islam, kahit na ito ay maaring ilarawan bilang ganoon sa alituntuning pang wika. Ngunit ito'y hindi bidah (makabago) sa relihiyosong pagkaunawa, at hindi ito ang mga bagay kung saan tayo ay binalaan ng Propeta laban dito ”. Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang pantas ng Islam na si Imam Ibn Rajab[2] ay nagsabi “anumang salita mula sa mga naunang matutuwid na mananampalataya na nagtuturing sa isang bagay bilang mabuting bidah ay tumutukoy sa lingguwistikong pagkaunawa at hindi sa islamikong pagkaunawa”.





Sa pagtatapos, ang bidah ay isang makabagong gawagawa na paniniwala at gawa sa Relihiyong Islam kung saan ang mapalapit sa Allah ang hangad mula rito ngunit wala itong matibay na patunay mula sa mapananaligang katibayan sa alinman sa pundasyon nito o sa pamamaraang ito ay isinasagawa.[3]



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG