Mga Artikulo




Ang Relihiyong Islam





دين الإسلام





Walang Diyos Kundi si Allah1


Ang Batayang Saligan ng Relihiyong Islam ay ang Pahayag


ng Tawhíd:2 Walang Diyos kundi si Allah. Kung wala ang


matigas na batayang ito, hindi tatayo ang matayog na gusali ng


Islam. Ito ang unang Pahayag na kinakailangang bigkasin ng


isang pumapasok sa Relihiyong Islam, nang may


pananampalataya rito at paniniwala sa lahat ng kahulugan nito


at mga ipinahihiwatig nito. Kaya ano ang kahulugan ng pahayag


na walang Diyos kundi si Allah? Ang pahayag na walang Diyos


kundi si Allah ay nangangahulugang:


 Walang sinasamba na karapat-dapat sa pagsamba kundi si


Allah


 Walang tagapaglikha sa sansinukob kundi si Allah


 Walang may-ari at namamahala sa sansinukob kundi si


Allah


Si Allah ang Tagapaglikha


Si Allah ang lumikha sa malawak na maganda na kahangahangang


sandaigdigan na ito. Ang langit na ito sampu ng mga


naglalakihang bituin nito at mga planeta nito ay umiinog ayon


sa isang mahusay na sistema at kagilas-gilas na pagkilos;


walang humahawak sa mga ito kundi si Allah. Ang daigdig na


ito sampu ng mga bundok nito, mga lambak nito, mga burol nito,


at mga ilog nito; sampu ng mga kahoy nito, at mga pananim


nito; sampu ng mga hangin nito, at tubig nito; sampu ng


1 Ang pansariling pangalan ng Diyos sa wikang Arabe. Ang Tagapagasalin.


2 Ang walang pag-aalinlangang paniniwala sa Kaisahan ni Allah sa


Pagkadiyos, Pagkapanginoon, at sa mga pangalan at mga katangian Niya. Ang


Tagapagsalin.


Ang Relihiyong Islam


6


kalupaan nito, at karagatan nito; sampu ng gabi nito at araw nito;


sampu ng sinumang nanirahan dito at lumakad dito ay nilikha ni


Allah lamang at pinairal Niya mula sa kawalan. Nagsabi si


Allah sa Marangal na Aklat Niya:


“Ang araw ay tumatakbo patungo sa pinagtalagaan


para rito. Iyon ang pagtatakda ng Makapangyarihan,


Maalam. Ang buwan, tinakdaan Namin ito ng mga


himpilan hanggang sa manumbalik ito na gaya ng


magulang na tangkay ng datiles. Ang araw, hindi


nararapat para rito na abutan ang buwan, at ni ang gabi


ay lalampas sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay


lumalangoy.”(36:38-40).3


“Ang Lupa, inilatag Namin ito, naglagay Kami rito ng


mga bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat marikit na


uri ng halaman bilang pagpapakita at paalaala sa bawat


lingkod na nagbabalik-loob. Nagpababa Kami mula sa


langit ng tubig na biniyayaan, at nagpatubo Kami sa


pamamagitan nito ng mga hardin at mga butil na inaani,


at mga puno ng datiles—mga nagtataasan na may mga


buwig na patung-patong,”(50:7-10).


Ito ay ang nilikha ni Allah na kapitapitagan at


kataastaasan. Ginawa Niya ang daigdig na tahanan at


nilagakan Niya ito ng katangian ng grabitasyon na may


takdang sukat na naaangkop sa pangangailangan ng buhay sa


ibabaw nito. Hindi nadadagdagan ang grabitasyon para


humirap ang paggalaw at hindi nababawasan para magliparan


ang mga nabubuhay rito. Lahat ng bagay sa Kanya ay may


takdang sukat.


3 Ang mga talata ng Qur’an o mga ulat tungkol kay Propeta Muhammad (SAS)


na sinipi rito ay salin lamang mula sa wikang Arabe, ayon sa kakayahan ng


tagapagsalin.


Ang Relihiyong Islam


7


Nagbaba Siya mula sa langit ng tubig na dalisay, na hindi


iiral ang buhay kundi dahil dito. “Ginawa Namin mula sa


tubig ang bawat bagay na buhay;”(21:30). Pinatubo Niya sa


pamamagitan ng tubig ang mga halaman at ang mga bunga, at


pinainom nito ang mga hayop at ang mga tao. Inihanda Niya ang


lupa upang mag-ingat sa tubig at pinadaloy Niya ito sa loob ng


lupa: sa mga bukal at mga ilog. Nagpatubo Siya sa


pamamagitan nito ng mga hardin na may karikitan sampu ng


mga punong-kahoy ng mga ito, mga bulaklak nito, mga rosas


nito, at kagandahan nito na nakahahalina. Si Allah mahusay sa


paglikha sa bawat bagay.


Sinimulan Niya ang paglikha sa tao mula sa putik. Ang


unang tao na nilikha ni Allah ay, si Adan (AS),4 ang ama ng


sangkatauhan. Nilikha Niya ito mula sa putik at pagkatapos ay


hinubog Niya ito, inanyuan Niya ito, at hinipan Niya ito ng


espiritu na likha Niya. Pagkatapos ay nilikha Niya mula rito


ang kabiyak nito. Pagkatapos ay ginawa Niya ang mga inapo


nito mula sa hinango mula sa isang hamak na likido. Nagsabi si


Allah:


“Talaga ngang nilikha Namin ang tao mula sa hinango


mula sa putik. Pagkatapos ay ginawa Namin siya mula sa


punlay sa tahanang ligtas. Pagkatapos ay nilkha Namin ang


ang punlay bilang isang namuong dugo, pagkadaka ay


nilikha Namin ang namuong dugo bilang isang pirasong


laman, pagkatapos ay nilikha Namin ang pirasong laman


bilang mga buto, pagkatapos ay binalot Namin ang buto ng


laman. Pagkatapos ay iniluwal Namin ito na isang


panibagong nilikha. Kaya Mapagpala si Allah, ang


pinakamahusay sa mga lumilikha.”(23:12-14).


4 ‘Alayhis Salám: Sumakanya ang Kapayapaan (o Pagbati). Sinasambit ito


kapag nababanggit ang pangalan o ang taguri ng isang anghel o ng isang propeta.


Ang Relihiyong Islam


8


“Kaya nakita ba ninyo ang punlay na inilalabas ninyo.


Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang tagapaglikha?


Kami ay nagtakda sa inyo ng kamatayan, at Kami ay hindi


mauunahan na magpalit ng mga tulad ninyo at lumalang sa


inyo sa anyo na hindi ninyo nalalaman.”(56:58-61).


