66
ipinagsanggalang Niya silang dalawa laban sa kasamaan
at pakana nito.
Walang duda na ang lahat ng ito ay bahagi ng pangangalaga
at pagmamalasakit ni Allah sa mga sugo Niya at mga
propeta Niya, sumakanila ang pagpapala at ang pagbati,
laban sa isang lalaking mapagmalaking mapaniil, isang
isinumpang hari na nag-aangking siya raw ay Panginoon
ng mga nilalang. Sa kabila nito, naglakas-loob sina Moises
at Aaron sa pag-anyaya sa kanya, sa paglilinaw sa karapatan
ni Allah sa kanya, at pagpapabatid na ang isinasatungkulin
sa kanya ay magbalik-loob siya kay Allah.
Subalit umayaw siya at nagmalaki. Pagkatapos ay ipinanawagan
niya ang panawagan niya na tipunin ang mga
manggagaway at ang panggagaway at iba pa hanggang sa
pinawalang-saysay ni Allah ang pakana niya at ipinakita
ang kawalang-kakayahan niya. Iniadya ni Allah sina Moises
at Aaron, sumakanila ang pagpapala at ang pagbati, laban
sa kanya at laban sa mga manggagaway niya. Pagkatapos,
ang kinahinatnan—noong nagpatuloy sa pagmamalabis—
ay nilunod siya ni Allah sa dagat sampu ng lahat ng hukbo
niya. Iniligtas naman ni Allah sina Moises at Aaron sampu
ng kasama nila na mga anak ni Israel.
Ito ay ilan sa mga kapani-paniwalang tanda ni Allah sa
paghihiganti Niya sa mga kaaway Niya at pag-aadya niya
sa mga tinatangkilik Niya na dalawang lalaki na walang
kasama kundi isang pangkat ng mga inalipin ng Paraon.
Pinagpapatay ng Paraon ang mga lalaking anak nila at
hinahayaang mabuhay ang kababaihan nila. Nagpapalasap
siya sa kanila ng napakasagwang pagdurusa.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
67
Naglakas-loob ang dalawang ito sa pag-anyaya sa isang
mapaniil na hari at sa paglilinaw ng katotohanan sa kanya,
at pagtuligsa sa kabulaanan na nasa kanya. Ipinagsanggalang
naman silang dalawa ni Allah laban sa kawalangkatarungan
at kalupitan ng Paraon. Bagkus ay pinatatag
silang dalawa ni Allah at inayudahan sila. Pinabigkas ni
Allah si Moises ng anumang maihahain na katwiran sa
Paraon.
Dahil dito ay sinabi ni Allah ang sabi ng Paraon (20:49-
55): Nagsabi ang Paraon: “Sino ang Panginoon ninyong
dalawa, o Moises?” Nagsabi si Moises: “Ang Panginoon
namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng anyo nito at
pagkatapos ay nagpatnubay Siya.” Nagsabi ang Paraon:
“Paano naman ang lagay ng mga unang salinlahi?”
Nagsabi si Moises: “Ang kaalaman hinggil doon ay nasa
Panginoon ko, sa isang talaan. Hindi nagkakamali ang
Panginoon ko at hindi nakalilimot.” Siya ang gumawa
para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para
sa inyo rito ng mga landas, at nagbaba mula sa langit
ng tubig, kaya nagpaluwal Kami sa pamamagitan nito
ng mga kaurian ng sari-saring halaman. Kumain kayo
at ipastol ninyo ang mga hayupan ninyo. Tunay na sa
gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may
mga talino. Mula rito sa lupa nilikha Namin kayo at dito
rin ibabalik Namin kayo at mula rito ilalabas Namin
kayo sa ibang pagkakataon.
Ang ibig sabihin: ang mga sugo, sumakanila ang pagpapala
at ang pagbati, ay naglinaw at nagpaliwanag sa katotohanan.
Nilinaw nila ang mga pangalan ng Panginoon at
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
68
ang mga katangian Niya, na nagpapahiwatig sa dakilang
kapangyarihan Niya at pagiging karapat-dapat Niya sa
pagsamba, at na Siya ang Tagapaglikha, ang Nagmamayari,
ang Tagapagtustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang
Tagabawi ng buhay, at ang Nangangasiwa sa bawat bagay.
Nilinaw rin ng mga propeta ang kataasan ni Allah at ang
pangingibabaw Niya sa mga nilikha Niya. Dahil dito ay
nagsabi ang Paraon sa katuwang niya na si Hámán (40:36-
37): “O Hámán, magpatayo ka para sa akin ng isang
tore nang harinawa ako ay makarating sa mga daanan:
ang mga daanan tungo sa langit, kaya makatitingin
na ako sa Diyos ni Moises. Ibinalita niya na si Allah ay
nasa ibabaw ng langit. Dahil dito, ninais ng maniniil na
ito na magmataas sa pamamagitan ng masagwang salita
na ito na walang halaga.
Kabilang din dito ang nabanggit ni Allah tungkol kay
Jesus, sumakanya ang pagpapala at ang pagbati, at sa mga
disipulo niya sa Súrah al-Má’idah kung saan nagsabi Siya
(5:112-115): Banggitin noong nagsabi ang mga disipulo:
“O Jesus na anak na Maria, makakaya ba ng Panginoon
mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa
langit?” ay nagsabi siya: “Mangilag kayong magkasala
kay Allah kung kayo ay mga sumasampalataya.” Nagsabi
sila: “Ninanais namin na kumain mula roon,
mapanatag ang mga puso namin, malaman namin na
nagtotoo ka nga sa amin, at kami roon ay magiging
kabilang sa mga nakasasaksi.” Nagsabi si Jesus na anak
ni Maria: “O Allah, Panginoon namin, magbaba Ka sa
amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
69
ay magiging isang pagdiriwang: para sa una sa amin
at huli sa amin, at isang tanda mula sa Iyo. Tustusan
Mo kami yamang Ikaw ay pinakamainam sa mga nagtutustos.”
Nagsabi si Allah: “Tunay na Ako ay magpapababa
niyon sa inyo; kaya ang sinumang tatangging
sumampalataya pagkatapos niyon mula sa inyo, tunay
na Ako ay magpaparusa sa kanya ng pagdurusang hindi
Ko iparurusa sa isa man sa mga nilalang.”
Dito ay may isang paglilinaw sa isang bahagi ng kapangyarihan
ni Allah, na Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng
bagay, na Siya ay nasa kaitaasan sapagkat ang pagpapababa
ay mula sa mataas patungo sa mababa. Samakatuwid ang
pagpapababa ng hapag at ang paghiling ng pagpapababa
niyon, lahat ng iyon ay patunay na ang mga taong iyon ay
nakababatid na ang Panginoon nila ay nasa kaitaasan. Sila ay
higit na nakakikilala kay Allah at higit na nakaaalam kaysa
sa mga Jahmí32 at mga kauri nila na nagkaila sa kaitaasan.
Ang mga disipulo ay humiling niyon at si Jesus ay naglinaw
niyon at si Allah ay naglinaw rin niyon. Dahil dito
ay nagsabi si Allah (5:115): Tunay na Ako ay magpapababa
niyon sa inyo. Nagpapatunay iyon na ang Panginoon
natin ay hinihilingan mula sa kaitaasan, at na Siya ay nasa
kaitaasan—kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya
—nasa ibabaw ng mga langit, nasa ibabaw ng lahat ng
nilikha, at nasa ibabaw ng trono na niluklukan Niya nang
pagluklok na naaangkop sa kamahalan Niya at kadakilaan
32 Ang mga Jahmí ay ang mga tagasunod ni al-Jahm ibnu Safwán.
Ang mga ito ay nagkakaila sa lahat ng pangalan at katangian ni Allah.
al-Fawzán, Sálih: ‘Aqídah at-Tawhíd, pahina 64.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
70
Niya, na hindi nakawawangis ng nilikha sa anuman sa mga
katangian Niya.
Nagpapatunay sa ganitong kahulugan ang maraming talata
ng Qur’an na naglilinaw sa katataasan ni Allah sa mga
nilikha Niya. Kabilang doon ang kilalang pitong talata ng
Qur’an tungkol sa “pagluklok” na nasaad sa sabi ni Allah
sa Súrah al-‘Aráf (7:54): Tunay na ang Panginoon ninyo
ay si Allah na lumikha sa mga langit at lupa sa loob ng
anim na araw. Pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono.
Ipinambabalot Niya ang gabi sa maghapon na humahabol
naman doon sa gabi nang maliksi. Nilikha Niya
ang araw, ang buwan at ang mga bituin, na mga sunudsunuran
sa utos Niya. Pakatandaan, ukol sa Kanya ang
paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang
Panginoon ng mga nilalang.
Sa talata na ito ay nililinaw Niya ang kataasan Niya; na
Siya ang Palalikha, ang Palatustos, na Siya ang may-ari ng
paglikha at pag-uutos, na Siya ang nagbabalot sa maghapon
ng gabi, na Siya ang Tagapaglikha ng araw at gabi at
ang Tagapaglikha ng mga bituin, upang malaman ng mga
tao ang kadakilaan ng kalagayan Niya, ang kalubusan ng
kapangyarihan Niya, at ang kalubusan ng kaalaman Niya,
na Siya ang Mataas sa ibabaw ng lahat ng nilikha Niya,
ang karapat-dapat na sambahin.
Kabilang din sa paksang ito ang sabi ni Allah (5:116-
118): Banggitin kapag magsasabi si Allah: “O Jesus na
anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin
ninyo ako at ang ina ko bilang mga diyos bukod pa kay
Allah?” ay magsasabi ito: “Kaluwalhatian sa Iyo;
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
71
hindi para sa akin na sabihin ko ang wala akong karapatan.
Kung ako ay nagsabi niyon, talagang nalaman
Mo na sana iyon. Nalalaman Mo ang nasa sarili ko at
hindi ko nalalaman ang nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw
ay ang Napakamaalam sa mga Nakalingid. Wala akong
sinabi sa kanila kundi ang ipinag-utos Mo sa akin:
Sambahin ninyo si Allah, ang Panginoon ko at ang
Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay saksi habang
nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kinuha Mo
na ako, Ikaw ay ang Tagapagmasid sa kanila. Ikaw sa
bawat bagay ay Saksi. Kung pagdurusahin Mo sila,
tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung patatawarin
Mo naman sila, tunay na Ikaw ay ang Nakapangyayari,
ang Marunong.”
Kaya tingnan mo kung papaanong nilinaw ang mga dakilang
katangian na ito na ukol kay Allah, na nag-aanyaya sa
pagsamba sa Kanya at hindi sa bawat anumang iba pa sa
Kanya. Siya ang Nakaaalam sa mga nakalingid. Siya ang
Nakapangyayari, ang Marunong. Siya ang Tagapagmasid
sa mga lingkod Niya at ang Saksi sa Kanila. Siya ay nakaaalam
sa anumang nasa sarili ng propeta Niya na si Jesus,
samantalang si Jesus naman ay hindi nakaaalam sa anumang
nasa sarili ni Allah.
Sa paksang ito ay mayroon ding pahiwatig sa pagkilala sa
mga katangian. Ang mga propeta ay naghatid ng pagkilala
sa mga pangalan ni Allah at mga katangian Niya sa paraang
naaangkop sa Kanya. Siya ay nagtataglay ng “sarili” na
naaangkop sa Kanya na hindi nakawawangis ng mga sarili
ng mga nilikha. Mayroon din Siyang mukha, mayroon
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
72
Siyang kamay, mayroon Siyang paa, mayroong Siyang mga
daliri na hindi nakawawangis ng mga katangian ng mga
nilikha. Nasaad ang ilan dito sa Qur’an. Nasaad sa Dinalisay
na Sunnah ang pagkabanggit sa mukha, kamay, paa
at mga daliri Niya. Lahat ng iyon ay patunay na Siya ay
nagtataglay ng mga katangian ng kalubusan, at hindi nagoobliga
iyon ng pagkakawangis Niya sa nilikha. Dahil
dito ay nagsabi Siya (42:11): Walang katulad sa Kanya
na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang
Nakakikita.
Samakatuwid, ikinaila Niya para sa sarili Niya ang pagkakatulad
sa nilikha. Pagkatapos ay kinilala Niya para sa
sarili Niya ang pagdinig at ang pagkakita Niya. Nagpapatunay
iyon na ang mga katangian Niya at ang mga pangalan
Niya ay walang kawangis at walang katulad. Bagkus Siya
ang lubos sa sarili Niya, sa mga pangalan Niya, sa mga
katangian Niya at sa mga gawa Niya. Kaya Siya ang karapatdapat
na sambahin at dakilain. Tungkol naman sa mga
nilikha, ang mga katangian nila ay mahina at kulang. Tungkol
naman sa Kanya, Siya ang lubos sa lahat ng bagay.
Ang kaalaman Niya ay lubos, ang mga katangian Niya ay
lubos lahat.
Walang duda na ang mga katangian ng mga nilikha ay
hindi makatutulad sa mga katangian Niya magpakailanman
sa anumang paraan. Dahil dito ay nagsabi Siya (16:74):
Kaya huwag ninyong gawan si Allah ng mga kahalintulad.
Tunay na si Allah ay nakaaalam at kayo ay hindi
nakaaalam. Sinabi pa Niya (112:1-4): Sabihin mo: “Siya,
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
73
si Allah, ay Isa.33 Si Allah ay ang Dulugan sa pangangailangan.
Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak,
at walang isa man na sa Kanya ay naging kapantay.”
Sinabi pa Niya (42:11): Walang katulad sa Kanya na ano
mang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita.
Ang Ahlus Sunnah wal Jamá‘ah ay kumikilala sa anumang
nasaad sa Aklat ni Allah at anumang napatotohanang Hadíth
mula sa Sugo ni Allah (SAS) kaugnay sa mga pangalan at
mga katangian ni Allah sa paraang naaangkop sa Kanya
nang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf, walang
tamthíl,34 walang pagdaragdag at walang pagbabawas.
Bagkus kinikilala nila ang mga ito kung papaanong nasaad
ang mga ito at pinalalampas nila ang mga ito kung paanong
nasaad ang mga ito kalakip ng pananampalataya na ang
mga ito ay totoo, at na ang mga ito ay napatunayang ukol
kay Allah sa paraang naaangkop sa Kanya, hindi nakawawangis
sa mga ito ang nilikha Niya gaya ng sinabi Niya
(42:11): Walang katulad sa Kanya na anumang bagay,
at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita.
33 O Siya, si Allah, ay isa; O Siya ay si Allah, isa.
34 Ang tahríf ay ang pagpilipit sa kahulugan ng anumang katangian
Niya palayo sa hayag na kahulugan nito nang walang patunay.
Ang ta‘tíl ay ang pagtanggi sa kinakailangang paniwalaan na mga
pangalan at mga katangian na ukol kay Allah, o ang pagtanggi sa
ilan sa mga ito. Ang takyíf ay ang pagsasalaysay sa kalagayan (o
detalye) ng mga katangian ni Allah, sa isip o sa salita, gaya ng pagsasabing
ang Kamay ni Allah ay ganito at gayon. Ang tamthíl ay
ang paghahalintulad o ang pagwawangis sa mga katangian Niya sa
mga katangian ng mga nilikha o paniniwala na ang mga katangian
Niya ay nakawawangis ng mga katangian ng mga nilikha.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
74
Ang mga ito ay ilan sa mga usapin ng Tawhíd. Ang mga
ito ay kabilang sa napakahalagang mga usapin. Si Allah ay
naglinaw sa Mahal na Aklat Niya ng mga pangalan Niya
at mga katangian Niya. Inulit-ulit Niya iyon sa maraming
bahagi nang sa gayon ay makilala si Allah sa pamamagitan
ng kadakilaan ng mga pangalan Niya, kadakilaan ng mga
katangian Niya at kadakilaan ng mga gawain Niya. Ang
mga gawain Niya ay lahat marikit. Ang mga pangalan Niya
ay lahat magaganda. Ang mga katangian Niya ay lahat
mataas. Sa pamamagitan niyon ay nalalaman ng mga tao
ang Panginoon nila at ang Tagapaglikha nila kaya sasambahin
nila Siya ayon sa kabatiran. Magbabalik-loob sila
sa Kanya ayon sa kaalaman. Siya ay dumidinig sa panalangin
nila at tumutugon sa isang nagigipit sa kanila. Siya
ay Makapangyarihan sa lahat ng bagay.
Kabilang din dito ang nabanggit ni Allah tungkol sa mga
kalipi ni Moises na mga anak ni Israel noong sinamba nila
ang bulô. Nilinaw ni Allah sa kanila ang kabulukan ng
kalagayan nila at ang kawalang-kabuluhan ng pinaggagawa
nila. Nagsabi Siya (7:148): Gumawa ang mga tao ni
Moises, noong wala siya, mula sa mga hiyas nila ng
isang bulô na rebulto na may pag-unga. Hindi ba nila
nakita na ito ay hindi kumakausap sa kanila at hindi
pumapatnubay sa kanila sa isang landas. Ginawa nila
ito habang sila ay mga lumalabag sa katarungan.
Samakatuwid, nilinaw Niya sa atin na ang Diyos na
karapat-dapat sa pagsamba ay kinakailangan na isang nagsasalita,
na isang nakaririnig na nakakikita, na isang nagpapatnubay
sa landas, na ang kapangyarihan sa lahat ng bagay
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
75
at ang kaalaman sa lahat ng bagay ay nasa kamay Niya.
Tungkol naman sa estatuwang bulô na walang buhay na
sinasamba bukod pa kay Allah, ito ay bunga ng katiwalian
ng mga pag-iisip: isang bulô na hindi tumutugon sa dumadalangin,
hindi nagsasalita nang malinaw, hindi nagbibigay
ng sagot, hindi nagdudulot ng pakinabang, hindi nakapipinsala,
kaya paanong sinasamba ito sa halip kay Allah?
Sa ibang talata ay nagsasabi Siya (20:89): Kaya hindi
ba nila nakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng
isang salita at hindi nakakaya na magdulot para sa
kanila ng isang kapinsalaan ni isang pakinabang? Ang
ibig sabihin ng hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang
salita ay nangangahulugan na ang bulô na ito ay hindi
tumutugon ng isang salita sa kaninumang nagsalita rito o
kumausap dito at hindi nakakaya na magdulot para sa
kanila ng kapinsalaan ni pakinabang. Kaya papaanong
pagtutuunan ito ng pagsamba kung sakaling ang mga pagiisip
ay matino?
Ang pakahulugang ito sa Aklat ni Allah ay lubhang
marami. Nililinaw ni Allah sa mga lingkod Niya na Siya
ang karapat-dapat sa pagsamba dahil sa kalubusan Niya
at dakilang kapangyarihan Niya. Siya ang Nagmamay-ari
sa lahat ng bagay at ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay
na nakaririnig sa panalangin ng mga dumadalangin, nakakakaya
sa pagtugon sa pangangailangan nila, tumutugon
sa nagigipit sa kanila, nagmamay-ari sa kapinsalaan at
kapakinabangan at nagpapatnubay sa kaninumang loobin
Niya patungo sa tuwid na landasin, kaluwalhatian sa
Kanya at pagkataas-taas Niya.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
76
Ipinadala ni Allah ang Propeta natin na si Muhammad
(SAS). Siya ang puno ng mga nilikha, ang pinakamainam
sa kanila at ang pinuno ng mga isinugong propeta. Ipinadala
siya ni Allah dala ang aral na ipinadala dahil dito ang mga
sinaunang sugo: ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah, ang
pag-uukol ng kawagasan sa Kanya, ang pag-aanyaya tungo
roon, ang paglilinaw sa mga katangian Niya at mga pangalan
Niya, na Siya ang karapat-dapat na sambahin. Kaya ang
paanyaya Niya ay isang buong paanyaya. Sinabi Niya
(7:158): Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo
ni Allah sa inyong lahat.
Nagbaba si Allah sa kanya ng isang Dakilang Aklat. Ito
ang pinakamarangal sa mga aklat, ang pinakadakila sa mga
ito, ang pinakakapaki-pakinabang sa mga ito at ang pinakamasaklaw.
Nilinaw Niya rito ang mga patunay ng Tawhíd,
na Siya ang Dakilang Panginoon, ang Makapangyarihan sa
lahat ng bagay, ang Nagmamay-ari ng lahat ng bagay, ang
Nagdudulot ng pakinabang, ang Nakapipinsala. Inutusan
Niya ang sugo Niya na iparating sa mga tao iyon ayon sa
maraming talata ng Qur’an.
Ang sinumang magbubulay-bulay sa Qur’an ay malalaman
ito, gaya ng sinabi Niya (31:25): Talagang kung tatanungin
mo sila kung sino ang lumikha sa mga langit at
lupa ay talagang sasabihin nga nila na si Allah. Sinabi
pa Niya (10:31): Sabihin mo: “Sino ang nagtutustos sa
inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari
ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapaluwal
ng buhay mula sa patay at ang nagpapaluwal ng patay
mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?”
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
77
at magsasabi sila na si Allah. Kaya sabihin mo: “Kaya
hindi pa ba kayo mangingilag magkasala?”
Samakatuwid, inutusan ni Allah ang Propeta Niya (SAS)
na mangatwiran sa kanila sa pamamagitan ng kinilala nila
na mga gawain ng Panginoon at kapangyarihan Niya, na
Siya ay nagbibigay-buhay at bumabawi sa buhay, na Siya
ang Tagapangasiwa at ang Tagapagtustos sa kabila ng pagtanggi
nila sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah sa pagsamba
at pagkakaila nila roon.
Ang kahulugan ng mga talata: Kapag kayo ay kumikilala
na ito nga ang Panginoon ninyo na nagmamay-ari ng
kapinsalaan at pakinabang, nangangasiwa sa mga kapakanan,
nagbibigay-buhay at bumabawi ng buhay at nagtutustos
sa mga lingkod Niya, papaanong hindi ninyo itinitigil
ang pagtatambal sa Kanya at hindi Siya sinasamba
nang mag-isa at wala nang iba pa sa Kanya. Kabilang dito
ang sabi Niya (23:84-85): Sabihin mo: “Kanino ang lupa
at ang sinumang naroroon, kung kayo ay nakaaalam.”
Sasabihin nila: “Kay Allah.” Sabihin mo: “Kaya hindi
ba kayo mag-aalaala?” at ang iba pang mga talata pagkatapos
nito.
Lahat ng ito ay paalaala mula kay Allah para sa mga lingkod
Niya sa pamamagitan ng Sugo Niya na si Muhammad
(SAS) kaugnay sa kadakilaan ng karapatan Niya at kaugnay
sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Siya ang
karapat-dapat na sambahin dahil sa kalubusan ng kapangyarihan
Niya, kalubusan ng kaalaman Niya, kalubusan ng
pagmamagandang-loob Niya. Siya ang Tagapagdulot ng
pakinabang, ang Tagapinsala. Siya ang Makapangyarihan
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
78
sa lahat ng bagay, ang namumukod-tangi sa kawalan ng
kawangis at kaagaw sa mga gawain Niya, mga pangalan
Niya at mga katangian Niya.
Noong isinugo ni Allah si Propeta Muhammad (SAS),
sinimulan nito ang paanyaya sa Tawhíd gaya ng mga naunang
sugo, kaya nagsabi siya sa mga Qurayshi: O mga tao,
sabihin ninyo: Walang Diyos kundi si Allah, magtatagumpay
kayo. Gayon niya sinimulan sila. Hindi niya muna
ipinag-utos sa kanila ang pagdarasal o ang zakáh, o ang
pagtalikod sa alak o pangangalunya o mga kawangis niyon.
Hindi. Bagkus ay nagsimula siya sa kanila sa Tawhíd dahil
ito ang batayan; at kapag bumuti ang batayan, darating ang
iba pa matapos niyon. Kaya nga sinimulan niya sila sa dakilang
batayan: ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah, ang
pag-uukol ng kawagasan sa Kanya, at ang pananampalataya
sa Kanya at sa mga sugo Niya.
Ang batayan ng kapaniwalaan at ang batayan ng relihiyon
ay nasa Batas ng bawat sugo: ang paniniwala sa pagkaiisa
ni Allah at ang pag-uukol ng kawagasan sa Kanya. Ang
paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at ang pag-uukol ng kawagasan
ay ang relihiyon ng lahat ng Muslim. Ito ang pokus
ng paanyaya nilang lahat at ang buod ng mensahe nila,
sumakanila ang pagpapala at ang pagbati, gaya ng naunang
nabanggit. Noong nagsabi ang Sugo (SAS) sa mga kalipi
niya: Sabihin ninyo: Walang Diyos kundi si Allah, magtatagumpay
kayo ay minasama nila iyon at pinagtakahan
siya dahil iyon ay kasalungatan ng paniniwala nila at ng
mga ninuno nila.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
79
Sinuong nila ang Shirk at ang pagsamba sa mga idolo sa
loob ng matagal na panahon matapos na binago sa kanila
ni ‘Amr ibnu Luhayy al-Khuzá‘í na isang pangulo noon sa
Makkah ang relihiyon nila. Sinasabi na siya ay naglakbay
patungong Siria at natagpuan niya ang mga tao roon na
sumasamba sa mga imahen. Kaya umuwi siya sa Makkah
at inanyayahan ang mga tao na sumamba sa mga imahen
bilang paggaya sa mga pagano doon sa Siria. Sinasabi rin
na sinabihan daw siya na: “Pumunta ka sa Jeddah, makatatagpo
ka roon ng mga inihandang imahen. Kunin mo ang
mga ito at huwag mong ipagkaloob. Anyayahan mo ang
mga Arabe sa pagsamba sa mga ito, tutugon ang mga ito.”
Kaya inilabas niya ang mga imahen na ito at ipinalaganap
niya ang mga ito sa gitna ng mga Arabe at sinamba
naman nila ang mga ito na kinabibilangan nina Wadd, Suwá‘,
Yaghúth, Ya‘úq at Nasr, na pawang mga sinasamba ng mga
tao ni Noe. Tumanyag ang mga ito sa gitna ng mga Arabe at
sinamba bukod pa kay Allah, dahil kay ‘Amr ibnu Luhayy
na nabanggit. Pagkatapos ay umimbento pa sila ng ibang
mga imahen at diyus-diyusan sa iba pang mga lipi. Sinasamba
nila ang mga ito kasama kay Allah. Humihiling sila
sa mga ito na tugunin ang mga pangangailangan. Ginagawa
nila ito na mga diyos na kasama ni Allah. Naghahandog
sila sa mga ito ng sari-saring handog gaya ng pag-aalay ng
hayop, mga panata, mga panalangin, mga pagpupunas at
iba pa roon.
Kabilang din doon si al-‘Uzzá para sa mga naninirahan
sa Makkah, si Manáh para sa mga naninirahan sa Madínah
at sinumang nasa paligid nila, si al-Lát para sa mga naniAng
Paglilinaw sa Tawhíd
80
nirahan sa Tá’if at sinumang nasa paligid nila, at iba pang
mga diyus-diyusan at mga idolo na marami sa mga Arabe.
Kaya inanyayahan noon sila ng marangal na Propetang ito,
ang Sugo natin (SAS), sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah
at sa pagtalikod sa mga diyos nila. Tinanggihan nila iyon
at nagsabi (38:5): Ginawa ba niya ang mga diyos na nagiisang
diyos? Tunay na ito ay talagang isang katakatakang
bagay. Nagsabi naman si Allah tungkol sa kanila
(37:35-36): Tunay na sila noon, kapag sinabi sa kanila
na walang Diyos kundi si Allah, ay nagmamalaki sa
pagtanggi at nagsasabi: “Tunay na kami ba ay talagang
tatalikod sa mga diyos namin dahil sa isang baliw na
manunula? ”
Kaya tingnan mo kapatid kung papaanong nanaig sa
kanila ang kamangmangan hanggang sa ipinagpalagay nila
na ang pag-anyaya sa pagkaiisa ni Allah ay isang katakatakang
bagay. Nagmalaki sila sa Propeta (SAS), pinagtakahan
nila siya at inaway nila ang nag-anyaya sa kanila
hanggang sa kinalaban nila siya. Humantong pa sa punto
na nagkaisa ang pananaw nila na patayin siya. Ngunit iniligtas
siya ni Allah sa panlalansi nila. Lumikas siya mula
sa kanila patungong Madínah.
Pagkatapos ay nagtangka rin silang patayin siya noong
araw ng labanan sa Badr, ngunit hindi sila nagtagumpay.
Tinangka rin nila iyon noong araw ng labanan sa Uhud nang
higit na matindi kaysa noong una. Ngunit pinangalagaan
siya ni Allah laban sa panlalansi nila at pakana nila. Pagkatapos
at tinangka nila noong araw ng labanan ng mga
panig na pawiin ang paanyaya ng Islam at lipulin ang Sugo
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
81
(SAS) at ang mga Kasamahan Niya. Ngunit pinawalangsaysay
ni Allah ang pakana nila at hinati-hati ang bukluran
nila. Iniligtas siya ni Allah laban sa kasamaan nila at mga
panlalansi nila. Pinanaig ni Allah ang Relihiyon niya at
inayudahan ang pag-anyaya niya tungo sa Islam. Tinulungan
siya ni Allah sa pakikibaka sa mga kaaway niya hanggang
sa pinalugod siya ni Allah bago siya pumanaw sa
pamamagitan ng pananaig ng Islam, pananaig ng katotohanan,
paglaganap ng Tawhíd sa lupa at pagkalipol sa diyusdiyusan
matapos na sinakop ni Allah para kanya ang Makkah
noong ikawalong taon ng paglikas, sa Buwan ng Ramadán.
Pumasok ang mga tao, matapos niyon, sa Relihiyon mula
kay Allah nang pulu-pulutong dahil na rin sa pagsakop ni
Allah sa Makkah para sa kanya at sa pagpasok ng mga
Quraysh sa Islam. Pagkatapos ay nagkasunud-sunod ang
mga Arabe sa pagpasok sa Relihiyon mula kay Allah at
pagtanggap sa paanyaya ng Sugo―sumakanya ang pinakamainam
na pagpapala at pagbati―gaya ng paniniwala
sa pagkaiisa ni Allah, pag-uukol ng kawagasan kay Allah
at pananatili sa Batas ni Allah. Ang ibig sabihin nito ay
na ang Sugo natin at ang Propeta natin na si Muhammad
(SAS) ay nag-aanyaya sa aral na ayon sa paanyaya ng mga
sugo na nauna sa kanya—gaya ni Noe at ng sinumang
dumating matapos nito—sa pag-uukol ng kawagasan kay
Allah, at pagtigil sa pagsamba sa iba pa kay Allah.
Ito ang unang paanyaya niya at ito ang buod nito. Ito ay
pinakamahalagang tungkulin, unang tungkulin at pinakadakilang
tungkulin. Ang mga anak ni Adan ay nakabatay
sa Tawhíd mula noong panahon ni Adan hanggang sa
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
82
panahon ni Noe (AS) sa loob ng sampung siglo, gaya ng
sinabi ni Ibnu ‘Abbas at ng ilan.
Noong nagkaiba-iba sila dahil sa Shirk na nasadlak sa
mga tao ni Noe, ipinadala ni Allah ang mga sugo. Sinabi ni
Allah (2:213): Ang mga tao noon ay nag-iisang kalipunan.
Pagkalipas ay ipinadala ni Allah ang mga propeta
bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala.
Nangangahulugan ito na ang mga tao noon ay
nag-iisang kalipunan na nakabatay sa Tawhíd at Pananampalataya
ngunit nagkaiba-iba sila matapos niyon gaya ng
sinabi Niya sa ibang talata sa Súrah Yúnus (10:19): Walang
iba ang mga tao noon kundi nag-iisang kalipunan, pagkaraan
ay nagkaiba-iba sila.
Nangangahulugan ito na sila noon ay nakabatay sa
Tawhíd at Pananampalataya. Ito ang totoong pahayag.
Pagkatapos ay nagkaiba-iba sila matapos niyon sa pagitan
nila dahilan sa pag-anyaya ng Demonyo tungo sa pagsamba
kina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq, at Nasr. Kaya noong
naganap ang Shirk sa mga tao ni Noe dahilan sa pagpapalabis
nila sa pagdakila sa mga matuwid na tao at sa paghalina
ng Demonyo sa kanila sa pagsamba sa mga taong ito
bukod pa kay Allah, ipinadala ni Allah sa kanila si Noe
―sumakanya ang pagpapala at ang pagbati ni Allah.
Inanyayahan niya sila sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah,
sa pag-uukol ng kawagasan sa Kanya at sa pagtigil sa pagsamba
sa iba pa sa Kanya.
Samakatuwid si Noe (AS) ay kauna-unahang sugo na
isinugo ni Allah sa mga naninirahan sa lupa matapos na
maganap ang Shirk dito. Tungkol naman kay Adan, may
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
83
nasaad na mga mahinang Hadíth na nagpapahiwatig na
siya ay isang propeta at sugo na kinausap ni Allah, ngunit
ang mga ito ay hindi mapagbabatayan dahil sa kahinaan
ng katumpakan ng pagkasalaysay sa mga ito. Walang duda
na nagsiwalat kay Adan ng batas, at na siya ay nakabatay
sa Batas mula sa Panginoon niya, sumakanya ang pagpapala
at ang pagbati ni Allah. Ang mga supling niya noon ay
nakabatay rin sa Batas niya, sa paniniwala sa pagkaiisa ni
Allah at sa pag-uukol ng kawagasan kay Allah. Pagkatapos
niyon, pagkalipas ng mga sampung salinlahi o ng panahon
na niloob ni Allah matapos niyon, ay naganap ang Shirk sa
mga tao ni Noe dahil kina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq
at Nasr, gaya ng naunang nabanggit.
Nasaad sa mga tanyag na salaysay ayon kay Ibnu ‘Abbás
at iba pa na sina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq at Nasr
noon ay mga matuwid na tao. Ngunit noong nangamatay
ang mga ito ay inudyukan ng Demonyo ang mga tao na
magtayo sa mga pinag-uumpukan nila ng mga dambana
at pangalanan ng mga pangalan ng mga taong ito. Ginawa
nila ngunit hindi nila sinamba ang mga ito. Nang namatay
ang mga iyon at napawi ang kaalaman ay sinamba na ang
mga ito bukod pa kay Allah. Sa madaling salita, noong
naglaho ang kaalaman at nangaunti ang mga maalam na
nakatatalos, dumating ang Demonyo sa mga tao at nagsabi
sa kanila: “Ang mga imahen na ito ay isinalarawan lamang
dahil ang mga ito ay nakapagdudulot ng pakinabang. Ang
mga ito ay dinadalanginan, hinihingan ng saklolo at hinihingan
ng ulan.” Kaya nasadlak sa Shirk ang mga tao dahil
doon.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
84
Sa pamamagitan nito ay malalaman na si Noe, sumakanya
ang pagpapala at ang pagbati, ay ang unang sugo ni Allah
sa mga naninirahan sa lupa matapos maganap ang shirk
doon, gaya ng nasaad sa Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim
at iba pa: “…na ang mga taong nasa Tayuan35 sa araw ng
pagkabuhay ay magsasabi: O Noe, ikaw ang unang sugo na
isinugo ni Allah sa mga naninirahan sa lupa, kaya mamagitan
ka para sa amin sa Panginoon mo…”
Tungkol naman kay Adam, napagtibay na ang pagkapropeta
niya bago niyon, sumakanya ang pagpapala at ang
pagbati, sa pamamagitan ng ibang mga patunay. Nasaad
sa Hadíth ayon kay Abú Dharr, na ayon naman kay Abú
Hátim ibnu Hibbán at iba pa, na siya ay nagtanong sa Propeta
(SAS) tungkol sa mga sugo at mga propeta. Nagsabi
ang Propeta (SAS): Ang mga propeta ay isandaan at dalawampu’t
apat na libo at ang mga sugo ay tatlong daan at
labingtatlo. Sa sanaysay naman ni Abú Umámah: Tatlong
daan at labinglima. Subalit ang dalawang ito ay mga Hadíth
na mahina ayon sa mga may kaalaman. Ang dalawang ito
ay may mga patunay ngunit ang mga ito ay mahina rin, gaya
ng nabanggit natin kanina. Sa ilang mga Hadíth naman,
nasaad na nagsabi siya (SAS): Isang libong propeta o higit
pa. Sa iba pang Hadíth: Na ang mga propeta ay tatlong libo.
Ang lahat ng Hadíth sa paksang ito ay mahina. Bagkus
ay itinuring ni Ibnu al-Jawzí na ang Hadíth ayon kay Abú
Dharr ay kabilang sa mga mawdú‘ (ginawa-gawa). Ang
ibig sabihin ay walang ulat na mapagbabatayan kaugnay sa
35 Mawqif sa wikang Arabe. Isang pook na tatayuan ng mga tao sa
Kabilang-buhay. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
85
bilang ng mga propeta at mga sugo, kaya walang nakaaalam
sa bilang nila kundi si Allah. Gayunpaman sila ay isang
malaking bilang. Isinalaysay sa atin ni Allah ang mga ulat
tungkol sa ilan sa kanila at hindi naman niya isinalaysay
ang mga ulat ng iba pa dahil sa malalim na katwiran at
malaking pakinabang.
Sapat nang nalaman natin na silang lahat ay nag-anyaya
sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at pag-uukol ng kawagasan
sa Kanya at na sila ay nag-anyaya sa mga kalipunan
tungo roon. Mayroon sa mga inanyayahang iyon na tumanggap
sa paanyayang ito at mayroon sa mga iyon na tumanggi
roon. Mayroon sa mga iyon na kakaunti lamang ang sumunod.
Mayroon sa mga iyon na lubusang hindi tumugon kahit
isa, gaya ng ibinalita tungkol doon ng Propeta natin na si
Muhammad (SAS).
Ang propeta natin ay ang pangwakas sa kanila at ang
pinakamainam sa kanila, sumakanya ang pagpapala at ang
pagbati. Napag-alaman na ang naganap sa kanya, kasama ng
mga kalipi niya, na alitan at pagtatalo sa Makkah. Madalas
na saktan siya at ang mga Kasamahan niya hanggang sa
napagkaisahang patayin siya. Ngunit iniligtas siya ni Allah
sa gitna nila. Sa Madínah naman ay naganap ang naganap
na mga pananalakay at dakilang pakikibaka hanggang sa
pagwagiin siya ni Allah at ayudahan laban sa kanila.
Sa pamamagitan niyon ay lumilinaw na sa lahat na ang
paanyaya ng lahat ng sugo ay ang paanyaya tungo sa paniniwala
sa pagkaiisa ni Allah at pag-uukol ng kawagasan sa
Kanya. Ang lahat ng propeta at ang lahat ng sugo ay naganyaya
tungo sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah, pag-uukol
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
86
ng kawagasan sa Kanya, at pananampalataya sa mga pangalan
Niya, mga katangian Niya at mga gawain Niya. Siya ay
nag-iisa sa pagkapanginoon Niya, nag-iisa sa mga pangalan
Niya at mga katangian Niya, nag-iisa sa pagiging karapatdapat
Niya sa pagsamba at hindi ang bawat iba pa sa Kanya
yamang hindi karapat-dapat doon ang iba sa Kanya, ni ang
isang propeta, ni ang isang anghel, ni ang isang matuwid,
ni ang iba pa sa kanila na kabilang sa mga nilikha.
Ang sambahin ay karapatan ni Allah. Alang-alang dito ay
nilikha Niya ang mga nilikha at dahil dito ay isinugo Niya
ang mga sugo, gaya ng sinabi Niya (51:56): Hindi Ko
nilikha ang jinn at ang tao kundi upang sambahin nila
Ako. Sinabi pa Niya (16:36): Talaga ngang nagpadala
Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi:
Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na
diyos.
Kaya alang-alang sa pagsamba kay Allah at paniniwala
sa pagkaiisa Niya ay nilikha ang mga nilikha, isinugo ang
mga sugo at ibinaba ang mga kasulatan, gaya ng sinabi Niya
(11:1-2): Alif. Lam. Ra’. Ito ay isang Aklat na tahasang
pinalinaw ang mga Talata nito, pagkatapos ay sinarisari
ang mga ito mula sa panig ng isang Marunong,
isang Nakababatid, upang wala kayong sambahin kundi
si Allah. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay
isang tagapagbabala at isang tagapagbalita ng nakagagalak.
Sinabi pa Niya (14:52): Ito ay isang pahatid para
sa mga tao, at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan
nito, upang malaman nila na Siya ay nag-iisang Diyos
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
87
lamang at upang makapag-alaala ang mga may mga
pang-unawa.
Nilinaw ni Allah sa Mahal na Aklat Niya mula sa mga
tanda Niya at mga nilikha Niya ang nagpapatunay sa dakilang
kapangyarihan Niya, pagkadiyos Niya at pagkapanginoon
Niya, at na Siya ang karapat-dapat sa pagsamba.
Ang sinumang magmuni-muni sa Aklat ni Allah at sa
mga nilikha Niya ay matatagpuan niya mula sa mga binibigkas
na kapahayagan, mga nadaramang tanda ni Allah
at mga naiparating na ulat ang nagpapatunay na Siya ang
karapat-dapat sa pagsamba, na ang lahat ng sugo ay nagparating
niyon at nag-anyaya niyon, at na ang Shirk na nasadlak
sa mga tao ni Noe ay hindi pa rin nawala sa mga tao
magpahanggang sa panahon nating ito. Hindi nawala sa
mga tao ang sumasamba sa mga imahen at mga diyusdiyusan
at nagpapakalabis sa pagpipitagan sa mga matuwid
na tao at mga propeta, na sinasamba nila kasama kay Allah.
Ito ay alam ng bawat nagmamasid sa mga kalagayan ng
mundo magmula noong panahon ni Noe hanggang sa panahon
nating ito.
Batay sa nabanggit natin mula sa Aklat ni Allah at mula
sa salita ng Sugo Niya na si Muhammad, sumakanya ang
pinakamainam na pagpapala at ang pinakadalisay na pagbati,
at mula sa kasalukuyang lagay ng mundo, lumilinaw na
ang Tawhíd ay binubuo ng mga bahagi. Nabatid iyon ng
mga may kaalaman sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa
Aklat ni Allah at Sunnah ng Sugo Niya, sumakanyan ang
pagpapala at ang pagbati.
Ito ay binubuo ng tatlong bahagi:
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
88
1. Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah (Ang Paniniwala sa pagkaiisa
sa Pagkapanginoon). Ito ay ang pananampalataya na si
Allah ay nag-iisa sa mga gawain Niya, paglikha Niya,
pangangasiwa Niya sa mga lingkod Niya, at na Siya ang
Tagapamahala sa mga lingkod Niya kung papaanong
niloloob Niya sa pamamagitan ng kaalaman Niya at
kapangyarihan Niya.
2. Ang Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát (Ang Paniniwala sa
pagkaiisa sa mga Pangalan at mga Katangian). Siya ay
inilarawan sa pamamagitan ng mga napakagandang
pangalan at mga napakataas na katangian. Siya ay lubos
sa sarili Niya, mga pangalan Niya, mga katangian Niya
at mga gawain Niya. Wala Siyang kawangis, wala Siyang
katapat, at wala Siyang kaagaw.
3. Ang Tawhíd al-‘Ibádah (Ang Paniniwala sa pagkaiisa ng
Pinag-uukulan ng Pagsamba).36 Siya ay karapat-dapat na
sambahin, tanging Siya na walang katambal na iba pa
sa Kanya.
Kung loloobin mo, sabihin mo na ang paniniwala sa
pagkaiisa ni Allah ay ang pananampalataya na Siya ang
Panginoon ng lahat, ang Tagapaglikha ng lahat at ang
Tagapagtustos ng lahat. Siya ay walang katambal sa lahat
ng mga gawain Niya, walang katambal sa paglikha Niya
at pagtutustos sa mga lingkod Niya, walang katambal sa
pangangasiwa sa mga bagay-bagay. Siya ang Nagmamay-ari
sa bawat bagay, gaya ng sinabi Niya (5:120): Kay Allah ang
36 Kilala rin ito sa tawag na Tawhíd al-Ulúhiyah (Ang Paniniwala
sa Pagkaiisa ng Pagkadiyos).
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
89
paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa loob
ng mga ito. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan.
Samakatuwid Siya ang Nagmamay-ari sa bawat bagay
at ang Tagapamahala sa bawat bagay. Ukol sa Kanya ang
lahat ng pag-uutos at ukol sa Kanya ang lahat ng paglikha,
gaya ng sinabi Niya (7:54): Pakatandaan, ukol sa Kanya
ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang
Panginoon ng mga nilalang. Siya ang natagurian ng mga
katangian ng kalubusan, ang tinatawag sa mga napakagandang
pangalan kaya wala Siyang kawangis sa mga nilikha
Niya sa anumang bagay. Bagkus ay Siya ang Lubos sa
sarili Niya, mga pangalan Niya, mga katangian Niya at
mga gawain Niya. Siya ang karapat-dapat na sambahin at
itangi sa pagsamba na gaya ng du‘á’ (panalangin), Khawf
(pangamba), rajá’ (pag-asa), tawakkul (pananalig), raghbah
(pagmimithi), rahbah (pangingilabot), saláh (dasal), sawm
(pag-aayuno), dhabh (pagkatay ng hayop), nadhr (pamamanata),
at iba pa roon.
Lahat ng ito ay napaloloob sa tinatawag na Tawhíd. Ang
paniniwala sa pagkaiisa ni Allah ay ang Tawhíd ng mga
propeta at mga isinugo. Ito rin ang Tawhíd na inihatid ng
pangwakas sa kanila, puno nila at pinuno nila, ang Propeta
natin na si Muhammad, sumakanya ang pagpapala at ang
pagbati.
Maaari ring magbigay tayo ng ibang katawagan. Masasabi
natin na ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah na inihatid
ng lahat ng mga sugo ay nahahati sa dalawang bahagi:
1. Tawhíd fí al-Ma‘rifah wa al-Ithbát (Tawhíd ayon sa Kaalaman
at Pagkilala). Ang kahulugan nito ay ang pananamAng
Paglilinaw sa Tawhíd
90
palataya sa mga pangalan ni Allah, mga katangian Niya,
sarili Niya, paglikha Niya sa mga nilalang, pagtustos Niya
sa kanila, at pangangasiwa Niya sa mga kapakanan nila.
Ito ay ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah ayon sa
kaalaman at pagkilala: na sasampalataya at maniniwala
na si Allah ay nag-iisa sa pagkapanginoon Niya, nag-iisa
sa mga pangalan Niya, mga katangian at pangangasiwa
Niya sa mga lingkod Niya. Siya ang Tagapaglikha nila,
ang Tagapagtustos nila at ang nagtataglay ng mga katangian
ng kalubusan na walang kakulangan at kapintasan.
Wala Siyang katambal doon, wala Siyang kawangis at
wala Siyang kaagaw.
2. Tawhíd al-Qasd wa at-Talab (Ang Paniniwala sa pagkaiisa
ng Layon at Hiling). Ito ay ang pagbubukod-tangi
kay Allah sa layon mo, hiling mo, dasal mo, pag-aayuno
mo at sa nalalabing mga pagsamba mo. Wala kang lalayunin
sa pamamagitan niyon kundi ang ikasisiya ng Mukha
Niya. Ganoon din ang mga kawanggawa mo at ang nalalabing
mga gawain mo na ipinapanlapit-loob mo kay
Allah, wala kang lalayunin sa pamamagitan ng mga iyon
kundi ang ikasisiya ng Mukha ni Allah. Kaya naman wala
kang dadalanginan kundi Siya. Hindi ka mamamanata
kundi sa Kanya. Hindi ka maghahandog ng sari-saring
pampalapit-loob kundi sa Kanya. Hindi ka hihiling ng
kagalingan ng mga maysakit at pananagumpay laban sa
mga kaaway kundi mula sa Kanya. Pakaiisahin mo Siya
sa lahat ng iyon.
Ang mga ito ang mga uri ng Tawhíd. Nasasaiyo na kung
ipahahayag mo ito sa pamamagitan ng dalawang pag-uuri
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
91
at nasasaiyo na rin kung ipahahayag mo ito sa pamamagitan
ng tatlong pag-uuri. Nasasaiyo na rin kung ipahahayag
mo ito sa pamamagitan ng isang pag-uuri, gaya ng naunang
nabanggit natin kanina.
Walang maitututol sa terminolohiya at pagpapahayag.
Ngunit ang nilalayon ay na malaman lamang natin kung
ano ang Tawhíd na ipinadala ni Allah dahil dito ang mga
sugo, na ibinaba Niya dahil dito ang mga kasulatan, at na
naganap hinggil dito ang alitan sa pagitan ng mga sugo at
mga kalipunan nila. Ito ay ang Tawhíd al-‘Ibádah.
Tungkol naman sa Kanyang pagiging Panginoon ng lahat,
Tagapaglikha ng mga nilikha, Tagapagtustos nila, na Siya
ay lubos sa sarili Niya, mga pangalan Niya, mga katangian
Niya at mga gawain Niya, na Siya ay walang kawangis,
walang kaagaw, walang katulad, ay hindi nangyari rito
ang salungatan sa pagitan ng mga sugo at mga kalipunan.
Bagkus ang lahat ng Mushrik, maging mga Quraysh man
at iba pa, ay kumikilala rito.
Ang nangyaring pagtutol ng Paraon at pag-aangkin niya
ng pagkapanginoon ay isang pagmamayabang. Nalalaman
niya sa kaibuturan ng sarili niya na siya mismo ay nagpapawalang-
kabuluhan doon, gaya ng sinabi sa kanya ni
Moises (17:102): Nagsabi siya: “Talaga ngang nalaman
mo na walang nagpababa sa mga himalang ito kundi
ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga patunay.
Nagsabi pa si Allah tungkol sa kanya at sa mga tulad
niya (27:14): Ikinaila nila ang mga tanda na ito samantalang
natiyak ang mga ito ng mga sarili nila, dala ng
paglabag sa katarungan at pagmamataas. Nagsabi pa
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
92
Siya (6:33): Nalalaman nga Namin na talagang nagpalungkot
sa iyo ang sinasabi nila, at tunay na sila ay hindi
nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga lumalabag
sa katarungan ay sa mga Tanda ni Allah tumatanggi.
Ganoon din ang pinaniwalaan ng Duwalismo37 na pagkadiyos
ng liwanag at kadiliman, pagmamayabang din ito. Sila,
sa kabila niyon, ay hindi nagsabi na ang dalawa ay magkapantay.
Sa mundo ay walang nagsasabing may dalawang
diyos na magkapantay sa pamamahala at pangangasiwa.
Tungkol naman sa lubusang pagkakaila ng mga ateista sa
Panginoon ng mga nilalang at sa pagkakaila nila sa Kabilangbuhay,
ito ay hindi nakapagtataka sa mga kaaway ni Allah,
dala ng katiwalian ng mga pag-iisip nila dahil sa pananaig
ng mga demonyo sa kanila anupa’t inilihis sila ng mga ito
palayo sa kalikasan ng pagkalalang ni Allah na alinsunod
doon ay nilalang ang mga tao.
Ang mga ateista na ito, kahit pa man nagkaila sila sa
pamamagitan ng mga bibig nila, ang mga puso naman
nila ay kumikilala roon, gaya ng pagkilala roon ng mga
bagay-bagay at ng lahat ng bagay. Nagsabi si Allah (17:44):
Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa,
at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay
na hindi nagluluwalhati sa kapurihan Niya ngunit hindi
ninyo nauunawaan ang pagluluwalhati nila. Tunay na
Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad. Nagsabi pa
37 Pilosopiya or relihiyon na naniwalang may dalawang kapangyarihang
umiiral sa sansinukob: ang mabuti at ang masama, o ang liwanag
at ang kadiliman. Ang Zoroasterianismo at ang Manichaenismo
ay mga relihiyong batay sa paniniwalang ito. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
93
Siya (22:18): Hindi mo ba napag-alaman na kay Allah
ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang
sinumang nasa lupa, ang Araw, ang Buwan, ang mga
bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang
mga hayop at ang marami sa mga tao. May marami
rin na naging karapat-dapat sa pagdurusa.
Ang ipinakakahulugan nito ay na ang sinumang magkaila
sa Panginoon ng mga nilalang, na gaya ng mga salaring
Káfir, siya sa katotohanan ay nagmamayabang sa kalikasan
ng pagkalalang sa kanya at sa isip niya, sapagkat tunay na
ang kalikasan ng pagkalalang at ang isip ay sumasaksi na
mayroong Panginoon na namamahala sa sansinukob, na
nangangasiwa sa mga nilalang, na walang kawangis sa
Kanya ni kaagaw sa Kanya. Kaluwalhatian sa Kanya at
pagkataas-taas Niya na may malaking kataasan laban sa
sinasabi ng mga lumalabag sa katarungan.
Dahil dito, nasabi natin na ang mga Mushrik ay kumilala
nga sa Tawhíd ar-Rubúbíyah at Tawhíd al-Asmá’ wa as-
Sifát at hindi nila ikinaila ang mga ito sapagkat siya ay
nakaaalam na si Allah ay ang Tagapaglikha ng mga tao,
ang Tagapagtustos nila, ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan
nila, ang Tagapagpababa ng ulan, ang Tagapagbigaybuhay,
ang Tagabawi ng buhay, ang Palatustos sa mga
lingkod, at iba pa roon, gaya ng naunang paglilinaw.
Kaya ang isinasatungkulin sa iyo, o lingkod ni Allah,
kung nalaman mo na ang naunang nabanggit ay na ipagkaloob
mo ang makakaya mo sa paglilinaw ng orihinal na
simulaing ito, sa pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao
at sa pagpapaliwanag nito sa mga nilalang upang malaman
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
94
ito ng sinumang hindi nakabatid, upang sambahin si Allah
lamang ng sinumang nagtambal sa Kanya at sumalungat sa
utos Niya, at upang sa pamamagitan niyon ikaw ay maging
isang nakasunod sa mga sugo at isang tumatahak sa mga
landas nila sa pag-aanyaya tungo kay Allah, bilang pagtupad
sa ipinagkatiwalang tungkulin na dinadala mo.
Kaya magkakaroon ka ng tulad sa mga gantimpala ng
napatnubayan ni Allah sa pamamagitan mo hanggang sa
araw ng pagkabuhay, gaya ng sinabi ni Allah (41:33): Sino
pa ang higit na magaling sa pananalita kaysa sa kanya
na nag-anyaya tungo kay Allah, gumawa ng matuwid
at nagsabi: “Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.”
Nagsabi pa Siya (12:108): Sabihin mo: “Ito ay landas ko.
Nag-aanyaya ako tungo kay Allah batay sa kabatiran,
ako at ang sinumang sumunod sa akin. Napakamaluwalhati
ni Allah, at ako ay hindi kabilang sa mga Nagtatambal
kay Allah. Sinabi pa Niya (16:125): Mag-anyaya
ka sa Landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng
karunungan at magaling na pangangaral, at makipagtalo
ka sa kanila sa paraang siyang pinakamagaling.
Nagsabi naman ang Propeta (SAS) sa tumpak na Hadíth:
Ang sinumang nagturo ng isang kabutihan ay magkakaroon
siya ng tulad sa gantimpala ng gumagawa niyon.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim. Nagsabi rin ang Propeta
(SAS) kay ‘Alí (RA) noong ipinadala niya ito sa Khaybar:
Kaya sumpa man kay Allah, ang patnubayan ni Allah
sa pamamagitan mo ang iisang lalaki ay higit na mabuti
para sa iyo kaysa sa [magmay-ari ng] ng mga mamahaAng
Paglilinaw sa Tawhíd
95
ling kamelyo.38 Isinalaysay ito nina Imám al-Bukhárí at
Imám Muslim.
Karagdagan pa rito, hinihiling ko kay Allah na panagumpayin
Niya tayong lahat upang makaunawa sa Relihiyon
mula sa Kanya at manatili sa ikinasisiya Niya at na kupkupin
Niya tayong lahat laban sa mga kadahilanan ng galit
Niya at laban sa mga mapanligaw na mga tukso. Hinihiling
ko rin sa Kanya na pagwagiin Niya ang Relihiyon mula sa
Kanya at itaas Niya ang salita Niya, at na pabutihin Niya
ang mga kalagayan ng mga Muslim at pamunuin Niya sa
kanila ang mga mabuti sa kanila; tunay na Siya ay Mapagkaloob,
Mapagbigay. Ang papuri ay ukol kay Allah, ang
Panginoon ng mga nilalang. Pagpalain ni Allah at batiin
ang Lingkod Niya at ang Sugo Niya, ang Propeta natin na
si Muhammad, at gayon din ang mag-anak nito, ang mga
Kasamahan nito at ang mga tagasunod nila hanggang sa
araw ng paggantimpala.
38 Ito ang itinuturing ng mga Arabe noon na pinakamahal na ari-arian
kaya ito ang ihinalimbawa ng Sugo (SAS); hindi ibig sabihing ito
na ang pinakamahal sa lahat. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
96
Ang Paglilinaw sa Kahulugan ng
Pagtatambal kay Allah
Tanong: Ano ang Shirk? At ano ang paliwanag sa sinabi
ni Allah (5:35): O mga sumampalataya, mangilag kayong
magkasala kay Allah at hangarin ninyo sa Kanya ang
ikalalapit…
Sagot: Ang Shirk ayon sa katawagan nito ay pagtatambal
kay Allah ng iba pa kay Allah sa pagsamba, gaya ng pagdalangin
sa mga imahen o iba pa, pagpapasaklolo roon, o
pamamanata roon, o pagdarasal doon, o pag-aayuno alangalang
doon, o pag-aalay ng hayop doon. Tulad niyon ang
pag-aalay ng hayop kay al-Badawí o kay al-‘Aydarús, o
pagdasal kay Polano, paghingi ng tulong mula sa Sugo
(SAS) o mula kay ‘Abdulqádir al-Jaylání o mula kay al-
‘Aydarús sa Yemen o sa iba pang mga patay at mga wala
sa piling. Lahat ng ito ay tinatawag na Shirk.
Ganoon din kapag nanalangin sa mga tala o sa mga jinni
o nagpasaklolo sa kanila o humingi ng tulong sa kanila o
anumang kawangis niyon. Kapag nagsagawa ang isang tao
ng anuman sa mga pagsambang ito sa mga bagay o sa mga
patay o sa mga wala sa piling, ito ay magiging isang pagtatambal
(Shirk) kay Allah. Nagsabi si Allah (6:88): Ngunit
kung sakaling nagtambal sila kay Allah ay talagang
nawalan ng kabuluhan para sa kanila ang anumang
ginagawa nila noon. Sinabi pa Niya (39:65): Talagang
isiniwalat na sa iyo at sa mga nauna sa iyo na talagang
kung nagtambal ka kay Allah ay talagang mawawalangAng
Paglilinaw sa Tawhíd
97
kabuluhan ang gawa mo at ikaw ay talaga ngang magiging
kabilang sa mga nalulugi.
Kabilang din sa Shirk na sambahin ang iba pa kay Allah
nang isang lubos na pagsamba. Ito ay tinawag na Shirk at
tinatawag na Kufr.39 Ang sinumang lubusang umayaw kay
Allah at inilagay ang pagsamba niya sa iba pa kay Allah,
gaya ng mga punong-kahoy, o mga bato, o mga imahen,
o mga jinni, o ilan sa mga patay na tinatawag nila bilang
mga walí na sinasamba nila o dinadasalan nila o pinagaayunuhan
nila at kinalimutan nila si Allah nang lubusan,
ito ay malaking Kufr at matinding Shirk. Hinihiling natin
kay Allah ang kaligtasan.
Gayon din ang nagkakaila sa kairalan ni Allah at nagsasabi:
“Walang Diyos. Ang buhay ay materyal,” gaya ng
mga komunista at mga ateista na nagkakaila sa kairalan
ni Allah. Ang mga ito ay ang pinakapalatangging sumampalataya
sa lahat ng tao, ang pinakaligaw sa kanila at ang
pinakamalaki sa kanila sa pagkakasadlak sa Shirk at pagkaligaw.
Hinihiling natin kay Allah ang kaligtasan.
Ang ipinakakahulugan nito ay na ang mga tagasunod ng
mga paniniwalang ito at mga kawangis nito, ang lahat ng
ito ay tinatawag na Shirk at tinatawag na Kufr kay Allah.
Maaaring nagkakamali ang ilan sa mga tao, dala ng kamangmangan
nila, dahil tinatawag nila ang panalangin sa mga
patay at ang pagpapasaklolo sa mga ito na wasílah.40 Inaakala
nila na ito ay ipinahihintulot. Ito ay isang malaking
pagkakamali dahil ang gawaing ito ay kabilang sa napaka-
39 Pagtangging sumampalataya o kawalang pananampalataya.
40 Paraan ng paglapit o ikalalapit.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
98
laking Shirk kay Allah, kahit pa man tawagin ito ng ilang
mangmang o Mushrik na wasílah. Ito ay relihiyon ng mga
Mushrik na pinulaan at pinintasan ni Allah. Nagsugo Siya
ng mga sugo at nagbaba ng mga kasulatan upang ikaila ito
at magbabala laban dito.
Tungkol naman sa wasílah (ikalalapit) na nabanggit sa
sinabi ni Allah (5:35): O mga sumampalataya, mangilag
kayong magkasala kay Allah at hangarin ninyo sa Kanya
ang ikalalapit, ang ibig sabihin nito ay ang pagpapakalapit
kay Allah sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya. Ito ang
kahulugan niyon ayon sa lahat ng may kaalaman. Samakatuwid
ang pagdarasal ay paglapit kay Allah kaya ito ay
wasílah. Ang pag-aalay kay Allah ay wasílah, gaya ng mga
alay at mga handog na hayop. Ang pag-aayuno ay wasílah.
Ang mga kawanggawa ay wasílah. Ang pag-alaala (o pagsambit)
kay Allah at ang pagbasa ng Qur’an ay wasílah. Ito
ang kahulugan ng sinabi ni Allah (5:35): O mga sumampalataya,
mangilag kayong magkasala kay Allah at
hangarin ninyo sa Kanya ang ikalalapit.
Nangangahulugan ito na hahangarin nila ang pagkalapitloob
sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya.
Ganito ang sinabi ni Imám Ibnu Kathír, ni Imám Jarír, ni
Imám al-Baghawí at iba pa na kabilang sa mga dalubhasa
sa pagpapaliwanag sa Qur’an. Ang kahulugan niyon ay:
Hanapin ninyo ang ipagkakalapit sa Kanya sa pamamagitan
ng pagtalima sa Kanya at hilingin ninyo ito saan man
kayo, mula sa anumang isinabatas ni Allah para sa inyo
gaya ng pagdarasal, pag-aayuno, mga pagkakawang-gawa
at iba pa.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
99
Ganito rin ang sinabi ni Allah sa iba pang talata (17:57):
Ang mga iyon na dinadalanginan nila ay naghahangad
sa Panginoon nila ng ikalalapit: nagsisikap kung alin
sa kanila ang pinakamalapit, umaasa sa awa Niya at
nangangamba sa pagdurusa mula sa Kanya. Ganoon
ang mga sugo at ang mga tagasunod nila, nagpapakalapit
sila kay Allah sa pamamagitan ng mga ikalalapit na kaparaanang
isinabatas Niya gaya ng pakikibaka, pag-aayuno,
pagdarasal, pagsambit kay Allah, pagbabasa ng Qur’an at
iba pang mga uri ng ikalalapit.
Tungkol naman sa akala ng ilan sa mga tao na ang wasílah
ay ang pagkahumaling sa mga patay at ang pagpapasaklolo
sa mga walí, ito ay isang walang kabuluhang akala. Ito ang
paniniwala ng mga Mushrik na ang sabi ni Allah tungkol
sa kanila (10:18): Sinasamba nila bukod pa kay Allah
ang hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nakapagdudulot
ng pakinabang sa kanila at nagsasabi sila: “Ang
mga ito ay ang mga tagapamagitan natin kay Allah.”
Kaya tinugon sila ni Allah sa pamamagitan ng sabi Niya
(10:18): Sabihin mo: “Nagpapabatid ba kayo kay Allah
ng hindi Niya nalalaman sa mga Langit ni sa Lupa?
Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya kaysa
sa mga itinatambal nila sa Kanya.41
41 Ang nagsalin ng aklat na ito ay walang pananagutan sa nilalaman
ng aklat na ito.