Mga Artikulo

Ang pagsaksi ng Heraclius. Binanggit ni Imám al-Bukhárí, kaaawaan siya ni Allah, ang balita ni Abú Sufyán nang inanyayahan siya ng Hari ng Silangang Roma. Sinabi niya: Isinalaysay sa atin ni Abú al-Yamán al-Hakam ibnu Náfi‘ na nagsabi: Ibinalita sa amin ni Shu‘ayb ayon kay az-Zuhrí na nagsabi: Ibinalita sa akin ni ‘Ubaydulláh ibnu ‘Abdullah ibni ‘Utbah ibni Mas‘úd na si ‘Abdulláh ibnu ‘Abbás ay nagbalita sa kanya na:





“Si Abú Sufyán ibnu Harb ay nagbalita sa kanya na si Heraclius ay nagpadala rito ng sugo habang nasa isang karaban ng Quraysh. Sila noon ay mga mangangalakal sa Shám (1)noong panahon na ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagpaliban sa digmaan kina Abú Sufyán at mga Káfir (2)ng Quraysh kaya pinuntahan nila si Hercules noong sila ay nasa Ílyá’.(3) Tinawag niya sila sa kapulungan niya at nasa paligid niya ang mga malaking tao ng Roma. Pagkatapos ay tinawag niya ang mga ito.





“Ipinatawag niya ang tagapagsalin niya at sinabi: Alin sa inyo ang pinakamalapit sa kaangkanan ng lalaking ito na nag-aangkin na siya ay isang propeta? Kaya nagsabi si Abú Sufyán: Ako po ang pinakamalapit sa kanila sa kaangkanan. Kaya sinabi niya: Ilapit ninyo siya sa akin at palapitin ninyo ang mga kasamahan niya at ilagay ninyo sila sa likuran niya.





“Pagkatapos ay sinabi niya sa tagapagsalin niya: Sabihin mo sa kanila na ako ay magtatanong dito [kay Abú Sufyán] tungkol sa lalaking iyon; kaya kung magsisinungaling siya sa akin ay pasinungalingan ninyo siya. Nagsabi ito: At sumpa man kay Allah, kung hindi sa hiya na mag-ulat sila tungkol sa akin ng pagsisinungaling ay talagang nagsinungaling tungkol doon [sa Propeta].





“Pagkatapos ang una sa itinanong niya sa akin ay nang nagsabi siya: Papaano ang kaangkanan niya sa inyo? Nagsabi ako: Siya sa amin ay may mabuting kaangkanan.





“Sinabi niya: At sinabi na ba ang pagkasabing ito [ng pagkapropeta] ng isa na kabilang sa inyo kailanman bago pa siya? Nagsabi ako: Hindi po.





“Sinabi niya: At nagkaroon ba sa mga ninuno niya ng isang Hari? Nagsabi ako: Hindi po.





“Sinabi niya: At ang mga maharlika sa mga tao ay sumusunod sa kanya o ang mga mahina sa kanila? Kaya nagsabi ako: Bagkus ay ang mga mahina sa kanila.





“Sinabi niya: Nadadagdagan ba sila o nababawasan sila? Nagsabi ako: Bagkus ay nadadagdagan sila.





“Sinabi niya: At tumatalikod ba ang isa sa kanila dahil sa galit sa relihiyon niya matapos pumasok doon? Nagsabi ako: Hindi po.





“Sinabi niya: At kayo ba noon ay nagpaparatang sa kanya ng kasinungalingan bago pa niya sabihin ang anumang sinabi na niya? Nagsabi ako: Hindi po.





“Sinabi niya: At nagtatalusira(4)ba siya? Nagsabi ako: Hindi po, ngunit kami ay nasa panahon ng pagpapaliban sa digmaan, na hindi namin alam kung ano ang gagawin niya sa loob nito.





“Nagsabi ito: Hindi ko nakakayang magsabi ng isang salita na idadagdag ko roon bukod pa sa salitang ito. Sinabi pa Niya: At nakipaglaban ba kayo sa kanya? Nagsabi ako: Opo.





“Sinabi niya: At papaano ang pakikipaglaban ninyo sa kanya? Nagsabi ako: Ang digmaan sa pagitan namin at niya ay salitan: nananalo siya sa amin at nananalo kami sa kanya.





“Sinabi niya: Ano ang ipinag-uutos niya sa inyo? Nagsabi ako: Nagsasabi siya [sa amin], Sambahin ninyo si Allah lamang, huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman at iwan ninyo ang sinasamba noon ng mga ninuno ninyo. Ipinag-uutos niya sa amin ang pagdarasal, ang katapatan, ang kabinihan at ang pakikipag-ugnayan sa kaanak.





