Mga Artikulo




Ang Paglilinaw sa Tawhíd


بيان التوحيد 


Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain


Panimula2


Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga


nilalang. Ang pagpapala at ang pagbati ay ukol sa pinuno ng


mga una at mga huli, ang Propeta natin na si Muhammad,


at gayon din sa lahat ng mag-anak niya at Kasamahan niya.


Ito ay tatlong pagtatalakay tungkol sa Tawhíd mula sa


aklat ko na Majmú‘ Fatáwá Wa Maqálat Mutanawwi‘ah:3


A. Ang Katotohanan ng Tawhíd at Shirk,


B. Ang Tawhíd ng mga Isinugong Propeta at ang Sumasalungat


Dito na Kufr4 at Shirk,


C. Ang Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Shirk kay Allah.


Napag-isipan ko na tipunin ang mga ito sa iisang aklat na


pinamagatang: Ang Paglilinaw sa Tawhíd na Isinugo ni


1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang


Arabe. Ito ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang


pambalana, kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa


pangalang Allah ay SI, NI at KAY at hindi ANG, NG at SA. Samakatuwid


ang tama ay sabihing: SI Allah, NI Allah at KAY Allah. Ito


ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino,


ang Komisyon sa Wikang Filipino; at ito rin ang paninindigan ng


Ministry of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.


2 Ang nagsalin ng aklat na ito ay walang pananagutan sa nilalaman


ng aklat na ito.


3 Kalipunan ng mga Fatawá at Sari-saring Artikulo.


4 Pagtangging sumampalataya o kawalang pananampalataya.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


6


Alláh Dahil Dito ang Lahat ng Sugo5 at Isinugo Niya


Dahil Dito ang Panghuli sa Kanila na si Muhammad


(SAS).6 Iyan ay pakikilahok mula sa akin sa paglilinaw sa


Tawhíd, at sa pagbabala laban sa Shirk na lumaganap sa


marami sa mga bayan ng Mundong Islam. Ang mga ito ay


gaya ng pagdalangin sa mga walí7 at mga taong matuwid,


pagsusumamo sa kanila pagkatapos ng kamatayan nila,


pagpapatayo ng estraktura sa ibabaw ng mga puntod nila,


pamamanata sa mga ito, pagsasagawa ng tawáf sa paligid


ng mga ito, at iba pa rito na mga bagay na lumalabag sa


Tawhíd na isinugo ni Alláh dahil dito ang lahat ng sugo, na


ipinaliwanag sa sinabi ni Allah8 (51:56): Hindi Ko nilikha


ang jinn at ang tao kundi upang sambahin nila Ako.


Ang sabi pa Niya (21:25): Hindi Kami nagsugo noong


5 Kapag binanggit ang salitang sugo o isinugo sa lathalain natin,


ang tinutukoy natin ay isang propetang sugo o isinugo ng Panginoon,


maliban kung tahasang binanggit na iyon ay hindi isang propetang


sugo o isinugo. Ang sugo sa Islam ay ang pinakamataas na antas na


maaaring marating ng isang tao. Ang sugo ay higit na mataas kaysa


sa propeta dahil ang bawat sugo ay propeta rin ngunit ang karamihan


sa mga propeta ay hindi sugo. Sa mga lathalain natin, ang Sugo na


may malaking titik na ‘S’ at ang Propeta na may malaking titik na ‘P’


ay tumutukoy kay Propeta Muhammad (SAS). Ang Tagapagsalin.


6 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Pagpalain siya ni Allah at


batiin (o pangalagaan). Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan


o ang taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.


7 Mga taong pinaniniwalaang banal o malapit kay Allah.


8 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay salin


mula sa wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita


ni Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


7


wala ka pa ng anumang sugo malibang nagsisiwalat


Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya


sambahin ninyo Ako. Ang sabi pa Niya (16:36): Talaga


ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan9 ng isang


sugo, na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi


ninyo ang huwad na diyos.”


Umaasa ako kay Allah na mapakinabangan nawa ito ng


mga lingkod Niya, bumuti nawa ang mga kalagayan ng lahat


ng Muslim at pagkalooban Niya nawa sila ng pagkaunawa


sa Relihiyon. Tunay na Siya ay Dumidinig, Malapit. Pagpalain


ni Allah at batiin ang Propeta natin na si Muhammad


at gayon din ang mag-anak niya at mga Kasamahan niya.


9 Ang Kalipunan ay salin ng salitang Arabe na ummah na nangangahulugan


ng: Isang pangkat ng mga tao na ipinagbubuklod ng isang


kalagayan na gaya ng relihiyon o pook o panahon. (Al-Mu‘jam al-


Wasít, p. 27.) Ang tinutukoy ng Kalipunan sa aklat na ito ay ang


Komunidad ng mga Muslim. Ang Tagapagsalin.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


8


Ang Katotohanan


ng Tawhíd at Shirk


Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga


nilalang. Walang pangangaway kundi sa mga lumalabag


sa katarungan. Ang pagpapala at ang pagbati ay ukol sa


Lingkod Niya, Sugo Niya, Pili Niya sa mga nilikha Niya,


Pinagkatiwalaan Niya sa pagsisiwalat Niya, ang Propeta


natin, ang Nangunguna sa atin: ang pinuno natin na si


Muhammad ibnu ‘Abdilláh ibni ‘Abdulmuttalib al-Háshimí,


na isang Arabe na taga-Makkah at pagkatapos ay naging


taga-Madínah, sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan


niya at ng sinumang tumahak sa landas niya at napatnubayan


sa pamamagitan ng patnubay niya magpahanggang


sa Araw ng Paggagantimpala.


Tunay na si Allah ay lumikha sa mga nilikha upang sambahin


Siya lamang nang walang katambal sa Kanya. Isinugo


Niya ang mga sugo upang linawin ang kadahilanang ito, maganyaya


tungo rito, linawin ang detalye nito at linawin ang


anumang sumasalungat dito. Ayon sa kadahilanang iyon


dumating ang mga makalangit na kasulatan. Gayon isinugo


ang mga taong sugo buhat kay Allah para sa jinn at tao.


Ginawa ni Allah ang pangmundong tahanang ito bilang


daan para sa Kabilang-buhay at tulay tungo roon. Ang sino


mang nagpuno sa mundong ito ng pagtalima kay Allah,


paniniwala sa pagkaiisa Niya at pagsunod sa mga sugo


Niya, sumakanila ang pagpapala at ang pagbati ni Allah, ay


malilipat mula sa tahanan ng paggawa: ang Mundo, tungo


sa tahanan ng gantimpala: ang Kabilang-buhay.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


9


Pupunta siya sa tahanan ng kaginhawahan, tuwa at galak,


ang tahanan ng kaalwanan at kaligayahan: tahanan na hindi


maglalaho ang kaginhawahan doon at hindi mamamatay


ang mga maninirahan. Hindi maluluma ang mga kasuutan


nila at hindi tatanda ang kabataan nila. Bagkus mananatili sa


palagiang kaginhawahan, palagiang kalusugan, tuluy-tuloy


na kabataan, mabuti at maligayang buhay at kaginhawahang


hindi mauubos.


Tatawagin sila nang ganito sa piling ni Allah: O mga


mamamayan sa Paraiso, tunay na ukol sa inyo na mabuhay


kaya hindi na kayo mamamatay magpakailanman,


tunay na ukol sa inyo na lumusog kaya hindi na kayo


magkakasakit magpakailanman, tunay na ukol sa inyo


na bumata kaya hindi na kayo tatanda magpakailanman,


at tunay na ukol sa inyo na guminhawa kaya hindi na


kayo magdurusa magpakailanman. Ito ang magiging


kalagayan nila.


Makakamtan nila roon ang anumang minimithi nila at


makakamtan nila roon ang anumang hinihiling nila bilang


isang pang-aliw mula sa Mapagpatawad, Maawain.10


Makakamit nila roon ang pakikipagtagpo kay Allah gaya ng


loloobin Niya at ang pagkakita sa marangal na Mukha Niya.


Tungkol naman sa sinumang sumalungat sa mga sugo


sa pangmundong tahanang ito at sumunod sa pithaya ng


sarili at sa Demonyo, tunay na siya ay malilipat mula sa


pangmundong tahanang ito tungo sa pang-Impiyernong


tahanan ng pagganti, ang tahanan ng kahamakan, pagkalugi,


10 Qur’an 41:32.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


10


pagdurusa, mga pasakit at Impiyerno. Ang mga maninirahan


doon ay nasa palagiang pagdurusa at pagkahapis na


hindi kikitil11 sa kanila upang mamatay sila at hindi


magpapagaan sa kanila ng anumang pagdurusang dulot


nito12 gaya ng sinabi ni Allah (20:74): Tunay na ang


sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang isang


sumasalansang, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno;


hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.


Nagsabi pa Siya tungkol doon (18:29): Kung magpapasaklolo


sila ay sasaklolohan sila ng tubig na gaya ng


kumukulong langis na iihaw sa mga mukha nila. Kaabaabang


inumin at kay sagwang tirahan! Nagsabi pa rin


Siya tungkol doon (47:15): at paiinumin ng tubig na


kumukulo kaya pagpuputul-putulin nito ang mga


bituka nila?


Ang ipinakakahulugan nito ay na ang pangmundong


tahanang ito ay ang tahanan ng paggawa. Ito ay tahanan ng


pagpapakalapit kay Allah sa pamamagitan ng paggawa ng


anumang ikinasisiya Niya. Ito ay tahanan ng pakikibaka


para sa mga kaluluwa. Ito ay tahanan ng pagtutuos sa sarili,


at tahanan ng pag-unawa at pagtalos sa Relihiyon, ng pakikipagtulungan


sa pagpapakabuti at pangingilag sa pagkakasala,


ng pagtatagubilinan sa katotohanan at pagtitiis para rito,


at ng kaalaman, paggawa, pagsamba at pakikipagpunyagi.


Sinabi ni Allah (51:56-58): Hindi Ko nilikha ang jinn


at ang tao kundi upang sambahin nila Ako. Hindi Ako


naghahangad mula sa kanila ng anumang panustos at


11 O na hindi maghahatol ng kamatayan


12 Qur’an 35:36.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


11


hindi Ako naghahangad na pakainin nila Ako. Tunay na


si Allah ay ang Palatustos, ang May matatag na lakas.


Kaya nilikha ni Allah ang jinn at ang tao ay alang-alang sa


pagsamba sa Kanya. Hindi Niya sila nilikha dahil sa pangangailangan


Niya sa kanila sapagkat Siya ay ang walangpangangailangan


sa pamamagitan ng sarili Niya sa anumang


iba pa sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (35:15-17): O mga


tao, kayo ang mga nangangailangan kay Allah samantalang


si Allah ang Walang-pangangailangan, ang Kapuripuri.


Kung loloobin Niya ay maaalis Niya kayo at magdadala


Siya ng bagong nilikha. Hindi iyon para kay


Allah mahirap.


Hindi Niya sila nilikha upang magparami sa pamamagitan


nila dahil sa kasalatan o magpakarangal sa pamamagitan


nila dahil sa pagkahamak. Bagkus Siya ay lumikha sa


kanila dahil sa dakilang kadahilanan. Ito ay upang sambahin


nila Siya, dakilain nila Siya, katakutan nila Siya at papurihan


nila Siya ng nauukol sa Kanya. Ito ay upang alamin


nila ang mga pangalan Niya at ang mga katangian Niya at


papurihan Siya sa pamamagitan niyon. Ito ay upang dumulog


sila sa Kanya sa pamamagitan ng naiibigan Niya na mga


gawain at mga salita. Ito ay upang pasalamatan nila Siya


sa pagbibiyaya Niya at magtiis sila sa anumang pagsubok


Niya sa kanila sa pamamagitan niyon.


Ito ay upang maki-baka sila sa landas Niya. Ito ay upang


magmuni-muni sila sa kadakilaan Niya at anumang karapatdapat


sa kanila na gawain, gaya ng sinabi ni Allah (65:12):


Si Allah ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng


tulad ng bilang ng mga iyon. Bumababa-baba ang kautusan


sa pagitan ng mga ito upang malaman ninyo na


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


12


si Allah sa bawat bagay ay Makapangyarihan, at na si


Allah ay sumaklaw nga sa bawat bagay sa kaalaman.


Sinabi pa Niya (7:180): Taglay ni Allah ang mga pangalang


napakaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa


pamamagitan ng mga ito. Sinabi pa Niya (3:190-191):


Tunay na sa pagkalikha ng mga langit at lupa at pagsasalitan


ng gabi at araw ay talagang may mga tanda


para sa mga may isipan, na mga umaaalaala kay Allah,


nang nakatayo o nakaupo o nakahiga sa mga tagiliran


nila, at nag-iisip-isip sa pagkalikha ng mga langit at


lupa, na nagsasabi: “Panginoon namin, hindi Mo nilikha


ito nang walang saysay; kaluwalhatian sa Iyo kaya


ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Impiyerno.


Kaya ikaw, o lingkod ni Allah, ay nilikha sa pangmundong


tahanan na ito hindi upang mamalagi rito at hindi upang


manatili rito. Bagkus ikaw ay nilikha rito upang ilipat mula


rito pagkatapos ng paggawa rito. Maaaring ililipat ka mula


sa mundong ito bago nakagawa ng anuman, samantalang


ikaw ay bata pa na hindi pa sumasapit sa tamang gulang at


hindi pa isinatungkulin sa iyo ang paggawa dahil sa isang


malalim na kadahilanan.


Kaya ang ipinakakahulugan nito ay na itong mundo ay


tahanan na hinaluan ng masama at mabuti, hinaluan ng


pinaghalu-halong mga matuwid na tao at iba pa sa kanila,


hinaluan ng mga dalamhati at mga kasayahan, at ng napakikinabangan


at nakapipinsala. Narito ang minamabuti at


ang minamasama, ang pagkakasakit at ang kalusugan, ang


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


13


yaman at ang karalitaan, ang Káfir13


at ang Mananampalataya,


at ang sumusuway at ang matuwid. Narito ang mga uri ng


mga nilikha na nilikha para sa kapakanan ng tao at jinn,


gaya ng sinabi ni Allah (2:29): Siya ang lumikha para sa


inyo ng lahat ng nasa lupa.


Ang nilalayon mula sa nilikha na ito, gaya ng naunang


nabanggit, ay na dakilain si Allah, na talimain Siya sa


pangmundong tahanang ito, na igalang ang iniutos Niya at


ang sinaway Niya, na sasambahin Siya lamang sa pamamagitan


ng pagtalima sa mga kautusan Niya, pagtalikod sa


mga ipinagbabawal Niya, pagsadya sa Kanya sa paghiling


sa mga pangangailangan sa sandali ng mga kasawiangpalad,


pagdulog ng mga hinaing sa Kanya, paghiling ng


saklolo mula sa Kanya, pagpapatulong sa Kanya sa bawat


bagay, at sa lahat ng bagay-bagay kaugnay sa Mundo at


Kabilang-buhay.


Kaya ang nilalayon sa pagkakalikha sa iyo at pagpapairal


sa iyo, o lingkod ni Allah, ay paniwalaan mo ang pagkaiisa


Niya; igalang mo ang ang iniutos Niya at ang sinaway Niya;


na dudulog ka sa Kanya lamang sa mga pangangailangan


mo; magpapatulong ka sa Kanya sa bagay na kaugnay sa


pangrelihiyong buhay mo at pangmundong buhay mo;


susundin mo ang aral na inihatid ng mga sugong propeta


Niya; magpapaakay ka roon na tumatalima, nagkukusangloob,


umiibig sa anumang iniutos Niya at nasusuklam sa


anumang sinaway Niya; na naghahangad sa awa ng Panginoon


mo at natatakot sa kaparusahan Niya.


13 Tumatangging sumampalataya kay Allah o sa Islam, o hindi Muslim,


o hindi Mananampalataya.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


14


Ang mga sugo ay isinugo sa mga tao upang ipakilala sa


kanila ang katotohanang ito, upang ituro sa kanila ang


isinasatungkulin sa kanila at ang ipinagbabawal sa kanila


upang hindi nila sabihin: “Walang dumating sa amin na


anumang tagapagbalita ng nakalulugod ni tagapagbabala.”


Bagkus ay dumating na sa kanila ang mga sugo bilang mga


tagapagbalita ng nakalulugod at mga tagapagbabala, gaya


ng sinabi ni Allah (16:36): Talaga ngang nagpadala Kami


sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi: “Sambahin


ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na


diyos.”


Sinabi pa Niya (4:165): Nagsugo ng mga sugo bilang


mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala


upang hindi na magkaroon ang mga tao ng maikatuwiran


kay Allah kapag wala na ang mga sugo. Si Allah


ay laging Makapangyarihan, Marunong. Sinabi pa Niya


(21:25): Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng


anumang sugo malibang nagsiwalat Kami sa kanya na


walang Diyos kundi Ako kaya sambahin ninyo Ako.


Samakatuwid, isinugo nga ang mga propeta upang ituon


nila ang tao at ang jinn tungo sa mensaheng inihatid nila


at gabayan nila ang mga ito tungo sa mga kaparaanan ng


kaligtasan, upang balaan nila ang mga ito laban sa mga


kaparaanan ng kapahamakan, upang ilahad nila sa mga ito


ang katwiran at putulin nila ang maipangdadahilan.


Si Allah ay nagnanais na ipagkapuri Siya. Dahil dito ay


ipinagbunyi Niya ang sarili Niya ayon sa karapat-dapat sa


Kanya. Siya ay mapanibughuin laban sa pagsuway sa mga


ipinagbabawal Niya. Dahil dito ay ipinagbawal Niya ang


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


15


mga gawang mahalay: ang anumang nakahayag mula sa


mga ito at ang anumang nakakubli.


Kailangan mo na purihihin Siya at ipagbunyi Siya sa


pamamagitan ng karapat-dapat sa Kanya, yamang ukol sa


Kanya ang papuri sa una at huli. Kailangan mo na ipagbunyi


Siya sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian


Niya, na pasalamatan Siya sa pagbiyaya Niya at na


magtiis sa anumang dumadapo sa iyo, kalakip ng mga


kaparaanang isinabatas ni Allah at ipinahintulot sa iyo.


Kailangan mo na igalang ang mga pagbabawal Niya, na


layuan ang mga ito at na huminto sa hangganan ng mga


ito bilang pagtalima sa Kanya at sa mensaheng inihatid


ng mga sugo.


Kailangan mo na makaunawa sa Relihiyon mo, na matutunan


na nilikha ka alang-alang doon, na magtiis alangalang


doon upang magampanan mo ang isinatungkulin sa


iyo alinsunod sa kaalaman at pagkaunawa. Nagsabi ang


Sugo (SAS): Ang sinumang pinagnanaisan ni Allah ng


kabutihan ay pagkakalooban Niya ito ng pagkaunawa sa


relihiyon. Nagsabi pa siya: Ang sinumang tumahak sa


isang landas, na naghahanap dahil doon ng kaalaman,


ay padadaliin ni Allah para sa kanya dahil doon ang


isang daan patungo sa Paraiso. Itinala ni Imám Muslim


ang dalawang Hadíth na ito sa Sahíh niya.


Ang pinakadakila sa mga kautusan at ang pinakamahalaga


sa mga ito ay pakaisahin Siya at iwan ang pagtatambal sa


Kanya. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ito ang batayan


ng Relihiyong Islam. Ito ang relihiyon ng lahat ng sugo


magmula sa una sa kanila hanggang sa huli sa kanila: ang


pakaisahin si Allah at ang ibukod-tangi Siya sa pagsamba


na hindi kasama ang bawat anumang iba pa sa Kanya.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


16


Ito ang batayan ng Relihiyong Islam. Ito ang relihiyon


ng lahat ng sugo magmula sa una sa kanila na si Noe hanggang


sa pangwakas sa kanila na si Muhammad, sumakanila


ang pagpapala at ang pagbati. Hindi tatanggapin ni Allah


mula sa kaninuman ang isang relihiyong iba pa sa Islam.


Tinawag itong Islam dahil napaloloob dito ang pagsuko


kay Allah, ang pagpapakumbaba sa Kanya, ang pagpapakaalipin


sa Kanya, ang pagpapaakay sa Kanya dahil sa


pagtalima sa Kanya, ang paniniwala sa pagkaiisa Niya at


ang pag-uukol ng kawagasan sa Kanya habang sumusuko


sa Kanya.


[Kung Muslim ka,] isinuko mo na ang sarili mo kay Allah,


iniukol mo nang wagas kay Allah ang gawa mo at ibinaling


mo ang puso mo kay Allah nang palihim at hayagan, sa


takot mo at pag-asa mo, sa salita mo at sa gawa mo, at sa


lahat ng pumapatungkol sa iyo. Nalalaman mo na Siya ang


totoong Diyos at ang karapat-dapat na sambahin, talimain


at dakilain. Walang Diyos na iba sa Kanya at walang Panginoon


bukod pa sa Kanya.


Nagkakaiba lamang ang mga batas [ng mga propeta],


gaya ng sinabi Niya (5:48): Para sa bawat kalipunan ay


nagtalaga Kami sa inyo ng isang pagbabatas at isang


pamamaraan. Tungkol naman sa Relihiyon mula kay Allah,


ito ay nag-iisa. Ito ang Relihiyong Islam at ito ay ang wagas


na pag-uukol ng pagsamba kay Allah lamang; at ang pagbubukod-


tangi sa Kanya sa pagsamba tulad ng Du‘á’ (Panalangin),


Khawf (Pangamba), Rajá’ (Pag-asa), Tawakkul


(Pananalig), Raghbah (Pagmimithi), Rahbah (Pangingilabot),


Saláh (Dasal), Sawm (Pag-aayuno) at iba pa rito, gaya ng


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


17


sinabi Niya—kaluwalhatian sa Kanya at papuri sa Kanya


—(17:23): Itinadhana ng Panginoon mo na wala kayong


sasambahin kundi Siya, na ang ibig sabihin ay: Ipinagutos


Niya na wala kayong sasambahin maliban sa Kanya.


Sinabi pa Niya (1:5): Sa Iyo lamang kami sumasamba


at sa Iyo lamang kami nagpapatulong. Ipinabatid Niya


ito sa mga lingkod Niya upang sabihin nila ito at kilalanin


nila ito. Kaya naman itinuro Niya sa kanila kung paanong


papupurihan Siya. Sinabi Niya (1:2-4): Ang lahat ng papuri


ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang, ang


Napakamaawain, ang Pinakamaawain, ang May-ari


ng Araw ng Paggantimpala.


Itininuro niya sa kanila ang dakilang pagpapapuring ito.


Pagkatapos ay sinabi Niya (1:5): Sa Iyo lamang kami


sumasamba. Itinuon Niya sila rito, at pinapurihan nila Siya


ng karapat-dapat sa Kanya na papuri at pagkilala na Siya


ang Panginoon ng mga nilalang, ang nagmamagandangloob


sa kanila, ang nag-aalaga sa kanila sa pamamagitan


ng mga biyaya Niya, na Siya ang Napakamaawain, na Siya


ang Pinakamaawain, at na Siya ang May-ari ng Araw ng


Paggantimpala. Lahat ng ito ay karapatan ng Panginoon


natin—kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.


Pagkatapos ay sinabi Niya (1:5): Sa Iyo lamang kami


sumasamba at sa Iyo lamang kami nagpapatulong. Sa


Iyo kami sumasamba, tanging sa Iyo; at sa Iyo kami nagpapatulong,


tanging sa Iyo. Walang Panginoon at walang


tumutulong bukod sa Iyo. Kaya ang lahat ng nangyayari


mula sa mga tao ay mula kay Allah. Siya ang nagpasunudsunuran


sa kanila at Siya ang naghanda sa kanila sa pangyaAng


Paglilinaw sa Tawhíd


18


yaring iyon, tumulong sa kanila roon at nagbigay sa kanila


ng lakas para roon. Dahil dito ay nagsasabi Siya (16:53):


Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allah.


Samakatuwid, Siya ang nagbibiyaya, ang hinihingan ng


tulong at ang sinasambang karapat-dapat—kapita-pitagan


Siya at kataas-taasan Siya.


Kaya ikaw, lingkod ni Allah, kapag pinuntuhan ka ng isang


biyaya mula sa kamay ng isang maliit na tao o malaking


tao, o ng isang alipin o ng isang hari, o ng iba pa, ang lahat


ng ito ay mula sa mga biyaya ni Allah. Siya ang umakay


nito at nagpadali rito. Nilikha Niya ang naghatid nito o


umakay nito sa kamay niyon, at nagpagalaw sa puso niyon


upang ihatid ito sa iyo. Binigyan Niya iyon ng lakas, puso


at isip. Inilagay Niya sa puso niyon ang dapat na ilagay


hanggang sa ipinarating niyon ito sa iyo.


Samakatuwid, lahat ng biyaya ay mula kay Allah, maging


anuman ang mga pamamaraan. Siya ang sinasamba na


karapat-dapat. Siya ang Tagapaglikha ng mga tao. Siya ang


tagapangalaga sa kanila sa pamamagitan ng mga biyaya.


Siya ang tagahatol sa pagitan nila sa Mundo at Kabilangbuhay.


Siya ang nagtataglay ng mga katangian ng kalubusan


na malayo sa mga katangian ng kakulangan at kapintasan:


nag-iisa sa pagkapanginoon Niya, nag-iisa sa pagkadiyos


Niya at nag-iisa sa mga pangalan Niya at mga katangian


Niya—kapita-pitagan Siya at kataas-taasan Siya.


Siya ay nagtataglay ng Tawhíd sa lahat ng aspeto. Taglay


Niya ang kaisahan sa paglikha Niya sa mga lingkod Niya,


sa pangangasiwa Niya sa kanila, sa pagtutustos Niya sa


kanila at pamamahala Niya. Walang nakikilahok sa Kanya


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


19


roon ni isa man. Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan,


gaya ng sinabi Niya (39:62): Si Allah ay Tagalikha ng


bawat bagay, at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.


Nagsabi rin Siya (51:58): Tunay na si Allah ay ang


Palatustos, ang May matatag na lakas. Sinabi pa Niya


(10:3-4): Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allah na


lumikha sa mga langit at lupa sa loob ng anim na araw.


Pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono, nangangasiwa


sa kapakanan. Walang anumang tagapamagitan malibang


matapos ang kapahintulutan Niya. Iyan ang Panginoon


ninyo kaya sambahin ninyo Siya. Kaya hindi ba


kayo mapaalalahanan? Tungo sa Kanya ang balikan


ninyong lahat.


Samakatuwid, Siya ang karapat-dapat sa pagsamba dahil


sa kalubusan ng pagbibiyaya Niya at kalubusan ng pagmamagandang-


loob Niya, dahil sa Siya ang Palalikha at ang


Palatustos, dahil sa Siya ay tagapamahala ng mga bagaybagay


at tagapangasiwa ng mga ito, at dahil sa Siya ay ang


Lubos sa sarili Niya, mga katangian Niya at mga pangalan


Niya. Dahil dito ay naging karapat-dapat Siya sa pagsamba


ng lahat ng lingkod Niya at naging karapat-dapat ang pagpapasailalim


para sa kanila.


Ang pagsamba (‘ibádah) ay ang pagpapasailalim at ang


pagpapakumbaba. Tinawag ang Relihiyon (Dín) na pagsamba


dahil ang tao ay nagsasagawa nito sa pamamagitan ng


pagpapasailalim kay Allah at pagpapakumbaba sa harap


Niya. Dahil dito tinawag ang Islam na pagsamba. [Hinango


ang salitang pagsamba (‘ibádah) batay sa] sinasabi ng mga


Arabe: daanan na pinatag (mu‘abbad), na nangangahulugang


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


20


ginawang mababa, na inapak-apakan ng mga paa hanggang


sa nagkaroon ng malinaw na bakas na nakikilala.


Ang ‘abd (alipin, lingkod) ay ang mababa na nagpaakay


kay Allah, ang gumagalang sa mga kabanalan Niya. Kapag


ang lingkod [ni Allah] ay naging higit na lubos sa pagkakilala


kay Allah at higit na lubos sa pananampalataya sa


Kanya, siya ay nagiging higit na lubos sa pagsamba.


Dahil dito ang mga sugo ang pinakalubos sa mga tao sa


pagsamba dahil sila ang pinakalubos sa mga ito sa pagkakilala


at kaalaman kay Allah, sa pagdakila sa Kanya kaysa


sa iba sa kanila—ang mga pagpapala ni Allah at pagbati


Niya ay sumakanila.


Dahil dito, inilarawan ni Allah ang Propeta Niya na si


Muhammad (SAS) ayon sa katangian ng ‘ubúdíyah (pagpapakaalipin,


pagkalingkod kay Allah) sa pinakamarangal


na mga kalagayan niya, yamang nagsabi Siya (17:1):


Kaluwalhatian sa Kanya na nagdala sa lingkod Niya.


Nagsabi pa Siya (18:1): Ang papuri ay ukol kay Allah


na nagbaba sa lingkod Niya ng Aklat. Sinabi pa Niya


(72:19): Na noong tumindig ang lingkod ni Allah na si


Muhammad na nananalangin sa Kanya. At iba pa.


Samakatuwid ang ‘ubúdíyah (pagpapakaalipin, pagkalingkod


kay Allah) ay isang dakila at marangal na kalagayan.


Pagkatapos ay dinagdagan pa sila ni Allah ng kalamangan


buhat sa Kanya sa pamamagitan ng mensahe na ipinasugo


Niya sa kanila. Kaya naman natipon sa kanila ang dalawang


kalamangan: kalamangan ng pagkasugo at kalamangan ng


natatanging pagkalingkod [ni Allah].


Ang pinakalubos sa mga tao sa pagsamba nila kay Allah


at pangingilag nila sa pagkakasala sa Kanya ay ang mga


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


21


sugo at ang mga propeta—sumakanila ang pagpapala at


ang pagbati. Pagkatapos ay sumusunod sa kanila ang mga


mapagsampalataya na nalubos ang paniniwala nila kay Allah


at sa mga sugo Niya, nagpakatatag sa kautusan Niya at


naging mga napakabuting tao pagkatapos ng mga propeta.


Ang nangunguna sa kanila ay si Abú Bakr as-Siddíq (ang


mapagsampalataya)—masiyahan nawa si Allah sa kanya.


Siya ang ulo ng mga mapagsampalataya at ang pinakalubos


sa kanila sa pagkamapagsampalataya sa pamamagitan ng


kalamangan niya, pangingilag niya sa pagkakasala, pangunguna


niya sa mga kabutihan, pagsasagawa niya sa kautusan


ni Allah nang pinakamabuting pagsasagawa at dahil


sa siya ay kapisan ng Sugo ni Allah sa yungib at katulong


nito sa pamamagitan ng lahat ng nakakaya niyang lakas.


Masiyahan nawa si Allah sa kanya at pasiyahin Niya siya.


Samakatuwid ang ipinakakahulugan nito ay na ang kalagayan


ng pagkalingkod at ang kalagayan ng pagkasugo ay


ang pinakaramarangal sa mga kalagayan. Kapag naman


nawala ang pagkasugo kalakip ng kalamangan nito, matitira


ang kalagayan ng pagkamapagsampalataya kalakip ng


pagsamba.


Kaya ang pinakalubos sa mga tao sa pananampalataya,


pagkamatuwid, pangingilag sa pagkakasala, pagkapatnubay


ay ang mga sugo at ang mga propeta—sumakanila ang


pagpapala at ang pagbati—dahil sa kalubusan ng kaalaman


nila kay Allah, ng pagsamba nila sa Kanya at ng pagpapakumbaba


nila sa kadakilaan Niya.


Pagkatapos ay sumusunod sa kanila ang mga mapagsampalataya,


pagkatapos ay ang mga martir, pagkatapos ay ang


mga matuwid, gaya ng sinabi Niya (4:69): Ang sinumang


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


22


tumatalima kay Allah at sa Sugo, ang mga iyon ay


kasama nila na mga biniyayaan ni Allah na kinabibilangan


ng mga propeta, mga mapagsampalataya, mga


martir at mga matuwid. Maganda ang mga iyon bilang


kasama.


Kailangang kasama sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah ay


may paniniwala sa mga sugo Niya. Dahil dito noong ipinadala


ni Allah ang Sugo Niya na si Muhammad (SAS) ay naganyaya


muna siya sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at


saka sa pananampalataya na siya ay Sugo ni Allah (SAS).


Kaya kailangan ang dalawang bagay: ang paniniwala sa


pagkaiisa ni Allah at ang pag-uukol ng kawagasan sa Kanya.


Kailangang kasama niyon ay may paniniwala sa mga sugo


—sumakanila ang pagpapala at ang pagbati ni Allah.


Kaya ang sinumang naniwala sa pagkaiisa ni Allah at hindi


naniwala sa mga sugo, siya ay isang Káfir. Ang sinumang


naniwala sa kanila at hindi naniniwala sa pagkaiisa ni Allah,


siya ay isang Káfir. Kaya kailangan ang dalawa: ang paniniwala


sa pagkaiisa ni Allah at ang paniniwala sa mga sugo


Niya—sumakanila ang pagpapala at ang kapayapaan.


Ang pagkakaiba sa kalagayang ito ay sa mga batas. Tungkol


naman sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah, pag-uukol


ng kawagasan sa Kanya, pagtalikod sa pagtatambal sa


Kanya at paniniwala sa mga sugo, ito ay bagay na walang


pagkakaiba hinggil dito sa pagitan ng mga propeta. Bagkus


walang Islam, walang relihiyon, walang patnubay at walang


kaligtasan maliban pa sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah,


pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba, at pananampalaAng


Paglilinaw sa Tawhíd


23


taya sa inihatid ng mga sugo Niya—sumakanila ang pagpapala


at ang pagbati—sa kabuuan at sa detalye.


Ang sinumang naniwala sa pagkaiisa ni Allah ngunit


hindi naniwala kay Noe (AS)14 noong panahon nito, o kay


Abraham noong panahon nito, o kay Húd, o kay Sálih, o


kay Ismael, o kay Isaac, o kay Jacob, o sa sinuman pagkatapos


ng mga ito hanggang sa Propeta nating si Muhammad


(SAS), siya ay isang Káfir kay Allah hangga’t hindi siya


naniniwala sa lahat ng propeta kalakip ng paniniwala sa


pagkaiisa ni Allah.


Ang Islam noong panahon ni Adan (AS) ay ang paniniwala


sa kaisahan ni Allah kalakip ng pagsunod sa batas ni


Adan (AS). Ang Islam noong panahon ni Noe (AS) ay ang


paniniwala sa kaisahan ni Allah kalakip ng pagsunod sa


batas ni Noe (AS). Ang Islam noong panahon ni Húd (AS)


ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allah kalakip ng pagsunod


sa batas ni Húd (AS). Ang Islam noong panahon ni Sálih


(AS) ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allah kalakip ng


pagsunod sa Batas ni Sálih (AS), hanggang sa dumating


ang Propeta natin na si Muhammad (SAS). Kaya ang Islam


sa panahon natin ay ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah


kalakip ng pananampalataya sa inihatid ni Muhammad


(SAS) at pagsunod sa Batas niya.


Ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano, yamang hindi


sila naniwala kay Muhammad (SAS), ay naging mga naliligaw


na Káfir. Kung ipagpapalagay natin na ang iba sa


14 (AS): ‘Alayhis Salám: Sumakanya ang Kapayapaan. Sinasabi ito


kapag ang pangalan o ang taguri ng isang anghel o isang propeta


bukod pa kay Propeta Muhammad (SAS) ay binanggit.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


24


kanila ay sumampalataya sa pagkaiisa ni Allah, tunay na


sila ay mga naliligaw na Káfir pa rin ayon sa napagkaisahang


pahayag ng mga Muslim dahil sa kawalan nila ng


pananampalataya kay Muhammad (SAS).


Kaya kung sakaling sinabi ng isang tao: “Ako ay sumasamba


kay Allah lamang, naniniwala kay Muhammad sa


lahat ng bagay maliban sa pagbabawal sa pangangalunya,”


at itinuring niya ito na ipinahihintulot, tunay na siya dahil


dito ay nagiging isang Káfir na walang pananagutan ang


Islam sa buhay at ari-arian niya ayon sa napagkaisahang


pahayag ng mga Muslim.


Gayon din kung sakaling naniniwala ang isang tao sa


pagkaiisa ni Allah, sumasamba siya sa Kanya lamang na


walang sinumang iba pa sa Kanya, at naniniwala siya sa


lahat ng sugo sa pangunguna ni Propeta Muhammad (SAS)


maliban sa pagbabawal sa Sodomiya: ang pakikipagtalik


ng isang lalaki sa ibang lalaki, ang taong ito ay naging isang


Káfir na walang pananagutan ang Islam sa buhay at ari-arian


niya, ayon sa napagkaisahang pahayag ng mga Muslim. Ito


ay matapos ang pagkakalahad ng patunay roon kapag ang


tulad niya ay mangmang hinggil doon. Hindi niya mapakikinabangang


ang paniniwala niya sa pagkaiisa ni Allah


ni ang pananampalataya sa Kanya dahil siya ay nagpasinungaling


sa Sugo (SAS) at nagpasinungaling kay Allah


sa ilang bagay.


Gayon din kung sakaling naniwala siya sa pagkaiisa ni


Allah at naniwala sa mga sugo ngunit kinukutya naman


niya ang Sugo (SAS) sa anumang bagay, o minaliit niya


ang Sugo sa anumang bagay o ang ilan sa mga sugo. Ang


taong ito ay naging isang Káfir dahil doon, gaya nga ng


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


25


sinabi ni Allah (9:65-66): Sabihin mo: “Kay Allah, sa


mga Tanda Niya, sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?”


Huwag na kayong magdahilan pa; tumanggi na kayong


sumampalataya matapos ang pagsampalataya ninyo.


Dagdag pa roon, tunay na ang kasalungat ng Tawhíd na


ito ay ang Shirk15 kay Allah—kamahalan-mahalan at kapitapitagan


Siya—sapagkat tunay na ang bawat bagay ay may


kasalungat. Ang kasalungat ay nililinaw sa pamamagitan


ng kasalungat. Sinabi ng isa sa mga manunulat:


Ang salungat ay pinalilitaw ang ganda nito ng salungat


Sa pamamagitan ng salungat nakikilala ang mga bagay


Ang Shirk (Pagtatambal) kay Allah ay ang kasalungat


ng Tawhíd na ipinadala ni Allah dahil dito ang mga sugo


—sumakanila ang pagpapala at ang pagbati ni Allah. Ang


Mushrik16 ay nagtatambal kay Allah dahil siya ay nagtambal


kay Allah ng iba pa sa Kanya sa anumang nauugnay sa


pagsambang ukol kay Allah lamang o anumang nauugnay


sa paghahari Niya at pangangasiwa Niya sa mga tao, o dahil


sa kawalan ng paniniwala niya sa anumang ipinabatid ni


Allah o sa anumang isinabatas Niya. Ang taong ito dahil


doon ay naging isang Mushrik kay Allah at dahilan na rin


sa nangyari sa kanya na gawaing kabilang sa Shirk.


Ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah, na siyang kahulugan


ng adhikaing walang Diyos kundi si Allah, ay nanga-


15 Ang Shirk ay ang Pagtatambal ng anuman o sinuman kay Allah


sa anumang nauukol sa Kanya lamang gaya ng pagkadiyos, pagkapanginoon


at mga pangalan at mga katangian.


16 Ang gumagawa ng Shirk o Pagtatambal ng anuman o sinuman kay


Allah. Tingnan ang kahulugan ng Shirk sa naunang talibaba.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


26


ngahulugang walang sinasamba na karapat-dapat kundi si


Allah. Ito ay nagkakaila sa iba pa kay Allah ng karapatang


pag-ukulan ng pagsamba at kumikilala nito para kay Allah


lamang.


Sinabi ni Allah (31:30): Iyon ay dahil sa si Allah ay ang


Katotohanan, at na ang dinadalanginan nila bukod pa


sa Kanya ay ang kabulaanan, Sinabi pa Niya (47:19):


Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allah, Sinabi


pa Niya (3:18): Sumaksi si Allah na walang Diyos kundi


Siya—at gayon din ang mga anghel at ang mga may


kaalaman—na Siya ay nagpapanatili sa pagkamakatarungan.


Walang Diyos kundi Siya, ang Nakapangyayari,


ang Marunong. Sinabi rin Niya (16:51): Nagsabi si Allah:


“Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos. Siya ay


nag-iisang Diyos lamang,


Samakatuwid, ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah ay


ang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba alinsunod


sa pananampalataya, alinsunod sa katapatan at alinsunod


sa gawa: hindi sa salita lamang. Kalakip dito ang paniniwala


na ang pagsamba sa iba pa sa Kanya ay kabulaanan at na


ang mga sumasamba sa iba pa sa Kanya ay mga Mushrik,


at kalakip din ng di-pagtangkilik sa kanila.


Sinabi Niya (60:4): Nagkaroon na para sa inyo ng isang


magandang huwaran dahil kay Abraham at sa mga


kasama niya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila:


“Tunay na kami ay mga nagtatatwa sa inyo at sa anumang


sinasamba ninyo bukod pa kay Allah. Tumanggi


kaming maniwala sa inyo at lumitaw na sa pagitan namin


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


27


at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman,


malibang sumampalataya kayo kay Allah lamang.”


Sinabi pa Niya (43:26-27): Banggitin noong nagsabi


si Abraham sa ama niya at mga kalipi niya: “Ako ay


nagtatatwa sa anumang sinasamba ninyo, maliban sa


lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay


sa akin. Samakatuwid itinatwa niya ang mga sumasamba


sa iba pa kay Allah at ang anumang sinasamba nila.


Samakatuwid ang ipinakakahulugan nito ay na kailangang


may paniniwala sa pagkaiisa ni Allah sa pamamagitan ng


pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba at ang pagtatwa


sa pagsamba sa iba pa sa Kanya at sa mga sumasamba sa


iba pa sa Kanya. Kailangang may paniniwala sa kawalangsaysay


ng Shirk. Ang isinasatungkulin sa lahat ng mananamba


na jinn at tao ay na itangi nila si Allah sa pagsamba at gampanan


nila ang karapatan ng paniniwalang ito sa pagkaiisa


ni Allah sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kahatulan ng


Batas ni Allah sapagkat tunay na si Allah—napakamaluwalhati


Niya at pagkataas-taas Niya—ay ang Tagahatol.


Kabilang sa paniniwala sa pagkaiisa Niya ay ang pananampalataya


at ang paniniwala roon sapagkat Siya ang


Tagahatol sa Mundo sa pamamagitan ng Batas Niya at sa


Kabilang-buhay sa pamamagitan ng sarili Niya. Sinabi


Niya (6:57): Ang paghahatol ay ukol kay Allah lamang.


Sinabi pa Niya (40:12): Kaya ang paghahatol ay ukol kay


Allah, ang Mataas, ang Malaki. Sinabi pa Niya (42:10):


Ang anumang bagay na nagkaiba-iba kayo hinggil dito,


ang kahatulan nito ay kay Allah.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


28


Ang pagtuon ng ilang pagsamba sa mga walí, o mga


propeta, o araw, o buwan, o mga jinn, o mga anghel, o mga


imahen, o mga punong-kahoy, o anuman, ang lahat ng ito


ay pagpapakulang sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at


nagpapawalang-saysay roon.


Nalaman na si Allah ay nagpadala ng Propeta Niya na si


Muhammad (SAS) at ng mga propeta na nauna doon sa


mga kalipunan na sumasamba sa iba pa kay Allah. Mayroon


sa mga ito na sumasamba sa mga Propeta at mga matuwid


na tao. Mayroon sa mga ito na sumasamba sa mga punongkahoy


at mga bato. Mayroon sa mga ito na sumasamba sa


mga nililok na imahen. Mayroon sa mga ito na sumasamba


sa mga planeta at iba pa.


Inanyayahan ng mga propeta ang lahat ng mga ito sa


paniniwala sa pagkaiisa ni Allah at pananampalataya sa


Kanya, na sabihin ng mga ito na walang totoong Diyos


kundi si Allah, na ayawan ang pagtangkilik sa anumang


sumasalungat dito, na ayawan ang pagtangkilik sa mga


sumasamba sa iba pa kay Allah at sa mga sinasamba nila.


Ang sinumang magtuon ng ilang pagsamba sa iba pa kay


Allah ay hindi naniwala sa pagkaiisa Niya, gaya ng sabi


Niya (16:36): Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat


kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi: “Sambahin ninyo


si Allah at iwaksi ninyo ang huwad na diyos.”


Sa pamamagitan nito, malalaman mo na ang ginagawa


sa paligid ng mga puntod na sinasamba bukod pa kay Allah


tulad ng puntod ni al-Badawí, ni al-Husayn sa Egipto at


ng mga gaya niyon, at ang nangyayari sa ilan sa mga mangmang


na nagsasagawa ng Hajj at iba pa sa tabi ng puntod


ng Propeta (SAS) na gaya ng paghingi ng suporta at tulong


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


29


laban sa mga kaaway, pagpapasaklolo roon, pagdaing doon


at mga tulad niyon ay isang pagsamba sa iba pa kay Allah


at na ito ay Shirk ng Unang Kamangmangan.


Gayon din naman, ang maaaring nangyayari sa ilan sa


mga Súfí dahil sa paniniwala nila na ang ilan sa mga walí ay


nagpapainog sa Sansinukob at nangangasiwa sa mundong


ito—magpakupkop kay Allah—ay isang napakalaking Shirk


sa Pagkapanginoon.


Gayon din ang nangyayari dahil sa paniniwala ng ilan sa


mga tao na ang ilan daw sa mga nilikha ay may koneksiyon


sa Panginoon. Ang ilan daw ay makaiiwas sa pagsunod sa


Sugo na si Muhammad (SAS) dahil doon. Ang ilan daw ay


nakaaalam sa Nakalingid. Ang ilan daw ay nakapangyayari


sa mga nilalang. At iba pang gaya niyon. Tunay na ito ay


napakalaking kawalang pananampalataya kay Allah at isang


litaw na Shirk, na nagtitiwalag17 sa naniniwala roon mula


sa relihiyong Islam kahit pa nakaanib siya rito.


Samakatuwid walang tunay na paniniwala sa pagkaiisa,


ni pagsuko, ni pananampalataya kay Allah, ni kaligtasan


maliban sa pagbubukod-tangi kay Allah sa pagsamba at sa


pananampalataya na Siya ay nagmamay-ari sa paghahari


[sa lahat] at pangangasiwa sa lahat, at na Siya ay lubos sa


17 Ang konsepto ng pagtitiwalag sa Islam ay naiiiba sa konsepto ng


pagtitiwalag o excommunication sa Kristiyanismo. Sa Islam ang


nagtitiwalag sa isang Muslim ay ang maling paniniwala niya o ang


sarili niya sa pamamgitan ng pagtalikod sa Islam, samantalang ang


nagtitiwalag naman sa Kristiyano ay ang pamunuan ng relihiyon niya.


Ang isang Muslim ay hindi maaaring itiwalag ng isang Muslim o


mga Muslim maging gaano man kataas ang kalagayan nila sa Islam.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


30


sarili Niya, mga katangian Niya, mga pangalan Niya at


mga gawa Niya. Walang katambal para sa Kanya, walang


kawangis sa Kanya, at hindi Siya masusukat sa pamamagitan


ng nilikha Niya, yamang taglay niya ang ganap na


kalubusan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa


Niya. Siya ang nangangasiwa sa kaharian Niya. Wala


Siyang katambal at walang makapag-iiba sa kahatulan Niya.


Ito ay ang paniniwala sa pagkaiisa ni Allah. Ito ay ang


pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba. Ito ang relihiyon


ng lahat ng sugo. Ito ang kahulugan ng sinabi Niya (1:5):


Sa Iyo lamang kami sumasamba at sa Iyo lamang kami


nagpapatulong. Nangangahulugan ito na: Naniniwala kami


sa pagkaiisa Mo, tumatalima, umaasa at natatakot, gaya


nga ng sinabi ni Ibnu ‘Abbás: “Sumasamba kami sa Iyo,


tanging sa Iyo; umaasa sa Iyo at natatakot sa Iyo; sa Iyo


kami nagpapatulong ayon sa pagtalima sa Iyo at sa lahat


ng gawain namin.”


Samakatuwid ang pagsamba ay ang paniniwala sa pagkaiisa


ni Allah at ang pag-uukol ng kawagasan sa Kanya sa


pagtalima sa mga utos Niya at pagtalikod sa mga sinaway


Niya. Kalakip nito ang lubos na pananampalataya na Siya


ay karapat-dapat sa pagsamba; na Siya ang Panginoon ng


mga nilalang, ang tagapangasiwa sa mga lingkod Niya, ang


nagmamay-ari sa bawat bagay; na Siya ang lubos sa sarili


Niya, mga pangalan Niya, mga katangian Niya at mga gawa


Niya: walang kakulangan sa Kanya, walang kapintasan sa


Kanya, at walang kahati sa Kanya sa anuman doon bagkus


taglay Niya ang ganap na kalubusan sa bawat bagay.


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


31


Dahil dito, nalalaman natin na kailangang may paniniwala


sa lahat ng sugo sa anumang aral na inihatid nila, na ang


nangunguna sa kanila ay ang Propeta nating si Muhammad


—sumakanya ang pagpapala at ang pagbati ni Allah. Kapag


nag-ukol ng kawagasan ang tao sa pagsamba kay Allah


lamang, naniwala sa mga Sugo—sumakanila ang pagpapala


at ang pagbati ni Allah—lalo na kay Propeta Muhammad


(SAS), nagpaakay sa Batas Niya, at sumunod doon maliban


sa isa o higit pa mula sa mga nakasisira sa pagsunod sa


Islam, iyon ay magpapawalang-saysay sa pagsamba niya


at hindi magdudulot ng pakinabang sa kanya ang anumang


taglay niya na mga gawaing pang-Islam.


Kaya kung sakaling naniwala ang isang tao kay Propeta


Muhammad (SAS) sa lahat ng bagay at nagpaakay sa Batas


niya sa lahat ng bagay ngunit nagsabi ito sa kabila niyon


na si Musaylamah ay sugo ni Allah kasama ni Muhammad


(SAS)—ang tinutukoy ko ay si Musaylamah al-Kadhdhab


na pumunta sa al-Yamámah at kinalaban ng mga Kasamahan


ng Sugo noong panahon ng pamumuno ni Abu Bakr as-


Siddiq (RA)18 —ay nawalan na ng saysay ang paniniwalang


ito at nawalan ng saysay ang mga gawa ng taong ito.


Walang maidudulot na pakinabang sa kanya ang pagaayuno


sa maghapon, ni ang tahajjud sa gabi, ni ang iba pa


sa mga gawa niya dahil siya ay nakagawa ng isa sa mga


nakasisira sa pagsunod sa Islam. At ito ay ang paniniwala


18 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para


sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito


ay: Masiyahan nawa sa kanya (o kanila) si Allah. Ito ay panalanging


binabanggit sa tuwing nababanggit ang pangalan o ang taguri ng


kasamahan o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


32


niya kay Musaylamah al-Kadhdhab dahil iyon ay naglalaman


ng isang pagpapasinungaling kay Allah sa sinabi Niya


(33:40): Si Muhammad ay hindi ama ng isa sa mga


kalalakihan ninyo bagkus ay Sugo ni Allah at ang pangwakas


sa mga Propeta. Naglalaman din iyon ng pagpapasinungaling


sa Sugo (SAS) sa sinabi niya sa mga laganap


na Hadíth na siya ang pangwakas sa mga Propeta at wala


nang propeta pagkatapos niya.


Ganoon din ang sinumang nag-aayuno nga sa maghapon,


nagsasagawa ng tahajjud sa gabi, sumamba kay Allah at


ibinukod-tangi si Allah sa pagsamba, sumunod sa Sugo


(SAS), at pagkatapos niyon sa alinmang sandali ay nagtuon


ng ilang pagsamba sa iba pa kay Allah gaya ng pag-uukol


ng ilang pagsamba sa Propeta o sa isang Walí, o sa isang


imahen, o sa araw, o sa buwan, o sa isang tala, o anumang


tulad niyon: dinadalanginan ito, hinihingan ng suporta at


pinagkukunan ng tulong. Nawawalan ng saysay ang mga


naunang gawa niya hanggang sa magbalik-loob siya kay


Allah, gaya ng sinabi Niya (6:88): Ngunit kung sakaling


nagtambal sila kay Allah ay talagang nawalan ng kabuluhan


para sa kanila ang anumang ginagawa nila noon.


Sinabi pa Niya (39:65): Talagang isiniwalat na sa iyo at sa


mga nauna sa iyo na talagang kung nagtambal ka kay


Allah ay talagang mawawalang-kabuluhan ang gawa mo


at talagang magiging kabilang ka nga sa mga nalulugi.


Gayon din kung sakaling sumampalataya ang isang tao


kay Allah sa lahat ng bagay at naniniwala kay Allah sa lahat


ng bagay, maliban sa pagbabawal sa pangangalunya yamang


sinabi niya na ang pangangalunya ay ipinahihintulot daw,


o ang Sodomiya ay ipinahihintulot daw, o ang alak ay ipinaAng


Paglilinaw sa Tawhíd


33


hihintulot daw. Dahil dito siya ay nagiging isang Káfir kahit


pa man isinasagawa niya ang lahat ng iba pang utos ng


Relihiyon mula kay Allah. Ang pagtuturing niya na ipinahihintulot


ang anumang ipinagbawal ni Allah, na kabilang


sa kailangang malaman mula sa aral ng Islam, ay dahilan


upang siya ay maging isang Káfir at isang tumalikod sa


Islam. Hindi niya pakikinabangan ang mga gawa niya at


ang paniniwala niya sa pagkaiisa ni Allah, ayon sa pahayag


ng lahat ng Muslim.


Gayon din kung sinabi ng isang tao na si Noe, o si Húd,


o si Sálih, o si Abraham, o si Ismael, o ang iba pang propeta


ay hindi propeta, siya ay nagiging isang Káfir kay Allah.


Ang lahat ng gawa niya ay walang kabuluhan dahil siya, sa


pamamagitan niyon, ay nagpasinungaling kay Allah hinggil


sa ibinalita Niya tungkol sa kanila.


Gayon din kung sakaling ipinagbawal ng isang tao ang


anumang ipinahintulot ni Allah, sa kabila ng paniniwala sa


pagkaiisa ni Allah, katapatan at pananampalataya sa mga


sugo. Kaya kung nagsabi ito halimbawa: “Ako ay hindi


nagtuturing na ipinahihintulot kainin ang kamelyo o ang


baka o ang tupa,” o ang iba pa sa mga ito na kabilang naman


sa napagkaisahang ipinahintulot ni Allah at nagsabing ito


ay ipinagbabawal. Sa pamamagitan nito siya ay nagiging


isang Káfir at tumatalikod sa Islam. Ito ay matapos ang


paglalahad ng patunay sa kanya kapag ang tulad niya ay


maaaring hindi nakababatid doon at nakasumpong ng isang


kauri na nagtuturing na ipinahintulot ang ipinagbawal ni


Allah.


O nagsabi ang isang tao: “Hindi ipinahintulot ni Allah ang


trigo o ang barley; bagkus ang mga ito ay ipinagbabawal,”


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


34


at anumang nakawawangis nito. Siya ay nagiging isang Káfir.


O nagsabi siya na ipinahihitulot daw na mapangasawa ang


anak o ang kapatid, siya dahil dito ay nagiging isang Káfir


at tumalikod sa Islam kahit pa nagdarasal siya, nag-aayuno


at ginagawa ang iba pang mga pagtalima kay Allah dahil ang


nag-iisang kawalang-pananampalataya mula sa mga kautusan


na ito ay nagpapawalang-saysay sa pagiging kaanib niya


sa Islam, gaya ng sinabi ni Allah (6:88): Ngunit kung


sakaling nagtambal sila kay Allah ay talagang nawalan


ng kabuluhan para sa kanila ang anumang ginagawa


nila noon.


Tayo ay nasa isang panahon na nanaig ang kamangmangan


at nangaunti ang kaalaman. Tumuon ang mga tao, maliban


sa niloob ni Allah, ang ibang mga kaalaman at ang ibang


mga usaping nauugnay sa makamundong buhay. Kumaunti


ang kaalaman nila kay Allah at sa Relihiyon mula sa Kanya


dahil sila ay inabala ng nakasasagabal sa kanila doon. Ang


higit na nangingibabaw sa mga aralin ay naging tungkol sa


mga bagay na nauugnay sa makamundong buhay. Tungkol


naman sa pag-uunawa sa Relihiyon mula kay Allah at pagninilay-


nilay sa Batas Niya at Tawhid Niya, inayawan na


ito ng mga nakararami. Ang nagpapakaabala rito sa ngayon


ay ang pinakakaunti sa mga iilan.


Kaya nararapat sa iyo, lingkod ni Allah, ang pagbibigaypansin


sa bagay na ito at ang pagdulog sa Aklat ni Allah at


Sunnah19


ng Sugo Niya (SAS) bilang pag-aaral, pagmumuni-


19 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang “kalakaran” o


“pamamaraan” ni Propeta Muhammad (SAS). Tumutukoy ito sa


sinabi, ginawa, at sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS)


Ang Paglilinaw sa Tawhíd


35



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG