muni at pag-uunawa. Ito ay nang sa gayon ay malaman mo
ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at ang pananampalataya
sa Kanya, nang sa gayon ay malaman mo kung ano
ang pagtatambal kay Allah, nang sa gayon ikaw ay maging
mulat sa Relihiyon mo at nang sa gayon ay malaman mo
ang dahilan ng pagpasok sa Paraiso at ang pagkaligtas mula
sa Apoy. Kalakip nito ang pagpapahalaga sa pagdalo sa mga
pagtitipon sa pagtamo ng kaalaman, pakikipagsanggunian
sa mga may kaalaman at pananampalataya, nang sa gayon
ay makakuha at makapagdulot ng kaalaman, at nang sa
gayon ikaw ay maging nakabatay sa patunay at kamalayan
sa kapakanan mo.
at pati na sa paglalarawan sa kanya. Ang Sunnah ay nakarating
sa atin sa pamamagitan ng Hadíth o sanaysay tungkol sa Sunnah
ni Propeta Muhammad. Ang sunnah naman na may maliit na titik
na s ay tumutukoy sa gawaing kanais-nais gawin dahil alinsunod
sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah ay kanais-nais ngunit
hindi tungkuling isagawa. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
36
Ang Dalawang Shirk:
Malaki at Maliit
Ang Malaking Shirk
Sumasalungat ito sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah,
sumasalungat sa Islam at nagpapawalang-kabuluhan sa
mga gawa. Ang mga Mushrik ay mapupunta sa Apoy. Ang
bawat gawain o pahayag na napatunayan ng mga patunay
na ito ay pagtanggi sa pananampalataya kay Allah gaya ng
pagpapasaklolo sa mga patay o mga imahen, o paniniwala
na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah o ipinagbabawal
ang ipinahintulot ni Allah, o pagpapasinungaling sa ilan
sa mga sugo, ang mga nabanggit na ito ay nagpapawalang
kabuluhan sa mga gawa at nagbubunsod sa pagtalikod sa
Islam, gaya ng naunang paglilinaw. Nagsabi si Allah (4:48):
Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan
Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang mababa
pa roon sa kaninumang loloobin Niya. Ang sinumang
nagtatambal kay Allah ay nakagawa nga ng isang
mabigat na kasalanan.
Dito ay nilinaw ni Allah na ang kasalanang Shirk ay hindi
patatawarin.20 Pagkatapos ay ginawa Niya na kondisyonal
sa kalooban Niya ang kapatawaran sa kasalanang mababa sa
Shirk, kaya naman ang kapasyahan nito ay nasa kay Allah.
20 Ang anumang kasalanang kinamatayan nang hindi natalikdan at
hindi naihingi ng tawad ay maaari pang patawarin ni Allah kung
loloobin Niya, maliban sa kasalanang Shirk sapagkat ang Shirk ay
kailangang tinalikdan muna bago namatay upang mapatawad ni
Allah. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
37
Kung loloobin niya ay patatawarin Niya ang taong nakagawa
niyon, at kung loloobin Niya ay pagdurusahin Niya
siya ayon sa laki ng mga pagsuway na kinamatayan niya
nang hindi nagbabalik-loob. Pagkatapos nito, matapos na
nalinis siya sa pamamagitan ng parusa sa Apoy ay palalabasin
siya ni Allah mula roon patungo sa Paraiso ayon sa
nagkakaisang paniniwala ng Ahlus Sunnah21 wal Jamá‘ah,22,
taliwas sa paniniwala ng mga Khárijí, mga Mu‘tazil at sino
mang tumahak sa daan nila.
Tungkol naman sa ayah sa Súrah az-Zumar: 53, tumutukoy
ito sa kalagayang pangkalahatan at walang takda. Sinabi
Niya (39:53): Sabihin mo na sinabi Ko: “O mga lingkod
Ko na nagmalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong
mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah; tunay na si Allah
ay nagpapatawad sa lahat ng pagkakasala. Tunay na
Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” Sinabi ng
mga maalam sa Islam na ang ayah na ito (39:53) ay patungkol
sa mga nagbabalik-loob samantalang ang ayah sa Súrah an-
Nisá’ (4:48) ay patungkol sa mga hindi nagbabalik-loob na
namatay sa kalagayan ng Shirk, na nagpapatuloy sa paggawa
21 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang pamamaraan o
kalakaran ni Propeta Muhammad (SAS), na tumutukoy sa kung ano ang
sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ni Propeta Muhammad
(SAS). Ang Sunnah ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng Hadíth
o sanaysay tungkol sa Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang sunnah
naman, na may maliit na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing kanaisnais
gawin dahil alinsunod sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah
ay kanais-nais ngunit hindi tungkuling isagawa. Ang Tagapagsalin.
22 Ang Ahlus Sunnah wal Jamá‘ah, sa literal na kahulugan, ay ang
mga Tagatangkilik ng Sunnah at Pagkakabuklod. Ang Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
38
ng ilan sa mga pagsuway, at ito ay ang sabi Niya (4:48):
Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan
Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang mababa
pa roon sa kaninumang loloobin Niya.
Tungkol naman sa namatay sa kalagayan na mababa pa sa
Shirk gaya ng pangangalunya at iba pang mga pagsuway,
samantalang sumasampalataya naman siya na ang mga ito
ay mga ipinagbabawal at hindi itinuring na ipinahihintulot
ang mga ito subalit sumakabilang-buhay nang hindi napagsisihan
ang mga ito, ang taong ito ay nasa ilalim ng kalooban
ni Allah ayon sa Ahlus Sunnah wa al-Jamá‘ah. Kung loloobin
ni Allah ay patatawarin Niya ito at papapasukin ito sa
Paraiso dahil sa paniniwala nito sa pagkaiisa Niya at pagyakap
nito sa Islam; at kung loloobin naman Niya ay pagdurusahin
Niya ito sa Apoy ayon sa laki ng mga pagsuway
na kinamatayan nito, gaya ng pangangalunya at pag-inom
ng alak, o kalapastanganan nito sa mga magulang nito, o
pagpuputol sa kaugnayan sa mga kaanak niya, o iba pa roon
na kabilang sa malalaking kasalanan gaya ng naunang
paglilinaw niyon.
Naniwala naman ang mga Khárijí na ang nakagagawa ng
pagsuway ay pananatilihin sa Apoy at siya raw sa pamamagitan
ng mga pagsuway ay Káfir rin. Sinang-ayunan sila
ng mga Mu‘tazil sa pananatili nito sa Apoy. Subalit ang
Ahlus Sunnah wa al-Jamá‘ah ay sumalungat sa mga ito sa
usaping iyon. Naniniwala Ahlus Sunnah wa al-Jamá‘ah na
ang nangangalunya, ang magnanakaw, ang lapastangan
sa mga magulang at iba pang kabilang sa mga may mga
malaking kasalanan ay hindi nagiging mga Káfir dahil doon
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
39
at hindi sila mananatili sa Apoy yamang hindi naman nila
itinuring na ipinahihintulot ang mga pagsuway na iyon.
Bagkus sila ay nasa ilalim ng kalooban ni Allah gaya ng
naunang nabanggit. Ito ay mga malalaking bagay na nararapat
na malaman natin nang maigi at maunawaan nang
higit sapagkat ang mga ito ay mga batayan ng Paniniwala.
Nararapat na mabatid ng Muslim ang katotohanan ng
Relihiyon niya at ang kasalungatan nito na pagtatambal
kay Allah, at malaman na ang pinto ng pagbabalik-loob
mula sa Shirk at mga pagsuway ay bukas hanggang sa bago
sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Subalit ang malaking
sakuna ay ang kawalang-kamalayan sa Relihiyon mula
kay Allah at ang kawalan ng pagkaunawa rito. Marahil ay
nasadlak na ang isang tao sa Shirk samantalang hindi pa
niya napapansin dahil sa pananaig ng kamangmangan at
kasalatan ng kaalaman sa inihatid ng Sugo na patnubay at
Relihiyon ng katotohanan.
Kaya mag-ingat ka para sa sarili mo, ikaw na nakauunawa.
Igalang mo ang kabanalan ng Panginoon mo. Mag-ukol ka
ng kawagasan kay Allah sa gawain mo. Magdali-dali ka sa
paggawa ng mga kabutihan. Alamin mo ang Relihiyon mo
ayon sa mga patunay nito. Pakaunawain mo ang Qur’an
at ang Sunnah sa pamamagitan ng pagtuon sa Aklat ni
Allah sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon para
sa kaalaman at pakikisama sa mga mabuti nang sa gayon
ay malaman mo ang relihiyon mo ayon sa kabatiran.
Dalasan mo ang paghiling sa Panginoon mo ng katatagan
sa pananatili sa patnubay at katotohanan. Pagkatapos, kapag
nasadlak ka sa isang pagsuway ay magsagawa ka agad ng
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
40
pagbabalik-loob. Ang lahat ng anak ni Adam ay mga nagkakasala
ngunit ang pinakamabuti sa mga nagkakasala ay
ang mga nagbabalik-loob gaya ng nasasaad sa tumpak na
Hadíth. Ang pagsuway ay kakulangan sa pagsunod sa
Relihiyon at kahinaan ng pananampalataya.
Magmadali, magmadali sa pagbabalik-loob, pagkalas sa
kasalanan, pagsisisi, at si Allah ay tatanggap ng pagbabalikloob
ng sinumang nagbabalik-loob. Siya ang nagsabi (24:31):
Magbalik-loob kayong lahat kay Allah, o mga Mananampalataya,
nang harinawa kayo ay magtagumpay.
Sinabi pa Niya (66:8): O mga sumampalataya, magbalikloob
kayo kay Allah nang may tapat na pagbabalik-loob.
Samakatuwid ang pagbabalik-loob ay kailangan. Ito ay
kinakailangan ng tao palagi. Ang Sugo (SAS) ay nagsasabi:
“Ang pagbabalik-loob ay nagwawasak [sa kasalanan]
bago nito.” Kaya mamalagi ka rito. Kaya sa tuwing nangyari
sa iyo ang isang pagkatisod ay magmadali ka sa pagbabalik-
loob at pagtutuwid ng sarili.
Maging nakauunawa ka ng Relihiyon mo. Huwag kang
magpakaabala sa kapakanan mo sa mundo kapalit ng kapakanan
mo sa Kabilang-buhay. Bagkus maglaan ka ng oras
para sa gawaing pangmundo, at ng karamihan sa oras mo
para sa pag-aaral at pag-unawa sa Islam, pagbubulay-bulay,
pagbabasa, pagrerepaso, pagbibigay-pansin sa Aklat ni
Allah at Sunnah ng Sugo ni Allah (SAS), pagdalo sa mga
pagtitipon para sa kaalaman at pagsama sa mga mabuti
sapagkat ang mga bagay na ito ay ang pinakamahalaga sa
pinagkakaabalahan mo at dahilan ng kaligayahan mo.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
41
Ang Maliit na Shirk
Mayroong isa pang uri ng Shirk. Ito ay ang Maliit na
Shirk, tulad ng pagpapakitang-tao at pagpapasikat sa ilang
gawain o pahaya. Ang halimbawa nito ay na magsabi ang
tao ng ganito: “Ang niloob ni Allah AT niloob ni Polano”
at ang panunumpa sa iba pa kay Allah, gaya ng panunumpa
sa katapatan, sa Ka‘bah, sa Propeta at sa mga kawangis
niyon. Ito at ang mga kawangis nito ay kabilang sa Maliit
na Shirk. Kaya kailangan ang pag-iingat laban doon.
Nagsabi ang Propeta (SAS)—noong nagsabi sa kanya
ang isang lalaki: Ang niloob ni Allah AT niloob mo—:
Ginawa mo ba ako na isang kaagaw para kay Allah?
Ang niloob ni Allah lamang.” Nagsabi pa ang Propeta
(SAS): Huwag kayong magsabi: Ang niloob ni Allah
AT niloob ni Polano. Bagkus sabihin ninyo: Ang niloob
ni Allah, PAGKATAPOS AY niloob ni Polano.
Sinabi pa niya (SAS): Ang sinumang manunumpa ay
manumpa kay Allah o manahimik. Sinabi pa niya (SAS):
Huwag kayong manumpa sa mga ama ninyo at ni sa
mga ina ninyo at ni sa mga kaagaw.23 Huwag kayong
manumpa kay Allah malibang kayo ay nagpapakatotoo.”
Sinabi pa niya (SAS): Ang sinumang nanumpa sa iba pa
kay Allah ay nagtambal nga [sa Kanya]. Ilan ito sa mga
tumpak na Hadíth na nagsasaad ng tungkol sa kahulugang
ito. Kabilang din doon ay ang sabi pa niya (SAS): Ang
higit na pangangambahan na pinangangambahan ko
23 Sinuman o anuman na iba pa kay Allah.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
42
sa inyo ay ang Maliit na Shirk. Tinanong siya tungkol
dito, kaya sinabi niya: Ang pagpapakitang-tao.
Maaaring ang pagpapakitang-tao ay maging isang Malaking
Kawalang-pananampalataya kapag pumasok ang nagtataglay
nito sa Relihiyong Islam bilang pagpapakitang-tao
at pagkukunwari at nagpapakita siya na kaanib ng Islam
hindi dahil sa pananampalataya ni dahil sa pagmamahal.
Tunay na siya sa pamamagitan nito ay nagiging isang nagkukunwaring
mananampalataya na isang Káfir na may
malaking kawalang-pananampalataya.
Gayon din kapag sumumpa ang isang tao sa iba pa kay
Allah at dumakila sa sinumpaan tulad ng pagdakila kay
Allah. O naniwala siya na nalalaman nito ang Nakalingid,
o naaangkop ito na sambahin kasama ni Allah. Sa pamamagitan
niyon siya ay nagiging isang Mushrik na gumagawa
ng isang Malaking Shirk.
Kapag naman namutawi sa dila ang panunumpa sa iba
pa kay Allah gaya ng sa Ka‘bah, sa Propeta (SAS) at sa
iba pa sa mga ito nang walang kalakip na paniniwalang ito,
iyon ay nagiging isang Mushrik na gumagawa ng isang
Maliit na Shirk lamang.
Hinihiling ko kay Allah na pagkalooban kami at kayo ng
pagkaunawa sa Relihiyon Niya at tibay rito, na tustusan
kami at kayo ng katatagan dito, at na kupkupin kami at
kayo laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin, sa mga
masagwa sa mga gawain natin at sa mga panliligaw ng mga
tukso. Tunay na Siya ay pagkataas-taas, mapagkaloob,
mapagbigay.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
43
Pagpalain ni Allah, batiin at biyayaan ang Lingkod Niya
at Sugo Niya na Propeta nating si Muhammad, at gayon
din ang mag-anak niya, ang mga kasamahan niya at mga
tagasunod niya ayon sa paggawa ng mabuti hanggang sa
Araw ng Paggagantimpala.
Ang Tawhíd ng mga Isinugo at ang
Sumasalungat Dito na Kufr24 at Shirk
Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga
nilalang. Ang mabuting kahihinatnan ay para sa mga nangingilag
magkasala. Ang pagpapala at ang pagbati ay ukol sa
puno ng mga unang tao at mga huling tao, at ukol sa lahat
ng propeta at isinugo at sa lahat ng matuwid. Sa pagsisimula:
Yamang ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at ang
pananampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya—sumakanila
ang pagpapala at ang pagbati ni Allah—ay ang pinakamahalaga
sa mga kinakailangang gampanan at ang pinakamalaki
sa mga tungkulin, at ang kaalaman doon ay pinakamarangal
at pinakamainam sa mga kaalaman, at yamang
ang pangangailangan sa orihinal na saligan ay nanawagan
sa paglilinaw nang puspusan, minagaling ko na liwanagin
iyon sa maikling pagtatalakay na ito dahil sa tindi ng pangangailangan
doon at dahil ang dakilang paksang ito ay karapatdapat
sa pagmamalasakit.
24 Pagtangging sumampalataya o kawalang pananampalataya.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
44
Hinihiling ko kay Allah na panagumpayin tayong lahat
upang matumbok ang katotohanan sa salita at gawa at na
kupkupin Niya tayong lahat laban sa kamalian at mga pagkatisod.
Sinasabi ko, at mula kay Allah ay humahango ako
ng tulong at pananagumpay:
Walang pag-aalinlangan na ang Tawhíd ay ang pinakamahalaga
sa mga kinakailangang gampanan. Ito ay unang
tungkulin. Ito ay una sa paanyaya ng mga sugo, sumakanila
ang pagpapala at ang pagbati ni Allah. Ito ang buod ng
paanyayang ito, gaya ng paglilinaw roon ng Panginoon
natin sa malinaw na Aklat Niya—Siya ang pinakatapat sa
mga nagsasalita—kung saan ay nagsasabi Siya tungkol sa
lahat ng isinugo (16:36): Talaga ngang nagpadala Kami
sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi: “Sambahin
ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na
diyos.”
Nilinaw Niya na Siya ay nagpadala sa lahat ng kalipunan
sa bawat kalipunan ng isang sugo na nagsasabi sa kanila:
Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na
diyos. Ito ang paanyaya ng mga sugo; bawat isa ay nagsasabi
sa mga kababayan niya at kalipunan niya: Sambahin
ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na diyos.
Ang kahulugan nito ay maniwala kayo sa pagkaiisa ni
Allah, dahil ang alitan sa pagitan ng mga sugo at mga kalipunan
nila ay sa Tawhíd al-‘Ibádah25 (Pagkaiisa ng Pinaguukulan
ng Pagsamba) sapagkat ang mga kalipunan naman
ay kumikilala na si Allah ay Panginoon nila, Tagapaglikha
25 O Tawhíd al-Úluhiyah (Pagkaiisa ng Pagkadiyos).
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
45
nila at Tagapagtustos nila, at nakaaalam sa marami sa mga
pangalan Niya at mga katangian Niya.
Subalit ang pagtatalo at ang alitan mula noong panahon
ni Noe hanggang sa panahon nating ito ay sa pagkaiisa ni
Allah bilang pinag-uukulan ng pagsamba. Ang mga sugo
ay nagsasabi noon sa mga tao: “Iukol ninyo nang wagas sa
Kanya ang pagsamba, pakaisahin ninyo Siya sa pagsamba
at talikdan ninyo ang pagsamba sa anumang iba pa sa
Kanya.” Ang mga kaaway naman nila at ang mga kaalitan
nila ay nagsasabi: “Hindi! Bagkus ay sinasamba namin
Siya at sinasamba rin namin ang iba pa sa Kanya. Hindi
namin Siya itinatangi sa pagsamba.”
Ito ang punto ng pagtatalo sa pagitan ng mga sugo at mga
kalipunan nila. Ang mga kalipunan ay hindi nagkakaila
nang lubusan sa pagsamba sa Kanya, bagkus sinasamba
Siya ng mga ito. Subalit ang pagtatalo ay kung itatangi ba
ang pagsamba sa Kanya o hindi itatangi? Ang mga sugo ay
isinugo ni Allah upang itangi Siya sa pagsamba at pakaisahin
Siya sa pagsamba at hindi ang bawat anumang iba
pa sa Kanya dahil Siya ang Nagmamay-ari, ang Makapangyarihan
sa lahat ng bagay, ang Palalikha, ang Palatustos sa
mga nilalang, ang Maalam sa mga kalagayan nila, at iba pa.
Alang-alang dito ay inanyayahan ng mga sugo ang lahat
ng kalipunan tungo sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah,
pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba sa Kanya, at pagtigil
sa pagsamba sa iba pa sa Kanya. Ito ang kahulugan ng sabi
Niya (16:36): Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat
kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi: “Sambahin
ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na diyos.”
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
46
Nagsabi si Ibnu ‘Abbás (RA) tungkol sa kahulugang ito:
“Ang pagsamba ay ang paniniwala sa pagkaiisa [ni Allah].”
Ganito rin ang sinabi ng lahat ng maalam sa Islam: “Tunay
na ang pagsamba ay ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah,”
yamang ito ang ipinakakahulugan.
Ang mga kalipunang Káfir ay sumasamba kay Allah at
sumasamba sa iba pa sa Kanya kasama Niya, gaya ng
sinabi ni Allah (43:26-27): Banggitin noong nagsabi si
Abraham sa ama niya at mga kalipi niya: “Ako ay
nagtatatwa sa anumang sinasamba ninyo, maliban sa
lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay
sa akin. Samakatuwid itinatwa si Abraham ang
lahat ng sinasamba nila bukod pa sa Tagapaglalang niya
o Tagapaglikha niya. Nalaman ni Abraham na sila ay sumasamba
kay Allah at sumasamba rin sa iba pa sa Kanya
kasama sa Kanya.”
Dahil dito ay nagtatwa si Abraham sa lahat ng mga sinasamba
nila bukod pa sa Tagapaglikha niya at Tagapaglalang
niya na si Allah—kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas
Niya. Ganito rin ang sabi ni Allah na namutawi sa bibig
ni Abraham, sumakanya ang pagpapala at ang pagbati ni
Allah (19:48): Lalayuan ko kayo at ang anumang dinadalanginan
ninyo bukod pa kay Allah. Dadalangin ako
sa Panginoon ko, Alam ni Abraham na sila ay sumasamba
kay Allah at sumasamba rin sa iba pa sa Kanya kasama Niya.
Ang mga talata ng Qur’an kaugnay sa kahulugang ito ay
marami. Kaya nalaman natin sa pamamagitan niyon na ang
nilalayon mula sa paanyaya ng mga sugo ay ang pagtatangi
kay Allah sa pagsamba at ang pagbubukod-tangi sa Kanya
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
47
roon: hindi dadalangin kundi sa Kanya—kamahal-mahalan
Siya at kataas-taasan Siya, hindi magpapasaklolo kundi sa
Kanya,26 hindi mamamanata kundi sa Kanya, hindi magaalay
ng hayop kundi sa Kanya, hindi magdadasal kung
hindi sa Kanya, at iba pang mga pagsambang tulad nito.
Ito ay sapagkat Siya ang karapat-dapat sa mga iyon higit
sa bawat anumang iba pa sa Kanya. Ito ang kahulugan ng
Lá Iláha Illalláh, yamang tunay na ang kahulugan nito ay:
walang totoong sinasamba kundi si Allah. Ito ang kahulugan
niyon ayon sa mga may kaalaman.
Ang mga sinasamba ay marami at ang mga Mushrik magmula
sa matandang panahon, mula sa panahon ni Noe, ay
sumasamba na sa mga diyos27 bukod pa kay Allah.28 Ang
ilan sa mga ito ay sina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq, Nasr
at iba pa. Gayon din ang mga Arabe noon, mayroon silang
maraming diyos. Gayon din ang mga Persiano noon, ang
26 Ang saklolong hindi maaaring hingin sa iba ay ang saklolong
tanging si Allah lamang ang makapagbibigay. Ang mga saklolong
maibibigay ng isang nilalang ay maaaring hingin, gaya halimbawa
ng paghingi ng isang nalulunod ng saklolo sa lifeguard.
27 Ang salitang diyos sa wikang Arabe ay nangangahulugang ang
anumang sinasamba. Ang Tagapagsalin.
28 Ang katagang diyos na ginagamit natin dito ay ang pagkakasalin
natin sa salitang Arabe na iláh. Ang iláh sa literal na kahulugan ay
ang anuman o ang sinuman na sinasamba o ang pinag-uukulan ng
pagsamba. Samakatuwid ang anuman o ang sinuman ay maaaring
maging diyos ng sinumang sasamba roon. Ang paninindigan ng Islam
ay monoteistiko: iisa lamang ang totoong Diyos, at ang iba pang
mga diyos na kinikilala ng iba ay pawang huwad na mga diyos. Ang
Tagapagsalin.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
48
mga Romano at ang iba pa, lahat sila ay may mga diyos
na sinasamba nila kasama kay Allah.29
Kaya napag-alaman sa pamamagitan niyon na ang nilalayon
sa pagsasabi na walang Diyos kundi si Allah, na
siyang nilalayon ng paanyaya ng mga sugo, ay na pakaisahin
si Allah at itatangi Siya sa pagsamba at hindi ang bawat
anumang iba pa sa Kanya. Dahil dito, sinasabi Niya sa
malinaw na Aklat Niya (22:62): Iyon ay dahil si Allah ay
ang Katotohanan, at na ang anumang dinadalanginan
nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan,
Kaya lumiwanag sa pamamagitan niyon na ang nilalayon
ay ang pagtatangi sa Kanya sa pagsamba at hindi sa bawat
anumang iba pa sa Kanya. Siya ang sinasambang totoo at
na ang anumang sinasamba bukod pa sa Kanya ay sinasambang
huwad. Sinabi Niya (16:36): Talaga ngang nagpadala
Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi:
“Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang
huwad na diyos.” Ibig sabihin: Maniwala kayo sa pagkaiisa
ni Allah, iwaksi ninyo ang huwad na diyos: iwan ninyo ang
pagsamba sa huwad na diyos at layuan ninyo ito.
Ang tághút (huwad na diyos) ay ang bawat sinasamba
bukod pa kay Allah, na gaya ng tao, jinni, at iba pang mga
bagay-bagay, malibang nasusuklam ito sa pagsambang iyon
at hindi nalulugod. Ang ibig sabihin ay na ang tághút (huwad
na diyos) ay ang lahat ng sinasamba bukod pa kay Allah na
29 Sa wikang Arabe, ang pangalang Allah ay ang pangalang ipinantawag
sa tunay na Diyos na lumikha sa lahat. Walang duda na sa
kabila ng pagsamba ng mga taong ito sa iba’t-ibang diyos ay may
kinikilala sila na Panginoong lumikha sa lahat.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
49
mga bagay-bagay at mga hindi bagay-bagay na nalulugod
sa pagsambang iyon. Tungkol naman sa hindi nalulugod sa
pagsambang iyon gaya ng mga anghel, mga propeta at mga
matutuwid, ang tághút ay ang Demonyo na nag-anyaya sa
pagsamba sa kanila at gumawang kaaya-aya iyon para sa
mga tao.
Samakatuwid ang mga sugo, ang mga propeta, ang mga
anghel at lahat ng matuwid na hindi nalulugod kailanman
na sambahin bukod pa kay Allah, bagkus ay minamasama
at kinakalaban iyon, ay hindi tághút. Ang tághút lamang
ay ang bawat sinasamba bukod pa kay Allah, na nalulugod
[sa pagsambang] iyon, gaya ng Paraon, ni Satanas at mga
kawangis nila na nag-aanyaya ng gayon o nalulugod doon.
Gayon din ang mga bagay-bagay na gaya ng mga punongkahoy,
mga bato, mga imahen na sinasamba bukod pa kay
Allah. Lahat ng ito ay tinatawag na tághút dahil sa pagsamba
sa mga ito bukod pa kay Allah.
Kaugnay sa pakahulugang ito ay nagsasabi si Allah
(21:25): Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng
anumang sugo malibang nagsisiwalat Kami sa kanya
na walang Diyos kundi Ako kaya sambahin ninyo Ako.
Ang talata na ito ay tulad ng naunang talata. Nililinaw rito
ni Allah na ang paanyaya ng lahat ng sugo ay ang paanyaya
sa Tawhíd at sa pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba kay
Allah lamang at hindi sa bawat anumang iba pa sa Kanya.
Kung sakaling ang pagsasabi na walang Diyos kundi si
Allah ay makasasapat na kaalinsabay ng pagwawalangbahala
sa pagtatangi kay Allah sa pagsamba at pananamAng
Paglilinaw sa Tawhíd
50
palataya na Siya ang karapat-dapat doon, hindi magpipigil
ang mga tao laban doon [sa pagsamba sa tághút].
Gayunpaman nalaman na ng mga Mushrik na ang pagsabi
na walang Diyos kundi si Allah ay nagpapawalang-saysay
sa mga diyos nila at na ang pagsasabi nito ay nagpapahiwatig
na si Allah ang totoong sinasamba at ang natatangi
roon. Dahil dito, minasama nila ito, kinalaban nila ito at
nagmalaki sila sa pagtangging tugunin ito.
Kaya lumiwanag na sa pamamagitan nito na ang ipinapakahulugan
niyon ay ang pagtatangi kay Allah sa pagsamba
at ang pagbubukod-tangi sa Kanya roon laban sa lahat ng
sinasamba bukod pa sa Kanya, na gaya ng mga propeta, o
mga anghel, o mga matuwid na tao, o mga jinní o anupaman.
Ito ay dahil sa si Allah ay ang Nagmamay-ari, ang Palatustos,
ang Makapangyarihan, ang Nagbibigay-buhay, ang Bumabawi
ng buhay, ang Tagapaglikha sa bawat bagay, at ang
Nangangsiwa sa mga kapakanan ng mga nilalang. Kaya
naman Siya ang karapat-dapat na sambahin.
Siya ang Maalam sa mga kalagayan nila. Kaya dahil doon,
isinugo Niya ang mga sugo para anyayahan ang mga nilikha
sa paniniwala sa pagkaiisa Niya at pag-uukol ng kawagasan
sa Kanya, at para ihayag ang mga pangalan Niya at ang
mga katangian Niya. Siya ang karapat-dapat na sambahin
at dakilain dahil sa kalubusan ng kaalaman Niya, dahil sa
kalubusan ng kapangyarihan Niya, dahil sa kalubusan ng
mga pangalan Niya at mga katangian Niya, at dahil sa
Siya ang nagdudulot ng pakinabang at ang nagdudulot ng
pinsala, ang nakaaalam sa mga kalagayan ng mga lingkod
Niya, ang Nakaririnig sa dalangin nila, at ang Tagapagtiyak
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
51
sa mga ikabubuti nila. Kaya naman Siya ang karapat-dapat
na sambahin at hindi ang iba pa sa Kanya.
Nagbalita Siya tungkol kina Noe, Húd, Sálih at Shu‘ayb,
sumakanila ang pagpapala at ang pagbati, na sila ay nagsabi
sa mga tao nila (11:50): sambahin ninyo si Allah; wala na
kayong anumang diyos na iba pa sa Kanya. Ito naman ay
katugon ng sinabi Niya (16:36): Talaga ngang nagpadala
Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi:
“Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad
na diyos.”
Tinugon ng mga tao ni Húd ang propeta nila, sumakanya
ang pagpapala at ang pagbati ni Allah, sa pamamagitan ng
sabi nila (7:70): Dumating ka ba sa Amin upang sambahin
namin si Allah lamang at iwan namin ang sinasamba
noon ng mga ninuno namin? Kaya dalhin mo
nga sa amin ang ibinabanta mo sa amin kung ikaw ay
kabilang sa mga nagtototoo.
Alam na nila ang kahulugan at nabatid iyon: na ang paanyaya
ni Húd, ang pagpapala at ang pagbati ay sumakanya,
ay humihiling ng pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba
kay Allah lamang, at ang pag-alis sa mga diyus-diyusan
na sinasamba bukod pa sa Kanya. Dahil dito ay nagsabi
sila (7:70): Dumating ka ba sa Amin upang sambahin
namin si Allah na mag-isa Siya at iwan namin ang
sinasamba noon ng mga ninuno namin? Kaya dalhin
mo nga sa amin ang ibinabanta mo sa amin kung ikaw
ay kabilang sa mga nagtototoo. Kaya nagpatuloy sila sa
pagmamatigas at pagpapasinungaling hanggang sa pinababa
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
52
sa kanila ang pagdurusa. Hinihiling natin kay Allah ang
kaligtasan.
Si Allah ay nagbaba ng mga Kasulatan at nagsugo ng mga
sugo upang sambahin Siya lamang nang walang katambal
sa Kanya at upang linawin ang karapatan Niya sa mga
lingkod Niya at banggitin sa mga lingkod ang anumang
itinaguri sa Kanya na kabilang sa mga magandang pangalan
Niya at mga mataas na katangian Niya upang makilala nila
Siya sa pamamagitan ng mga pangalan Niya, mga katangian
Niya, kadakilaan ng kagandahang-loob Niya, kalubusan ng
kapangyarihan Niya at pagkamasaklaw ng kaalaman Niya.
Iyon ay walang iba kundi dahil ang Tawhíd ar-Rubúbíyah
(Paniniwala sa pagkaiisa sa Pagkapanginoon) ang saligan
at batayan ng Tawhíd al-Iláhíyah wa al-‘Ibádah (Paniniwala
sa pagkaiisa sa Pagkadiyos at Pagsamba).
Dahil dito ay isinugo ang mga sugo, sumakanila ang
pagpapala at ang pagbati, at ibinaba ang mga makalangit
na kasulatan mula kay Allah upang linawin ang mga katangian
Niya at ang mga pangalan Niya, ang kadakilaan ng
kagandahang-loob Niya, at linawin ang pagiging karapatdapat
Niya na dakilain, panalanginan at hilingan nang sa
gayon ay mapasailalim ang mga kalipunan sa pagsamba sa
Kanya at pagtalima sa Kanya, nang sa gayon ay magbalikloob
sila sa Kanya, at nang sa gayon ay sambahin nila Siya
at hindi ang lahat ng iba pa sa Kanya.
Ito ay matatagpuan nang maraming ulit sa Aklat ni Allah.
Nabanggit na ni Allah iyon mula sa marami sa mga sugo
Niya, sumakanila ang pagbati. Sinabi Niya (14:10): Sinabi
ng mga sugo nila: “Kay Allah ba ay may pagdududa pa,
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
53
ang Lumalang ng mga langit at lupa? Sinabi pa Niya
(10:71-72): Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe,
noong nagsabi siya sa mga tao niya: “O mga tao ko,
kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala
ko sa mga tanda ni Allah ay kay Allah naman
ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo
kasama ng mga itinatambal ninyo kay Allah. Pagkatapos
ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos
ay ipatupad ninyo ito sa akin at huwag kayong
magpalugit sa akin. Kaya kung tatalikod kayo sa paalaala
ay hindi naman ako humingi sa inyo ng anumang
kabayaran. Walang kabayaran sa akin kundi nasa kay
Allah. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga
Muslim.30”
Samakatuwid, nilinaw ng Sugo (SAS) na siya ay umaasa
at nagtitiwala kay Allah. Hindi niya inaalintana ang pagbabanta
nila at ang pananakot nila. Kailangan niyang iparating
ang mga mensahe ni Allah, at naiparating nga niya.
Ipinakilala niya ang kapangyarihan at ang kadakilaan ng
Panginoon niya. Ang Panginoon niya ang Nakasasaklaw
sa lahat, ang Makapangyarihan sa pagliligtas at paglipol
sa mga kaaway Niya. Siya rin ang Makapangyarihan sa
pangangalaga sa mga sugo Niya at mga propeta Niya, sa
pagpupuspos sa kanila ng pag-iingat Niya, at sa pagtulong
sa kanila sa pagpapatupad sa inahatid nila na patnubay.
Nagbaba Siya tungkol dito ng isang Kabanata ng Qur’an
na pumapatungkol kay Noe (AS) kung saan sinabi Niya
30 O nagpapasakop kay Allah.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
54
(71:1-14): Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa lipi
niya, na nagsasabi: “Magbabala ka sa kalipi mo bago
sila datnan ng isang masakit na pagdurusa.” Nagsabi
siya: “O lipi ko, tunay na ako para sa inyo ay isang
tagapagbabala na naglilinaw: na sambahin ninyo si
Allah, mangilag kayong magkasala sa Kanya at tumalima
kayo sa akin; magpapatawad Siya sa inyo sa mga
pagkakasala ninyo at aantalain Niya kayo hanggang sa
isang itinakdang taning. Tunay na ang taning ni Allah,
kapag dumating, ay hindi aantalain, kung nalalaman
sana ninyo.” Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako
ay nag-anyaya sa lipi ko gabi’t araw, ngunit walang
naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas
sa pananampalataya. Tunay na ako sa tuwing naganyaya
sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay
inilalagay nila ang mga daliri nila sa mga tainga nila,
nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit
sila at nagmamalaki nang isang matinding pagmamalaki.
Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang
hayagan. Pagkatapos tunay na ako ay nakipaghayagan
sa kanila at nakipagsarilinan sa kanila nang sarilinan
at sinabi ko: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon
ninyo; tunay na Siya ay laging Palapatawad. Ipadadala
Niya ang ulan mula sa langit sa inyo na nananagana;
Magpaparami Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak
at gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin at gagawa
Siya para sa inyo ng mga ilog. Ano ang nangyayari sa
inyo, hindi kayo natatakot kay Allah nang may pagpipitagan,
samantalang nilikha nga Niya kayo sa mga antas?
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
55
Niliwanag ni Allah ayon sa namutawi sa bibig ng propeta
Niya na si Noe (AS) ang ilan sa mga katangian Niya, na
Siya ang tumutulong sa kanila sa pamamagitan ng ipinantutulong
Niya sa kanila na mga panustos, maraming kabutihan,
mga malaking biyaya, at na Siya ang karapat-dapat
na sambahin, talimain at dakilain.
Nagsabi naman Siya tungkol kay Húd (AS) at tungkol sa
mga tao nito (26:123-135): Pinasinungalingan ng mga
kalipi ni ‘Ad ang mga isinugo, noong nagsabi sa kanila
ang kapatid nila na si Húd: “Hindi ba kayo mangingilag
magkasala? Tunay na ako para sa inyo ay sugong
mapagkakatiwalaan. Kaya mangilag kayong magkasala
kay Allah at tumalima kayo sa akin. Hindi ako humihingi
sa inyo ng anumang kabayaran; walang kabayaran
sa akin maliban sa mula sa Panginoon ng mga
Nilalang. Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na
pook ng isang palatandaan na pinaglilibangan ninyo,
at gumagawa kayo ng mga gusali nang harinawa kayo
ay magsipanatili? Kapag humagupit kayo, humahagupit
kayo gaya ng mga maniniil, kaya mangilag kayong
magkasala kay Allah at tumalima kayo sa akin. Mangilag
kayong magkasala sa Kanya na nagkaloob sa inyo
ng nalalaman ninyo, nagkaloob sa inyo ng mga hayupan
at mga anak, at mga hardin at mga bukal. Tunay na
ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa
isang dakilang araw.
Niliwanag ni Allah sa namutawi sa dila ng propeta Niya
na si Húd, sumakanya ang pagpapala at ang pagbati ni Allah,
ang marami sa mga biyaya na ibiniyaya Niya sa kanila, at
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
56
na Siya ang Panginoon ng lahat, at na ang isinasatungkulin
sa kanila ay ang pagpapasakop sa Kanya at pagtalima sa
Sugo Niya at paniniwala sa Kanya. Subalit sila ay tumanggi
at nagmalaki, kaya bumaba sa Kanila ang parusa ni Allah
mula sa masamang hangin.
Nagsabi naman Siya tungkol kay Sálih, sumakanya ang
pagbati (26:141-152): Pinasinungalingan ng mga kalipi
ni Thamúd ang mga isinugo, noong nagsabi sa kanila
ang kapatid nila na si Sálih: “Hindi ba kayo mangingilag
magkasala? Tunay na ako para sa inyo ay sugong
mapagkakatiwalaan. Kaya mangilag kayong magkasala
kay Allah at tumalima kayo sa akin. Hindi ako humihingi
sa inyo ng anumang kabayaran; walang kabayaran
sa akin maliban sa mula sa Panginoon ng mga
Nilalang. Maiiwan ba kayo sa anumang narito, na mga
natitiwasay laban sa kamatayan, sa mga hardin at mga
bukal, at mga pananim at mga punong datiles na ang
bunga ng mga ito ay malambot? Umuukit kayo mula
sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allah at tumalima
kayo sa akin. Huwag kayong tumalima sa utos
ng mga nagmamalabis, na nananampalasan sa lupa at
hindi nagsasaayos.
Samakatuwid, nilinaw ni Sálih, sumakanya ang biyaya
at ang pagpapala, ang bagay na pumapatungkol kay Allah,
na Siya ang Panginoon ng mga nilalang, na Siya ay nagbigay
sa kanila ng naibigay ng mga biyaya. Kaya ang isinasatungkulin
sa kanila ay ang pagbabalik sa Kanya at ang paniniwala
sa sugo Niya na si Sálih, ang pagtalima rito sa inihatid
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
57
nito, at na hindi nila tatalimain ang mga nagmamalabis na
mga nananampalasan sa lupa. Subalit sila ay hindi pumansin
sa payong ito at hindi pumansin sa tagubilin niya. Bagkus
ay nagpatuloy sila sa pagmamatigasan nila, pagkaligaw nila,
at pagtanggi nilang sumampalataya hanggang sa nilipol
sila ni Allah sa pamamagitan ng hiyaw at lindol. Hinihingi
natin kay Allah ang kaligtasan.
Bumanggit din si Allah ng tungkol sa matalik na kaibigan
Niya na si Abraham, sumakanya ang pagpapala at ang pagbati,
ng ilan sa mga katangian Niya. Binanggit ni Abraham
ang mga ito sa mga tao nito upang magbalik-loob sila kay
Allah, upang sambahin nila Siya at upang dakilain nila Siya.
Nagsabi si Allah (26:69-73): Bigkasin mo sa kanila ang
kasaysayan ni Abraham, noong nagsabi ito sa ama nito
at mga kalipi nito: “Ano ang sinasamba ninyo?” Nagsabi
sila: “Sumasamba kami sa mga imahen, at nagpapatuloy
kami na mga namamalagi sa pagsamba sa mga
ito.” Nagsabi ito: “Naririnig ba nila kayo kapag nananalangin
kayo? O nakapagdudulot ba sila ng kapakinabangan
sa inyo o nakapipinsala ba sila?”
Nararapat na huminto muna rito. Si Allah, sa pamamagitan
nito, ay naglilinaw sa kanila na ang mga imahen na
ito ay hindi naaangkop sa pagsamba dahil ang mga ito ay
hindi nakaririnig at hindi tumutugon sa isang dumadalangin,
at hindi nagdudulot ng pakinabang at hindi nakapipinsala
dahil sa mga ito ay mga bagay na walang pandama sa
pangangailangan ng mga dumadalangin, sa kahilingan nila
at sa mga kakailanganin nila. Kaya papaanong dindalanginan
pa ang iba pa kay Allah? Dahil dito ay nagsabi Siya
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
58
(26:72-73): Nagsabi ito: “Naririnig ba nila kayo kapag
nananalangin kayo? O nakapagdudulot ba sila ng kapakinabangan
sa inyo o nakapipinsala ba sila?”
Ano ang isinagot nila? Nalito sila at nalihis sa pagsagot
dahil sila ay nakaaalam na ang mga diyos na ito ay walang
maidudulot na pakinabang ni pinsala. Hindi nakaririnig ng
panalangin ng mga nananalangin at hindi rin tumutugon
doon. Kaya dahil dito ay nagsabi sila (26:74): Nagsabi sila:
“Bagkus nasumpungan namin ang mga magulang
namin na gayon na ang ginagawa nila.”
Hindi nila sinabi na ang mga diyos na ito ay nakaririnig
o nakapagdudulot ng pakinabang o nakapipinsala. Bagkus
nalihis sila sa pagsagot at nagbigay ng isang kasagutan na
nagpapakita ng pagkalito at pagdududa, bagkus pag-amin
na ang mga diyos na ito ay hindi naaangkop pag-ukulan
ng pagsamba yamang sinabi nila (26:74): Nagsabi sila:
“Bagkus nasumpungan namin ang mga magulang namin
na gayon na ang ginagawa nila.” Ibig sabihin: tumahak
kami sa daan nila at landas nila nang walang pagsasaalangalang
sa nasabi mo sa amin.
Ito ang kahulugan ng sabi ni Allah sa ibang talata ng
Qur’an (43:23): “Tunay na kami ay nakasumpong sa mga
magulang namin sa isang relihiyon, at tunay na kami
sa mga bakas nila ay mga tumutulad.” Ito ang isinumpang
daan nila na tinatahak nila, ipinangangatwiran nila at
nilalakbay nila. Hinihiling natin kay Allah ang kaligtasan.
Pagkatapos ay sinabi sa kanila ni Abraham (26:75-77):
Nagsabi siya: “Kaya napagmasdan ba ninyo ang dati
nang sinasamba ninyo: Kayo at ang mga sinaunang
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
59
ninuno ninyo? At tunay na sila ay kaaway para sa akin,
maliban sa Panginoon ng mga nilalang,
Ang ibig niyang sabihin doon ay ang mga sinasamba
nila na mga imahen, at dahil dito ay sinabi niya (26:77):
At tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa
Panginoon ng mga nilalang. Kaya ang sabi Niya na maliban
sa Panginoon ng mga nilalang ay nagpapakita na
nalalaman niya noon na sila ay sumasamba kay Allah at
sumasamba rin sa iba pa kasama ni Allah. Dahil dito ay
binukod niya ang Panginoon niya at sinabing maliban sa
Panginoon ng mga nilalang gaya ng nasa ibang talata
(43:27): maliban sa lumalang sa akin. Samakatuwid,
napag-alaman sa pamamagitan niyon na ang mga Mushrik
ay sumasamba kay Allah at sumasamba sa iba pa sa Kanya
kasama sa Kanya. Subalit ang pagtatalo sa pagitan nila at
ng mga sugo ay kaugnay sa pagtatangi kay Allah sa pagsamba
at pagbubukod-tangi roon sa Kanya bukod sa lahat
ng iba pa sa Kanya.
Pagkatapos niyon ay nagsabi si Abraham kaugnay sa
paglilinaw sa mga katangian ng Panginoon (26:78-81): na
lumikha sa akin at Siya ay nagpapatnubay sa akin; na
Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin,
at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;
na babawi sa buhay ko, pagkatapos ay bubuhay sa akin;
Ito ay mga gawain ng Panginoon: nagpapagaling Siya sa
mga maysakit; bumabawi Siya ng buhay at bumubuhay
Siya; nagpapakain Siya at nagpapainom Siya; nagpapatnubay
Siya sa kaninumang loloobin Niya. Siya ang Palalikha,
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
60
ang Makapangyarihan sa pagpapatawad sa mga pagkakasala
at pagtatakip sa mga kapintasan.
Dahil dito ay naging karapat-dapat Siya sa pagsamba ng
mga lingkod Niya at naging walang saysay ang pagsamba
sa lahat ng iba pa sa Kanya sapagkat sila ay hindi lumilikha,
hindi nagtutustos, hindi nagdudulot ng pakinabang, hindi
nakapipinsala, hindi nakaaalam sa mga nakalingid, at hindi
nakakakaya na magkaloob ng anumang pakinabang o pinsala
sa dumadalangin sa kanila, gaya ng sinabi Niya (35:13-14):
Iyon ay si Allah, ang Panginoon ninyo. Ukol sa Kanya
ang paghahari, samantalang ang mga dinadalanginan
ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng
kahit isang lamad31 ng buto ng datiles. Kung dadalanginan
ninyo sila ay hindi sila makaririnig sa panalangin
ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila
tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi
nila ang pagtatambal ninyo sa kanila kay Allah.
Nilinaw ni Abraham ang kawalang-kakayahan nila at
nilinaw niya na ang pagdalangin nila sa iba pa kay Allah
ay pagtatambal (shirk) kay Allah. Dahil dito ay nagsabi
siya (35:14): Sa araw na Pagbangon ay itatanggi nila
ang pagtatambal ninyo sa kanila kay Allah. Nilinaw ni
Allah ang kawalang-kakayahan ng lahat ng diyos na ito at
nilinaw din Niya na sila ay nakapagtambal nga kay Allah
dahil sa pagdalanging ito.
Dito naman ay sinabi Niya (26:82): na pinagmimithian
ko na magpatawad sa akin sa mga kamalian ko sa Araw
31 Manipis na balot.
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
61
ng Paggantimpala. Ibig sabihin: Minimithi ko na Siya,
kaluwalhatian sa Kanya, ay magpapatawad sa akin sa mga
kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala yamang Siya ay
nagdudulot ng pakinabang sa mundo at nagliligtas sa
Kabilang-buhay, samantalang ang mga imahen na ito ay
hindi nagdudulot ng pakinabang sa mundo ni sa Kabilangbuhay
bagkus ay nakapipinsala.
Dahil dito ay nagsabi Siya tungkol sa sinabi ng matalik
na kaibigan Niya na si Abraham (26:82-85): na pinagmimithian
ko na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian
ko sa Araw ng Paggantimpala. Panginoon ko, magkaloob
Ka para sa akin ng karunungan at isama Mo ako
sa mga matuwid. Gumawa Ka para sa akin ng isang
pagtukoy na marangal sa panig ng mga huling salinlahi.
Gawin Mo ako na kabilang sa mga tagapagmana ng
Hardin ng Lugod.
Lahat ng ito ay nagpapahiwatig sa pananampalataya sa
Kabilang-buhay, sa pag-aanyaya roon, at sa pagtatawagpansin
sa mga nilalang na mayroong Kabilang-buhay na
kailangang kahahantungan at mayroong pagganti at pagtutuos.
Dahil dito ay nagsabi Siya pagkatapos nito (26:85-
86): Gawin Mo ako na kabilang sa mga tagapagmana
ng Hardin ng Lugod. Magpatawad Ka sa ama ko; tunay
na siya noon ay kabilang sa mga naliligaw.
Dumalangin si Abraham ng kapatawaran para sa ama
niya bago niya nalaman ang kalagayan nito. Ngunit noong
nalaman niya ang kalagayan nito ay itinatwa niya ito, gaya
ng sinabi Niya (29:16-17): Banggitin si Abraham noong
nagsabi siya sa mga kalipi niya: “Sambahin ninyo si
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
62
Allah at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyan
ay higit na mabuti para sa inyo kung inyong nalalaman.
Sumasamba kayo bukod pa kay Allah sa mga idolo
lamang, at lumilikha kayo ng kabulaanan. Ang mga
sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay hindi nakakakaya
na magdulot sa inyo ng panustos. Kaya hangarin
ninyo kay Allah ang panustos, sambahin ninyo Siya at
pasalamatan ninyo Siya. Sa Kanya kayo magbabalik.
Nilinaw ni Abraham (AS) na ang pagsamba ay tungkulin
kay Allah, na Siya ay kinakailangang pangilagang pagkasalaan
at kinakailangang sambahin, na ang ginawa nila ay
kabulaanan na walang batayan, na ang mga sinasamba nila
ay hindi nagmamay-ari magpakailanman ng maidudulot sa
kanila na panustos. Hindi rin makapagdudulot ng pakinabang
ang mga ito sa kanila at hindi makapipinsala sa kanila dahil
ang mga ito nga ay hindi nagmamay-ari ng maidu-dulot sa
kanila na panustos, bagkus ay si Allah ang Palatustos.
Dahil dito ay nagsabi Siya (29:17): pasalamatan ninyo
Siya. Sa Kanya kayo magbabalik.
Samakatuwid, ang balikan ay si Allah, ang nagmamayari
sa bawat bagay, ang Makapangyarihan sa bawat bagay,
ang karapat-dapat na pasalamatan dahil sa kalubusan ng
pagbibiyaya Niya at pagmamagandang-loob Niya. Siya
ang hinihilingan ng panustos. Dahil dito ay nagsabi Siya
sa ibang mga talata ng Qur’an (51:58): Tunay na si Allah
ay ang Palatustos, ang May matatag na lakas. Sinabi
pa Niya (11:6): Walang anumang gumagalaw sa lupa
malibang nasa kay Allah ang panustos nito. Nalalaman
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
63
Niya ang tirahan nito at ang pinaglalagakan dito. Ang
lahat ay nasa aklat na malinaw.
Ang mga talata na nagpapatunay na si Allah ay nag-utos
sa mga sugo na bumaling sa Kanya ang mga lingkod at
nagpapakilala sa kanila sa Tagapaglikha nila, Tagapagtustos
nila at Diyos nila ay lubhang marami ang matatagpuan sa
Aklat ni Allah. Ang sinumang magmumuni-muni sa Qur’an
ay matatagpuan iyon nang maliwanag at malinaw. Ang mga
sugo ay ang pinakamalinaw sa mga tao sa pagpapahayag,
ang higit na nakakikilala kay Allah sa mga tao, at ang pinakalubos
sa kanila sa sigla sa pag-aanyaya tungo sa Kanya,
sumakanila ang pagpapala at ang pagbati. Walang sinuman
ang higit na matiisin kaysa sa kanila sa pag-anyaya tungo
kay Allah at higit na nakaaalam kaysa sa kanila. Walang
higit na maibigin sa pagpapatnubay ng mga kalipunan kaysa
sa kanila, sumakanila ang pagpapala at ang pagbati.
Dahil dito, ipinarating nila ang mga mensahe ni Allah
nang pinakalubos at pinakaganap na pagpaparating. Nilinaw
nila sa mga tao ang mga katangian ng Tagapaglikha na
sinasamba, at ang mga pangalan at mga katangian Niya at
mga gawain Niya. Dinetalye nila ang mga ito upang malaman
ng mga lingkod ang Panginoon nila, nang sa gayon
ay makilala nila Siya sa pamamagitan ng mga pangalan
Niya at mga katangian Niya at kadakilaan ng karapatan
Niya sa mga lingkod Niya, at upang magbalik-loob sila
sa Kanya ayon sa kabatiran at kaalaman.
Kabilang dito ang binanggit ni Allah mula kay Moises
(AS) kung saan nagsabi Siya (26:10-16): Banggitin noong
tinawag ng Panginoon mo si Moises, na nagsasabi: “PunAng
Paglilinaw sa Tawhíd
64
tahan mo ang mga taong lumabag sa katarungan: ang
mga tao ng Paraon. Hindi ba sila mangingilag magkasala?”
Nagsabi ito: “Panginoon ko, tunay na ako ay
nangangamba na pasinungalingan nila ako. Maninikip
ang dibdib ko at hindi gagalaw ang dila ko, kaya ipasugo
Mo si Aaron. Sa kanila ay mayroon akong isang
pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila
ako.” Nagsabi Siya: “Aba’y hindi. Kaya pumunta
kayong dalawa dala ang mga tanda Namin. Tunay na
Kami, kasama ninyo, ay makikinig. Kaya puntahan
ninyong dalawa ang Paraon at sabihin ninyong dalawa:
Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang;
Inutusan siya ni Allah na linawin kay Paraon na siya ay
sugo ng Panginoon ng mga nilalang, nang harinawa ito ay
makapag-alaala at magbalik-loob sa katotohanan. Subalit
hindi ito nag-alaala, bagkus ay inayawan iyon at nagsabi pa
(26:18-28): Nagsabi iyon: “Hindi ka ba namin inalagaan
sa piling namin noong bata pa at nanatili ka sa piling
namin nang ilang taon mula sa buhay mo? Ginawa mo
ang kagagawan mo na ginawa mo samantalang ikaw
ay kabilang sa mga tumatangging tumanaw ng utang
na loob.” Nagsabi siya: “Ginawa ko iyon noong habang
ako ay kabilang sa mga naliligaw. Kaya tumakas ako
mula sa inyo noong pinangambahan ko kayo. Pagkadaka
ay pinagkalooban ako ng Panginoon ko ng karunungan
at ginawa Niya ako na kabilang sa mga isinugo. Iyan
ba ay isang biyaya na ipinanunumbat mo sa akin: na
inalipin mo ang mga anak ni Israel?” Nagsabi ang
Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga nilalang?”
Ang Paglilinaw sa Tawhíd
65
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ng mga Langit at Lupa
at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay
nakatitiyak.” Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: “Hindi
ba kayo nakikinig?” Nagsabi siya: “Ang Panginoon
ninyo at ang Panginoon ng mga sinaunang ninuno
ninyo.” Nagsabi iyon: “Tunay na ang sugo ninyo na
isinugo sa inyo ay talagang baliw.” Nagsabi siya: “Ang
Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa
pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay nakauunawa.”
Kaya tingnan ninyo kung papaanong nililinaw ni Moises
(AS) sa Paraon ang mga katangian ng Panginoon, na Siya
ang Panginoon ng mga nilalang, ang Panginoon ng mga
langit at ang Panginoon ng lupa at anumang nasa pagitan ng
mga ito, ang Panginoon ng lahat ng nilikha at ang Panginoon
ng silangan at kanluran, nang sa gayon ay malaman ng
kaaway ni Allah ang mga katangiang ito nang harinawa
iyon ay magbalik sa katotohanan at tama. Subalit nauna
na sa kaalaman ni Allah na iyon ay magpapatuloy sa paniniil
at pagkaligaw niyon at mamatay iyon sa kawalang-pananampalataya
at pagmamatigas niyon. Hinihiling natin kay
Allah ang kaligtasan.
Nilinaw ni Allah—kaluwalhatian sa Kanya at pagkataastaas
Niya—kina Aaron at Moises na Siya ay kasama nilang
dalawa, na nakaririnig at nakakikita, na Siya ay tagapangalaga
nilang dalawa, tagapag-adya nilang dalawa at tagapagayuda
nilang dalawa. Kaya dahil dito ay naglakas-loob
silang dalawa sa pag-anyaya sa maniniil, mapagmatigas,
mapagmalaki at arogante na ito, na nagsabi (79:24): “Ako
ay ang panginoon ninyong pinakamataas.” Iningatan at
Ang Paglilinaw sa Tawhíd