1)Ang maniwala na siya ay isang Sugo, at siya ang pinakamabuti at huli sa kawing ng mga Sugo, at wala ng Sugo pang darating pagkaraan niya.
Ang Allah ay nagsabi,
"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at Sagka (Huli) sa lahat ng mga Propeta…"
Qur'an, Kabanata Al-Ahzaab, 33:40
2) Ang maniwala na siya ay walang (nagawang) pagkakamali sa mga aral na kanyang ipinalaganap mula sa Allah .
Ang Allah ay nagsabi,
"At hindi siya nagsabi (ng anuman) nang ayon sa kanyang sariling hangarin (tungkol sa Relihiyon). Ito ay isa lamang Inspirasyon (Kapahayagan) na ipinahayag sa kanya."
Qur'an, Kabanata An-Najm, 53:3-4;
At para sa mga pangyayari sa mundong ito, siya ay tao lamang, at siya ay nagsasagawa ng Ijtihaad(1) sa kanyang mga paghatol.
Ang Propeta Muhammad ay nagsabi;
"Katotohanan ako ay isang tao lamang. Maaaring ang isa sa mga nagtatalo ay maghabol ng kanyang karapatan at lumapit sa akin na dumadaing, at sapagka't higit na mahusay ang pananalita ng kanyang katunggali, maaari ako ay nakapagbigay ng pagkiling sa paghatol ko. Sinuman ang nabigyan ng pagkiling samantalang nalalaman niyang siya ay mali, ang anumang kanyang tinanggap na hindi makatuwiran ay bahagi lamang ng Impiyerno, kaya't hayaan niyang tanggapin o hindi tanggapin ito."
(Iniulat ni Imam Muslim)
3) Ang maniwala na siya ay isang Sugo para sa lahat ng nilikha, sa mga jinn at sa mga tao, hanggang sa Huling Oras.
Ang Allah ay nagsabi,
"At ikaw (O Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban bilang Tagapaghatid ng Magagandang Balita at Tagapagbabala sa lahat ng Sangkatauhan, subali't karamihan sa tao ay hindi nakababatid (nito)."
Qur'an, Kabanata Saba, 34:28;
4) Ang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng Propeta Muhammad at ang maniwala sa lahat ng kanyang sinabi o iniulat, at lumayo o umiwas sa kanyang mga ipinagbabawal at babala.
Ang Allah ay nagsabi,
"…Kaya't inyong kunin (o sundin) ang anumang iparating (o ipinag-utos) ng Sugo (ang Propetang si Muhammad), at anumang ipagbawal niya sa inyo, ito ay inyong iwasan…"
Qur'an, Kabanata Al-Hashr, 59:7
5) Ang tumalima at panghawakan ang Sunnah ng Propeta na walang pagdaragdag o pagbabawas (pagbabago) rito.
Ang Allah ay nagsabi,
"Sabihin mo (O Muhammad sa sangkatauhan): “Kung (tunay nga na) inyong minamahal ang Allah, samakatuwid, sumunod kayo sa akin (tanggapin ang kaisahan ng Allah at sundin ang (mensahe ng) Qur’an at Sunnah14), kayo ay mamahalin ng Allah at patatawarin (Niya) ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay lagi nang Mapagpatawad, ang Maawain.”
Qur'an, Kabanata Al-Imraan, 3:31;
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Sugo at Propeta
1) Ating lubos na mauunawaan ang habag at pagmamahal ng Allah para sa Kanyang mga alipin, sa dahilang nagpadala Siya ng mga Sugo at Propeta upang ipaghayag ang Kanyang Relihiyon at sila ay nagbigay ng tunay na halimbawa kung papaano isakatuparan ang tamang pamumuhay bilang alipin at kung paano ipalaganap ang katotohanan ng kanilang mensahe.
2) Ating lubos na makikilala ang mga tapat at tunay na Mananampalataya mula sa ibat-ibang paniniwala sa dahilang tungkulin ng bawa't Mananampalataya na pag-aralan at maniwala sa mga ibang Propeta at Sugo na nakatala sa kanilang mga aklat.
3) Ating paniwalaan ang kani-kanilang Propeta at Sugo tulad ng paniniwala natin sa huling dumating na Propeta at Sugo ng Allah na si Muhammad (Nawa'y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya) at silang yumakap sa Islam ay makatatanggap ng dalawang gantimpala.
Sino si Propeta Muhammad ?
Ang kanyang buong pangalan ay Muhammad bin Abdullah bin Abdul-Muttalib bin Haashim , at ang kanyang 'kunyah' ay Abdul-Qaasim. Siya ay mula sa tribu ng Qureish na ang mga ninuno ay nagmula kay 'Adnaan'. Si 'Adnaan' ay mula sa mga anak ni Ismael , ang Propeta ng Allah at anak ni Abraham , ang 'Khaleel' ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala .
Ang Propeta ay nagsabi;
"Katotohanang hinirang ng Allah ang tribu ng Kinaanah nang higit kaysa ibang tribu ng mga Anak ni Ismaael; Pinili Niya ang Quraish nang higit mula sa tribu ng Kinaanah; at pinili Niya ang Banu Haashim higit kaysa sa mga ibang angkan ng Quraish; at hinirang Niya ako mula sa Banu Haashim."
(Iniulat ni Imam Muslim)
Natanggap niya ang unang rebelasyon mula sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala noong siya ay may apat-napung taong gulang at siya ay nanirahan ng labing tatlong taon sa Makkah sa pagpapalaganap ng Kaisahan (Tawheed) ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala . Pagkaraan, nang siya ay humayo at nag-ibang bayan patungong Madeenah at siya ay nagpalaganap ng Islam sa mga naninirahan doon at ito ay kanilang tinanggap nang buong puso. At doon ipinahayag ang kabuuan ng pagbabatas (ang Qur'an). Nasakop niya ang Makkah pagkaraan ng walong taon ng kanyang pag-likas sa Madeenah at siya ay namatay sa gulang na animnaput-tatlo, matapos na maipahayag sa kanya ang kabuuan ng Qur'an. Ang buong pagbabatas ng relihiyon ay ipinahayag nang ganap na walang kakulangan, at tinanggap ang Islam ng lahat ng mga Arabo.
Ang Paniniwala sa Mga Propeta at Sugo ng Allah
Dapat maniwala bilang Muslim na ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay pumili ng mga mabubuting tao mula sa lipon ng sangkatauhan bilang mga Propeta at Sugo na Kanyang ipinadala sa lahat ng nilikha upang magdala ng partikular na batas; upang sambahin at tumalima sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala ,, at magtatag ng Kanyang Relihiyon at mapanatili ang Kanyang Kaisahan (Tawheed). Ipinag-utos sa mga Propeta na ipahayag ang Kanyang mensahe sa sangkatauhan upang walang maipangangatuwiran laban sa Allah(1) Subhaanaho wa Ta'aala , o walang maibibigay ng dahilan sa di-pagsunod pagkaraang naipadala ang mga Sugo. Sila ay nagagalak sa pagtalima sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala at sa Kanyang Paraiso na nakalaan para sa mga taong may paniniwala dito at sa mga kautusan o aral. Sila ay ipinadala bilang tagapagbabala , at nagbigay ng mahigpit na babala sa Poot ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala , at sa Kayang Parusa na nakalaan sa mga taong hindi naniniwala sa mga ito at sa mga kautusan o aral.
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"At hindi kami magpapadala ng mga Sugo maliban bilang tagapaghatid ng Magagandang Balita at bilang Tagapagbabala. Kaya, sinuman ang naniniwala at gumagawa ng gawang matuwid, sa kanila ay walang (mararanasang) pangamba, o (madaramang kalungkutan). Subali't yaong nagsipagtakwil sa Aming mga Ayat (aral, tanda o babala, at kapahayagan), ang parusa ay darating sa kanila nang dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya (sa kanilang pagtakwil sa Mensahe ni Muhammad, Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam,)."
Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:48-49;
Maraming isinugong mga Propeta at Sugo, nguni't walang sinumang nakakaalam sa kanilang bilang kundi ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala .
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"At tunay nga, na Aming ipinadala ang mga Sugo nang una pa sa iyo (O, Muhammad): ang ilan sa kanila ay Aming ibinalita ang kanilang kasaysayan sa iyo. At ang iba sa kanila ay hindi Namin ibinalita ang kanilang kasaysayan…"
Qur'an, Kabanata Al-Ghaafir, 40:78;
Nararapat paniwalaan na ang lahat ng Propeta at Sugo ay likas na tao at hindi sila hihigit pa sa karaniwang tao. Kung mayroon man silang mga himalang ginawa, ito ay nasa kapahintulutan ng Dakilang Allah
para sa sangkatauhan, at ito ang nagpawalang-bisa sa mga naunang mga relihiyon. Ito ang ganap at pinakahuling relihiyon ng katotohanan na nararapat sundin at ito ay mamamalagi hanggang sa Huling Sandali.
.
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"At hindi Kami nagsugo bago pa man sa iyo (O Muhammad) maliban na sila ay mga taong katulad mo na Aming pinagpahayagan. Kaya, tanungin mo ang mga mamamayang pinagkalooban ng babala kung ito ay hindi ninyo nababatid. At hindi Namin sila (mga Sugo) nilikha na may katawang hindi kumakain, o di kaya sila ay walang mga kamatayan."
Qur'an, Kabanata Al-Anbiyaa, 21:7-8;
Wala silang katangian na tulad ng mga likas na Katangian ng Allah Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam,. Ang mga ito ay hindi makapagbigay ng anumang pakinabang o kabutihan at hindi makapagdudulot ng anumang kapinsalaan. Hindi sila makapamahala ng kahit na ano sa buong sansinuklob o kahit na anong ibig nilang gawin na ikasisiya nila sa mga ito. Wala silang magagawa kung hindi ipahihintulot ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala na mangyari ang anumang bagay.
Ang AllahSubhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"Sabihin mo (O Muhammad) "Ako ay walang kapangyarihan upang ito ay makapagdulot ng kabutihan o kapinsalaan sa aking sarili maliban sa kapahintulutan ng Allah. Kung ako man ay mayroong kaalaman tungkol sa Al-Ghaib, marahil ako ay naglaan para sa aking sarili nang masaganang yaman, at marahil walang anumang kasamaan ang maaaring sumaling sa akin. (Subali't, ang katotohanan nito) Ako ay isa lamang tapapagbabala, at isang tagapaghatid ng Magagandang Balita para sa mga taong nananampalataya. …'"
Qur'an, Kabanata Al-A'raaf, 7:188;
Kung ang isang tao ay naniniwala lamang sa ilan at hindi pinaniniwalaan ang lahat ng Sugo at Propeta, siya ay nagkasala ng 'Kufr'' (kawalan ng pananampalataya) at siya ay itinuturing bilang isang taong lumisan sa relihiyon ng Islam.
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"Katotohanan, yaong mga hindi nananampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais magbigay ng pagtatangi sa Allah at ng Kanyang mga Sugo na nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan (sa mga Sugo) subali’t tinatanggihan (namin) ang iba,” at (sila’y) nagnanais tumahak sa pagitang landas (ng paniniwala at kawalan ng paniniwala).(2) Ang katotohana’y sila ay hindi (tunay na) mga Mananampalataya. At Aming inihanda sa mga Kafirun ang isang kahiya-hiyang parusa.
Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:150-151;
1. Kabilang sa lipon ng mga Sugo ay ang mga tinatawag na "Ulul-A'zam" o sila ang mga may 'Matibay na Kalooban'. Sila yaong mga matatag na Sugo sa kanilang mga mamamayan na may katapatan at katiyagaan sa kanilang layunin. Kabilang sa hanay na ito sina Noah (Nuh), Ibraheem (Abraham), Musaa (Moises), Eisaa (Hesus) at si Muhammad, nawa'y purihin at itampok ng Allah Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ang pagbanggit sa kanila at sila ay iligtas at maging ang kanilang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan'.
Ang unang sugo sa mga ito ay si Noah Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam,.
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"Katotohanan, Aming ipinadala ang Kapahayagan sa iyo (O Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng kapahayagan kay Nuh (Noah) at sa mga Propeta pagkaraan niya. Amin (ding) ipinadala ang Kapahayagan kina Ibrahim (Abraham), Ishaq (Isaak), Ya’qub (Hakob), at Al-Asbat [ang mga supling ng labindalawang anak ni Hakob], Eissa (Hesus), Ayyub (Job), Yunus (Jonah), Harun (Aaron), at Sulaiman (Solomon); at kay Dawud (David) ay Aming ibinigay ang Zabur (Psalmo)."
Qur'an, Kabanata An Nisaa, 4:163;
Si Muhammad Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ay siyang sagka at panghuling sugo at wala nang sugo na darating pa pagkaraan niya Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, hanggang sa Huling Sandali.
Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ay nagsabi,
"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni't Siya ang Sugo ng Allah at huli sa (kawing ng) mga Propeta. At ang Allah ang lagi nang Ganap na Maalam sa bawa't bagay."
Qur'an, Kabanata Al-Ahzaab, 33:40;
Ang relihiyon ni Propeta Muhammad Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ay ang katipunan o kabuuan ng mensahe ng Allah para sa sangkatauhan, at ito ang nagpawalang-bisa sa mga naunang mga relihiyon. Ito ang ganap at pinakahuling relihiyon ng katotohanan na nararapat sundin at ito ay mamamalagi hanggang sa Huling Sandali.