Mga Artikulo

Luminaw sa iyo ayon sa naunang pagtatalakay ang reyalidad ng pagkapropeta, ang mga tanda nito, ang mga himala nito at ang mga patunay ng pagkapropeta ng Propeta natin na si Muhammad (SAS). Bago pag-uusapan ang tungkol sa pagwawakas sa pagkapropeta ay kailangang malaman mo na si Allah ay hindi nagsusugo ng isang sugo maliban kung dahil sa isa sa mga sumusunod na kadahilanan:





Na ang mensahe ng propeta ay nauukol sa isang pangkat ng mga tao at hindi inutusan ang sugo na ito na iparating ang mensahe niya sa mga katabing kalipunan, kaya magsusugo si Allah ng iba pang sugo na may dalang mensahe na nauukol sa isa pang kalipunan;





Na ang mensahe ng naunang propeta ay napawi na, kaya magpapadala si Allah ng isang propeta na magpapanumbalik para sa mga tao ng relihiyon nila;





Na ang batas ng naunang propeta ay naaangkop sa panahon niya ngunit hindi nababagay sa mga sumusunod na panahon, kaya magpapadala si Allah ng isang sugo na magdadala ng isang mensahe at isang batas na nababagay sa pook at panahong nito. Hiniling nga ng karunungan Niya na ipadala Niya si Muhammad (SAS) na may dalang isang pangkalahatang mensahe para sa mga naninirahan sa lupa, na nababagay sa bawat panahon at pook. Pinangalagaan Niya ang mensaheng ito laban sa mga kamay ng pagbabago at pagpapalit upang manatili ang mensahe Niya na buhay na nabubuhay sa pamamagitan nito ang mga tao, malinis sa mga dungis ng pamamaluktot at pagpapalit. Alang-alang doon ay ginawa ito ni Allah na pangwakas sa mga mensahe.





Tunay na kabilang sa ipinantangi ni Allah kay Muhammad (SAS) ay na siya ang pangwakas sa mga propeta kaya wala nang propeta pagkatapos niya. Ito ay dahil sa si Allah ay naglubos sa mga mensahe sa pamamagitan niya, nagwakas sa mga batas sa pamamagitan niya at bumuo sa gusali [ng Islam].





Nagkatotoo sa pagkapropeta niya ang magandang balita ni Kristo tungkol sa kanya kung saan nagsabi ito: “Kailan man baga’y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;”(1)





Itinuring ng pari na si Ibráhím Khalíl — na yumakap sa Islam bandang huli — ang teksto na ito na sumasang-ayon sa sabi ni Propeta Muhammad (SAS) tungkol sa sarili niya: Ang paghahalintulad sa akin at ang paghahalintulad sa mga propeta noong wala pa ako ay katulad ng isang lalaki na nagtayo ng isang bahay. Hinusayan niya ito at pinaganda niya ito maliban sa isang kinalalagyan ng isang laryo sa panulok. Kaya nagsimula ang mga tao na lumilibot dito at humahanga dito ngunit nagsasabi sila: Inilagay na sana kasi ang laryo na ito. Nagsabi siya: At ako ang laryo at ako ay ang pangwakas sa mga propeta.(2)





Alang-alang doon ay ginawa ni Allah ang Aklat na inihatid ni Muhammad bilang isang pamantayan sa mga naunang kasulatan at nagpapawalang-saysay sa mga ito. Ginawa Niya ang batas nito na nagpapawalang-saysay sa lahat ng naunang batas. Ginarantiyahan ni Allah ang pangangalaga sa mensahe ng Propeta (SAS).





Naiparating ang mensaheng ito nang pagpaparating na tuluy-tuloy yamang naiparating ang Marangal na Qur’an sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy sa tinig at sa panulat. Naiparating din ang Sunnah (3)sa salita at gawa niya sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy. Naiparating din ang praktikal na pagpapatupad sa mga batas ng Islam, mga pagsamba rito, mga kalakaran nito at mga kahatulan nito sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy.





