Ano ang Shariah
IntroToShariah1.jpgAng "Shariah" ay isang maling inuunawang katagang pumapangalawa sa 'Jihad' at karaniwang isinasalin bilang 'Islamikong Batas.' Ang hindi kumpletong pagsasalin ay humahantong sa labis na pagkalito. Samakatuwid, kailangan muna nating unawain ang kahulugan ng kataga.
Sa kakanyahan, ang "Shariah" ay tumutukoy sa kung anong isinabatas ni Allah para sa Kanyang mga alipin,[1] maging ito ay sa mga paniniwala, kinasanayan, pagsamba, o mga ugali. Ito ang kabuuan ng mga kautusan ni Allah.[2] Isa pang may-akda ang tinukoy ang 'Shariah' bilang 'mga kautusan, mga pagbabawal, patnubay at mga alituntuning itinugon ng Diyos sa sangkatauhan ukol sa kanilang pag-uugali sa mundong ito at kaligtasan sa susunod.'[3]
Ang Shariah ay kinabibilangan ng mga sumusunod[4]:
1. Kredo: kabilang ang kaisahan ni Allah, pagtanggi sa shirk, paniniwala sa mga Anghel, Banal na Kasulatan, mga Propeta, at ang Huling Araw.
2. . Etika: pagiging totoo, mapagkakatiwalaan, pagtupad ng mga pangako, at pagtanggi sa imoralidad tulad ng pagsisinungaling, pagsira ng mga pangako, atbp.
3. Mga Relihiyosong Kinasanayan: mga bagay na may kinalaman sa pagsamba at pakikitungo sa kapwa tao kabilang ang mga partikular na mga krimen at ang kaparusahan nito.
Sa madaling salita, ang Shariah ay gumagabay sa lahat ng aspeto ng buhay ng Muslim, kabilang ang pang-araw-araw na mga pagdarasal, pag-aasawa, diborsyo, mga obligasyon sa pamilya, at pananalaping mga pakikitungo.
Natatanging mga Tampok ng Shariah
1. Ang Shariah ay nagmula kay Allah. Ito ay pahayag ni Allah sa Kanyang Propetang si Muhammad, alinman sa tahasan sa anyo ng Qur'an o hindi tahasan sa anyo ng Sunnah. Ito naman ay nangangahulugang:
a. Ang mga alituntutunin ng Shariah ay malaya sa kawalang katarungan at hindi nasasaklaw ng pantaong pagpapasya. Ang isang halimbawa ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang kanilang kulay, kasarian, o wika. Sila ay 'itinatangi' lamang mula sa bawat isa batay sa kanilang mabubuting gawa!
b. Ang Shariah ay dapat itaguyod ng lahat ng mga mananampalataya, maging sila ang mga pinuno o ang pinamumunuan dahil ito ay mula kay Allah. Ang isang halimbawa ay ang pagbabawal ng mga droga at alkohol; ito ay ipinagbabawal sa lahat nang walang pagtatangi.
c. Ang Shariah ay ipinangangako sa gumagawa ng mabuting mga gawa ang malaking gantimpala sa buhay na ito at sa susunod, at binabalaan ang makasalanan ng isang matinding kaparusahan sa buhay na ito at sa susunod. Ang gantimpala sa buhay na darating ay nakatali sa pamumuhay sa pamamagitan at pagsasagawa ng Shariah sa kanyang pang-araw-araw na buhay sa mga bagay na tulad ng paghuhugas, pagdarasal, at zakah.
2. Ang Shariah ay magpakailanman at naaakma sa pandaigdigan. Kami ay naniniwalang ang Shariah ay naaangkop at naaakma sa lahat ng mga panahon at mga lugar.
3. Ang Shariah ay komprehensibo. Kabilang dito ang mga bagay ng paniniwala, Islamikong etika, at mga panuntunang namamahala sa pagsasalita at pagkilos. Ang mga panuntunang namamahala sa pagsasalita at pagkilos ay tinatawag na "fiqh" o Islamikong palabatasan at maaaring mahati pa sa sumusunod na mga kategorya:
a. Pagsamba tulad ng pagdarasal at pag-aayuno. Ito ay namamahala sa kaugnayan ng isang tao sa kanyang Panginoon.
b. Ang mga kaugnayang pantaong kinabibilangan ng personal, batas sibil, batas pananalapi, batas ng digmaan at kapayapaan, at batas kriminal.
4. Ang Shariah ay makatao. Ito ay nagdadala ng kagaangan (ease) at nag-aalis ng mga paghihirap na likas na ibinibunga ng pagkakomprehensibo at kasakdalan nito. Si Allah ay nagsabi,
"…Si Allah ay ninanais ang kagaangan (ease) para sa iyo at hindi ninanais ang paghihirap para sa iyo…" (Qur'an 2:185)
Samakatuwid, ang Shariah ay pinagagaan ang ubligadong tungkulin kapag ang pagsasagawa nito ay nagiging sanhi ng labis na paghihirap at pansamantalang pinahihintulutan nito ang isang ipinagbabawal na pagkilos kapag mayroong isang malubhang pangangailangan para dito.
"... Subalit kung sinuman ang pinilit [sa pangangailangan], ni hindi nagnanais [ito] o lumalabag sa [hangganan nito], wala siyang kasalanan . Katiyakan, si Allah ay Mapagpatawad at Maawain. "(Qur'an 2:173)
Ang isang halimbawa ng isang paghihirap na magpapagaan ng isang obligadong tungkulin ay kung siya ay nagkasakit o naglalakbay, maaari nilang itigil ang kanilang pag-aayuno.
5. Ang Shariah ay batay sa katarungan. Nangangahulugang hindi lamang ng isang hukom ang nagpapatupad ng batas nang patas sa lahat, subalit ang batas mismo ang makatarungan. Yaon ang likas na ibinubunga ng banal na pinagmulan nito. Ang tunay na katarungan ay dapat magtatag ng isang pagkakapantay sa pamamagitan ng pagtupad sa mga karapatan at mga obligasyon at sa pamamagitan ng pag-aalis ng labis at pagkakaiba sa lahat ng nasasakupan ng buhay. Ang pamantayan ng katarungan sa Qur'an ay tinukoy sa ilang limampung mga talata. Ang mga tao ay hinihimok na maging makatarungan sa iba sa lahat ng mga antas, maging personal o pampubliko, sa mga salita o sa pag-uugali, sa pakikitungo sa mga kaibigan o mga kaaway, Muslim o hindi Muslim, ang lahat ay dapat pakitunguhan ng may katarungan. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an,
"Kami ay nagpadala ng aming mga sugo na may mga katibayan at ipinahayag ang Aklat at ang panimbang sa pamamagitan nila upang magtatag ng katarungan sa pagitan ng mga tao ..." (Qur'an 57:25)
6. Ang Shariah ay nagtataguyod ng katamtaman. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an,
"At sa gayon Kami ay ginawa kayong isang bansa na katamtaman sa kalikasan (malaya mula sa kalabisan at pagkukulang) ..." (Qur'an 2:143)
Ang mga panuntunan ng Shariah ay ang gitnang landas sa pagitan ng mga kalabisan. Ang isang halimbawa ay ang Islamikong pananalapi na nasa pagitan ng sosyalismo at malayang ekonomiyang kapitalista.
Mga Pinagmumulan ng Shariah
Ang pangunahing pinagmumulan ng Shariah ay ang kapahayagan ni Allah.[6]
"Katiyakang Kami ay nagpadala ng kapahayagan sa iyo (O Muhammad) tulad ng Kami ay nagpadala ng kapahayagan kay Noe at sa mga propeta pagkatapos niya ..." (Qur'an 4:163)
Ang kapahayagan ni Allah kay Propeta Muhammad ay nasa dalawang uri:
a. Salita ni Allah, ang Qur'an. Ang kahulugan nito at mga salita ay kapwa mula kay Allah.
b. Ang Sunnah, na ang kahulugan ay mula kay Allah, subalit ang mga salita ay mula kay Propeta Muhammad. Ang ilan sa mga Sunnah ay mga pagpapasyang ginawa ng Propeta na pinagtibay ni Allah, at ang ilang Sunnah ay ang pag-unawa ng Propeta sa Qur'an. Ang Sunnah ay nangangahulugang ang mga turo ni Propeta Muhammad na nilalaman ng kanyang mga salita at mga gawaing naipasa sa atin.
Ilan sa mga pangalawang mga pinagkukunan ng Shariah ay qiyas (pagwawangis), istihsan (huristikong pagkatig), maslahah mursalah (pampublikong interes) and urf (kaugalian).
Ang Shariah ay ang pinagtibay na mga panuntunang isinabatas ni Allah sa Qur'an, Sunnah, at iba pang mga pinagmumulan na nagsangay mula sa mga ito.
Fiqh (Islamikong palabatasan), sa kabilang dako, ay tinutukoy bilang kaalaman ng praktikal na mga panuntunan ng Shariah na hango sa detalyadong katibayan sa mga pinagmumulan.[1]
Samakatuwid, ang Shariah ay isang layunin, ang fiqh ay ang landas. Ang Fiqh ay nakapaloob sa mga pinasadyang mga aklat at mga ensiklopedya. Ito ay isang pagtitipon ng mga panuntunan at mga regulasyon.
Ang Fiqh kinabibilangan ng praktikal na relihiyosong mga bagay na kilala sa Islam. Ang mga ito ay binubuo ng mga panuntunang ipinahayag sa isang malinaw na teksto. Ang dalawang halimbawa ay maaaring ang tungkuling magdasal ng limang pang-araw-araw na pagdarasal at pagbabawal ng alkohol. Ang mga ito ay tiyak at malinaw. Ang Fiqh ay kinabibilangan din ng maraming praktikal na mga detalye ng relihiyosong mga bagay na mga ipinapalagay. Ang pagdurugo ay nagpapawalang-bisa ba sa paghuhugas? Sa paghuhugas, kinakailangan bang punasan ang buong ulo o bahagi lamang nito? Ang mga sagot sa mga ganitong detalyadong tanong ay matatagpuan sa mga aklat ng fiqh.
Ano ang Kaugnayan sa Pagitan ng Shariah at Fiqh?[2]
1. Ang Shariah ay ang totoong mga panuntunang ipinahayag ni Allah. Walang salungatan o pagtatalunan sa pagitan ng mga ito. Ito ay may kasang-ayunan sa lahat ng mga Muslim. At para sa fiqh, ito ay hinango ng mga iskolar ng Islam na kilala bilang fuqaha (mga hurista) mula sa mga teksto ng Shariah o iba pang mga pamamaraan tulad ng qiyas at maslahah mursalah. Ang mga nahinuhang panuntunang ito ay maaari o maaaring hindi sumang-ayon sa Shariah. Sa madaling salita, kapag ang isang iskolar ay tama sa kanyang pag-unawa, ang Shariah at fiqh ay nasa pagkakasundo. Kapag ang isang iskolar ay nakagawa ng pagkakamali, ang Shariah at fiqh ay naghihiwalay. Ang Shariah ay hindi umiiral sa kahit isang pagkukulang. Ito ay matatagpuan sa loob ng fiqh.[3]
2. Ang Shariah ay ganap, ang fiqh ay hindi. Ang Shariah ay halos pangkalahatang mga alituntunin at mga sawikain mula sa kung saan ang patnubay para sa lahat ng aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay ay nahinuha. Ang Fiqh, sa kabilang dako, ay ang opinyon ng mga iskolar sa maraming pagkakataon. Para sa pinaka-bahagi ang Shariah ay nagbibigay ng mga patnubay na kung saan ay ipinapaliwanag sa fiqh.
3. Ang Shariah ay pangkalahatan at patungkol sa lahat ng mga tao hindi katulad ng fiqh.
4. Ang Shariah ay ang umiiral na sinang-ayunan habang ang mga bahagi ng fiqh ay hindi kinasang-ayunan. Ang Fiqh ay nagbibigay ng makatuturang mga sagot sa magkakapanabay na lipunan para sa isang tiyak na lugar. Ang Shariah ay malaya sa oras at lugar. Ang Shariah ay karaniwang nagbibigay ng pangkalahatang mga direktiba samantalang ang detalyadong mga solusyon sa partikular at wala pang kaparis na mga usapin ang binubuo sa fiqh.
5. Ang Shariah ay sakdal habang ang fiqh ay hindi. Ang Shariah ay hindi nagtataglay ng mga pagkakamali bilang ito ay itinuturing na banal na kapahayagan, subalit ang fiqh ay maaaring minsan ay mali dahil ito ay isang pantaong pagpupunyagi at isang bunga ng pangangatuwiran.
Mga Panuntunan ng Fiqh
Ang mga panuntunan ng fiqh ay inuri sa isang pagtimbang ng limang kahalagahan:
1. Wajib (ubligado): kung ano ang kinakailangan sa isang Muslim, tulad ng limang pang-araw-araw na pagdarasal.
2. Mustahab (iminumungkahi): kung ano ang hinihikayat na gawin ng isang Muslim, tulad ng pag-aayuno sa araw ng Lunes at Huwebes.
3. Mubah (pinahihintulutan): kung ano ang natitira sa isang Muslim upang gawin o iwanan, tulad ng pagpili ng ilang pagkain o inumin.
4. Makruh (kinamumuhian): kung ano ang higit na mainam na iwanan para sa isang Muslim, tulad ng pagdarasal habang ang pagkain ay nakahain.
5. Haram (ipinagbabawal): kung ano ang ipinagbawal sa mga Muslim, tulad ng pangangalunya at pagnanakaw.
Ang mga Yugto ng Ebolusyon ng Fiqh
Ang Fiqh ay nabuo sa paglipas ng nagdaang mga panahon sa iba't ibang mga heograpikal na mga lugar sa daigdig ng Muslim. Ang ebolusyon nitong higit na tumagal ng 1400 na taon ay maaaring maiuri sa anim na yugto:
1. Saligan: panahon ni Propetang Muhammad, nawa'y si Allah ay purihin siya, 609 - 632 CE.
2. Pagtatatag: panahon ng mga Matuwid na mga Kalipa, 632 - 661 CE.
3. Pagtatayo: panahon ng dinastiyang Umayyad, 661 CE - ika-8 siglo.
4. Pamumulaklak: panahon ng pagtaas at pagbaba ng dinastiyang Abbasid, ika-8 siglo - kalagitnaan ng ika-10 siglo.
5. Pagpapatatag: mula sa pagbaba ng dinastiyang Abbasid hanggang sa pagpatay sa huling Abbasid na Kalipa, 960 CE - kalagitnaan ng ika-13 siglo.
6. Pagpapahinga at Pagbaba: mula sa pagkakatulog ng Baghdad hanggang sa kasalukuyan, 1258 CE na ngayon.
Mga Kwalipikasyon ng isang Faqih (Huristang Muslim)
Ang tatlong pangunahing mga kwalipikasyon ng isang Islamikong iskolar na siyang nagpakadalubhasa sa fiqh ay ang mga:
1. Kaalaman ng Islam mula sa mga pinagmumulan nito: Qur'an, Sunnah, napagkasunduan, at huristikong pagwawangis (qiyas).
2. Ang pag-unawa sa umiiral na mga pangyayari sa lipunan upang makayanan ang mga magkakapanabay na usapin ng maayos.
3. Kabanalan at mabuting layunin.
Higit na katangi-tangi, ang isang dalubhasang iskolar sa fiqh (faqih) ay may kaalaman sa:
· Wikang arabe at mga siyensiya nito.
· mga talata ng pagbabatas sa Qur'an at ang paliwanag nito.
· pagbabatas ng ahadith at ang interpretasyon nito.
· maaaring makilala sa kaibahan ng mapananaligan at mahinang mga ahadith.
· nalalaman kung anong mga talata at mga ahadith ang napawalang bisa at alin ang nananatiling gumagana.
· maaaring makilala ang pagitan ng pangkalahatan at ang natatangi, ang hindi ipinagbabawal at ang ipinagbabawal, ang iba't ibang antas ng kalinawan ng mga salita.
· nalalaman ang mga opinyon ng mga iskolar sa mga usapin, kung saan sila nagkatalo at kung saan sila sumang-ayon.
· nalalaman kung paano ang qiyas ay nagawa.
· nauunawaan kung papaano ibukod ang mga nagkakatalong mga katibayan.
· nauunawaan ang layunin ng Shariah at iba't ibang prayoridad nito.
Mga Pangunahing Luklukan o Paaralan sa Daigdig ng Muslim
Ang mga pangunahing institusyon ng pag-aaral sa daigdig ng Muslim ay ang Al-Azhar University sa Ehipto, Zaituna University sa Tunisia, Imam Muhammad ibn Saud University sa Saudi Arabia, Umm Darman University sa Sudan, Islamic University of Madina sa Saudi Arabia, at Dar ul Uloom Deoband sa India. Maraming Muslim na mga iskolar ay alinman sa sinanay doon, o kaanib sa institusyon o naimpluwensyahan ng mga sentrong ito.
Mga Pangunahing Sanggunian ng Fiqh sa Kanluran
Mayroong ilang mga pangunahing Islamikong sanggunian ng fiqh na binubuo ng mga kilalang Muslim na mga iskolar mula sa buong mundo. Ang pinaka tanyag sa kanila ay nasa Meka, Jeddah, Cairo at India. Ang tatlong pangunahing sanggunian ng fiqh para sa mga Muslim na naninirahan sa Kanluran ay ang Assembly of Muslim Jurists of America, European Council for Fatwa and Research, at Fiqh Council Of North America.