Ano ang mga Nakasanayang kalinisang Islamiko ang maaaring ituro kapag kumalat ang coronavirus
(ANG PAG-UUSAP) Habang ang paglagananp ng coronavirus ay kumalat sa buong mundo, paulit-ulit na pinapaalalahanan ang mga tao na limitahan ang pisikal na pakikipag-ugnay, maghugas ng mga kamay at iwasan na hawakan ang kanilang mukha. Ang kamakailan-lamang na mga dokuserye sa Netflix na "Pandemya: Paano Maiiwasan ang isang Pagsiklab" ay inilarawan kung paano ang paghuhugas na ritwal ng Islam, na kilala bilang "wudu," ay maaaring makatulong sa pagkalat ng isang mahusay na mensahe sa kalinisan.
Ang serye ay nakatuon kay Syra Madad, isang Muslim na espesyalista sa kalusugang publiko sa isang ospital sa New York, na nagpahinga upang gawin ang kanyang pagdarasal sa Sentro Islamiko ng Unibersidad ng New York. Bago pumasok sa silid dasalan, tumigil si Madad upang magsagawa ng wudu, at naghugas ng bibig at mukha pati na rin ng kanyang mga paa.
Ang batas ng Islam ay hinihiling sa mga Muslim na linisin ang kanilang katawan bago magdasal. Bilang isang iskolar ng mga pag-aaral ng Islam na nagsasaliksik ng mga ritwal na kasanayan ng mga Muslim, natagpuan ko na ang mga kasanayang ito ay naglalaman ng kapwa espirituwal at pisikal na mga kapakinabangan.
Ritwal na Kadalisayan
Iniwan ng Propetang Muhammad ang detalyadong patnubay para sa mga Muslim kung paano mamuhay sa kanilang buhay, kasama na kung paano magdasal, mag-ayuno at manatiling ritwal na dalisay. Ang gabay na ito ay matatagpuan sa mga koleksyon na tinatawag na Hadith.
Ayon sa batas ng Islam, mayroong mga maliliit at malalaking karumihan. Ang mga maliit na karumihan ay kinabibilangan ng pag-ihi, pagdumi at pagtulog, bukod pa sa iba pang mga kasanayan. Ang isang taong may paniniwala ng Muslim ay dapat na magsagawa ng isang ritwal na paghuhugas ng kanilang mga katawan bago magdasal upang maalis ang mga maliliit na karumihan.
Ang Wudu ay dapat isagawa, tulad ng ginawa ng Propeta Muhammad, sa isang natatanging pagkakasunud-sunod bago magdasal, na ginagampanan ng limang beses sa isang araw. Bago ang bawat pagdarasal, inaasahan sa mga Muslim na hugasan ang kanilang sarili sa isang natatanging pagkakasunud-sunod - una ang mga kamay, pagkatapos bibig, ilong, mukha, buhok at tainga, at sa wakas ang kanilang mga bukong-bukong at paa.
Habang naghuhugas sa tubig ay kinakailangan kapag ito ay mahahanap, kung ang isang tao ay may limitadong mapagkukunan ng tubig, magkagayo’y pinahihintulutan ang isang Muslim na simbolikong "linisin" ang kanilang mga kamay at mukha ng alabok o kung minsan ay buhangin o iba pang likas na materyales.
Sinasabi ng isang talata sa Quran na:
"At kung ikaw ay may sakit o nasa paglalakbay o ang isa sa iyo ay nanggaling sa pagpaparaos ng kanyang sarili o nakipagtalik sa mga kababaihan at wala kang nakitang tubig, kung ganon ay maghanap ng malinis na lupa at ipunas sa inyong mga mukha at ang inyong mga kamay [sa pamamagitan nito]. Sa katunayan, ang Diyos ay palaging nagpapatawad at Mapagpatawad. ”
Ang isang hadith mula sa propeta ay naglalarawan sa Lupa bilang isang nakalilinis na paraan kung mayroong kakulangan sa tubig para sa paghuhugas.
Ang malaking karumihan ay tinukoy sa mga teksto ng Islam na nagaganap pagkatapos ng sekswal na aktibidad o kapag nakumpleto ng isang babae ang kanyang pagreregla. Ang isang babaeng Muslim ay hindi dapat magdasal sa panahon ng kanyang pagreregla. Upang linisin ang sarili pagkatapos ng gayong karumihan, ang isang Muslim ay kinakailangan na maligo, na tinatawag na "ghusl." Kailangang hugasan ng isang tao ang kanilang buong katawan, mula ulo hanggang paa, kabilang ang kanyang buhok. Espiritwal na gawain.
Ang paghahanda para sa pagdarasal sa pamamagitan ng paghuhugas ng katawan na gamit ang tubig ay maaaring isang malalim na espirituwal na gawain para sa mga Muslim. Ang iskolar ng pag-aaral sa Islam na si Paul Powersargues ay nagsabi na hindi "walang saysay na ritwalismo," ngunit isang nakagawiang kasanayan na tumutulong sa indibidwal na tumuon sa panloob na pagiging relihiyoso.
Katulad nito, isa pang scholar sa pag-aaral ng Islam na si Marion Katz, ang nagpaliwanag sa kanyang 2002 na libro na "Katawan ng Teksto" na ang kahalagahan ng wudu ay namamalagi sa simbolikong paglilinis nito. Hindi ito laging lilinisin ang mga bahagi ng katawan na "pisikal na sangkot sa maruming gawa."
Ang ritwal na kadalisayan ay naiiba sa mga kasanayan na kalinisan, bagama’t binibigyang diin din ng Islam ang mahusay na kalinisan. Nag-iingat ang mga Muslim na maghugas nang madalas, kabilang na ang paggamit ng tubig pagkatapos pumunta sa palikuran.
Paghanay sa mga alituntunin sa kalusugang pampubliko
Bilang pagtingin sa panganib ng coronavirus, ang mga pinuno ng mga Muslim sa buong mundo, kabilang na ang nasa Estados Unidos, ay hinanay ang kanilang mga opinyong relihiyon sa mga dalubhasa sa kalusugang pampubliko.
Sinimulan ng mga institusyong Muslim na imungkahi na tiyakin na ang mga tao ay hugasan ang kanilang mga kamay sa loob ng 20 segundo na may sabon bago gawin ang wudu. Ang pagbibigay diin na ang wudu lamang ay hindi mapipigilan ang pagkalat ng virus, iminumungkahi ng iba pang mga institusyong Islam na ang mga moske ay magkakaloob ng labis na sabon at hand sanitizer malapit sa lugar ng hugasan.
Naglabas sila ng mga pagpapasya upang kanselahin ang mga pagdarasal sa Biyernes, hinikayat ang mga Muslim na hugasan ang kanilang mga kamay ng sabon nang palagian, pigilin ang paghipo sa kanilang mukha at magsagawa ng panlipunan na pagdistansiya.
Habang inubos ng mga tao ang mga lokal na istante ng tindahan ng mga hand sanitizer, pamunas, gamit panlinis, guwantes at maskara, ang pangunahing mga kasanayan sa kalinisan ay nananatiling pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga virus.
Sa panahong ito, ang mga gawi ng Islam na binibigyang diin ang kadalisayan ng katawan ay makatutulong sa muling pagsasaalang-alang sa kahalagahan ng mga kasanayan sa kalinisan kasama ang paggamit ng sabon o hand sanitizer, upang mabawasan ang kahinaan ng isang tao sa virus.
Coronavirus - Ang Katuruan ng Propeta Muhammad
Ang COVID-19 na pandemya ay nagpipilit sa mga pamahalaan at mga mapagkukunan ng balita na magbigay ng pinaka tumpak at kapaki-pakinabang na payo sa populasyon ng mundo, dahil ang sakit ay talagang naaabot sa buong mundo. Ang mga propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ay mataas ang pangangailangan, at gayon din ang mga siyentipiko na nag-aaral ng paglipat at epekto ng pandemya.
Sinasabi ng mga eksperto tulad ng imunolohista na si Dr. Anthony Fauci at tagapag-ulat ng medikal na si Dr. Sanjay Gupta na ang mabuting kalinisan at pag-kuwarantina, o ang pagsasagawa ng paghiwalay sa iba sa pag-asa na mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang mga sakit, ay ang pinaka-epektibong gamit na masugpo ang COVID-19 .
Alam mo ba kung sino pa ang nagmungkahi ng mabuting kalinisan at pag-kuwarantina sa panahon ng isang pandemya?
Si Muhammad ﷺ , ang propeta ng Islam, mahigit sa 1,300 taon na ang nakalilipas.
Habang siya ay hindi nangangahulugang isang "tradisyunal na" dalubhasa sa mga bagay na nakamamatay na sakit, gayunpaman si Muhammad ay may mahusay na payo upang maiwasan at labanan ang isang pagkalat tulad ng COVID-19.
Sinabi ni Muhammad: "Kung naririnig mo ang isang pagsiklab ng salot sa isang lupain, huwag pumasok dito; ngunit kung ang salot ay sumiklab sa isang lugar habang naroroon ka, huwag iwanan ang lugar na iyon."
Sinabi rin niya:
"Ang mga may mga nakakahawang sakit ay dapat umiwas mula sa mga malusog."
Mahigpit na hinikayat din ni Muhammad ang mga tao na sumunod sa mga gawi sa kalinisan na mapanatili ang kaligtasan sa mga tao mula sa impeksyon. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hadith, o kasabihan ng Propeta Muhammad:
"Ang kalinisan ay bahagi ng pananampalataya."
"Hugasan ang iyong kamay pagka gising; "hindi mo alam kung saan gumalaw ang iyong mga kamay habang ikaw ay natutulog."
"Ang biyaya sa pagkain ay nakasalalay sa paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain."
At paano kung ang isang tao ay nagkasakit? Anong uri ng payo ang ibibigay ni Muhammad sa kanyang kapwa tao na nagdurusa sa sakit?
Hihikayatin niya ang mga tao na laging humingi ng medikal na gamutan at paggamot:
"Gumamit ng medikal na gamutan," sabi niya, "sapagkat ang Diyos ay hindi gumawa ng isang sakit nang hindi humirang ng isang lunas para dito, maliban sa isang sakit - katandaan."
Marahil ang pinakamahalaga, alam niya kung kailan titimbangin ang pananampalataya nang may katwiran. Sa mga nagdaang linggo, ang ilan ay lumabis upang imungkahi na ang pagdarasal ay magiging mas mahusay sa pag-iwas sa iyo mula sa coronavirus kaysa sa pagsunod sa mga pangunahing alituntunin ng panlipunang pag-distansya at kuwarentina. Paano tumugon ang Propeta Muhammad sa ideya ng pagdarasal bilang pinuno - o tanging anyo ng gamot?
Isaalang-alang ang sumusunod na kuwento, na iniugnay sa atin ng ika-siyam na siglo ng iskolar ng Persia na si Al-Tirmidhi: Isang araw, napansin ng Propeta Muhammad ang isang Bedouin na lalaki na umalis sa kanyang kamelyo nang hindi tinali ito. Tinanong niya ang Bedouin, "Bakit hindi mo itali ang iyong kamelyo?" Sumagot ang Bedouin, "Inilagay ko ang tiwala ko sa Diyos." Sinabi ng Propeta pagkatapos, "Itali mo muna ang iyong kamelyo, pagkatapos ay ilagay ang iyong tiwala sa Diyos."
Hinikayat ni Muhammad ang mga tao na humingi ng patnubay sa kanilang relihiyon, ngunit inaasahan niyang kumuha sila ng mga pangunahing hakbang sa pag-iingat para sa katatagan, kaligtasan at kabutihan ng lahat.
Sa madaling salita, inaasahan niyang gagamitin ng mga tao ang kanilang sintido kumon.
Pagpigil ng Impeksyon sa Islam
Nitong mga Nakaraang Taon, ang mga dalubhasa sa kalusugan sa buong mundo ay naging malaki ang pagkabahala sa paglaganap ng mga nakakahawang sakit. Sa mga pagsiklab ng swineflu, avian (ibon)flu, at severe acute respiratory syndrome (SARS), ay nangangahulugang ay ang mga nakakahawang sakit ay nasakop na ang pandaigdigang konstekto at ngayon ay nasa adyenda ng mga pinuno ng mundo at gayundin ang mga gumagawa ng pangkalusugang patakaran. Sa maunlad at mga umuunlad na mga bansa, mga pangkalusugang opisyal na tumututok sa mga pagsasaliksik sa mga nakakahawang sakit at inuugnay ito sa paggawa ng patakaran at inprastraktura.
Ang saklaw ng mga nakakahawang sakit ay patuloy na mas hinahamon ng globalisasyon.Ang madali at madalas na paglalakbay sa himpapawid ang nagbibigay daan sa mabilis na pagkalat ng mga sakit sa pagitan ng mga komunidad at bansa. Ang pagpigil sa nakakahawang sakit ay magpapatuloy na haharapin ng ika-21 siglong mga usapin kasama na ang pag-iinit ng daigdig, digmaan, taggutom, sobrang dami ng populasyon, deporestasyon, at biyoterorismo.
Dahil sa patuloy na pagpansin ng midya, karamihan sa atin ay nalalaman ang mga panganib na may sa kaugnayan sa swineflu at birdflu at noong 2003-2004 ang mundo ay naghabol ng kolektibong hininga nang may 8098 na tao ang nagkasakit ng SARS, bago pa napigilan ang pandaigdigang pagsiklab na ito. (1) Ang tatlong mga sakit na ito ay nagdulot upang baguhin ang interes sa nakakahawang sakit ng publiko; Gayunpaman, ang Gideon Informatics(2)Ang nangunguna sa talaan ng pandaigdigang nakakahawang sakit, ay sinubaybayan at itinala ang higit na 20 pangunahing mga nakakahawang sakit noong 1972.
Ang ilang mga pangunahing hakbang ay angkop kapag sinusubukang pigilin ang pagkalat ng anuman o lahat ng mga nakakahawang sakit. Kasama dito ang maiging paghuhugas ng kamay, pagtatakip bibig kapag bumabahing o umubo, tamang pagtatapon ng mga tisyu, pananatili sa bahay at paglayo sa mga pampublikong lugar, at sa matinding kaso tulad ng SARS, ang kuwarentina. Sa mga serye ng mga artikulo na pinamagatang Kalusugan sa Islam, ating ipinaliwanag sa ilang detalye na ang Islam ay isang relihiyon na may kinalaman sa paglikha ng isang pamayanan ng malusog na mananampalataya.
Ang Islam ay isang buong paniniwala sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa pisikal, emosyonal, at espirituwal na kapakanan ng mga indibidwal at lipunan. Bagama’t ang pangangalaga sa indibidwal ay mahalaga, ang pangangalaga sa mga pamayanan, kabilang ang pinakamahina nitong mga kasapi, ay nauuna sa pinakamahalaga.
Mahigit sa 1400 taon na ang nakalilipas, ang Propeta Muhammad, nawa’y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagtuturo sa kanyang mga tagasunod ng mga kasanayan sa kalinisan na naaangkop pa rin sa ika-21 siglo.
Mula sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad, nakita natin ang katibayan na malinaw na nagpapahiwatig ng kinatatayuan ng Islam sa pag-ubo at pagbahin ng lantaran. Inutusan ng Propeta Muhammad ang mga mananampalataya na takpan ang kanilang mga mukha kapag bumahin. [3] Ang pinaka-maliwanag na epekto ng pagbahin at pag-ubo nang hindi tinatakpan ang bibig ay ang pagkalat ng mga bakterya sumasama sa hangin at mga virus, na bilang karagdagan, ang mga maliliit na patak na hindi nakikita ng mata lamang, ay maaaring mahawaan ang mga ibabaw o ang ibang mga tao.
Ayon sa Center for Disease Control sa Amerika, ang virus na nagdudulot ng SARS ay naisip na naililipat nang mas mabilis sa pamamagitan ng mga respiratoryong maliliit na mga patak na nagaganap kapag ang isang nahawaang tao ay umubo o bumahin. Ang kilala bilang maliliit na patak na nakakahawa ay maaaring mangyari kapag ang mga maliliit na patak mula sa ubo o pagbahin ng isang nahawaang tao ay naibuga sa isang maikling agwat (hanggang sa 3 talampakan) sa pamamagitan ng hangin at sumama sa membrano ng mukosa ng bibig, ilong, o mata ng mga taong malapit. Ang virus ay maaari ring kumalat kapag ang isang tao ay humipo sa isang ibabaw o bagay na nahawahan ng mga nakakahawang patak at pagkatapos ay nahawakan ang kanyang bibig, ilong, o mata. Ang virus ng SARS ay maaaring kumalat nang mas malawak sa pamamagitan ng hangin (pagkalat sa hangin).
Ang Islam ay tinukoy bilang relihiyon ng kalinisan.
"Tunay, minamahal ng Diyos ang mga nagbabalik sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga naglilinis ng kanilang sarili."
(Quran 2: 222)
Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad ang kalinisan ay nabanggit bilang kalahati ng pananampalataya, samakatuwid, mahalaga na panatilihing presko at malinis ang katawan at iginiit ng Islam ang ilang mga kasanayan upang mapangasiwaan ito. Ang mga maseselang bahagi ay hinuhugasan pagkatapos gumamitng palikuran at dapat bigyang pansin ng mga Muslim ang pagiging malinis bago magdasal. Hinuhugasan nila ang kanilang mga kamay, mukha, (kasama na ang paghuhugas ng bibig at ilong) mga baraso at paa, isang pinakamababa na ang limang beses bawat araw. Iginiit ni Propeta Muhammad na hugasan ng mga mananampalataya ang kanilang mga kamay, bago magdasal, bago at pagkatapos kumain [4] at sa pagkagising sa umaga [5].
Kapag sinusubukang ihinto ang pagkalat ng anumang uri ng trangkaso, kabilang ang swine flu at bird flu, ang unang linya ng pag-iwas ay madalas na paghuhugas ng kamay. Parehong iminumungkahi ng World Health Organization at CDC ang mga sumusunod na mga pag-iingat. Takpan ang iyong ilong at bibig sa isang tisyu kapag umubo o bumahin at itapon ng tisyu sa basurahan pagkatapos gamitin. Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas ng sabon at tubig, lalo na pagkataposng pag- ubo o pagbahin. Iwasan ang hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig, kumakalat ang mga mikrobyo sa ganoong paraan. Manatili sa bahay kung nagkasakit ka. Iminumungkahi ng CDC na manatili sa bahay mula sa trabaho o paaralan at limitahan ang pakikipag-ugnayan sa iba upang hindi makahawa sa kanila.
Ang pagpigil sa impeksyon sa Islam ay may kasamang paghihiwalay at kuwarentina. Ang Propeta Muhammad, nawa’y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay naitatag na mga estratehiya na ipinatutupad ngayon ng mga pampublikong awtoridad sa kalusugan. Inutusan niya ang kanyang mga tagasunod na huwag maglakbay sa mga lugar na kilalang dinapuan ng karamdaman at pinayuhan niya ang mga nasa mga kontaminadong lugar o komunidad na huwag lumisan at maikalat pa ang sakit. Sinabi niya,
"Kung narinig mo na may salot sa isang lupain, huwag mong pasukin ito; at kung ito (salot) ay dumapo sa isang lupain habang naroroon ka, huwag kang lumabas dito ”. [6]
Pinayuhan din niya ang mga taong may sakit na huwag dalawin ang mga malulusog na tao. [7]
Sa panahon ng pandaigdigang pagsiklab ng SARS, ang mga opisyal ng kuwarentina ay nag-ayos para sa naaangkop na tulong medikal, na kung minsan ay kasama ang medikal na paghihiwalay at pinigilan ang mga paggalaw sa paglalakbay. Sinabi ng CDC na ang paghihiwalay ay kinakailangan hindi lamang para sa kaginhawahan ng pasyente kundi upang mapangalagaan ang mga miyembro ng publiko. Maraming mga antas ng pamahalaan sa buong mundo ang ligal na napipilit ang may sakit, nahawaang tao na manatili sa kuwarentina o paghihiwalay upang matigil ang pagkalat ng sakit
.
Ang turo at prinsipyo ng Islam ay nilayon upang makinabang ang lahat ng sangkatauhan. Ang mga batas at mga mungkahi sa pansariling kalusugan at kalinisan ay nagtataguyod ng maayos na pagkatao ng indibidwal at mga komunidad. Ang pagpigil ng pagkahawa ay likas sa Islamikong pangkalusugang pag-uugali. Ang paghuhugas ng mga kamay, pagtatakip ng bibig kapag bumabahin o umuubo, kusang loob na paghihiwalay, kapag siya ay masama ang pakiramdam, at paghihigpit sa paglalakbay ay isang mabisang at komprehensibong pampublikong pangkalusugang estrayehiya. Ang mga hakbang na isinagawa sa ika-21 siglo upang maiwasan ang pagkalat ng mga pagkahawa at mga virus at halos ganap na alinsunod sa pagpigil pangkalusugan at pagkahawang kasanayang itinuro ng Propeta Muhammad.