Ang sinumang nagsuri sa mga kalipunan ng mga aklat sa talambuhay ng Propeta at Sunnah ay malalaman niya na ang mga Kasamahan (RA) (4)niya ay nag-ingat para sa Sangkatauhan ng lahat ng [ulat ng] pangyayari kaugnay sa kanya, lahat ng sinabi niya at lahat ng ginawa niya. Ipinarating nila ang [paraan ng] pagsamba niya sa Panginoon niya, ang pakikibaka niya, ang pag-alaala niya sa Panginoon, ang paghingi niya ng tawad, ang pagkamapagbigay niya, ang katapangan niya, at ang pakikitungo niya sa mga Kasamahan niya at sa mga dumadalaw sa kanya.





Ipinarating din nila ang saya niya; ang lungkot niya; ang paglalakbay niya; ang pananatili niya; ang katangian ng pagkain niya, inumin niya at kasuutan niya; ang pagkagising niya at ang pagkatulog niya. Kaya kapag nadama mo iyon ay matitiyak mo na ang Relihiyong ito ng Islam ay napangalagaan sa pamamagitan ng pangangalaga ni Allah.





Malalaman mo sa sandaling ito na siya ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo dahil si Allah ay nagpabatid sa atin na ang Sugong ito ay ang pangwakas sa mga propeta. Nagsabi Siya:





Si Muhammad ay hindi ama ng isa sa mga kalalakihan ninyo bagkus ang Sugo ni Allah at ang pangwakas sa mga Propeta





Qur’an 33:40.





. Nagsabi naman ang Sugo tungkol sa sarili niya: Isinugo ako sa lahat ng nilikha at winakasan sa pamamagitan ko ang [pagpapadala ng] mga propeta.(4)





Ito na ang sandali ng pagpapakahulugan sa Islam at ang paglilinaw sa katotohanan nito, mga pinagmulan nito, mga sandigan nito at mga antas nito.





Ang mga Tanda ng Pagkapropeta





Yamang ang pagkapropeta ay isang kaparaanan tungo sa pagkabatid sa pinakamarangal sa mga kaalaman at sa pagsasagawa sa pinakamarangal sa mga gawain at pinakakapita-pitagan sa mga ito, naging bahagi ng awa Niya na gawan ang mga propeta na ito ng mga tanda na nagpapatunay sa kanila, ipinapatunay ng mga tao para sa kanila at ipinakikilala sila ng mga ito sa pamamagitan ng mga iyon.





Kung may isang nag-aangkin ng pagkapropeta ay lilitaw sa kanya ang ilan sa mga pahi-watig at mga kalagayan na maglilinaw sa katapatan niya kung siya ay tapat at magbubunyag sa kasinungalingan niya kung siya ay sinungaling. Ang mga tanda na ito ay marami, na ang ilan ay ang sumusunod:





Na nag-aanyaya ang propeta tungo sa pagsamba kay Allah lamang at sa pagtigil sa pagsamba sa anumang iba pa sa Kanya yamang ito ang layon na alang-alang dito ay nilikha ni Allah ang mga nilikha;





Na nag-aanyaya siya sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allah, paniniwala sa Kanya at paggawa ayon sa mensahe Niya. Inutusan nga Niya ang Propeta Niya na si Muhammad (SAS) na magsabi:





O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allah sa inyong lahat, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga Langit at Lupa;





Qur’an 7:158.





Na aalalayan siya ni Allah sa pamamagitan ng mga sari-saring patunay mula sa mga patunay ng pagkapropeta. Kabilang sa mga patunay na iyon ay ang mga tanda na dinadala ng propeta, at hindi nakakaya ng mga tao na tanggihan ang mga iyon o gumawa ng tulad sa mga iyon.





Kabilang doon ang himala ni Moises (AS) noong nagbago ang tungkod nito na naging isang ahas; ang himala ni Jesus (AS) noong nagpapagaling ito ng ipinanganak na bulag at ng ketongin ayon sa kapahintulutan ni Allah; ang himala ni Muhammad (SAS), ang Dakilang Qur’an, sa kabila ng pagiging di-nakapag-aral niya: hindi nakababasa at hindi nakasusulat; at iba pang mga himala ng mga propeta.





Kabilang din sa mga patunay na ito ang maliwanag na katotohanan na inihatid ng mga propeta at mga isinugo, sumakanila ang pagbati. Hindi nakakaya ng mga katunggali nila na itulak iyon o ikaila iyon. Bagkus tunay na ang mga katunggali na ito ay nakaaalam na ang ihinatid ng mga propeta ay ang katotohanan na hindi maitutulak.





Kabilang din sa mga patunay na ito ang itinangi ni Allah sa mga propeta Niya na kalubusan ng mga kalagayan, magandang mga katangian at mga marangal na mga kaasalan. Kabilang din dito ang pag-ayuda ni Allah sa kanila laban sa mga katunggali nila at ang pagpapangibabaw sa aral na ipinaaanyaya nila;





4. Na sasang-ayon ang paanyaya niya sa mga saligan na nag-anyaya tungo sa mga ito ang [iba pang] mga sugo at mga propeta;(1)





5.Na hindi siya mag-aanyaya sa pagsamba sa sarili niya o sa pagbaling sa kanya ng anuman sa pagsamba at hindi siya mag-aanyaya sa pagdakila sa lahi niya o pangkat niya. Nag-utos si Allah kay Muhammad (SAS) na magsabi sa mga tao:





Sabihin mo: “Hindi ko sinasabi sa inyo na taglay ko ang mga tagong kayamanan ni Allah, hindi ko nala-laman ang nakalingid at hindi ko sinasabi sa inyo na ako ay isang anghel. Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin.”





Qur’an 6:50.





6.  Na hindi siya hihiling sa mga tao ng isa sa mga panandaliang bagay ng mundo kapalit ng pag-aanyaya niya. Nagsabi si Allah habang nagpapabatid tungkol sa mga propeta Niya na sina Noe, Húd, Sálih, Lot at Shu‘ayb — sumakanila ang pagbati — na sila ay nagsabi sa mga tao nila:





Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran; walang kabayaran sa akin maliban sa nasa Panginoon ng mga nilalang





Qur’an 26: 109, 127, 145, 164, 180.





. Pinasabi naman si Muhammad sa mga tao niya: Sabihin mo:





“Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.”





Qur’an 38:86.





Itong mga sugo at mga propeta, na bumanggit ko sa iyo ng ilan sa mga katangian nila at mga patunay sa pagkapropeta nila, ay marami. Nagsabi si Allah:





Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.”





Qur’an 16:36.





Lumigaya nga dahil sa kanila ang mga tao. Napuno ang kasaysayan ng tala ng mga sanaysay tungkol sa kanila. Nagtuluy-tuloy ang pagpaparating sa mga batas ng Relihiyon nila, na siyang katotohanan at katarungan. Nagtuluy-tuloy rin ang pagpaparating sa pinang-yari ni Allah sa kanila na pag-ayuda sa kanila at paglipol sa mga kaaway nila gaya ng pag-gunaw sa mga tao ni Noe, pagkalunod ng Paraon, pagparusa sa mga tao ni Lot, pagwagi ni Muhammad (SAS) sa mga kaaway niya at paglaganap ng Relihiyon niya.





Kaya ang sinumang nakabatid niyon ay nakaalam nang tiyak na sila ay naghatid ng kabu-tihan, patnubay, patunay sa mga nilikha sa anumang pakikinabangan nila, babala sa kanila laban sa nakapipinsala sa kanila. Ang kauna-unahan sa kanila [na mga sugo] ay si Noe (AS) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muhammad (SAS).(2)








Ang Katotohanan ng Pagkapropeta





Tunay na ang pinakamalaking isinasatungkulin sa tao ay na malaman niya sa buhay na ito ang [tunay na] pagkakilala sa Panginoon niya na nagpairal sa kanya mula sa wala at nagpanagana sa kanya ng mga biyaya. Tunay na ang pinakamalaking layon na nilikha ni Allah ang mga nilikha ayon doon ay ang pagsamba sa Kanya lamang, napakamaluwalhati Niya.





Subalit papaanong makikilala ng tao ang Panginoon niya nang totoong pagkakilala at ang kinakailangan ukol sa Panginoon na mga karapatan at mga tungkulin? Papaano niyang sasambahin ang Panginoon niya?





Tunay na ang tao ay makatatagpo ng tutulong sa kanya sa mga kasawian ng panahon niya, at ng para sa kanya sa mga kapakanan niya gaya ng paglulunas sa karamdaman, pagkakaloob ng gamot at pagtulong sa pagpapatayo ng tirahan at mga kawangis niyon. Subalit hindi siya makatatagpo sa lahat ng tao ng magpapakilala sa kanya sa Panginoon niya at maglilinaw sa kanya kung papaano niyang sasambahin ang Panginoon niya.





Ito ay dahil sa ang mga isip ay hindi makapagsosolo na makilala ang nais ni Allah yamang ang isip ng tao ay higit na mahina na matalos ang nais ng taong gaya niya bago maipabatid nito sa kanya ang nais nito kaya papaanong malalaman niya ang nais ni Allah? Ito ay dahil din sa ang tungkulin na ito ay nilimitahan sa mga sugo at mga propeta na hinirang ni Allah upang iparating ang mensahe, at sa mga pinuno ng patnubay na mga tagapagmana ng mga propeta, na mga nagdadala ng mga pamamaraan nila, na sumusunod sa mga bakas nila at nagpaparating para sa kanila ng mensahe nila.





Ito ay dahil din sa ang mga tao ay hindi hindi maaaring tumanggap nang tuwiran mula kay Allah at sila ay hindi makakakaya niyon. Nagsabi si Allah:





Hindi ukol sa tao na maki-kipag-usap sa kanya si Allah maliban sa isang pagsisiwalat, o makikipag-usap Siya sa likod ng isang tabing, o magsusugo Siya ng isang anghel na sugo, pagkadaka ay isisiwalat nito ayon sa kapahintulutan Niya ang anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong.





Qur’an 42:51.





Kaya naman hindi maiiwasan na may isang tulay at isang embahador na magpaparating buhat kay Allah ng isinabatas Niya patungo sa mga lingkod Niya. Ang mga embahador at ang mga tulay na ito ay ang mga sugo at ang mga propeta. Dinadala ng anghel ang mensahe ni Allah patungo sa propeta at ipinararating naman ito ng sugo sa mga tao. Hindi dinadala nang tuwiran ng anghel ang mga mensahe patungo sa mga tao dahil sa ang daigdig ng mga anghel ay naiiba sa daigdig ng mga tao sa kalikasan nito. Nagsabi si Allah:





Si Allah ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao.





Qur’an 22:75.





Hiniling ng karunungan Niya na ang sugo ay kabilang sa uri ng mga pinagsusuguan upang makaunawa sila buhat sa kanya at makaintindi sa kanya, upang magawa nilang kapana-yamin ito at kausapin ito. Kung sakaling nagpadala ng sugo na kabilang sa mga anghel ay talagang hindi nila makakaya na kaharapin ito ni matuto rito.(1)





Nagsabi Siya: Nagsabi sila:





“Hindi kasi nagbaba sa kanya ng isang anghel.” Kung sakaling nagbaba Kami sa kanya ng isang anghel ay talagang napagpasyahan na sana ang usapin at pagkatapos ay hindi na sila palulugitan. Kung sakaling ginawa Namin ang sugong ito na isang anghel ay talagang ginawa sana Namin siya na isang lalaki at talagang nagpalito na sana Kami sa kanila ng ikinalilito nila.





Qur’an 6:8-9.





Nagsabi pa Siya:





Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng anumang mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga pami-lihan. Ginawa Namin bilang isang pagsubok ang ilan sa inyo para sa iba ― magtitiis ba kayo? Ang Panginoon mo ay laging Nakakikita. Nagsabi ang mga hindi umaasa na makipagkita sa Amin: “Hindi kasi nagbaba sa amin ng mga anghel o hindi kasi namin nakikita ang Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakayabang ng isang malaking pagpapakayabang.





Qur’an 25:20-21.





Nagsabi pa si Allah:





Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa kundi ng mga lalaki na nagsiwalat Kami sa kanila.





Qur’an 16:43.





Nagsabi pa Siya:





Hindi Kami nagsugo ng isang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila,





Qur’an 14:4.





Nagtataglay ang mga sugo at ang mga propeta na ito ng katangian ng kalubusan ng pag-iisip, ng kaayusan ng kalikasan ng pagkalalang, ng katapatan sa salita at gawa, ng pagiging mapagkakatiwalaan sa pagpaparating ng ipinagkatiwala sa kanila, ng pangangalaga laban sa lahat ng nagpapapangit sa asal na pantao, at ng kalusugan ng mga katawan laban sa anumang ikaririmarim ng mga paningin at ikasusuklam ng mga matinong panlasa.(2)





Dinalisay nga ni Allah ang mga sarili nila at ang mga kaasalan nila. Sila ay pinakalubos na mga tao sa kaasalan, pinakadalisay sa mga ito sa mga kaluluwa at pinakamapagbigay na mga tao. Tinipon ni Allah sa kanila ang mga marangal sa mga kaasalan at ang mga magan-dang ugali. Tinipon Niya rin sa kanila ang pagkamatiisin, ang pagkamaalam, ang pagkama-pagparaya, ang pagkamapagbigay, ang pagkamapagkaloob, ang katapangan at ang pagkama-katarungan hanggang sa nakilala sila sa mga kaasalan na ito sa gitna ng mga tao nila.





Itong mga tao ni Propeta Sálih (AS) ay nagsasabi sa kanya ayon sa ipinabatid ni Allah hinggil sa kanila: Nagsabi sila:





“O Sálih, ikaw nga noon sa atin ay inaasahan bago ang pahayag na ito. Sinasaway mo ba kami na sambahin namin ang sinasamba ng mga ninuno namin?





Qur’an 11:62.





Nagsabi ang mga tao ni Propeta Shu‘ayb sa kanya ayon sa ipinabatid ni Allah: Nagsabi sila:





“O Shu‘ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na iwan namin ang sinasamba ng mga ninuno namin at na huwag naming gawin sa mga yaman namin ang niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.”





Qur’an 11:87.





Napatanyag si Muhammad (SAS) sa mga kalipi niya sa taguring “ang mapagkakatiwalaan” bago nagbabaan sa kanya ang mensahe. Inilarawan siya ng Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsabing:





Tunay na ikaw ay talagang nasa isang dakilang kaasalan.





Qur’an 68:4.





Sila ang mga pinili ni Allah mula sa mga nilikha Niya. Hinirang Niya sila at pinili Niya sila para magdala ng mensahe at magparating ng ipinagkatiwalang tungkulin. Nagsabi Siya:





Si Allah ay higit na nakaaalam kung saan Niya ilalagay ang pasugo Niya.





Qur’an 6:124.





Nagsabi pa Siya:





Tunay na si Allah ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham at sa mag-anak ni ‘Imrān higit sa ibang mga nilalang —





Qur’an 3:33.





Ang mga sugo at ang mga propeta na ito, sumakanila ang pagbati, sa kabila ng mga matayog na katangian na ipinanglarawan sa kanila ni Allah at ng mga mataas na katangian na ikinatanyag nila, gayunpaman, sila ay mga tao na dinadapuan ng dumadapo sa lahat ng tao. Kaya naman sila ay nagugutom, nagkakasakit, natutulog, kumakain, nag-aasawa at namamatay.





Nagsabi si Allah:





Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mama-matay.





Qur’an 39:30.





Nagsabi rin Siya:





Talagang nagsugo na Kami ng mga sugo noong wala ka pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga may-bahay at mga supling.





Qur’an 13:38.





Bagkus marahil siniil sila o pinatay sila o pinalayas sa mga tahanan nila. Nagsabi si Allah:





Banggitin noong nanlalansi laban sa iyo ang mga tumangging sumampalataya upang bihagin ka nila o patayin ka nila o palayasin ka nila. Nanlalansi sila at nanlalansi rin si Allah, at si Allah ay pinakamabuti sa mga nanlalansi.





Qur’an 8:30.





Subalit ang mabuting kahihinatnan, ang ayuda at ang kapamahalaanan ay ukol sa kanila sa mundo at sa Kabilang-buhay. Sinabi Niya:





at talagang aayudahan nga ni Allah ang sinumang umaayuda sa Kanya





Qur’an 22:40.





. Sinabi pa Niya: Itinakda ni Allah:





“Talagang mananaig nga Ako sampu ng mga sugo Ko.” Tunay na si Allah ay Malakas, Nakapangyayari.





Qur’an 58:21.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG