Mga Artikulo

Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin





5


UNANG ARALIN


Ang Súrah al-Fátihah at ang makakaya sa mga


maiikling Súrah mula sa Súrah az-Zalzalah (ika-99


Súrah) hanggang sa Súrah an-Nás (ika-114 Súrah) ay


ipabibigkas kalakip ng pagwawasto sa pagbigkas,


pagpapasaulo at pagpapaliwanag sa kinakailangang


maunawaan.





Nabanggit ni Shaykh ‘Abdul‘azíz ibnu Báz, kaawaan siya


ni Allah, sa Unang Aralin mula sa aklat na pinamagatang Ang


mga Mahahalagang Aralin Para sa Sambayang Muslim na


nararapat sa bawat Muslim—ayon sa kakayahan niya—na


matutuhang bigkasin ang Súrah al-Fátihah at ang makakaya


niya sa mga maiikling Súrah dahil ang matutuhang bigkasin


ang Súrah al-Fátihah ay tungkulin ng bawat Muslim mismo


dahil walang naisagawang saláh ang sinumang hindi bumigkas


ng al-Fátihah. Napatotohanan iyon sa isang Hadíth na Sahíh


mula sa Propeta (SAS).1 Tungkulin din ng nagtuturo ng Súrah


na ito sa mga tao na sundin ang mga sumusunod na hakbang:


A. Ipabibigkas sa mga tinuturuan ang tamang pagbigkas kung


hindi sila marunong bumasa ng Qur’an. Ngunit kung


marunong naman silang bumasa ng Qur’an, kailangang


lumipat na sila sa ikalawang antas mula sa antas ng


pagpapabigkas: pagwawasto sa pagbigkas. Pagkatapos ay


lilipat naman sa ikatlong antas: pagpapasaulo sa kanila ng


1Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at batiin siya ni Allah. Sinasabi ito


kapag binanggit ang pangalan o taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o kapag


tinutukoy siya.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


6


mga súrah na ito. Ang pagpapasaulo ay sa pamamagitan ng


ilang paraan na ang ilan ay ang sumusunod:


B. Bibigkasin ng nagtuturo ang mga talata ng Qur’an nang


dahan-dahan kalakip ang wastong bigkas. Hihilingin sa mga


nag-aaral na ulitin nila ang mga ito kasabay niya hangang sa


maisaulo nila. Pagkatapos ay ipaliliwanag sa kanila ang


kahulugan ng mga talata, sa paraang malinaw ayon sa


nauunawaan ng nag-aaral.


Pagkatapos niyon ay hahango siya ng ilang mga alituntunin


ng Islam mula sa mga talata na kanyang binigkas. Ang


halimbawa niyon ay ang mula sa Súrah al-Fátihah. Ipaliliwanag


niya sa kanila na ang pagbigkas ng al-Fátihah ay isa sa mga


saligan ng saláh sapagkat ang sabi ng Sugo2 (SAS): “Walang


saláh ang sinumang hindi bumigkas ng al-Fátihah.”


Sasabihin niya rin sa kanila na ang isa sa mga patakarang


napagkasunduan ng mga sinaunang Muslim at ng mga Pantas


ay ang maniwala sa mga pangalan at mga katangian ni Allah,


na sila ay kumikilala sa mga pangalan at mga katangian na


kinilala ni Allah na taglay ng Kanyang sarili o kinilala ng


Kanyang Sugo (SAS) na taglay Niya at ikinakaila nila ang


mga pangalan at mga katangian na ikinaila ni Allah na taglay


ng Kanyang sarili o ikinaila ng Kanyang Sugo (SAS) na taglay


Niya. Kinikilala nila ang mga ito nang walang Tahríf


(pagpapalit ng kahulugan), walang Tashbíh (pagwawangis),


walang Tamthíl (pagtutulad), at walang Takyíf (paglalarawan).


Ipababatid niya sa kanila na ang Pagsamba ay katagang


2 Kapag sinabi nating ang sabi ni Allah o ang sabi ng Sugo ni Allah, ang


tinutukoy natin ay ang salin sa Tagalog ng sinabi nila, ayon sa kakayahan ng


tagapagsalin.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


7


sumasaklaw sa bawat kinalulugdan at naiibigan ni Allah na


mga salita at mga gawang nakikita at di-nakikita.


Ilan sa mga alituntuning mahahango sa Súrah al-Fátihah na


dapat linawin ng nagtuturo ay ang sumusunod:


A. Na ang Pagsamba, kapag nahaluan ng Shirk, ay nasisira


at nawawalan ng kabuluhan. Lilinawin niya rin sa kanila


na nararapat na isaisip ng isang Muslim ang Araw ng


Pagganti.


B. Na ang hindi paglimot sa Araw ng Pagganti ay


nakatutulong sa tao sa pagsasagawa ng mga kautusan ni


Allah at sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal.


Gayon din ang gagawin niya sa mga ibang Súrah:


ipabibigkas, iwawasto ang pagbigkas, ipasasaulo, at


ipaliliwanag.


IKALAWANG ARALIN


Ang pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allah at na si


Muhammad ay Sugo ni Allah ay ipaliliwanag ang mga


kahulugan kalakip ng paglilinaw ng mga kondisyon at


kahulugan ng pararilang Walang Diyos kundi si Allah.


Ang kahulugan ng pararilang Walang Diyos ay ang


pagtanggi sa [pagkadiyos ng] anumang sinasamba bukod


pa kay Allah. Ang pariralang kundi si Allah ay ang


pagkilala na ang pagsamba ay ukol kay Allah lamang na


walang katambal.


_________________________________________________


Binanggit ng may-akda, kaawaan siya ni Allah, sa araling


ito ang Pagsaksi na Walang Diyos kundi si Allah at na si


Muhammad ay Sugo ni Allah. Maaari nating talakayin ang


kahulugan nito sa ganitong paraan:


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


8


1. Ang Kahalagahan ng Pagsaksi na Ito


Ang Pagsaksi na ito ay ang una sa mga haligi ng Islam.


Isinalaysay ni Ibnu ‘Umar (RA)3 mula sa Propeta (SAS) na siya


ay nagsabi: “Ibinatay ang Islam sa lima: ang Pagsaksi na


Walang Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni


Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng zakáh,


ang pag-aayuno sa Ramadán, at ang pagsasagawa ng hájj sa


Banal na Bahay ni Allah para sa sinumang makakayang


makarating doon.” Ang Pahayag ng Tawhíd (Pananampalataya


sa kaisahan ni Allah) ay saligan ng Relihiyong Islam at ang


matatag na muog nito. Ito ang unang tungkulin ng tao. Ang


pagtanggap [ni Allah] sa lahat ng mabuting gawa ay nakasalalay


sa pagbigkas nito at pagsasagawa ng mga hinihiling nito.


2. Ang Kahulugan Nito


Ito ay nangangahulugang walang karapat-dapat sambahin


kundi si Allah. Hindi ipinahihintulot na sabihing ang kahulugan


nito ay walang tagapaglikha kundi si Allah, o walang


tagapagtustos o umiiral kundi si Allah. Batay ito sa mga


sumusunod na dahilan:


Ang mga di-mananampalatayang Quraysh ay hindi


nagkakaila noon na walang Tagapaglikha kundi si Allah,


gayunpaman hindi iyon nakapagdulot ng mabuti sa kanila


bagaman nalalaman nila ang kahulugan nito. Dahil doon,


minasama nila ang Sugo (SAS) nang magsabi sa kanila:


“Sabihin ninyo, walang Diyos kundi si Allah.”


3 Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para sa babae,


Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito ay: Kalugdan siya


(o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit sa tuwing nababanggit ang


pangalan o taguri ng Kasama o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


9


Tayo ay nagtataka sa panahong ngayon sa mga nagsasabi ng


Lá Iláha Illalláh ngunit hindi nila nalalaman ang kahulugan


nito. Nanalangin sila bukod pa kay Allah sa iba pa sa Kanya


gaya ng mga walí (taong itinuturing na banal) at mga patay sa


mga libingan. SinasAbi pa nila, “Kami ay mga


sumasampalataya sa kaisahan ni Allah.”


3. Ang mga saligan nito


Ang Shahádah (Pagsaksi) ay may dalawang saligan:


A. Ang pagkakaila sa pagsabi ng Lá Iláha (Walang


Diyos),


B. Ang pagkilala sa pagsabi ng Illalláh (Kundi si


Allah).


Samakatuwid, ang pagsasabi ng Lá Iláha (Walang Diyos)


ay ang pagkakaila sa [pagkadiyos ng] lahat maliban kay Allah


at ang pagsasabi naman ng Illalláh (Kundi si Allah) ay


pagkilala sa pagkadiyos ni Allah lamang na walang katambal.


4. Ang Kabutihan ng Lá Iláha Illalláh.


Ito ay may malaking kabutihang naidudulot at may mataas


na kahalagahan kay Allah. Ang sinumang tapat na nagsabi nito


ay papasukin siya ni Allah sa Paraiso. Ang sinumang


pasinungaling na nagsabi nito ay mananagot sa pamahalaang


Muslim sa mundo at sa Kabilang-buhay naman ay mananagot


siya kay Allah. Ang taong ito ay lalapatan ng hatol na ukol sa


mga nagpapanggap na Muslim. Ang Lá Iláha Illalláh ay


maikling bigkasain, kaunti ang mga titik at magaan sa dila,


ngunit mabigat sa timbangan ng gantimpala.


Ang dakilang pangungusap na ito ay may dulot na


maraming biyaya na ang ilan sa mga ito ay binanggit ni al-


Háfidh ibnu Rajab sa akda niyang pinamagatang: Kalimatul


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


10


Ikhlás. Binanggit niya ang patunay sa bawat biyayaang dulot


nito. Ang sumusunod ay ilan sa mga ito:


 Na ito (Lá Iláha Illalláh) ay susi ng pagpasok sa Paraiso;


 Na ang sinumang ang kahuli-hulihang salita ay Lá Iláha


Illalláh ay papasok sa Paraiso;


 Na ito ay susi sa kaligtasan mula sa Impiyerno;


 Na ito ay susi ng kapatawaran ng mga kasalanan;


 Na ito ay pinakamagaling sa mga gawang mabuti;


 Na ito ay pumapawi sa mga kasalanan;


 Na ito ay pumupunit sa mga hadlang papunta kay Allah;


 Na ito ay pahayag na pinatotohanan ni Allah ang nagsasabi


nito;


 Na ito ang pinakamainam na sinabi ng mga Propeta;


 Na ito ang pinakamainam na pangungusap sa pag-alaala kay


Allah;


 Na ang pagbanggit nito ay ang pinakamainam na gawa, ang


pinakamaraming ulit ang laang gantimpala at katumbas ng


gantimpala ng pagpapalaya ng isang alipin, at ito ay


pananggalang sa Demonyo;


 Na ito ay katiwasayan sa kapanglawang nadarama ng patay


sa libingan at sa hilakbot na madarama sa Araw ng


Pagbubuhay;


 Na ito ang salawikain ng mga mananampalataya kapag


bumangon na sila sa kanilang mga libingan.


Nabanggit din na kabilang sa mga biyayang dulot nito ay


na bubuksan para sa sumasampalataya rito ang walong pinto ng


Paraiso upang pumasok siya sa alinmang naisin niya sa mga ito;


at na ang mga sumasampalataya rito, kahit pa man pumasok sila


sa Impiyerno dahil na rin sa pagpapabaya nila sa mga karapatan


nito (Lá Iláha Illalláh) ay makalalabas din sila roon.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


11


5. Ang Pagsaksi na si Muhammad (SAS) ay Sugo


ni Allah


Ito ay humihiling ng pagsampalataya sa kanya, paniniwala


sa kanya sa anumang ipinagbigay-alam niya, pagtalima sa


anumang ipinag-utos niya, pagtigil sa anumang ipinagbawal at


sinaway niya, na igagalang ang kanyang utos at ang kanyang


pagbabawal, at na hindi pangingibawin sa salita niya ang salita


ninuman—maging sino pa man ito.


6. Ang Susi ng Pagpasok sa Paraiso


Dapat malamang ang sinumang sumaksi na: Walang Diyos


kundi si Allah lamang na walang katambal; na si Muhammad


ay Kanyang Lingkod at Kanyang Sugo; at na si Jesus ay


lingkod ni Allah, Kanyang Sugo, Kanyang salita na ibinigay


kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; na ang Paraiso at


totoo, na ang Impiyerno ay totoo ay papapasukin ni Allah sa


Paraiso alinsunod sa nagawang kabutihan. Isinalaysay iyon ni


‘Ubádah ibnu as-Sámit (RA) mula sa Propeta (SAS).


Ang mga kondisyon ng adhikaing Walang Diyos


kundi si Allah ay ang mga sumusunod:


1. Ang kaalaman na sumasalungat sa kamangmangan;


2. Ang katiyakan na sumasalungat sa pag-aalinlangan;


3. Ang kawagasan sa pagsamba na sumasalungat sa Shirk;


4. Ang katapatan na sumasalungat sa kasinungalingan;


5. Ang pag-ibig na sumasalungat sa pagkasuklam;


6. Ang pagpapaakay na sumasalungat sa pagpapabaya;


7. Ang pagtanggap na sumasalungat sa pagtanggi;


8. Ang pagtangging sumampalataya sa anumang sinasamba na


iba pa kay Allah.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


12


Nabanggit ng mga pantas ng Islam na ang adhikain ng


kawagasan ng pagsamba kay Allah (Walang Diyos kundi si


Allah) ay may pitong kondisyon; itinuturing naman ng iba sa


kanila na ito ay may walong kondisyon, gaya ng ginawa ng


may-akda, kaawaan siya ni Allah.


1. Ang Kaalaman


Kapag nalaman ng isang tao na si Allah ay ang dapat


sambahin lamang at na ang pagsamba sa iba sa Kanya ay


walang kabuluhan at isinagawa niya ang hinihiling niyon, siya ay


nakaaalam talaga sa kahulugan nito. Nagsabi si Allah (47:19):


“Kaya dapat mong malaman na walang Diyos kundi si


Allah.” Nagsabi pa Siya (43:86): “maliban sa mga sumaksi sa


katotohanan samantalang sila ay nakaaalam.” Nagsabi


naman ang Sugo ni Allah (SAS): “Ang sinumang mamatay at


siya ay nakaaalam na Walang Diyos Kundi si Allah, papasok


siya sa Paraiso.”


2. Ang Katiyakan


Tungkulin ng sinumang sumaksi rito na magkaroon siya ng


katiyakan sa kanyang puso at maniwala sa katumpakan ng


sinasabi niyang pagiging napakakarapat-dapat ng pagkadiyos ni


Allah at sa kawalang kabuluhan ng pagkadiyos ng iba pa sa


Kanya. Nagsabi si Allah (2:4): “Na sumasampalataya sa


ibinaba sa iyo at sa anumang ibinaba noong wala ka pa at


sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak.” At isinalaysay rin ni


Abú Hurayrah (RA) na ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Ang


sinumang makatagpo mo sa likod ng pader na ito, na


sumaksi na Walang Diyos Kundi si Allah, na nakatitiyak


nito sa kanyang puso, ay ibalita mo sa kanya ang [pagpasok


sa] Paraiso.”


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


13


3. Ang Pagtanggap


Ibig sabihin ay tatanggapin sa puso at sa salita ang lahat ng


hinihiling ng Lá Iláha Illalláh. Nagsabi si Allah (2:136):


“Sabihin ninyo, ‘Sumasampalataya kami kay Allah at sa


ibinaba sa amin”


4. Ang Pagpapaakay


Ito ay sa pamamagitan ng pagpapaakay sa dakilang


sawikaing ito sapagkat ito ay pagsuko at pagpapasakop.


Nagsabi si Allah (4:125): “At sino pa ang higit na magaling


sa pananampalataya kaysa sa kanya na nagsuko ng kanyang


sarili kay Allah, habang siya ay gumagawa ng magaling…”


Nagsabi pa Siya (31:22): “At ang sinumang magsuko ng


kanyang sarili kay Allah habang siya ay gumagawa ng


magaling, tunay na kanya nang napanghawakan ang


matibay na hawakan.…”


5. Ang Katapatan


Ito ay sa pamamagitan ng pagiging matapat kay Allah sa


pagsampalataya sa Kanya, matapat sa pinaniniwalaan, matapat


sa mga salita, at matapat sa gawa. Nagsabi si Allah (9:119): “O


mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay


Allah at maging kasama kayo ng mga matapat.”


6. Ang Kawagasan sa Pagsamba


Ito ay sa paraang mamumutawi mula sa kanya ang lahat ng


mga sinasabi at mga ginagawa na wagas na inuukol kay Allah


at sa hangaring matamo ang Kanyang kasiyahan, nang walang


anumang bahid ng iba pang hangarin. Nagsabi si Allah (98:5):


“At walang iniutos sa kanila kundi sambahin nila si Allah,


habang wagas na inuukol sa Kanya ang pagsamba…”At


nasasaad naman sa Hadíth ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


14


Propeta (SAS) ay nagsabi: “Ang pinakamaligaya sa mga tao sa


aking Pamamagitan ay ang nagsabi na Walang Diyos Kundi


si Allah nang wagas mula sa puso niya.”


7. Ang Pag-ibig


Ito ay sa pamamagitan ng pag-ibig sa adhikaing ito at sa


ipinahihiwatig at hinihiling nito. Kaya naman iibigin si Allah at


ang Sugo Niya (SAS) at pangingibabawin ang pag-ibig sa


kanilang dalawa kaysa lahat ng iniibig. Sinabi ni Allah: (2:165):


“May mga taong gumagawa ng iba pa kay Allah bilang


mga kaagaw. Iniibig nila ang mga ito gaya ng pag-ibig kay


Allah, ngunit ang mga sumampalataya ay higit na masidhi


sa pag-ibig kay Allah.”


8. Ang Pagtangging Sumampalataya sa


Anumang Sinasamba na Iba pa kay Allah


Batay ito sa naiulat mula sa Propeta (SAS) na siya ay


nagsabi: “Ang sinumang nagsabi na Walang Diyos kundi si


Allah at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba


na iba pa kay Allah, hindi malalabag ang kanyang ari-arian


at ang kanyang buhay at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay


Allah na.”


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


15


IKATLONG ARALIN


Ang anim na haligi ng Pananampalataya ay


ipaliliwanag. At ito ay ang maniwala (1) kay Allah; (2)


sa Kanyang mga Anghel; (3) sa Kanyang mga banal na


kasulatan; (4) sa Kanyang mga Sugo; (5) sa Kabilangbuhay;


(6) sa qadá’ at qadar (pagtatadhana at


pagtatakda) na ang mabuti rito at ang masama rito ay


buhat sa kalooban ni Allah.


_________________________________________________


Ang patunay roon ay ang bantog na Hadíth mula kay Anghel


Gabriel (AS) nang tinanong nito ang Propeta (SAS) tungkol sa


Imán. Nagsabi si Anghel Gabriel: “Ang Pananampalataya ay


ang maniwala ka kay Allah, sa Kanyang mga anghel, sa


Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga sugo, sa Kabilangbuhay,


at sa pagtatadhana at pagtatakda, na ang mabuti rito


at ang masama rito ay buhat sa kalooban ni Allah.”


1. Ang Paniniwala kay Allah


Ang paniniwala kay Allah ay naglalaman ng apat na


sangkap:


A. Ang Paniniwala sa Kairalan ni Allah


Pinatunayan ang kairalan Niya (existence) ng


pananampalatayang likas (fitrah), isip (‘aql), kapahayagan


(shar‘) at pakiramdam (hiss).


Tungkol sa pagpapatunay ng likas na pananampalataya ng


tao (fitrah) sa kairalan ni Allah, tunay na ang bawat nilikha ay


nilalang na may likas na paniniwala sa kanyang Tagapaglikha


na hindi resulta ng naunang pag-iisip o pag-aaral gaya nga ng


sinabi ng Sugo ni Allah (SAS): “Walang sanggol na hindi


ipinanganganak sa likas na pananampalataya, ngunit ang


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


16


mga magulang niya ay gumagawa sa kanya na Hudyo o


gumagawa sa kanya na Kristiyano o gumagawa sa kanya na


Mago.4”


Tungkol naman sa pagpapatunay ng isip sa kairalan ni


Allah, ito ay sapagkat ang mga nilikha, ang nauna sa kanila at


ang susunod sa kanila, ay kailangang may tagapaglikha na


nagpalitaw sa kanila yayamang hindi mangyayaring


mapalilitaw nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng


kanilang mga sarili at hindi rin naman mangyayaring lumitaw


sila nang di-sinasadya.


Tungkol naman sa pagpapatunay ng kapahayagan sa


kairalan ni Allah, ito ay sapagkat ang lahat ng mga makalangit


na kasulatan ay nagsasabi at nagpapahayag na may Diyos. At


ang pinakadakila at pinakamainam sa mga ito ay ang Banal


na Qur’an. Gayon din ang lahat ng sugo na ang


pinakatampok sa kanila, kahuli-hulihan sa kanila at


nangunguna sa kanila ay si Muhammad (SAS), silang lahat


ay nagturo at naglinaw na mayroong Diyos.


Tungkol naman sa mga patunay batay sa pakiramdam sa


kairalan ni Allah, ito ay may dalawang anggulo:


1. Tunay na tayo ay nakaririnig at nakasasaksi na ang mga


nananalangin ay tinutugon at nasaklolohan ang mga


nasalanta. Ito ay nagbibigay ng matibay na patunay sa


kairalan ni Allah.


4 Mago ang isa pang tawag sa isang Mazdaista na kaanib ng relihiyong


Mazdaismo. Ang Mazdaismo ay isang anyo ng Zoroasterianismo, ang


relihiyong itinatag ni Zoroaster o Zarathustra na Persiano. Ang relihiyong ito


ay naniniwala sa dalawang diyos na magkatunggali: ang diyos ng kabutihan at


ang diyos ng kasamaan. Napaka-laki ang pagpapahalagang idinudulot ng mga


kaanib nito sa apoy anupat ang pag-papahalaga nila sa apoy ay nauwi na sa


pagsamba nila sa apoy. Ang Tagapagsalin.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


17


2. Ang mga himala ng mga propeta na tinatawag na


mu‘jizah na nasasaksihan noon o naririnig ng mga tao


ay matibay na patotoo sa pagkakaroon ng


Tagapaglikha, Tagapangasiwa, at Tagapamahala ng


Sansinukob at iyon ay si Allah.


B. Ang Paniniwala sa Pagkapanginoon ni Allah


Ibig sabihin ay Siya lamang ang Panginoon: wala Siyang


katambal at walang tagatulong na iba sa Kanya. Ang Panginon


ay ang Tagapaglikha, Hari (o Nagmamay-ari), at Nagtutustos.


Samakatuwid walang Tagapaglikha kundi si Allah, walang Hari


kundi Siya, at walang Tagapag-utos kundi Siya. Sinabi Niya


(7:54): “Tunay ngang Kanya ang paglikha at ang paguutos.”


Nagsabi pa Siya (35:13): “Iyon si Allah, ang inyong


Panginoon; ukol sa Kanya ang paghahari, samantalang ang


mga pinanalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nga


nagmamay-ari ng isang qitmír.5”


C. Ang Paniniwala sa Kanyang Pagkadiyos


Ibig sabihin ay Siya lamang ang totoong Diyos, wala Siyang


katambal. Ang katagang “diyos” (iláh) ay nangangahulugang


ang “dinidiyos” (ma’lúh) na ang ibig sabihin ay “sinasamba”


(ma‘búd) dahil sa pag-ibig at paggalang. Sinabi ni Allah


(2:163): “Ang Diyos ninyo ay isang Diyos—walang totoong


Diyos kundi Siya, ang Pinakanaaawa, ang Maawain.” at


sinabi pa Niya (7:59): “Tunay na Aming isinugo si Noe sa


mga kalipi nito at nagsabi ito, “O mga kalipi ko, sambahin


ninyo si Allah; wala na kayong Diyos bukod pa sa Kanya.”


5 Manipis na balat na bumabalot sa buto ng datiles: napakaliit na bagay.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


18


D. Ang Paniniwala sa mga Pangalan Niya


at mga Katangian Niya


Ito ay ang pagkilala sa mga pangalan at mga katangiang


kinilala ni Allah para sa sarili Niya [o ng Sugo Niya (SAS)], na


nasaad sa Aklat Niya o sa Sunnah ng Sugo Niya (SAS), sa


paraang naaangkop sa Kanya nang walang tahríf (pagpapalit ng


kahulugan), walang ta‘tíl (pag-aalis ng kahulugan), walang takyíf


(paglalarawan) at walang tamthíl (pagtutulad). Nagsabi si Allah


(42:11): “Walang anumang katulad sa Kanya. Siya ay ang


Nakaririnig, ang Nakakikita.”


E. Ang mga Ibinubunga ng Paniniwala kay Allah


1. Ang pagsasakatuparan ng pananampalataya sa kaisahan ni


Allah yamang hindi nahuhumaling ang puso sa iba pa sa


Kanya sa pag-aasam ni sa pangamba at hindi sumasamba sa


iba pa sa Kanya.


2. Ang kaganapan ng pag-ibig kay Allah at pagdakila sa Kanya


ayon sa hinihiling ng Kanyang mga napakagandang pangalan


at mga napakataas na katangian.


3. Ang pagsasakatuparan ng pagsamba sa Kanya sa


pamamagitan ng pagtupad sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa


ipinagbawal Niya.


2. Ang Paniniwala sa mga Anghel


A. Ang Pagpapakahulugan sa Katagang Anghel


Ang mga anghel ay isang uri ng nilalang na di-nakikita, na


mga nilikha mula sa liwanag, na mga mananamba kay Allah.


Wala silang anumang mga katangian ng pagkapanginoon at


pagkadiyos. Nilikha sila ni Allah mula sa liwanag at


pinagkalooban Niya sila ng ganap na pagtalima sa Kanyang


kautusan at ng lakas sa pagpapatupad nito. Sila ay marami, na


walang makabibilang kundi si Allah lamang.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


19


B. Ang Apat na Sangkap ng Paniniwala sa mga


Anghel:


1. Ang paniniwala sa kanilang kairalan.


2. Ang paniniwala sa pangalan ng sinumang nalaman natin ang


pangalan sa kanila gaya ni Jibríl (Gabriel), at ang sinumang


hindi natin nalaman ang pangalan ay paniniwalaan natin sa


kabuuan.


3. Ang paniniwala sa kanilang mga katangiang nalaman natin.


4. Ang paniniwala sa mga gawain nilang nalaman nating


isinasagawa nila ayon sa utos ni Allah, gaya ng Anghel ng


Kamatayan na nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa sa


sandali ng kamatayan.


3. Ang Paniniwala sa mga Aklat


A. Ang Pagpapakahulugan sa Katagang Aklat


Ito ay ang mga aklat na ibinaba ni Allah sa mga sugo Niya


bilang awa sa mga nilalang at patnubay sa kanila upang matamo


nila sa pamamagitan nito ang ikaliligaya nila sa Lupa at sa


Kabilang Buhay.


B. Ang Apat na Sangkap ng Paniniwala sa mga


Aklat:


1. Ang paniniwalang ang pinagmulan ng mga ito ay totoong


buhat kay Allah.


2. Ang paniniwala sa pangalan ng nalaman natin ang pangalan


sa mga ito gaya ng Qur’an na ibinaba kay Muhammad (SAS)


at ng Tawrah na ibinaba kay Moises (AS).


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


20


3. Maniniwala at makikinig sa mga nasasaad sa mga aklat gaya


ng nasasaad sa Qur’an at sa nasasaad sa mga hindi nabago o


hindi napalitang ulat na nasa mga naunang banal na aklat.6


4. Ang pagsasagawa ng mga alituntuning nasasaad sa Qur’an


hanggat hindi napawalang-bisa, at ang pagkalugod at


pagsuko sa mga alituntunin nito, nauunawaan man natin ang


kadahilanan nito o hindi natin nauunawaan. Ang lahat ng


sinaunang mga aklat ay pinawalang-bisa na ng Banal na


Qur’an. Nagsabi si Allah (5:48): “Ibinaba Namin sa iyo


ang Aklat taglay ang katotohanan, na nagpapatotoo sa


nauna rito na aklat at nag-iingat doon.”


C. Ang Ibinubunga ng Paniniwala sa mga Aklat


1. Ang kaalaman sa pagmamalasakit ni Allah sa Kanyang mga


lingkod yayamang nagpadala Siya sa bawat kalipunan ng


mga tao ng aklat na papatnubay sa kanila.


2. Ang kaalaman sa karunungan ni Allah at Batas Niya dahil


gumawa Siya para sa bawat kalipunan ng batas na angkop sa


mga kalagayan nila gaya ng sabi Niya (5:48): “Para sa


bawat kalipunan sa inyo ay nagtalaga Kami ng


Patakaran at Pamamaraan.”


3. Ang pagpapasalamat sa biyaya ni Allah.


4. Ang paniniwala sa mga sugo. Ang sugo ay ang taong


kinasihan [ni Allah] ng isang kapahayagan o inutusan [Niya]


na iparating iyon. Ang una sa mga sugo ay si Noe at ang


6 Ang anumang nasaad sa Bibliya na umaayon sa Qur’an o sa Sunnah ay


kikilalanin na bahagi ng orihinal na kapahayagan ni Allah ngunit hindi


gagamiting batayan ng katuruan ng Islam dahil sapat na sa mga Muslim ang


Qur’an at ang Sunnah. Ang mga nasaad naman sa Bibliya na hindi


matatagpuan sa Qur’an at Sunnah ngunit hindi sumasalungat sa katuruan ng


Islam ay hindi paniniwalaan at hindi pasisinungalingan.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


21


kahuli-hulihan sa kanila ay si Muhammad, sumakanilang


lahat ang basbas at ang pagbati ni Allah. Walang bansa noon


na hindi nagkaroon ng isang sugo na ipinadala ni Allah sa


mga kababayan niya kalakip ng sariling batas,7 o ng isang


propeta na kinasihan ni Allah na iparating ang batas ng mga


sugo na nauna sa kanya upang muling buhayin ito. Nagsabi


si Allah (16:36): “Talaga ngang nagsugo Kami sa bawat


kalipunan ng sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si


Allah at iwaksi ninyo ang Tághút.”” Nagsabi pa Siya


(35:24): “Walang kalipunan na hindi napuntahan ng


tagapagbabala.” Ang mga sugo ay mortal na kabilang sa


mga inapo ni Adan (AS), mga nilikhang hindi nagtataglay


ng anuman sa mga katangian ng pagkadiyos at


pagkapanginoon. Tinataglay nila ang mga katangian ng tao


gaya ng pagkaawa, pagkamatay, pangangailangan sa pagkain


at inumin, at iba pa.


4. Ang Paniniwala sa mga Sugo


A. Ang mga Sangkap ng Paniniwala sa mga Sugo


1. Ang paniniwala na ang mensahe nila ay tunay na nagmula


kay Allah. Ang sinumang tumangging maniwala sa mensahe


ng isa sa kanila ay hindi na rin naniwala sa lahat. Sinabi ni


Allah (26:105): “Pinasinungalingan ng mga kalipi ni Noe


ang mga Isinugo,”


2. Ang paniniwala sa pangalan ng nalaman natin ang pangalan


sa kanila gaya nina Muhammad, Abraham, Moises, Jesus at


Noe (SAS). Ang limang ito ay ang mga may matatag na


pagpapasya sa mga sugo. Tungkol naman sa hindi natin


7 Batas na kauna-unahang ipinahayag sa isang Propeta gaya nina Moises


(SAS) at Muhammad (SAS) ngunit hindi ibig sabihin na ginawa nila.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


22


nalaman ang pangalan sa kanila, paniniwalaan din natin sila


sa kabuuan. Nagsabi si Allah (40:78): “Tunay na


nagpadala na Kami ng mga sugo noong wala ka pa; ang


ilan sa kanila ay Aming isinalaysay sa iyo at ang iba


naman sa kanila ay hindi Namin isinalaysay sa iyo.”


3. Paniniwala sa mga ulat na napatotohanang buhat sa kanila.


4. Ang pagsasagawa sa batas ng isinugo sa atin, na isa sa


kanila at siya rin ang kahuli-hulihan sa kanila: si


Muhammad (SAS).


B. Ang mga Ibinubunga ng Paniniwala sa mga


Sugo


1. Ang kaalaman sa awa ni Allah at pagmamalasakit Niya sa


mga lingkod Niya yamang nagsugo Siya ng mga sugo upang


patnubayan sila sa Kanyang tuwid na landas at upang


linawin sa kanila kung papaano nilang sasambahin si Allah.


2. Ang pagpapasalamat kay Allah sa malaking biyayang ito.


3. Ang pagmamahal sa mga sugo (AS), ang pagdakila sa


kanila, at ang pagpupuri sa kanila sa paraang naaangkop


para sa kanila sapagkat sila ay mga sugo ni Allah, at


sapagkat nagsagawa sila ng pagsamba sa Kanya, ng


pagpaparating ng Kanyang mensahe, at ng pagpapayo sa


Kanyang mga lingkod.


5. Ang Paniniwala sa Huling Araw


Ang Huling Araw ay ang Araw ng Pagbubuhay. Sa araw na


ito ay muling bubuhayin ni Allah ang mga tao upang tuusin at


gantihan. Tinawag itong Huling Araw dahil wala nang ibang


araw matapos ito.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


23


A. Ang Nilalaman ng Paniniwala sa Huling Araw


1. Ang paniniwala sa pagbubuhay. Ang pagbubuhay ay


matibay na katotohanang tinukoy ng Qur’an, Sunnah at


nagkakaisang hatol ng mga Muslim.


2. Ang paniniwala sa pagtutuuos at paggaganti. Tutuusin


ang tao sa nagawa niya at gagantimpalaan siya rito.


Tinukoy iyon ng Qur’an, Sunnah, at nagkakaisang hatol


ng mga Muslim.


3. Ang paniniwala sa Paraiso at Impiyerno at na ang


dalawang ito ang hantungang walang hanggan ng mga


nilikha.


Napabibilang sa paniniwala sa Huling Araw o Kabilangbuhay


ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan gaya ng (A)


Pagsubok sa libingan, at (B) Pasakit at Kaginhawahan sa


libingan.


B. Ang mga Magandang Ibinubunga


ng Paniniwala sa Kabilang-buhay


1. Ang takot na makagawa ng pagsuway [kay Allah] at ang


takot na malugod sa paggawa nito dahil sa pangamba sa


parusa ni Allah sa araw na iyon.


2. Ang pagkaibig at ang pagsisigasig na gumawa ng


pagtalima [kay Allah] dahil sa nakalaang gantimpala sa


araw na iyon.


3. Ang pagpapalubag-loob sa mananampalataya sa hindi


niya natamo dito sa lupa, na makakamtan naman niya


ang ginhawa at gantimpala sa Araw na iyon.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


24


6. Ang Paniniwala sa Qadar


Ang qadar ay ang pagtatakda ni Allah sa kapalaran ng mga


nilikha ayon sa kaalaman Niya at hinihiling ng karunungan


Niya.


A. Ang mga Nilalaman ng Paniniwala sa Qadar


1. Ang paniniwala na si Allah ay nakaaalam sa bawat


bagay sa kabuan at sa detalye, magmula noon at


magpakailanman, may kinalaman man iyon sa Kanyang


mga gawa o sa mga gawa ng Kanyang mga nilikha.


2. Ang paniniwala na isinulat Niya iyon sa al-Lawh al-


Mahfúdh (Lapidang Iniingatan).


3. Ang paniniwala na ang lahat ng pangyayari ay hindi


nangyayari kung hindi ayon sa kalooban ni Allah,


maging iyon man ay may kaugnayan sa gawa Niya o


may kaugnayan sa gawa ng mga nilikha Niya. Nagsabi


Siya (28:68): “Ang Panginoon mo ay lumilikha ng


anumang niloloob Niya at pinipili Niya,”


4. Ang paniniwala na ang lahat ng nilalang sampu ng


kanilang kalikasan, kanilang mga katangian, at kanilang


mga kilos ay mga nilikha ni Allah, gaya ng sinabi Niya


(39:62): “Si Allah ay Tagalikha ng bawat bagay, at


Siya sa bawat bagay ay Katiwala.”


B. Ilan sa Ibinubunga ng Paniniwala sa Qadr


1. Ang pag-asa kay Allah kapag ginagawa ang mga


kaparaanan sa pagtamo ng ninanais, sapagkat hindi


aasahan ang kaparaanan mismo sa pagtamo ng ninanais


dahil ang bawat pangyayari ay nagaganap ayon sa


pagtatakda ni Allah.


2. Na hinndi hahanga ang tao sa kanyang sarili kapag


natamo niya ang kanyang ninanais sapagkat ang


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


25


pagtamo nito ay biyayang buhat kay Allah sa


pamamagitan ng itinakda Niyang mga kadahilanan ng


pagkamit ng biyaya at tagumpay. Ang paghanga niya sa


kanyang sarili at nagpapalimot sa kanya upang


pasalamatan ang biyayang ito.


3. Ang kapanatagan at ang katiwasayan ng isip sa mga


itinakdang kapalaran na pinangyayari sa kanya ni Allah


na siyang may taglay ng paghahari (o pagmamay-ari) sa


mga langit at lupa. Ito ay tiyak na mangyayari, gaya ng


sinabi ni Allah (57:22-23): “Walang dumarating na


sakuna sa lupa ni sa inyong mga sarili na hindi nasa


aklat bago pa man Namin nilalang iyon. Tunay na


iyon ay madali para kay Allah. Iyan ay upang hindi


kayo manghinayang sa anumang nakalampas sa inyo


at hindi kayo magsaya sa anumang ibinigay8 sa inyo


sapagkat si Allah ay hindi umiibig sa bawat


mayabang na mapagmalaki,”


C. Dalawang Pangkat na Lumihis sa Usapin ng


Qadr


1. Ang mga naniniwala sa Jabaríyah. Sila ay naniniwalang


ang tao ay pinilit sa kanyang ginagawa at wala siyang


kapasyahan at kakayahang pumili.


2. Ang mga naniniwala sa Qadaríyah. Sila ay naniniwala na


ang tao ay malaya sa kanyang ginagawa: sa pagpapasya


at sa kakayahang pumili, at ang kalooban at kakayahan


ni Allah ay walang epekto. Ikinaila nila na si Allah ay


8 Upang hindi kayo magsaya kung papaanong nagsasaya ang bawat


mayabang na mapagmalaki.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


26


nagtakda sa lahat ng bagay at gumawa niyon bago pa


man lumitaw iyon. Ang paniniwalang ito ng dalawang


pangkatin ay kabilang sa pinakamalaking kabulaanan.


IKAAPAT NA ARALIN


Ang tatlong bahagi ng Tawhíd: ang Tawhíd ar-


Rubúbíyah (Kaisahan sa Pagkapanginoon), ang Tawhíd


al-Ulúhíyah (Kaisahan sa Pagkadiyos), at ang Tawhíd al-


Asmú’ wa as-Sifát (Kaisahan sa mga Pangalan at mga


Katangian) ay tatalakayin.


_________________________________________________


Ang Pagpapakahulagan sa Tawhíd


Ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa


anumang nauukol sa Kanya gaya ng pagkapanginoon,


pagkadiyos (pagsamba) at mga pangalan at mga katangian. Ito


ay may tatlong uri:


1. Tawhíd ar-Rubúbíyah


O Kaisahan sa Pagkapanginoon. Ito ay ang kaalaman at


ang paniniwala na si Allah ang namumukod-tangi sa paglikha,


pagtutustos, at pamamahala. Ang uring ito ng Tawhíd ay


kinilala ng mga Mushrik, ngunit hindi iyon nakapagpasok sa


kanila sa Islam. Ang patunay ay ang sinabi ni Allah (43:87):


“At talaga namang kung tatanungin mo sila kung sino ang


lumikha sa kanila ay tiyak na sasabihin nilang si Allah.”


2. Tawhíd al-Ulúhíyah


O Kaisahan sa Pagkadiyos. Ito ay ang wagas na pag-uukol


kay Allah lamang na walang katambal ng lahat ng uri ng mga


pagsamba gaya ng pag-ibig, pangamba, pag-aasam, pananalig,


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


27


panalangin, at iba pang mga uri ng mga pagsamba. Ang uring


ito ng Tawhíd ang ikinaila ng mga Mushrik.


3. Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát


O Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian. Ito ay ang


ilalarawan si Allah sa pamamagitan ng [mga pangalan at mga


katangian na] ipinanlarawan Niya sa Kanyang sarili na nasa


Kanyang Aklat o ipinanlarawan [sa Kanya] ng Kanyang Sugo


(SAS) sa paraang naaangkop sa Kanyang kadakilaan at


Kanyang kaluwalhatian. Ang uring ito ng Tawhíd ay kinilala ng


ilan sa mga Mushrik at ikinaila naman ng iba sa kanila dala ng


kamang-mangan o pagmamatigas.


Ang Tatlong Bahagi ng Shirk9


Ang mga bahagi ng Shirk ay tatlo: ang Shirk Akbar


(Malaking Shirk), ang Shirk Asghar (Maliit na Shirk), at ang


Shirk Khafí (Nakakubling Shirk).


1. Ang Shirk Akbar


Ito ang nagiging dahilan ng pagkawala ng saysay ng


mabuting gawa at pananatili magpakailanman sa Impiyerno


gaya ng sinabi ni Allah (6:88): “Ngunit kung nagtambal sila


kay Allah, talagang nawalan na sana ng kabuluhan para sa


kanila ang anumang ginagawa nila noon.” at ng sinabi pa


Niya (9:17): “Hindi nararapat sa mga Mushrik na


9 Ang Shirk ay ang kabaliktaran ng Tawhíd sapagkat kung ang Tawhíd ay ang


pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol lamang sa Kanya: ang


pagkapanginoon, ang pagkadiyos at ang mga pangalan at ang mga katangiang


laan lamang sa Kanya, ang Shirk naman ay ang pagtatambal kay Allah o


pagbibigay ng kahati sa Kanya sa anumang nauukol lamang sa Kanya. Ito


ang pinakamalaking kasalanan. Ang tawag sa gumagawa ng Shirk ay Mushrik.


Ang Tagapagsalin.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


28


mangalaga ng mga masjid ni Allah habang mga saksi laban


sa sarili nila sa kawalan ng pananampalataya nila. Ang mga


iyon ang nawalan na ng saysay ang kanilang mga gawa, at


sa Impiyerno sila ay mamamalgi.”


Tunay na ang sinumang mamatay sa Shirk ay hindi siya


patatawarin at ang Paraiso ay ipagkakait sa kanya gaya ng


sinabi ni Allah (4:48): “Tunay na si Allah ay hindi


magpapatawad na tambalan Siya ngunit magpapatawad


Siya sa anumang iba pa roon sa kaninumang loobin Niya.”


at ng sinabi pa Niya (5:72): “Tunay na ang sinumang


nagtambal kay Allah ay ipinagkait na ni Allah sa kanya


ang Paraiso at ang magiging tuluyan niya ay ang


Impiyerno. At mawawalan ang mga lumalabag sa


katarungan ng mga tagatulong.…”


Ang mga uri ng Shirk ay ang pananalangin sa mga patay o


sa mga imahen, ang pagpapasaklolo sa kanila, ang pamamanata


sa kanila, ang pag-aalay sa kanila at iba pang tulad ng mga ito.


2. Ang Shirk Asghar


Ito ay ang anumang napatotohanan ng mga talata mula sa


Qur’an at Hadíth na tinawag na Shirk ngunit hindi kabilang sa


uri ng Shirk Akbar gaya ng pagpapakitang-tao sa ilang mga


gawain, panunumpa sa iba pa kay Allah, pagsabi ng “Niloob


mangyari ni Allah at niloob mangyari ni Polano,” at iba pa


dahil nagsabi si Propeta Muhammad (SAS): “Ang aking higit


na pinangangambahan para sa inyo ay ang Shirk Asghar.”


Nang siya ay tanungin kung ano ito ay nagsabi siya: “Ang


pagpapakitang-tao.” (Ang Hadíth na ito ay isinalaysay ni


Mahmúd Ibnu Labíd al-Ansárí.) Nagsabi pa Siya: “Ang


sinumang manumpa sa anumang bagay bukod pa kay Allah


ay nakagawa na ng Shirk.” Sinabi pa ng Propeta (SAS): “Ang


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


29


sinumang manumpa sa iba pa kay Allah, nawalan na siya ng


pananampalataya o nakagawa na siya ng Shirk.” Nagsabi pa


siya: “Huwag ninyong sabihing, ‘Niloob mangyari ni Allah at


niloob mangyari ni Polano; bagkus sabihin ninyong, ‘Kung


niloob mangyari ni Allah at pagkatapos ay niloob mangyari


ni Polano.’ ”


Ang uring ito ng Shirk ay hindi nagiging dahilan ng


pagkatalikod sa Islam o pananatili magpakailanman sa


Impiyerno, ngunit ito ay sumasalungat sa kaganapan ng


pananampalataya sa Tawhíd.


3. Ang Shirk Khafí


O ang Nakakubling Shirk. Ang patunay nito ay ang sinabi


ng Propeta (SAS): “Nais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang


higit na nakatatakot para sa inyo sa ganang akin kaysa sa


Bulaang Kristo?” Nagsabi sila: “Opo, Sugo ni Allah.” Nagsabi


siya: “Ang Nakakubling Shirk…nakatindig ang isang lalaki,


nagdarasal siya, pinagaganda niya ang pagdarasal niya dahil


sa nakikita niyang tumitingin ang isang lalaki sa kanya.” (Ito


ay isinalaysay ni Abú Sa‘íd al-Khudrí.)


Maaari hatiin ang Shirk sa dalawang uri lamang: ang


Malaking Shirk at ang Maliit na Shirk. Tungkol naman sa


Nakakubling Shirk, kapwa saklaw nito ang Malaki at Maliit na


Shirk. Ang Nakakubling Shirk ay maaaring maging Malaking


Shirk gaya ng Shirk ng mga Munáfiq (nagpapanggap na


Muslim) sapagkat ikinukubli nila ang kanilang mga walang


kabuluhang pinaniniwalaan at nagpapanggap na


nananampalataya sa Islam bilang pagpapakitang-tao at takot


para sa kaligtasan ng kanilang mga sarili, at maaari ring


mapabilang sa Maliit na Shirk gaya ng pagpapakitang-tao tulad


na nasasaad sa mga nabanggit na Hadíth na isinalaysay nina


Mahmúd Ibnu Labíd al-Ansárí at Abú Sa‘íd al-Khudrí.


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


30


IKALIMANG ARALIN


Ang mga haligi ng Islam ay lima:


1. Ang pagsaksi na Walang Diyos kundi si Allah at na si


Muhammad ay Sugo ni Allah,


2. Ang pagpapanatili sa saláh,


3. Ang pagbibigay ng zakáh,


4. Ang pag-aayuno sa Ramadán, at


5. Ang pagsasagawa ng hájj sa Banal na Bahay ni Allah


para sa sinumang makakaya na makarating doon.


_________________________________________________


Nang natapos ang may-akda sa pagtatalakay ng mga bahagi


ng Tawhíd at mga bahagi ng Shirk, sinimulan naman niyang


talakayin sa haligi ng Islam. Napatotohanan sa Hadíth na


isinalaysay ni ‘Abdullah ibnu ‘Umar ibni al-Khat táb (RA):


“Ibinatay ang Islam sa lima: ang Pagsaksi na Walang Diyos


kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang


pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng zakáh, ang pagaayuno


sa Ramadán, at ang pagsasagawa ng hájj sa Banal


na Bahay ni Allah para sa sinumang makakayang


makarating doon.” Sa isang sanaysay naman: “Isinalig ang


Islam sa lima:” Ibig sabihin: limang haligi.


Itinulad ang Islam sa gusali na hindi magiging matatag kung


hindi nakabatay sa limang haligi—walang gusaling tatayo nang


walang mga haligi. Ang iba pang mga katangian ng Islam ay


gaya ng mga aksesorya ng gusali.


Ang sabi ng may-akda na “Walang Diyos kundi si Allah at


na si Muhammad ay Sugo ni Allah” ay tumutukoy sa


pananampalataya kay Allah at sa Kanyang Sugo. Sa isang


Hadíth sa Sahíh Muslim ay ganito ang nabanggit: “ibinatay sa


lima: sasampalataya ka sa kaisahan ni Allah” Sa isang pang


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


31


sanaysay ay ganito naman: “na sasampalataya ka sa kaisahan


ni Allah at tatanggi kang sumampalataya sa iba pa sa


Kanya.”


Ang sabi niyang “ang pagpapanatili ng saláh” ay ganito ang


nabanggit sa Sahíh Muslim ayon kay Jábir (RA): “Ang nasa


pagitan ng isang tao at ng kawalang pananampalataya at


Shirk ay ang di-pagsasagawa ng saláh.” Sa Hadíth na


isinalaysay ni Mu‘ádh (RA), ang Propeta (SAS) ay nasabi:


“Ang ulo ay Islam, at ang haligi nito ay ang saláh” Nagsabi


si ‘Abdulláh ibnu Shaqíq: “Ang mga Kasama ng Sugo ni Allah


(SAS) noon ay hindi nagtuturing na ang di-pagsasagawa ng isa


sa mga gawain ay kawalang pananampalataya, maliban pa sa


saláh.”


Ang sabi niyang “ang pagbibigay ng zakáh” ay ang ikatlong


haligi sa mga haligi ng Islam. Nagsabi si Allah (2:43):


“Panatiliin ninyo ang pagdarasal, magbigay kayo ng


zakáh,” at Nagsabi pa Siya (98:5): “Walang ipinag-utos sa


kanila kundi sambahin nila si Allah, na wagas na inuukol sa


Kanya ang pagsamba bilang mga makakatotohanan,


panatilihin nila ang pagdarasal at ibigay nila ang zakáh.


Iyan ay ang Relihiyon na matuwid.”


Ang sabi niyang “ang pag-aayuno sa Ramadán” ay ang


ikaapat na haligi sa mga haligi ng Islam. Nagsabi si Allah


(2:183): “O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang


pag-aayuno tulad ng pagsasatungkulin nito sa mga nauna


sa inyo, nang harinawa kayo ay mangingilag magkasala.”


Ang sabi niyang “ang pagsasagawa ng hájj” ay ang


ikalimang haligi sa mga haligi ng Islam. Nagsabi si Allah


(3:97): “Kay Allah ay may tungkulin ang mga tao na


magsagawa ng hájj sa Bahay: ang sinumang makakayang


makarating doon. Ang sinumang tumangging


Ang Pagpapaliwanag sa mga Mahalagang Aralin


32


sumasampalataya ay tunay na si Allah ay Dinangangailangan


sa mga Nilalalang.”


Ang Hadíth tungkol dito ay isang dakilang batayan ng


kaalaman tungkol sa Islam.


IKAANIM NA ARALIN


Ang mga kondisyon sa pagsasagawa ng saláh ay


siyam:


1. Ang pagiging kaanib ng Islam,


2. Ang sapat na pag-iisip,


3. Ang tamang gulang,


4. Ang pagsasagawa ng wudú’ o ghusl,


5. Ang kawalan ng najásah,


6. Ang pagtatakip sa ‘awrah,


7. Ang pagsapit ng takdang oras,


8. Ang pagharap sa qiblah, at


9. Ang níyah (hangarin).


__________________________



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG