Mga Artikulo

Nalalaman na ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay nagpapaakay sa isang takdang patakaran at isang matatag na kalakaran. Ang araw, ang buwan, ang mga bituin at ang lupa ay sunud-sunuran sa ilalim ng isang pangkalahatang patakaran. Walang kapangyarihan ang mga ito na kumilos palayo roon at lumabas doon kahit sa layong gabuhok.





Pati na ang tao mismo, kapag pinagmuni-munian mo ang kalagayan niya ay lilinaw sa iyo na siya ay nagpapahinuhod sa mga kalakaran ni Allah nang buong pagpapahinuhod. Kaya hindi siya humihinga at hindi nakadarama ng pangangailangan nito sa tubig, pagkain, liwanag at init malibang alinsunod sa pagtatakdang pandiyos na nagsasaayos ng buhay niya. Nagpapasakop sa pagtatakdang ito ang lahat ng bahagi ng katawan niya. Ang mga tungkulin na ginagampanan ng mga bahaging ito ay hindi maisasagawa malibang ayon sa pinagtibay ni Allah para sa mga ito.





Kaya ang masaklaw na pagtatakdang ito na nagpapasakop dito at hindi tumitigil sa pagtalima ang isang bagay sa Sansinukob na ito magmula sa pinakamalaking tala sa langit hanggang sa pinakamaliit na atom sa buhangin ng mundo ay bahagi ng pagtatakda ng isang Diyos na hari na pinagpipitagan na makapangyarihan. Kaya kapag ang bawat bagay sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito ay nagpapaakay sa pagtatakda, tunay na ang buong mundo ay tumatalima rin sa Haring Makapangyarihan na iyon na naglagay rito, at sumusunod sa utos Niya.





Lumilinaw mula sa pananaw na ito na ang Islam ay Relihiyon ng Sansinukob sa kabuuan dahil sa ang Islam ay nangangahulugan ng pagpapaakay at pagsunod sa inuutos ng Tagapag-utos at sa sinasaway Niya nang walang pagtutol, gaya ng nalaman mo kanina. Ang araw, ang buwan at ang lupa ay sumusuko. Ang hangin, ang tubig, ang liwanag, ang dilim at ang init ay sumusuko. Ang mga punong-kahoy, ang bato at ang mga hayupan ay sumusuko.





Bagkus tunay na ang isang tao na hindi nakakikilala sa Panginoon nito, nagkakaila sa kairalan Niya at tumatanggi sa mga tanda Niya, o sumasamba sa iba sa Kanya at nagtatambal sa Kanya ng iba pa ay sumusuko rin kung isasaalang-alang ang kalikasan ng pagkalalang dito na nilalang ito ayon doon.





Kapag natalos mo ito, halika na; tumingin tayo sa lagay ng tao at masusumpungan mo na ang tao ay pinagtutunggalian ng dalawang kalagayan:





Ang kalikasan ng pagkalalang na nilalang ni Allah ayon dito ang tao gaya ng pagsuko kay Allah; pagkaibig sa pagsamba sa Kanya; pagpapakalapit sa Kanya; pagkaibig sa naiibigan ni Allah gaya ng katotohanan, kabutihan at katapatan; pagkamuhi sa kinamumuhian ni Allah gaya ng kabulaanan, kasamaan, paniniil at paglabag sa katarungan; anumang nauukol doon na mga udyok ng kalikasan ng pagkalalang gaya ng pag-ibig sa yaman, asawa at anak; pagkagusto sa pagkain, pag-inom at pag-aasawa; at anumang hinihiling niyon na pagsasagawa ng mga bahagi ng katawan sa mga gawain na kinakailangan para sa mga ito;





Ang kalooban ng tao at ang pagpipili nito. Nagsugo nga si Allah sa kanya ng mga sugo at nagbaba Siya ng mga kasulatan upang malaman niya ang kaibahan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, ng patnubay at pagkaligaw, at ng mabuti at masama. Inalalayan ni Allah siya ng isip at pag-unawa upang siya ay magiging nakabatay sa kabatiran sa pagpili niya. Kung niloob niya ay tatahakin niya ang daan ng kabutihan at aakayin siya nito tungo sa katotohanan at patnbay. Kung niloob naman niya ay tatahakin niya ang mga landas ng kasamaan at aakayin siya ng mga ito tungo sa kasamaan at kapahamakan.





Kaya kapag tiningnan mo ang tao sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa unang kalagayan ay masusumpungan mo siya na hinubog sa pagsuko, nilalang na likas sa pagsunod niya at walang paglihis sa kanya roon. Ang kalagayan niya ay ang kalagayan din ng iba pang mga nilikha.





Kapag tiningnan mo naman siya sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa ikalawang kalagayan ay masusumpungan mo siya na nakakapamili na pumipili ng anumang niloloob niya. Kaya maaaring siya ay maging isang Muslim o maging isang Káfir:





maaaring bilang isang nagpapasalamat o isang mapagkaila sa utang na loob.





Qur’an 76:3.





Dahil doon, masusumpungan mo na ang mga tao ay nasa dalawang uri. May tao na nakakikilala sa Tagapaglikha nito. Sumasampalataya siya sa Kanya bilang Panginoon, Hari at Diyos na tanging sinasamba nito. Sumusunod siya sa batas Niya kaugnay sa bahagi ng buhay na may mapagpipilian siya. Siya rin ay nilalang na likas sa pagsuko sa Panginoon niya nang walang paglihis sa kanya roon, at sumusunod sa pagtatakda ng Panginoon.





Ito ang lubos na Muslim na nakalubos sa pagkayakap niya sa Islam. Ang kaalaman niya ay naging tumpak dahil siya ay nakakilala kay Allah, ang Tagapaglikha niya at ang Tagapaglalang niya, na nagsugo sa kanya ng mga sugo at nagdulot sa kanya ng lakas ng kaalaman at pagkatuto.





Ang isip niya ay naging tumpak at ang pananaw niya ay naging tama dahil siya ay nagpagana sa pag-iisip niya at pagkatapos ay nagpasya siya na wala siyang sasambahin kundi si Allah na nagkaloob sa kanya ng regalo ng pagkaunawa at pananaw sa mga bagay. Ang dila niya ay naging tumpak na bumibigkas ng katotohanan dahil siya ay walang nang kinikilala ngayon kundi nag-iisang Panginoon, si Allah, na nagbiyaya sa kanya ng lakas ng pagbigkas at pagsasalita.





Kaya naman para bang ang buhay niya ay wala nang natira kundi ang katapatan dahil siya ay nagpaakay sa batas ni Allah kaugnay sa anumang mayroon siyang pamimilian sa nauukol sa kanya. Lumawak sa pagitan niya at ng lahat ng nilikha sa Sansinukob ang ugnayan ng pagkakilalahan at pagkakapalagayan dahil siya ay walang sinasamba kundi si Allah, ang Marunong at ang Maalam, na sumasamba rin sa Kanya, nagpapahinuhod sa utos Niya at nagpapaakay sa pagtatakda Niya ang lahat ng nilikha. Pinasunud-sunuran nga Niya ang mga ito alang-alang sa iyo, o tao.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG