Mga Artikulo

Ang mga pinakamalaking relihiyon, ang mga sinaunang kasulatan ng mga ito, at ang matandang batas ng mga ito ay naging biktima ng mga naglilimayon at mga naglalaro, naging laruan ng mga nambabaluktot at mga ipokrito, at nalantad sa mga madugong pang-yayari at mga malaking kasawian hanggang sa nawala ang diwa at ang anyo ng mga ito. Kaya kung sakaling bubuhayin ang mga unang kaanib ng mga ito at ang mga isinugong propeta ng mga ito ay talagang tatanggihan nila ang mga ito at ipagwawalang-bahala.





Ang Judaismo(1) sa ngayon ay naging isang kumpol ng mga rituwal at mga tradisyon na walang kaluluwa at walang buhay. Ito, kung isasaisang-tabi ang nabanggit na iyon, ay isang pang-angkang relihiyon na nakalaan sa isang pangkat ng mga tao at isang takdang lahi at walang dinadalang mensahe para sa mundo ni paanyaya para sa mga bansa ni awa para sa Sangkatauhan.





Nasalanta ang relihiyong ito sa orihinal na pinaniniwalaan nito na may natatanging tatak noon sa gitna ng mga relihiyon at mga bansa. Nasa orihinal na kapaniwalaan nito ang lihim ng karangalan nito. Iyon ay ang paniniwala sa pagkaiisa ng Diyos na itinagubilin ni Abraham sa mga anak niya at kay Jacob, sumakanila ang pagbati. Ngunit nanghiram ng mga Hudyo ng marami sa mga tiwaling pinaniniwalaan ng mga kalipunan na naging kapit-bahay nila o bumagsak sa ilalim ng dominasyon nila, at ng marami sa mga kaugalian at mga tradisyon ng mga ito na pagano at pangkamangmangan.





Kinilala nga iyon ng mga makatarungang mananalaysay ng mga Hudyo. Nasaad nga sa Jewish Encyclopedia: “Ang pagkamuhi at ang galit ng mga propeta sa pagsamba sa mga diyus-diyusan ay nagpapakita na ang pagsamba sa mga diyus-diyusan at mga diyos ay nanuot na sa mga kaluluwa ng mga Israelita. Tumanggap sila ng mga paniniwalang pang-idolatriya at pangmitolohiya. Ang Talmud din ay sumasaksi na ang paganismo ay may natatanging pang-akit sa mga Hudyo.”(2)





Ang Talmud(3) ng Babilonia — na nagmamalabis ang mga Hudyo sa pagpapakabanal dito, na maaaring minamabuti nila higit sa Torah at laganap noon sa mga Hudyo noong ikaanim na siglong Kristiyano, at nag-umapaw sa mga pambihirang halimbawa ng kahinaan ng isip, kabalbalan, kapangahasan laban kay Allah, pang-uulol sa mga katotohanan, at paglalaro sa relihiyon at katwiran — ay nagpapatunay sa naabot ng lipunang Hudyo noong siglong iyon na pagbabang pangkaisipan at katiwalian ng pandamang panrelihiyon.(4)





Tungkol naman sa Kristiyanismo, pinagdusa ito ng mga pambabaluktot ng mga nag-mamalabis, pagpapakahulugan ng mga mangmang at paganismo ng mga Romanong nag-Kristiyano magmula sa unang panahon nito. Lahat ng iyon ay naging isang bunton na nalibing sa ilalim nito ang mga dakilang katuruan ni Kristo at naikubli ang liwanag ng Monoteismo at ang kawagasan ng pagsamba sa Diyos sa likod ng mga makapal na ulap.





Isinasalaysay ng isang Kristiyano ang saklaw ng panunuot ng pinaniniwalaang Trinidad sa lipunang Kristiyano magmula noong katapusan ng ikaapat na siglong Kristiyano. Sinasabi Niya: “Nunuot ang paniniwala na ang nag-iisang Diyos ay binubuo ng tatlong persona sa kaloob-looban ng buhay ng mundong Kristiyano at sa mga kaisipan nito magmula noong huling ikaapat na bahagi ng ikaapat na siglo. Nanatili ito na opisyal na batayang pinanini-walaan sa lahat ng dako ng mundong Kristiyano. Hindi natigil ang pag-unlad ng pinanini-walaang Trinidad at misteryo nito kundi pa noong ikalawang kalahati ng ika-19 na siglong Kristiyano.”(5)





Isinasalaysay naman ng isang kontemporaryong Kristiyanong mananalaysay sa aklat na History of Christianity in the Light of Modern Knowledge ang tungkol sa paglitaw ng paga-nismo sa lipunang Kristiyano sa iba’t ibang pagkakalitaw at sari-saring kulay. Nagpaka-husay ang mga Kristiyano sa panghihiram ng paganong mga rituwal, mga kaugalian, mga pagdiriwang at mga bayani mula sa mga kalipunan at mga relihiyon na matanda na sa idolatriya sa bisa ng panggagaya o paghanga o kamangmangan. Sinasabi niya:





“Nagwakas na ang Paganismo, subalit hindi ito nakatagpo ng ganap na pagkalipol. Bagkus ito ay nanuot sa mga kaluluwa at nagpatuloy ang lahat ng bagay rito sa ngalan ng Kristi-yanismo at sa likod ng tabing nito. Ang mga nagwaksi sa mga diyos nila at mga bayani nila at nag-iwan sa mga ito ay kumuha naman ng isang martir sa mga martir nila at tinagurian ito ng mga paglalarawan ng mga diyos. Pagkatapos ay ginawan ito ng rebulto.”





“Ganito nalipat itong idolatriya at pagsamba sa mga diyus-diyusan sa mga lokal na martir na ito. Hindi nagwakas ang siglo na iyon hanggang sa lumaganap sa kanila ang pagsamba sa mga martir at mga banal. Nakabuo ng bagong pinaniniwalaan: na ang mga banal ay nagtataglay ng mga katangian ng pagkadiyos. Ang mga banal at ang mga santo na ito ay naging mga nilikhang tulay sa pagitan ng Diyos at tao. Pinalitan ang mga pangalan ng mga paganong pagdiriwang ng mga bagong pangalan, hanggang sa binago noong taong 400 ang matandang pagdiriwang ng kapanganakan ng araw upang maging pagdiriwang ng kapanga-nakan ni Kristo.”(6)





Tungkol naman sa mga Mazdaista,(7) nakilala sila mula noong matandang panahon sa pagsamba sa mga elemento ng kalikasan, na ang pinakadakila sa mga ito ay ang apoy. Nanatili sila sa pagsamba rito sa bandang huli. Nagpapatayo sila para rito ng mga templo at mga sambahan. Lumaganap ang mga bahay ng apoy sa kahabaan at kaluwangan ng bayan at nalipol ang lahat ng pinaniniwalaan at relihiyon maliban sa pagsamba sa apoy at pagpapakabanal sa araw. Ang relihiyon sa ganang kanila ay naging mga rituwal at mga tradisyon na isinasagawa sa mga takdang pook.(8)





Inilalarawan ng Danes na may-akda ng Iran in the Age of the Sassanids na si Arthur Christiansen ang uring mga pangulo ng relihiyon at ang mga gawain nila. Sinasabi niya:





“Isang tungkulin sa mga kawani na ito na sumamba sa araw nang apat na ulit isang araw, idinadagdag pa roon ang pagsamba sa buwan, apoy at tubig. Sila ay mga naaatasang huwag nilang hayaan ang apoy na maapula, na huwag masaling ng apoy at tubig ang isa’t isa, at na huwag nilang hayaan ang metal na kalawangin dahil ang mga metal sa ganang kanila ay binanal.(9)





Naniwala sila Duwalismo (10)sa lahat ng panahon. Iyan ay naging natatanging tatak nila. Sumasampalataya siya sa dalawang diyos: ang isa ay ang liwanag o ang diyos ng kabutihan at tinatawag nila na Ahura Mazda o Yazdan, at ang ikalawa ay ang kadiliman o ang diyos ng kasamaan na si Angra Mainyu. Ang tunggalian sa pagitan nilang dalawa ay umiiral pa at ang digmaan ay patuloy pa.(11)





Tungkol naman sa Budhismo — ang relihiyon na laganap sa India noon at sa Gitnang Asia ― ito ay isang paganong relihiyon na nagdadala kasama nito ng mga diyus-diyusan saan man tumahak ito, nagpapatayo ng mga templo, at nagpapatindig ng mga estatuwa ni Budha saanman tumigil at tumuloy ito.(12)





Tungkol naman sa Hinduismo, ang relihiyon ng India, napabantog ito sa dami ng mga sinasamba at mga diyos. Naabot ng Paganismo [na ito] ang tugatog nito noong ikaanim na siglong Kristiyano yamang umabot ang bilang ng mga diyos noong siglong iyon sa 330 milyon.(13) Ang bawat bagay na kahanga-hanga, ang bawat bagay na kamangha-mangha at ang bawat bagay na kapaki-pakinabang ay naging diyos na sinasamba. Umangat ang indus-triya ng paglilok ng mga estatuwa sa panahong iyon at nagpakahusay rito ang mga mahusay.





Nagsasabi ang Hindu na si C. V. Vidya sa aklat niya na History of Medieval India habang tinatalakay niya ang tungkol sa panahon ng Haring Hirsh (606-648), ang panahon na sumunod sa paglitaw ng Islam sa Arabia:





“Ang relihiyong Hinduismo at ang relihiyong Budhismo ay paganismo na magkatulad na magkatulad, bagkus marahil ang relihiyong Budhismo ay nakahigit sa relihiyong Hinduismo sa pagkalubog sa paganismo. Ang pagsisimula ng relihiyong ito, ang Budhismo, ay ang pagkakaila sa Diyos, subalit ito ay dahan-dahang gumawa kay Budha na pinakamalaking diyos. Pagkatapos ay nagdagdag ito roon ng iba pang mga diyos tulad ng mga Bodhisattva.(14) Narating ng Paganismo [na ito] ang tugatog nito sa India hanggang sa ang salitang ‘Budha’ ay naging kasingkahulugan ng salitang diyus-diyusan o rebulto sa ilan sa mga wikang silanganin.”





Isa sa hindi mapagdududahan ay na ang Paganismo ay laganap na sa buong kontempo-raryong Daigdig. Ang buong mundo mula sa Dagat Atlantiko hanggang sa Dagat Pasipiko ay nakalubog sa Paganismo. Para bang ang Kristiyanismo, ang mga relihiyong Semito at ang relihiyong Budhismo ay nag-uunahan sa pagdakila sa mga diyus-diyusan at pagpa-pabanal sa mga ito. Ang mga ito ay parang mga pinupustahang kabayo na tumatakbo sa iisang karerahan.(15)





Nagsasabi naman ang isa pang Hindu sa aklat niya na pinamagatang niyang Prevalent Hinduism: “Ang gawain ng paggawa ng mga diyos ay hindi nagwakas dito. Patuloy na may sumasaling mga maliit na diyos sa magkakaibang mga yugtong pangkasaysayan sa ‘konsehong pandiyos’ na ito sa malaking bilang hanggang sa mayroon sa mga ito na naging isang tambak na humigit sa takda at bilang.”(16)





Ito ang lagay ng mga relihiyon. Tungkol naman sa mga sibilisadong bayan na nagkaroon ng mga malaking pamahalaan, nilaganapan ng maraming kaalaman at naging sinilangan ng kabihasnan, mga industriya at mga panitikan, ang mga ito ay naging mga bayan na pinapangit ng mga relihiyon at nawala ang orihinalidad ng mga ito at ang lakas ng mga ito.





Nawala ang mga nagtutuwid. Naglaho ang mga nagtuturo. Umangat sa mga bayang ito ang Ateismo. Dumami sa mga ito ang katiwalian. Napalitan sa mga ito ang mga paman-tayan. Hinamak ng tao sa mga ito ang sarili niya. Dahil doon ay dumami ang pagpapati-wakal. Nagkaputul-putol ang mga bigkis na pampamilya. Nalansag ang mga ugnayang panlipunan. Dinagsa ng mga pasyente sa mga bayang ito ang mga klinika ng mga doktor na psychiatrist. Lumitaw sa mga ito ang palengke ng mga manunuba.





Naranasan ng tao sa mga bayang ito ang bawat pampalugod. Sinunod niya ang bawat bagong kulto sa pagnanais ng ikabubusog ng kaluluwa niya, ikaliligaya ng sarili niya at kapanatagan ng puso niya. Ngunit hindi nagtagumpay ang mga pampalugod, ang mga kapaniwalaan at ang mga teoriya na ito sa pagsasakatuparan niyon. Magpapatuloy ang tao sa kahapisang pangkaluluwa at pagdurusang espirituwal na ito malibang maugnay siya sa Panginoon niya at sumamba sa Kanya alinsunod sa pamamaraan Niya na kinasiyahan Niya para sa sarili nito at ipinag-utos Niya sa mga sugo Niya.





Nagsabi si Allah habang naglilinaw sa lagay ng sinumang bumaling palayo sa Panginoon niya at naghangad ng patnubay ng iba pa:





Ang sinumang bumaling palayo sa pag-alaala sa Akin ay tunay na magkakaroon siya ng isang masikip na pamumuhay. Iipunin Namin siya sa araw ng pagbangon na isang bulag.





Qur’an 20:124.





Nagsabi naman Siya habang nagpapabatid tungkol sa katiwasayan ng mga mananampa-lataya at kaligayahan nila sa buhay na ito:





Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng paglabag sa katarungan, ang mga iyon ay magkakaroon ng katahimikan at sila ay mga napatnubayan





Qur’an 6:82.





. Sinabi rin Niya:





Tungkol naman sa mga paliligayahin ay sa Hardin sila, na mga mananatili sa loob nito sa itatagal ng mga langit at lupa, maliban sa niloob ng Panginoon mo ― isang bigay na hindi mapuputol.





Qur’an 11:108.





Ang mga relihiyon na ito — na hindi Islam — kung sakaling ipatutupad natin sa mga ito ang mga pamantayan ng totoong Relihiyon na nauna nang nabanggit(17) ay talagang masusumpungan natin  ang mga ito na nawalan na ng karamihan sa mga sangkap na iyon. Ito ay maliwanag na sa pamamagitan ng maikling paglalahad tungkol doon.





Ang pinakamalaking nilabag ng mga relihiyong ito ay ang paniniwala sa pagkaiisa ng Diyos sapagkat nagtambal ang mga tagasunod ng mga ito sa tunay na Diyos ng iba pang mga Diyos. Ang mga binaluktot na relihiyong ito ay hindi rin nagkakaloob sa mga tao ng batas na naaangkop sa bawat panahon at pook na mangangalaga sa mga tao sa relihiyon nila, mga karangalan nila, mga supling nila, mga ari-arian nila at mga buhay nila.





Hindi nagtuturo ang mga ito sa kanila at hindi gumagabay sa kanila sa batas ni Allah na ipinag-utos Niya. Hindi nagkakaloob ang mga ito sa mga kaanib ng mga ito ng kapanatagan at kaligayahan dahil sa nilalaman ng mga ito na kontrahan at salungatan.





Tungkol naman sa Islam, darating sa iyo sa mga sumusunod na bahagi ang maglilinaw na ito ang mananatiling totoong Relihiyon mula sa Diyos na kinasiyahan Niya para sa sarili Niya at kinasiyahan Niya para sa Sangkatauhan.





Sa pagwawakas ng bahaging ito ay nababagay na malaman natin ang katotohanan ng pagkapropeta, ang mga tanda ng pagkapropeta at ang pangangailangan ng tao roon, at na linawin natin ang mga saligan ng pag-aanyaya ng mga sugo at ang katotohanan ng pangwakas na mensaheng mananatili.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG