91 naman sa kanya ay lumitaw si Propeta Muhammad (SKP)
bilang Kahuli-hulihan sa mga Propeta.
m. Subalit ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay
nagsasabing si Ismael ay anak sa labas.
M. Iyan ang sinasabi nila, ngunit hindi iyan ang
ipinahahayag ng Bibliya. Papaano magkakaroon ng
asawang ilegal at anak sa labas ang isang dakilang
Propeta na katulad ni Abraham!
Genesis 16:3: “At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram,
si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng
sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng
Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang
maging asawa niya.” Kung ang pagiging mag-asawa ay
legal, papaano, kung gayon, ang kanilang supling
magiging ilegal! Ang maging mag-asawa ang dalawang
banyaga: isang Caldeo (Abraham) at isang taga-Egipto
(Agar) ay hindi ba higit na legal kaysa sa maging magasawa
ang isang lalake (Abraham) at ang isang babae
(Sara) na anak ng kanyang ama? Kung ito ay isang
pagsisinungaling man ni Abraham o hindi, nasasaad sa
Genesis: 20:12: “At saka talagang siya’y kapatid ko, na
anak ng aking ama, datapuwa’t hindi anak ng aking ina;
at siya’y naging asawa ko.”
Ang pangalang Ismael ay pinili rin ni Allah mismo
(Genesis 16:11): “At sinabi sa kaniya (Agar) ng anghel
ng Panginoon, Narito’t ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
92 ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa
kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka’t dininig ng
Panginoon ang iyong kadalamhatian.” At saan naman
nakasulat sa Bibliya na si Ismael ay anak sa labas?
m. Wala sa Bibliya.
M. Matagal na panahon bago pa naisilang sina Ismael at
Isaac, ang Diyos ay nakipagtipan na kay Abraham
(Genesis 15:18): “… na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay
ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa
malaking ilog, na ilog Eufrates.” Hindi ba’t ang
kalakhang bahagi ng Arabia ay nasa pagitan ng Ilog Nile
at Eufrates, na bandang huli ay pinanirahan ng lahat ng
inapo ni Ismael?
m. Ang ibig mo bang sabihin ay walang lupaing
ipinangako kay Isaac at sa kanyang mga inapo?
M. Tayong mga Muslim ay hindi kailanman nagkakaila na
si Isaac ay pinagpala rin. Tingnan mo ang Genesis 17:8:
“At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo,
ang lupaing iyong mga pinaglakbayan,9 ang boong
lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako
ang magiging Dios nila.”
9 Ang mga katagang “ang lupaing iyong mga pinaglakbayan” ay “the land
wherein thou art a stranger” sa pinagsalinang aklat na ang ginamit na
version ng Bibliya ay King James. Mapupuna na napakalayo ng dalawang
salin.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
93 Napupuna mo rin ang kaibahan na si Abraham ay
binanggit na naglakbay sa lupain ng Canaan ngunit hindi
[binanggit na siya ay naglakbay] sa lupain sa pagitan ng
Nile at Eufrates. Bilang isang Caldeo, siya ay higit na
isang Arabe kaysa sa isang Hudyo.
m. Ngunit ang tipan ay pinagtibay kay Isaac ayon sa
Genesis 17:21: “Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin
ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw,
sa taong darating.”
M. Hindi ba rito kasama si Ismael? Saan sa Bibliya na
sinabi ng Diyos na hindi Siya makikipagtipan kay
Ismael?
m. Wala.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
94 Ang Batayan ni Propeta
Jeremias
Jeremias 28:9: “Ang propeta, na nanghuhula ng
tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta,
na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita
ng propeta ay mangyayari.”
Ang salitang Islam ay nangangahulugan ding
Katiwasayan at Kapayapaan. Kapayapaan sa pagitan ng
Lumikha at Kanyang mga nilikha. Ang hula ni Jeremias
ay hindi maaaring pumatungkol kay Jesus dahil siya
mismo ay nagsabi na hindi siya naparito para sa
kapayapaan (Lucas 12:51-53): “Inaakala baga ninyo na
ako’y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus
pagkakabahabahagi: Sapagka’t mula ngayon ay
magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo. Sila’y
mangagkakabahabahagi, ang ama’y laban sa anak na
lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina’y
laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa
kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang
manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban
sa kaniyang biyanang babae.” Tingnan mo rin ang Mateo
10:34-36.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
95 Hanggang sa ang Shiloh ay
Dumating
Ito ay isang mensahe ni Jacob sa kanyang mga anak
bago siya namatay (Genesis 49:1): “At tinawag ni Jacob
ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo,
upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa
mga huling araw,”
Genesis 49:10: “Ang setro ay hindi mahihiwalay sa
Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng
kaniyang paa, hanggang sa ang Shiloh ay dumating; at sa
kaniya ay tatalima ang mga bansa.” Ang Shiloh ay
pangalan din ng isang bayan, ngunit ang tunay na
kahulugan nito ay kapayapaan, kapanatagan, katiwasayan
o Islam. Sa talatang ito, hindi maaaring tumutukoy ito sa
isang bayan. Kung tumutukoy naman ito sa isang tao, ito
ay maaaring namaling bigkas ng [katagang Hebreo na]
Shaluah (Elohim) na ang kahulugan ay Sugo (ni Allah.)
Samakatuwid, ang Pagkapropeta ng mga Israelita sa
angkan ni Isaac ay hihinto kaagad sa pagdating ng Shiloh.
Ito ay umaayon sa Qur’an 2:133: “O kayo ba ay mga
saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan?
Noong nagsabi siya sa kanyang mga anak: “Ano ang
inyong sasambahin kapag wala na ako?” ay nagsabi
sila: “Sasambahin namin ang iyong Diyos na Diyos ng
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
96 iyong mga ninunong sina Abraham, Ismael, at Isaac:
iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga Sumusuko.” ”
Ang paglipat ng Pagkapropeta sa ibang bansa ay
binalaan sa Jeremias 31:36: “Kung ang mga ayos na ito
ay humihiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang
binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap
ko magpakailan man.” Ito ay ipinahawatig din ni Jesus sa
Mateo 21:43: “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa
inyo ang kaharian ng Diyos, at ibibigay sa isang bansang
nagkakabunga.”
Ang Baca ay ang Makkah
Ang Banal na Ka’bah na itinayo ni Abraham at ng
kanyang anak na si Ismael ay nasa Makkah. Ang
pangalang Makkah ay nabanggit ng isang beses sa Banal
na Qur’an sa Súrah 48:24. Ang isa pang pangalan ng
Makkah ay Bakka, depende sa dayalekto ng isang liping
Arabe. Ito ay binanggit din minsan sa Súrah 3:96:
“Tunay na ang unang Bahay Sambahan na itinayo
para sa mga tao ay talagang ang nasa Bakka,
pinagpala at patnubay para sa mga nilalang.” Ang
nakapagtataka rin, itong katagang Bakka ay binanggit ni
Propeta David (SKP) sa kanyang mga Awit 84:6: “Who
passing through the valley of BACA make it a well, the
rain also filleth the pools.” [Na nagdaraan sa lambak ng
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
97 Baca na ginawa nilang bukal …]10 Ang bukal na
tinutukoy rito ay ang Zamzam, na naririto pa rin sa
ngayon, malapit sa Ka’bah.
Ang Bahay ng Aking
Kaluwalhatian
Isaias, Kapitulo 60:
1. “Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong
liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon
ay sumikat sa iyo.” Ihambing mo sa Súrah 74:1-3: “O
nakabalot! Bumangon ka at magbabala. At ang iyong
Panginoon ay dakilain mo.”
2. “Sapagka’t naririto, tatakpan ng kadiliman ang
lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni’t
ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay makikita sa iyo.” Ang pagdating ni
Propeta Muhammad (SKP) ay noong panahon ng
kadiliman nang ang mundo ay nakalimot sa Kaisahan
ng Diyos ayon sa itinuro ni Abraham at ng iba pang
mga Propeta kabilang na si Jesus.
10 Ang pagbibigay-diin ay sa amin. Isinalin namin sa Tagalog ang King James
Version na siyang ginamit ng pinagsalinang aklat dahil ang katagang BACA
ay isinaling iyak sa mga Bibliyang Tagalog. Kung ang kahulugan ng BACA
ay iyak, bakit hindi ito isinalin na weeping ng mga tagapagsalin ng King
James Version?
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
98 3. “At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag,
at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.”
4. “Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, at ikaw
ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila’y
nagsiparoon sa iyo …” Sa loob ng kulang-kulang
dalawampu’t tatlong taon, ang buong Arabia ay
nagkaisa.
5. “… sapagka’t ang kasaganaan ng dagat ay
mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay
darating sa iyo.” Sa loob ng kulang-kulang isang
siglo, ang Islam ay lumaganap mula sa Arabia
papunta sa iba pang mga bansa.
6. “Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga
dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling
na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at
kamangyang, at magtatanyag ng mga kapurihan ng
Panginoon.”
7. “Lahat ng kawan sa Cedar (Kedar) ay mapipisan
sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay
mangahahain sa akin: sila’y kalugodlugod, na
tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin
ang bahay ng aking kaluwalhatian.” Ang mga lipi ng
Kedar (Arabia) na nagkawatak-watak ay nagkaisa.
Ang tinutukoy rito ng “ang bahay ng aking
kaluwalhatian” ay ang Bahay ni Allah sa Makkah at
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
99 hindi ang Iglesia ni Cristo11 gaya ng akala ng mga
tagapaliwanag na Kristiyano. Sa katunayan, ang mga
nayon ni Kedar (sa kasalukuyan ay ang buong Saudi
Arabia) ay ang natatanging bansa sa mundo na
nananatiling hindi napapasok ng anumang
impluwensiya ng Iglesia.
11. “Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay
mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o gabi
man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng
kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari
ay makakasama nila.” Nalalaman natin na ang moske
na nakapaligid sa Ka‘bah ay nananatiling bukas sa
gabi’t araw simula ng linisin ito ni Propeta
Muhammad (SKP) sa mga diyus-diyusan, mahigit
1,400 taon na ang nakalipas. Ang mga pinuno sampu
ng mga nasasakupan ay nagsasadya rito upang
magsagawa ng Hajj.
