Mga Artikulo

33


Nagsabi siya: “Panginoon ko, nakapatay po ako mula


sa kanila ng isang tao kaya nangangamba po ako na


papatayin nila ako. Ang kapatid ko po na si Aaron ay higit


na matatas kaysa sa akin sa pananalita, kaya isugo Mo po


siya kasama ko bilang alalay na magpapatotoo sa akin.


Tunay na ako ay nangangamba na pasinungalingan nila


ako.” Nagsabi si Allah: “Palalakasin Namin ang bisig mo sa


pama-magitan ng kapatid mo na si Aaron at lalagyan Namin


kayong dalawa ng kapangyarihan kaya hindi nila


masasaktan kayong dalawa. Sa pamamagitan ng mga Tanda


Namin, kayong dalawa at ang sinumang susunod sa inyo ay


ang mga mananaig.”(28:4-35).


Pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon—ang


mapagmalaking hari. Inanyayahan nila siya sa pagsamba kay


Allah, ang Panginoon ng mga nilalang:


Nagsabi ang Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga


nilalang?”


Nagsabi siya: “Ang Panginoon ng mga Langit at Lupa at


ng anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay


nakatitiyakan.”


Nagsabi ito sa mga nakapaligid dito: “Hindi ba kayo


nakikinig?”


Nagsabi siya: “Ang Panginoon ninyo at ng mga


sinaunang ninuno ninyo.”


Nagsabi ito: “Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa


inyo ay talagang baliw.”


Nagsabi siya: “Ang Panginoon ng silangan at kanluran


at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay


nakauunawa.”


Nagsabi ito: “Talagang kung gagawa ka ng isang diyos


na iba pa sa akin, talaga ngang akin kang gagawing


kabilang sa mga ibinilanggo.”





34


Nagsabi siya: “Kahit na ba nagdala ako sa iyo ng isang


malinaw na bagay?”


Nagsabi ito: “Kaya ilahad mo ito kung ikaw ay kabilang


sa mga nagpapakatotoo.”


Kaya itinapon niya ang tungkod niya at walang anu-ano


ito ay naging malinaw na lalaking ahas. Hinugot niya ang


kamay niya at ito ay maputi para sa mga tumitingin.


Nagsabi ito sa mga pinuno sa paligid nito: “Tunay na ito


ay talagang maalam na manggagaway. Ninanais niya na


palabasin kayo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng


panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”


Nagsabi sila: “Antalain mo muna siya at ang kapatid


niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,


magdadala sila ng bawat maalam na manggaway.”


Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa


itinalagang sandali ng isang itinakdang araw.


Sinabi sa mga tao: “Kayo ba ay magtitipon na? Nang


harinawa tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila


ay ang mga mananaig.”


Kaya noong dumating na ang mga manggagaway,


nagsabi sila sa Paraon: “Tunay ba na mayroon kami talagang


gantimpala kung kami mismo ang mga mananaig.”


Nagsabi ito: “Oo, at tunay na kayo ay kapag


nagkagayon ay talagang mapabibilang sa mga pinalapit sa


akin.”


Nagsabi sa kanila si Moises: “Itapon na ninyo ang


inyong itatapon.”


Kaya itinapon nila ang mga tali nila at ang mga tungkod


nila at nagsabi sila: “Sumpa man sa kapangyarihan ni


Paraon, tunay na kami, talagang kami ay ang mga


mananaig.”





35


Kaya itinapon ni Moises ang tungkod niya at walang


anu-ano ito ay mabilis na lumulon sa ikinukunwari nila.


Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga


nakapatirapa.


Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon ng


mga nilalang, ang Panginoon nina Moises at Aaron.”


Nagsabi ito: “Sumampalataya kayo sa kanya bago ako


nagpahintulot sa inyo; tunay na siya ay talagang ang


pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya


talagang malalaman ninyo. Talagang pagpuputul-putulin


ko nga ang mga kamay ninyo at ang mga paa ninyo nang


magkabilaan at talagang ibibitin ko nga kayong lahat.”


Nagsabi sila: “Walang kapinsalaan; tunay na kami ay


sa Panginoon namin magsisiuwi. Tunay na Kami ay


nagnanasa na magpapatawad sa amin ang Panginoon


namin sa mga pagkakamali namin yayamang kami ay


naging una sa mga mananampalataya.”


Nagkasi Kami kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi dala


ang mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan.”


Nagsugo ang Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap,


at nagsabi: “Tunay na ang mga ito ay talagang kakaunting


pulutong. Tunay na sila sa atin ay talagang mga


nanggagalit. Tunay na tayo ay pawang mga nakahanda.”


Kaya pinalabas Namin sila mula sa mga hardin at mga


bukal, at sa mga kayamanan at bawat maringal na tirahan.


Gayon nga, at ipinamana Namin ang mga ito sa mga anak


ni Israel.


Kaya sinundan nila ang mga ito nang sumisikat na ang


araw. Kaya noong magkakitaan na ang dalawang


pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: “Tunay na


tayo ay mga maaabutan.”





36


Nagsabi si Moises: “Hindi, tunay na kasama ko ang


Panginoon ko; papatnubayan Niya ako.”


Nagkasi Kami kay Moises: “Pukpukin mo ng tungkod


mo ang dagat.” Kaya nabiyak ito at ang bawat bahaging


nahiwalay ay naging parang malaking bundok.


Pinalapit Namin doon ang mga iba pa. Iniligtas Namin


si Moises at ang lahat ng sinumang kasama niya.


Pagkatapos ay nilunod Namin ang mga iba pa. Tunay na sa


pangyayaring iyon ay talagang may Tanda, ngunit ang higit


na marami sa kanila ay hindi mga


mananampalataya.(26:23-67).


Noong nabingit na si Paraon sa pagkalunod ay nagsabi


siya: “Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang Diyos na


sinampa-latayanan ng mga anak ni Israel.” Nagsabi naman si


Allah: “Ngayon pa samantalang sumuway ka noon, at ikaw


noon ay kabilang sa mga gumagawa ng katiwalian? Kaya sa


araw na ito, ililigtas ka Namin sa katawan mo upang ikaw


para sa sinumang darating kapag wala ka na ay maging


isang Tanda! Tunay na marami sa mga tao ay talagang


mga nalilingat sa mga Tanda Namin.” (10:91:92).


Ipinamana ni Allah sa mga kalipi ni Moises na sinisiil dati


ang silangan at kanlurang bahagi ng lupain na pinagpala Niya.


Winasak Niya ang mga ginawa at pinatayo ni Paraon at ng mga


kalipi nito.


Ibinaba ni Allah, pagkatapos niyon, kay Moises ang Torah


na naglalaman ng patnubay sa mga tao at liwanag na


gumagabay sa kanila sa naiibigan ni Allah at kinalulugdan Niya.


Naglalaman din ito ng paglilinaw sa ipinahihintulot at


ipinagbabawal na kinakailangan sa mga anak ni Israel, na mga


kalipi ni Moises, at mga tagasunod niya.


Pagkatapos niyon ay yumao si Moises (AS). Nagpadala si


Allah noong wala na siya ng maraming propeta sa mga kalipi





37


niya, ang mga anak ni Israel, na nagtuturo sa kanila ng tamang


daan. Tuwing namamatay ang isang propeta, hinahalilinan ito ng


isa pang propeta.


Isinalaysay ni Allah sa atin ang ilan sa kanila tulad nina


David, Solomon, Job at Zacarias ngunit hindi Niya isinalaysay


sa atin ang marami sa kanila. Pagkatapos ay winakasan na ang


pagpapadala ng mga propeta na ito sa kanila noong isinugo si


Jesus na anak ni Maria (AS), na ang buhay nito ay puno ng mga


himala magmula sa pagkasilang sa kanya hanggang sa pagangat


sa kanya sa langit.


Pagkalipas ng maraming salinlahi, dumanas ang Torah na


ibinaba ni Allah kay Moises ng pagbabago at pagpapalit ng


kahulugan sa mga kamay ng mga Hudyo na nag-aangking sila


ay mga tagasunod ni Moises (AS). Si Moises ay walang


kinalaman sa kanila. Ang Torah na nasa mga kamay nila ay


hindi na ang Torah na ibinaba buhat kay Allah sapagkat


ipinasok nila rito ang mga bagay na hindi nararapat magmula


kay Allah at inilarawan nila rito si Allah sa pamamagitan ng


mga katangian ng kakulangan, kamangmangan at kahinaan.


Lubhang napakataas ni Allah sa mga pinagsasabi nila.


Nagsabi si Allah sa paglalarawan sa kanila: “Kaya kapighatian


sa mga sumulat ng Kasulatan sa pamamagitan ng mga


kamay nila, pagkatapos ay nagsasabi sila: “Ito ay buhat kay


Allah,” upang maipagpalit nila ito sa isang kakaunting halaga.


Kaya kapighatian sa kanila dahil sa sinulat ng mga kamay


nila at kapighatian sa kanila dahil sa kinita nila.”(2:79).





38


Ang Sugong si Jesus (AS)


Ang busilak na Birheng Maria na anak ni Imran ay isa sa


mga mananamba at mga masunurin sa mga kautusan ni Allah na


ibinaba sa mga propeta noong wala na si Moises. Siya ay mula sa


isang mag-anak na pinili ni Allah sa mga nilalang, gaya ng sinabi


Niya: “Tunay na hinirang ni Allah si Adan, si Noe, ang maganak


ni Abraham at ang mag-anak ni ‘Imrán higit sa ibang


mga nilalang,”(3:33). Inihatid sa kanya ng mga anghel ang


magandang balita ng pagpili sa kanya ni Allah: “Banggitin


noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: “O Maria, tunay


na si Allah ay humirang sa iyo, nagda-lisay sa iyo, at


humirang sa iyo higit sa ibang mga babae sa mga nilalang. O


Maria, sumunod ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at


yumukod ka kasama ng mga yumuyukod.”(3:42-43).


Pagkatapos ay ipinabatid ni Allah kung paano Niyang


nilikha si Jesus sa sinapunan ni Maria nang walang ama. Sinabi


Niya:


Banggitin mo sa Aklat si Maria noong nagpakalayo siya


sa isang silanganing pook. Naglagay siya ng isang tabing na


harang sa kanila. Ipinadala Namin sa kanya ang Anghel


na Espiritu Namin na nag-anyo sa harap niya bilang isang


lubos na tao.


Nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa


Kanya na Madamayin laban sa iyo, lumayo ka kung ikaw


ay isang nangingilag sa pagkakasala.”


Nagsabi ito: “Tunay na ako ay sugo lamang ng


Panginoon mo, upang ibalita ang pagkakaloob sa iyo ng


isang anak na lalaki na dalisay.”


Nagsabi siya: “Papaanong magkakaroon ako ng isang


anak na lalaki samantalang hindi ako nasaling ng isang


lalaki at ako ay hindi rin isang nangangalunya?”





39


Nagsabi ito: “Gayon nga. Nagsabi ang Panginoon mo:


‘Ito ay madali sa Akin, at upang gawin Namin siya na isang


Tanda para sa mga tao at isang awa mula sa Amin. Ito ay


isang bagay na naitakda nang mangyari.’”


Kaya ipinagbuntis niya ito, nagpakalayo siya kasama nito


sa isang liblib na pook. At dinala siya ng sakit ng


panganganak sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: “O


sana ako ay namatay bago nangyari ito at naging isang


kinalimutan na nilimot.”


At may tumawag sa kanya mula sa ilalim niya, na


nagsabi: “Huwag kang malungkot; naglagay na ang


Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis. Yugyugin mo


patungo sa iyo ang katawan ng punong datiles, may


maglalaglagan sa iyo na mga sariwang hinog na datiles. Kaya


kumain ka, uminom ka, at magalak ka. At kapag nakakita ka


ng isa man sa mga tao ay sabihin mo: ‘Tunay na Ako ay


namanata sa Madamayin ng isang pag-aayuno kaya hindi


ako makikipag-usap ngayon sa isang tao.’”


Pagkatapos ay dumating siya dala ito sa mga kalipi niya,


na sinasakbibi ito. Nagsabi sila: “O Maria, talaga namang


nagdala ka ng isang bagay na kasuklam-suklam. O


kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi isang lalaking


masama at ang ina mo ay hindi isang nangangalunya.”


Kaya itinuro niya ito. Nagsabi sila: “Papano naming


kaka-usapin ang nasa duyan pa na isang bata?”


Nagsabi ito: “Tunay na ako ay lingkod ni Allah;


binigyan Niya ako ng Kasulatan at ginawa Niya ako na


isang propeta. Ginawa Niya ako na isang pinagpala saan


man ako naroon, itinagubilin Niya sa akin ang pagdarasal


at ang pagkakawang-gawa hanggang nananatili akong


buhay, ginawang isang mabuti sa ina ko, at hindi Niya ako





40


ginawang palalo, masuwayin. Ang kapayapaan ay sumaakin


sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako at


sa araw na ibabangon akong buhay.”


Iyan si Jesus na anak ni Maria. Ito ay salita ng


katotohanan na hinggil dito ay nag-aalinlangan sila. Hindi


nararapat kay Allah na magkaroon Siya ng isang anak;


kaluwalhatian sa Kanya. Kapag nagpasya Siya ng isang


bagay ay sasabihin Niya lamang na mangyari at


mangyayari nga.


Nagsabi si Jesus: “Tunay na si Allah ay Panginoon ko


at Panginoon ninyo kaya sambahin ninyo Siya; ito ay


tuwid na landasin.”(19:16-36).


Noong inanyayahan ni Jesus (AS) ang mga tao sa pagsamba


kay Allah ay may mga duminig sa kanya ngunit tinanggihan ng


marami sa mga tao ang paanyaya. Nagpatuloy siya sa pagaanyaya


niya sa pagsamba kay Allah subalit ang marami sa


kanila ay tumangging maniwala sa kanya at kinalaban pa siya.


Bagkus ay nagsabwatan pa sila laban sa kanya at tinangka nilang


patayin siya. Kaya nagsabi sa kanya si Allah: “O Jesus, tunay


na Ako ay kukuha sa iyo, mag-aangat sa iyo sa Akin,


maglilinis sa iyo laban sa mga paratang ng mga


tumangging sumampalataya,”(3:55). Ang isa sa mga


tumutugis sa kanya ay ginawa ni Allah na maging kamukha


niya kaya ito ang hinuli nila. Inakala nilang ito si Jesus na anak


ni Maria (AS). Pinatay nila ito at kanila itong ipinako sa krus.


Samantala, ang sugong si Jesus na anak ni Maria (AS) ay iniangat


ni Allah sa Kanya. Bago niya iniwan ang mundo ay ipinarating


niya sa mga disipulo niya ang nakalulugod na balita na si


Allah ay magpapadala ng isa pang sugo na ang pangalan ay


Ahmad na ipalalaganap ni Allah sa pamamagitan nito ang tunay


na relihiyon. Nagsabi si Allah: “O mga anak ni Israel, tunay na





41


ako ay sugo ni Allah sa inyo na nagpa-patotoo sa nauna sa


akin na Torah at nagpaparating ng nakalu-lugod na balita


hinggil sa isang Sugo na darating kapag wala na ako, na ang


pangalan niya ay Ahmad.”(61:6).


Pagkalipas ng ilang panahon, nagkahati-hati ang mga


tagasunod ni Jesus. May lumabas sa kanila na isang sekta na


nagpakalabis sa pagkilala sa kanya. Sinabi nila na si Jesus ay


anak ng Diyos, lubhang napakataas ni Allah sa mga


pinagsasabi nila. Naudyukan sila sa paniniwalang iyon dahil


nalaman nilang si Jesus ay ipinanganak na walang ama.


Ipinabatid ni Allah ang tungkol doon sa sabi Niya: “Tunay na


ang pagkakahalintulad kay Jesus para kay Allah ay gaya ng


pagkakahalintulad kay Adan; nilikha Niya ito mula sa


alabok, pagkatapos ay nagsabi Siya rito: “Mangyari,” at


nangyari.”(3:59).


Samakatuwid, ang pagkalikha kay Jesus (AS) nang walang


ama ay hindi higit na kataka-taka kaysa sa pagkalikha kay


Adan (AS) nang walang ama at ina. Dahil doon, si Allah ay


nangungusap sa mga anak ni Israel sa Qur’an na layuan ang


kawalang-pananampalataya na ito. Sinabi Niya: “O mga May


Aklat, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at


huwag kayong magsabi tungkol kay Allah kundi ang totoo.


Ang Mesias na si Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allah


lamang at salita Niya na inilagak Niya kay Maria, at isang


espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay


Allah at sa mga sugo Niya. Huwag ninyong sabihing Tatlo.


Magsitigil kayo; mainam iyan para sa inyo. Si Allah ay


nag-iisang Diyos lamang. Napakamaluwalhati Niya upang


magkaroon Siya ng isang anak. Kanya ang anumang nasa


mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat na si Allah


bilang Pinananaligan. Hindi aayawan ng Kristo na siya ay





42


maging isang lingkod ni Allah, ni ng mga anghel na minalapit


sa Kanya. Ang mga umaayaw sa pagsamba sa Kanya at


nagmamatigas nang may pagmamalaki ay titipunin Niya


silang lahat sa Kanya. Samantala ang mga


sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ay


ipagkakaloob Niya sa kanila ang mga kabayaran nila at


dadagdagan pa Niya sila mula sa kagandahang-loob Niya.


Samantala ang mga uma-yaw at nagmalaki ay parurusahan


Niya sila ng isang masakit na padurusa. Hindi na sila


makatatagpo para sa kanila, bukod pa kay Allah, ng isang


tagatangkilik ni isang tagatulong.”(4:171-173). Kakausapin ni


Allah si Jesus (AS) sa Araw ng Pagkabuhay:


Banggitin kapag magsasabi si Allah: “O Jesus na anak


ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: ‘Gawin ninyo ako


at ang ina ko bilang mga diyos bukod pa kay Allah?’ ”


Magsasabi siya: “Kaluwalhatian sa Iyo; hindi para sa akin


na sabihin ko ang wala akong karapatan. Kung ako po ay


nagsabi niyon, talagang nalaman Mo na po sana iyon;


nalalaman Mo po ang nasa sarili ko at hindi ko nalalaman


ang nasa sarili Mo; tunay na Ikaw, Ikaw ang


Napakamaalam sa mga Nakalingid. Wala po akong sinabi


sa kanila kundi ang ipinag-utos Mo po sa akin: ‘Sambahin


ninyo si Allah, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo.’


Ako po noon sa kanila ay saksi habang nananatili ako sa


piling nila, ngunit noong kinuha Mo na po ako, Ikaw na,


Ikaw ay ang Tagapagmasid sa kanila; at Ikaw po ay Saksi


sa bawat bagay. Kung pagdurusahin Mo po sila, tunay na


sila po ay mga lingkod Mo; at kung patatawarin Mo po sila,


tunay na Ikaw, Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang


Marunong.” Sasabihin ni Allah: “Ito ay araw na


pakikinabangan ng mga tapat ang katapatan nila.





43


Magkakamit sila ng mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim


ng mga ito ang mga ilog; magsisipanatili sila roon


magpakailanman.” Nalugod si Allah sa kanila at nalugod


naman sila sa Kanya. Iyan ay ang dakilang


tagumpay.(5:116-119).


Dahil doon si Jesus na anak ni Maria (AS) ay walang


kinalaman sa mga milyon-milyong ito na tinatawag ang sarili na


Kristiyano at naniniwalang sila diumano ay mga tagasunod ni


Kristo.


Si Muhammad, ang Sugo ni Allah at ang


Pangwakas sa mga Propeta at mga Sugo


Matapos ang pag-angat kay Jesus (AS), pagkalipas ng matagal


na panahon—malapit sa limang siglo—ay lumala ang pagkalihis


ng mga tao sa patnubay at lumaganap sa kanila ang kawalan


ng wastong pananampalataya, ang pagkaligaw at ang


pagsamba sa iba pa kay Allah. Kaya isinugo ni Allah si


Muhammad (SAS) sa Makkah sa lupain ng Hijáz (kanlurang


Arabia) dala ang patnubay at relihiyon ng katotohanan upang


sambahin si Allah lamang nang walang katambal sa Kanya.


Pinagkalooban siya ni Allah ng Kapahayagan at mga himala na


nagpapatunay sa pagkapropeta niya at pagkasugo niya. Winakasan


sa pamamagitan niya ang pagpapadala sa mga sugo. Ginawa


ang relihiyon niya bilang pangwakas sa mga relihiyon.


Pinangalagaan ni Allah ang relihiyon na ito laban sa pagpapalit at


pagbabago hanggang sa wakas ng mundo at pagdating ng


Huling Sandali.


Sino si Muhammad? Sino ang mga kababayan niya? Paano


siyang isinugo ni Allah? Ano ang mga patunay sa pagkapropeta


niya? Ano ang mga detalye ng buhay niya? Ito ang tatangkain





44


nating liwanagin, ayon sa kapahintulutan ni Allah, sa maikling


mga pahina na ito.


Ang Talaangkanan Niya


Siya si Muhammad, na anak ni Abudulláh na anak ni


Abdul-mut talib, na anak ni Háshim, na anak ni Abdu Manáf,


na anak ni Qusayy, na anak ni Kiláb na mula sa liping Quraysh at


ang Quraysh naman ay kabilang sa mga Arabe. Ipinanganak siya


sa Makkah noong taong 571. Yumao ang ama niya


samantalang siya ay sanggol pa lamang sa sinapupunan. Kaya


lumaki siyang isang ulila sa ama sa ilalim ng pag-aaruga ng lolo


niyang si ‘Abdulmut talib. Noong yumao ang lolo niya, inaruga


naman siya ng tiyuhi niyang si Abu Tálib.


Ang mga Katangian Niya


Nabanggit natin na ang sugo na pinili ni Allah ay kailangang


nasa mataas na tugatog ng kataasan ng espiritu, katapatan sa


pananalita, at kagandahan ng mga kaasalan. Gayon si Muhammad


(SAS). Lumaki siyang matapat, mapagkakatiwalaan, maganda ang


kaasalan, mabuting mangusap, matatas magsalita, minamahal ng


mga kamag-anak at mga di-kamag-anak, pinagpipitagan ng mga


kababayan niya at iginaga-lang sa kanila. Wala silang itinataguri


sa kanya kundi al-Amín, ang Mapagkakatiwalaan. Inilalagak


nila sa kanya ang kanilang mga mahahalagang bagay kapag


naglalakbay sila.


Karagdagan pa sa kagandahan ng kaasalan niya, makisig din


ang anyo niya. Hindi nagsasawa ang mata sa pagtingin sa kanya.


Maputi ang mukha niya, mabilog ang mata, mahaba ang mga


pilik-mata, maitim ang buhok, malapad ang balikat, at hindi


matangkad at hindi rin mababa—katamtaman sa mga lalaki—


ngunit higit na malapit sa pagiging matangkad.





45


Inilarawan siya ng isa sa mga kasamahan niya, na


nagsasabi: “Nakita ko ang Sugo ni Allah (SAS) na suot ang


isang kasuutang gawa sa Yemen. Wala pa akong nakitang


higit na makisig pa sa kanya.” Hindi siya marunong bumasa at


hindi marunong sumulat sa gitna ng mga taong sa kabuuan ay


hindi marunong bumasa’t sumulat. Kakaunti ang mahusay


bumasa at sumulat sa kanila. Gayon paman, sila ay matatalino,


malalakas ang memorya at mabilis makaunawa.


Ang Quraysh at ang mga Arabe


Ang lipi ng Propeta (SAS) at ang angkan niya ay nakatira


noon sa Makkah sa malapit sa al-Masjid al-Harám at Ka‘bah,


na ipinag-utos ni Allah kay Abraham at sa anak nitong si Ismael


na itayo.


Subalit sila, sa paglipas ng mahabang panahon, ay nalihis


sa relihiyon ni Abraham (ang wagas na pagsamba kay Allah).


Naglagay sila, at ang mga liping nasa palibot nila, ng mga


imahen na yari sa bato, kahoy, at ginto sa palibot ng Ka‘bah.


Itinuring nilang banal ang mga ito at naniwala silang ang mga


ito ay nakapagdudulot ng pakinabang at pinsala. Gumawa-gawa


sila ng mga ritwal bilang mga pagsamba sa mga ito. Ang


pinakabantog sa mga ito ay ang imahen ni Hubal, ang


pinakamalaki at ang pinakamahalaga para sa kanila.


Karagdagan sa iba pang mga imahen at mga kahoy, sa labas


ng Makkah ay may mga sinasamba bukod pa kay Allah at


ginagawaran ng kabanalan gaya nina al-Lát, al-‘Uzzá at Manáh.


Ang kanilang buhay kasama ng kanilang kapaligiran ay puno


ng kapalaluan, pagmamayabang, pagmamataas, pangangaway


sa iba, at mga mapanirang digmaan; bagaman mayroon din


naman sa kanila na mga magandang ugali gaya ng katapangan,


pagpaparangal sa panauhin, katapatan sa pananalita, at iba pa.





46


Ang Pagsugo sa Propeta (SAS)


Nang sinapit na ng Propeta ang gulang na apatnapung taon


at habang siya ay nasa loob ng yungib ng Hira’ sa labas ng


Makkah, ibinaba sa kanya ang kauna-unahang kapahayagan


mula sa langit buhat kay Allah. Pinuntahan siya ni Anghel


Gabriel. Mahigpit siyang niyakap nito at sinabi sa kanya:


“Bumasa ka.”


“Hindi ako marunong bumasa,” sagot naman niya.


Muli siyang niyakap nito nang napakahigpit at sinabi sa


kanya: “Bumasa ka.”


“Hindi ako marunong bumasa,” sagot uli niya.


Sa ikatlong pagkakataon ay muli na naman siyang niyakap


nang lalong napakahigpit at sinabi sa kanya: “Bumasa ka.”


“Ano ang babasahin ko?” tanong niya.


Nagsabi ito: “Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo


na lumikha, lumikha sa tao mula sa namuong dugo. Bumasa


ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, na


nagturo sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao ng hindi


nito nalaman.” (96:1-5).


Pagkatapos niyon ay umalis ang anghel at iniwan siya. Takot


na takot at sindak na sindak nang nagbalik ang Sugo (SAS) sa


bahay niya at sa kanyang maybahay.


“Balutin mo ako, balutin mo ako; natatakot ako para sa sarili


ko,” sabi niya sa kanyang maybahay na si Khadíjah.


“Aba’y huwag, sumpa man kay Allah, hinding-hindi ka


bibigyan ni Allah ng kahihiyan. Pinakikitunguhan mo nang


maigi ang iyong kamag-anak, tumutulong ka sa naghihikahos,


at umaagapay ka sa dinapuan ng kasawiang-palad,” tugon ng


maybahay niya sa kanya.





47


Pagkatapos niyon ay pinuntahan na naman siya ni Gabriel


(AS) sa talagang anyo nito noong ito ay likhain ni Allah.


Natakpan niya ang buong abot-tanaw. Sinabi nito:


“Muhammad, ako si Gabriel at ikaw ang Sugo ni Allah.”


Nagkasunod-sunod na ang pagdating kapahayagan mula sa


langit na nag-uutos sa Sugo (SAS) na anyayahan ang mga


kababayan niya na si Allah lamang ang sambahin at magbabala


sa kanila laban sa shirk (pagtatambal kay Allah ng iba pang


diyos) at kufr (kawalang pananampalataya). Nagsimula siyang


isa-isang anyayahan ang mga kababayan niya na pumasok sa


Islam. Nagsimula siya pinakamalapit na kamag-anak. Ang unang


naniwala sa kanya ay ang maybahay niya na si Khadíjah na anak


ni Khuwaylid, ang kanyang kaibigang si Abú Bakr as-Siddíq,


ang kanyang pinsang si ‘Alí na anak ni Abú Talib.


Nang malaman ng mga kababayan niya ang pag-aanyaya


niya, nagsimula silang harapin siya, pagbalakan siya ng masama


at awayin siya. Isang umaga, pumunta siya sa mga kababayan


niya at tinawag sila sa napakalakas na tinig: “Wa sabahah.” Ito


ang salitang sinasabi ng sinumang nagnanais na tipunin ang mga


tao. Kaya naman sunod-sunod na nagdatingan ang kanyang mga


kababayan upang magtipon para makinig sa sasabihin sa kanila.


Nang nagtipon na sila, sinabi niya sa kanila: “Sa tingin ba


ninyo kung sakaling ipagbigay-alam ko sa inyo na sa likod ng


bundok na iyon ay may mga kalaban na nakahandang sumalakay


sa inyo sa gabi o sa umaga, paniniwalaan ba ninyo ako?”


“Hindi pa kami nakaranas ng kasinungalingan sa iyo,” sagot


nila.


“Ako ay isang tagapagbabala sa inyo ng napipintong


matinding parusa,” sabi niya.


Kaya ang sabi ng tiyuhin niyang si Abu Lahab: “Sumaiyo


ang kasawian; ito ba ang dahilan ng pagtipon mo sa amin?” Si





48


Abú Lahab ay isa sa kanyang mga tiyuhin. Ito at ang maybahay


nito ay kabilang sa mga taong may matinding pagkapoot sa


Sugo (SAS).


Dahil doon, ibinaba ni Allah sa Sugo Niya (SAS) ang sabi


Niya: “Napahamak ang dalawang kamay ni Abú Lahab at


napahamak siya! Walang magagawa para sa kanya ang


kayamanan niya at ang anumang nakamit niya. Papasok siya


sa Apoy na may liyab. At ang may-bahay niya, ang


tagapasan ng panggatong, sa leeg nito ay may tali mula sa


linubid na himaymay.”(111:1-5).


Nagpatuloy ang Sugo (SAS) sa pag-aanyaya sa kanila sa


Islam. Sinasabi niya sa kanila: “Sabihin ninyo na walang Diyos


kundi si Allah, magiging matagumpay kayo.” Sinabi naman


nila: “Ginawa ba Niya ang mga diyos na isang diyos? Tunay na


ito ay isang kataka-takang bagay.”


Ibinaba mula kay Allah ang mga kapahayagan na nag-aanyaya


sa kanila sa patnubay at nagbibigay-babala sa kanila sa


pagkaligaw na siyang kalagayan nila. Ilan sa mga ito ay ang sabi


ni Allah: “Sabihin mo: “Tunay na kayo ba ay talagang


tumatangging sumampalataya sa lumikha sa lupa sa loob ng


dalawang araw at gumagawa pa kayo sa Kanya ng mga


kaagaw? Iyan ay ang Panginoon ng mga nilalang. Naglagay


Siya dito sa lupa ng mga matatatag na mga bundok sa


ibabaw nito, nagbiyaya Siya rito at sinukat Niya rito ang


mga pagkain ng mga naninirahan dito, sa loob ng apat na


araw na magkapantay para sa mga nagtatanong.


Pagkatapos ay bumaling Siya sa langit nang ito ay usok pa


at Sinabi Niya rito at sa lupa: “Pumarito kayong dalawa,


nang may pagtalima o pagtanggi. Nagsabi ang dalawa:


“Pupunta kami na tumatalima.” Tinapos Niya sila bilang


pitong langit sa loob ng dalawang araw. Ginawa Niya sa





49


bawat langit ang kapakanan nito. Nilagyan Niya ang


pinakamababang langit ng mga ilaw bilang gayak at


tagapangalaga. Iyan ay ang pagtatakda ng


Makapangyarihan, Maalam. Kaya kung aayaw sila ay


sabihin mo: “Binantaan ko na kayo ng kidlat at kulog na


tulad ng kidlat at kulog na dumapo sa lipi ng ‘ ءd at


Thamúd.””(41:9-13).


Subalit ang mga kapahayagang ito at ang pag-aanyayang iyon


ay walang naidagdag sa kanila kundi kapalaluan at


pagmamatigas na tanggapin ang katotohanan. Hindi lamang, iyon


nagsimula pa silang naging matindi sa pagpapasakit sa mga


pumasok sa Islam, lalo na sa mga mahihina sa mga ito na


walang mga magtatanggol. Nilagyan nila ang dibdib ng isa sa


mga ito ng isang malaking bato at hinihila ito sa mga lansangan


sa gitna na matinding init. Pinagsasabihan nila ang mga ito na


tumangging sumampalataya sa relihiyon ni Muhammad o


masiyahan sa parusang ito. Namatay ang iba dahil sa tindi ng


pahirap.


Samantala, ang Sugo ni Allah (SAS) naman ay nasa ilalim


ng pangangalaga ng kanyang tiyuhing si Abu Talib na


nagmamahal sa kanya at nagmamalasakit sa kanya. Kabilang si


Abú Tálib sa mga malalaking tao sa lipi ng Quraysh, dangan nga


lamang at hindi siya pumasok sa Islam.


Tinangka ng mga Quraysh na suhulan ang Sugo (SAS)


upang itigil niya ang pangngaral niya. Inalok nila siya ng mga


kayamanan, na maging hari nila at iba pang mga pang-akit sa


kondisyong ititigil niya ang pag-aanyaya niya sa bagong


relihiyong ito na nakasasama sa mga diyos nila na pinakababanal


nila at sinasamba nila bukod pa kay Allah. Ang paninindigan ng


Sugo (SAS) ay matigas at walang pag-aalinlangan sapagkat ito


ay pananampalatayang ipinag-utos sa kanya ni Allah na iparating





50


sa mga tao. Kung sakaling tatalikdan niya ang kautusang ito, tiyak


na siya ay parurusahan ni Allah. Sinabi niya sa kanila: “Ang


ninanais ko sa inyo ay ang kabutihan sapagkat kayo ay aking


mga kaangkan at mga kalipi. Sumpa man kay Allah, kung


sakaling ako man ay magsisinungaling sa lahat ng tao, hindi


ako magsisinungaling sa inyo; at kung dadayain ko man ang lahat


ng tao, hindi ko kayo dadayain.”


Nang walang napala ang mga pag-aalok na itigil ng


pangangaral, lalong tumindi ang pang-aaway ng mga Quraysh


sa Sugo (SAS) at sa mga tagasunod niya. Hiniling ng mga


Quraysh kay Abú Tálib na isuko sa kanila si Muhammad (SAS)


upang kanila siyang patayin at bibigyan naman nila ito ng


anumang naisin nito, o patigilin nito ang Propeta (SAS) sa


pagpapalaganap ng relihiyon niya sa mga Quraysh. Hiniling sa


kanya ng tiyuhin niya na huminto na siya sa pag-aanaya sa


relihiyong ito. Tumulo ang luha ng Sugo (SAS) at nagsabi: “Tiyong,


sumpa man kay Allah, kahit ilagay pa man nila ang araw sa


kanang kamay ko at ang buwan sa kaliwang kamay ko para iwan


ko lamang ang relihiyong ito, hindi ko ito iiwan hanggan sa


panagumpayin ito ni Allah o mamatay ako alang-alang dito.”


Kaya nagsabi ang tiyuhin niya sa kanya: “Magpatuloy ka;


sabihin mo ang nais mo; sumpa man kay Allah, hindi ka nila


magagawan ng anumang masama hanggang hindi ako


napapatay dahil sa iyo.”


Nang naghihingalo na si Abú Tálib, at nasa tabi niya ang


ilang malaking tao sa mga Quraysh, pinuntahan siya ng Sugo


(SAS) upang magsumamo rito na pumasok sa Islam. Nagsabi


siya rito: “Tiyong, sabihin mo ang pangungusap na


maipagtanggol kita kay Allah sa pamamagitan niyon; sabihin


mo, walang Diyos kundi si Allah.”





51


Pinagsabihan si Abú Tálib ng mga malaking tao ng


Quraysh: “Inaayawan mo na ba ang relihyon ni Abdulmut talib?


Aayawan mo na ba ang relihiyon ng mga magulang at mga


ninuno?”


Naging mabigat kay Abu Talib na iwan ang relihiyon ng


mga ninuno niya at pumasok sa Islam, kaya namatay siya na


Mushrik (sumasamba sa iba pang diyos bukod pa kay Allah).


Labis-labis na ikinalungkot ng Sugo (SAS) ang pagyao ng


tiyuhin niya samantalang nanatili ito sa shirk. Kaya si Allah ay


nagssabi sa kanya: “Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay


sa minamahal mo, subalit si Allah ay pumapatnubay sa


sinumang loloobin Niya. Siya ay ang higit na nakaaalam sa


mga napapatnubayan.”(28:56).


Dumanas ng pamiminsala ang Propeta (SAS) pagkamatay


ng kanyang tiyuhing si Abú Tálib. Halimbawa, kumukuha sila


ng mga dumi ng mga hayop at inilalagay nila ito sa likod niya


habang siya ay nagdarasal sa tabi ng Ka‘bah.


Pumunta ang Propeta (SAS) sa lunsod ng Tá’if upang


anyayahan ang mga naninirahan doon sa Islam. (Ang Tá’if ay


isang lunsod na mga 70 kilometro mula sa Makkah.) Ngunit


hinarap nila ang kanyang paanyaya nang higit na matindi pa sa


ginawa ng mga taga-Makkah. Inuto nila ang mga bata sa


kanila na batuhin ang Propeta (SAS). Itinaboy nila siya sa


Tá’if. Sinundan nila siya habang siya ay hina-hagisan ng bato


hanggang sa mapadugo nila ang dalawang sakong niya. Kaya


dumulog ang Propeta (SAS) sa kanyang Panginoon at


nanalangin sa Kanya at nagpasaklolo sa Kanya. Ipinadala Nito


sa kanya ang isang anghel at sinabi nito sa kanya: “Narinig ng


iyong Panginoon ang sinabi ng mga kababayan mo sa iyo; kung


nanaisin mo ay iipitin ko sila ng Akhshabán.” (Ang Akhshrban


ay dalawang malaking bundok na nakapaligid sa Makkah.)





52


“Aba’y huwag, bagkus umaasa akong magpapaluwal si


Allah mula sa kanila mga supling na sasamba sa Kanya lamang


at hindi magtatambal ng anuman sa Kanya.” sabi ng Sugo


(SAS).


Nagbalik ang Sugo (SAS) sa Makkah. Nagpatuloy ang


pang-aaway at ang masamang pakikiharap ng kanyang mga


kababayan sa bawat naniwala sa kanya.


May dumating sa Sugo (SAS) na isang pangkat ng mga


taga- Yathrib na hindi naglaon ay pinangalanang Madínah an-


Nabí (ang lungsod ng Prpeta). Inanyayahan niya sila sa Islam


at nagsiyakap naman sila sa Islam. Kaya pag-uwi nila ay


ipinadala niya kasama nila ang isa sa kanyang mga kasamahan,


na ang pangalan ay Mus‘ab Ibnu ‘Umayr, upang siyang magturo


sa kanila ng mga katuruan ng Islam. Sa pamamagitan ni Mus‘ab


ay maraming mga taga-Madínah ang pumasok sa Islam.


Nang sumunod na taon ay pumunta sa Propeta (SAS) ang


mga bagong Muslim upang manumpa ng katapatan sa kanya sa


pagyakap nila sa Islam. Inutusan niya ang pinag-uusig niyang


mga kasamahan na lumikas sa Madínah. Kaya may mga pangkat


at mga mga tao na nagsilikas doon. (Tinagurian silang mga


Muhájir, o mga nagsilikas o mga nandayuhan.) Malugod at


magiliw silang tinanggap ng mga taga-Madínah, pinatuloy sila


sa mga tahanan ng mga ito at hinatian sila ng mga ari-arian ng


mga ito at mga bahay ng mga ito. Pagkatapos niyon ay tinawag


ang mga taga-Madínah na Ansár, mga tumulong.


Nang nalaman ng mga Quraysh ang paglikas na ito,


nagpasya silang patayin ang Propeta (SAS). Nagpasya silang


kubkubin ang bahay niya na tinutulugan niya. Kapag sakaling


lumabas siya, sabay-sabay nila siyang tatagain na animo’y isang


tao ang tumaga. Ngunit iniligtas siya ni Allah sa kanila.


Lumabas siya at dumaan sa kanila nang hindi nila





53


namamalayan. Sumunod sa kanya si Abú Bakr at inutusan niya


naman si ‘Alí na manatili sa Makkah upang isauli ang mga


mahahalagang bagay na inilagak sa mga may-ari nito.


Habang siya ay nasa daan, naglaan ang mga Quraysh ng


malaking pabuya sa sinumang makadadakip kay Muhammad


(SAS) buhay man o patay. Subalit iniligtas siya ni Allah sa


kanila at siya at ang kanyang kasama ay nakarating nang ligtas


sa Madínah.


Pagdating ng Sugo ni Allah (SAS) doon ay masaya at


malugod siyang sinalubong ng mga taga-Madínah. Labis-labis


ang kanilang kasiyahan. Nagsilabasan sila sa mga tahanan nila


upang salubungin siya. Sinasabi nila: “Dumating ang Sugo ni


Allah, dumating ang Sugo ni Allah.”


Nanirahan ang Sugo (SAS) sa Madínah. Una niyang ginawa


roon ang pagpapatayo ng masjid upang may mapagdausan ng


mga dasal. Sinimulan niyang itinuro sa mga tao ang mga


alituntunin ng Islam, ipabigkas sa kanila ang Qur’an at hubugin


sa mga magandang asal. Pinagtitipunan siya ng mga Kasamahan


niya upang matutuhan nila mula sa kanya ang patnubay at sa


pamamagitan nito ay mapadalisay nila ang mga kaluluwa nila,


bumuti ang mga kaasalan nila, lumalim ang pagmamahal nila sa


Sugo (SAS), maimpluwensiyahan ng mga matayog na


katangian niya, lumakas ang bigkis ng pagkakapatiran nila na


nakabatay sa pananampalataya.


Ang Madínah ay naging isang huwarang lunsod na


pinaghaharian ng ligaya at kapatiran: sa mga naninirahan dito ay


walang ipinagkaiba ang mayaman sa mahirap, ang puti sa itim,


ang Arabe sa di-Arabe. Walang pagtatangi-tangi sa kanila kundi


sa pananampalataya at takot kay Allah. Mula sa mga itinanging


ito lumitaw ang pinakamainam na salin-lahing nalaman ng


kasaysayan.





54


Pagkalipas ng isang taong matapos lumikas ang Sugo


(SAS) nagsimulang magkaroon ng mga alitan at mga labanan ang


Sugo (SAS) at ang mga Kasamahan niya laban sa lipi ng Quraysh


at mga tumulad mga ito sa pakipag-away sa Islam.


Naganap ang unang labanan nila—ang malaking labanan sa


Badr —sa isang lambak sa pagitan ng Makkah at Madínah.


Inalalayan ni Allah ang mga Muslim na binubuo ng 314


mandirigma laban sa mga Quraysh na binubuo ng 1,000


mandirigma. Matagumpay na nanalo ang mga Muslim.


Namatayan ang mga Quraysh ng 70; ang karamihan ay ang mga


malaking tao sa kanila at mga pinuno, nabihag ang 70, at ang


mga nalalabi ay nagtakbuhan.


Dumating ang iba pang mga labanan na namagitan sa Sugo


(SAS) at mga Quraysh. Sa huling labanan (walong taon


matapos lisanin niya ang Makkah) ay nagawa ng Sugo (SAS) na


magdala sa Makkah ng isang hukbo ng mga Muslim na binubuo


ng 10,000 mandirigma na nagsipasok sa Islam. Pumunta sila


roon upang lusubin ang mga Quraysh sa mismong tirahan ng mga


ito at pasukin ito nang sapilitan. Nanaig siya nang lubusan sa


mga Quraysh. Nagapi ang lipi niya na nagnais na pumatay sa


kanya, nagpahirap sa mga Kasamahan niya, at sumagabal sa


relihiyong dinala niya mula kay Allah.


Matapos ang bantog na pananaig na iyon ay tinipon niya ang


mga Quraysh at sinabi niya sa kanila: “Kalipunan ng mga


Quraysh, ano ang inaakala ninyong gagawin ko sa inyo?”


“Kung ano ang mabuti, kapatid na marangal na anak ng


kapatid na marangal,” sabi ng mga Quraysh. “Humayo kayo; kayo


ay malaya na,” sabi niya. Pinagpaumanhinan niya sila at hinayaan


silang maging malaya sa pagyakap sa pananampalatayang Islam.


Ito ang dahilan kung kaya pulu-pulutong na nagsipasok ang mga


tao sa Islam. Ang buong Arabia ay yumakap sa Islam.





55


Hindi nagtagal at nagsagawa ng hajj ang Sugo (SAS).


Kasama niyang nagsagawa ng hajj ang mga 114,000 na mga


bagong pasok sa pananampalatayang Islam. At sa araw ng


pinakadakilang araw ng hajj (araw ng ‘ حdul Ad'há) ay tumayo


siya upang magtalumpati sa gitna. Ipanaliwanag niya sa kanila


ang mga alituntunin ng Islam at mga patakaran ng Islam.


Pagkatapos niyon ay sinabi niya sa kanila:


“Baka hindi ko na kayo makatagpo pagkatapos ng taong ito


kaya maanong iparating ito ng naririto sa wala rito.”


Tumingin siya sa kanila at nagsabi: “Hindi ba’t naiparating ko


na?”


“Opo,” sabi ng mga tao.


Kaya ang sabi niya naman: “O Allah, sumaksi Ka po. Hindi


nga ba’t naiparating ko na?”


“Opo,” sabi ng mga tao.


“O Allah, sumaksi Ka po.”


Pagkatapos ng hajj ay nagbalik ang Sugo (SAS) sa


Madínah. Isang araw ay nagtalumpati siya sa mga tao. Sinabi


niya sa kanila na may isang taong pinapili ni Allah na manatili sa


mundo o makapiling si Allah. Pinili ng taong ito ang


makapiling si Allah. Umiyak ang mga Kasamahan niya dahil


nalaman nilang ang tinutukoy niya ay ang sarili niya at


nalalapit na niyang iwan ang buhay sa mundong ito. Araw ng


Lunes, ika-12 araw ng ikaapat na buwan sa kalendaryo ng Islam,


ika-11 taon magmula ng lumikas nang lumala ang sakit ng Sugo


(SAS) at nagsimula ang kanyang paghihingalo. Namamaalam


niyang tiningnan ang mga Kasamahan niya at pinagbilinan niya


sila na panatilihin ang pagdarasal. Isinuko niya ang kanyang


marangal na kaluluwa at lumipat na sa Kataas-taasang Kasama.


Nagitla ang mga Kasamahan ng Propeta (SAS)—kalugdan sila


ni Allah—sa pagkamatay niya at labis-labis na lungkot at





56


dalamhati ang dumapo sa kanila. Labis silang natangay ng


pangyayari. Kaya dala ng sindak na dulot ng pagkabigla ang


isa sa kanila, si Umar Ibnu al-Khatab (RA),11 ay tumayo na


hugot ang tabak nito at nagsabi: “Wala akong isang maririnig


na magsasabing namatay na ang Sugo na hindi ko tatagain ang


kanyang leeg.


Dahil doon ay nagsalita si Abú Bakr (RA) upang


paalalahanan ito tungkol sa sinabi ni Allah: “Si Muhammad


ay isang Sugo lamang. Nagdaan na noong wala pa siya ang


mga sugo. Kaya kung namatay siya o napatay siya,


manunubalik ba kayo sa mga pinanggalingan ninyo? Ang


sinumang manunumbalik sa pinanggalingan niya ay hindi


niya mapipinsala si Allah ng anuman. Gagantihan Allah


ang mga nagpapasalamat.” (3:144). Nang marinig ni Umar


ang talatang ito ay hinimatay ito.


Ito si Muhammad, ang Sugo ni Allah at ang kahuli-hulihan


sa mga propeta at mga isinugo. Ipinadala siya ni Allah sa lahat


ng tao bilang tagapaghatid ng magandang balita at


tagapagbabala. Naihatid niya ang mensahe, nagampanan ang


tungkulin at napag-payuhan niya ang sambayanang Muslim.


Inalalayan siya ni Allah sa pamamagitan ng Banal na Qur’an,


ang Salita ni Allah na ibinaba mula sa langit na: “Hindi


nakararating dito ang kabulaanan sa nakaraan ni sa


hinaharap. Ito ay isang pagbaba mula sa Marunong,


Kapuri-puri.”(41:42). Kung magtipon man ang mga tao


magmula sa simula ng mundo hanggang sa wakas nito upang


gumawa ng tulad ng Qur’an hindi sila makagagawa ng tulad nito


11 RadiyAllahu ‘Anhu o ‘Anhá para sa babae: Kalugdan siya ni Allah. Sinasambit


ito tuwing nababanggit ang pangalan o katawagan ng isang kasamahan ng Sugo


(SAS).





57


kahit pa magtulong-tulong sila. Nagsabi si Allah: “O mga tao,


sambahin ninyo ang Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at


sa mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay mangingilag


magkasala, na siyang gumawa para sa inyo ng lupa bilang


pahingahan at ng langit bilang silungan at nagpababa mula


sa langit ng tubig at pinalabas Niya sa pama-magitan nito


ang mga bunga bilang panustos sa inyo. Kaya huwag


kayong gumawa kay Allah ng mga kaagaw samantalang


kayo ay nakaaalam. Kung kayo ay nasa pag-aalinlangan


sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin ay magbigay kayo ng


isang súrah na tulad niyon at tawagin pa ninyo ang mga


saksi ninyo bukod pa kay Allah kung kayo ay mga nagsasabi


ng totoo. Ngunit kung hindi ninyo magawa, at hindi ninyo


magagawa, ay pangi-lagan ninyo ang Apoy na ang


panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na


inihanda para sa mga tumatangging sumam-palataya.


Iparating mo ang nakalulugod na balita sa mga sumasampalataya


at gumagawa ng mga matutuwid, na


magkakamit sila ng mga Hardin na dumadaloy mula sa


ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila


roon ng mga bunga bilang panustos, magsasabi sila: “Ito


rin ang itinustos sa amin noon.” Bibigyan sila ng


nakawawangis. Magkakaroon sila roon ng mga asawang


dinalisay at doon sila mananatili.”(2:21-25).


Ang Qur’an na ito ay binubuo ng 114 súrah (kabanata) at higit


sa 6,000 áyah (talata). Hinahamon ni Allah ang sangkatauhan sa


mga nagdaang panahon na magbigay ng isang súrah na katulad ng


sa mga súrah ng Qur’an. Ang pinakamaikling súrah sa Qur’an ay


binubuo ng tatlong áyah lamang. Kung magagawa nila iyon,


malalaman nilang ang Qur’an na ito ay hindi buhat kay Allah.


Ito ang pinakadakila sa mga himalang itinulong ni Allah sa


Kanyang Sugo (SAS).





58


Ilan sa mga Himalang Itinulong ni Allah


sa Sugo (SAS)


1. Dumalangin siya kay Allah at inilagay niya ang kamay niya


sa lalagyan ng inumin. Lumabas ang tubig sa pagitan ng mga


daliri niya at ang buong hukbo na binubuo ng isanlibo ay


nakainom mula sa tubig na ito.


2. Nanalangin siya kay Allah at inilagay niya ang kanyang


kamay sa pagkain. Dumami ang pagkain sa plato hanggang sa


makakain mula rito ang 1,500 kasamahan niya.


3. Itinaas niya ang mga kamay niya sa langit habang


nananalangin kay Allah na magpabuhos ng ulan. Hindi pa


niya naiwan ang kinalalagyan niya at nagsitulo ang mga


patak ng tubig mula sa mukha niya sanhi ng ulan.


Marami pa ang ibang mga himala


Inalalayan siya ni Allah sa pamamagitan ng pangangalaga


sa kanya. Walang isang nakalapit sa kanya na nagnanais na


pumatay sa kanya o pumatay sa liwanag na kanyang dinala


mula kay Allah. Sinabi ni Allah: “O Sugo, iparating mo ang


ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo; at kung hindi mo


ginawa ay hindi mo maipa-rarating ang pasugo Niya. Si


Allah ay mangangalaga sa iyo sa mga tao.”(5:67).


Ang Sugo ni Allah, kalakip ng pag-aalalay ni Allah sa kanya,


ay isang ulirang halimbawa sa lahat ng mga gawain niya at mga


salita niya. Siya ang unang tagapagpatupad sa mga kautusang


ibinaba sa kanya mula kay Allah. Sa lahat ng tao ay siya ang


pinakamasigasig sa paggawa ng mga pagsamba at


pinakamasunurin. Siya ang pinaka-mapagbigay sa mga tao.


Walang anumang kayamanang natitira sa kamay niya na hindi


niya ginugol alang-alang kay Allah para sa mga dukha, mga


maralita at mga nangangailangan. Pati ang dapat niyang ipamana





59


ay ipinamigay pa niya. Sinabi niya: “Kaming mga Propeta ay hindi


nagpapamana; ang anumang naiwan namin ay kawanggawa.”


Tungkol naman sa kaasalan niya, walang isa mang


makatutulad dito. Wala siyang nakasama na hindi siya minahal


mula sa kaibuturan ng puso nito anupa’t ang Sugo (SAS) ay


naging higit na mahal para rito kaysa sa anak nito, mga


magulang nito at pati na sa lahat ng tao. Sinasabi ni Anas Ibnu


Malik, ang utusan ng Sugo ni Allah (SAS): “Walang palad akong


nahawakan na higit na mabuti, higit na malambot at higit na


mabango kaysa sa kamay ng Sugo ni Allah (SAS). Napaglingkuran


ko siya ng sampung taon, ngunit wala siyang nasabi


sa akin sa anumang nagawa ko, ‘Bakit mo ito ginawa’ at sa


anumang hindi ko nagawa, ‘Bakit hindi mo ito nagawa.’ ”


Iyan si Muhammad, ang Sugo ni Allah. Itinaas ni Allah ang


repu-tasyon niya at iniangat ang katanyagan niya sa lahat ng


nilalang. Walang taong nababanggit sa sandaigdigan ngayon at


kahapon gaya ng pagbanggit sa kanya. Sapagkat sa loob ng apat


na libo’t apat na raang taon na, milyon-milyong mga tore sa


lahat ng dako ng mundo ang umaawit limang beses araw-araw


ng: “Sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah.” Daandaang


milyong mga nagdarasal ang kung ilang beses na puulit-ulit


na binabanggit sa mga dasal nila araw-araw ang: “Sumasaksi ako


na si Muhammad ay Sugo ni Allah.”


Ang mga Mararangal na Sahábah


Binalikat ng mga mararangal na Sahábah (mga Kasamahan


ng Propeta (SAS)) ang pag-aanyaya sa Islam matapos na yumao


ang Sugo (SAS). Dinala nila ito sa silangan at kanluran ng


daigdig. Sila ang tunay na pinakamainam na mga tagapag-anyaya


sa Islam. Sa lahat ng tao ay sila ang pinakatapat ang pananalita, ang


pinakamakatarungan, ang pinakamapagkakatiwalaan at ang





60


pinakamasidhi ang hangaring mapatnubayan ang mga tao at


mapalaganap ang kabutihan sa gitna ng mga tao.


Tinularan nila ang mga kaasalan ng mga propeta at ginaya


nila ang mga katangian ng mga ito. Ang mga kaasalang ito ay


may hayagang impluwensiya sa pagtanggap sa


pananampalatayang ito ng maraming lahi sa daigdig kaya


sunod-sunod silang nagsipasok nang pulu-pulutong sa Relihiyon


mula kay Allah mula sa kanlurang Aprika hanggang sa silangang


Asya hanggang sa gitnang Europa. Pumasok sila dahil naibigan


nila ang pananampalatayang ito—hindi dahil sa pamumuwersa


o pamimilit.


Silang mga Sahabah ng Sugo ni Allah (SAS) ang


pinakamainam sa mga tao matapos ang mga propeta. Ang


pinakatanyag sa kanila ay ang apat na Khalífah (kahalili) na


napatnubayan na namuno sa Estado ng Islam matapos yumao


ang Sugo (SAS). Sila ay sina:


1. Abú Bakr as-Siddíq


2. ‘Umar Ibnu al-Khattáb


3. Uthman Ibnu Affán


4. Alí Ibnu Abí Tálib


Nakadarama ang mga Muslim ng lahat ng pagkilala ng utang


ng loob at pagpipitagan sa kanila. Itinuturing nilang


ikapagpapalapit kay Allah ang pagmamahal sa Sugo Niya (SAS)


at ang pagmamahal sa mga kasamahan ng Kanyang Sugo


(SAS), lalaki man o babae. Nagpipitagan at gumagalang sila


sa mga ito at inilalagay sila sa karapat-dapat nilang kalagyan.


Walang nasusuklam sa mga ito at walang naninirang-puri sa


mga ito kundi ang isang tumatangging sumampalataya sa


relihiyong Islam, kahit pa man mag-angkin ang taong ito na


siya ay isang Muslim.





61


Ang mga Saligan ng Islam


1. Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at si


Muhammad ay Sugo ni Allah. Ito ang unang


pangungusap na kailangang sabihin ng pumapasok sa


relihiyong Islam. Sasabihin niya: ash'hadu allá iláha


illalláh wa ash'hadu anna muhammadar rasúlulláh


(Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at


sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah).


Sasabihin ito kalakip ang paniniwala sa lahat ng kahulugan


nito, gaya ng nabanggit na.


Maniniwala siya na si Allah ang Isa at Nag-iisang Diyos


na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at walang anumang


tulad sa Kanya, na Siya ang Tagapaglikha at ang anumang


iba pa sa Kanya ay nilikha, na Siya lamang ang Diyos na


karapat-dapat sa pagsamba. Samakatuwid, walang Diyos


kundi Siya at walang Panginoon bukod pa sa Kanya.


Maniniwala siya na si Muhammad ay lingkod ni Allah at Sugo


Niya na pinadalhan ng kapahayagan mula sa langit na


nagpaparating sa ipinag-uutos at ipinagbabawal ni Allah.


Kailangang paniwalaan siya sa ipinabatid niya, sundin siya


sa ipinag-utos niya at iwasan ang ipinagbawal niya.


2. Ang pagsasagawa ng saláh. Ito ay binubuo ng limang


dasal (saláh sa wikang Arabe) sa isang araw. Nakikita sa


pagdarasal ang mga pagtatanghal ng pagpapaalipin at


pagsunod kay Allah. Ang tao ay tumatayo nang may


pagpapakumbaba habang bini-bigkas ang mga talata ng


Qur’an at habang kanyang dinadakila si Allah ng sari-sari


mga katagang ginagamit sa pag-aalaala at pagpupuri sa


Kanya. Yumuyukod siya para sa Kanya at nagpa-patirapa


siya sa Kanya. Kinakausap niya Ito, dumadalangin siya Rito


at humihingi siya sa Kanya mula sa dakilang biyaya Niya.





62


Samakatuwid, ang dasal ay isang tagapag-ugnay sa tao


at Panginoon niya na lumikha sa kanya na nakaaalam sa


inililihim niya at inihahayag niya, at sa ginagawa niyang


pagkilos kasama ng mga nagpapatirapa sa dasal. Ang


pagdarasal ang dahilan kung kaya minamahal ni Allan ang


isang tao, kung kaya inilalapit Niya ito sa Kanya, at kung


kaya nalulugod Siya rito. Ang sinumang huminto sa


pagsasagawa nito dahil sa pagtangging magpaalipin kay


Allah, magagalit sa kanya si Allah, isusumpa Niya siya, at


itiniwalag na niya ang sarili nila sa pananampalatayang


Islam.


3. Ang pagbibigay ng zakáh. Ang zakáh ay isang takdang


bahagi mula sa takdang uri ng ari-arian na itinakda ni Allah


na ikaltas sa mga mayaman upang ibigay sa karapat-dapat na


mga maralita at mga dukha na kasapi ng lipunan upang


maibsan ang kasalatan nila at mapunan ang pangangailangan


nila. Ang takdang bahagi nito ay dalawa’t kalahating


porsiyento (2½%) ng salaping naipon na ipamamahagi taontaon


sa mga karapatang tumanggap.


Ang saligang ito ay isang dahilan ng paglalaganap ng


pagka-kabuklod-buklod sa lipunan sa pagitan ng mga


indibiduwal ng lipunan kalakip na rito ang paglago ng


pagmamahalan, pagka-kapalagayan ng loob, pagtutulungan


nila, at pagkaalis ng mga pagkamuhi at mga hinanakit ng


mga uring maralita sa mga uring mayayaman at mga


nakaririwasa.


4. Ang pag-aayuno sa Ramadan. Ang pag-aayuno (sawm o


siyam sa wikang Arabe) ay ang paghinto sa pagkain, paginom


at paki-kipagtalik, sa layuning gagawin itong isang


pagsamba kay Allah, magmula sa pagsapit ng madaling-araw


hanggang sa paglubog ng araw.





63


Ang buwan ng Ramadan, ang panahon na kailangang


mag-ayuno, ay ang ikasiyam na buwan ng Islam. Sa buwan


ding ito nagsimula ang pagpapahayag ng Qur’an sa Sugo


(SAS). Sinabi ni Allah: “Ang buwan ng Ramadán ay ang


buwan na ibinaba roon ang Qur’an bilang patnubay


para sa mga tao, bilang mga malinaw na katunayan


mula sa Patnubay at Batayan. Kaya ang sinumang sa


inyo ay nananahan na nakasaksi sa buwan na ito ay


pag-ayunuhan niya ito,” (2:185).


Ilan sa mga malaking kabutihang naidudulot ng pagaayuno


ay ang pagsasanay na magtimpi at magtiis at ang


pagpapalakas sa angking takot kay Allah at pananampalataya


na nasa puso. Iyan ay sapagkat ang pag-aayuno ay isang lihim


sa pagitan ng tao at ni Allah. Magagawa ng isang tao—kapag


siya ay nag-iisa sa isang lugar—, na kumain at umiinom at


walang isa mang makaaalam sa paghinto niya sa kanyang


pag-aayuno. Kung mag-aayuno siya bilang pagsamba kay


Allah habang nababatid niyang walang nakakikita sa kanya


sa pagsamba niya kay Allah, ang gayon ay magiging dahilan


ng paglago ng pananampaltaya niya at takot sa Kanya. Dahil


doon, ang gantimpala sa mga nag-aayuno ay malaki mula kay


Allah. Hindi lamang iyon—sa Paraiso, ang mga nag-aayuno


ay may pintong laan lamang sa kanila.


5. Ang ang Pagsasagawa ng Hajj. Tungkulin ng isang Muslim


na magsagawa ng hajj isang beses sa tanang buhay. Kung


humigit pa roon ang isinagawa niya, iyon ay isang


pagkukusang-loob na. Sinabi ni Allah: “Kay Allah ay may


tungkulin ang mga tao na magsagawa ng Hajj sa Bahay:


ang sinumang makakayang makarating doon.”(3:97).


Maglalakbay ang isang Muslim sa mga pook na


pagdadausan ng seremonya ng hajj sa Makkah sa buwan ng





64


hajj na siyang huling buwan sa kalendaryo ng Islam. Bago


pumasok sa Makkah ay huhubarin ng isang Muslim ang


kanyang mga kasuutan at magsusuot ng kasuutan ng ihrám


na binubuo ng dalawang pirasong puting tela (para sa


lalaki).


Pagkatapos ay isasagawa ang iba’t ibang gawain ng hajj


gaya ng paglibot sa Ka‘bah, pagtakbo sa pagitan ng Safá at


Marwah, pananatili sa ‘Arafah, pagpapagabi sa Muzdalifah


at iba pang gawaing babanggitin natin nang detalyado sa


ikalawang bahagi ng aklat na ito—kung nanaisin ni Allah.


Ang hajj ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Muslim


sa balat ng lupa. Sa pagtitipong ito ay naghahari sa kanila ang


pag-kakapatiran, ang pagmamahalan at ang pagpapayuhan.


Ang kasuutan nila ay isa at ang pamamaraan nila ng


pagsasagawa ng hajj ay iisa. Walang kalamangan ang isa sa


kanila sa iba kundi sa laki ng pangingilag sa pagkakasala kay


Allah. Ang gantimpala ng pagsasagawa ng hajj ay malaki.


Nagsabi ang Propeta (SAS): “Ang sinumang nagsagawa ng


hajj, hindi nakipagtalik at hindi gumawa ng kasalanan,


lalabas siya mula sa mga pagkakasala niya gaya noong


araw na ipinanganak siya ng ina.”


Ang mga Saligan ng Pananampalataya


Hindi magiging wasto ang pagka-Muslim ng isang Muslim


kung hindi siya sa sasampalataya sa sumusunod na tinatawag na


Anim na Saligan ng Pananampalataya. Siya ay


mananampalataya:


1. Kay Allah,


2. Sa mga Anghel,


3. Sa mga Kasulatan,





65


4. Sa mga Sugo,


5. Sa Huling Araw,


6. Sa Pagtatadhana at Pagtatakda ng kapalaran—ang


mabuti rito at masama rito.


Tatalakayin ang detalye ng anim na saligang ito sa


ikalawang bahagi ng aklat na ito—kung nanaisin ni Allah.


Ang mga Katuruan ng Islam


at ang mga Kaasalan Nito


Ang mga Ipinag-uutos


Heto ang ilan sa mga kaasalang itinuturo ng Islam at mga


magan-dang pag-uugaling minimithi ng Islam na isabuhay ng


lipunang Muslim. Babanggitin natin ang ilan nang maikli.


Sisikapin nating hanguin ang mga kaasalang ito at mga


magandang pag-uugaling ito mula sa pangunahing mga batayan


ng Islam: ang Aklat ni Allah (ang Qur’an) at ang mga kawikaan


(Hadíth) ng Sugo ni Allah (SAS).


1. Ang Katapatan sa Pananalita


Inoobliga ng Islam ang mga kaanib nito na maging matapat


sa pananalita at ginawa niya ito na isang kinakailangang


katangian para sa kanila na hindi ipinahihintulot sa kanila na


talikuran sa anumang sandali. Mariing nagbabala ito sa kanila


laban sa pagsisinungaling at pinalalayo nito sila roon sa


pamamagitan ng napakariing pangu-ngusap at napakalinaw na


paglalarawan. Nagsabi si Allah: “O mga sumampalataya,


mangilag kayong magkasala kay Allah at maging kasama kayo


ng mga nagsasabi ng totoo.”(9:119). Nagsabi naman ang Sugo


ni Allah (SAS): “Tungkulin ninyo ang pagsasabi ng totoo



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG