Mga Artikulo




Ang Totoong Relihiyon





الدين الحق





Panimula


Mahal naming mambabasa, ang aklat na ito na


hawak mo ay magpapakilala sa iyo sa Relihiyong


Islam sa pamamagitan ng pinaiksi at pinagaang


paglalahad. Matapos basahin ang aklat na ito, ikaw


ay magkakaroon na ng isang malinaw na ideya


tungkol sa ilan sa mga pangunahing katuruan ng


Relihiyong ito na sinasampalatayanan ng mahigit


sa 1,200 milyong tao sa iba’t ibang dako ng


daigdig.


Malugod naming tatanggipin ang anumang


katanungan mula sa iyo at ipinangangako naming


sasagutin iyon at pagkakalooban ka pa namin ng


maiibigan mong iba pang mga aklat na


magdadagdag sa mga kaalaman mo tungkol sa


Relihiyong ito.


Ang Totoong Relihiyon


4


Walang Diyos Kundi si Allah1


Ang Pangunahing batayan ng Relihiyong Islam ay ang


prinsipyo ng Tawhíd (Pananampalataya sa kaisahan ng


Diyos): Walang Diyos Kundi si Allah. Kung wala ang


matatag na batayang ito, hindi tatayo ang matayog na gusali


ng Islam. Ito ang unang Sali-tang kailangang bigkasin ng


pumapasok sa Islam, kalakip ng pagsampalataya rito at


paniniwala sa lahat ng mga kahulugan at mga


ipinahihiwatig nito. Ano ang kahulugan ng pahayag na


Walang Diyos kundi si Allah? Ang pahayag na Walang


Diyos kundi si Allah ay nangangahulugang:


 Walang Tagapaglikha sa sansinukob kundi si Allah


 Walang Nagmamay-ari at Namamahala sa sansinukob


kundi si Allah


 Walang sinasamba na karapat-dapat sa pagsamba kundi


si Allah


Si Allah ang siyang lumikha ng malawak, maganda, at


kahanga-hangang sandaigdigan na ito. Itong langit sampu


ng mga malalaking bituin nito at ang mga planeta nito ay


umiinog batay sa isang mahusay na sistema at kagilas-


1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe. Ito ay


pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana, kaya ang mga


panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI, NI at KAY at hindi


ANG, NG at SA. Samakatuwid ang tama ay sabihing: SI Allah, NI Allah at KAY


Allah. Ito ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino,


ang Komisyon sa Wikang Filipino at ng Ministry of Islamic Affairs sa Saudi


Arabia.


Ang Totoong Relihiyon


5


gilas na paggalaw. Itong daigdig sampu ng mga bundok


nito, mga lambak nito, mga burol nito, mga ilog nito, mga


kahoy nito, at mga pananim nito; sampu ng hangin nito,


tubig nito, lupa nito, at karagatan nito; sampu ng gabi nito


at araw nito; sampu ng naninirahan rito at lumalakad dito


ay pawang nilalang ni Allah at nilikha Niya mula sa wala.


Ito ay nilikha ni Allah.


Ginawa Niya ang daigdig na tahanan at nilagakan Niya


ito ng takdang lakas ng grabitasyon na naaangkop lamang sa


pangangailangan ng buhay rito. Hindi nadadagdagan ang


grabitasyon kaya hindi nagiging mahirap ang paggalaw,


at hindi nababawasan kaya hindi nagliliparan ang mga


nabubuhay rito. Ang lahat ng bagay sa Kanya ay may


takdang sukat. Nagpadala Siya mula sa langit ng tubig na


dalisay na kung hindi dahil dito ay hindi mananatili ang


buhay. Sa pamamagitan ng tubig ay Kanyang pinatubo ang


mga halaman at mga bunga, at pinainom ang mga hayop at


tao. Inihanda Niya ang lupa upang mag-ingat sa tubig.


Kaya naman dumaloy ito sa mga bukal at mga ilog.


Ang unang taong nilikha ni Allah ay si Adan (AS),2 ang


ama ng sangkatauhan. Nilikha Niya ito mula sa luwad.


Pagkatapos ay hinubog Niya ito, inanyuan Niya ito at


hinipan Niya ito ng espiritung gawa Niya. Pagkatapos ay


nilikha Niya mula kay Adan ang kabi-yak nito. Ginawa


2 (AS): ‘Alayhi sSalam:


Sumakanya ang Kapayapaan. Sinasambit ito kapag


nabanggit ang isang anghel o ang sang propeta. (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa


Sallam: Basbasan at batiin siya ni Allah. Sinasabi ito kapag binanggit ang


pangalan ni Propeta Muhammad (SAS) o tinutukoy siya.


Ang Totoong Relihiyon


6


Niya ang mga inapo nito mula sa punlay na ang


pinagmulan ay mula sa isang hamak na likido.


Pagmuni-munian mo ang nilikha ni Allah para sa iyo,


makikita mong kahanga-hanga ang mga maselang organ ng


katawan at ang mga mahusay na sistema na wala kang


nalalaman sa mga gawain ng mga ito kundi kaunti lamang,


huwag nang sabihing hindi mo kayang kontrolin ang mga


ito. Halimbawa na lamang itong organ na kumpleto na para


sa pagtunaw ng pagkain.


Mayroong isang sistema na para naman sa paghinga.


Ang ikaapat na sistema ay para sa nerve at ang ikalima ay


para sa pagpapalabas ng dumi. May ikaanim, ikapito, at


ikasampung sistema. Araw-araw ay nadaragdagan ang


ating kaalaman sa mga ito ngunit ang hindi na nalalaman


sa ating sarili ay mas marami kaysa ating nalalaman. Kaya


sino ang lumikha sa taong ito nang ganito kahusay kundi


si Allah? Kaya naman ang pinakamalaking kasalanan sa


sansinukob ay ang gawan si Allah ng mga kaagaw gayong


Siya lamang ang lumikha sa iyo.


Sa pamamagitan ng bukas na puso ay magsimula ka at


pagbulay-bulayan mo ang kahanga-hangang ginawa ni


Allah. Itong hangin, na walang kulay na nagpaparumi sa


mga paningin, na sinisinghot mo at nanunuot sa iyo sa


lahat ng lugar, kung sakaling mahinto ang pagdating nito


sa iyo sa loob ng ilang mga minuto ay mawawalan ka ng


buhay. Itong tubig na iniinom mo, iyang pagkaing kinkain


mo, itong tao na minamahal mo, itong lupa na nilalakaran


mo, iyang langit na pinagmamasdan ng lahat ng nakikita


ng iyong mga mata at ng lahat ng mga nilikha—malaki


Ang Totoong Relihiyon


7


man o maliit—na hindi nakikita ng iyong mga mata; ang


lahat ng mga ito ay kabilang sa mga nilikha ni Allah, ang


Tagapaglikha at ang Maalam.


Ang pagninilay-nilay sa mga nilikha ni Allah ay


magpapabatid sa iyo sa kadakilaan ni Allah at kaka-yahan


Niya. Ang pinakamangmang, ang pinakahangal at ang


pinakaligaw sa mga tao ay ang taong nakikita na ang


kahanga-hanga, dakila at nagkakaayong mga nilikhang ito


na nagpapatunay sa kahanga-hangang karunungan at


kakayahang lubos at pagkatapos ay hindi pa rin naniniwala


sa Tagapaglikha na lumalang sa mga ito mula sa wala.


Ang Dakilang Tagapaglikha na ito ay walang anumang


katulad sa Kanya. Siya ang Nakaririnig at ang Nakakikita


sa lahat. Hindi Niya nakawawangis ang anuman sa mga


nilikha Niya. Nakikita tayo ni Allah sa ibabaw ng mga


langit Niya samantalang hindi natin Siya nakikita.


Kabilang sa mga katangian ni Allah ang pagka-karoon


Niya ng kakayahan sa lahat ng bagay. Nasa kamay Niya


ang buhay at kamatayan. Bawat nilikha ay


nangangailangan sa Kanya ngunit Siya ay walang


pangangailangan sa lahat ng nilikha. Kabilang din sa


Kanyang mga katangian ay ang pagtataglay ng kaalamang


nakasasaklaw sa lahat ng bagay. Nalalaman Niya ang


sinasalita ng mga dila natin at ang mga gina-gawa ng mga


bahagi ng ating mga katawan, bagkus pati na ang


kinikimkim ng ating mga dibdib.


Si Allah ay nakamasid sa atin, nakababatid sa mga


kalagayan natin. Walang anumang bagay sa lupa ni sa langit


Ang Totoong Relihiyon


8


ang maikukubli sa Kanya. Hindi Siya nawa-walan ng


malay, hindi Siya nakalilimot at hindi Siya natutulog.


Nagtataglay Siya ng mga katangian ng lubos na kaganapan


na walang kakulangan ni kapintasan.


Si Allah ay walang katambal sa paghahari Niya,


walang kaagaw at walang katulong. Kailanman ay hindi


Siya nagkaroon ng asawa at anak, datapuwat wala Siyang


pangangailangan sa mga iyon.


Dahil dito, ang kahulugan ng paniniwalang walang Diyos


kundi si Allah ay ang pagtutuon ng anumang uri ng


pagsamba kay Allah lamang. Kaya walang karapat-dapat


sambahin kundi si Allah dahil tanging Siya lamang ang


nagtataglay ng mga katangian ng pagka-diyos at


kaganapan. Siya lamang ang Tagapaglikha, ang


Tagapagtustos, ang Tagapagbiyaya, ang Tagaka-kaloob ng


buhay, ang Tagabawi ng buhay, at ang Naka-hihigit sa mga


nilikha Niya. Kaya naman Siya lamang ang may karapatan sa


pagsamba, wala Siyang katambal.


Ang sinumang tumangging sumamba kay Allah o ang


sinumang sumamba sa iba pa kay Allah ay nag-tambal na


siya kay Allah at tumanggi nang sumampa-lataya sa Kanya.


Kaya ang pagpapatirapa, pagyukod, pagpapakumbaba at


pagdarasal ay dapat lamang na iukol kay Allah. Walang


hihingan ng saklolo (na di kayang ibigay ng tao) kundi si


Allah. Walang pag-uukulan ng panalangin kundi si Allah,


walang hihi-ngan ng mga pangangailangan kundi si Allah


at wala ring paghahandugan ng anumang handog,


pagsunod at pagsamba kundi si Allah.


Ang Totoong Relihiyon


9


Nilikha tayo ni Allah upang sambahin Siya at upang


subukin ang tagumpay ng pagpapatupad natin sa


pagsambang ito. Sinumang sumamba kay Allah, magmahal


sa Kanya, magpakumbaba sa Kanya, sumu-nod sa mga


kautusan Niya, at umiwas sa mga ipinag-bawal Niya ay


magtatamo ng kasiyahan Niya, awa Niya at pagmamahal


Niya; at gagantimpalaan Niya ang taong ito ng magandang


gantimpala. Ang sinumang tumangging sumamba kay Allah


na lumikha sa kanya at nagtustos sa pangangailangan niya,


nagmatigas nang may pagmamalaki sa di-pagsamba, at


tumang-ging magpasakop sa mga utos ni Allah at


tumangging umiwas sa mga ipinagbabawal Niya, ang


taong ito ay naging karapat-dapat sa galit at poot ni


Allah. Masakit ang kanyang parusa.


Hindi tayo nilikha ni Allah nang walang kabuluhan at


hindi Niya tayo hinayaang mapariwara. Kabilang sa


pinakamangmang sa mga tao at pinakahangal sa kanila ay


ang taong nalalaman niyang lumabas siya sa mundong ito;


pinagkalooban ng pandinig, paningin, at kaisipan;


mamumuhay sa loob ng maikling panahon at saka mamatay


ngunit hindi niya nalalaman kung bakit siya dumating sa


mundong ito at kung saan siya pupunta pagkamatay. Sinabi


ni Allah: “Kaya ipinagpapalagay ba ninyo na nilikha


Namin kayo bilang isang laro lamang, at na kayo sa


Amin ay hindi magsisibalik?” (23:115).


Para kay Allah, ang naniniwala sa Kanya, ang umaasa


sa Kanya, ang dumudulog sa Kanya, ang nagmamahal sa


Kanya, ang nagpapakumbaba sa Kanya, ang lumalapit sa


Ang Totoong Relihiyon


10


Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsamba


at ang naghahanap sa ikasisiya Niya sa lahat ng sandali ay


hindi kapantay ng taong tumatangging sumampalataya sa


Kanya ― na lumikha sa taong ito at nagbigay-anyo rito ―


nagpapasinungaling sa Kanyang mga tanda, sa Kanyang


relihiyon, at tumatanging magpakumbaba sa utos niya. Ang


una ay magtatamo ng pagpapara-ngal, gantimpala,


pagmamahal, at lugod samantalang ang huli ay babagsakan


ng poot, galit, paghamak, at kaparusahan.


Bubuhayin ni Allah ang mga tao mula sa mga libingan


nila matapos mamatay sila. Gagantimpalaan Niya ang


nagpakabuti sa kanila ng kaginhawahan at karangalang


manahan sa Paraiso ng kaginhawahan, at parurusahan Niya


ang nagpakasama sa kanila na nagmatigas at tumangging


sumamba sa Kanya ng pagdurusa sa Impiyerno.


Ang mga Sugo


Ang paniniwalaa sa pagkasugo ni Muhammad (SAS)


ay ang ikalawang kabiyak ng pangunahing sandigan sa


mga sandigan ng Islam at ang panguna-hing pundasyon


na kinatatayuan ng gusali ng Islam.


Ang tao ay nagiging isang Muslim matapos na kanyang


nabigkas ang pagsaksi sa pagkadiyos ni Allah at pagkasugo


ni Muhammad (SAS). Sasaksi siya na walang Diyos kundi


si Allah at sasaksi siya na si Muhammad ay Sugo ni Allah.


Ang sugo ay isang lalaking nasa mataas na tugatog ng


katapatan sa pananalita at kagandahang asal na pinili ni


Allah mula sa mga tao. Kinasihan Niya ito ng anumang


Ang Totoong Relihiyon


11


ninais Niya na mga alituntunin sa relihiyon o mga bagaybagay


hinggil sa di-nakikita, at naatasang iparating sa mga


tao ang mga ito. Samaktuwid, ang sugo ay isang taong


tulad mo at tulad ng lahat ng tao. Kumakain siya gaya ng


pagkain ng mga tao, uminom siya gaya ng pag-inom ng


mga tao, at nangangailangan siya gaya ng pangangailangan


ng mga tao. Ang ipinagkaiba niya sa kanila ay ang


kapahayagang ipinagkaloob sa kanya na nanggaling kay


Allah. Ipinaalam sa kanya ang anumang naisin ni Allah


tulad ng mga bagay-bagay hinggil sa di-nakikita at mga


alituntunin ng relihiyon na ipararating niya sa mga tao.


Naiiba rin siya sa kanila sa pagtatamasa niya ng


pangangalaga ni Allah na hindi masadlak sa malaki at


maliit na mga kasalanan o anumang bagay na makasisira sa


pagpaparating ng mensahe ni Allah sa mga tao.


Sampung siglo ang namagitan kay Noe at kay Adan.


Ipinadala siya ni Allah sa mga kababayan niya matapos na


sila ay maligaw at naging mga mananamba ng mga diyos


na iba pa kay Allah. Sumasamba sila noon sa mga diyusdiyusan,


mga bato, at mga libingan kaya ipinadala siya ni


Allah sa kanila upang panumbalikin sila sa pagsamba kay


Allah lamang. Sa loob ng mahabang panahon ay patuloy


siyang nag-aanyaya sa mga kababayan niya na si Allah


lamang ang sambahin, subalit walang naniniwala sa kanya


kundi iilan.


Pagkatapos niyon ay nagpadala pa si Allah ng maraming


sugo sa mga bansa sa mundo. Walang kalipunan na hindi


nagkaroon ng tagapagbabala. Ipinabatid sa atin ni Allah


Ang Totoong Relihiyon


12


ang ilan sa kanila at hindi Niya ipinabatid ang marami sa


kanila. Lahat sila ay isinugo na may isang mensahe at iyon


ay ang pag-aatas sa mga tao na si Allah lamang—wala


Siyang katambal—ang sambahin at ang ibang sinasamba


bukod pa sa Kanya ay iwawaksi.


Si Muhammad ay Sugo ni Allah


Ginawang sugo ni Allah si Muhammad (SAS) sa


Makkah. Pinagkalooban siya ni Allah ng mga


kapahayagan at mga himala na nagpapatunay sa


pagkapropeta at pagkasugo niya. Ginawa siyang kahulihulihan


sa mga sugo at ang relihiyon niya ay ginawang


panghuli sa mga relihiyon. Pinangalagaan ni Allah ang


relihiyon na ito upang hindi mapalitan at hindi mabago


hanggang sa wakas ng mundo at pagdating ng Araw ng


Paghuhukom. Samakatuwid sino si Muhammad? Sino ang


mga kababayan niya? Paano siyang isinugo ni Allah? Siya


si Muhammad na anak ni ‘Abudulláh na anak ni


‘Abdulmuttalib na mula sa liping Quraysh at ang


Quraysh naman ay kabilang sa mga Arabe. Ipinanganak


siya sa Makkah noong taong 571. Yumao ang ama niya


samantalang siya ay isa pa lamang sanggol sa


sinapupunan, kaya lumaki siyang isang ulila sa ama sa


ilalim ng pag-aaruga ng lolo niya na si ‘Abdulmuttalib.


Nang yumao na ang lolo niya, ang tiyuhin niyang si Abú


Tálib ang siya namang nag-aruga sa kanya.


Si Muhammad (SAS) ay mapagkakatiwalaan,


matapat, maganda ang asal, mabuting mangusap, matatas


Ang Totoong Relihiyon


13


magsalita, minamahal ng mga kamag-anak at mga dikamag-


anak, pinagpipitagan ng mga kaba-bayan niya at


iginagalang sa kanila. Siya ay tinagu-rian nilang al-Amín,


ang mapag-kakatiwalaan. Inila-lagak nila sa kanya ang mga


mahalagang ari-arian nila kapag naglalakbay sila.


Karagdagan pa sa kagandahan ng asal niya, makisig din


ang anyo niya. Hindi magsasawa ang mata sa pagtingin


sa kanya. Ang lipi ng Propeta (SAS) at ang angkan niya


ay nakatira noon sa Makkah malapit sa Pina-kabanal na


Masjid (al-Masjid al-Haram) at Ka‘bah. Naglagay sila, at


ang mga liping nasa palibot nila, sa palibot ng Ka‘bah ng


mga diyus-diyusan na yari sa bato, kahoy, at ginto.


Itinuring nilang banal ang mga ito at naniwala sila na


nakapagdudulot ang mga ito ng pakinabang at


kapinsalaan. Karagdagan sa iba pang mga diyus-diyusan at


mga kahoy, sa labas ng Makkah ay mayroon pang mga


sinasamba bukod pa kay Allah.


Ang buhay nila kasama ng kapaligiran nila ay puno ng


kapalaluan, kayabangan, pagmamataas, pangangaway sa


iba at mga mapanirang digmaan; bagaman mayroon din


naman sa kanila na may mga magandang ugali gaya ng


katapangan, pagpaparangal sa panauhin, katapatan sa


pananalita, at iba pa.


Nang sinapit na ng Propeta ang gulang na 40 taon at


samantalang siya ay nasa loob ng yungib ng Hirá’ sa labas


ng Makkah, ibinaba sa kanya ang kauna-unahang


kapahayagan mula sa langit buhat kay Allah. Pinuntahan


siya ni Anghel Gabriel na nagparating ng kapahayagan.


Ang Totoong Relihiyon


14


“Bumasa ka sa ngalan ng Pangi-noon mo na lumikha,


lumikha sa tao mula sa namuong dugo. Bumasa ka at


ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, na


nagturo sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao ng


hindi nito nalaman.” (96:1-5).


Pagkatapos niyon ay umalis ang anghel at iniwan siya.


Takot na takot at sindak na sindak nang nagbalik ang Sugo


(SAS) sa bahay niya at sa maybahay niya.


“Balutin mo ako, balutin mo ako; natatakot ako para sa


aking sarili,” sabi niya sa maybahay niya na si Khadíjah.


“Aba’y hindi, sumpa man kay Allah, hinding-hindi ka


hihiyain ni Allah. Pinakikitunguhan mo nang maigi ang


kamag-anak mo, tumutulong ka sa naghihikahos at


umaagapay ka sa dinapuan ng kasawiang-palad,” tugon


nito sa kanya.


Pagkatapos niyon ay pinuntahan uli siya ni Gabriel (AS)


sa talagang anyo nito noong ito ay likhain ni Allah.


Natakpan nito ang buong abot-tanaw.


“Muhammad, ako si Gabriel at ikaw ang Sugo ni Allah,”


sabi ng anghel.


Nagkasunod-sunod na ang pagdating ng pahayag mula


sa langit na nag-uutos sa Sugo (SAS) na anya-yahan ang


mga kababayan niya na si Allah lamang ang sambahin at


bigyang-babala sila laban sa pagta-tambal kay Allah ng


iba pang diyos at sa kawalang pananampalataya.


Nagsimula siyang isa-isang anya-yahan ang kanyang mga


kababayan na magsipasok sa Islam. Nagsimula siya


pinakamalapit na kamag-anak. Ang unang naniwala sa


Ang Totoong Relihiyon


15


kanya ay ang kanyang maybahay na si Khadíjah na anak


ni Khuwaylid, ang kanyang kaibigang si Abu Bakr as-


Siddíq, ang kanyang pinsang si ‘Alí na anak ni Abú


Tálib.


Nang malaman ng mga kababayan niya ang pagaanyaya,


nagsimula silang harapin siya, pagbalakan siya


ng masama, at awayin siya.


Nagpatuloy ang Sugo (SAS) sa pag-aanyaya sa kanila


sa Islam. Sinasabi niya sa kanila: “Sabihin ninyo na


walang Diyos kundi si Allah, magiging matagumpay


kayo.” Sinabi naman nila: “Ginawa ba Niya ang mga


diyos na iisang diyos? Tunay na ito ay isang katakatakang


bagay.”


Nagsibabaan mula kay Allah ang mga pahayag na nagaanyaya


sa kanila sa patnubay at nagbibigay-babala sa


kanila laban sa pagkaligaw na siyang kalagayan nila.


Ngunit ang mga pahayag na ito at ang pag-aanyaya na


iyon ay walang naidagdag sa kanila kundi kapalaluan at


pagmamatigas na tanggapin ang katotohanan. Hindi


lamang, sinimulan pa nilang patindihin ang pagpapasakit


sa mga pumasok sa Islam, lalo na sa mahihina.


Tinangka ng mga Quraysh na suhulan ang Sugo (SAS)


upang itigil na niya ang pag-aanyaya niya. Inalok nila siya


ng mga kayamanan, na maging hari nila, at iba pang mga


pang-akit sa kondisyon na hihintuan niya ang kanyang pagaanyaya


sa bagong relihiyong ito na nakasasama sa mga


diyos nila na pinakababanal nila at sinasamba nila bukod


pa kay Allah. Ang paninindigan ng Sugo (SAS) ay matigas


Ang Totoong Relihiyon


16


at walang pag-aalinlangan dahil ito ay pananam-palatayang


ipinag-utos sa kanya ni Allah na iparating sa mga tao.


Kung sakaling tatalikdan niya ang kautusang ito, tiyak na


siya ay parurusahan ni Allah. Sinabi niya sa kanila: “Ang


ninanais ko sa inyo ay ang kabutihan dahil kayo ay aking


mga kaangkan at mga kalipi. Sumpa man kay Allah, kung


sakaling ako man ay magsisinungaling sa lahat ng mga


tao, hindi ako magsisinungaling sa inyo; at kung sakali


mang dadayain ko ang lahat ng mga tao, hindi ko kayo


dadayain.”


Nang walang napala ang mga pag-aalok na itigil ng


pag-aanyaya, lalong tumindi ang pang-aaway ng mga


Quraysh sa Sugo (SAS) at sa kanyang mga tagasunod.


May dumating sa Sugo (SAS) na isang pangkat ng mga


taga lungsod ng Yathrib na di-naglaon ay pinangalanang


al-Madínah al-Munawwarah. Sila ay inanyayahan niya sa


Islam at nagsiyakap naman sila sa Islam. Kaya pag-uwi


nila ay ipinadala niya kasama nila ang isa sa kanyang mga


kasamahan, na ang pangalan ay Mus‘ab Ibnu ‘Umayr, upang


siyang magturo sa kanila ng mga katuruan ng Islam. Sa


pamamagitan ni Mus‘ab ay maraming mga taga-Madínah


ang pumasok sa Islam.


Nang sumunod na taon ay pumunta sa Propeta (SAS)


ang mga bagong Muslim upang manumpa ng katapatan sa


kanya sa pagyakap nila sa Islam. Inutusan niya ang mga


pinag-uusig na kasamahan niya na lumikas sa Madínah.


Kaya may mga pangkat at mga indibiduwal na nagsilikas


doon. (Sila ay tinagurian na mga Muhájir, nandayuhan o


Ang Totoong Relihiyon


17


nagsilikas.) Malugod at magiliw silang tinanggap ng mga


taga-Madínah, pinatuloy sila sa mga tahanan ng mga ito,


at hinatian sila ng mga ari-arian ng mga ito at mga tahanan


ng mga ito. Pagkatapos niyon ay tinawag ang mga taga-


Madínah na Ansár, ang mga tumulong.


Nang malaman ng mga Quraysh ang paglikas na ito,


nagpasya silang patayin ang Propeta (SAS). Nagpasya


silang kubkubin ang kanyang tahanan na tinutulugan niya.


Kapag lumabas siya, sabay-sabay nila siyang tatagain na


animo’y isang tao ang tumaga. Ngunit iniligtas siya ni


Allah laban sa kanila. Lumabas siya at dumaan sa kanila


nang hindi nila namamalayan. Sumunod sa kanya si Abu


Bakr at inutusan niya naman si ‘Alí na manatili sa Makkah


upang isauli ang mga mahahalagang bagay na inilagak sa


mga may-ari nito.


Habang siya ay nasa daan, naglaan ang mga Quraysh ng


malaking pabuya sa sinumang makahuhuli kay Muhammad


(SAS) buhay man o patay. Subalit iniligtas siya ni Allah


sa kanila; siya at ang kanyang Kasama ay nakarating nang


ligtas sa Madínah.


Pagdating ng Sugo ni Allah (SAS) doon ay masaya at


malugod siyang sinalubong ng mga taga-Madínah. Labislabis


ang kasiyahan nila. Naglabasan sila sa kanilang mga


tahanan upang salubungin siya. Sinasabi nila: “Dumating


ang Sugo ni Allah, dumating ang Sugo ni Allah.”


Ipinagpatuloy roon ni Propeta Muhammad (SAS) ang


pag-anyaya sa Relihiyon mula kay Allah. Dumami ang


mga tagasunod niya at lumaganap ang Islam sa maraming


Ang Totoong Relihiyon


18


mga pook, pati na sa Makkah na nilisan niya. Yumao siya


sa gulang na 63 taon.


Ito si Muhammad, ang Sugo ni Allah at ang kahulihulihan


sa mga propeta at mga isinugo. Ipinadala siya ni


Allah para sa lahat ng tao bilang tagapaghatid ng


magandang balita at tagapagbabala. Naihatid nga niya ang


mensahe, nagampanan ang tungkulin, at napagpayuhan


niya ang sambayanang Muslim. Inalalayan siya ni Allah sa


pamamagitan ng Banal na Qur’an. Kung nagtipon man ang


mga tao magmula sa simula ng mundo hanggang sa


wakas nito upang gumawa ng katulad ng Qur’an hindi sila


makagagawa ng gaya nito kahit pa magtulungan sila.


Ang Qur’an na ito ay binubuo ng 114 súrah (kabanata)


at mahigit sa anim na libong áyah (talata). Hinahamon ni


Allah ang sangkatauhan sa nagdaang mga panahon na


magbigay ng isang surah na tulad ng sa mga súrah ng


Qur’an. Ang pinakamaikling súrah sa Qur’an ay ay


binubuo ng tatlong áyah lamang. Kung magagawa nila


iyon, malalaman nilang ang Qur’an na ito ay hindi mula


kay Allah. Ito ang pinakadakila sa mga himalang


itinulong ni Allah sa Kanyang Sugo (SAS).


Ilan sa mga Himala ng Sugo (SAS)


1. Nang nanalangin siya kay Allah at inilagay ang kamay


niya sa lalagyan ng inumin ay may lumabas na tubig


sa pagitan ng mga daliri niya at ang buong hukbo na


binubuo ng isanlibo ay nakainom buhat sa tubig na ito.


Ang Totoong Relihiyon


19


2. Nanalangin siya kay Allah at inilagay niya ang kamay


niya sa pagkain; dumami ang pagkain sa plato hanggang


sa makakain mula rito ang 1,500 kasamahan niya.


3. Itinaas niya ang mga kamay niya sa langit habang


nananalangin kay Allah na magpabuhos ng ulan. Hindi


pa niya naiwan ang kanyang kinalalagyan at nagsitulo


ang mga patak ng tubig mula sa mukha niya sanhi ng


ulan. At marami pa ang ibang mga himala.


Ang Sugo ni Allah ay isang ulirang halimbawa sa lahat


ng gawain niya at salita niya. Siya ang unang


tagapagpatupad sa mga kautusang ibinaba sa kanya buhat


kay Allah. Siya ang pinakamasigasig sa paggawa ng mga


pagsamba at pinakamasunurin sa lahat ng tao. Siya ang


pinakamapagbigay sa mga tao. Walang anumang yamang


natitira sa kamay niya na hindi niya ginugol alang-alang


kay Allah para sa mga dukha, mga maralita, at mga


nangangailangan. Pati nga ang dapat na ipamana niya ay


ipinamigay niya. Sinabi niya: “Kaming mga Propeta ay


hindi nagpapamana; ang anumang naiwan namin ay


kawanggawa.”


Tungkol naman sa kanyang kaasalan, walang isa mang


makatutulad dito. Wala siyang nakasama na hindi siya


minahal mula sa kaibuturan ng puso nito anupa’t ang Sugo


(SAS) ay higit niyang minahal kaysa sa anak, magulang


niya, at pati na sa lahat ng mga tao.


Ang Totoong Relihiyon


20


Ang mga Sandigan ng Islam


1. Ang Unang Sandigan: ang pagsaksi na walang Diyos


kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah.


Ito ang unang pangungusap na kailangang sabihin ng


pumapasok sa Relihiyong Islam: ash'hadu alla iláha


illalláh, wa ashhadu anna muhammadar rasúlulláh,


ibig sabihin: Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si


Allah at sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Sugo


ni Allah. Sasabihin ito kalakip ng paniniwala sa lahat


ng kahulugan nito, gaya ng nabanggit na.


Maniniwala na si Allah ang Iisa at Nag-iisang Diyos


na hindi nagkaanak, hindi ipinanganak at walang ano


mang katulad sa Kanya; na Siya ang Tagapaglikha at


ang anumang iba pa sa Kanya ay nilikha; na tanging


Siya lamang ang Diyos na karapat-dapat sa pagsamba.


Kaya walang Diyos kundi Siya at walang Panginoon


bukod pa sa Kanya. Maniniwala rin na si Muhammad


ay lingkod ni Allah at Sugo Niya na pinadalhan Niya ng


kapahayagan mula sa langit na nagpaparating sa ipinaguutos


at ipinagbabawal ni Allah. Kailangang paniwalaan


siya sa ipinabatid niya, sundin sa ipinag-utos niya at


iwasan ang ipinagbawal niya.


2. Ang Ikalawang Sandigan: ang pagsasagawa ng


Dasal. Ito ay binubuo ng limang dasal (saláh sa wikang


Arabe) sa isang araw. Nakikita sa pagdarasal ang


pagtatanghal ng pagpapaalipin at pagsunod kay Allah.


Ang tao ay tumatayo nang may-pagpapakumbaba


Ang Totoong Relihiyon


21


habang binibigkas niya ang mga talata ng Qur’an at


habang dinadakila niya si Allah ng sari-saring


katagang ginagamit sa pag-aalaala at pagpupuri sa


Kanya. Yumuyukod siya para sa Kanya at


nagpapatirapa sa Kanya. Kinakausap niya Siya,


dinadalanginan niya Siya, at humihingi siya sa Kanya


buhat sa Kanyang dakilang biyaya.


Samakatuwid ang dasal ay isang tagapag-ugnay sa


tao at Panginoon niya na lumikha sa kanya na


nakaaalam sa kanyang inililihim at inihahayag, at sa


ginagawa niyang pagkilos kasama ng iba pang mga


nagpapatirapa sa dasal. Ang pagdarasal ang dahilan


kung bakit iniibig ni Allah ang isang tao, kung bakit


inilalapit Niya ito sa Kanya, at kung bakit nalulugod


Siya rito. Ang sinumang huminto sa pagsasagawa nito


sa pagtangging magpaalipin kay Allah, magagalit sa


kanya si Allah, isusumpa Niya siya, at itiniwalag na


niya ang kanyang sarili sa pananampalatayang Islam.


3. Ang Ikatlong Sandigan: Ang pagbibigay ng zakáh.


Ang zakáh ay isang takdang bahagi mula sa takdang


uri ng ari-arian na itinakda ni Allah na ikaltas sa mga


mayayaman upang ibigay sa karapat-dapat na mga


maralita at mga dukha sa lipunan upang maibsin ang


kasalatan nila at mapunan ang pangangailangan nila.


Ang takdang bahagi nito ay 2½ % ng salaping naipon


na ipamamahagi taon-taon sa mga karapat-dapat na


tumanggap.


Ang Totoong Relihiyon


22


Ang sandigang ito ay dahilan ng paglalaganap ng


pagkakabuklod-buklod sa lipunan ng mga kaanib ng


lipunan kalakip dito ang paglago ng pagmamahalan,


pagkakapalagayan ng loob, pagtutulungan at pagkaalis


ng mga pagkasuklam at mga hinanakit ng mga uring


maralita sa mga uring mayaman at mga nakaririwasa.


4. Ang Ikaapat na Sandigan: Ang pag-aayuno sa


buwan ng Ramadán. Ang pag-aayuno, sawm o siyám


sa Arabe, ay ang paghinto sa pagkain, pag-inom,


paninigarilyo at pakikipagtalik, sa layuning ito ay


gagawing isang pagsamba kay Allah, magmula sa


pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng


araw.


Ang Ramadán, ang buwan na kinakailangang magayuno,


ay ikasiyam na buwan sa kalendaryo ng Islam.


Sa buwan ding ito nagsimula ang pagpapahayag ng


Qur’an sa Sugo (SAS).


Ilan sa mga malaking kabutihang naidudulot ng


pag-aayuno ay ang pagsasanay na magtimpi at magtiis,


at ang pagpapalakas sa angking takot kay Allah at


pananampalataya na nasa puso. Iyan ay sapagkat ang


pag-aayuno ay isang lihim sa pagitan ng tao at ni Allah.


Magagawa ng isang tao, kapag nag-iisa siya sa isang


lugar, na kumain at umiinom. Walang taong makaaalam


sa paghinto niya sa kanyang pag-aayuno. Kung magaayuno


siya bilang pagsamba kay Allah at nababaitd


niyang walang nakakikita sa kanya sa pagsamba niya


kay Alaah, iyon ay magiging dahilan ng paglago ng


Ang Totoong Relihiyon


23


pananampalataya niya at takot sa Kanya. Dahil doon,


ang gantimpala ng mga nag-aayuno ay malaki mula


kay Allah.


5. Ang Ikalimang Sandigan: ang pagsasagawa ng hajj.


Tungkulin ng isang Muslim na magsagawa ng hajj isang


beses sa tanang buhay. Maglalakbay ang isang Muslim


sa mga pook na pagdadausan ng seremonya ng hajj sa


Makkah sa buwan ng hajj, ang kahuli-hulihang buwan


sa kalendaryo ng Islam. Bago pumasok sa Makkah ay


huhubarin niya ang kanyang kasuutan at isusuot ang


kasuutan ng ihrám3 na binubuo ng dalawang pirasong


puting tela. Ang kasuutang ito sa lalaki. Ang babaeng


Muslim naman ay magsuot ng anumang kasuutan na


ipinahihintulot sa Islam.


Pagkatapos ay isasagawa niya ang iba’t-ibang mga


gawain ng hajj gaya ng pag-ikot sa palibot ng Ka‘bah,


pagtakbo sa pagitan ng Safá at Marwah, pananatili sa


Arafah, pagpapagabi sa Muzdalifah at iba pang gawain.


Ang hajj ang pinakamalaking pagtitipon ng mga


Muslim sa balat ng lupa. Sa pagtitipong ito ay naghahari


sa kanila ang pagkakapatiran, ang pag-mamahalan, at


ang pagpapayuhan. Ang kanilang kasuutan ay iisa at


ang pamamaraan nila ng pag-sasagawa ng hajj ay iisa.


Walang kalamangan ang isa sa kanila sa iba kundi sa laki


ng takot kay Allah.


3 Ang pagpasok sa pagsasagawa ng itinakdang mga rituwal ng hajj.


Ang Totoong Relihiyon


24


Pagwawakas


Ito ang Relihiyong Islam na nagpapahayag sa


pamumukod-tangi ni Allah sa pagkadiyos. Ang adhi-kain


nito ay walang Diyos kundi si Allah. Ito ang Islam na


pinili ni Allah bilang relihiyon para sa mga lingkod Niya.


Ito ang Relihiyong ng Islam; hindi na tatanggapin ni


Allah sa kaninuman ang relihiyon na iba pa rito. Ito ang


pananampalatayang Islam na ang sino mang maniwala rito


at gumawa ng mabuti ay mapabibilang sa mga matagumpay


sa Paraiso ng Kaginhawahan.


Ito ang Relihiyong Islam na hindi masosolo ng


anumang pangkat ng mga tao at hindi lamang para sa isang


lahi ng tao; bagkus ang sinumang sumampalataya rito at naganyaya


sa mga tao sa pananampalatayang ito ay siyang


karapat-dapat para rito at siyang pinakamarangal para kay


Allah. Tungkulin nating tawagin ang pansin ng mambabasa


laban sa mga pangunahing bagay na humahadlang sa mga


tao at sa Islam at pumipigil sa kanila sa pagpasok dito.


1. Ang kawalang kaalaman at kabatiran sa Relihiyong


Islam—sa katuruan nito, sa batas nito at itinuturo nito


na mga kagandahang asal. Ang mga tao ay mga kaaway


ng mga hindi nila nalalaman. Kaya naman, ang isang


nagnanais na malaman ang pananampalatayang Islam


ay kailangang magbasa at magbasa pa hanggang sa


malaman niya ang pananampalatayang ito mula sa mga


pangunahing reperensiya nito. Sana’y ang pagbabasa


Ang Totoong Relihiyon


25


ay may ng espiritu ng kawalang pagkiling, katarungan,


at naghahanap sa katotohan lamang.


2. Ang panatisismo sa relihiyon, kaugalian, at kulturang


kinagisnan ng isang tao. Ang walang malalim na pagiisip


at pagmumuni-muni kung gaano katotoo ang


relihiyong kinalakihan ng isang tao at ang pananaig sa


kanya ng nasyonalismo ang dahilan ng pagtanggi niya


sa bawat relihiyon na iba sa relihiyon ng mga magulang


niya at mga ninuno niya. Ang panatisismo ang


nagpapapikit sa mga mata, ang nagtatakip sa mga


tainga, at tumatabing sa mga pag-iisip. Kaya naman


hindi nakapag-iisip nang malaya at walang pagkiling


ang isang tao at hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng


mga kadiliman sa liwanag.


3. Ang mga kapritso, ang mga hangarin at ang mga mithiin


ng tao. Ang mga ito ang nagdadala sa pag-iisip at sa


pagnanais sa kung saan lamang nito naisin at sa kung


ano ang makakasira sa tao nang hindi nito nadarama at


siya ring pumipigil sa kanya na tanggpin ang totoo at


sumuko rito.


4. Ang mali at mapanirang-puri na paninisi sa Islam sa


pagkakaroon ng ilang kamalian at paglihis sa panig ng


ilang Muslim. Ang Islam ay walang kinalaman sa mga


ito at dapat na alalahanin ng lahat na ang Relihiyon


mula kay Allah ay walang pananagutan sa mga


kamalian ng tao.


Ang Totoong Relihiyon


26


Ang pinakamadaling paraan upang malaman ng isang


tao ang katotohanan at ang patnubay ay ang ibaling


niya ang kanyang puso kay Allah nang may


pagbabalik-loob at pagpapakumbaba. Magsusumamo


siya sa paghiling kay Allah na patnubayan siya sa


tuwid na landas at sa tuwid na relihiyon na iniibig at


kinalulugdan ni Allah. Sa ganito makakamit ng tao


ang kaaya-ayang buhay at ang walang hanggang


kaligayahan na hindi na siya malulungkot kailanman.


Dapat niyang malaman na si Allah ay dumidinig sa


panalangin ng isang nananalangin kapag ito ay


dumalangin sa Kanya.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG