Matapos banggitin ng may-akda ang limang haligi ng Islam
sa Ikalimang Aralin, angkop nang banggitin dito ang mga
kondisyon ng saláh sapagkat ang saláh ay ang
pinakabinibigyang-diin sa mga haligi ng Islam matapos ang
Pagsasaksi (Shahádah). Hindi matatanggap ang saláh kung
hindi ayon sa mga kondisyon kaya naman naaangkop ang
pagbanggit sa mga ito rito.
1, 2, at 3. Ang unang tatlong kondisyon ay ang pagiging
kaanib ng Islam, ang sapat na pag-iisip, at ang tamang
gulang; kaya hindi matatanggap ang saláh ng di-Muslim dahil
sa kawalang-kabuluhan ng mabuting gawa niya, ng baliw dahil
33
sa kawalan niya ng tungkuling isagawa ito, at ng paslit (wala
pang 7 taong gulang) batay sa mauunaawaan sa Hadíth na ito:
“Atasan ninyo ang inyong mga anak na magsagawa ng saláh
kapag pitong taon na…”
4. Ang pagsasagawa ng wudú’ o ghusl kung makakaya
sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS): “Hindi tatanggapin ang
isang saláh na walang tuhúr (wudú’ o ghusl).”
5. Ang kawalan ng najásah (karumihan) sa katawan, damit
at pagsasagawaan ng saláh sapagkat ang sabi ni Allah (74:4):
“At ang iyong kasuutan ay linisin mo.” at sapagkat ang sabi
ng Propeta (SAS) kay Asmá’ (na anak ni Abú Bakr) tungkol sa
damit na nabahiran ng dugo ng regla: “Kukuskusin niya ito,
pagkatapos ay kukusutin sa tubig, pagkatapos ay wiwisikan
ng tubig, at pagkatapos ay magdadasal siya na suot iyon.”
6. Ang pagtatakip sa ‘awrah, kung makakaya, ng kasuutang
hindi naaaninag ang balat sapagkat ang sabi ni Allah (7:30): “O
mga anak ni Adan, isuot ninyo ang gayak ninyo sa bawat
masjid.” at sinabi naman ng Propeta (SAS): “Hindi
tatanggapin ni Allah ang saláh ng babaeng nagkaregla na
kung walang suot na belo.” Sa Hadíth na isinalaysay ni
Salamah Ibnu al-Akwa‘ (RA) ay nagsabi ito: “Nagsabi ako, ‘O
Sugo ni Allah, ako po ay nangangaso at nagdadasal po ako sa
isang kapirasong damit.’ ” Nagsabi siya: “Oo, at sipitin mo ito
ng kahit isang tinik.” Isinalaysay naman ni Ibnu ‘Abdulbárr
ang nagkakaisang hatol sa Islam hinggil sa katiwalian ng saláh
ng nagdasal na nakahubad (di-natatakpan ang ‘awrah)
samantalang siya ay may kakayahan namang magtakip.
7. Ang pagsapit ng takdang oras. Nagsabi si Allah (17:78):
“Panatiliin mo ang pagdarasal mula sa paglilis ng araw sa
34
rurok hanggang sa pagdilim ng gabi” Ayon kay ‘Umar (RA):
“Ang pagdarasal ay may takdang oras na isinakondisyon ni
Allah. Hindi magiging tumpak ito kundi ayon sa oras na iyon.”
Ito ay Hadíth mula kay Anghel Gabriel nang pinamunuan niya
ang Propeta (SAS) sa limang saláh at pagkatapos ay nagsabi
siya: “Ang nasa pagitan ng dalawang ito (simula at huling
bahagi ng oras ng saláh) ay oras [ng saláh na iyon].”
8. Ang pagharap sa qiblah dahil ang sabi ni Allah (2:144):
“Kaya ibaling mo ang iyong mukha sa dakong Banal na
Masjid,”
9. Ang pagkakaroon ng níyah (hangarin) dahil ang sabi ng
Sugo (SAS): “Ang mga gawa ay batay lamang sa mga
hangarin”
IKAPITONG ARALIN
Ang mga haligi ng saláh ay labing-apat:
1. Ang pagtayo kung makakaya,
2. Ang takbíratul ihrám (unang pagsabi ng Alláhu
akbar),
3. Ang pagbigkas ng Súrah al-Fátihah,
4. Ang pagyukod (rukú’),
5. Ang pagtayo nang tuwid pagkatapos ng rukú’,
6. Ang pagpapatirapa (sujúd) sa pitong bahagi ng
katawan,
7. Ang pagbangon ng likod matapos magpatirapa,
8. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa,
9. Ang kapanatagan sa lahat ng kilos,
35
10. Ang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa ng mga
haligi,
11. Ang pagbigkas ng huling tashahhud (Tahíyát at),
12. Ang pag-upo para sa huling tashahhud,
13. Ang pananalangin para kay Propeta Muhammad
(SAS),
14. Ang pagsasagawa ng dalawang taslím.
___
Matapos talakayin ng may-akda, kaawaan siya ni Allah, ang
tungkol sa mga kondisyon ng saláh sa nakaraang aralin, yamang
ang mga kondisyon ng saláh ay nauuna sa saláh, naaangkop
nang banggitin dito ang mga haligi nito dahil ang mga ito ay
umaalinsabay sa saláh mismo.
1. Ang pagtayo kung makakaya dahil sinabi ni Allah (2:238):
“Pangalagaan ninyo ang mga dasal lalo na ang
kalagitnaang dasal. Magsitayo kayo sa harap ni Allah na
mga masunurin.” at sinabi ng Sugo (SAS): “Magdasal ka na
nakatayo.” Napagkaisahan din ng mga pantas ng Islam ito.
2. Ang takbíratul ihrám (unang pagsabi ng Alláhu akbar)
dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang susi ng saláh ay ang
paglilinis, ang ipinampapasok dito ay ang takbír, at ang
ipinanlalabas dito ay ang taslím.”; at dahil ang sabi niya sa
taong di-pinagbubutihan ang pagdarasal: “Kapag tumayo ka
para magdasal ay pagbutihan mo ang pagsasagawa ng
wudú’, pagkatapos ay humarap ka sa Qiblah at magsabi ka
ng Alláhu akbar.”
3. Ang pagbigkas ng Súrah al-Fátihah dahil ayon sa Hadíth
ayon kay ‘Ubádah ibnu as-Sámit, ang Sugo ni Allah (SAS) ay
36
nagsabi: “Walang saláh ang sinumang hindi bumigkas ng al-
Fátihah.”
4. Ang pagyukod (rukú’) dahil ang sabi ni Allah (22:77): “O
mga sumampalataya, yumukod kayo,…” Nabanggit din sa
Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim sa isang Hadíth na
isinalaysay ni Abú Hurayrah (RA) tungkol sa taong dipinagbubutihan
ang pagdarasal; na nagsabi sa kanya ang Sugo
ni Allah (SAS): “Pagkatapos ay yumukod ka hanggang sa
mapanatag ka habang nakayukod.”
5. Ang pagtayo nang tuwid pagkatapos ng rukú’ dahil ang
sabi ng Propeta (SAS) sa taong di-pinagbubutihan ang
pagdarasal: “Pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa
makatayo ka nang tuwid” at sapagkat ayon kay Abú Mas‘úd
al-Ansárí ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Hindi
gagantimpalaan ang saláh ng taong hindi nagtutuwid ng
likod niya sa pagyukod o pagpapatirapa.”
6. Ang pagpapatirapa (sujúd) sa pitong bahagi ng katawan
dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Inatasan ako na
magpatirapa na nakadiit ang pitong bahagi ng katawan: ang
noo—at itinuro niya ng kanyang kamay ang kanyang
ilong—ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod, at ang
mga daliri ng mga paa.”
7. Ang pagbangon ng likod pagkatapos ng pagpapatirapa
dahil ang sabi ng Propeta (SAS) sa taong di-pinagbubutihan
sng pagdarasal: “Pagkatapos ay ibangon mo [ang likod]
hanggang sa mapanatag ka na nakaupo.”
8. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
dahil ang sabi ng Propeta (SAS) sa taong di-pinagbubutihan
ang pagdarasal: “Pagkatapos ay iangat mo [ang likod]
37
hanggang sa tumuwid habang nakaupo.” at ang sabi ni
‘Á’ishah (RA): “Ang Propeta (SAS) noon, kapag inangat niya
ang kanyang ulo buhat sa [unang] pagkakatirapa, ay hindi
siya [muling] nagpapatirapa hanggang hindi natutuwid [ang
likod] habang nakaupo.”
9. Ang kapanatagan sa lahat ng kilos dahil ang sabi ng
Propeta (SAS) sa taong di-pinagbubutihan ang pagdarasal:
“Pagkatapos ay yumukod ka hanggang sa mapanatag ka
habang nakayukod.” Ang Propeta (SAS) noon ay panatag sa
kanyang pagdarasal at nagsasabi siya: “Magdasal kayo gaya
ng kung papaano ninyo nalamang nagdadasal ako.”
10. Ang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa ng mga
haligi.
11. at 12. Ang pagbigkas ng huling tashahhud (tahíyát) at
ang pag-upo para sa huling tashahhud dahil ang sabi ng
Sugo (SAS): “Kapag naupo ang sinuman sa inyo sa saláh ay
sabihin niya: ‘attahíyatu lilláhi was salawátu wat tayyibát,
assalámu ‘alayka ayyuhan nabíyu wa rahmatulláhi wa
barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá ‘ibádilláhis sálihín,
ash'hadu an lá iláha illalláh, wa ash'hadu anna
Muhammadan ‘abduhu wa rasúlulláh.…’ ”
13. Ang pananalangin para kay Propeta Muhammad (SAS)
sa huling tashahhud dahil ayon sa Hadíth na isinalaysay ni
Ka‘b ibnu ‘Ujarah nang tinanong nila ang Propeta (SAS) kung
papaanong dadalangin para sa kanya at nagsabi siya: “Magsabi
kayo: ‘Alláhumma salli ‘alá Muhammadin wa ‘alá áli
Muhammad, kamá sallayta ‘alá Ibráhíma wa ‘alá áli
Ibráhíma innaka hamídum majíd. Alláhumma bárik ‘alá
38
Muhammadin10 wa ‘alá áli Muhammad, kamá bárakta
‘alá Ibráhíma wa ‘alá áli Ibráhíma innaka hamídum
majíd.”
14. Pagsasagawa ng dalawang taslím (pagsasabi ng
assalámu ‘alaykum wa rahmatulláh habang lumilingon sa
kanan at ang pagsasabi rin nito habang lumilingon sa kaliwa)
dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “at ang ipinanlalabas dito ay
ang taslím.” at dahil ang sabi ni ‘Á’ishah (RA) hinggil sa
katangian ng saláh ng Propeta (SAS): “Winawakasan niya ang
saláh sa pamamagitan ng taslím.” Samakatuwid, ang
pagsasagawa ng taslím ay isang alituntunin sa pagtatapos ng
saláh; ito ang pangwakas ng saláh at ang tanda ng katapusan ng
saláh.
10 O wa bárik ‘alá Muhammadin sa halip na Alláhumma bárik ‘alá
Muhammadin
39
IKAWALONG ARALIN
Ang mga wájib sa saláh ay walo:
1. Ang lahat ng pagsasabi ng Alláhu akbar maliban pa
sa takbíratul ihrám,
2. Ang pagsabi ng sami‘alláhu liman hamidah11 ng
imám at ng nagdarasal nang mag-isa,
3. Ang pagsabi ng imám at ng lahat ng rabbaná wa
lakal hamd,12
4. Ang pagsabi ng subhána rabbiyal ‘adhím13 habang
nakayukod,
5. Ang pagsabi ng subhána rabbiyal a‘lá14 habang
nakapatirapa,
6. Ang pagsabi ng rabbighfir lí15 sa pagitan ng
dalawang pagpapatirapa,
7. Ang pagbigkas ng unang tashahhud, at
8. Ang pag-upo para sa unang tashahhud.
___
Lumipat ang may-akda sa mga wájib sa saláh matapos
niyang nilinaw ang mga haligi ng saláh. Inuna niya ang mga
haligi ng saláh kaysa sa mga wájib dahil ang mga haligi ay higit
na binibigyang-diin kaysa mga wájib dahil ang isang wájib,
kapag di-naisagawa dahil sa pagkaligta, ay humihiling ng
sujúdus sahw (pagpapatirapa dahil sa pagkaligta), samantalang
11 Dinidinig ni Allah ang sinumang nagpupuri sa Kanya.
12 Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri.
13 Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.
14 Kaluwalhatian Panginoon ko, ang Kataas-taasan.
15 O Panginoon ko, patawarin Mo ako.
40
ang isang haligi ng saláh, kapag di-naisagawa, ay mawawalan ng
saysay ang saláh—maging iyon man ay dahil sa pagkaligta o
pananadya.
1. Ang lahat ng pagsasabi ng Alláhu akbar maliban pa sa
takbíratul ihrám, yayamang ito ay isang haligi ng saláh, dahil
ang sabi ni Ibnu Mas‘úd (RA): “Nakita ko ang Propeta (SAS) na
nagsabi ng Alláhu sa bawat pag-angat, pagbaba, pagtayo, at
pag-upo.”
2. Ang pagsabi ng sami‘alláhu liman hamidah ng imám at
ng nagdarasal nang mag-isa dahil ayon sa Hadíth na
isanalaysay ni Abú Hurayrah (RA): “Ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsasagawa ng takbír kapag nakatayo na upang magdasal,
nagsasagawa ng takbír kapag yuyukod at pagkatapos ay
nagsasabi ng sami‘ alláhu liman hamidah kapag inaangat niya
ang likod niya mula sa pagkakayukod. Pagkatapos ay nagsasabi
siya ng rabbaná wa lakal hamd habang siya ay nakatayo.”
3. Ang pagsabi ng imám at ng lahat ng rabbaná wa lakal
hamd, gaya ng nabanggit na.
4. at 5. Ang pagsabi ng subhána rabbiyal ‘adhím habang
nakayukod at ng subhána rabbiyal a‘lá habang
nakapatirapa, nang tig-iisang ulit dahil ang sabi ni Hudhayfah
(RA) sa Hadíth na isinalaysay niya: “Siya—tinutukoy niya ang
Propeta (SAS)—ay nagsasabi ng subhána rabbiyal ‘adhím
habang nasa pagyukod niya, at ng subhána rabbiyal a‘lá
habang nasa pagpapatirapa niya.”
6. Ang pagsabi ng rabbighfir lí sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa dahil ayon sa Hadíth na isinalaysay ni
Hudhayfah (RA) ang Propeta (SAS) ay nagsasabi noon ng
41
rabbighfir lí rabbighfir lí sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa.
7. Ang pagbigkas ng unang tashahhud dahil ang sabi ng
Propeta (SAS): “Kapag tumayo ka sa iyong pagdarasal ay
magsagawa ka ng takbír, pagkatapos ay bumigkas ka ng
anumang madali sa iyo mula sa Qur’an. Kapag nakaupo ka
na sa kalagitnaan ng pagdarasal ay maging panatag ka at
ipang-upo mo ang iyong kaliwang pigi at pagkatapos ay
bigkasin mo ang tashahhud.”
8. Ang pag-upo para sa unang tashahhud dahil ayon sa
Hadíth na isinalaysay ni Ibnu Mas‘úd (RA): “Kapag naupo
kayo sa bawat dalawang rak‘ah ay magsabi kayo ng attahíyátu
lilláhi…” at dahil rin sa noong makalimutan ng Propeta ang
tashahhud sa saláh sa dhuhr ay nagpatirapa siya ng dalawang
pagpapatirapa pa bago nagsagawa ng taslím.
42
IKASIYAM NA ARALIN
Ang paglalahad sa tashahhud:
Tahíyát:
Attahíyátu lilláhi was salawátu wat tayyibát,
assalámu ‘alayka ayyuhan nabíyu wa rahmatulláhi
wa barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá ‘ibádilláhis
sálihín, ash'hadu an lá iláha illalláh, wa ash'hadu anna
Muhammadan ‘abduhu wa rasúluh.16
Salawát:17
Alláhumma salli ‘alá muhammad, wa ‘alá áli
Muhammad, kamá sallayta ‘alá Ibráhím, wa ‘alá áli
Ibráhím, innaka hamídum majíd. Alláhumma bárik18
‘alá Muhammad, wa ‘alá áli Muhammad, kamá
bárakta ‘alá Ibráhím, wa ‘alá áli Ibráhím, innaka
hamídum majíd.19
16 Ang mga pagbati ay ukol kay Alláh, at ang mga dasal at mga mabubuting
gawa. Ang kapayapaan ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Alláh at ang biyaya
Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin nawa at makamit nawa ng matutuwid na
mga lingkod ni Alláh. Sumasaksi ako na walang totoong Diyos kundi si Alláh,
nag-iisa Siya, wala Siyang katambal, at sumasaksi rin ako na si Muhammad ay
Lingkod Niya at Sugo Niya.
17 Ang Salawát ay hindi bahagi ng huling tashahhud ngunit dahil sa binibigkas
ito matapos ang tashahhud, maituturihng ito na bahagi na ng huling tashahhud.
18 Sa halip na Alláhumma bárik (O Allah, pagpalain Mo po) ay maaari ring
sabihing Wa bárik (At pagpalain Mo po).
19 O Alláh, ipagbunyi Mo si Muhammad at ang mag-anak ni Muhammad
gaya ng pagbunyi Mo kay Ibrahim at sa mag-anak ni Ibrahim; tunay na Ikaw
ay Kapuri-puri, Maluwalhati. Pagpalain Mo si Muhammad at ang mag-anak ni
43
Pagkatapos ay manalangin ng pagpapakupkop kay
Allah:
Alláhumma inní a‘udhu bika min ‘adhábi
jahannam, wa min ‘adhábil qabri, wa min fitnatil
mahyá wal mamát, wa min fitnatil masíhid dajjál.20
Pagkatapos ay pipili ng anumang panalanging
ninanais; lalong mainam kung panalangin iyon ng
Propeta (SAS):
Alláhumma a‘inní ‘alá dhikrika wa shukrika wa
husni ‘ibádatik. Alláhumma inní dhalamtu nafsí
dhulman kathírá, wa lá yaghfirudh dhunúba illá
anta, faghfir lí maghfiratam min ‘indaka warhamní,
innaka antal ghafúrur rahím.21
___
Ayon sa sinabi ni Ibnu Mas‘úd (RA): “Bumaling sa amin
ang Sugo ni Allah (SAS) at nagsabi: ‘Kapag magdadasal ang
sinuman sa inyo ay magsabi siya ng Attahíyátu lilláhi was
salawátu wat tayyibát, assalámu ‘alayka ayyuhan nabíyu
wa rahmatulláhi wa barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá
Muhammad gaya ng pagpala Mo kay Ibrahim at sa mag-anak ni Ibrahim;
tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati.
20 O Alláh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa
Impiyerno at laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa tukso ng buhay at
kamatayan, at laban sa tukso ng Bulaang Kristo.
21 O Allah, tulungan Mo ako sa pag-alaala sa Iyo at sa pagpapasalamat sa Iyo
at sa pagpapabuti ng pagsamba sa Iyo. O Allah, tunay na ako ay nakagawa ng
maraming kawalang-katarungan sa aking sarili at walang nagpapatawad ng
mga kasalanan kundi Ikaw kaya patawarin Mo ako ng kapatawarang buhat sa
Iyo, at kaawaan Mo ako; tunay na Ikaw, Ikaw ang Mapagpatawad, ang
Maawain.
44
‘ibádilláhis sálihín, ash'hadu an lá iláha illalláh, wa
ash'hadu anna Muhammadan ‘abduhu wa rasúluh.
Pagkatapos ay pumili siya ng panalangin na naibigan niya at
manalangin.’ ” Ang Hadíth na ito ayon kay Ibnu Mas‘úd ay
ang pinakatumpak na naisalaysay hinggil sa tashahhud.
Ayon naman sa sinabi ni Abú Mas‘úd al-Badrí (RA):
“Nagsabi si Bashrí ibnu Sa‘d (RA), ‘O Sugo ni Allah, inatasan
kami ni Allah na dumalangin para sa iyo kaya paano po kaming
dadalangin para sa iyo?’ Nanahimik siya at pagkatapos ay
nagsabi, ‘Sabihin ninyo: Alláhumma salli ‘alá muhammad,
wa ‘alá áli Muhammad, kamá sallayta ‘alá Ibráhím, wa ‘alá
áli Ibráhím, innaka hamídum majíd. Alláhumma bárik ‘alá
Muhammad, wa ‘alá áli Muhammad, kamá bárakta ‘alá
Ibráhíma wa ‘alá áli Ibráhím, innaka hamídum majíd.’ ”
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): “Kapag nabigkas na ng sinuman sa inyo ang
tashahhud ay magpakupkop siya kay Allah laban sa apat.
Magsasabi siya ng Alláhumma inní a‘údhu bika min
‘adhábi jahannam, wa min ‘adhabil qabri, wa min fitnatil
mahyá wal mamát, wa min fitnatil masíhid dajjál.” Ang
Hadíth na ito ay patunay na itinatagubilin ang isti‘ádhah
(pagpapakupkop) na nabanggit dito matapos ang panalangin
para sa Propeta (SAS).
Ayon kay Abú Bakr (RA), siya ay nagsabi sa Sugo ni Allah
(SAS), “Turuan mo po ako ng panalangin na ipandadalangin ko
sa saláh ko.” Nagsabi ang Propeta (SAS): “Sabihin mo,
Alláhumma inní dhalamtu nafsí dhulman kathírá, wa lá
yaghfirudh dhunúba illá anta, faghfir lí maghfiratam min
‘indaka warhamní, innaka antal ghafúrur rahím.”
Ang Hadíth na ito ay patunay na itinatagubilin nang walang
pasubali ang pananalangin sa saláh. Ginagawa ito pagkatapos
45
ng tashahhud, panalangin (Salawát) sa Propeta, at isti‘ádhah
laban sa apat na nabanggit dahil ang sabi ng Propeta sa Hadíth
na isinalaysay ni Ibnu Mas‘úd (RA): “Pagkatapos ay pumili
siya ng panalangin na naibigan niya at manalangin siya.” Sa
Hadíth na ito ay may patunay ng pagpapahintulot ng
pagdalangin sa saláh sa pamamagitan ng panalanging nabanggit
sa ibang Hadíth o ng panalanging hindi nabanggit sa Hadíth,
yayamang wala naman ditong ipinagbabawal ayon sa Batas ng
Islam. Sa ibang Hadíth ay ganito naman ang pagkakasabi:
“Pagkatapos ay mamili na siya ng kahilingang ninais niya.”
IKASAMPUNG ARALIN
Ang mga sunnah (itinatagubilin) sa saláh:
1. Ang pagbigkas ng du‘á’ al-Istiftáh;
2. Ang paglagay ng kanang kamay sa kaliwang kamay
na nakapatong sa dibdib samantalang nakatayo;
3. Ang pagtaas nang pantay sa balikat o tainga ng mga
kamay na magkadikit ang mga daliri sa unang takbír,
sa pagyukod, sa pagbangon mula sa pagkayukod, at sa
pagtindig mula sa unang tashahhud para simulan ang
ikatlong rak‘ah;
4. Ang pagdaragdag sa isang ulit na pagsabi ng subhána
rabbiyal ‘adhím habang nakayukod o subhána
rabbiyal a‘lá habang nakapatirapa;
5. Ang pagdagdag sa sinasambit na rabbaná wa lakal
hamd pagkatapos ng pagyukod;
6. Ang pagdagdag sa isang ulit na pagsabi ng rabbighfir
lí warhamní… sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa;
46
7. Ang pagpapantay ng ulo sa likod kapag nakayukod;
8. Ang paglayo ng mga mataas na braso sa gilid ng
katawan, at ng tiyan sa mga hita kapag nakapatirapa;
9. Ang pag-aangat ng mga braso sa lapag kapag
nakapatirapa;
10. Ang pag-upo ng nagdadasal sa kanyang kaliwang paa
at ang pagtukod ng kanang paa sa unang tashahhud at
sa pagitan ng dalawang magkasunod na
pagpapatirapa;
11. Ang pag-upo sa huling tashahhud ng upong tawarruk:
nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang
paa sa ilalim ng kanang binti at nakadiit sa lapag ang
kanang pigi.
12. Ang pagbigkas ng salawát pagkatapos ng tahiyát sa
unang tashahhud.
13. Ang pananalangin sa katapusan ng huling tashahhud;
14. Ang malakas na pagbigkas ng talata ng Qur’an sa
saláh sa fajr at unang dalawang rak‘ah ng saláh sa
maghrib at ‘ishá’.
15. Ang tahimik na pagbigkas ng talata ng Qur’an sa saláh
sa dhuhr, sa ‘asr, sa ikatlong rak‘ah ng maghrib, at sa
huling dalawang rak‘ah ng ‘ishá’;
16. Ang pagdagdag ng iba pang talata ng Qur’an,
pagkatapos ng Súrah al-Fátihah, kalakip ng
pagsasaalang-alang sa iba pang mga sunnah sa saláh
bukod pa sa binanggit natin.
___
Nahahati ang mga sunnah sa saláh sa dalawang uri:
1. Ang mga sunnah sa mga sinasabi.
47
2. Ang mga Sunnah sa mga ginagawa.
Nabanggit ng may-akda ang mga sunnah (itinatagubilin) na
ito sa tekstong ipinaliliwanag. Ang mga sunnah na ito ay hindi
kailangang gawin ng nagsasagawa ng saláh subalit kung ginawa
niya ang mga ito o ang ilan sa mga ito, gagantimpalaan siya.
Ang sinumang di-magsagawa ng mga sunnah o di-magsagawa ng
anuman sa mga ito ay wala siyang pagkakasala, gaya ng iba
pang mga sunnah. Subalit nararapat sa isang Muslim na
isagawa niya ang mga ito. Alalahanin niya ang sabi ng Propeta
(SAS): “Dapat ninyong isagawa ang aking Sunnah at ang
Sunnah ng mga Khalífah na napatnubayan at nagabayan.
Kagatin ninyo ang mga ito ng mga bagang ninyo.” Si Allah
ay higit na nakaaalam.
IKALABING-ISANG ARALIN
Ang mga pampasira ng saláh ay walo:
1. Ang sinasadyang pagsasalita kasabay ng pagkaalaala
at pagkakaalam [na pampasira iyon ng saláh], ngunit
ang isang nakalimot o ang isang di-nakaaalam ay hindi
masisira ang saláh niya dahil doon;
2. Ang pagtawa;
3. Ang pagkain;
4. Ang pag-inom;
5. Ang pagkalitaw ng ‘awrah;
6. Ang labis na paglihis mula sa qiblah;
7. Ang maraming sunod-sunod na galaw na walang
kinalaman sa saláh; at
8. Ang pagkasira ng wudú’.
___
48
Pagkatapos banggitin ng may-akda ang mga kondisyon sa
saláh, mga haligi nito, mga wájib nito, at mga sunnah nito sa
sinasabi at ginagawa ay sinimulan naman niyang banggitin ang
mga Pampasira sa saláh upang ang isang Muslim ay makapagingat
na masira ang kanyang saláh sa pamamagitan ng paggawa
ng isa sa walong Pampasira ng saláh. Ang mga ito ay ang
sumusunod:
1. Ang sinasadyang pagsasalita kasabay ng pagkaalaala at
pagkakaalam [na pampasira iyon ng saláh], ngunit ang
isang nakalimot o ang isang di-nakaaalam ay hindi masisira
ang saláh niya dahil doon sapagkat ayon sa isang Hadíth na
naisalaysay ayon kay Zayd ibnu al-Arqam (RA): “Ipinag-utos
sa amin ang pananahimik [sa saláh] at ipinagbawal sa amin ang
pagsasalita.”
2. Ang pagtawa. Nagsabi si Ibnu Mundhir (isang dalubhasa sa
larangan ng Batas ng Islam): “Nagkakaisa sila sa hatol na ang
pagtawa ay nakasisira sa saláh.”
3 at 4. Ang pagkain at ang pag-inom. Nagsabi si Ibnu
Mundhir: “Nagkakaisa sa hatol ang bawat natatandaan natin [na
pantas ng Islam] na ang sinumang kumain o uminom nang
sadya sa saláh na fard ay kailangan niyang ulitin [ang saláh].”
5. Ang pagkalitaw ng ‘awrah sapagkat kabilang sa mga
kondisyon ng saláh ang pagtatakip sa ‘awrah; kaya naman kapag
nalabag ang kondisyon, masisira ang kinokondisyunan at iyon
ay ang saláh.
6. Ang labis na paglihis mula sa qiblah sapagkat kabilang sa
mga kondisyon ng saláh ang pagharap sa qiblah gaya ng
nabanggit na.
49
7. Ang maraming sunod-sunod na galaw na walang
kinalaman sa saláh sapagkat kapag dumami ang mga ito nang
sunod-sunod, nasisira ang saláh ayon sa nagkakaisang hatol sa
Islam. Nabanggit sa al-Káfí (isang aklat sa Batas ng Islam):
“Kung kakaunti, hindi ito makasisira doon…sapagkat ang
pagbubuhat niya (SAS) kay Umámah sa sandali ng pagdarasal
[ay hindi nakasira sa saláh niya]; kapag tumayo siya, binubuhat
niya ito; at kapag magpapatirapa siya, inilalapag niya
ito.…Sumulong siya at umurong sa saláh para sa eklipse.”
8. Ang pagkasira ng wudú’ sapagkat ito ay isang kondisyon
upang maging tumpak ang saláh; kaya naman kapag nasira ang
wudú’, nasisira rin ang saláh.
IKALABINDALAWANG ARALIN
Ang mga kondisyon sa pagsasagawa ng wudú’ ay
sampu:
1. Ang pagiging kaanib ng Islam,
2. Ang sapat na pag-iisip,
3. Ang tamang gulang,
4. Ang níyah (hangarin),
5. Ang pagpapatuloy sa pagsasagawa nito: na hindi
maglalayong ititigil ito hanggang hindi nalulubos ang
wudú’,
6. Ang paghinto ng bisa ng wudú’,
7. Ang pagsagawa ng istinjá’ o ng istijmár bago
magsagawa ng wudú’,
8. Ang pagiging tahúr (maipanglilinis) at ang pagiging
mubáh (ipinahihintulot na gamitin) ng tubig,
50
9. Ang pag-aalis ng anumang pumipigil sa pagdating ng
tubig sa balat,
10. Ang pagsapit ng oras ng saláh para sa palagiang
nasisiraan ng wudú’,
___
Ang mga kondisyon ng wudú’ ay: ang pagiging kaanib ng
Islam, ang sapat na pag-iisip, ang tamang gulang, at ang níyah
(hangarin). Samakatuwid, hindi magiging tanggap ang wudú’
ng isang káfir sapagkat hindi matatanggap ang wudú’ mula sa
kanya hanggat hindi siya yumayakap sa Islam; hindi tanggap
ang wudú’ ng isang baliw dahil wala siyang tungkulin; hindi
matatanggap ang wudú’ ng paslit dahil wala pa siya sa tamang
gulang; hindi tanggap ang wudú’ ng sinumang hindi naglayong
magsagawa ng wudú’: halimbawa kung naglayon siyang
magpalamig lamang o maghugas ng mga bahagi ng katawan
upang maalis ang dumi o grasa.
Hinihiling din na isang kondisyon para sa pagsasagawa ng
wudú’ na ang tubig ay tahúr (maipanglilinis) sapagkat kung ito
ay najis, hindi ito matatanggap para sa wudú’. Hinihiling din na
isang kondiyson para sa pagsasagwa ng wudú’ na ang tubig ay
mubáh (ipinahihintulot na gamitin) sapagkat kung ito ay nakaw
o nakuha sa paraang hindi alinsunod sa paraang legal sa Islam,
hindi magiging tumpak ang wudú’ sa pamamagitan nito.
Hinihiling din na isang kondisyon sa pagsasagawa ng wudú’ na
nakapagsagawa muna ng istinjá’ (paglilinis sa pamamagitan ng
tubig) o istijmár (paglilinis sa pamamagitan ng solidong bagay,
kung walang tubig, gaya ng bato, papel, dahon at iba pa) tuwing
matapos umihi o dumumi. Hinihiling din na isang kondisyon
ang pag-aalis ng anumang nakahahadlang sa pagdating ng tubig
sa katawan na kailangan ang wudú’; kaya kailangang alisin ng
nagsasagawa ng wudú’ ang anumang nasa mga bahagi ng
51
katawan na hinuhagsan sa wudú’ gaya ng putik o wax o
makapal na pangkulay na nakadikit sa balat upang direktahang
dumaloy nang walang sagabal ang tubig sa balat ng bahagi ng
katawan na kailangang mababasa.
Hinihiling din na kondisyon ang pagsapit ng oras ng saláh
para sa palagiang nasisiraan ng wudú’ dahil nag-utos ang
Propeta (SAS) sa babaeng may istihádah na magsagawa ng
wudú’ sa bawat saláh.
IKALABINTATLONG ARALIN
Ang mga fard (obligadong gawain) sa pagsasagawa
ng wudú’ ay anim:
1. Ang paghuhugas ng mukha kasama rito ang
pagmumumog at ang paglilinis ng ilong,
2. Ang paghuhugas ng mga kamay hanggang sa mga
siko,
3. Ang paghaplos [ng basang kamay] sa buong ulo
kasama na ang mga tainga,
4. Ang paghuhugas sa mga paa hanggang sa mga
bukong-bukong,
5. Ang pagkakasunod-sunod, at
6. Ang tuloy-tuloy na pagsasagawa.
___
Ang mga fard ng wudú’ ay sinabi ni Allah (5:6): “O mga
sumampalataya, kapag nais ninyong magsagawa ng dasal
ay hugasan ninyo ang inyong mga mukha, ang inyong mga
kamay hanggang sa mga siko—haplusin ninyo ang inyong
mga ulo—at ang inyong mga paa hanggang sa bukongbukong.…”
52
1. Ang paghuhugas ng mukha kasama na rito ang
pagmumumog at ang paglilinis ng ilong. Nagsabi si Allah
(5:6): “…hugasan ninyo ang inyong mga mukha,…” Ang
patunay na kailangan ang pagmumumog at paglilinis ng ilong
ay sa dahilang ang dalawang ito ay bahagi ng mukha, at dahil na
rin sa ang bawat naglarawan sa pagsasagawa ng wudú’ ng
Propeta (SAS) ay nababanggit ang pagmumumog at ang
paglilinis ng ilong. Nasasaad sa Hadíth ayon kay Abú Hurayrah
(RA) na ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Kapag nagsagawa ng
wudú’ ang sinuman sa inyo ay lagyan niya ng tubig ang
kanyang ilong at pagkatapos ay isinga ito.”
2. Ang paghuhugas ng mga kamay hanggang sa mga siko
dahil ang sabi ni Allah (5:6): “…hugasan ninyo ang inyong
mga mukha, ang inyong mga kamay hanggang sa mga
siko…” Ibig sabihin “pati ang mga siko.” Samakatuwid,
kailangang hugasan ang mga siko sapagkat ang Propeta (SAS)
ay naghuhugas ng kanyang mga siko sa pagsasagawa ng wudú’.
3. Ang paghaplos [ng basang kamay] sa buong ulo kasama
na ang mga tainga sapagkat ang sabi ni Allah (5:6):
“…haplusin ninyo ang inyong mga ulo…” Nagsabi naman
ang Propeta (SAS): “Ang mga tainga ay bahagi ng ulo.” At
sapagkat ang Propeta (SAS) ay humahaplos sa kanyang ulo at
sa kanyang mga tainga sa pagsasagawa ng wudú’.
4. Ang paghuhugas sa mga paa hanggang sa mga bukongbukong
sapagkat ang sabi ni Allah (5:6): “…hugasan ninyo
ang inyong mga mukha, ang inyong mga kamay hanggang
sa mga siko—haplusin ninyo ang inyong mga ulo—at ang
inyong mga paa hanggang sa bukong-bukong.…”
53
5. Ang pagkakasunod-sunod sapagkat binanggit ni Allah ang
pagsasagawa nito na magkakasunod-sunod. Isiningit pa nga
Niya ang hinahaplos (ang ulo) sa pagitan ng mga hinuhugasan
(ang mga kamay at ang mga paa) at pinutol Niya ang
pagkakarugtong ng kamay sa paa. Ang ipinahihiwatig nito rito
ay ang pagkakasunod-sunod. Isinasagawa ng Propeta (SAS)
ang wudú’ sa ganitong pagkakasunod-sunod. Siya, sa
pamamagitan ng kanyang salita at kanyang gawa, ay ang
tagapagpaliwanag sa Aklat ni Allah.
6. Ang tuloy-tuloy na pagsasagawa: hindi ipagpapaliban ang
paghuhugas sa isang bahagi hanggang sa matuyo ang naunang
bahaging hinugasan. Ang patunay nito ay ang Sugo (SAS) na
siyang tagagawa ng batas at tagapaglinaw para sa kanyang mga
tagasunod ng mga alituntunin ng kanilang pananampalataya, at
ang bawat naglarawan sa wudú’ ng Sugo (SAS) ay naglarawang
tuloy-tuloy ang pagsasagawa nito.
IKALABING-APAT NA ARALIN
Ang mga pampasira ng wudú’ ay anim:
1. Ang lumalabas sa puwit at ari;
2. Ang lumalabas na labis-labis na Najis mula sa
katawan;
3. Ang pagkawala ng malay sanhi ng pagkatulog at iba
pa;
4. Ang paghipo sa ari o puwit sa pamamagitan ng kamay
na hindi natatabingan;
5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo;
6. Ang pagtalikod sa Islam, huwag ipahintulot ni Allah
na mangyari iyon sa atin at sa lahat ng mga Muslim.
54
___
Tinalakay ng may-akda sa nagdaang aralin ang tungkol sa
wudú’. Nais niya namang linawin sa araling ito ang mga bagay
na nakasisira sa wudú’ upang ang isang Muslim ay magkaroon
ng kaalaman sa bagay-bagay tungkol sa kanyang Relihiyon;
kaya naman binanggit niya sa atin na ang mga nakasisira sa
wudú’ ay ang mga sumusunod:
1. Ang lumalabas sa puwit at ari: marami man o kaunti.
Dalawang uri ito:
A. Ang karaniwan gaya ng ihi o dumi. Ito ay nakasisira sa
wudú’, walang pagtatalo hinggil dito. Nagsabi si Allah
(5:6): “…o dumating ang isa sa inyo mula sa
palikuran…”
B. Ang bibihira gaya ng bulate, buhok, o bato. Nakasisira
rin ang mga ito sa wudú’ sapagkat ang sabi ng Propeta
(SAS) sa isang babaeng may istihádah: “Magsagawa ka
ng wudú’ sa bawat pagdarasal.” Ang dugong lumalabas
sa kanya ay hindi karaniwan ngunit dahil sa iyon ay
lumalabas sa ari, naging kawangis na rin iyon ng
karaniwang lumalabas.
2. Ang lumalabas na labis-labis na Najis mula sa katawan.
Ito ay nakasisira sa wudú’ kapag marami, ngunit kung kakaunti
ay hindi naman makasisira sa wudú’. Halimbawa, ang dugo,
kapag lumabis ang lumabas, ito ay makasisira sa wudú’. Ngunit
kung kakaunti naman ay hindi makasisira dahil ang sabi ni Ibnu
‘Abbás (RA) hinggil sa dugo [na lumabas]: “Kapag labis-labis
ay kailangan siyang umulit [sa pagsasagawa ng wudú’].” Nang
pinisil ni Ibnu ‘Umar (RA) ang kanyang tagihawat at may
lumabas na dugo ay nagdasal siya ngunit hindi na siya muling
nagsagawa ng wudú’. Walang Kasama ng Propeta (SAS) na
55
nalamang sumalungat sa kanilang dalawa hinggil dito; kaya
naman iyon ay naging isa nang pinagkaisahang hatol.
3. Ang pagkawala ng malay sanhi ng pagkatulog at iba pa
gaya ng pagkabaliw, pagkawala ng ulirat o pagkalango dahil
ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang kamalayan ay pampigil ng
paglabas ng najis; kaya ang sinumang nakatulog ay
magsagawa ng wudú’ [bago magdasal].” Ang pagkawala ng
ulirat, ang pagkabaliw, at ang pagkalango ay higit na matindi
ang dulot na kawalan ng kamalayan kaya naman lalo itong
nakasisira sa wudú’ .
4. Ang paghipo sa ari o puwit sa pamamagitan ng kamay na
hindi natatabingan dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang
sinumang humipo sa kanyang ari (o puwit) ay magsagawa ng
wudú’.”
5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo dahil may naisalaysay
[na Hadíth] mula kay Jábir ibnu Samurah (RA) na may isang
lalaki na nagtanong sa Propeta (SAS): “Magsasagawa po ba ako
ng wudú’ matapos kumain ng karne ng kamelyo?” Nagsabi
siya: “Oo, magsagawa ka ng wudú’ matapos kumain ng karne
ng kamelyo.”
6. Ang pagtalikod sa Islam, pangalagaan tayo ni Allah at
ang lahat ng mga Muslim laban doon dahil ang sabi ni Allah
(39:65): “talaga namang kung nagtambal ka kay Allah ay
talagang mawawalan nga ng kabuluhan ang iyong gawa”
Pangkalahatang Paalaala:
Tungkol naman sa pagpapaligo sa patay, ang tumpak na
pahayag ay hindi ito nakasisira sa wudú’. Ito ang pahayag ng
nakararami sa mga pantas ng Islam dahil walang patunay na
nakasisira nga iyon. Subalit kung sakaling nasaling ng
56
tagapaligo ng patay ang ari o puwit ng patay nang hindi
natatabingan iyon o hindi natatabingan ang kamay niya,
kailangang magsagawa siya ng wudú’ pagkatapos.
Gayon din ang pagsaling (paghawak o paghipo) sa babae,
may pagnanasa man o walang pagnanasa, hinding-hindi iyon
nakasisira sa wudú’ ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga
pantas ng Islam, hangga’t walang anumang likidong sanhi ng
pagnanasa na lumabas sa kanya sapagkat si Propeta
Muhammad (SAS) ay humalik sa ilan sa mga maybahay niya at
pagkatapos ay nagdasal siya at hindi na siya muling nagsagawa
ng wudú’. Tungkol naman sa sinabi ni Allah (4:43 o 5:6): “…o
sumaling kayo ng mga babae…” ang tinutukoy rito ay ang
pakikipagtalik sa babae ayon sa pinakatumpak na pahayag ng
nakararaming pantas ng Islam. Ito rin ang pahayag ni Ibnu
Abbas at ng iba pa.
IKALABINLIMANG ARALIN
Ilan sa mga itinatagubiling pag-uugali para sa bawat
Muslim:
Ang pagkamatapat, ang pagkamapagkakatiwalaan,
ang kalinisan ng moralidad, ang pagkakaroon ng hiya,
ang katapangan, ang pagkamapagbigay, ang pagtupad sa
pangako, ang pag-iwas sa lahat ng ipinagbabawal ni
Allah, ang pagiging mabuting kapitbahay, ang pagtulong
sa mga nangangailangan, at iba pang mga pag-uugali na
ipinakita ng Banal na Qur’an at Hadíth, na ang mga iyon
ay itinatagubilin.
57
IKALABING-ANIM NA ARALIN
Ang mga kaasalang itinatagubilin ng Islam:
Ang pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng assalámu
‘alaykum; ang pagkamasayahin; ang paggamit ng kanang
kamay sa pagkain at pag-inom; ang pagsunod sa mga
kagandahang asal na itinatagubilin ng Islam sa pagpasok
sa masjid o bahay, sa paglabas sa mga ito, sa
paglalakbay; ang paggawa ng magaling sa mga
magulang, mga kamag-anak, mga kapit-bahay, mga
nakatatanda, at mga nakababata; ang pagbati sa
nagkaroon ng anak; ang pakikiramay sa dinapuan ng
kasawian; at iba pang mga kaasalan na maka-Islam.
___
Matapos na linawin ng may-akda, kaawaan siya ni Allah,
ang mga alituntunin sa paniniwala at ang mga alituntunin sa
pagsamba sa nagdaang mga aralin, ninais niyang linawin sa
madlang kaanib ng Islam ang ilan sa mga pag-uugali at
kaasalan sa Islam na itinatagubilin sa bawat Muslim. Kaya
tungkulin mo, kapatid sa Islam—nawa’y patnubayan tayo ni
Allah sa lahat ng mabuti—na isagawa ang mga iyon upang
makagawa ka sa mga tao ng napakakahanga-hanga at
napakagaling na mga halimbawa sa pamamagitan ng mga
dakilang pag-uugali at mga kahanga-hangang kaasalan na iyon.
Nagtutulungan ang mga nasasaad sa Qur’an at Sunnah sa
paghimok sa pagsunod sa mga iyon. At kung hindi nga lamang
sa pangambang humaba ang usapan ay tinalakay ko na sana ang
mga ito. Gawin mong huwaran sa pagpapatupad ng mga iyon
ang Sugo ni Allah (SAS). Tinanong si ‘Á’isháh (RA) tungkol sa
kanyang pag-uugali; kaya naman nagsabi ito: “Ang kanyang
pag-uugali ay ang Qur’an.”
58
Nakilala ang Propeta (SAS) sa pagiging matapat, pagiging
mapagkakatiwalaan, pagiging matapang, pagiging mapagbigay,
at pagiging mapag-iwas sa lahat ng ipinagbawal ni Allah.
Tinularan din ng kanyang mga marangal na Kasama—kalugdan
sila ni Allah—ang kanyang gawi. Lumaganap ang Islam sa
maraming sulok ng mundo, una sa lahat, dahil sa mabuting
pakikitungo ng mga mangangalakal na Muslim sa kanilang
kapwa tao. Sila ay mga matapat at mga mapagkakatiwalaan.
Ang aking pag-asa ay nasa kay Allah at pagkatapos ay nasa
iyo, kapatid sa Islam, na nawa’y mapabilang ka sa mga
nagtataglay ng ganitong mga katangiang kapuri-puri.
Kailangang ikaw ay maging tapat sa salita at sa gawa;
mapagkakatiwalaan sa anumang ginagawa mo at
ipinagkakatiwala sa iyo; nagkakasya at nakadarama ng
kasapatan sa anumang nasa iyong kamay; may hiya, kaasalan,
katapangan, pagtupad sa pangako, bukas-palad, at pag-iwas at
paglayo sa kasalanan.
Maging mabuti ka sa iyong kapitbahay sapagkat ang
kanilang karapatan sa iyo ay malaki. Alalayan mo ang
nangangailangan sapagkat si Allah ay tumutulong sa tao
hangga’t ang tao ay tumutulong sa kanyang kapwa. Batiin mo
ang kilala mo at ang hindi mo kilala sapagkat ito ay bahagi ng
Sunnah; naghahasik ito ng pagmamahalan at nag-aalis ng
kalungkutan at pagkakalayo ng kalooban. Maging masayahin ka
sa harap ng iyong mga kapatid na Muslim sapagkat ito ay
bahagi ng pagkakawang-gawa.
Gawin mo ang itinuro sa iyo ng Sugo (SAS) gaya ng
pagkain at pag-inom sa pamamagitan ng kanang kamay. Sundin
mo ang Sunnah sa pamamagitan ng pag-uuna sa kanang paa sa
pagpasok sa masjid kalakip ng panalangin sa pagpasok sa
masjid, at pag-uuna naman sa kaliwang paa sa paglabas dito.
59
Panatilihin mo ang pagbanggit sa panalangin sa pagpasok at
paglabas sa bahay upang mapag-ingatan ka ng pag-iingat ni
Allah, at mapangalagaan ka ng Kanyang pangangalaga. Sa
iyong paglalakbay ay huwag mong kalimutan ang panalangin sa
paglalakbay. Maging mabait ka sa iyong mga magulang at
pakitunguhan mo sila ayon sa kung ano ang nakabubuti. Dapat
mong malaman na ang karapatan nila sa iyo ay malaki, na
tinukoy sa Qur’an at Hadíth; huwag mong ipagwalang-bahala
ang mga iyon dahil magsisi ka kapag wala nang oras para
magsisisi. Huwag mong kalimutan na gumawa ng magaling sa
iyong mga kamag-anak, mga kapit-bahay, mga nakatatanda, at
mga nakababata sapagkat ito ay tagubilin ng Diyos at ng
Propeta (SAS). Nagsabi si Allah (2:195): “…Gumawa kayo
ng magaling; tunay na iniibig ni Allah ang mga gumgawa
ng magaling.” Nagsabi naman ang Propeta (SAS): “Tunay na
hindi ninyo mabibigyang-kasiyahan ang mga tao sa
pamamagitan ng inyong mga yaman, ngunit hayaang
bigyang-kasiyahan sila mula sa inyo ng kaaya-ayang mukha
at magandang ugali.” Nagsabi siya kay Mu‘ádh: “Mangilag
kang magkasala kay Allah saan ka man naroon, pasundan mo
ang masamang gawa ng mabuting gawa na magpapawi roon,
at pakitunguhan mo ang mga tao ng magandang paguugali.”
Nagsabi naman ang isang makata:
Gumawa ka ng magaling sa mga tao,
aalipinin mo ang kanilang mga puso
Sapagkat matagal nang inalipin ang tao
ng magaling na pakikitungo
Batiin mo ang magulang sa pagsilang ng kanyang sanggol,
at ipanalangin mo sa pamamagitan ng panalangin para roon.
Damayan mo ang mga kapatid mong dinapuan ng dalamhati,
60
gagantimpalaan ka dahil doon at makakamtan mo ang katulad
ng gantimplang laan sa kanila (dahil sa pagtitiis nila sa
dalamhati). Sundin mo ang iba pang mga kaasalan sa Islam at
iwasan mo ang mga masamang ugali. Nawa’y gawin tayo ni
Allah na kabilang sa mga sumusunod sa mga pag-uugali at mga
kaasalang itinatagubilin ng Islam, at sa mga umiiiwas sa mga
kadusta-dustang pag-uugali; tunay na Siya ay may kakayahan sa
lahat ng bagay at sa pagtugon sa dalangin ay karapat-dapat.
Pagpalain at pangalagaan ni Allah ang ating Propeta na si
Muhammad sampu ng lahat ng mag-anak niya at mga Kasama
niya.
IKALABIMPITONG ARALIN
Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk at sa iba’tibang
uri ng mga pagsuway, na ang ilan sa mga ito ay ang
pitong nakapagpapahamak na kasalanan: ang
pagtatambal kay Allah (Shirk), ang panggagaway, ang
pagkitil ng buhay sa ipinagbawal ni Allah na kitilin nang
wala sa katuwiran, ang paggamit ng ari-arian ng mga
ulila, ang ribá (patubo sa utang), ang pagtakas sa gitna ng
labanan, at ang paninirang-puri sa mga mararangal na
inosenteng babaeng mananampalataya. Kabilang din sa
mga ito ang pagsuway sa mga magulang; ang pagputol ng
ugnayan sa mga kamag-anak; ang pagsaksi sa
kabulaanan; ang sinungaling na panunumpa; ang
panliligalig sa kapitbahay; ang paggawa ng kawalangkatarungan
sa mga tao: sa kanilang mga buhay, mga ariarian,
mga dangal; at iba pang ipinagbawal ni Allah at ng
Kanyang Sugo (SAS).
61
___
Nang natapos na ng may-akda na banggitin ang ilan sa mga
pag-uugali at mga kaasalang itinatagubilin ng Islam para sa
bawat Muslim, ninais niyang linawin sa araling ito ang panganib
na dulot ng Shirk at ang babala laban dito at sa lahat ng
pagsuway kay Allah, na ang ilan sa mga ito ay ang pitong
nakapagpapahamak na kasalanan upang makaapag-ingat ang
mga kaanib ng Islam na masadlak sa mga ito. Ayon kay Abú
Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi: “Layuan
ninyo ang pitong nakapagpapahamak na kasalanan.”
Nagsabi sila: “O Sugo ni Allah, ano po ang mga iyon?” Nagsabi
siya: “Ang pagtatambal kay Allah (Shirk), ang panggagaway,
ang pagkitil sa buhay na ipinagbawal ni Allah na kitilin nang
wala sa katuwiran, ang paggamit ng ari-arian ng mga ulila,
ang ribá (patubo sa utang), ang pagtakas sa gitna ng
labanan, at ang paninirang-puri sa mga marangal at
inosenteng babaeng mananampalataya.”
Tinawag ito na nakapagpapahamak dahil ito ay
nagpapahamak sa gumagawa nito sa mundo dahil sa inilaang
mga kaparusahan, at sa Kabilang-buhay dahil sa nakalaang
pagdurusa. Nauna nang natalakay ang tungkol sa Shirk sa
Ikaapat na Aralin, kaya naman repasuhin na lamang kung
kailangan.
Ang panggagaway (karunungang itim o sihr sa wikang
Arabe) ay kinabibilangan ng mga azímah (birtud o agimat na
isinusulat), mga ruqyah (birtud o agimat na binibigkas o
ibinubulong), at mga gawang nakaapekto sa damdamin o pagiisip
(pangagayuma) at katawan (pangkukulam). Kabilang dito
ang nakapagdudulot ng karamdaman o kamatayan sa biktima, at
nagpapahiwalay sa mag-asawa. Kabilang din dito ang paggawa
ng ilusyon sa mga mata ng mga tao: pangitaing walang
62
katotohanan, gaya ng sinabi ni Allah (20:65-66): “Nagsabi
sila, “O Moises, mauna kang magtatapon o kami ang unang
magtatapon. Nagsabi siya, “Datapuwa’t magtapon muna
kayo.” Walang anu-ano, ang kanilang mga lubid at ang
kanilang mga tungkod ay lumitaw sa kanyang paningin—
dahil sa kanilang panggagaway—na ang mga ito ay mabilis
na gumagapang.” Ang panggagaway ay ipinagbabawal
sapagkat ito ay kawalang pananampalataya kay Allah at
sumasalungat sa Pananampalataya at Tawhíd. Nagsabi si Allah
(2:102): “Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa
sinuman hanggat hindi sinasabi ng mga ito: “Kami ay tukso
lamang, kaya huwag kang tumalikod sa
pananampalataya.”” Ang parusa sa manggagaway ay
kamatayan. Ang lahat ng nasasaad sa Hadíth na nabanggit at
ang binanggit ni Shaykh Ibnu Báz matapos ang pitong
nakapagpapahamak na kasalanan ay ipinagbabawal ayon sa
nasaad sa Qur’an at Sunnah.
Kaya tungkulin ng bawat Muslim na iwasan nang lubusan
ang panggaway. Kung nakagawa man siya ng anuman mula sa
panggagaway, kailangang iwaksi at tigilan niya iyon, at saka
magkaroon ng matatag na pagpapasyang hindi na muling
gagawin ang kasalanang iyon sa ikalawang pagkakataon at pati
na ang iba pang mga kasalanan at mga pagsuway. Ipagbabawal
niya rin iyon sa sinumang nasa ilalim ng kanyang kamay at
bibigyang-babala niya naman ang mga kapatid niyang Muslim
laban sa pagkasadlak sa mga iyon. Ipaliliwanag niya ang
panganib na dulot niyon sa pananampalataya sapagkat ito ay
bahagi ng pakikipagtulungan sa kabutihan at pangingilag sa
pagkakasala, at bahagi rin ng pag-aatas sa nakabubuti,
pagsaway sa nakasasama, at pag-aanyaya tungo kay Allah. Ito
ang pamamaraan ng mga Propeta (SAS). Nagsabi si Allah sa
63
pamamagitan ng Kanyang Propeta na si Muhammad (12:108):
“Sabihin mo: “Ito ang landas ko. Nag-aanyaya ako kay
Allah nang may kabatiran, ako at ang sinumang sumunod
sa akin.”
Nawa’y pangalagaan kayo ni Allah sampu ng lahat ng mga
Muslim laban sa lahat ng mga kasalanan at mga pagsuway, at
nawa’y patatagin Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang
matatag na salita dito sa Lupa at sa Kabilang-buhay. Tunay na
ang Panginoon natin ay dumidinig at tumutugon sa mga
panalangin. Pagpalain at pangalagaan ni Allah ang ating
Propeta na si Muhammad, ang kanyang mag-anak, at ang lahat
ng kanyang mga Kasama.
IKALABING-WALONG ARALIN
Ang paghahanda sa patay at ang pagsasagawa ng
saláh para sa patay.
A. Ang Paghahanda sa Patay
1. Kapag natiyak ang kamatayan ng isang Muslim,
ipipikit ang mga mata nito at tatalian ang panga nito.
2. Sa pagpapaligo ng isang patay na Muslim ay tatakpan
ang ‘awrah nito, iaangat nang kaunti ang likod nito at
pipisilin nang marahan ang tiyan nito. Pagkatapos ay
babalutin ng tagapagpaligo ng basahan ang kanyang
kamay o magsusuot siya ng guwantes at huhugasan niya
ang ari at puwit ng patay. Pagkatapos ay gagawan niya
ito ng wudú’ na tulad ng wudú’ para sa saláh. Pagkatapos
ay huhugasan niya ang ulo nito at ang balbas nito ng
tubig na may lotus o tulad nito. Pagkatapos ay huhugasan
64
muna ang kanang bahagi ng katawan at saka ang
kaliwang bahagi ng katawan at uulitin ang ganitong
paghuhugas sa ikalawa at ikatlong beses. Sa tuwing
hinuhugasan ito ay pipisilin nang banayad ang tiyan nito.
Kapag may lumabas sa ari o puwit nito ay huhugasan
niya ito. Lalagyan ang puwit ng bulak o anumang tulad
nito. Kung hindi mapigilin ay lalagyan ito ng putik o
maaari ring gamitin ang mga makabagong pamamaraan
ng medisina gaya ng plaster at iba pa.
Uulitin ang ginawang wudú’ para rito. At kung hindi
pa ito nalinis sa tatlong paghuhugas, magdadagdag ng
dalawa o apat na beses na paghuhugas. Pagkatapos ay
pupunasan ng tela, lalagyan ng pabango ang kili-kili, ang
singit, at ang bahagi ng katawan na nakadiit sa lapag
kapag nagpapatirapa. Kung lalagyan ng pabango ang
buong katawan ng patay ay mainam din. Pauusukan ng
insenso ang kanyang mga kafn (pambalot sa patay).
Kung ang bigote o ang kuko nito ay mahaba, gugupitin
ang mga iyon. Ang buhok ng lalaking patay ay hindi
susuklayin. Ang buhok naman ng babaeng patay ay
itatarintas sa tatlong bahagi at ilalaylay sa likuran nito.
3. Ang pagbabalot ng patay. Ang pinakamainam ay na
balutin ang lalaki sa tatlong puting tela na walang
panloob na damit o takip sa ulo (‘amámah).At kung
babalutin man sa Qamís, Izár (isang tela na ipinantatapis
sa baywang nito), at Lifafáh (pambalot sa buong katawan
ng patay) ay wala ring masama. Ang babae naman ay
babalutin sa limang tela: (1) Dir‘ (maluwang na panlabas
65
na kasuotan na may manggas), (2) Khimár (panakip sa
ulo at mukha), (3) Izár, at (4) dalawang Lifáfah.
Ang batang lalaki ay binabalot sa isa hanggang sa
tatlong pirasong tela. Ang batang babae naman ay
pinasusuutan ng Qamís at binabalot sa dalawang Lifáfah.
4. Ang may higit na karapatan na magpaligo sa lalaking
patay, magsagawa ng saláh para sa kanya, at maglibing
sa kanya ay ang taong pinagbilinan niya niya niyon,
pagkatapos ay ang kanyang ama, pagkatapos ay ang
kanyang lolo, at pagkatapos ay ang mga kamag-anak sa
panig ng kanyang ama ayon sa kung sino ang lalong
malapit. Ang lalong karapat-dapat na magpaligo sa
babaeng patay ay ang babaeng pinagbilinan niya,
pagkatapos ay ang kanyang ina, pagkatapos ay ang
kanyang lola, at pagkatapos ay ang mga babaeng kamaganak
ayon sa kung sino ang lalong malapit. Ang magasawa
ay maaaring magpaligo sa isa sa kanila sapagkat
noong namatay si Abú Bakr (RA) ay pinaliguan siya ng
kanyang asawa, at sapagkat si ‘Alí (RA) ang nagpaligo sa
kanyang maybahay na si Fátimah (RA) noong namatay
ito.
B. Ang Saláh Para sa Patay
1. Magsasabi ng Alláhu akbar at bibigkasin ang Súrah
al-Fátihah. Kung sasamahan ng isang maikling Súrah o
isa o dalawang talata ng Qur’an ay mainam rin batay sa
Hadíth tungkol dito ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA).
66
2. Pagkatapos ay magsasabi muli ng Alláhu akbar sa
ikalawang pagkakataon at saka mananalangin nang
tahimik para sa Propeta (SAS) gaya ng sa Salawát sa
tashahhud.
3. Pagkatapos ay magsasabi muli ng Alláhu akbar sa
ikatlong pagkakataon at saka sasabihin ang panalanging
ito:
Alláhummaghfir lihayyiná wa mayyitiná, wa
sháhidiná wa ghá’ibiná, wa saghíriná wa kabíriná,
wa dhakariná wa untháná. Alláhumma man
ahyaytahu minná fa’ahyihi ‘alal Islám wa man
tawaffaytahu minná fatawwaffahu ‘alal ímán.
Alláhumma lá tahrimná ajrahu, wa lá tudillaná
ba‘dah.22
Alláhummaghfir lahu* warhamhu* wa‘áfihi* wa‘fu
‘anhu,* wa akrim nuzulahu* wa wassi‘
madkahlahu,* waghsilhu* bilmá’i waththalji
walbarad, wa naqqihi* minadh dhunúbi wal
khatáyá, kamá yunaqqath thawbul abyadu minad
danas, wa abdilhu* dáran khairam min dárihi* wa
22 O Allah, patawarin Mo ang nabubuhay pa sa amin at ang namatay na sa
amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin, ang bata sa
amin at ang matanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin. O
Allah, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa
Islam at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng
buhay na nasa pananampalataya. O Allah, huwag Mong ipagkait sa amin ang
kabayaran [sa pagtitiis] para sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw ngayong
wala na siya.