11 Ang Iglesia ni Kristo na tinutukoy sa aklat na ito ay hindi ang Iglesia ni
Cristo na itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas noong 1914.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
100 Ang Mangangabayo ng Asno at
Kamelyo
Ito ang pangitain ni Isaias tungkol sa dalawang
mangangabayo na nabanggit sa Isaias 21:7: “At pagka
siya’y nakakita ng pulutong, ng mga nangangabayong
dalawa’t dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga
kamelyo …”
Sino ang mangangabayo ng asno? Ang bawat magaaral
ng Sunday School12 ay makikilala siya. Iyon ay si
Jesus (Juan 12:14): “At si Jesus, pagkasumpong sa isang
batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat.”
Sino naman, kung gayon, ang ipinangakong
mangangabayo ng kamelyo? Ang makapangyarihang
Propeta na ito ay nakaligtaan ng mga mambabasa ng
Bibliya. Ito ay si Propeta Muhammad (SKP). Kung ito ay
hindi pumapatungkol sa kanya, samakatuwid ang hulang
ito ay matutupad pa lamang. Kaya naman binanggit pa ni
Isaias sa ganoon ding kabanata (21:13) ang: “The burden
of Arabia…”13 na nangangahulugang ang tungkulin ng
12 Ito ay isang lingguhang pag-aaral ng Bibliya at mga Doktrina, na idinadaos
sa mga kapilya at mga simbahan, lalong-lalo na ng mga Protestante.
13 Sa Bibliyang Tagalog: Ang hula tungkol sa Arabia. Lubhang napakalayo
ng kahulugan ng hula sa burden. Sana ay prophecy ang ginamit kung
talagang ito ang tama.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
101 mga Arabeng Muslim, at mangyari pa ng lahat ng mga
Muslim sa ngayon, na ipalaganap ang mensahe ng Islam.
Isaias 21:14: “… sinalubong ng mga nananahan sa
lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.”
Ang Tema ay malamang na ang Madinah na nilipatan ni
Propeta Muhammad (SKP) at ng kanyang mga
tagasunod. Ang bawat nandayuhan (na taga-Makkah) ay
ginawang kapatid ng bawat mamamayan ng Madinah at
binigyan ng pagkain at matutuluyan.
Isaias 21:15: “Sapagka’t kanilang tinakasan ang mga
tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang
lala ng digmaan.” Ito ay naganap noong si Propeta
Muhammad (SKP) at ang kanyang mga kasamahan ay
pinag-uusig. Nilisan nila ang Makkah at pumaroon sa
Madinah.
Isaias 21:16: “Sapagka’t ganito ang sinabi ng
Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, ayon sa mga
taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar
(Kedar) ay mapapawi:” Sa ganap na ikalawang taon ng
Hijrah (paglikas ng mga Muslim sa Madinah buhat sa
Makkah), ang mga pagano ay nagapi sa labanan sa Badr.
Sa pagtatapos ang Isaias 21:17 ay nagbigay-wakas sa
hula sa pamamagitan nito: “… sa mga makapangyarihang
lalake na mga anak ni Cedar (Kedar), ay mangiilan:
sapagka’t ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, siyang
nagsalita.” Si Kedar ay ang ikalawang anak ni Ismael
(Genesis 25:13) na siyang pinagmulan ni Propeta
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
102 Muhammad (SKP). Sa simula ay inuusig ng mga inapo ni
Kedar si Propeta Muhammad (SKP) at ang kanyang mga
tagasunod. Subalit dahil marami sa kanila ang yumakap
sa Islam, ang bilang ng mga inapo ni Kedar na
sumasalungat ay nangaunti. Sa ilang talata ng Bibliya,
ang katagang Kedar ay kasingkahulugan ng mga Arabe sa
kabuuan, tulad ng nabanggit sa Ezekiel 27:21: “Ang
Arabia, at lahat ng prinsipe sa Cedar (Kedar) …”
Ang Propetang Gaya ni Moises
Ang Diyos ay nagsabi kay Moises (Deuteronomeo:
18:18): “Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa
gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking
ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang
sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.”
1. Ang mga kapatid ng mga Israelita (mga inapo ni
Abraham mula kay Isaac) ay ang mga Ismaelita (mga
inapo ni Abraham mula kay Ismael). Hindi kabilang si
Jesus dito dahil siya ay isang Israelita; at dahil kung
hindi ang dapat sanang nakasulat ay “ang isang
propeta sa gitna ninyo.”
2. Si Muhammad ba ay hindi gaya ni Moises? Kung ito
ay hindi matatanggap, ang pangakong ito ay
matutupad pa lamang. Ang talahanayan sa ibaba na
sinipi sa Al-Ittihad, Enero-Marso 1982, Pahina 41, ay
hindi na kailangan ng paliwanag:
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
103 Ang sumusunod ay isang paghahambing ng ilan sa mga
mahalagang katangian nina Moises, Muhammad, at Jesus
(SlaKP) na maaaring makapagbigay-linaw sa
pagkakakilanlan ng Propetang yaon na darating
pagkatapos ni Moises:
Uri ng
Paghambing
Moises Muhammad Jesus
Pagkasilang Karaniwan Karaniwan di-Karaniwan
Buhay Pamilya May asawa’t anak May asawa’t
anak
Walang asawa’t
anak
Pagkamatay14 Karaniwan Karaniwan di-Karaniwan
Katungkulan Propeta’t
Estadista
Propeta’t
Estadista
Propeta
Sapilitang Paglikas Sa Median Sa Medinah Wala
Sagupaan sa mga
Kaaway
Mainit na Tugisan Mainit na
Tugisan/ mga
Labanan
Walang katulad
na
sagupaan
Mga Resulta ng
Sagupaan
Moral at Pisikal
na
Tagumpay
Moral at Pisikal
na Tagumpay
Moral na
Tagumpay
Pagsulat ng
Kapahayagan
Noong buhay pa
siya (Torah)
Noong buhay pa
siya (Qur’an)
Noong wala na
siya
Uri ng Katuruan Espirituwal/Legal Espirituwal/Lega
l
Espirituwal sa
kabuuan
Pagtanggap ng
mga
tao sa Pamumuno
Itinakwil at saka
tinanggap din
Itinakwil at saka
tinanggap din
Itinakwil (ng
marami
sa mga Israelita)
3. “… aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya.”
Samakatuwid ang kapahayagan ng Diyos ay dumating
14 Ito ay ayon sa Bibliya ngunit ayon sa Qur’an si Jesus ay hindi napatay o
namatay.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
104 sa pamamagitan ni Anghel Gabriel at ang sariling
pag-iisip ni Propeta Muhammad (SKP) ay walang
kinalaman. Subalit ito ay totoo rin sa lahat ng mga
Banal na pahayag. Marahil dito ay binanggit nang
tiyakan dahil inihambing sa kapahayagan kay Moises
na dumating na “nakasulat sa lapida” gaya ng
pinaniniwalaan.
Deuteronomio 18:19: “At mangyayari, na sinumang
hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang
sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa
kaniya.”
Sa Qur’an ang 113 sa 114 kabanata (Súrah) ay
nagsisimula sa “Sa Ngalan ni Allah, ang
Napakamaawain, ang Pinakamaawain.” Gayundin, sa
kanilang gawain sa araw-araw, ang mga Muslim ay
nagsisimula sa pangungusap na ito. Hindi nila sinasabing
sa Ngalan ng Diyos, kundi “sa aking pangalan,” sa sarili
Niyang pangalan na Allah. Yayamang ito ay pangalang
pansarili, hindi ito maaaring gawing panlalake o
pambabae gaya ng Diyos o Diyosa o gawing maramihan
gaya ng Diyos o mga Diyos. Ang mga Kristiyano ay
nagsisimula sa “Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Espiritu Santo.”
Mapapansing ang mga hindi makikinig sa kanya o
magkakaila sa kanya ay parurusahan. Ito ay sumasangayon
sa mga talata ng Banal na Qur’an 3:19: “Tunay
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
105 na ang relihiyon para kay Allah ay Islam. …” at sa
3:85: “At ang sinumang maghahangad ng iba pa sa
Islam bilang relihiyon, hindi iyon matatanggap sa
kanya; at siya sa Kabilang-buhay ay mapabibilang sa
mga Talunan.”
Aking Lingkod, Sugo at Hinirang
Ang isang lalong malinaw na katuparan sa hula
tungkol kay Propeta Muhammad (SKP) ay matatagpuan
sa Isaias 42:
1. “Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang
aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa;
isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya’y maglalapat
ng kahatulan sa mga bansa.” Tinawag din siya na
“aking sugo” sa talata 19. Walang pag-aalinlangan na
ang lahat ng Propeta ay talagang mga alagad, mga
sugo, at mga hinirang ni Allah. Subalit walang
propetang tinawag sa kalahatan sa mga natatanging
taguring ito gaya ni Muhammad (SKP), na sa wikang
Arabe ay ‘Abduhu wa Rasúluhul Mustafá na ang
kahulugan ay: ang Kanyang lingkod at ang Kanyang
Sugo na hinirang. Ang patotoo ng isang taong
yumayakap sa Islam ay: “Sumasaksi ako na walang
Diyos kundi si Allah, wala Siyang katambal at
sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Kanyang
lingkod at Kanyang sugo.” Ang mismong pahayag
na ito ay inuulit-ulit nang makalimang beses arawaraw
sa mga tore ng mga moske bilang panawagan sa
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
106 pagdarasal, limang beses din araw-araw tuwing kapag
magsisimula na ang bawat dasal, siyam na beses sa
isang araw sa Tashahhud sa loob ng mga dasal na
kailangang gampanan, at maraming beses pa kung ang
isang Muslim ay nagsasagawa ng mga itinatagubiling
dasal. Ang pinakapalasak na taguri kay Propeta
Muhammad (SKP) ay Rasúlulláh, na ang ibig sabihin
ay ang Sugo ni Allah.
2. “Siya’y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o
iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.” Ito
ay naglalarawan sa kagandahang-asal ni Propeta
Muhammad (SKP).
3. “… siya’y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.”
4. “Siya’y hindi manglulupaypay o maduduwag man,
hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at
ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.”
Ihambing ito kay Jesus, na hindi nanaig sa kanyang
mga kaaway at nalungkot dahilan sa pagtakwil sa
kanya ng mga Israelita.
5. . . .
6. “Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa
katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at mag-iingat
sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na
pinakaliwanag sa mga bansa (mga Hentil).” “at magiingat
sa iyo,” ibig sabihin ay wala nang ibang
propetang darating pagkatapos niya. Sa loob ng
maikling panahon, maraming mga Hentil (mga
bansang hindi Hudyo) ang nagabayan sa Islam.
7. “Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang
maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
107 nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.” Ang
“mga bulag na mata, nangauupo sa kadiliman” ay
tumutukoy rito sa buhay pagano. Ang “upang
maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan” ay
tumutukoy sa pagbibigay-wakas sa pang-aalipin sa
unang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan.
8. “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang
aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang
akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.” Si
Propeta Muhammad (SKP) ay namumukod-tangi sa
lahat ng mga Propeta sapagkat siya ang Kahulihulihan
sa mga Propeta at ang kanyang mga
katuruan ay nanatiling hindi nabaluktot
magpahanggang sa kasalukuyan, kung ihambing sa
katuruan ng Kristiyanismo at Judaismo.
10. “Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at
ang kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa …” Ang
isang bagong awit ay hindi sa Hebreo o sa Aramaic
kundi sa Arabe. Ang papuri sa Diyos at sa Kanyang
sugo na si Muhammad (SKP) ay “inaawit” nang
limang beses araw-araw sa mga minaret (tore) ng
milyun-milyong moske sa buong mundo.
11. “Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga
bayan niyaon, ang mga nayon sa tinatahanan ng Cedar
(Kedar): magsiawit ang mga nananahan sa Selah,
magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga
bundok.” Mula sa bundok ng Arafat malapit sa
Makkah, ang mga nagsasagawa ng Hajj ay “umaawit”
taun-taon ng sumusunod: “Bilang pagtugon sa Iyong
panawagan, o Allah, bilang pagtugon sa Iyong
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
108 panawagan; bilang pagtugon sa Iyong panawagan,
wala Kang katambal, bilang pagtugon sa Iyong
panawagan. Tunay na ang papuri at ang
pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala
Kang katambal.” Ang Isaias 42 ay hindi kailanman
maaaring ipatungkol sa isang Israelitang propeta
sapagkat si Kedar ay ang ikalawang anak ni Ismael
(SKP). Tingnan mo ang Genesis 25:13.
12. “Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at
mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo.”
At tunay naman na ang Islam ay lumaganap sa mga
maliliit na pulo hanggang doon sa Indonesia at
Caribbean Sea.
13. “… siya’y gagawing makapangyarihan laban sa
kaniyang mga kaaway.” Sa loob ng maikling panahon,
ang Kaharian ng Diyos ay naitatag sa mundo kasabay
ng pagdating ni Propeta Muhammad (SKP). Itong ika-
42 kabanata ng Isaias ay tumutugon sa mga katangian
ni Propeta Muhammad (SKP).
Tinawag Siya ni Haring David na
“Aking Panginoon”
Mga Awit 110:1: “Sinabi ng Panginoon sa aking
panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa
aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.”
May binanggit dito na dalawang Panginoon. Kung
ang unang Panginoon (ang nagsalita) ay Diyos, ang
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
109 ikalawang panginoon (ang kinakausap) ay hindi maaaring
maging Diyos din sapagkat si David ay nakakikilala ng
isang Diyos lamang. Samakatuwid ang dapat sanang
mababasa rito ay: “Sinabi ng Diyos sa aking panginoon
…” Sino yaong tinawag ni David na “aking panginoon”?
Sinasabi ng Simbahan na si Jesus! Subalit ikinaila ito ni
Jesus mismo sa Mateo 22:45, Marcos 12:37 at Lucas
20:42-44. Hindi niya ibinilang ang kanyang sarili na
pinatutungkulan ng titulong ito dahil siya ay isang anak ni
David. Papaano siya tatawagin ni David na “aking
panginoon” kung siya ay anak nito, katwiran ni Jesus.
Nagsabi si Jesus sa Lucas 20:41-44: “… Paanong
sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David? Sapagka’t
si David din ang nagsabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng
Panginoon sa aking panginoon; Maupo ka sa aking
kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na
tuntungan ng iyong mga paa.” Dahil dito tinatawag siyang
Panginoon ni David, at paanong siya’y anak niya?”
Si Jesus ay tiyak na nagbibigay ng kasagutan na hindi
naisulat sa apat na Ebanghelyong kanoniko (kinikilala ng
Simbahan), ngunit nabanggit nang maliwanag sa
Ebanghelyo ni Bernabe (Gospel of Barnabas) na ang
pangako ay ginawa kay Ismael at hindi kay Isaac. Kaya
ang panginoon ni David (SKP) ay si Propeta Muhammad
(SKP) na nakita niya sa espiritu. Walang propetang may
nagawang higit pa kaysa kay Propeta Muhammad (SKP).
Kahit na pagsama-samahin pa ang mga nagawa ng lahat
ng ibang Propeta ay maliit pa rin kung ihahambing sa
mga nagawa ni Propeta Muhammad (SKP) sa loob ng
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
110 maikling panahon na 23 taon, na nananatiling hindi
nagbago hanggang sa kasalukuyan.
Ikaw Baga ang Propeta?
Nagsugo ang mga Hudyo ng mga saserdote at mga
Levita kay Juan Bautista upang magtanong kung sino ba
talaga siya. (Juan 1:20-21): “At kaniyang ipinahayag, at
hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, hindi ako ang
Cristo. At sa kaniya’y kanilang itinanong, Kung gayo’y
ano nga? Ikaw baga’y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako.
Ikaw baga ang propeta? At siya’y sumagot, Hindi.” Ang
mahalagang katanungan dito ay Ikaw baga ang
propeta? Sino kung gayon ang propeta na matagal nang
hinihintay matapos na dumating sina Jesus at Juan
Bautista (SlaKP)? Hindi kaya siya ang gaya ni Moises
(Deuteronomio 18:18) na si Muhammad (SKP)?
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
111 Magbabautismo sa Espiritu
Santo at sa Apoy
Mateo 3:11: “Sa katotohanan ay binabautismuhan ko
(Juan Bautista) kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang
dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan
kaysa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng
kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo ay magbabautismo
sa Espiritu Santo at apoy.”
Kung si Jesus ang tinutukoy rito, si Juan Bautista ay
hindi na sana bumalik sa bundok upang muling
manirahan doon, sa halip ay sumama na sana siya kay
Jesus at naging isa sa mga disipulo nito, na hindi niya
naman ginawa. Samakatuwid may isa pang
makapangyarihang Propeta na tinutukoy rito, at hindi si
Jesus. Ang darating pagkatapos ni Juan Bautista ay hindi
maaaring maging si Jesus dahil silang dalawa ay
magkapanahon. Heto na naman, hindi kaya si Propeta
Muhammad (SKP) ang tinutukoy rito ni Juan Bautista?
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
112 Ang Lalong Maliit sa Kaharian
ng Langit
Si Jesus ay naitalang nagsasabi (Mateo 11:11):
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga
ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na
isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang
lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa
kaniya.”
Makapaniniwala ka ba na si Juan Bautista ay higit na
dakila kaysa kina Adan, Noe, Abraham, Moises, David,
at sa marami pang mga Propeta? Ilan bang mga pagano
ang nahikayat ni Juan Bautista at nagkaroon ba siya ng
ilang mga tagasunod? Ngunit hindi ito ang
pinakamahalagang punto rito. Ang katanungan ay: Sino
yaong lalong maliit sa kaharian ng langit, na higit na
dakila pa kay Juan Bautista? Tiyak na hindi si Jesus, dahil
sa panahong yaon ang kaharian ng Diyos ay hindi pa
nabuo at naitatag, at hindi niya kailanman sinabing siya
ang lalong maliit—ibig sabihin ay ang pinakabata. Ang
Kaharian ng Langit ay binubuo ng Diyos bilang siyang
Kataas-taasan at ng lahat ng Propeta. Ang lalong maliit o
ang pinakabata roon ay si Propeta Muhammad (SKP).
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
113 Mapapalad ang mga
Mapagpayapa
Sa kanyang pangaral sa bundok, si Jesus ay naitalang
nagsabi (Mateo 5:9): “Mapapalad ang mga
mapagpayapa: sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng
Diyos.”
Ang Islam ay nangangahulugan Kapayapaan:
kapayapaan sa pagitan ng Lumikha at mananamba. Hindi
maaaring tukuyin ni Jesus ang kanyang misyon bilang
mapagpayapa dahil hindi siya naparito para sa
kapayapaan. (Mateo 10:34-36): “Huwag ninyong isiping
ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa:
hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi
tabak. Sapagka’t ako’y naparito upang papagalitin ang
lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban
sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa
kaniyang biyanang babae. At ang magiging kaaway ng
tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.” Tingnan mo
rin ang Lucas 12:49-53.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
114 Ang Mang-aaliw
Juan 14:16: “At ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y
bibigyan niya ng ibang Mang-aaliw, upang siyang suma
inyo magpakailan man.”
Hindi natin ganap na nalalaman ang orihinal na
salitang Aramaic na ginamit ni Jesus para sa Mang-aaliw
(Comforter). Ang ibang mga Bibliya (sa Ingles) ay
gumagamit ng Consoler (Taga-aliw), Advocate
(Tagatangkilik), Helper (Katulong), at sa Bibliyang
Griego naman ay ang katagang Paraclete. Mayroong
magkakaibang mga paliwanag para rito: Espiritu Santo,
ang Salita, isang persona, at iba pa.
Ipinahayag ng Banal na Qur’an sa Súrah 61:6 na
binanggit nang maliwanag ni Jesus ang pangalang
Ahmad: “At banggitin noong magsabi si Jesus na anak
ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ang
sugo ni Allah sa inyo na nagpapatotoo sa Torah na
nauna sa akin at naghahatid ng nakalulugod na balita
ng isang Sugo na darating kapag wala na ako, na ang
kanyang pangalan ay Ahmad.” Subalit noong
dumating na siya sa kanila dala ang mga malinaw na
patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang malinaw na
panggagaway.” ” Ang Ahmad ay ang ikalawang
pangalan ni Propeta Muhammad (SKP), na ang literal na
kahulugan ay ang nagpupuri kay Allah nang higit
kaninuman.
Kung anuman ang kapaliwanagan ng katagang Mangaaliw,
masasabi natin na si Jesus ay nag-iwan ng hindi
natapos na gawain, at na mayroon pang isang darating
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
115 upang lubusin ang kanyang misyon. Suriin natin nang
mabuti sa liwanag ng Bibliya kung ang Mang-aaliw na
ito ay tumutugma sa mga katangian ni Propeta
Muhammad (SKP).
1. “ibang Mang-aaliw”: Napakarami na ang mga Mangaaliw
na dumating, at mayroon pang isang darating.
2. “upang siyang suma inyo magpakailan man”: dahil
hindi na kailangan na may isa pang darating
pagkatapos niya, at siya ang Kahuli-hulihan sa lahat
ng Propeta. Ang katuruan ay mananatili
magpakailanman at mananatiling di-nabago. Sa
katunayan, ang Banal na Qur’an at ang lahat ng
katuruan niya ay nananatiling di-nabago sa nakalipas
na 1400 taon.
3. “kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa
kasalanan” (Juan 16:8): ang lahat ng iba pang
Propeta, pati na sina Abraham, Moses, David, at
Solomon ay tumuligsa sa kanilang mga tao at mga
kababayan dahil sa kasalanan, subalit hindi sa
sanlibutan na gaya ng ginawa ni Muhammad (SKP).
Hindi lamang niya naalis ang pagsamba sa mga diyusdiyusan
sa Arabia sa loob ng 23 taon, nagpadala pa
siya ng mga sugo kay Heraclius, sa mga hari ng
Emperyong Persiano at Romano, sa Najashí na Hari
ng Ethiopia, at kay Muqawqis na Gobernador ng
Egipto [upang anyayahan sila sa Islam].
Sinumbatan niya ang mga Kristiyano sa paghati sa
Kaisahan ng Diyos sa Trinidad, sa pagtaas kay Jesus
bilang anak ng Diyos at mismong Diyos. Siya rin ang
tumuligsa sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
116 pagbabago nila ng kanilang mga kasulatan, ang
nagpatunay sa karapatang mana ni Ismael (SKP), at
ang nagpabula sa mga paratang sa mga Propeta na
pangangalunya sa kamag-anak, pangangalunya sa dikamag-
anak, panggagahasa, at pagsamba sa mga
diyus-diyusan.
4. “sapagka’t ang prinsipe ng sanglibutang ito ay
hinatulan na.” (Juan 16:11). Ito ay si Satanas ayon sa
pagpapaliwanag sa Juan 12:31 at 14:30. Samakatuwid
dumating si Propeta Muhammad (SKP) upang
sumbatan ang sanlibutan tungkol sa hatol.
5. “ang Espiritu ng katotohanan” (Juan 16:13). Magmula
pa sa pagkabata, si Propeta Muhammad (SKP) ay
tinatawag nang al-Amín, na nangangahulugang ang
Mapagkakatiwalaan o ang Tapat, at “papatnubayan
niya kayo sa buong katotohanan …” (Juan 16:13).
6. “sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang
sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang
maririnig” (Juan 16:13).
Ang Banal na Qur’an ay salita ng Diyos. Wala ni
isa mang salitang mula kay Propeta Muhammad (SKP)
o sa kanyang mga Kasamahan ang naisama rito.
Binasa ito ni Anghel Gabriel sa kanya, isinaulo niya
ito, at isinulat ito ng kanyang mga tagasulat. Ang
kanyang sariling mga salita at mga katuruan ay
nakatala sa tinatawag na Hadíth o Kalakaran
(Ahádíth, ang pangmaramihan).
Ihambing sa Deuteronomio 18:18: “…at aking
ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at
kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
117 sa kaniya.” Umaayon ito sa Súrah 53:2-4: “Ang
kasama ninyo ay hindi naligaw o nagkamali. At
hindi siya nagsasalita ng ayon sa kanyang pithaya.
Ito ay isang kapahayagan lamang na ipinahayag sa
kanya.”
7. “at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na
magsisidating” (Juan 16:13). Ang lahat ng hula ni
Propeta Muhammad (SKP) ay nagkatotoo [at
magkakatotoo].
8. “Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14). Sa totoo
lamang, ang Banal na Qur’an at si Propeta
Muhammad (SKP) ay may higit na malaking
pagpipitagan kay Jesus (SKP) kaysa sa Bibliya at mga
Kristiyano mismo. Ang mga sumusunod ay
maglilinaw:
A. Ang paniniwala sa kamatayan niya sa krus ay
nagpapabula sa kanyang pagkapropeta ayon sa
Deuteronomio 13:5: “At ang propetang yaon o ang
nagbibigay ng kahulugan sa panaginip ay dapat
patayin …” [Ang paniniwalang] ito ay
nagpapakilala rin na siya ay isinumpa ng Diyos
(Ilayo ni Allah!) ayon sa Deuteronomio 21:22-23:
“… sapagka’t ang bitin ay isinumpa ng Diyos …”
B. Mateo 27:46: “… Dios ko, Dios ko, bakit mo ako
pinabayaan?” Hindi kaya maaaring nasabi ito ng
iba pa kay Jesus? Kahit na ang isang di-propeta ay
ngingiti sa pasakit dahil nalalaman niya na ang
kanyang kamatayan ay ikapagtatamo niya ng
kamartiran. Hindi kaya ito ay isang insulto kay
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
118 Jesus (SKP) dahil para bang wala siyang
pananampalataya sa Diyos?
K. Tayong mga Muslim ay hindi makapaniwalang
magagawa ni Jesus na bansagan ang mga Hentil
(mga hindi Hudyo) na mga aso at mga baboy, at
tawagin ang kanyang ina na Babae, dahil
nagpahayag ang Banal na Qur’an sa Súrah 19:32:
“… at na mabuti sa aking ina, at hindi Niya ako
ginawang palalo, suwail.” Sinabi sa Mateo 7:6:
“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang
banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa
harap ng mga baboy …” at sa Juan 2:4: “At sinabi
sa kaniya (Maria) ni Jesus, Babae, anong pakialam
ko sa iyo?”
Ang Kapahayagan kay Propeta
Muhammad (SKP)
Ang unang kapahayagan ni Allah, sa pamamagitan ni
Anghel Gabriel, kay Muhammad (SKP) ay ang katagang
“Iqra” na ang kahulugan ay “Bumasa ka” na nasa
Súrah 96:1-5. Dahil sa siya ay hindi marunong sumulat
at bumasa, ang kanyang sagot ay: “Ako’y hindi
marunong bumasa.” Ang unang kapahayagan na ito ay
hinulaan sa Isaias 29:12: “At ang aklat ay nabigay sa
kaniya na hindi marunong, na sinabi, Iyong basahin ito,
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
119 isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinabi, Ako’y hindi
marunong bumasa.”
Ang pagkasunud-sunod ng mga kapahayagan ay hindi
yaong pagkasunod-sunod na ating nakikita sa Qur’an. Sa
madaling salita, ang unang bahagi na ipinahayag ay hindi
ang nasa unang pahina at ang huling bahagi na
ipinahayag ay hindi ang nasa huling pahina. Na ang mga
kapahayagang ito, na paunti-unting dumating at isinaayos
ayon sa pagkasunud-sunod na [makikita ngayon] sa
Qur’an na alinsunod sa iniatas ni Allah, ay binanggit din
sa Isaias 28:10-11: “Sapagka’t utos at utos, utos at utos;
bilin at bilin, bilin at bilin; dito’y kaunti, doo’y kaunti.
Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang
pangungusap at may iba’t ibang wika15 ay sasalitain niya
sa bayang ito.” Ang “may ibang pangungusap” ay
nangangahulugang ibang wika, hindi Hebreo, hindi
Aramaic, kundi Arabe.
Ang mga Muslim sa buong mundo ay gumagamit ng
isang wika, ang Arabe, sa pagtawag sa kanilang Diyos, sa
kanilang mga pagdarasal (saláh), pagsasagawa ng
pilgrimage (hajj) at sa pagbabatian sa bawat isa
15 Sa King James Version ang pagkakasalin ng “iba’t ibang wika” ay “another
tongue” (ibang wika) at sa Revised Standard Version naman ay “alien tongue”
(dayuhang wika). Lumalabas na ang pagkakasalin sa Bibliyang Tagalog ay
mali dahil ang ibig sabihin ng “iba’t ibang wika” ay “different (various)
languages.” Kaya malinaw na ang sasalitain ng taong iyon ay isang wikang iba
sa Hebreo.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
120 (assalámu ‘alaykum). Itong pagkakaisa sa wika ay
hinulaan din sa Zefanias 3:9: “Sapagka’t akin ngang
sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang
silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na
paglingkuran siya na may pagkakaisa.” Sayang, ang
katotohanan ay dumating sa wikang Arabe, subalit ang
iba ay naghihintay pa rin kay Propeta Jesus (SKP) na
harinawa ay magtuturo sa sangkatauhan na sambahin
lamang si Allah sa iisang tanging wika sa kanyang
ikalawang pagdating. Tayong mga Muslim ay nakatitiyak
na si Propeta Jesus (SKP) sa kanyang ikalawang
pagdating ay makikiisa sa mga Muslim sa kanilang mga
moske yayamang siya, gaya ng iba pang mga Muslim, ay
tinuli, hindi kumakain ng baboy, at nagsagawa ng mga
pagdarasal na may kasamang paghuhugas (wudú‘),
pagtayo, pagyukod, at pagpapatirapa.