Magmuni-muni ka sa pagkalikha ni Allah sa iyo, makatatagpo


ka ng kahanga-hanga mula sa mga maselang sangkap at mga


mahusay na sistema5 na wala kang nalalaman sa mga gawain ng


mga ito kundi ang kakaunti, huwag nang sabihing makokontrol


mo pa ang mga ito. Mayroon itong isang kumpletong sangkap


para sa pagtunaw ng pagkain. Nagsisimula ito sa bibig; pinuputol


ang pagkain sa maliliit na mga piraso upang mapadali ang


pagtunaw nito, pagkatapos ay dadaan sa lalagukan. Pagkatapos


niyon ay mapupunta ang isinubo sa lalamunan, pagkadaka ay


bubuksan para rito ng epiglottis, ang pinto ng esopago, at


ipipinid ito ng pinto ng trachea. Pagkatapos ay madudulas ang


isinubo papunta sa sikmura sa pamamagitan ng esopago na


kumikilos na parang mga kilos ng bulati. Sa sikmura


magpapatuloy ang gawain ng pagtunaw. Dito ay magbabagonganyo


ang pagkain upang maging isang likido na tinatawag na


chyme,6 na bubukas para rito ang bukana palabas sa sikmura at


tutungo sa duodenom7 at doon magpapatuloy ang pagsasagawa


ng pagtunaw. Ang pagtutunaw ay ang pagbabagong-anyo ng


5 Ang sangkap ay ang tinatawag na organ sa Ingles: isang bahagi ng katawan, gaya


ng puso o atay o mata, na nagsasagawa ng isang partikular na gawain. Ang


sistema o system sa Ingles ay isang pangkat ng mga organ na magkasamang


nagsasagawa ng isang gawaing mahalaga sa buhay, gaya ng sistemang panunaw


o digestive system.


6 Malalikidong materyal mula sa hindi gaanong natunaw na pagkain na


inilalabas ng bituka ng sikmura patungo sa duodenom.


7 Ang unang bahagi ng mga maliliit na bituka.


Ang Relihiyong Islam


9


hilaw na materyal —ang pagkain—upang maging isang


materyal na nababagay at naaangkop para ipakain sa mga


selyula ng katawan. Pagkatapos mula rito ay patungo sa mga


maliit na bituka, na dito malulubos ang pangwakas na mga


proseso ng pagtutunaw. Ang mga materyal na mala-puti-ngitlog


(albuminous) ay magiging mga amino acid; ang mga


materyal na mala-gawgaw (starchy) ay magiging asukal; at ang


mga materyal na malangis ay magiging mga fatty acid at


glycirine. Ang pagkain sa ganitong anyo ay magiging angkop


para masipsip [ng katawan] sa pamamagitan mga pelusa na


matatagpuan sa loob ng mga bituka upang dumaloy kasama ng


agos ng dugo.


Mayroon iyong kumpletong sistema para sa sirkulasyon ng


dugo na umaabot sa mga ugat na masalimuot—na kung


babanatin mo ay talaga namang lalampas sa libu-libong


kilometro ang haba nito na nakaugnay sa pangunahing himpilan


ng pagbobomba na tinatawag na puso, na hindi napapagod at


hindi nagsasagawa sa pagsasalin ng dugo sa pamamagitan ng


mga ugat na iyon.


Mayroong isa pang sistema na para naman sa paghinga.


Ang ikaapat na sistema ay para sa mga nerbiyo (nerve) at ang


ikalima ay para sa pagpapalabas ng mga dumi. Mayroong


ikaanim, ikapito, at ikasampung sistema, na nadaragdagan arawaraw


ang mga kaalaman natin sa mga ito, ngunit ang nakalingid


sa kaalaman natin ay higit na marami kaysa sa nalalaman natin.


Kaya sino ang lumikha sa taong ito nang ganito kagaling kundi


si Allah?


Dahil doon ang pinakamabigat na kasalanan sa sansinukob ay


na gawan mo si Allah na kaagaw gayong Siya ay lumikha sa


iyo.


Ang Relihiyong Islam


10


Magsimula ka na may nakabukas na puso at busilak na


kaluluwa at magbulay-bulay ka sa kahanga-hangang ginawa ni


Allah. Itong hangin na sinisinghot mo at nanunuot sa iyo sa


lahat ng lugar, na walang kulay na nagpapalabo sa mga


paningin, na kung sakaling mahinto ang pagdating nito sa iyo sa


loob ng iilang mga minuto ay hihiwalayan ka ng buhay. Tunay


na itong tubig na iniinom mo, iyang pagkaing kinkain mo, itong


tao na minamahal mo, itong lupa na nilalakaran mo, iyang


langit na pinagmamasdan ng lahat ng nakikita ng mga mata mo


at ng hindi nakikita ng mga ito na mga nilikha na malaki man o


maliit, lahat ng iyon ay kabilang sa nilikha ni Allah, ang


Mapaglikha at ang Maalam.


Tunay na ang pagninilay-nilay sa mga nilikha ni Allah ay


mag-papabatid sa atin sa kadakilaan ni Allah at kakayahan


Niya. Tunay na ang pinakamalaki sa mga tao sa kahangalan,


kamangmangan, at pagkaligaw ay ang sinumang nakakikita sa


pagkakalikhang ito na kahanga-hanga, dakila, nagkakatugma,


na nagpapahiwatig sa nag-niningning na karunungan at lubos na


kakayahan at pagkatapos ay hindi naniniwala sa tagapaglikha


na nagpalitaw sa mga ito mula sa wala. Nagsabi si Allah: “O


nilikha ba sila mula sa isang bagay na wala o sila ang mga


tagapaglikha? O nilikha ba nila ang mga langit at ang


lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.”(52:35-36).


Si Allah ay nakikila ng di-nasirang kalikasan ng tao nang


walang pangangailangan sa pag-aaral. Ikinintal Niya sa


pagkalikha nito ang pagbaling at ang pagdulog sa Kanya,


subalit ito ay naiiligaw at nailalayo sa Kanya. Dahil dito kapag


dinapuan ito ng isang sakuna o kasawiang-palad o matinding


krisis at mga kapighatian at nakaharap nito ang napipintong


panganib sa lupa o sa dagat, dumudulog ito kaagad kay Allah


at humihingi sa Kanya ng tulong at kaligtasan sa bumabagabag.


Ang Relihiyong Islam


11


Tinutugon ni Allah ang nagigipit kapag nanawagan sa Kanya at


inaalis Niya ang bumagabag. Ang dakilang Tagapaglikha na ito


ay higit na malaki sa anumang bagay. Bagkus hindi maihahambing


sa Kanya ang anumang bagay mula sa nilikha Niya


sapag Siya ay ang Dakila na walang hanggan sa kadakilaan


Niya at hindi Siya masasaklawan ng kaalaman ng sinuman. Siya


ang nagtataglay ng katangian ng kataasan sa mga nilikha Niya


sa ibabaw ng mga langit Niya.


Walang katulad sa Kanya na anumang bagay at Siya ay


ang Nakaririnig at ang Nakakikita sa lahat. Hindi Niya


nakawawangis ang anuman sa mga nilikha Niya. Ang anumang


sumagi sa isipan mo, si Allah ay hindi ganoon. Nakikita Niya


tayo mula sa ibabaw ng mga langit Niya samantalang tayo ay


hindi nakakikita sa Kanya. “Hindi Siya naaabot ng mga


paningin, samantalang naaabot Niya ang mga paningin. Siya


ay ang Mabait, ang Nakababatid.” (6:103). Bagkus hindi


makakaya ng mga pakiramdam natin at mga lakas natin na


makita Siya sa mundong ito. Hiniling na iyon ng isa sa mga


propeta ni Allah, si Moises (AS), noong kinausap ito ni Allah sa


bundok ng Túr. “Panginoon ko, magpakita Ka po sa akin,


titingin ako sa Iyo. Nagsabi Siya: “Hindi mo Ako


makikita, subalit tumingin ka sa bundok; kung namalagi ito


sa kinaroro-onan nito ay makikita mo Ako.” Ngunit noong


tumambad ang Panginoon niya sa bundok, ginawa Niya ito


na tibag-tibag at humandusay si Moises nang walang ulirat.


Kaya noong nagka-malay siya, nagsabi siya: “Kaluwalhatian


sa Iyo, nagsisi ako sa Iyo at ako ay ang una sa mga


mananampalataya.””(7:143). Ang malaki at matayog na bundok


ay gumuho at nadurog sa pagtambad ni Allah doon, kaya


papaanong makakaya ng tao iyon sa pamamagitan ng mahina at


kakaunting lakas nito?


Ang Relihiyong Islam


12


Kabilang sa mga katangian ni Allah ay na Siya ay nakakaya


sa lahat ng bagay. “Hindi mangyayari na si Allah ay


malulusutan ng anumang bagay sa mga langit at lupa.


Tunay na Siya ay Maalam, Nakakakaya.”(35:44). Nasa


kamay Niya ang buhay at ang kamatayan. Nangangailangan sa


Kanya ang bawat nilikha ngunit Siya ay walang pangangailangan


sa lahat ng nilikha. Nagsabi Siya: “O mga tao, kayo ay ang


mga nangangailangan kay Allah samanta-lang si Allah ay


ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.”(35:15).


Kabilang din sa mga katangian Niya ang kaalamang


sumasaklaw sa lahat ng bagay. “Taglay Niya ang mga susi


ng Nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya.


Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at nasa


karagatan. Walang nalalaglag na dahon na hindi Niya


nalalaman ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at


walang sariwa ni tuyot na hindi nasa malinaw na


aklat.”(6:59). Nalalaman Niya ang sinasalita ng mga dila natin


at ang mga ginagawa ng mga bahagi ng mga katawan natin,


bagkus pati na ang kinikimkim ng mga dibdib natin.


“Nalalaman Niya ang pagtataksil ng mga mata at ang


kinikimkim ng mga dibdib.”(40:19). Samakatuwid si Allah ay


nakamasid sa atin, naka-babatid sa mga kalagayan natin. Walang


maikukubli sa Kanya na anumang bagay sa lupa ni sa langit.


Hindi Siya nalilingat, hindi Siya nakalilimot, at hindi Siya


natutulog. Sinabi Niya: “Si Allah, walang Diyos kundi Siya,


ang Buhay, ang Tagapag-aruga. Hindi Siya natatangay ng


antok ni ng pagkatulog. Kanya ang anumang nasa mga


langit at ang anumang nasa lupa. Sino kaya ang


makapamamagitan sa Kanya nang walang kapahintulutan


Niya? Nalalaman Niya ang hinaharap nila at ang nakaraan


nila. Wala silang matatalos sa anuman mula sa kaalaman


Ang Relihiyong Islam


13


Niya maliban sa niloob Niya. Nasaklawan ng luklukan Niya


ang mga langit at ang lupa. Hindi nakabibigat sa Kanya ang


pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang


Dakila.”(2:255).


Taglay Niya ang mga katangian ng lubos na kaganapang


walang kakulangan at walang kapintasan. Taglay Niya ang mga


pangalang napakaganda at mga katangiang napakataas. Sinabi


Niya: “Taglay ni Allah ang mga pangalang napakaganda,


kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga


ito. Hayaan ninyo ang mga nagkakaila sa mga pangalan


Niya; gagantihan sila sa anu-mang kanilang gingagawa


noon.”(7:180). Si Allah ay walang katambal sa paghahari


Niya, walang kaagaw at walang katulong.


Hindi Siya nagkaroon ng asawa at anak, bagkus Siya ay


walang-pangangailangan sa lahat ng iyon. Nagsabi si Allah:


“Sabihin mo: “Siyang si Allah ay iisa. Si Allah ay ang


Dulugan. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya


ipinanganak, at walang iisa mang naging kapantay sa


kanya.””(112:1-4). Sinabi pa Niya: “Sinabi nila:


“Nagkaroon ng anak ang Madamayin.” Talaga ngang


nagsabi kayo ng isang bagay na kasuklam-suklam. Halos


ang mga langit ay magkabitak-bitak dahil doon at mabiyak


ang lupa at gumuho ang mga budok nang durog-durog, dahil


sa nag-ukol sila sa Madamayin ng anak. Hindi nararapat sa


Madamayin na magkaroon ng anak. Lahat ng nasa mga langit


at lupa ay pupunta lamang sa Madamayin bilang isang


alipin.”(19:88-93).


Siya ang nagtataglay ng ganap na mga katangian ng


karangalan, kagandahan, lakas, kadakilaan, kabunyian,


paghahari at kapangya-rihan. Siya ang nagtataglay ng mga


katangian ng pagkamapag-bigay, pagpapatawad, awa at


Ang Relihiyong Islam


14


pagkakawanggawa. Siya ang Madamayin na ang awa Niya


sumaklaw sa bawat bagay, ang Maawain na nauna ang awa Niya


kaysa galit Niya at ang Mapagbigay na walang hangganan sa


pagbibigay Niya at hindi nauubos ang kayamanan Niya.


Lahat ng mga pangalan ni Allah ay napakaganda na


nagpapahi-watig sa mga katangian ng lubos na kaganapan na


nararapat lamang na maukol sa Kanya. Ang pagkakilala sa mga


katangian ni Allah ay nagdadagdag sa puso ng pagmamahal,


paggalang, takot at pagpa-pakumbaba sa Kanya. Dahil dito,


tunay na ang kahulugan ng walang Diyos kundi si Allah ay na


hindi magbabaling ng anumang uri ng pagsamba kung hindi kay


Allah. Walang karapat-dapat sambahin kundi si Allah sapagkat


si Allah ang nagtataglay ng mga katangian ng pagkadiyos at


kaganapan. Siya rin ay ang Tagapaglikha, ang Tagapagtustos,


ang Tagapagbiyaya, ang Tagapagbigay ng buhay, ang Tagabawi


ng buhay, at ang Nagmamagandang-loon sa mga nilikha Niya.


Kaya Siya lamang ang karapat-dapat sa pagsamba—wala


Siyang katambal.


Sinumang tumanggi sa pagsamba kay Allah o sumamba sa iba


pa kay Allah ay nagtambal sa pagkadiyos Niya at tumangging


sumam-palataya sa kaisahan Niya. Samakatuwid, ang


pagpapatirapa, ang pagyukod, ang pagpapakumbaba, at


pagdarasal ay iuukol lamang kay Allah. Hindi magpapasaklolo


kung hindi kay Allah.8 Hindi mag-uukol ng panalangin kung


hindi kay Allah. Walang hihingan ng saklolo (na hindi


makakayang ibigay ng tao) kundi si Allah. Walang pag-uukulan


ng panalangin kundi si Allah, walang hihingan ng mga


pangangailangan kundi si Allah, at walang paghahandugan ng


ano mang handog, pagsunod at pagsamba kundi si Allah.


8 Hindi hihingi ng saklolo sa iba pa kay Allah kung walang makapagbibigay


ng saklolo na iyon kundi si Allah lamang.


Ang Relihiyong Islam


15


“Sabihin mo: “Tunay na ang dasal ko, ang paghahandog


ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay para kay Allah,


ang Panginoon ng mga nilalang, wala Siyang katambal. Iyon


ay ipinag-utos sa akin; at ako ay una sa mga


Muslim.””(6:162-163).


Bakit Nilikha Tayo ni Allah?


Nilikha tayo ni Allah upang sambahin Siya at upang


subukin Niya ang pananagumpay natin sa pagpapatupad sa


pagsambang ito. Sinumang sumamba kay Allah, umibig sa


Kanya, magpakumbaba sa Kanya, sumunod sa mga kautusan


Niya at umiwas sa mga ipinag-bawal Niya ay magtatamo ng


kasiyahan Niya, awa Niya at pag-ibig Niya. Gagantihan Niya ito


ng magandang ganti. Sinumang tumanggi sa pagsamba kay Allah


na lumikha sa kanya at nagtustos sa kanya, pagmalaki sa pagayaw


sa pagsamba, tumangging magpaakay sa mga kautusan


Niya at tumangging umiwas sa mga ipinagbabawal Niya, ay


magiging karapat-dapat sa galit at poot ni Allah. Masakit ang


parusa Niya.


Si Allah ay hindi lumikha sa atin nang walang kabuluhan at


hindi nagpabaya sa atin na hinahayaan. Kabilang sa


pinakamangmang sa mga tao at pinakahangal sa kanila ay ang


nag-akalang lumabas siya sa mundong ito, pinagkalooban ng


pandinig, paningin at isip, at pagkatapos ay mamumuhay sa


loob ng isang yugto ng panahon at pagkatapos ay mamatay


nang hindi niya nalalaman kung bakit siya dumating sa mundong


ito at kung saan siya pupunta pagkatapos nito. Nagsabi si Allah:


“Kaya ipinagpapalagay ba ninyo na nilikha Namin bilang


isang laro lamang, at na kayo sa Amin ay hindi


magsisibalik?”(23:115).


Ang Relihiyong Islam


16


Para sa Kanya, ang sinuman sa atin na naniniwala sa


Kanya, nananalig sa Kanya, nagpapahatol sa Kanya, umiibig


sa Kanya, nagpapakumbaba sa Kanya, nagpapakalapit sa Kanya sa


pamamagitan ng mga pagsamba, at naghahanap sa anumang


ikinasisiya Niya sa lahat ng sandali ay hindi nakakapantay ng


sinumang tumatangging sumampalataya kay Allah—na lumikha


sa kanya at nagbigay-anyo sa kanya—nagpapasinungaling sa


mga Tanda Niya, sa Relihiyon Niya, at tumatanging


magpakumbaba sa kautusan Niya. Ang una ay magtatamo ng


pagpaparangal, gantimpala, pag-ibig at pagkalugod at ang huli


ay babagsakan ng poot, galit, paghamak at pagdurusa.


Bubuhayin ni Allah ang mga tao sa mga libingan nila


matapos silang namatay. Gagantihan Niya ang nagpakabuti sa


kanila ng gin-hawa at pagpaparangal sa Paraiso ng kaginhawahan


at parurusahan naman Niya ang nagpakasama na nagmamalaki


na tumatanggi sa pagsamba sa Kanya ng pagdurusa sa Impiyerno.


Isipin mo na lamang ang laki ng pagpaparangal at gantimpala


para sa mga nagpakabuti kapag ang gantimpala at ang


pagpaparangal na ito ay mula kay Allah na mayaman na


mapagbigay na walang hanggan sa pagbibigay Niya at awa Niya


at hindi nauubos ang mga kayamanan Niya. Tunay na ang


gantimpalang ito ay magiging rurok ng kaginhawahan—hindi


magwawakas at hindi maglalaho. (Ito ang tatalakayin natin


mamaya.) Isipin mo rin ang tindi ng parusaat sakit ng pagdurusa


at ang laki ng paghamak sa isang tumangging sumampalataya


kapag mag-bubuhat ang mga ito kay Allah, ang Nanaig, ang


Makapagmamalaki ang Dakila, na walang hanggan sa pananaig


Niya at kabunyian Niya.


Ang Relihiyong Islam


17


Si Muhammad ay Sugo ni Allah


Ang pananampalataya sa pagkasugo ni Muhammad (SAS)9


ay ang ikalawang kabiyak ng pangunahing haligi sa mga haligi ng


Islam at ang pangunahing saligan na tinatayuan ng gusali nito.


Ang isang tao ay nagiging isang Muslim matapos na binigkas


niya ang pagsaksi kay Allah at kay Muhammad (SAS). Sasaksi


siya na walang Diyos kundi si Allah at sasaksi rin siya na si


Muhammad ay Sugo ni Allah.


Ano ang kahulugan ng sugo? Sino si Muhammad?


Mayroon bang iba pang mga sugo bukod pa sa kanya?


Ang mga ito ay ang sisikapin nating sagutin sa mga


pahinang ito.


Ang sugo ay lalaking nasa napakataas na tugatog ng


katapatan sa pananalita at kagandahang asal, na pinili ni Allah


mula sa mga tao. Kinakasihan Niya ito ng anumang niloob Niya


na mga kautusan sa relihiyon o mga bagay-bagay hinggil


Nakalingid,10 at inutusang iparating ang mga ito sa mga tao.


Samaktuwid, ang sugo ay isang taong ang tulad niya at tulad ng


lahat ng tao. Kumakain siya kung papaanong kumakain ang


mga tao, uminom siya kung papaanong umiinom sila at


nangangailangan siya kung papaanong nangangai- langan ang


mga tao. Subalit naiiba siya sa kanila dahil sa Kasi na


dumarating sa kanya mula kay Allah. Ipinaalam ni Allah sa


9 Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at pangalagaan (o batiin) siya ni


Allah. Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta


Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.


10 Ang Nakalingid ay ang anumang nalingid sa mga tao na mga pangyayaring


panghinaharap at pangnakaraan gaya ng mangyayari sa hinaharap at sa


Kabilang-buhay, at anumang hindi nila nakikita gaya ng mga anghel.


Ang Relihiyong Islam


18


kanya ang anumang niloloob Nito gaya ng mga bagay-bagay


hinggil sa Nakalingid at mga kautusan ng Relihiyon na


ipararating niya sa mga tao. Naiiba rin siya sa kanila sa


pagtatamasa niya ng pangangalaga ni Allah laban sa


pagkasadlak sa mga malalaking pagkakasala o anumang bagay


na makasisira sa pagpaparating sa mensahe ni Allah sa mga tao.


Babanggit tayo ng ilan sa mga kasaysayan ng mga sugo na


nauna kay Propeta Muhammad (SAS) upang maging malinaw


sa atin na ang mensahe ng mga sugo ay iisa at iyon ay ang


pag-aanyaya sa pagsamba kay Allah lamang. Ang una sa mga


sugong ito matapos si Adan, ang ama ng sangkatauhan, ay si


Noe (AS).


Ang Sugong si Noe (AS)


Sampung siglo ang namagitan kina Noe at Adan. Isinugo siya


ni Allah sa mga kalipi niya matapos na naligaw sila at


sumasamba sa mga diyos na iba pa kay Allah. Sinasamba nila


noon ang mga diyus-diyusan, ang mga bato, at ang mga puntod


kaya ipinadala siya ni Allah sa kanila upang panumbalikin


sila sa pagsamba kay Allah lamang, gaya ng ipinabatid sa atin ni


Allah sa sinabi Niya: “Talaga ngang isinugo Namin si Noe sa


mga kalipi nito kaya nagsabi ito: “O mga kalipi ko,


sambahin ninyo si Allah; wala na kayong Diyos na iba pa


sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa


pagdurusa sa dakilang araw.””(7:59).


Patuloy siyang nag-aanyaya sa mga kalipi niya sa pagsamba


kay Allah lamang sa loob ng matagal na panahon ngunit walang


naniwala sa kanya kundi iilan kaya nanalangin siya sa


Panginoon niya, na nagsasabi: “Panginoon ko, inanyayahan


ko ang mga kalipi ko sa gabi’t araw, subalit walang


Ang Relihiyong Islam


19


naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas sa


pananampalataya. Tunay na ako, tuwing nag-aanyaya ako


sa kanila upang patawarin Mo sila, inilalagay nila ang mga


daliri nila sa mga tainga nila, itinataluk-bong nila ng mga


damit nila, nagmamatigas sila at nagmamalaki nang


matinding pagmamalaki. Pagkatapos tunay na ako ay naganyaya


sa kanila nang hayagan. Pagkatapos tunay na ako


ay nagpahayag sa kanila at nakipag-usap sa kanila nang


palihim, at nagsabi ako: “Humingi kayo ng tawad sa


Panginoon ninyo, tunay na Siya ay laging Mapagpatawad,


magpapadala siya ng ulan sa inyo na masagana,


magpaparami Siya sa inyo ng mga ari-arian at mga anak,


gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin at gagawa Siya


para sa inyo ng mga ilog. Ano ang nangyayari sa inyo, hindi


kayo natatakot kay Allah nang may pagpipitagan,


samantalang nilikha Niya kayo sa mga antas?”(71:5-14).


Sa kabila ng patuloy na pagsusumikap na ito at


pambihirang mithiin na patnubayan ang mga kababayan niya,


gayunpaman sila ay nagpasinungaling sa kanila sa kanya,


nangutya sa kanya at nag-bintang sa kanya ng mga paratang ng


kabaliwan. Kaya naman ikinasi sa kanya ni Allah na: “Walang


sasampalataya mula sa mga kalipi mo kundi ang


sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa mga


ginagawa nila noon.”(11:36). Inutusan siya ni Allah na


gumawa ng isang arko na paglululanan ng lahat ng


sumampalataya kasama niya. “Habang gumagawa siya ng


arko at sa tuwing may napadaan sa kaya na mga pinuno ng


mga kalipi niya, kinukutya nila siya. Nagsabi Siya: “Kung


nangungutya kayo sa amin ay tunay na kami ay


mangungutya rin sa inyo kung paanong nangu-ngutya kayo,


at malalaman ninyo kung sino ang pupuntahan ng isang


Ang Relihiyong Islam


20


pagdurusang magdudusta sa kanya at dadapuan ng


pagdurusang mamamalagi. Gayon nga hanggang sa


dumating ang utos Namin at bumulwak ang pugon. Sinabi


Namin: “Ilulan mo sa loob niyon ang bawat dalawang uri,


ang mag-anak mo— maliban sa isang nauna na sa kanya ang


hatol—at ang sinumang sumampalataya. Walang


sumampalataya kasama niya kundi kakaunti. Sinabi niya:


“Magsisakay rito; sa ngalan ni Allah ang paglalayag nito at


ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang


Mapagpatawad, Maawain. Ito ay naglayag dala sila sa gitna


ng mga alon na gaya ng mga bundok. Tinawag ni Noe ang


anak niya. Ito ay nasa pinaglayuan nito. “O anak ko,


sumakay ka kasama namin at huwag kang maging kabilang


sa mga tumatangging sumampalataya.” Nagsabi ito:


“Paparoon ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin


laban sa tubig.” Nagsabi siya: “Walang


makapagsasanggalang sa araw na ito laban sa takda ni


Allah maliban sa kinaawaan Niya. Humarang sa pagitan


nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang


sa mga nangalunod. Sinabi: “O lupa, lulunin mo ang tubig


mo; o langit, pigilin mo ang ulan.” Humupa ang tubig,


natupad ang takda at lumuklok ito sa tuktok ng bundok ng


Júdí. Sinabi: “Kasawian sa mga taong lumabag sa


katarungan.” Nanawagan si Noe sa Panginoon niya at


nagsabi: “O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang


sa mag-anak ko, tunay na ang pangako Mo ay ang totoo, at


Ikaw ay ang pinakamakata-rungan sa mga hukom. Nagsabi


Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak


mo. Tunay na siya ay may gawang hindi matuwid. Kaya


huwag mo Akong tanungin ng bagay na hindi ka nagtaglay


hinggil doon ng kaalaman. Tunay na Ako ay nangangaral


sa iyo nang hindi ka maging kabilang sa mga mangmang.”


Ang Relihiyong Islam


21


Nagsabi siya: “O Panginoon ko, tunay ako po ay


nagpapakupkop sa Iyo nang di ako magtanong sa iyo ng


bagay na hindi ako nagtaglay hinggil doon ng kaalaman. Kung


hindi Ka po magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako


ay magiging kabibilang sa mga talunan. Sinabi: “O Noe,


bumaba ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga


biyaya sa iyo at sa mga kalipunan mula sa kasama mo. May


mga kalipunang pagigin-hawahin muna Namin at


pagkatapos ay dadatnan sila mula sa Amin ng isang


masakit na pagdurusa.”(11:38-48).


Ang Sugong si Húd (AS)


Pagkatapos ng isang yugto ng panahon, isinugo ni Allah sa


lipi ng ‘Ád na nasa rehiyong tinatawag na Ahqáf, matapos na


naligaw sila at sumamba sila sa iba pa kay Allah. Nagsugo sa


kanila ng isang sugo na kabilang rin sa kanila, si Húd (AS).


“Isinugo sa lipi ng ‘Ád ang kapatid nila na si Húd. Nagsabi


siya: “O mga kalipi ko, sambahin ninyo si Allah, wala na


kayong Diyos na iba pa sa Kanya; kaya hindi ba kayo


mangingilag magkasala?” Nagsabi ang mga pinuno na


tumangging sumampalataya na kabilang sa mga kalipi niya:


“Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo na nasa


isang kaululan, at tunay na kami ay nagpapalagay sa iyo na


kabilang sa mga nagsisinungaling.” Nagsabi Siya: “O mga


kalipi ko, walang kaululan sa akin, datapuwat ako ay isang


sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang. Ipinararating ko


sa inyo ang mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa


inyo ay isang mapagkakatiwalaang tagapayo. Nagtataka ba


kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa


Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo


upang magbabala sa inyo? Alalahanin ninyo noong ginawa


Ang Relihiyong Islam


22


Niya kayo na mga kahalili noong wala na ang mga kalipi ni


Noe at dinagdagan Niya kayo sa pangangatawan ninyo ng


laki. Kaya alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng


Panginoon ninyo nang harinawa kayo ay magtata-gumpay.


Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa Amin upang sambahin


namin si Allah lamang at iwan namin ang sinasamba noon


ng mga ninuno namin? Kaya dalhin mo nga sa amin ang


ipinana-nakot mo sa amin kung ikaw ay kabilang mga


nagtatapat.” Nagsabi siya: “May bumagsak na nga sa inyo


mula sa Panginoon ninyo na isang pasakit at isang galit.


Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalan na


ipinangalan ninyo ang mga ito at ng mga ninuno ninyo.


Hindi nagpababa si Allah sa mga ito ng anumang patunay.


Kaya maghintay kayo, tunay na ako ay kasama ninyo na


kabilang sa mga naghihintay.” Kaya iniligtas Namin siya at


ang mga kasama niya sa pamamagitan ng isang awa mula


sa Amin, at nilipol Namin ang kahuli-hulihan sa mga


nagpasinungaling sa mga Tanda Namin. Hindi sila mga


mananampalataya.”(7:65-72).


Kaya pinadalhan sila ni Allah ng isang humahagunot na


malamig na hangin sa loob ng walong araw, na nagwasak sa


bawat bagay doon ayon sa utos ni Allah. Iniligtas ni Allah si


Húd at ang mga sumampalataya kasama niya.


Ang Sugong si Sálih (AS)


Pagkatapos ay may lumipas naman na isang yugto ng


panahon. Lumitaw ang lipi ng Thamúd sa hilaga ng peninsula


ng Arabia. Naligaw sila sa patnubay kung papaanong naligaw


ang mga nauna sa kanila, kaya nagsugo si Allah sa kanila ng


isang sugo na kabilang din sa kanila. Siya ay si Sálih (AS).


Inalalayan siya ni Allah sa pamamagitan ng isang tanda na


Ang Relihiyong Islam


23


nagpapatunay sa pagkatotoo niya. Ito ay isang pambihirang


dumalagang kamelyo na walang kapara sa mga nilalang.


Ipinabatid ni Allah sa atin ang kasaysayan niya. Sinabi ni


Allah:


“Isinugo sa lipi ng Thamúd ang kapatid nila na si


Sálih. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sambahin ninyo si


Allah, wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya; may


dumating na sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa


Panginoon ninyo. Itong dumalagang kamelyo ni Allah para


sa inyo ay isang tanda, kaya hayaan ninyo ito na manginain


sa lupain ni Allah. Huwag ninyo itong salingin ng masama,


dahil dadaklutin kayo ng isang masakit na pagdurusa.


Alalahanin ninyo noong ginawa Niya kayo na mga kahalili


noong wala na ang lipi ng ‘ ءd at pinatira Niya kayo sa lupain:


gumagawa kayo ng mga palasyo sa mga kapatagan nito at


nililok ninyo ang mga bundok bilang mga bahay. Kaya


alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Panginoon ninyo


at huwag kayong manampalasan sa lupa na mga gumagawa


ng katiwalian. Nagsabi ang mga pinuno na nagmalaki na


kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina—sa mga


sumampalataya mula sa mga ito: “Nalalaman ba ninyo na si


Sálih ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?” Nagsabi ang


mga ito: “Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga


sumasampalataya.” Nagsabi ang mga nagmalaki: “Tunay


na kami sa sinampalatayanan ninyo ay mga tumatangging


sumampalataya.” Kaya kinatay nila ang dumalagang


kamelyo at sinuway nila ang utos ng Panginoon nila, at


nagsabi sila: “O Sálih, dalhin mo nga sa amin ang


ibinabanta mo sa amin, kung ikaw ay kabilang sa mga


isinugo.” Kaya dinaklot sila ng lindol, at sila sa mga tahanan


nila ay naging mga nakaluhod na patay. Kaya tumalikod


siya sa kanila at nagsabi: “O aking mga kalipi, talaga


Ang Relihiyong Islam


24


ngang ipinarating ko na sa inyo ang pasugo ng Panginoon


ko at pinayuhan ko na kayo, subalit hindi ninyo naiibigan


ang mga nagpapayo.””(7:73-79).


Ang Sugong si Abraham (AS)


Pagkatpos niyon ay ipinadala ni Allah si Abraham sa


kanyang mga kababayan matapos na sila ay mangaligaw at


sumamba sa mga tala at mga diyus-diyusan. Sinabi ni Allah:


“Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng gabay sa


kanya noon pa, at Kami sa kanya ay nakakikilala.


Banggitin noong magsabi siya sa ama niya at mga kalipi


niya: “Ano ang mga estatwa na ito na kayo sa mga ito ay mga


nahuhumaling?” Nagsabi sila: “Nasumpungan namin ang


mga ninuno namin na sa mga ito ay mga sumasamba.”


Nagsabi siya: “Talaga ngang kayo at ang mga ninuno ninyo


ay nasa isang malinaw na pagkaligaw.” Nagsabi sila:


“Nagdala ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa


mga naglalaro.” Nagsabi siya: “Bagkus ang Panginoon ninyo


ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa


mga ito, at ako hinggil doon ay kabilang sa mga


sumasaksi. Sumpa man kay Allah, talagang magpapakana


nga ako laban sa mga diyus-diyusan ninyo matapos


tumalikod kayo na mga nagsisilisan.” Kaya ginawa niya ang


mga ito na pira-piraso maliban sa malaki sa mga ito, nang


harinawa sila dito ay magbabalik. Nagsabi sila: “Sino ang


gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay kabilang


sa mga lumalabag sa katarungan.” Nagsabi sila: “Nakarinig


kami ng isang binatang may binabanggit laban sa mga ito, na


tinatawag siyang Abraham.” Nagsabi sila: “Kaya dalhin


ninyo siya sa harap ng mga mata ng mga tao nang harinawa


sila ay sasaksi.” Nagsabi sila: “Ikaw ba ang gumawa nito sa


Ang Relihiyong Islam


25


mga diyos namin, o Abraham.” Nagsabi siya: “Bagkus


ginawa iyan nitong malaki sa mga ito; tanungin ninyo ang


mga ito kung ang mga ito ay makapagsasalita. Kaya


bumalik sila sa mga sarili nila at nagsabi sila: “Tunay na kayo,


kayo ay ang mga lumalabag sa katarungan.” Pagkatapos ay


nanumbalik sila sa katigasan ng mga ulo nila at nagsabi:


“Talaga ngang nalalaman mo na na ang mga ito ay hindi


nakapagsasalita.” Nagsabi siya: “Kaya sumasamba ba


kayo bukod pa kay Allah sa hindi nakapagdudulot sa inyo


ng anumang pakinabang at hindi nakapagdudulot sa inyo ng


pinsala? Sa aba sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo


bukod kay Allah, at hindi ba kayo nakauunawa?” Nagsabi


sila: “Sunugin ninyo siya at tulungan ninyo ang mga diyos


ninyo kung kayo ay mga magsisikilos.” Nagsabi Kami: “O


apoy, maging kalamigan at kaligtasan para kay Abraham.”


Nagnais sila sa kanya ng isang pakanan ngunit ginawa


Naming sila ang mga talunan.”(21:51-70).


Pagkatapos [nang maraming taon] ay nandayuhan si


Abraham (AS) at ang anak niya na si Ismael mula sa Palestina


sa Makkah. Nag-utos si Allah sa kanya at sa anak niya na si


Ismael na itayo ang pinarangalang Ka‘bah. Inanyayahan niya


ang mga tao na dumalaw roon at sumamba kay Allah doon.


“Inatasan Namin sina Abraham at Ismael na linisin nila


ang Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga nananatili at mga


yumuyukod na nagpapatirapa.”(2:125).


Ang Sugong si Lot (AS)


Pagkatapos niyon ay isinugo naman ni Allah si Lot (AS) sa


mga kababayan niya. Sila ay mga masasamang tao na


sumasamba sa iba pa kay Allah at gumagawa ng kahalayan sa


isa’t-isa. Nagsabi si Allah: “Banggitin si Lot noong nagsabi


Ang Relihiyong Islam


26


siya sa mga kababayan niya: “Gumagawa ba kayo ng


kahalayan na hindi kayo naunahan doon ng isa man sa mga


nilalang? Tunay na kayo ay talagang nagsasagawa sa mga


lalaki ng udyok ng laman sa halip na sa mga babae. Bagkus


kayo ay mga taong nagmamalabis. Walang naging sagot


ang mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin


ninyo sila sa bayan ninyo; tunay na sila ay mga taong


nagpapakalinis.””(7:80-82).


Siya at ang mag-anak niya, maliban sa maybahay niya na isa


sa mga tumatangging sumampalataya, ay iniligtas ni Allah.


Inutusan siya ni Allah na lumabas sa lungsod sa gabi kasama


ng mag-anak niya. Noong dumating na ang itinakda ni Allah, ang


mataas doon ay ginawa Niyang mababa at nagpaulan Siya roon


ng kumpol-kumpol ng mga batong natuyong putik.


Ang Sugong si Shu‘ayb (AS)


Pagkatapos ay ipinadala ni Allah sa mga mamamayan ng


Madyan ang kapatid nila na si Shu‘ayb matapos na naligaw sila


sa patnubay at lumaganap sa kanila ang mga masamang asal, ang


pangangaway sa mga tao, at ang pandaraya sa takalan at


timbangan. Nagpabatid sa atin si Allah ng hinggil sa kanila:


“Isinugo sa Madyan ang kapatid nila na si Shu‘ayb.


Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sambahin ninyo si Allah;


wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating


na sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa


Panginoon ninyo, kaya lubusin ninyo ang takal at ang


timbang, huwag ninyong dayain ang mga tao sa mga bagay


nila at huwag kayong gumawa ng katiwalian sa lupain


matapos ang pagsasaayos nito. Iyan ay mainam sa inyo kung


kayo ay mga mananampalataya. Huwag kayong maupo sa


bawat landasin, na nagpabanta at bumabalakid sa landas


Ang Relihiyong Islam


27


ni Allah sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at


naghahangad na ito ay maging baluktot. Alalahanin ninyo,


noong kayo noon ay kakaunti ay pinarami Niya kayo.


Tingnan ninyo kung paano ang naging kinahinatnan ng


mga gumagawa ng katiwalian. Kung may pangkat mula sa


inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may pangkat


na hindi sumampalataya ay magtiis-tiis kayo hanggang sa


humatol si Allah sa pagitan natin yamang Siya ay ang


pinakamainam sa mga humahatol.” Nagsabi ang mga


pinuno na nagmalaki, na kabilang sa mga kalipi niya:


“Talagang palalabasin ka nga Namin Shu‘ayb at ang mga


sumampalataya kasama mo sa bayan natin maliban kung


talagang babalik nga kayo sa paniniwala natin.” Nagsabi


siya: “Kahit na ba kami ay nasusuklam?” Nakagawa na


kami laban kay Allah ng isang kasinungalingan kung


bumalik kami sa paniniwala ninyo matapos na iniligtas kami


ni Allah mula roon. Hindi mangyayari sa amin na babalik


kami roon maliban na loloobin ni Allah, ang Panginoon


Namin. Nasaklawan ng Panginoon Namin ang bawat bagay


sa kaalaman. Kay Allah kami umaasa. O Panginoon


namin, humusga Ka po sa pagitan namin at ng mga kalipi


namin ayon sa katotohanan, yayamang Ikaw ay ang


pinakamainam sa mga humuhusga.” Nagsabi ang mga


pinuno na nagmalaki, na kabilang sa mga kalipi niya:


“Talagang kung sumunod kayo kay Shu‘ayb, tunay na kayo


kung gayon ay talagang mga talunan.” Kaya dinaklot sila ng


lindol, at sila sa mga tahanan nila ay naging mga nakaluhod na


patay. Ang mga nagpasinungaling kay Shu‘ayb ay naging


animo’y hindi sa mga tahanang iyon. Ang mga nagpasinungaling


kay Shu‘ayb, sila ay ang naging mga talunan.


Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O aking mga


kalipi, talaga ngang ipinarating ko na sa inyo ang mga


Ang Relihiyong Islam


28


pasugo ng Panginoon ko at pinayuhan ko na kayo, kaya


papaano akong magdada-lamhati sa mga taong tumangging


sumampalataya?””(7:85-93).


Nagsugo si Allah, pagkatapos niyon, ng maraming sugo sa


mga kalipunan sa mundo. Walang kalipunan noon na hindi


pinuntahan ng isang tagapagbabala. Ipinabatid sa atin ni Allah


ang ilan sa kanila at hindi Niya ipinabatid sa atin ang marami sa


kanila. Lahat sila ay isinugo na may isang mensahe at iyon ay


ang pag-uutos sa mga tao na sumamba kay Allah lamang nang


walang katambal sa kanya at na iwaksi ang pagsamba sa iba pa


kay Allah. Nagsabi si Allah:


“Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng


isang sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at


iwaksi ninyo ang diyus-diyusan.” Kaya mayroon sa kanila


na pinatnubayan ni Allah at mayroon sa kanila na naging


karapat-dapat ang pagkaligaw. Kaya maglakbay kayo sa


Lupa at tingnan ninyo kung papaano ang naging


kinahinatnan ng mga nagpapasinu-ngaling.”(16:36).


Ang Sugong si Moises (AS)


Pakatapos niyon ay may lumitaw sa Egipto na isang maniniil


at mapagmalaking hari na tinatawag na Paraon. Nag-aangkin


siya ng pagkadiyos, nag-uutos sa mga tao na sambahin nila siya,


ipinapapatay niya ang sinumang ninanais Niya sa kanila at


ginagawan niya ng kawalang-katarungan ang sinumang ninanais


niya. Kaya nagpabatid sa atin si Allah ng tungkol sa kanya:


Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain. Ginawa


niya ang mga mamayan nito na mga pangkatin, na


nagpapahina sa isang pangkat sa kanila: kumikitil sa mga


anak na lalaki ng mga ito at nagpapabuhay sa mga


kababaihan ng mga ito. Tunay na siya ay kabilang sa mga


Ang Relihiyong Islam


29


gumagawa ng katiwalian. Ninanais Namin na


magmabuting-loob Kami sa mga pinahina sa lupain, na


gawin Namin sila na mga pinuno, na gawin Namin sila na


mga tagapagmana, na patatagin Namin sila sa lupain at


na ipakita Namin kay Paraon at kay Hámán at sa mga


hukbo ng dalawang ito ang kinatatakutan ng mga ito mula


sa kanila.


Nagkasi Kami sa ina ni Moises: “Pasusuhin mo siya,


ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya


sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang


malungkot. Tunay na Kami ay magpapanumbalik sa kanya


sa iyo at gagawa sa kanya na kabilang sa mga isinugo. Kaya


napulot siya ng mag-anak ni Paraon upang maging isang


kaaway para sa kanila at isang dahilan ng kalungkutan.


Tunay na sina Paraon at Hámán at ang mga hukbo ng


dalawang ito ay mga nagkakasala. Nagsabi ang maybahay


ni Paraon: “Isang lugod ng mata para sa akin at para sa iyo.


Huwag ninyo siyang patayin. Marahil makabubuti siya sa


atin, o maituturing natin siya bilang isang anak.” Sila ay hindi


nakararamdam sa kahihinatnan.


Ang puso ng ina ni Moises ay naging walang nilalaman


kundi siya. Muntik na nitong ibunyag na anak nito siya,


kung hindi Kami nagpatatag sa puso nito upang ito ay


maging kabilang sa mga sumasampalataya. Nagsabi ito sa


kapatid na babae niya: “Sundan mo siya.” Kaya nakita


niyon siya mula sa malayo habang sila ay hindi


nakararamdam. Ipinagbawal na Namin sa kanya ang ibang


mga tagapagpasuso noon pa. Kaya nagsabi iyon:


“Gagabayan ko po ba kayo sa isang mag-anak na kakalinga


sa kanya para sa inyo, at sila sa kanya ay mga tapat


na tagapag-aruga?” Kaya ibinalik Namin siya sa ina niya


Ang Relihiyong Islam


30


upang malugod ang mata nito at hindi malungkot, at upang


malaman nito na ang pangako ni Allah ay totoo, subalit


ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.


Noong sumapit na siya sa kalakasan niya at nalubos na


siya sa pagkabinata, binigyan Namin siya ng karunungan at


kaalaman. Ganyan Namin ginagantimpalaan ang mga


nagpapakabuti.


Pumasok siya sa lungsod sa sandali ng pagkalingat ng


mga naninirahan dito, at nakatagpo siya rito ng dalawang


lalaking nag-aaway. Itong una ay kabilang sa kakampi


niya at itong ikalawa ay kabilang sa kaaway niya.


Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa


kabilang sa kaaway niya. Kaya sinuntok ito ni Moises kaya


napaslang niya ito. Nagsabi siya: “Ito ay kabilang sa gawa ni


Satanas; tunay na siya ay isang nanliligaw na maliwanag na


kaaway.” Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako po ay


lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya patawarin Mo po


ako.” Kaya pinatawad Niya siya. Tunay na Siya ay ang


Mapagpatawad, ang Maawain. Nagsabi siya: “Panginoon


ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin ay hindi ako magiging


isang tagatulong sa mga sumasalansang.”


Kaya sa lunsod siya ay naging kinakabahang nagaantabay,


at walang anu-ano ang nagpatulong sa kanya


kahapon ay nag-papasaklolo na naman sa kanya. Nagsabi sa


kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang maliwanag


na nalilihis.” Kaya noong ninais na niyang sumunggab sa


isang kaaway nilang dalawa, nagsabi ito: “O Moises,


ninanais mo ba na patayin ako gaya ng pinatay mo na isang


tao kahapon? Wala kang ninanais kundi maging isang


mapang-api sa lupain at hindi mo ninanais na maging


kabilang sa mga nagtutuwid.” May dumating na isang


Ang Relihiyong Islam


31


lalaki mula sa malayong sulok ng lungsod, na tumatakbo.


Nagsabi ito: “O Moises, ang mga pinuno ay


nagsasanggunian hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya


lumisan ka na. Tunay na ako, sa iyo, ay kabilang sa mga


tapat nagpapayo.


Kaya lumisan siya roon na kinakabahang nagaantabay.


Nagsabi siya: “Panginoon ko, iligtas Mo po ako


sa mga taong lumalabag sa katarungan.” Noong nakadako


siya patungong Madyan, nagsabi siya: “Sana ang Panginoon


ko ay magpatnubay sa akin sa tamang daan.”


Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan,


nakasumpong siya roon ng isang pulutong ng mga tao na


nagpapainom ng kawan nila, at nakasumpong din siya


bukod pa sa kanila ng dalawang babaeng pumipigil sa


kawan. Nagsabi siya: “Ano ang nangyayari sa inyo?”


Nagsabi ang dalawang ito: “Hindi namin mapaiinom ang


kawan hangga’t hindi aalisin ng mga pastol ang kawan nila.


Ang ama namin ay lubhang matanda na.” Pinainom niya ang


kawan ng dalawa. Pagkatapos ay tumalikod siya patungo sa


lilim, at nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako sa ibaba Mo


na anumang biyaya ay nangangailangan.”


Pagkatapos ay pinuntahan siya ng isa sa dalawang


babae, na naglalakad na nahihiya. Nagsabi ito: “Tunay na


ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gantihan ka ng


gantimpala sa pagpapainom mo sa kawan namin para sa


amin.”


Kaya noong nakapunta na siya rito at naisalaysay rito


ang mga kasaysayan niya, nagsabi ito: “Huwag kang


mangamba, nakaligtas ka na sa mga taong lumalabag sa


katarungan.” Nagsabi ang isa sa dalawang babae: “O Ama ko,


upahan mo po siya; tunay na ang mainam na upahan mo ay


Ang Relihiyong Islam


32


ang malakas na mapagkaka-tiwalaan.” Nagsabi ito:


“Ninanais kung ipakasal sa iyo ang isa sa dalawang anak


ko na ito kung maglilingkod ka sa akin sa loob ng walong


taon; ngunit kung lulubusin mo sa sampung taon ay nasa


sa iyo na. Hindi ko ninanais na magpabigat sa iyo.


Masusumpungan mo ako, kung niloob ni Allah, na kabilang


sa mga matutuwid.” Nagsabi siya: “Iyan sa pagitan ko at sa


pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko


ay walang paglabag sa akin. Si Allah ay pinananaligan sa


anumang sinasabi natin.


Kaya noong natapos na ni Moises ang taning at


naglalakbay na siya dala ang mag-anak niya, nakatanaw


siya sa dakong bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa maganak


niya: “Mag-hintay kayo, tunay na ako ay nakatanaw


ng isang apoy. Hari-nawa ako ay makapagdadala sa inyo


mula roon ng isang balita o isang baga mula sa apoy nang


harinawa kayo ay makapagpapainit.


Kaya noong narating na niya iyon, tinawag siya mula


sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala,


mula sa punong-kahoy: “O Moises, tunay na Ako, Ako si


Allah, ang Panginoon ng mga nilalang. Itapon mo ang


tungkod mo.” At noong nakita niya ito na gumagalaw ito na


para bang isang ahas, umalis siya na tumatalikod at hindi


lumingon. Sinabi: “O Moises, lumapit ka at huwag kang


mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga matitiwasay.


Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas itong


maputi na walang sakit; idikit mo ang kamay mo sa dibdib


mo upang maalis ang sindak. Kaya ang dalawang ito ay


dalawang patunay mula sa Panginoon mo para kay Paraon at


sa mga pinuno nito. Tunay na sila ay mga taong suwail.”



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG