66
ilan sa mga Kasamahan niya (RA) na sa panlabas na
anyo ng mga ito ay para sa kapakanan ng mga Quraysh.
Ang Pagsakop sa Makkah
Sa ikawalong taon ng paglikas ay nagpasya ang Sugo
(SAS) na salakayin ang Makkah at sakupin ito. Lumisan
siya noong ika-10 ng Ramadán dala ang 10,000
mandirigma. Pinasok niya ang Makkah ng walang labanan
sapagkat sumuko ang mga Quraysh at pinagwagi ni Allah
ang mga Muslim. Nagsadya ang Propeta (SAS) sa alMasjid
alHarám at nagsagawa ng tawáf sa palibot ng Ka‘bah.
Pagkatapos ay nagdasal ng dalawang rak‘ah sa loob nito.
Pagka-tapos niyon ay pinagbabasag niya ang lahat ng mga
diyos-diyusang nasa loob noon nito at nasa ibabaw nito.
Matapos niyon ay tumayo siya sa pintuan ng Ka‘bah
habang ang mga Quraysh ay nasa ila-lim niya sa tabi ng
pintuan nito, na naghihintay kung ano ang gaga-win niya sa
kanila. Nagsalita ang Propeta (SAS): “O umpukan ng
mga Quraysh, ano sa tingin ninyo ang gagawin ko sa
inyo?”
“Mabuti, kapatid na marangal na anak ng kapatid na
marangal,” sagot nila.
“Umalis na kayo sapagkat kayo ay mga malaya
na,” sabi niya sa kanila.
Gumawa ang Sugo (SAS) ng pinakadakilang
halimbawa ng pagpapaumanhin sa mga kaaway niya na
nagpahirap, pumatay sa mga Kasamahan niya, nanakit sa
kanila, at nagpalayas sa kanya sa bayan niya.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
67
Matapos ang pagsakop ng Makkah ay pumasok ang
mga tao sa Relihiyong mula kay Allah nang pulu-pulutong.
Noong ikasam-pung taon ng paglikas ay nagsagawa ang
Sugo (SAS) ng hajj. Ito ang kaisa-isang hajj para sa
kanya. Nagsagawa ng hajj kasama niya ang higit sa
100,000 tao. Matapos ang hajj ay bumalik ang Propeta
(SAS) sa Madínah.
Ang mga Delegasyon at Pakikipagsulatan sa
mga Hari
Lumitaw ang katanyagan ng Propeta (SAS) at
lumaganap ang paanyaya niya kaya nagsimulang
dumating sa Madínah ang mga delegasyon mula sa lahat
ng pook. Ipinahahayag nila ang pagpasok nila sa
Relihiyong Islam.
Nagsimula rin ang Propeta sa pakikipagsulatan sa
mga hari at mga prinsipe. Inaanyayahan niya sila sa
Islam. Kaya naman mayroon sa kanila na tumugon at
sumampalataya at mayroon din sa kanila na tumanggi
nang magandang pagtanggi at nagpadala ng mga regalo
subalit hindi yumakap sa Islam. Mayroon pa sa kanila
na nagalit at ginutay-gutay ang sulat ng Propeta (SAS)
gaya ng ginawa ng Khosraw, ang hari ng Persia, na
gumutay-gutay sa sulat ng Propeta (SAS). Kaya
dumalangin laban sa kanya ang Sugo ni Allah (SAS) at
sinabi: “O Allah, gutay-gutayin Mo ang kaharian niya!”
Hindi pa lumipas ang maikling panahon at naghimagsik
laban sa kanya ang anak niya. Pinatay siya nito at kinuha
nito ang paghahari sa kanya.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
68
Tungkol naman sa Muqawqis, ang hari ng Egipto,
siya ay hindi yumakap sa Islam subalit pinarangalan
niya ang Sugo ni Allah (SAS).
Tungkol naman kay alMundhir ibnu Sáwí, ang
tagapamahala ng Bahrain, noong dumating ang sulat ng
Propeta (SAS) ay binasa niya ito sa mga mamamayan ng
Bahrain kaya mayroon sa kanila na sumampalataya at
mayroon sa kanila na tumanggi.
Ang Pagyao ng Propeta (SAS)
Pagkalipas ng mga dalawang buwan at kalahati mula
ng mag-balik siya mula sa hajj ay nagsimula sa kanya ang
karamdaman niya at nag-umpisang lumala sa paglipas ng
bawat araw. Noong nanghina na siya para mamuno sa mga
tao sa saláh ay hiniling niya kay Abú Bakr asSiddíq (RA)
na pamunuan sa saláh ang mga tao.
Araw ng Lunes, ika-12 ng buwan ng Rabí‘ul’awwal
ng ika-11 taon ng paglikas, lumipat ang Sugo (SAS) sa
Kapisang Kataas-taasan. Ganap na 63 gulang siya.
Nakarating ang balita sa mga Kasamahan niya. Halos
mawalan sila ng katinuan nila at hindi sila naniwala sa
balita hanggang sa tumayo si Abú Bakr asSiddíq (RA) sa
gitna nila bilang isang tagapagsalita na magpapanatag sa
kanila at maglilinaw sa kanila na ang Sugo (SAS) ay
isang tao, na siya ay namamatay kung paanong
namamatay ang tao kaya napanatag ang mga tao.
Naisagawa ang pagpapaligo sa Sugo (SAS). Binalot siya
at inilibang siya sa silid ng maybahay niyang si ‘Á’ishah
(RA).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
69
Namuhay ang Sugo (SAS) sa Makkah nang 40 taon
bago naging propeta at 13 matapos naging propeta.
Namuhay naman siya nang 10 taon sa Madínah matapos
naging propeta.
Matapos ang pagyao ng Sugo (SAS) ay nagkaisa
ang mga Muslim sa pagpili kay Abú Bakr asSiddíq (RA)
bilang khalífah para sa mga Muslim. Siya ang una sa mga
napatnubayang khalífah.
Ang Pag-ibig ng mga Kasamahan ng Propeta sa
Kanya
Talaga ngang ang pag-ibig ng mga Kasamahan ng
Propeta (SAS) sa kanya ay sukdulan. Iniibig nila siya
nang higit sa pag-ibig nila sa mga sarili nila, higit sa isa’t
sa kanila, at higit sa ano mang minamay-ari nila sapagkat
siya ang dahilan ng pagpapalabas sa kanila ni Allah mula sa
mga kadiliman ng kawalang-pananam-palataya tungo sa
liwanang ng Islam. Ang mga sanaysay ng isina-salaysay sa
ating hinggil sa pag-ibig ng mga Kasamahan ng Sugo
(SAS) para sa kanya ay lubhang marami. Ang ilan doon
ay ang sumusunod:
Noong nagkaisa ang mga Quraysh na bitayin ang
kapita-pita-gang Kasamahan ng Sugo, si Khubayb ibnu
‘Adíy (RA) ay nagsabi sa kanya si Abú Sufyán:
“Ikatutuwa mo ba na si Muhammad ay kapiling namin
ngayon upang tagain ang leeg niya at ikaw naman ay nasa
mag-anak mo?” Kaya nagsabi siya: “Hindi, sumpa man
kay Allah. Hindi ko ikatutuwa na ako ay nasa mag-anak ko
saman-talang si Muhammad ay nasa kinaroroonan niya na
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
70
doon ay natu-tusok siya ng isang tinik na nakasasakit sa
kanya.”
Sa labanan sa Uhud ay may ikinalat na sabi-sabing ang
Propeta (SAS) ay napatay raw. Kaya naman may lumabas
na isang babaing kabilang sa mga Ansárí at binalitaan nila
ito ng pagkamatay ng ama nito, anak nito, asawa nito, at
kapatid nito ngunit nagsabi ito: “Ano ang ginawa sa Sugo
ni Allah?” Ibinalita nila rito na siya ay nasa mabuti ngunit
nagsabi ito: “Ipakita ninyo siya sa akin; titingnan ko
siya.” Kaya noong nakita niya ang Sugo ni Allah
(SAS) ay hinawakan niya ang gilid ng damit niya.
Pagkatapos ay nagsabi ito: “Ipantutubos ko sa iyo ang
ama ko at ang ina ko, o Sugo ni Allah; hindi ko
aalintanain sila kapag naligtas ka.”
May dumating na isang lalaki sa Propeta (SAS) at
nagsabi ito: “O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay
talagang pinakainiibig para sa akin higit sa sarili ko,
pinakainiibig para sa akin higit sa mag-anak ko,
pinakainiibig para sa akin higit sa anak ko. Tunay na ako
ay talagang nasa bahay ngunit naalaala kita kaya hindi ako
nakapagtiis hanggang sa pinuntahan na kita at tumingin ako
sa iyo. Kapag naalaala ko ang kamatayan ko at ang
kamatayan mo ay nalalaman ko na ikaw, kapag pumasok
ka sa Paraiso, ay iaangat ka kasama ng mga propeta at
kung papasok ako sa Paraiso ay nata-takot ako na hindi
kita makita.” Kaya nagsabi ang Propeta (SAS): “Ikaw ay
kasama ng inibig mo.”
Tinanong si ‘Alíy ibnu Abí Tálib (RA): “Paano ang
pag-ibig ninyo sa Sugo ni Allah?” Kaya nagsabi siya:
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
71
“Siya, sumpa man kay Allah, pinakainiibig para sa amin
higit sa mga ari-arian namin, mga anak namin, mga ama
namin, mga ina namin, higit sa malamig na tubig sa sandali
ng pagkauhaw.”
Ang Propeta (SAS) at ang Hindi mga Muslim
Nakipamuhay ang Propeta (SAS) sa iba’t ibang mga
kultura, maraming paniniwala, at sarisaring mga lahi
nang maluwag sa dibdib at walang anumang pagtatangka
sa panig niya na salingin ang mga kulturang ito. Kabilang
sa mga halimbawa niyon: Nakipa-muhay ang Propeta
(SAS) sa mga Hudyo sa Madínah nang buong payapa
magmula ng pagdating niya mula sa Makkah. Pinakikitunguhan
niya sila ayon sa mga etika ng Islam. Dinadalaw
niya ang maysakit sa kanila. Nagtitiis siya sa maraming
pananakit-damdamin ng kapit-bahay niyang Hudyo.
Tumayo siya libing ng isang lala-king hudyo. Noong
nadaanan ang Propeta (SAS) ng libing ng isang Hudyo ay
tumayo siya bilang paggalang doon kaya may nagsabi sa
kanya: “Tunay na iyon ay isang libing ng isang Hudyo.”
Kaya sinabi niya naman: “Hindi ba iyon isang
kaluluwa?”
Magmula ng dumating siya sa Madínah, siya ay
masigasig sa hindi pakikipag-away sa mga Hudyo.
Bagkus lumagda siya ng kasunduan sa kanila. Isa ito sa
nagpapatunay sa pagnanais niya sa pamumuhay nang
may kapayapaan kasama ng ibang panig.
Noong lumawak ang teritoryo ng Estado ng Islam,
mayroong isang pangkat ng mga liping Arabeng
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
72
Kristiyano at lalo na sa Najrán. Nakitungo sa kanila ang
Propeta (SAS) ng magandang pakikitungo. Gumawa siya
sa kanila ng mga kasunduang kabilang sa pinatutungkulan
ng mga ito ay ang pangalagaan para sa kanila ang
pamumuhay ng may kapayapaan sa lilim ng Estado ng
Islam, ang pangalagaan para sa kanila ang kalayaan sa
pagganap ng mga pagsamba sa relihiyon nila, at ang
garantiyahan para sa kanila ang kabuuan ng mga kalayaan.
Nasaad nga sa kasunduan ng Propeta (SAS) sa mga
mamama-yan ng Najrán ang ganito: “Ukol sa Najrán at
karatig nito ang pag-kandili ni Allah at ang pangangalaga
ni Muhammad, ang Sugo ni Allah, sa mga ari-arian nila,
mga buhay nila, lupain nila, relihi-yon nila, kapiling na
kababayan nila, at di-kapiling na kababayan nila....”
hanggang sa huling bahagi ng nasaad sa kasunduang ito
na pangangalaga sa mga karapatan ng mga Kristiyano ng
Najrán at hindi pagsaling sa katiwasayan nila.
Ang sistema ng estado na itinadhana ng Kasulatan ng
Madínah na inilathala ng Propeta ay gumagawa sa hindi
mga Muslim na naninirahan doon bilang mga
mamamayan na may mga karapa-tang tulad ng sa mga
Muslim at may tungkuling tulad ng tungkulin ng mga
Muslim.
Tungkol naman sa pakikipamuhay ng Propeta (SAS)
sa mga nagkukunwaring sumasampalataya, sa kabila ng
pagkakaalam ng Propeta (SAS) sa mga nagkukunwaring
sumasampalataya at sa mga pangalan nila at pagkakaalam
niya sa mga pagsusumikap nila sa pagpapalaganap ng diwa
ng pagkatalo sa mga hanay ng mga Muslim at pagkilos
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
73
para sa pagkakahati-hati ng mga Muslim gayon pa man
hindi natin napag-alamang ang Propeta (SAS) ay tumangging
makitungo sa kanila manapa’y nakikihalubilo siya sa
kanila, nakikitungo siya sa kanila, at dumidinig sa kanila.
Hindi rin siya humantong sa paggamit ng lakas laban sa
kanila. Hindi niya sila pinagkaitan ng anuman sa mga
karapatang sibil nila sapagkat sila ay nagtatamasa nang
lubusan ng mga karapatan ng pagkamama-mayan tulad ng
mga Muslim. Pinahihintulutan niya sila na magla-had ng
mga pananaw nila sa mga usapin ng lipunan. Ibinibigay
niya sa kanila ang bahagi nila mula sa panustos ng kabangbayan.
Ganito nakikipamuhay ang Sugo ni Allah sa mga
ibang tao nang may buong pag-ibig at katiwasayan ng
dibdib, nang walang poot o pagkasuklam manapa’y
hinihimok niya ang mga tagasu-nod niya sa pamamagitan
ng mga pag-uugali niya at mga sinasabi niya na
makipamuhay sa ibang mga tao nang may kabusilakan at
kapayapaan.
Ang mga Mananampalataya ay Magkakapatid
Lamang
Talaga ngang binigyang-diin ng Propeta (SAS) sa
hindi isang pagkakataon ang kahalagahan ng kapatiran
sa pagitan ng mga Muslim at ang pagkaisinatungkulin ng
pagbubukluran sa pagitan nila. Ipinagbawal niya ang
pagkarimarim, ang pagkamuhi, ang hidhawaan, ang
salungatan, ang pagkakahati-hati. Nagbabala siya laban
sa lahat ng gawaing nagdadahilan ng pagkamuhi at
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
74
paglalayuan ng loob sa pagitan ng mga Muslim. Hinimok
niya rin ang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa
Muslim, ang pag-agapay rito, ang pagpapayo rito, ang
pagtulong dito, sa lahat ng mga kalagayan.
Kaya kapag pagninilay-nilayan natin ang mga sinabi ng
Propeta (SAS) at ang mga ipinag-utos niya manapa’y ang
mga ginawa niya ay makatatagpo tayo roon ng isang
bukas na paanyaya sa pagpa-palaganap ng pag-ibig at
pagmamahalan sa pagitan ng mga mana-nampalataya. Heto
siya na nagbibigay-diin na ang pag-ibig pampananampalataya
ay isang kaparaanan at daan tungo sa
Paraiso. Sinabi niya: “Hindi kayo papasok sa Paraiso
malibang suma-sampalataya kayo. Hindi kayo
sumasampalataya malibang nag-mamahalan kayo.
Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na
kapag ginawa ninyo ay magmamahalan kayo? Ipalaganap
ninyo ang pagbati ng kapayapaan sa pagitan
ninyo.”
Siya ay palagian ang sigasig sa pagtatanim ng mga
binhi ng pag-ibig at pagpapalaganap ng awa at
pagmamahal sa pagitan ng mga Muslim, at matindi ang
sigasig sa pagpapatatag sa mga saligan ng pag-ibig sa
mga puso ng mga tao. Heto siya, nagba-balita sa atin na
sa tuwing nadadagdagan ang pag-ibig natin sa mga
mananampalataya bilang pag-ibig kay Allah at alangalang
kay Allah ay magtatamo tayo ng pag-ibig ni Allah
para sa atin. Sinabi niya: “Walang nagmamahalang
dalawang tao alang-alang kay Allah malibang ang
pinakainiibig sa kanila para kay Allah, kamahalMuhammad,
ang Pangwakas sa mga Propeta
75
mahalan Siya at kapita-pitagan, ay ang pinakamatindi
sa dalawa sa pag-ibig sa kaibigan niya.”
Hindi lamang iyon, bagkus tunay na ang
pananampalataya gaya ng paglilinaw doon ng Sugo ni
Allah (SAS) ay nauugnay sa pag-ibig sa mga kapwa at
pag-ibig ng mabuti para sa kanila. Sinabi niya: “Hindi
sumasampalataya ang isa sa inyo malibang iniibig niya
para sa kapatid niya ang naiibigan niya para sa sarili
niya.” Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Magregaluhan kayo, mag-iibigan kayo.” Tunay
na siya ay nag-tuturo sa atin ng mga kaparaanan at mga
daan na kabilang sa pina-tutungkulan ng mga ito ay ang
magpalambot ng mga puso at ang gumawa sa mga ito na
higit na banayad at higit na nakakakayang maglaman ng
mga damdamin ng pag-ibig sa kapwa.
Ang mga Pisikal na Katangian ng Propeta (SAS)
Ang Sugo ni Allah ay katamtaman – sapagkat siya ay
hindi ang matangkad na namumukod ni ang mababa –
mahaba ang pagi-tan ng mga balikat, nagkakaangkupan
ang mga bahagi ng kata-wan, malapad ang dibdib. Siya
ay pinakamaganda sa mga tao sa mukha, maputi na
nahahaluan ng pamumula, pabilog ang mukha, maitim ang
mata, matangos ang ilong, maganda ang bibig, makapal ang
balbas.
Siya ay mbango ang amoy, banayad sumaling. Nagsabi
tungkol sa kanya si Anas ibnu Málik (RA): “Hindi ako
nakaamoy ng ‘anbar, ni musk, ni anumang higit na
mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah (SAS) at hindi
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
76
nakasalat kailanman ang kamay ko ng anumang higit na
banayad salingin kaysa sa kamay ng Sugo ni Allah
(SAS).”
Siya ay maaliwalas ang mukha, palagi ang pagngiti,
maganda ang tinig, kaunti magsalita. Nagsabi tungkol sa
kanya si Anas ibnu Málik (RA): “Siya ay ang
pinakamakisig na tao. Siya ay ang pina-kamapagbigay na
tao. Siya ay ang pinakamatapang na tao.”
Ilan sa mga Kaasalan ng Sugo (SAS)
Ang Sugo ni Allah (SAS) ang pinakamatapang na tao.
Nagsabi si ‘Alíy ibnu Abí Tálib (RA): “Kapag tumindi
na ang sigalot at nakatagpo na ng isang pangkat ang isa
pang pangkat, kami ay nagpapasanggalang noon sa Sugo
ni Allah (SAS).” Siya rin ang pinakagalanteng tao. Hindi
siya hiningan ng anuman kailanman at nagsabing hindi.
Siya ang pinakamatimpiing tao. Siya ay hindi naghihiganti
para sa sarili niya ni nagagalit para sa sarili maliban kung
nilabag ang kabanalan ni Allah sapagkat alang-alang
kay Allah ay maghihiganti siya.
Ang kamag-anak at ang di-kamag-anak, at ang malakas
at ang mahina, sa ganang kanya ay magkapantay sa
karapatan. Binigyang-diin niya na walang kalamangan ang
isang tao sa isa pang tao mali-ban sa pangingilag sa
pagkakasala, na ang mga tao ay pantay-pantay, at na
ang dahilan ng pagkalipol ng mga sinaunang bansa ay
kapag nagnakaw sa kanila ang maharlika, pinababayaan nila
ito ngunit kapag nagnakaw sa kanila ang mahina,
ipanatutupad nila rito ang kaparusahan. Sinabi pa niya:
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
77
“Sumpa man kay Allah, kung sakaling si Fátimah na
anak ni Muhammad ay nagna-kaw, talagang puputulin
ko ang kamay niya.”
Wala siyang pinintasang pagkain kailanman. Kung
naiibigan niya ay kakainin niya ito; kung hindi niya
naibigan ito ay hahayaan niya ito. Dumarating noon sa
mag-anak ni Muhammad (SAS) ang isang buwan o ang
dalawang buwang walang nagniningas na apoy sa bahay
niya at ang pagkain nila ay datiles at tubig lamang. Nagbibigkis
siya noon ng isang bato o dalawang bato sa tiyan
niya dahil sa gutom.
Siya noon ay nag-aayos ng sirang sandalyas niya,
nagsusulsi ng kasuutan niya, at umaalalay sa maybahay
niya sa gawaing bahay. Siya noon ay dumadalaw sa mga
maysakit. Siya ang pina-kamatinding tao sa
pagpapakumbaba. Pinauunlakan niya ang sino mang naganyaya
sa kanya, mayaman man o maralita, aba man o
maharlika. Mahal niya ang mga dukha. Dinadaluhan niya
ang libing nila at dinadalaw niya ang mga maysakit sa
kanila. Hindi siya humahamak ng isang maralita dahil sa
karalitaan nito at hindi siya nangingilabot sa isang hari dahil
sa pagkahari nito. Siya noon ay sumasakay sa kabayo,
kamelyo, asno at buriko.
Siya ang pinakapalangiting tao at ang pinakamaamong
mukha sa kanila sa kabila ng dami ng dumapo sa kanya
na mga dalam-hati at mga pighati. Naiibigan niya ang
pabango at kina-susuk-laman niya ang mabahong amoy.
Tinipon nga sa kanya ni Allah ang kalubusan ng mga
kaasalan at ang mga magandang sa mga gawa. Binigyan
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
78
siya ni Allah ng kaalamang hindi naibigay sa isa man sa
mga nauna at mga nahuli.
Siya ay ummíy: hindi nakababasa at hindi
nakasusulat. Wala siyang guro na tao. Inihatid niya ang
Qur’an na ito buhat kay Allah, na ang sabi ni Allah hinggil
dito (17:88): Sabihin mo: “Talagang kung nagkaisa man
ang tao at ang jinníy na gumawa ng tulad sa Qur’an
na ito ay hindi sila makagagawa ng tulad nito at kahit
pa man ang iba sa kanila ay katulong ng iba pa.” Ang
paglaki niya bilang isang ummí ay isang pagputol ng
dahilan para sa mga nagpapasinungaling na nagsasabing
sinulat daw niya ang Qur’an o natutunan ito o nabasa ito
mula sa mga kasulatan ng iba.
Ilan sa mga Himala Niya
Tunay na ang pinakasukdulan sa mga himala niya
ay ang Marangal na Qur’an, ang himala na mananatili
hanggang sa pag-dating ng Huling Sandali, na dumaig sa
mga matatas sa wikang Arabe, gumulat sa mga magaling
sa wikang Arabe at hinamon ni Allah ang lahat sa
pamamagitan nito na magbigay ng sampung kabanatang
tulad nito, o magbigay ng isang kabanata o kahit ng isang
talata na tulad nito. Sinaksihan ng mga Mushrik ang
mahi-malang katangian ng Qur’an.
Ang ilan sa mga himala niya: Nang hiniling sa kanya
ng mga Mushrik isang araw na magpakita siya sa kanila
ng isang himala ay ipinakita niya sa kanila ang pagkabiyak
ng buwan. Nabiyak ang buwan hanggang sa ito ay maging
dalawang bahagi. Ang pagbukal ng tubig sa pagitan ng
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
79
mga daliri niya ay naganap ng ilang ulit. Nagluwalhati
kay Allah ang maliit na bato sa palad niya. Pagka-tapos
ay inilagay niya ito sa palad ni Abú Bakr (RA), pagkatapos
ay sa palad ni ‘Umar (RA), pagkatapos ay sa palad ni
‘Uthmán (RA), na nagpatuloy sa pagluwalhati.
Naririnig nila noon ang pagluluwalhati kay Allah ng
pagkain sa tabi niya habang ito ay kinakain. Bumati sa
kanya ang mga bato at ang mga punong-kahoy. Kinausap
siya ng braso ng tupang may lason na ibinigay sa kanya ng
isang babaing Hudyo na nagnanais na pumatay sa kanya
sa pamamagitan ng lason.
Nang hiniling sa kanya ng isang Arabe na tagadisyerto
na pakitaan niya ito ng himala ay nag-utos siya
sa isang punong-kahoy at pumunta iyon sa kanya.
Pagkatapos ay inutusan niya iyon at bumalik iyon sa
kinalalagyan niyon. Sinalat niya ang utong ng inahing
tupa na walang gatas at nagkaroon ito ng gatas. Ginatasan
niya ito, uminom siya, at pinainom niya si Abú Bakr
(RA). Dumura siya sa mga mata ni ‘Alíy ibnu Abí Tálib
(RA) noong ito ay nagkaroon ng namamagang mata at
gumaling naman ang mga ito kaagad-agad. Nasugatan
ang isang lalaki sa mga Kasamahan niya kaya hinipo niya
ang tama at gumaling ito kaagad.
Dumalangin siya para kay Anas ibnu Málik (RA) na
magka-roon ng mahabang buhay, maraming yaman at
anak, at na pagpa-lain ito ni Allah sa mga ito. Nagkaroon
ito ng 120 anak. Ang mga punong datiles nito ay
namumunga nang dalawang beses sa isang taon, gayong
ang nalalaman ng lahat tungkol sa datiles ay na ito ay
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
80
namumunga ng isang ulit sa isang taon. Nabuhay ito nang
120 taon.
Idinaing sa kanya ng isa sa mga Kasamahan Niya ang
tagtuyot habang siya ay nasa pulpito kaya iniangat niya
ang mga kamay niya na dumadalangin kay Allah noong
ang langit ay walang ulap. Namuo ang mga ulap na
kasinlaki ng mga bundok. Bumuhos ang malakas na ulan
hanggang sa sumunod na Biyernes hanggang sa idinaing
naman sa kanya ang dami ng ulan. Kaya nanalangin na
naman siya kay Allah at tumigil ang ulan. Lumabas ang
mga tao na naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Pinakain niya ang isang libong lalaking lumahok sa
labanan sa bambang ng isang salop na trigo at isang
kambing. Nabusog silang lahat at umalis sila samantalang
ang pagkain ay hindi naba-wasan ng anuman. Pinakain
niya rin ang mga taong ito ng kaun-ting datiles na dinala
ng anak na babae ni Bashír ibnu Sa‘d (RA) na para
lamang sana sa ama at amain nito sa ina. Pinakain din niya
ang buong hukbo mula sa baon ni Abú Hurayrah (RA)
hanggang sa nabusog sila.
Lumabas siya sa bahay habang may isandaang
Quraysh na naghihintay sa kanya upang patayin siya at
hinagisan niya ang mga mukha nila ng alikabok, umalis siya,
at hindi nila siya nakita. Sinun-dan siya ni Suráqah ibnu
Málik upang patayin. Ngunit noong naka-lapit na ito sa
kanya ay nanalangin siya laban dito kaya lumubog sa
lupa ang mga paa ng kabayo nito.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
81
Mga Pangyayari at mga Aral
Mula sa Buhay ng Sugo
Ang Pagbibiro Niya (SAS)
Ang Propeta (SAS) noon ay nagbibiro sa mga
Kasamahan niya ngunit walang siyang sinasabi kundi ang
totooo. Nakikipag-laro siya sa maybahay niya. Pinapansin
niya ang mga bata at nag-tatalaga siya para sa kanila ng
isang bahagi sa oras niya. Pinaki-kitunguhan niya sila ng
ayon sa nakakayanan nila at nauunawaan nila. Binibiro
niya noon ang utusan niya na si Anas ibnu Málik (RA).
Marahil ay sinabihan niya ito minsan: “O may dalawang
tainga.”
May pumunta sa kanya na isang lalaki at nagsabi: “O
Sugo ni Allah, isakay mo po ako.” Kaya nagsabi sa
kanya ang Propeta (SAS), na nagbibiro: “Tunay na kami
ay magpapasakay sa iyo sa anak ng inahing kamelyo.”
Nagsabi ito: “At ano po ang gagawin ko sa anak ng inahing
kamelyo?” Kaya nagsabi ang Propeta (SAS): “May iba
pang nagsisilang ng kamelyo kundi ang mga inahing
kamelyo?”
Siya ay palangiti at masayahin sa harap ng mga
Kasamahan niya. Wala silang naririnig mula sa kanya
kundi ang mabuting salita. Ayon kay Jarír (RA) na
nagsabi: “Hindi ako hinadlangan ng Propeta (SAS) mula
ng yumakap ako sa Islam. Hindi niya ako natingnan
malibang ngumingiti siya sa harap ko. Talaga ngang
dumaing ako sa kanya na hindi ako makapanatili sa
ibabaw ng kabayo kaya itinapik niya ang kamay niya sa
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
82
dibdib ko at nagsabi: “O Allah, panatilihin Mo siya at
gawin mo siya na isang taga-patnubay na
napapatnubayan.” Kaya hindi na ako nalaglag sa kabayo
matapos niyon.
Binibiro rin niya noon ang mga kamag-anak niya.
Pumunta siya sa bahay ng anak niyang si Fátimah at hindi
niya nasumpu-ngan ang asawa nitong si ‘Alíy sa bahay kaya
nagsabi siya: “Nasaan siya?” Nagsabi ito: Nagkaroon
kami ng isang alitan kaya nagalit siya sa akin at lumabas.
Pinuntahan siya ng Sugo ni Allah saman-talang siya ay
nakahiga sa masjid. Naalis sa kanya ang balabal niya at
nalagyan ng alikabok kaya nagsimula ang Sugo ni Allah
(SAS) na punasan iyon upang maalis sa kanya habang ito
ay nag-sasabi: “Bumangon ka, o ama ng alikabok;
bumangon ka, o ama ng alikabok.”
Ang Pakikitungo Niya sa mga Bata
Ang mga bata ay may naranasang sapat na bahagi
mula sa dakilang kaasalan niya. Nakikipagtakbuhan siya
sa maybahay niyang si ‘Á’ishah (RA). Pinapayagan niya
ang pakikipaglaro nito sa mga kaibigan nito. Ayon kay
‘Á’ishah (RA) na nagsabi: “Ako noon ay naglalaro
kasama ng mga batang babae sa harap ng Propeta (SAS).
Mayroon akong mga kaibigan na naglalaro noon kasama
ko. Ang Sugo ni Allah (SAS) noon kapag pumasok ay
pinagtataguan nila ngunit pinapupunta niya sila sa akin at
mag-lalaro sila kasama ko.”
Pinahahalagahan niya rin ang mga bata at nakikilaro sa
kanila. Nakikipagmabutihan siya sa kanila. Ayon kay
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
83
‘Abdulláh ibnu Shaddád, ayon sa ama niya na nagsabi:
“Lumabas sa amin ang Sugo ni Allah (SAS) sa isa sa
dalawang saláh sa gabi samantalang kinakarga niya si
Hasan o si Husayn. Pumunta sa harap ang Sugo ni Allah
(SAS) at inilapag niya ito. Pagkatapos ay nagsabi siya ng
Alláhu akbar sa pagpapasimula ng saláh. Nagdasal siya.
Nagpati-rapa siya ng isang pagpapatirapa at tinagalan
niya ito. Nagsabi ang ama ko: Kaya inangat ko ang ulo ko
at ang bata ay nasa iba-baw ng likod ng Sugo ni Allah
(SAS) habang siya ay nakapatirapa kaya bumalik ako sa
pagkakapatirapa ko. Kaya noong natapos ng Sugo ni
Allah (SAS) ang saláh ay nagsabi ang mga tao: O Sugo
ni Allah, tunay na ikaw ay nagpatirapa ng isang pagpapatirapa
na pinatagal mo hanggang sa inakala namin na may
nangya-ring isang pangyayari, o na may isinisiwalat sa iyo.
Nagsabi siya: Lahat ng iyon ay hindi nangyari; bagkus
ang anak ko ay suma-kay sa akin at hindi ko ibig na
madaliin siya hanggat hindi natutugon ang kailangan
niya.”
Ayon kay Anas ibnu Málik (RA) na nagsabi: “Ang
Propeta (SAS) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa
kaasalan. Nagsasabi siya sa isang kapatid ko na maliit: O
Ama ni ‘Umayr,22 ano ang ginawa ng nughayr? Ang
nughayr ay isang maliit na ibon na pinaglalaruan ng
22 Tinawag dito ng Sugo ang bata na Ama ni ‘Umayr gayong sa
kaugaliang Arabe ay hindi tinatawag nang ganito ang mga bata. Isa
itong biro at pagla-lambing. Marahil ang katumbas nito sa mga
Pilipino ay ang tawaging Mister o Miss ang isang batang lalaki o
babae. Ang Tagapagsalin.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
84
batang iyon. Sa pangyayaring ito ay mayroong isang
pang-aaliw sa batang ito.
Ang Pakikitungo Niya sa Mag-anak Niya
Tungkol naman sa pakikitungo ng Propeta (SAS) sa
mag-anak niya, natipon nito ang mga marangal sa mga
kaasalan. Siya ay mapagpakumbaba. Siya ay laging
tumutugon sa pangangailangan ng mag-anak niya.
Isinasaalang-alang niya ang kalagayan ng babae bilang
isang tao, isang ina, isang maybahay, at isang anak. Tinanong
siya ng isang lalaki na nagsabi: “Sino po ang higit na
karapat-dapat sa mga tao sa magandang pakikisama ko?”
Sinabi niya: “Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo,
pagkatapos ay ang ina mo, at pagkatapos ay ang ama
mo.” Sinabi pa niya: “Ang sinumang nakaabot sa mga
magu-lang niya o sa isa sa kanila at hindi nagpakabuti
sa kanila at saka namatay siya at saka pumasok siya sa
Apoy ay ilalayo siya ni Allah [sa awa Niya].
Kapag uminom ang maybahay niya sa sisidlan ay
kukunin niya ito, ilalagay niya ang bibig niya sa
pinaglagyan ng bibig niyon at iinuman. Siya noon ay
nagsasabi: “Ang pinakamabuti sa inyo ay ang
pinakamabuti sa maybahay niya at ako ay ang
pinakamabuti sa inyo sa maybahay ko.”
Ang Awa Niya (SAS)
Tungkol naman sa katangian ng awa niya, sinabi nga
niya (SAS): “Ang mga naaawa ay kaaawaan ng
Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang sinumang nasa
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
85
lupa, kaaawaan Niya kayo na nasa langit.” Ang
marangal na Propeta natin (SAS) ay may
pinakamasaganang bahagi sa dakilang kaasalan na ito.
Lumili-taw iyon na malinaw at hayag sa mga nangyari sa
kanya kasama ng lahat, maging bata man o matanda,
maging kaanak man o di-kaanu-ano. Kabilang sa mga
halimbawa ng habag niya at awa niya ay na pinadadali
niya ang mga saláh niya at hindi pinatatagal kapag
nakarinig ng iyak ng isang paslit. Ayon kay Abú Qatádah
(RA), ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi: “Tunay na ako ay
tala-gang tatayo na sa saláh na ninanais ko na
patagalin ngunit nakarinig ako ng iyak ng paslit kaya
naman magpapaikli ako ng saláh ko dahil sa
pagkasuklam na baka makapagpahirap ako sa ina
niya.”
Bahagi ng awa niya sa kapwa niya at kasigasigan
niya na pumasok sila sa Relihiyong mula kay Allah,
noong nagkasakit ang isang batang Hudyo na
naglilingkod sa Propeta (SAS) ay pinuntahan niya ito at
dinadalaw ito. Umupo siya sa tabi ng ulo nito at nagsabi
rito: Yumakap ka sa Islam. Tumingin ito sa ama nito na
nakatayo sa tabi ng ulo nito at nagsabi rito ang ama nito:
“Tumalima ka kay Abulqásim.” 23 Kaya yumakap sa
Islam ang bata. Pagkatapos, hindi naglaon ay namatay
ito. Lumabas ang Propeta (SAS) mula sa kinaroroonan nito
habang siya ay nagsasabi: “Ang papuri ay ukol kay Allah
na sumagip sa kanya mula sa Apoy.”
23 Ito ang taguri sa Propeta (SAS).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
86
Ang Pagkamatiisin Niya (SAS)
Tungkol naman sa sanaysay hinggil sa
pagkamatiisin niya, ito sa katotohanan ay isang sanaysay
tungkol sa buong buhay niya at tungkol sa talambuhay
niya kalakip ng lahat ng mga detalye nito at mga
pangyayari nito. Ang buhay niya ay pawang pagtitiis,
pagpapakamatiisin, pakikibaka sa iba, at pakikibaka sa
sarili. Hindi na siya natigil sa pagtitiis, pagpapakamatiisin,
at patuloy na gawain magmula ng ibinaba sa kanya ang
unang talata ng Qur’an hanggang sa huling sandali ng
buhay niya. Talaga ngang nalaman ng Sugo ni Allah
(SAS) ang kalikasan ng anumang matatagpuan niya sa
landas na ito mula noong unang sandali ng pagsugo sa
kanya at matapos ang unang pakikipagkita sa Anghel,
noong dinala siya ni Khadíjah (RA) kay Waraqah ibnu
Nawfal. Sinabi sa kanya ni Waraqah: “O kung sana ako ay
buhay pa kapag palalayasin ka ng mga kababayan mo.”
Kaya nagsabi siya rito: “At palalayasin ba nila ako?”
Nagsabi ito: “Oo, sapagkat wala pang isang lalaki na
nagdala ng tulad sa ihinatid mo na hindi inaway.” Kaya
pinahirati na niya ang sarili niya magmula sa simula sa
pagtitiis sa mga hirap, pamiminsala, pakana, at
pangangaway.
Kabilang sa mga pangyayaring nalalantad ang
pagkamatiisin niya (SAS) ay ang dumating sa kanya na
palagiang pangungutya at panunuya at ang dumating sa
kanya na pisikal na pamiminsala mula sa mga kababayan
niya, mga kaanak niya, at angkan niya na mga
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
87
nagtatangka dahil doon na pigilan siya sa pagpaparating
ng pasugo ng Panginoon niya.
Higit na matindi pa roon ang pinsalang sikolohikal na
lumilitaw sa pagtanggi sa paanyaya niya;
pagpapasinungaling sa kanya; pagpaparatang sa kanya
na siya raw ay isang manghuhula, isang manunula, isang
baliw, at isang manggagaway; at ang pagsasabing ang
ihinatid niya na mga talata ng Qur’an ay walang iba
kundi mga mito ng mga sinaunang tao. Kabilang doon ay
ang sinabi ni Abú Jahl habang nanunuya: “O Allah, kung
nangyaring ito ay ang katotohanan na buhat sa Iyo,
paulanan Mo kami ng mga bato mula sa langit o dalhan mo
kami ng isang masakit na pagdurusa.”
Ang amain niya na si Abú Lahab ay sumusunod sa
kanya kapag pumupunta siya sa mga pinagtitipunan ng mga
tao at mga palengke nila upang anyayahan niya sila sa
Islam. Pinasisinungalingan siya nito at sinasaway sila sa
paniniwala sa kanya. Samantala, ang maybahay naman
nito na si Umm Jamíl ay nangangalap ng mga kahoy at
mga tinik at hinahagis sa daanan niya.
Umabot ang pamiminsala sa rurok nito nang
kinubkob siya kasama ng mga Kasamahan niya sa loob ng
tatlong taon sa Shi‘b Abí Tálib hanggang sa kumain na
sila ng mga dahon ng mga punong-kahoy sa tindi ng
gutom. Nadagdagan pa sa kanya ang mga kalungkutan
nang namatayan siya ng maybahay niyang si Khadíjah,
na umaalo sa kanya at tumutulong sa kanya. Pagkatapos ay
binigla pa siya ng pagkamatay ng amain niya na
nagsasangga-lang sa kanya at nagtatanggol sa kanya. NagMuhammad,
ang Pangwakas sa mga Propeta
88
iibayo pa ang kalung-kutan niya dahil sa ito ay namatay sa
kawalang-pananampalataya sa Islam. Pagkatapos ay
umalis siya sa bayan niya upang lumikas pagkatapos ng
ilang pagtatangka ng pagpatay sa kanya. Sa Madínah ay
magsisimula siya ng isang bagong panahon ng pagtitiis,
pagpa-pakasakit, at isang buhay na naglalaman ng marami
sa paghihirap at kagipitan hanggang sa nagutom siya,
naghirap siya, at nagtali siya sa tiyan ng bato. Sinasabi niya
(SAS): “Pinangamba nga ako dahil kay Allah at hindi
pinangangamba [ng gayon] ang isa. Talaga ngang
pininsala ako dahil kay Allah at hindi pinipinsala [ng
gayon] ang isa. Talaga ngang may dumating sa akin
na tatlumpung [sandali] sa pagitan ng araw at gabi
samantalang ako at si Bilál ay walang ibang pagkain na
nakakain ng isang may atay kundi isang bagay na
maitatago ng kilikili ni Bilál.”
Pinaratangan na siya sa karangalan niya at dinapuan
ng pami-minsala mula sa mga nagkukunwaring
sumasampalataya at mga mangmang na kabilang sa mga
Arabeng disyerto. Bagkus isina-laysay ni alBukháríy
ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi:
“Namahagi ang Sugo ni Allah ng isang bahagi at may
nagsabi na isang lalaking kabilang sa mga Ansáríy:
Sumpa man kay Allah, hindi nagnanais si Muhammad sa
pamamagitan ng [paghahating] ganito ng ikalulugod ng
Mukha ni Allah.”24 Nag-sabi pa si Ibnu Mas‘úd: “Kaya
24 Inaakala nito na hindi makatarungan ang pamamahagi ng Propeta
(SAS).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
89
pumunta ako sa Sugo ni Allah (SAS) at binalitaan ko
siya. Nagbago ang mukha niya at nagsabi siya: Kawaan
ni Allah si Moises; talaga ngang pininsala siya ng
higit pa rito at nagtiis siya.”
Kabilang sa mga sandaling nagpakamatiisin ang Propeta
(SAS) ay ang mga araw ng pagkamatay ng mga lalaking
anak niya at mga babaing anak niya yamang nagkaroon
siya ng pitong supling na nagkasunud-sunod ang
pagkamatay nila: ang isa kasunod ng isa pa, hanggang sa
walang natira sa kanila kundi si Fátimah (RA). Ngunit
hindi siya pinanghinaan ni nangalupaypay bagkus ay nagtiis
siya ng isang magandang pagtitiis. Naiulat pa nga
hinggil sa kanya noong araw ng kamatayan ng anak niya
na si Ibráhím ang sinabi niya: “Tunay na ang mata ay
lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi kami
magsasabi kung hindi ang ikalulugod ng Panginoon
namin. Tunay na kami, sa pakikipaghiwalay sa iyo O
Ibráhím, ay talagang mga nalulungkot.”
Ang Pagsamba Niya
Ang Propeta (SAS) ay masipag sa pagsamba niya sa
Panginoon niya at palaging umaalaala at nag-iisip. Kapag
siya ay dinapuan ng lumbay at lungkot o dinatnan ng isang
kasawian, nananawagan siya kay Bilál ay nagsasabi:
“Paginhawahin mo kami sa pama-magitan ng saláh, o
Bilál.”
Nagdarasal siya sa gabi at pinahahaba niya ang saláh
at ang pagtaya hanggang sa namaga ang mga paa niya
dahil sa haba ng pagtayo. Binibigkas niya ang Qur’an at
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
90
inuulit-ulit ang mga talata. Umiiyak siya hanggang sa
nabasa ang balbas niya dahil sa dami ng pag-iyak kaya
nagsasabi sa kanya ang maybahay niyang si ‘Á’ishah
(SAS): “O Sugo ni Allah, paano mong nagagawa ito sa
sarili mo gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa anumang
nauna sa pagkakasala mo at anumang nahuli?” Kaya
magsasabi naman siya: “Kaya hindi ba ako magiging
isang lingkod na mapagpasa-lamat?” Nananatili siya sa
higit na maraming bahagi ng gabi na nakikipag-usap sa
Panginoon niya, bumibigkas sa Aklat Niya, at
nagsusumamo sa Kanya.
Dinadalasan niya rin ang pag-aayuno. Nag-aayuno
siya sa panahong ng pagtigil at paglalakbay, sa init at
lamig. Nagsasabi si Abú Dardá’: “Kami noon ay nasa
katindihan ng init hanggang sa, sumpa man kay Allah na
walang Diyos kundi Siya, tunay na ang isa sa amin ay
talaga namang naglalagay na ng kamay niya sa ulo niya
dahil sa tindi ng init ng araw at walang isa sa amin na nagaayuno
kundi ang Sugo ni Allah at ang anak ni
Rawáháh.”
Tungkol naman sa larangan ng pagkakawanggawa, ang
Propeta (SAS) ay mapagbigay ayon sa pagkamapagbigay
na walang mga hangganan. Siya ay lubhang galante.
Nagkakaloob siya at nagka-kawanggawa ng bawat
anumang mayroon sa kanya. Nagbigay siya ng isang bigay
sa isang walang pinangangambahang karalitaan. Wala
siyang tinanggihang isang nanghihingi kailanman. Kapag
hiningan siya ng isang tao ng anumang mayroon siya ay
hindi niya tinatanggihan ito. Bagkus ay tinutulungan niya
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
91
ito at inaa-layan niya ito. Gaya nga ng sinasabi tungkol
sa kanya ng mga Kasamahan niya: “Hindi hiningan ang
Sugo ni Allah (SAS) ng anuman kailanman na nagsabi
siya ng hindi.”
Ang Kawalan Niya (SAS) ng Hilig sa
Karangyaan
Hindi aangkop na itaguri ang katangian ng kawalan
ng hilig sa karangyaan sa totoo kundi sa isang tao na
madali niyang maka-mit ang isang bagay ngunit
tinanggihan niya iyon at iniwan niya iyon bilang
pagtanggi roon. Ang Propeta natin ay ang pinakawa-lang
hilig sa karangyaan sa lahat ng tao sa mundo at ang
pinaka-kaunti sa kanila sa pagkaibig dito, na nagkakasya
sa makasasapat sa pangangailangan niya mula sa mundo,
nalulugod dahil dito sa buhay ng kasalatan gayong ang
mundo ay nasa pagitan ng mga kamay niya at gayong siya
ang pinakamarangal na nilikha para kay Allah. Kung
sakaling ninais niya, talagang ibinigay sana ni Allah sa
kanya ang anumang nanaisin niya na mga yaman at mga
biyaya.
Nabanggit nga ni Imám Ibnu Kathír, kaawaan siya ni
Allah, sa pagpapaliwanag niya sa Qur’an, na ayon kay
Khaythamah ay sinabihan ang Propeta (SAS): “Kung
loloobin mo, [mangyayari] na bibigyan ka Namin ng mga
tagong yaman ng daigdig at mga susi ng mga ito, na hindi
Namin ibinigay sa isang propeta na nauna sa iyo at hindi
Namin ibibigay sa isa pagkatapos mo at hindi makababawas
iyon mula sa nauukol sa iyo sa ganang kay
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
92
Allah.” Kaya nagsabi siya: “Ipunin ninyo para sa akin
sa Kabilang-buhay.”
Tungkol naman sa buhay niya at pamumuhay niya, ito
ay isang kamangha-mangha mula sa kamangha-mangha.
Sinasabi ni Abú Dharr (RA): “Ako ay naglalakad noon
kasama ang Propeta (SAS) sa batuhan ng Madínah.
Humarap kami sa bundok ng ‘Uhud at nagsabi siya:
Hindi magpapasaya sa akin na mayroon akong tulad
ng [bundok ng] Uhud na ito na ginto, na lilipas sa
akin ang tatlong araw at mayroon pa akong isang dínár
mula roon, maliban sa isang bagay na itatabi ko ukol sa
utang, malibang ipamimigay ko ito sa mga lingkod ni
Allah nang ganito, ganyan, ganoon buhat, sa kanan,
buhat sa kaliwa, at buhat sa likuran.” Siya noon ay
nagsasabi: “Wala akong kaugnayan sa mundo. Ako ay
nasa mundo gaya lamang ng isang nakasakay na
sumisilong sa ilalim ng isang punong-kahoy at
pagkatapos ay aalis at iiwan ito.”
Ang Pagkain Niya at ang Pananamit Niya (SAS)
Tungkol naman sa pagkain niya, dumadaan noon sa
kanya ang isang buwan, ang dalawang buwan, at ang tatlo
at hindi nagnini-ngas sa bahay niya ang isang apoy. Ang
pagkain niya ay ang datiles at ang tubig. Marahil nanatili
siya sa maghapon na namimilipit dahil sa tindi ng gutom
at hindi siya nakasusumpong ng pupuno sa tiyan niya.
Ang karamihan sa tinapay niya ay mula sa barley. Hindi
naiulat mula sa kanya na siya ay kumain kailanman ng tinapay
na manipis. Bagkus tunay na ang alila niya na si Anas
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
93
(RA) ay bumanggit na hindi naipagsama sa kanya ang
pananghalian ni ang hapunan na tinapay at karne maliban
kapag pinupuntahan siya ng mga panauhin.
Ang kalagayan niya sa pananamit niya ay hindi higit
na salat kaysa sa nauna yamang sinasaksihan para sa kanya
ng mga Kasa-mahan niya (RA) ang kawalan niya ng hilig
sa karangyaan at ang hindi pagpapakahirap niya sa
pananamit niya, gayong siya ang may kakayahan na
kumuha ng mga kasuutan na pinakamahal. Sinasabi ng
isa sa mga Kasamahan niya habang inilalarawan ang
pananamit niya: “Pinuntahan ko ang Sugo ni Allah (SAS)
upang kausapin siya tungkol sa isang bagay at
nasumpungang siya ay nakaupo at nakasuot ng tapis na
magaspang na bulak.”
Pumunta si Abú Bardah kay ‘Á’ishah, ang ina ng mga
mana-nampalataya, at inilabas nito ang isang damit na
sinulsi at tapis na magaspang. Pagkatapos ay sinabi nito:
“Kinuha ang Sugo ni Allah (SAS) suot ang dalawang
damit na ito.” Ayon kay Anas ibnu Málik (RA) na
nagsabi: “Ako ay naglalakad minsan kasama ang Sugo ni
Allah habang nakasuot siya ng isang Najráníy 25 na
balabal na magaspang ang gilid.”
Hindi siya nag-iwan noong namatay siya ng isang
dirham, ni isang dínár, ni isang aliping lalaki, ni isang
aliping babae, ni anuman, maliban sa puting mola niya,
sandata niya, at isang lupa na ginawa niyang isang
kawanggawa. Nagsabi si ‘Á’ishah: “Yumao ang Sugo ni
25 Yari sa Najrán, na isang lugar sa timog Arabia.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
94
Allah (SAS) samantalang sa estante ko ay walang isang
bagay na kinakain ng isang may atay maliban pa sa kalahating
takal na barley.” Namatay siya samantalang ang
panangga niya ay nakasangla sa isang Hudyo kapalit ng
kaunting barley.
Ang Katarungan Niya (SAS)
Tungkol naman sa katarungan, ito ay nakakapit na sa
sarili niya sa panahon ng pananatili niya at paglalakbay
niya. Siya ay makatarungan sa pakikitungo niya sa
Panginoon niya, makata-rungan sa pakikitungo niya sa
sarili niya, makatarungan sa paki-kitungo niya sa mga
maybahay niya, at makatarungan sa pakiki-tungo niya sa
kapwa: maging sa isang kaanak o isang di-kaanu-ano,
isang kasamahan o isang kaibigan, maging sa isang
sumasang-ayon o isang sumasalungat, pati na ang kaaway
na nagmamalaki. Lahat ay may bahagi sa katarungan
niya. Tinutulan siya ng mga tao at nilalabag ang karapatan
niya ng mga tao, ngunit hindi niya tinatalikuran ang
katarungan. Siya ay nasusuklam din na magtangi-tangi sa
mga Kasamahan niya. Bagkus iniibig niya ang katarungan
at ang pagkakapantay-pantay. Pinapasan niya ang mga
hirap at ang mga pagod tulad nila. Ayon kay ‘Abdulláh
ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi: “Kami noong araw ng
[labanan sa] Badr ay nakasakay ang [isa sa] bawat tatlo sa
isang kamelyo. Sina Abú Lubábah, ‘Alíy ibnu Abí Tálib ay
mga kasama ng Sugo ni Allah (SAS).” Sinabi pa niya:
“Kaya noong dumating ang pagkakataon ng Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi sila: Kami naman ang maglalakad at ang
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
95
sasakay ay ikaw. Sinabi niya: Kayo ay hindi higit na
malakas kaysa sa akin, at ako ay hindi higit na walang
pangangailangan sa gan-timpala [ni Allah] kaysa sa
inyo.”
Samantalang si Usayd ibnu Hudayr ay
nakikipagbiruan sa mga tao at nagpapatawa sa kanila ay
sinundot siya ng Propeta sa baywang niya ng isang patpat
kaya nagsabi si Usayd: “Sinaktan mo ako, kaya hayaan
mong makaganti ako sa iyo.” Kaya sinabi niya:
“Gumanti ka.” Nagsabi si Usayd: “Tunay na tungkulin
mo na magbigay ng isang kamisa at wala akong kamisa.”
Kaya inangat ng Propeta (SAS) ang kamisa niya at niyapos
naman siya ni Usayd at nagsimula itong humalik sa
pagitan ng baywang at tadyang at nagsabi: “Ninais ko
lamang ito, o Sugo ni Allah.
Siya ay hindi nalulugod na ipawalang-saysay ang
mga batas ni Allah na isinabatas Niya upang isagawa ang
katarungan sa pagi-tan ng mga tao, kahit pa man ang
salarin ay kabilang sa mga kaa-nak niya at mga
minamahal niya. Sa kaso ng babaing kabilang sa liping
Makhzúm na nagnakaw ay hindi niya tinanggap ang
pamamagitan ni Usámah [ibnu Zayd] at sinabi niya ang
tanyag na kasabihan niya: “O mga tao, nilipol lamang
ang mga nauna sa inyo dahil sila noon, kapag
nagnakaw sa kanila ang maharlika, ay nagwa-walangbahala
roon at kapag naman nagnakaw sa kanila ang
mahina ay ipinatutupad nila roon ang batas. Sumpa man
kay Allah, kung sakaling si Fátimah na anak ni
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
96
Muhammad ay nagnakaw, talagang puputulin ko ang
kamay niya.”
Ang Sinabi Nila 26 Tungkol Kay Muhammad
(SAS)
Ang sumusunod ay mga sinipi mula sa mga sinabi ng
ilan sa mga philosopher at mga kanluraning oryentalista27
hinggil sa puma-patungkol kay Propeta Muhammad
(SAS). Naglilinaw ang pag-amin nila sa kadakilaan ng
marangal na Propetang ito, sa pagka-propeta niya, sa
kapuri-puring mga katangian niya, at sa katoto-hanan ng
mensaheng inihatid niya, na malayo sa panatisismo at sa
pagpalaganap ng mga kabulaanang inilalako ng ilan sa
mga kaaway ng Islam.
Nagsasabi ang nagwagi ng Nobel Prize na Irlandes
na si Bernard Shaw sa aklat niya na pinamagatang
Muhammad, na ipina-sunog ng mga awtoridad ng Britania:
“Ang mundo ay lalong higit na nangangailangan sa isang
taong nasa pag-iisip ni Muhammad, ang Propeta na ito na
naglagay sa Relihiyon niya palagi sa kalaga-yang
iginagalang at pinagpipitagan. Ito ay ang
pinakamakapang-yarihang relihiyon na manaig sa lahat ng
mga kabihasnan, na mana-tiling gayon magpakailanman.
Nakikita ko na marami sa mga kaba-bayan ko ay pumasok
sa relihiyong ito ayon sa pagkaunawa. Mata-tagpuan ng
relihiyong ito ang malawak na larangan nito sa konti-nente
ng Europa.”
26 Ang mga siniping pananalita rito ay salin mula sa wikang Arabe.
27 Dalubhasa sa kultura, wika, relihiyon at iba pa ng mga taga-Silangan
(Oryental).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
97
Nagsasabi pa siya: “Ang mga alagad ng relihiyon
noong Kalagitnaang Panahon, dahil sa kamangmangan at
panatisismo, ay naglarawan sa relihiyon ni Muhammad
ng isang madilim na larawan. Itinuturing noon nila na ito
ay isang kaaway ng Kristi-yanismo. Ngunit napag-aralan
ko ang taong ito at natagpuan ko na siya ay isang
pambihira at kahanga-hanga at napagtanto ko na siya ay
hindi kaaway ng Kristiyanismo. Bagkus kinakailangang
tawagin siya na tagapagligtas ng sangkatauhan. Sa
palagay ko, kung sakaling siya ay hahawak sa
pamamahala ng mundo sa nga-yon, magtatagumpay siya
sa paglutas ng mga suliranin natin, na siyang magtitiyak
sa kapayapaan at kaligayahan na minimithi ng
sangkatauhan.”
Nagsasabi ang Escoses na philsopher na si Thomas
Carlye sa aklat niya na pinamgatang On Heroes, Hero-
Worship, and the Heroic in History: “Naging malaking
kapintasan sa alinmang indibiduwal sa panahong ito na
makinig sa sinasabing ang reli-hiyong Islam daw ay isang
kasinungalingan, at na si Muhammad ay isang
manunubang impostor. Kailangang kalabanin natin ang
ipinalalaganap na tulad nitong mga pananalitang hangal na
naka-hihiya. Ang mensahe na ipinarating ng Sugong iyon
ay nanatiling ang ilaw na tumatanglaw sa loob ng
labindalawang siglo sa mga dalawang daang milyong
tao.28 Ang isa sa inyo ay mag-aakala ba na ang mensaheng
28 Ito ay noong panahon ni Thomas Carlyle. Sa ngayon ay mga
1,300,000,000 na ang mga Muslim. Inamin na rin ng Vaticano na ang
mga Muslim ay higit na marami kaysa sa mga Romano Catolico.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
98
ito na nabuhay rito at namatay rito ang milyon-milyong ito
na mahirap takdaan at bilangin ay isang kasinunga-lingan
at panlilinlang?”
Nagsasabi ang philosopher na Hindu na si Rama
Krishna Rao: “Noong lumitaw si Muhammad, ang
Arabia ay hindi naba-banggit. Mula sa disyertong ito na
hindi nababanggit ay nakaya ni Muhammad sa
pamamagitan ng dakilang espiritu niya na mag-tatag mula
rito ng isang bagong mundo, isang bagong buhay, isang
bagong kultura, isang bagong kabihasnan at isang bagong
kaha-rian na umabot mula sa Marakesh hanggang malakontinente
ng India. Nakaya niya na makaimpluwensiya
sa kaisipan at buhay ng tatlong kontinente: ang Asya, ang
Africa, at ang Europa.”
Nagsasabi ang Oryentalistang Canadiense na si
Zweimer: “Si Muhammad, walang duda, ay kabilang sa
napakadakilang mga pinunong panrelihiyon. Naaangkop
sa kanya na sabihing siya ay isang repormador na may
kakayahan, matatas, mahusay mangusap, malakas ang loob,
lumalaban, at dakilang palaisip. Hindi ipinahi-hintulot na
iugnay siya sa sumasalungat sa mga katangiang ito. Itong
Qur’an niya na inihatid niya at ang talambuhay niya ay
suma-saksi sa katumpakan ng pahayag na ito.”
Nagsasabi ang Ingles na si Sir William Muir: “Si
Muhammad, ang Propeta ng mga Muslim, ay tinaguriang
mapagkakatiwalaan mula sa pagkabata niya ayon sa
nagkakaisang pahayag ng mga kababayan niya dahil sa
karangalan ng mga kaasalan niya at kagan-dahan ng mga
ugali niya. Ano man ang mangyari, si Muhammad ay
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
99
napakatayog para maabot ng naglalarawan. Hindi nalalaman
ang halaga niya ng sinumang hindi nakakilala sa kanya. Ang
dalubhasa sa kanya ay ang nagpakalalim sa pag-aaral sa
maluwalhating kasay-sayan niya, ang kasaysayan na iyon
na nag-iwan kay Muhammad sa pangunguna sa mga
propeta at mga palaisip ng mundo.”
Nagsasabi pa siya: “Natatangi si Muhammad sa
kalinawan ng salita niya at kadalian ng relihiyon niya.
Nakapagsagawa siya ng mga gawaing ikinagugulat ng
mga isipan. Walang nalaman ang kasaysayan na may isang
repormador na gumising sa mga kaluluwa, bumuhay sa mga
kaasalan, at nag-angat sa kahalagahan ng mabu-ting
katangian sa loob ng maikling panahon gaya ng ginawa
ng Propeta ng Islam na si Muhammad.”
Nagsasabi ang dakilang Ruso na nobelista at
philosopher na si Leo Tolstoy: “Sapat nang karangalan
kay Muhammad na siya ay nagligtas sa isang bansang
hamak na madugo mula sa mga kuko ng mga demonyo ng
mga kaugaliang kadusta-dusta, at binuk-san sa harap nila
ang daan ng pag-unlad at pagsulong. Ang Batas ni
Muhammad ay maghahari sa mundo dahil sa kaangkupan
nito sa isip at dunong.”
Nagsasabi ang Austriano na Schoprack: “Ang
sangkatau-han ay talagang magmamalaki sa
pagkakaugnay sa taong gaya ni Muhammad yamang sa
kabila ng kawalang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay
nakaya niya noong nakalipas na mahigit sa sampung siglo
na maghatid ng isang pagbabatas na tayong mga Europeano
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
100
ay lalong maging napakaligaya kapag umabot tayo sa
tugatog niyon.”
Ang papuri ay ukol kay Allah na sa pamamagitan ng
mga biyaya niya ay nalulubos ang mga matuwid na gawa.
Basbasan ni Allah, pangalagaan, at biyayaan ang Propeta
nating si Muhammad, ang mag-anak niya, at ang mga
Kasamahan niya.