“At sinabi niya sa tagapagsalin na sabihin dito: Nagtanong ako sa iyo tungkol sa kaangkanan niya at binanggit mo na siya sa inyo ay may mabuting kaangkanan; at gayon din naman ang mga sugo, isinusugo sila na may mabuting kaangkanan sa mga tao nila.





“Nagtanong ako sa iyo kung sinabi na ng isa sa inyo ang pagkasabing ito [ng pagkapropeta] bago pa siya at binanggit mo na hindi. Kaya sasabihin ko na kung sakaling may isa na nagsabi na ng pagkasabing ito [ng pagkapropeta] bago pa siya ay talagang sasabihin ko sana na [siya ay] isang lalaking gumagaya sa pagkasabing sinabi na bago pa siya.





“Nagtanong ako sa iyo kung nagkaroon ba sa mga ninuno niya ng isang Hari at binanggit mo na hindi. Sasabihin ko na kung sakaling nagkaroon sa mga ninuno niya ng isang Hari ay sasabihin ko sana na [siya ay isang] lalaking humihiling ng kaharian ng ninuno niya.





“Nagtanong ako sa iyo kung kayo ba noon ay nagpaparatang sa kanya ng kasinungalingan bago pa niya sabihin ang anumang sinabi na niya at binanggit mo na hindi. Kaya naman nalalaman ko nga na hindi nangyari na iiwan niya ang pagsisinungaling sa mga tao at magsisinungaling naman siya kay Allah.





“Nagtanong ako sa iyo kung ang mga maharlika sa mga tao ay sumusunod sa kanya o ang mga mahina sa kanila at binanggit mo na ang mga mahina sa kanila ay sumunod sa kanya, at sila nga ay mga tagasunod ng mga sugo.





“Nagtanong ako sa iyo kung nadadagdagan ba sila o nababawasan sila at binanggit mo na sila ay nadadagdagan. Gayon ang lagay ng [totoong] pananampalataya hanggang sa mabuo ito.





“Nagtanong ako sa iyo kung tumatalikod ba ang isa sa kanila dahil sa galit sa relihiyon niya matapos pumasok doon at binanggit mo na hindi. Gayon ang pananampalataya kapag humahalo ang kasayahan nito sa mga puso.





“Nagtanong ako sa iyo kung nagtatalusira(5) ba siya at binanggit mo na hindi. Gayon ang mga sugo, hindi sila nagtatalusira.





“Nagtanong ako sa iyo kung ano ang ipinag-uutos niya sa inyo at binanggit mo na siya ay nag-uutos sa inyo na sambahin ninyo si Allah lamang, huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sinasaway niya kayo sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Ipinag-uutos niya sa inyo ang pagdarasal, ang katapatan at ang kabinihan. Kaya kung ang sinasabi mo ay totoo, maghahari siya sa kinalalagyan ng mga paa ko na ito.





“Nalaman ko na nga na siya ay lalabas. Hindi ako noon nag-aakala na siya ay mula sa inyo. Kaya kung sakaling natitiyak ko na makararating ako sa kanya ay magpapakahirap ako sa pakikipagkita sa kanya. Kung sakaling ako ay nasa piling na niya, talagang huhugasan ko ang paa niya.





“Pagkatapos ay nanawagan siya na dalhin ang liham ng Sugo ni Allah (SAS) na ipinadala ni Dihyah sa governador ng Busrá, na ipinasa naman nito kay Heraclius. Binasa niya ito, na ang nilalaman:





“Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. Mula kay Muhammad na alipin ni Allah, kay Heraclius na pinuno ng Roma.(6) Kapayapaan sa sinumang sumunod sa patnubay. Sa pagsisimula, tunay na ako ay nag-aanyaya sa iyo sa pamamagitan ng paanyaya ng Islam: Yumakap ka sa Islam, maliligtas ka; ibibigay sa iyo ni Allah ang kabayaran sa iyo nang dalawang ulit. Ngunit kung tatalikod ka ay tunay na sa iyo ang kasalanan ng mga mag-aararo. At





“O mga May Kasulatan, halina kayo sa isang pahayag na makatarungan sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allah, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawin ng iba sa atin ang ilan sa atin na mga panginoon bukod pa kay Allah.” Ngunit kung tatalikod sila ay sabihin ninyo: “Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim.”(6)





Qur’an 3:64.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG