Mga Artikulo

Ang Hajj ay may tatlong uri at ang mga ito ay mayroong kanya-kanyang natatanging mga rituwal na dapat gampanan. Ang pinakamagandang uri ay ang tinatawag na 'Tamattu', na kung saan ang Hajj at 'Umrah ay isinasagawa nang magkahiwalay at magkasunod sa banal na panahon ng Hajj. Ito ay isinasakatuparan ayon sa mga sumusunod;





1)Kailangang nasa kalagayan ng 'Ihraam'(1) mula sa 'Meeqaat'(2) bago ang ika-8 ng 'Dhu'l-Hijjah. Nararapat na bigkasin ang pagpasok sa kalagayan ng 'Ihraam' sa pagsabi ng;





"Labbayk-Allahumma 'Umratan mutamitti'an bihaa ilal-Hajj." Ang kahulugan ay:





"Narito ako O Allah, bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang isagawa una ang 'Umrah at susundan ng Hajj." (magkahiwalay)





Makkah, magsagawa ng 'Tawaaf'(3)sa palibot ng Ka'bah(4) at magsagawa ng Sa'ee para sa 'Umrah, pagkatapos ahitin o paiksian ang buhok. Ang mga babae ay nararapat na paiksian lamang ang buhok (hindi aahitin) na kasinghaba ng ikatlong bahagi ng daliri.





3)Sa ika-8 araw ng Dhul-Hijjah, na tinatawag na araw ng 'Tarwiyah', kinakailangan ang pagpasok o pagsuot ng Ihraam sa oras ng 'Duhaa'(5), mula sa lugar na kanyang kinalalagyan. Pagkaraan nito siya ay dapat na magtungo sa Minaa, at doon siya ay magdarasal para sa Salatul-Dhuhr, 'Asr, Maghrib at Ishaa (tulad ng isang naglalakbay, ang pagdarasal ay pinaiikli), nguni't hindi maaaring pagsamahin ang mga ito(6).





4)Kinabukasan, ang  ika-9 ng Dhul-Hijjah, ito ang 'Araw ng Arafah', sa pagtaas ng araw, nararapat na lumisan mula sa Minaa patungong 'Arafah. Sa pagdating ng oras ng Dhuhr, kailangan magdasal ng Dhuhr at 'Asr, na tig-dadalawang rak'ahs, sa magkasunod na pagdarasal. Pagkatapos ng dasal, mas mainam na gugulin ang oras at panahon sa pag-alaala at pagbanggit sa Ngalan ng Allah  , magsumamo at manalangin nang buong pagpapakumbaba. Humingi at hangarin mula sa Allah ang lahat ng nais na nakataas ang mga kamay at nakaharap sa Qiblah.





5)Sa oras ng paglubog ng araw sa 'Araw ng Arafah', kailangang umalis mula sa Arafah patungong 'Muzdalifah'. Pagdating sa lugar na ito, magdasal para sa Maghrib at Ishaa, pagsamahin at magkasunod ang pagdarasal na may dalawang Rak'ah ang Ishaa. Kailangang magpalipas ng magdamag sa lugar na ito (Muzdalifah at pagdating ng oras ng Salatul Fajr, gawin ang pagdarasal sa pinakamaagang oras nito at pagkatapos kinakailangan gugulin ang panahon sa paggunita at pagsusumamo sa Allah   hanggang sumapit ang buong liwanag sa kalangitan.





6) Nguni't bago ang sikat ng araw, kailangang lumisan mula sa Muzdalifah patungong Minaa. Pagdating doon, dapat siyang bumato ng pitong maliliit na bato sa 'Jamrat-ul-Aqabah(7)' habang sinasabi ang 'Allahu Akbar' sa bawa't paghagis ng bato. Ang mga bato ay kasing laki ng isang butil ng gisantes.





7)Pagkatapos nito, ang pagkatay sa dalang hayop at ang pag-ahit o pagpapaiksi ng kanyang buhok. Ang pag-ahit ay mas mabuti sa lalaki nguni't sa babae ang pagpapaiksi lamang ng buhok na kasing haba ng ikatlong bahagi ng kanyang daliri (hindi maaaring ahitin ang buhok ng babae).





8) Pagkaraan nito, maaari na siyang lumabas sa kalagayan ng 'Ihraam', nguni't siya ay mananatili pa ring sa maliit na yugto ng 'Ihraam'. Maaari na siyang magbihis ng karaniwang damit at gumawa ng lahat na maaring gawin ng karaniwang tao maliban sa pakikipagtalik sa kanyang asawa.





9) Pagkaraan nito, nararapat na tumuloy sa Makkah at magsagawa ng 'Tawaaf' at Sa'ee para sa Hajj. Sa sandaling matapos ito, siya ay kailangang bumalik sa Minaa at dito niya dapat gugulin ang gabi ng ika-labing isa at ika-labing dalawa ng 'Dhul-Hijjah. Sa mga araw niya dito, dapat siyang pumukol o bumato ng pitong bato (maliit) sa mga 'Jamaraat' (talusok o haligi) na nagsasabi ng 'Allahu Akbar' sa bawa't pukol (ng bato). Ang pagbato ay dapat magsimula kapag ang araw ay pababa na mula sa kanyang taluktok. Nararapat siyang magsimulang bumato sa maliit na 'Jamaraat' at pagkatapos ay isusunod ang malaki hanggang sa pinakamalaki.





10) Sa ika-labing dalawa ng Hajj, pagkaraan niyang bumato sa mga 'Jamaraat', maaari niyang lisanin ang Minaa o maaari din siyang magpalipas ng gabi doon at babato parin sa mga 'Jamaraat' sa ika-labing tatlong araw ng Hajj. Itinatagubilin na ang pagbato ay tinataon sa oras ng pagbaba ng araw mula sa kaitaasan nito, at ito ang pinakamainam at ipinagkakapuri.





11) Kung ang isang tao ay may layunin ng bumalik sa kanyang pamamahay, dapat siyang tumuloy sa Makkah para magsagawa ng 'Tawaaf Al-Wadaa'. Ang 'Tawaaf' na ito ay hindi tungkulin  sa mga babaeng may buwanang regla o ang dumaranas ng pagdurugo sa panganganak. Pagkatapos nitong 'Tawaaf Al-Wadaa' , dito nagwawakas nang ganap ang kabuuan ng pagsasagawa ng Hajj.


Ang pagsasagawa ng Hajj ay isang tungkulin ng isang Muslim minsan sa kanyang tanang buhay. Ang Hajj ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah (ang Ka'bah) upang magsagawa ng mga itinakdang rituwal sa mga partikular na pook at partikular na oras. Ang haliging ito ng Islam ay isang takdang tungkulin at nararapat gampanan ng lahat ng mga Muslim, lalake man o babae, na nasa tamang pag-iisip at tamang gulang, (mula sa gulang ng pagbibinata o pagdadalaga) at may sapat na kakayahang pangkalusugan at pananalapi. Sa isang Muslim na may sapat na pananalapi nguni't may karamdaman na sadyang humahadlang sa kanyang pagsasagawa ng Hajj, siya ay maaaring magtalaga ng isang tao upang magsagawa ng Hajj para sa kanya. Datapwa't kung ang kanyang nakalaang gugugulin ay sapat lamang sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan, hindi sapilitan sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj.








Ang Allah  ay nagsabi,





"Dito (ay matatagpuan) ang mga malilinaw na Ayat (mga palatandaan—kabilang rito) ang Maqam(1) ni Ibrahim (Abraham). At sinumang humayong pumasok dito ay kanyang makakamtan ang kaligtasan. At ang Hajj sa Tahanan (Kaba’ah) ay isang tungkulin (na dapat gampanan) ng sangkatauhan sa Allah, yaong may kakayahang gumugol (ng kanilang paglalakbay). At sinuman ang magtakwil (tungkol dito), samakatuwid, ang Allah ay walang pangangailangan ng anuman sa sinuman sa Kanyang mga nilikha ('Alamin) (sangkatauhan, Jinn at lahat ng nilikha).





Qur'an, Kabanata Al-Imraan, 3:97;





Maraming mga makatuwirang kaalaman at kadahilanan kung bakit ipinag-uutos ang Hajj, ang mga ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod;





1)Upang madagdagan ang kanyang mga mabubuting gawa nang dahil sa kanyang tapat na pagsunod at pagtalima sapagka't ang pagsasagawa ng Hajj na tinanggap ng Allah  ay walang anupamang gantimpala maliban ang pagpasok sa Jannah (Paraiso).





Ang Propeta ng Allah  ay nagsabi;





"Ang 'Umrah'(2) na sinundan pa ng iba ay pumapawi ng mga maliliit na kasalanan na nagawa sa pagitan ng mga ito (Umrah) at ang gantimpala ng katanggap-tanggap na Hajj ay walang iba kundi ang Jannah (Paraiso)."





(Iniulat ni Imam Bukhari)





2)Upang maipadama ang pagkakaisa ng mga Muslim, sapagka't ang Hajj ay siyang pinakamalaking Islamikong pagtitipon. Ang mga Muslim sa buong mundo ay nagkakatipun-tipon sa isang lugar at oras, tumatawag (dumadalangin at nagsusumamo) sa iisang Rabb (Panginoon), nakasuot ng isang anyo ng kasuotan at nagsasagawa ng isang pamamaraan ng mga rituwal o seremonya. Hindi makikita rito ang pagkakaiba ng mga mayayaman o mahihirap, ang may pinag-aralan o wala, at ang puti at itim (na balat), at ang Arabo o hindi Arabo. Ang lahat ay sama-sama sa harap ng Allah ; walang pagkakaiba sa kanila maliban ang antas ng kabanalan (Taqwaa). Ang Hajj ay isang pagdiriwang ng mga Muslim na nagbibigay-diin sa diwa ng Pagkakapatiran ng lahat ng mga Muslim at ang pagkakaisa ng kanilang layunin, mithiin at damdamin.





3)Ito ay isang pagsasanay pang-espirituwal na nagtuturo sa isang tao upang magsikap sa pangkatawan at pananalapi na dapat gugulin sa Landas ng Allah  at ang pagpupunyagi para sa Kanyang Kasiyahan.





4)Ito ay paglilinis sa mga kasalanan at kamalian.





Ang Propeta Muhammad  ay nagsabi;





"Sinuman ang nagsakatuparan sa tungkuling Hajj sa tahanan (ang Ka'bah) at hindi nagsagawa ng mga malalaswang salita at hindi gumawa ng anumang kasalanan, siya ay babalik na tila isang batang bagong silang (na walang bahid ng kasalanan)."



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG