Mga Artikulo




Talakayan ng Muslim at Kristiyano


حوار بين مسلم ونصراني


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


3 PANIMULA


Sa Ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang


Pinakamaawain


Nagpapasalamat ako kay Allah sa pagkabasa ko ng


manuskrito ng ANG TALAKAYAN NG KRISTIYANO AT


MUSLIM at sa pagkahi-ling sa akin na sumulat ng


panimula sa lubhang nakapagpapamulat na aklat na ito.


Ang sinumang interesado sa Comparative Religion ay


makatatagpo sa aklat na ito ng maraming sorpresang


hahamon sa minsang pinaniniwalaan ng marami na mga


tandisang katotohanan.


Ang akda na ito ni Dr. Hasan M. Baagil ay


nagpapakita ng kanyang maselan at napakaingat na


pagpupunyaging ilahad nang malinaw, maikli, at masusi


ang kanyang mga natuklasan. Bunga ng kanyang pagaaral


ng Kristiyanismo at Bibliya sa mahigit na apat na


taon, napag-alaman ni Dr. Baagil, na isang matapat na


Muslim, na hindi lamang nagkakaiba ang mga Kristiyano


sa kanilang mga pangunahing paniniwala (Trinidad,


Pagka-Diyos ni Jesuscristo, at iba pa), hindi rin nila


nalalaman na ang doktrina ng Simbahan ay sumasalungat


sa Bibliya sa napakaraming pagkakataon, at na ang


Bibliya mismo ay sumasalungat sa sarili nito! Ang


kanyang mga pakikipag-usap sa mga kleriko at madlang


Kristiyano sa panahong iyon ng pag-aaral ay


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


4 nakapagbunsod sa pagsulat ng ANG TALAKAYAN NG


KRISTIYANO AT MUSLM.


Ang mambabasa ay magugulat kung malalaman niya


na sa Bibliya si Jesus (SKP) ay hindi kailanman nagangkin


na siya ay Diyos; na si Jesus ay hindi namatay sa


krus; na ang mga himalang ginawa ni Jesus ay nagawa rin


ng maraming ibang propeta, at pati na ng mga dimananampalataya;


na hinulaan ni Jesus mismo ang


pagdating ni Propeta Muhammad (SKP). Ang lahat ng ito


at marami pang iba ay inisa-isang inilahad mula sa


maliwanag at maikling mga sipi ng Bibliya. Ang


katanungang tiyak na maitatanong matapos na


masaksihan ang ganoong malinaw na mga kasalungatan


ay: “Ang Bibliya ba ay Salita ng Diyos?” Ang pagsisikap


dito ni Dr. Baagil ay hindi naglalayon upang tuyain ang


mga Kristiyano at lalo namang hindi upang kutyain si


Jesus at ang kanyang mga katuruan. Ilayo ni Allah na


mangyari iyon! Ang layunin ay mali-wanag na upang


ipakita na ang bulaang mga bintang, ang mga


pagsisinungaling, at ang lantarang mga kasinungalingan


laban kay Allah at sa Kanyang mga Propeta ay mismong


mga panunuya at pangungutya at isang kasuklam-suklam


na bagay.


ANG TALAKAYAN NG KRISTIYANO AT MUSLM ay


nagbibigay-linaw rin sa pananaw ng Islam tungkol sa


mga bagay na ito, at nagpapakita kung papaanong


iwinasto ng Qur’an, na ipinahayag kay Propeta


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


5 Muhammad (SKP) 600 taon na ang nakalipas noong wala


na si Jesus (SKP), ang mga kamaliang nakapasok (nang


nalalaman o di nalalaman) sa mensaheng inihatid ni Jesus


(SKP). Ang aklat na ito ay maaaring maging isang


napakahalagang tulong sa kapwa mga Muslim at mga


Kristiyano, lalung-lalo na kung isasaalang-alang ang


pagnanais na magkaroon ng mga talakayan sa pagitan ng


dalawang pananampalataya. Kung ipahihintulot ni Allah


ang aklat na ito ay magiging isang mabisang kasangkapan


para sa ating mga Muslim sa ating pagsisikap na


anyayahan ang mga Kristiyano sa Islam. Ang mga


Kristiyano naman ay nararapat na maging lalo pang


mulat sa kung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya at kung


ano nga talaga ang itinuro ni Jesus (SKP), bunga ng pagaaral


sa aklat na ito. Tunay na bilang isang Muslim, ang


inaasam-asam ay tanggapin nawa ng Di-Muslim ang


Katotohanan at sumaksi sa Kaisahan ni Allah at na si


Muhammad ay Kanyang Lingkod, Alagad, at Sugo.


Gantimpalaan nawa ni Allah si Doktor Baagil dahil sa


kanyang mga pagsisikap na pawiin ang kadiliman.


Nawa’y ang Kapayapaan ni Allah ay sumaating lahat.


MUHAMMAD A. NUBEE


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


6 PAALAALA MULA SA NAGSALIN SA


PILIPINO


Ang lahat ng talata ng Bibliya na sinipi sa aklat na ito


ay mula sa Ang Bibliya ng Philippine Bible Society


(PBS-1978), maliban sa mangilan-ngilang talatang sinipi


sa ibang version o salin ng Bibliya.


SKP Sumakanya ang Kapayapaan at ang


Pagpapala


SlaKP Sumakanila ang Kapayapaan at ang


Pagpapala


M. o m. Muslim


K. Kristiyano


Allah Ang pansariling pangalan ng Diyos


Pasasalamat


Ako ay isang Amerikano na pinalaki magmula sa


pagkabata sa Kristiyanong pananampalataya. Noong


hindi ko pa nasisimulan ang paghahanap ng aking


kaluluwa sa Diyos o kay Allah, aking ipinagwawalangbahala


ang maraming mahahalagang bagay.


Pagkatapos ng mga talakayan at pagbabasa at


pagbabasang muli ng manuskrito nitong ANG


TALAKAYAN NG KRISTIYANO AT MUSLM, nabalikAng


Talakayan ng Muslim at Kristiyano


7 balikan ko na ang mga sipi mula sa King James Version


ng Banal na Bibliya at sa Banal na Qur’an.


Nagpahayag ako sa wakas ng aking Shahádah


(Pagsasaksi) sa madla sa wikang Ingles sa halip na sa


Arabe: “Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah,


tanging Siya lamang, wala Siyang katambal; at


sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Kanyang Lingkod


at Kanyang Sugo. Ash'hadu anlá Iláha illalláhu wahdahu


lá sharíka lahu wa ash’hadu anna Muhammadan


‘abduhu wa rasúluhu.


Sa pamamagitan ng pinakamahalaga at pinakapayak na


pagsasaksi na ito, naniniwala ako na maraming tao ang


susuko kay Allah sa espiritu at katotohanan.


Umaasa ako na ang maikli at madaling maunawang


aklat na ito ay mababasa sa buong mundo at aakit sa


marami na naghahanap ng tunay na pananampalataya na


makatatagpo rito ang kanilang mga isipan ng


katiwasayan at kasiyahan.


ROY EARL JOHNSON


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


8 Paalaala mula sa May-akda


Sa Ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang


Pinakamaawain


Ang maliit na aklat na ito ay naisulat resulta ng


isinagawa kong mga pakikipagtalakayan sa mga


klerikong Kristiyano at gayon din sa madlang Kristiyano.


Ang talakayan ay magalang, kalugod-lugod, magiliw, at


nakapagbibigay-liwanag nang walang anumang bahagyang


layuning saktan ang relihiyosong damdamin ng


sinumang Kristiyano. Ito ay isang pamukaw at hamon sa


Kristiyanismo. Ito ay lubhang kailangan ng sinumang


naghahanap ng katotohanan at mga nag-aaral ng


Comparative Religion.


H. M. BAAGIL, M.D.


January, 1984


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


9 Ang Unang Paghaharap sa


Pagitan ng Kristiyano at Muslim


K. Bakit sa nakalipas na huling dekada ay nagkaroon ng


maraming talakayang isinagawa sa pagitan ng mga


Kristiyano at mga Muslim tungkol sa kanilang mga


paniniwala?


M. Sa aking palagay ay dahil mayroon tayong maraming


bagay na kapwa pinaniniwalaan. Kami ay naniniwala sa


Nag-iisang Lumikha na Siyang nagpadala sa maraming


Propeta, at kay Jesus bilang Mesias at Salita ng Diyos na


ikinakaila ng mga Hudyo.


Binanggit ng aming Banal na Qur’an sa Súrah 3:45:


“Banggitin nang magsabi ang mga anghel: O Maria,


tunay na si Allah ay naghahatid ng nakalulugod na


balita sa iyo ng pagsisilang ng isang salitang mula sa


Kanya, na ang magiging pangalan niyon ay ang Kristo


Jesus na anak ni Maria; pinarangalan sa mundo at sa


Kabilang-buhay, at kabilang sa mga ginawang


malapit kay Allah.”


May mga talakayang idinaos sa iba’t ibang dako ng


Europa, Canada, Amerika, at Australia. Kahit ang


Vaticano ay hindi nakaiwas. May mga naganap na mga


talakayan sa pagitan ng mga teologo ng Vaticano at mga


pantas na Muslim ng Egipto sa Roma noong 1970, at sa


Cairo noong 1974 at 1978. Gayundin sa pagitan ng mga


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


10 teologo ng Vaticano at mga pantas na Muslim ng Saudi


Arabia na ginanap sa Roma noong 1974. Maraming ulit


sa Colombo, huwag nang banggitin pa ang mga Muslim


na inanyayahan ng mga simbahan upang magpahayag ng


Islam.


K. Kung ang Kristiyanismo ay halos dalawang libong


taong gulang at ang Islam naman ay mahigit sa isanlibu’t


apat na raang taon, bakit ang mga talakayang ito ay hindi


idinaos noong nakaraang mga siglo?


M. Sa nakalipas na tatlo o apat na siglo, maraming mga


bansang Asyano at Aprikano na ang nakararaming mga


mamamayan ay mga Muslim ang sinakop ng Britania,


Pransia, Holandia, Belgium, Espanya at Portugal.


Maraming Kristiyanong misyonaryong kolonista ang


nagtangkang mang-akit ng maraming Muslim sa abot ng


makakaya nila sa anumang paraan, gaya ng pagbibigay sa


kanila ng panggagamot, mga damit, pagkain, mga trabaho


para sa mga mahihirap, ngunit kakaunti lamang ang mga


nahihikayat. Mayroong maliit na bahagi ng mga elite na


nahikayat sa Kristiyanismo dahil sa maling akala nila na


ang Kristiyanismo ang nagdala sa kanila sa sibilisasyon


at kaunlaran sa kaalaman. Mayroon silang isang maling


palagay dahil ang kaunlarang ito ay natamo matapos


maghiwalay ang Estado at Simbahan sa Europa.


Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdigan,


maraming Muslim mula sa Asyano at Aprikanong mga


bansa ang dumayo sa kanlurang bahagi ng mundo bilang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


11 mga manggagawa at mga dalubhasa, na siyang naging


dahilan ng lalo pang pagkalapit nila sa mga Kristiyano.


Ang mga estudyante ay masigasig din sa pagpapahayag


ng Islam.


K. May nakikita ka bang iba pang mga dahilan kung


bakit nagdadaos ng maraming talakayan sa kasalukuyan


kahit na sa kani-kanilang mga misyon?


M. Sa palagay ko, ang puwang sa pagitan ng


magkabilang panig ay nagiging maliit na dahil sa ang


bawat isa ay higit nang mapagparaya, bagamat kapwa pa


rin sila nagpapaligsahan sa panghihikayat ng


karagdagang mga kaanib. Naaalaala ko pa rin ang guro


kong Kristiyano na nagsasabi noon na: “Si Muhammad,


ang impostor, ang mapangarapin, at ang may epelipsi.”


Makikita mo ngayon na kakaunti na ang mga manunulat


na naglalarawan sa Islam sa ganoong paraan.


Nadarama naming mga Muslim na higit kaming


malapit sa mga Kristiyano kaysa sa mga Hudyo at sa mga


walang pananampalataya dahil nagsabi ang Banal na


Qur’an sa Súrah 5:82: “Talaga ngang matatagpuan


mo na ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkapoot sa


mga sumampalataya ay ang mga Hudyo at ang mga


nagtambal kay Allah. At talaga ngang matatagpuan


mo na ang pinakamalapit sa kanila sa pagmamahal sa


mga sumampalataya ay ang mga nagsabi: “Kami ay


mga Kristiyano.” Iyan ay sapagkat may kabilang sa


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


12 kanila na mga ministro at mga monghe, at sila ay


hindi nagmamalaki.” Nakagagawa ang ilang mga


denominasyong Kristiyano ng kamangha-manghang pagunlad


sa ngayon sa pamamagitan ng pagkilala, sa kaunaunahang


pagkakataon sa kasaysayan, na si Muhammad


(SKP) ay nagmula kay Ismael sa pamamagitan ng


kanyang ikalawang anak na si Kedar. Ang Davis


Dictionary of the Bible, 1980, na itinataguyod ng Board


of Christian Education of the Presbytarian Church sa


Amerika ay sumulat ng ganito hinggil sa katagang Kedar:


“… Isang liping nagmula kay Ismael (Gen. 25:13) …


Ang mga kalipi ni Kedar ay ang Cedrai na tinutukoy ni


Pliny at mula sa kanilang lipi sa wakas lumitaw si


Mohammed.” Sinipi ng The International Standard Bible


Encyclopedia ang mga sumusunod mula kay A.S. Fulton:


“…Sa mga lipi ng mga Ismaelita, si Kedar ay tiyak na isa


sa pinakamahalaga, at kaya noong bandang huli ang


pangalang ito ay ipinantutukoy sa lahat ng mailap na lipi


ng disyerto. At kay Kedar (Kaidar sa wikang Arabe)


tinutunton ng mga Muslim na bihasa sa pagtuklas ng


kaangkanan ang kaangkanan ni Mohammed mula kay


Ismael.”


Ang Smith Bible Dictionary ay hindi rin


magpapaiwan at naglathala ng sumusunod: “Kedar


(itim). Ang ikalawang anak ni Ismael (Genesis 25:13) …


Tinutunton ni Mohammed ang angkan niya kay Abraham


mula sa tanyag na liping Quraysh, na nagmula kay Kedar.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


13 Ang mga Arabe ng Hijáz, na mga Ismaelita noong unang


panahon, ay tinatawag na Baní Harb (mga anak ng


digmaan), na mga Ismaelita noong unang panahon, mula


sa kanilang simula. Si Palgrave ay nagsasabi na ang


kanilang wika ay kasingdalisay sa kasalukuyan nang


noong isinulat ang Qur’an (610 A.D.), na nananatiling dinagbabago


sa mahigit na 1200 taon; isang magandang


katunayan ng pagkapalagian ng mga Kaugaliang


Silanganin.


Ang pinakamalaking mahalagang bagay na dinala ng


mga Muslim na nandayuhan sa Kanluran ay hindi ang


lakas-tao nila kundi ang Islam na sa ngayon ay nag-uugat


doon. Maraming moske at Islamic Center ang naitatag at


marami ang nanumbalik sa Islam. Pinili ko ang salitang


“nanumbalik’ at hindi “nahikayat” dahil ang bawat isa ay


isinilang sa pagsuko kay Allah, na ang ibig sabihin ay


Islam. Ito ang kalikasan ng bawat batang isinilang. Ang


mga magulang o ang komunidad ay nagpapayakap sa


kanya sa Judaismo, Kristiyanismo, ibang mga


pananampalataya, o Ateismo.


Ito ay isang patunay rin na ang Islam ay hindi


ipinalaganap ng tabak kundi ng pagpapalaganap lamang


ng mga indibiduwal o ng mga pangkat ng mga Muslim.


Wala kaming espesyal na mga misyong inorganisa na


gaya ng sa mga misyong Kristiyano.


Ang populasyon ng mundo ay tumaas ng 136% mula


noong 1934 hanggang 1984. Nadagdagan ang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


14 Kristiyanismo ng 47% at ang Islam ng 235%. Tingnan


ang The Plain Truth, February 1984, sa kanilang isyu ng


ika-50 Taong Anibersaryo, na sinipi mula sa World


Almanac and Book of Facts 1935 at sa Reader’s Digest


Almanac and Year Book 1983.


K. Kung ang lahat ng tatlong relihiyon, ang Judaismo,


ang Kristiyanismo, at ang Islam ay nagsasabing nagmula


sa Iisang Lumikha, bakit sila nagkakaiba?


M. Ang lahat ng propeta magmula kay Adan hanggang


kay Muhammad (SlaKP) ay isinugong may dalang


magkatulad na mensahe: ang lubusang pagsuko ng


sangkatauhan kay Allah. Ang pagsukong ito ay tinatawag


sa wikang Arabe na Islam; nangangahulugan din ang


Islam na Kapayapaan, kapayapaan sa pagitan ng


Lumikha at ng Kanyang mga nilikha. Hindi gaya ng


pangalang Judaismo at Kristiyanismo, ang pangalang


Islam ay ibinigay ni Allah, ang Lumikha mismo, gaya ng


nabanggit sa Qur’an, Súrah 5:3: “Sa araw na ito ay


Aking ginawang ganap para sa inyo ang inyong


Relihiyon, Aking nilubos sa inyo ang Aking


pagpapala, at Aking kinalugdan para sa inyo ang


Islam bilang relihiyon.” Ang katagang Judaismo o


Kristiyanismo ay hindi matatagpuan sa Bibliya, pati na sa


Diksyunaryo ng Bibliya. Walang Israelitang propeta na


bumanggit sa salitang Judaismo. Si Jesus ay hindi


kailanman nagsabi na itinatatag niya ang Kristiyanismo


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


15 sa mundo at hindi niya kailanman tinawag ang kanyang


sarili na Kristiyano. Ang salitang Kristiyano ay nabanggit


lamang nang tatlong ulit sa Bagong Tipan at unang


binanggit ng mga pagano at mga Hudyo sa Antioquia


noong mga 43 A.D., matagal nang panahong iniwan ni


Kristo (SKP) ang mundo. Basahin mo ang Mga Gawa:


11:26: “… at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging


mga Cristiano sa Antioquia.”


Bandang huli ay binanggit ito ni Haring Agripa II kay


Pablo sa Mga Gawa 26:28: “At sinabi ni Agripa kay


Pablo, Sa kakaunting paghihikayat ay ibig mo akong


maging Cristiano.”


Samakatuwid ang pangalang Kristiyano ay unang


ibinigay ng mga kaaway sa halip ng mga kaibigan. At sa


wakas ay binanggit ni Pedro sa kanyang sulat sa 1 Pedro


4:16 upang aliwin ang mga tapat: “Nguni’t kung ang


isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag


mahihiya. …”


Ang unang tinaguriang Muslim sa mundo ay hindi si


Muhammad (SKP) kundi si Abraham na lubusang


sumuko kay Allah. Subalit ang Islam ay isang


panuntunan ng buhay na ipinahayag din sa iba pang mga


propeta na nauna pa kay Abraham gaya nina Adan at Noe.


Samakatuwid, ang Islam ay panuntunan ng buhay para sa


buong sangkatauhan.


K. Papaanong naging Muslim si Abraham? Siya ay kilala


bilang isang Hudyo!


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


16 M. Isang Hudyo? Sino ang nagsabi sa iyo niyan?


K. Itinuro sa amin iyan; ito ay kailangang patotohanan


din ng Bibliya.


M. Maaari mo bang ipakita sa akin kung saan sa Bibliya


na sinabing siya ay isang Hudyo? Kung hindi mo kaagad


ito makita, hayaan mong tulungan kita. Basahin mo ang


Genesis 11:31.


K. “At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak,


at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at


si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na


kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga


Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan; at


nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.”


K. Samakatuwid, si Abraham na isinilnng sa Ur ng mga


Caldeo ay hindi maaaring naging isang Hudyo. Una, dahil


ang Ur ng mga Caldeo ay nasa Mesopotamia, na bahagi


na ngayon ng Iraq. Kung gayon siya ay higit na Arabe


kaysa sa isang Hudyo. Ikalawa, ang pangalang Hudyo ay


dumating lamang noong lumitaw si Juda, na apo ni


Abraham, na anak ni Jacob (Tingnan ang tsart sa pahina


15.) Basahin mo pa ang Genesis 12:4-5.


K. “… at si Abram ay may pitong pu’t limang taon, nang


umalis sa Haran … at dumating sa lupain ng Canaan.”


M. Samakatuwid si Abraham ay nandayuhan sa Canaan


sa gulang na pitumpu’t limang taon at maliwanag na


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


17 binanggit ng Bibliya na siya ay isang dayuhan doon, ayon


sa Genesis 17:8: “At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi,


pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga


pinaglakbayan,1 ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring


walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.”


Basahin mo ngayon ang Genesis 14:13.


K. “At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay


Abram na Hebreo.”


M. Papaano mong matatawag si Abraham na isang


Hudyo kung ang Bibliya mismo ay tumatawag sa kanya


na Hebreo na ang ibig sabihin ay isang taong buhat sa


kabilang ibayo ng ilog Eufrates. Nangangahulugan din


itong kabilang kay Ebel, na isang inapo ni Shem. Basahin


mo ngayon ang Genesis 32:28 kung ano ang nangyari sa


pangalan ni Jacob matapos makipagbuno sa Anghel.


K. “At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong


pangalan, kundi Israel; sapagka’t ikaw ay


nakipagpunyagi sa Diyos at sa mga tao at ikaw ay


nanaig.”


M. Samakatuwid si Abraham ay isang Hebreo. Ang mga


inapo ni Jacob ay ang mga Israelita na binubuo ng


labindalawang lipi. Si Juda ay pinalayawan na “Judio”


kaya sa simula ang mga inapo lamang ni Juda ang


1 “the land wherein thou art a stranger.” sa King James Version.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


18 tinawag na mga Hudyo. Upang malaman mo kung sino


talaga si Moises, basahin mo ang Exodo 6:16-20.


K. “At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon


sa kanilang lahi; si Gerson, at si Coath, at si Merari … At


ang mga anak ni Coath; si Amram … At nag-asawa si


Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang


ama, at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises


…”


M. Samakatuwid si Moises ay hindi isang Hudyo,


sapagkat hindi siya nagmula kay Juda, kundi isang


Levita. Si Moises ay ang mambabatas (Ang Torah ay


Batas) para sa mga inapo ni Israel.


K. Papaano mong maipaliliwanag ito?


M. Dahil ginagamit naming pamantayan ang Banal na


Qur’an. Maipaliliwanag mo ang Bibliya at maiwawasto


ang masamang palagay ng mga Hudyo at mga Kristiyano


sa pamamagitan ng mga talata ng Qur’an. Ito ang huling


Aklat na ipinahayag na hindi kailanman nabago o


nadagdagan. Ang mga nilalaman nito ay


ginagarantiyahan ni Allah sa Súrah 2:2: “Ang Aklat na


ito ay walang mapag-aalinlanganan, …” at ganoon din


sa Súrah 15:9: “Tunay na Kami, Kami ay nagpababa


ng Paalaala (Qur’an), at tunay na Kami ay talagang


mag-iingat nito.” Ang talatang ito ay isang hamon sa


sangkatauhan. Ito ay isang malinaw na katotohanan na sa


mahigit sa isanlibo’t apat na raang taong nakalipas, wala


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


19 ni isa mang salita sa Qur’an na ito ang nabago bagamat


ang mga di-mananampalataya ay nagtangka na sa abot ng


kanilang makakaya na baguhin ito, ngunit labis silang


nabigo sa kanilang mga pagpupunyagi. At tulad nga ng


nabanggit sa Qur’an: “Tunay na Kami ay talagang


mag-iingat nito,” sumpa man kay Allah, iningatan Niya


ito.


Sa kataliwasan, ang lahat ng iba pang banal na aklat


(Torah, Salmo, Ebanghelyo, at iba pa) ay nabago ng mga


pagdaragdag, mga pagbabawas o mga pagpapalit mula sa


tunay na anyo.


K. Ano ang sinasabi ng Qur’an tungkol kina Abraham at


Moises (SlaKP) na inyong mahuhulo (deduce) mula sa


Bibliya?


M. Sa Súrah 3:65: “O mga May Aklat, bakit kayo


nagtatalo tungkol kay Abraham, samantalang hindi


ibinaba ang Torah at ang Ebanghelyo kundi noong


wala na siya? At hindi ba kayo nakauunawa?” At sa


Súrah 3:67: “Si Abraham ay hindi isang Hudyo at


hindi isang Kristiyano, bagkus ay isang makakatotohanang


Muslim. hindi siya napabilang sa mga


Nagtatambal kay Allah.”


Sa Súrah 2:140: “O sinasabi ninyo: “Tunay na sina


Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, at ang mga lipi ng


Israel ay mga Hudyo o mga Kristiyano?” Sabihin mo:


“Kayo ba ay higit na nakaaalam o si Allah?” At sino


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


20 pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa


kanya na nagtatago ng patotoo na nasa kanya na


buhat kay Allah? At si Allah ay hindi pabaya sa mga


ginagawa ninyo.” ” Tiyak na hindi sila mga Hudyo o


mga Kristiyano yayamang ang pangalang Hudyo ay


dumating noong wala na si Juda at ang pangalang


Kristiyano ay dumating noong matagal nang wala na si


Jesus.


K. Kakaibang pakinggan ang pangalang Allah. Bakit


hindi mo sabihing God kung nagsasalita ka ng Ingles?


M. Oo, tunay ngang ang pangalang Allah ay kakaibang


pakinggan sa mga hindi Muslim ngunit ang pangalang ito


ay ginamit ng mga Propeta magmula kay Adan hanggang


kay Muhammad (SlaKP). Ito ay isang pagpapaikli ng


dalawang salitang Arabe na Al-Iláh na ang ibig sabihin ay


Ang Diyos. Kapag inalis ang titik na “I ” ay makikita mo


ang salitang Allah. Ayon sa kinalalagyan nito sa isang


pangungusap na Arabe, maaari itong mag-anyong Allaha


na malapit sa Eloha na pangalan ng Lumikha sa wikang


Hebreo. Ngunit ginagamit nang mali ng mga Hudyo ang


maramihang anyo nito na Elohim na ang


ipinapakahulugan ay higit sa isang Diyos. Ang salitang


Allaha ay malapit ang tunog sa Alaha na siyang pangalan


ng Diyos sa wikang Aramaic na ginagamit noon ni Jesus


(tingnan sa Encyclopedia Britannica, 1980 ang tungkol sa


Allah at Elohim). Kaya bagaman ang pangalang Allah ay


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


21 kakaiba sa mga hindi Muslim, ito ay hindi kakaiba sa


mga Propeta mula kay Adan hanggang kay Muhammad


(SlaKP) yayamang sa pangkalahatan sila ay nagpalaganap


ng iisang Islam na ang kahulugan ay lubusang pagtalima,


at ang salitang Allah ay tumutukoy sa pansariling


pangalan ng Tunay na Diyos. Ito ay walang maramihang


anyo at wala ring kasarian, kaya walang salitang ‘mga


Allah,’ o lalaki o babaeng Allah, hindi gaya ng salitang


Diyos na maaaring maging “mga Diyos” o “Diyos” o


“Diyosa.” Nakalilitong gamitin ang salitang God sa


dahilang maraming Kristiyano na nagsasalita ng Ingles


ang kumikilala pa rin kay Jesus bilang Diyos. Kahit na


ang salitang Tagapaglikha ay nakalilito rin sa dahilang


ipinaggigiitan pa rin ng maraming Kristiyano na nilikha


ni Jesus ang sanlibutan.


Hindi lamang sa ang salitang Allah ang kakaiba, ang


paraan rin ng pagsamba ng mga Muslim kay Allah na may


kasamang paghuhu-gas, pagyukod, pagluhod, at


pagpapatirapa, at ang pag-aayuno ay kakaiba rin sa mga


hindi Muslim, subalit hindi kakaiba sa lahat ng Propeta.


Bagamat ang paghuhugas (paglilinis ng kamay, mukha,


braso, paa, at pagbabasa ng ulo) bago sumamba ay


tinalikdan na ng mga makabagong Kristiyano, ito ay


ipinag-uutos pa rin sa mga Muslim at ipinag-utos din sa


mga naunang Propeta gaya ng makikita sa sumusunod na


mga sipi ng Bibliya: Exodo 40:31-32: “At si Moises at si


Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


22 ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa; Pagka


sila’y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka


sila’y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: gaya ng


iniutos ng Panginoon kay Moises.” Bagamat si Pablo ay


gumawa ng maraming pagbabago sa katuruan ni Jesus


(SKP), siya ay tapat pa rin hinggil sa paghuhugas bago


sumamba gaya ng makikita sa Mga Gawa 21:26: “Nang


magkagayo’y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang


sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama


nila ay pumasok sa templo …” Ang mga babaeng Muslim


ay nagsasagawa ng pagda-rasal na nakabalot ang kanilang


mga ulo na tulad ng mababasa sa 1 Mga Taga Corinto


11: 5-6 at 13: “Datapuwa’t ang bawa’t babaing


nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang


kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo;


sapagka’t gaya rin ng kung kaniyang inahitan. Sapagka’t


kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman;


ngunit kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay


maglambong siya...Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili:


nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang


walang lambong?” Ang mga Muslim ay sumasamba nang


may kasamang pagyuko, pagluhod, pagpapatirapa, at


walang sapatos tulad ng ginawa ng mga naunang Propeta:


Mga Awit 95:6: “Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba;


Tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang


sa atin.” Josue 5:14: “... at si Josue ay nagpatirapa sa lupa


at sumamba …” I Mga Hari 18:42: “… At si Elias ay


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


23 umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya’y yumukod sa


lupa, at inilagay ang kaniyang mga mukha sa pagitan ng


kaniyang mga tuhod.” Mga Bilang 20:6: “At si Moises at


si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa


pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at


ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.”


Genesis 17:3: “At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay


nakipag-usap sa kaniya na sinasabi …” Exodo 3:5 at


Mga Gawa 7:33: “At sinabi (ng Diyos kay Moises),


Huwag kang lumapit dito, hubarin mo ang iyong


panyapak sa iyong mga paa, sapagka’t ang dakong iyong


kinatatayuan ay banal na lupa.”


Mangangatal ang isang Kristiyano kapag narinig niya


na ang Peregrinasyon (Pilgrimage) o Hajj na ginagawa


ngayon ng mga Muslim sa pamamagitan ng pag-ikot sa


banal na bato: ang Ka‘bah, na nasa Makkah ay


isinasagawa rin noon ng maraming Propeta, pati na ng


mga Israelitang Propeta.


K. Hindi ko nabasa kailanman sa Bibliya ang


Peregrinasyon o ang sagradong bato.


M. Ito ay maliwanag na binanggit nang makailang ulit,


subalit hindi napansin ng mga mambabasa ng Bibliya:


1. Nang si Jacob ay papuntang Padan-aram, nakakita siya ng


isang pangitain at nang sumunod na umaga ay nagtayo siya


ng isang haliging bato na tinawag niyang Betel na ang ibig


sabihin ay ang Bahay ng Diyos (Genesis 28:18-19).


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


24 2. Pagkalipas ng maraming taon, ang Propeta ring iyon na


si Jacob ay inutusan ng Dios na pumaroon sa Betel


(Genesis 35:2,14,15). Inalis ni Jacob ang lahat ng mga


diyus-diyusan bago pumunta roon. Inalis din ni Propeta


Muhammad (SKP) ang lahat ng diyus- diyusang


nakapaligid sa banal na bato, ang Ka‘bah sa Makkah.


3. May isa pang haliging itinayo ni Jacob at ng kanyang


biyanang si Laban (Genesis 31:45-49): “At kumuha si


Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala. At sinabi


ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga


bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang


isang bunton: at sila’y nagkainan doon sa malapit sa


bunton. At pinangalanan ni Laban na Jegar-Sahadutha,


datapuwa’t pinangalanan ni Jacob na Galaad … At Mizpa


sapagka’t kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at


ikaw.”


4. Nagkaroon ng digmaan si Jephte at ang mga anak ni


Ammon laban sa isa’t isa. Si Jephte ay nagpanata sa


Panginoon sa Mizpa sa Galaad na kanyang ihahandog


ang kanyang nag-iisang anak na babae kung siya ay


mananalo sa digmaan. Siya ay nanalo, at kanyang


sinunog ang kanyang anak na babae bilang handog sa


Panginoon (Hukom: 11:29-39).


5. Ang apat na raang libong kawal mula sa labing isang lipi


ng Israel ay nanumpa sa harap ng Panginoon sa Mizpa na


lilipulin nila ang lipi ni Benjamin (Hukom 20 at 21).


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


25 6. Ang mga anak ni Israel sa pamumuno ni Samuel ay


nanumpa sa Mizpa na kanilang sisirain ang kanilang mga


diyus-diyusan kung magwawagi sila sa digmaan laban sa


mga Filisteo (1 Samuel 7).


7. Ang buong bansang Israel ay nagtitipon sa Mizpa noong


si Samuel ay itinalagang Hari ng Israel (1 Samuel 10).


Malinaw na sa kasalukuyan ay wala nang natitirang


Mizpa sa mundo maliban sa pinakamatanda na nasa


Banal na Bayan ng Makkah na itinayo ni Propeta


Abraham at ng kanyang anak na si Ismael na siyang


ninuno ni Propeta Muhammad (SKP). Ang mga Muslim


talaga ang mga tagasunod ng mga Propeta. May masasabi


pa ako sa iyo na iba pang mga bagay tungkol sa mga


Muslim, sa Islam, at kay Muhammad (SKP) sa Bibliya,


subalit bakit dapat mong malaman ang mga ito kung


hindi ka naman naghahanap ng katotohanan?


K. Nakatitiyak ako sa aking sariling paniniwala bilang


isang Kristiyano subalit naging interesado akong


malaman ang tungkol sa dalawang relihiyon. Kung


minsan ay nakararamdam ako na para akong tinutuya


bilang isang Kristiyano matapos magbasa ng mga aklat


na isinulat ng mga Muslim.


M. Nakaepekto ba ito sa iyo sa iyong pamumuhay


panrelihiyon?


K. Oo, hindi na nga ako pumupunta sa simbahan na


kasingdalas na gaya noong dati. Lihim na akong


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


26 nagbabasa ng mga aklat na isinulat ng mga Muslim.


Itinanong ko na sa mga Muslim ang hindi malinaw sa akin,


ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan. Naghahanap ako ng


isang pananampalataya na aking mapagkakatiwalaan, na


makapagbibigay sa akin ng katiwasayan ng isip,


katanggap-tanggap sa agham, at hindi bulag na


paniwalaan lamang ito.


M. Dapat namang maging ganyan. Hinahangaan ko ang


iyong saloobin. Ngunit hindi kami pinapayagang akitin


ang sinuman. Nagpapahayag lamang kami sa mga


nagnanais makinig sa amin.


K. Ngunit malaya akong pumili ng anumang paniniwala


na aking naisin at walang sinumang makapipigil sa akin.


M. Oo, wala namang pilitan sa relihiyon.


K. Kung gayon, bakit ang mga Muslim ay nananawagan


sa ibang tao na tanggapin ang kanilang paniniwala?


M. Kung papaanong hinihiling ng mga Kristiyano ang


mga Hudyo na tanggapin si Jesus bilang Mesias, kaming


mga Muslim ay humihiling din sa mga Kristiyano pati na


sa mga Hudyo at gayundin sa buong sangkatauhan na


tanggapin si Muhammad (SKP) bilang Kahuli-hulihan sa


mga Propeta. Ang aming Propeta Muhammad (SKP) ay


nagsabi: “Magparating kayo [ng mensahe na] mula sa


akin kahit isang talata man lamang [ng Qur’an].”


Binanggit din sa Isaias 21:13 ang“The burden of


Arabia,”1 na nangangahulugang ang tungkulin ng mga


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


27 Arabeng Muslim, at mangyari pa ng lahat ng mga


Muslim sa ngayon, na ipalaganap ang Islam. Binanggit


ito ni Isaias matapos na makita niya sa isang pangitain ang


mangangabayo ng mga Asno at ang mangangabayo ng


mga Kamelyo (21:7): “At pagka siya’y nakakita ng


pulutong, ng mga nangangabayong dalawa’t dalawa, ng


mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya’y masikap


na makikinig na ma’y pag-iingat.”


Ang mangangabayo ng asno ay napatunayang si Jesus


na pumasok sa Jerusalem [sakay ng asno] (Juan 12:14;


Mateo 21:5). Kung gayon, sino naman ang


mangangabayo ng mga Kamelyo? Wala nang iba pa


kundi si Muhammad (SKP) na dumating mga anim na


raang taon matapos ang pagdating ng Mesias. Kung hindi


tatanggapin ito, samakatuwid hindi pa natutupad ang


hulang ito.


K. Ang paliwanag mo ay nagpapasigla sa akin na muli


kong suriin nang lalong maingat ang Bibliya. Nais kong


makikipagtalakayan muli sa iyo.


M. Oo, kung nagtagumpay ka man sa mundong ito, hindi


ibig sabihin na tagumpay ka rin sa kabilang buhay. Ang


kabilang buhay ay lalong mainam at siyang magtatagal


kaysa sa buhay dito sa mundo. Ang mga tao sa


kasalukuyan ay naging makamundo at walang


pagpapahalaga sa relihiyon. Magkita tayo nang mga ilang


ulit pa at talakayin natin ang mga pagkakaiba nang tapatan


at walang samaan ng loob. Ang Islam ay nakabatay sa


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


28 katuwiran, at hindi mo dapat basta na lamang tanggapin


ito. Kahit ang iyong Bibliya ay nagsasabing: “Subukin


ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti,”


(I Mga Taga Tesalonica 5:21).


K. Ngayon-ngayon lamang ay sinipi mo ang


“mangangabayo ng mga kamelyo” mula sa Isaias at


gumawa ka ng konklusyon na iyon ay si Muhammad


(SKP). Kung gayon, hinulaan din ba siya sa Bibliya?


M. Tiyak ko.


K. Sa Matanda ba o sa Bagong Tipan?


M. Sa pareho. Subalit hindi mo siya makikilala sa Bibliya


hanggat hindi ka naniniwala sa kaisahan ng Diyos


(Allah). Ang ibig kong sabihin, hanggat naniniwala ka pa


rin sa Trinidad, Pagka-Diyos ni Kristo, Pagka-Diyos-anak


ni Kristo, Pagmamana ng Kasalanan, at Pagtubos ng


Kasalanan. Ang lahat ng ito ay mga doktrinang gawa ng


mga tao. Hinulaan na ni Jesus (sa Mateo 15:9) na ang


mga tao ay sasamba sa kanya nang walang kabuluhan at


maniniwala sa mga doktrinang gawa ng mga tao:


“Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa


akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos


ng mga tao.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


29 Ang Banal na Bibliya


M. Nakatitiyak ka ba na ang Bibliya ay banal?


K. Oo, tiyak na tiyak ko ang tungkol dito; ito ay salita ng


Diyos.


M. Basahin mo ang sinabi ni Lucas sa Kabanata 1:2 at 3


tungkol sa kanyang isinulat.


K. “Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa


pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro


ng salita, ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos


ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na


isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo.”


M. Kung si Lucas ay nagsabi na siya mismo ay hindi


isang saksi at ang kanyang kaalamang nakalap ay mula sa


mga nakasaksi at hindi mga salitang kinasihan ng Diyos,


maniniwala ka pa rin ba na ang Bibliya ay salita ng


Diyos?


K. Maaaring ang bahaging ito lamang ang hindi salita ng


Diyos.


M. Ipinakita ng kasaysayan na ang Bibliya ay nagdanas


ng mga pagbabago sa pagdaan ng mga panahon. Ang


Revised Standard Version 1952 at 1971, ang New


American Standard Bible at ang New World Translation


of the Holy Scriptures ay nag-alis ng ilang mga talata


kung ihahambing sa King James Version. Ang Reader’s


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


30 Digest ay nagbawas ng limampung porsiyento sa


Matandang Tipan at ang Bagong Tipan ay pinaikli sa


dalawampu’t limang porsiyento. Noong nakalipas na


ilang taon, tinangka ng mga teologong Kristiyano na idesex2


ang Bibliya. Ang ibig bang sabihin ng “banal” ay


walang kamalian ang Bibiya?


K. Oo, gayon nga. Ngunit anong uri ng kamalian ang


tinutukoy mo?


M. Ipagpalagay na may isang talatang nagsasabing may


isang taong namatay sa gulang na limampu at may isa


namang talatang nagsasabing namatay ang taong ito sa


gulang na animnapu, maaari kayang ang kapwa pahayag


ay tama?


K. Hindi, ang kapwa pahayag ay hindi kailanman


magiging tama. Isa lamang ang maaaring maging tama o


kapwa mali.


M. Kung ang isang banal na aklat ay naglalaman ng mga


talatang nagsasalungatan, ituturing mo pa ba na ito ay


banal?


K. Tiyak na hindi na, sapagkat ang isang Banal na


Kasulatan ay isang pahayag mula sa Diyos at dapat na


imposibleng maglaman ito ng mga kamalian o mga


talatang nagsasalungatan.


2 Alisan ng istilong nagpapahiwatig ng pagkiling sa kasariang panlalaki.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


31 M. Kung gayon, ito ay hindi rin banal.


K. Tama; ang kabanalan nito ay naglaho na.


M. Kung magkagayon, hindi mo ito mapagkakatiwalaan


nang isandaang porsiyento. Ano kaya ang mga


kadahilanan?


K. Maaaring ito ay pagkakamali sa pagtatala; sadyang


pagpapalit ng mga tagasulat; pagbabawas o pagdaragdag.


M. Kung may nagsasalungatang mga talata sa Bibliya,


ituturing mo pa rin ba na ito ay banal?


K. Hindi ako naniniwala na ang Bibliya ay hindi banal


dahil wala akong nakikitang anumang nagsasalungatang


mga talata rito.


M. Mayroong maraming nagsasalungatang mga talata sa


loob nito.


K. Sa Matanda ba o sa Bagong Tipan?


M. Sa parehong mga Tipan. Ang mga ito ang ilan sa


mga iyon:


II Samuel 8:4 I Mga Cronica 18:4


At kinuha ni David sa


kaniya ang isang libo at


pitong daan na


mangangabayo, at dalawang


pung libo na naglalakad:


At kumuha si David sa


kaniya ng isang libong karo,


at pitong libong


mangangabayo, at dalawang


pung naglalakad:


T. Isang libo at pitong daan o pitong libo?


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


32 II Samuel 8:9-10 I Mga Cronica 8:9-10


Nang mabalitaan ni Toi na


hari sa Hamath na sinaktan ni


David ang buong hukbo ni


Hadadezer, sinugo nga ni Toi


si Joram na kaniyang anak


sa haring David, upang


bumati sa kaniya sapag-ka’t


siya’y nakipagdigma laban


kay Hadadezer at sinaktan


niya siya: sapagka’t si


Hadadezer ay nag-karoon ng


mga pakikibaka kay Toi. At


nagdala si Joram ng mga


sisidlang pilak, at mga sisidlang


ginto, at mga sisidlang


tanso.


At nang mabalitaan ni Tou


na hari sa Hamat na sinaktan


ni David ang buong hukbo


ni Adarezer na hari sa Soba,


kaniyang sinugo si Adoram


na kaniyang anak sa haring


David, upang bumati sa


kaniya at purihin siya,


sapagka’t siya’y lumaban


kay Adarezer at sinaktan


niya siya (sapagka’t si


Adarezer ay may mga


pakikipag- digma kay Tou);


at siya’y nagda-la ng lahat


na sarisaring kasang-kapang


ginto, at pilak, at tanso.


T. Toi o Tou, Joram o Adoram, Hadadezer o Adarezer?


II Mga Hari 8:26 II Mga Cronica 22:2


May dalawampu’t dalawang


taon si Ochozias nang siya’y


magpasimula; at siya’y nagharing


isang taon sa Jerusalem.


May Apatnapu’t dalawang


taon si Ochozias nang


magpasimulang maghari; at


siya’y nagharing isang taon


sa Jerusalam;


T. Dalawampu’t dalawang taon o apatnapu’t dalawang


taon?


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


33 II Samuel 10:18 I Mga Cronica 19:18


At ang mga taga Siria ay


nagsi-takas sa harap ng Israel;


at pu-matay si David sa mga


taga Siria ng mga tao ng


pitong daang karo, at apat na


pung libo na nanga-ngabayo,


at sinaktan si Sobach na


kapitan sa kanilang hukbo, na


anopa’t namatay roon.


At ang mga taga Siria ay


nagsitakas sa harap ng


Israel; at si David ay


pumatay sa mga taga Siria


ng mga tao sa pitong libong


karo, at apat na pung


libong naglalakad, at


pinatay si Sophach na


pinunong kawal ng hukbo.


T. Pitong daang karo o pitong libong karo? Apat na pung


libong nangangabayo o naglalakad? Sobach o Sophach?


II Mga Hari 24:8 II Mga Cronica 36: 9


Si Joachin ay may labing


walong taon nang siya’y


magpasimulang maghari; at


siya’y naghari sa Jerusalem na


tatlong buwan.


Si Joachin ay may walong


taong gulang nang siya’y


magpasimu-lang maghari; at


siya’y nagharing tatlong


buwan at sangpung araw sa


Jerusalem: …


T. Labing walong taon o walong taon? Tatlong buwan o


tatlong buwan at sampung araw?


II Samuel 23:8 I MgaCronica11:11


Ito ang mga pangalan ng mga


makapangyarihang lalake na


nasa kay David: si


Josebbasebet na


At ito ang bilang ng mga


makapangyarihang lalake na


nasa kay David: si Jasobam,


na anak ng isang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


34 Tachemonita, na pinuno ng


mga kapitan; na siya ring si


Adino na Eznita, na siyang


dumaluhong laban sa walong


daan na nangapatay ng


paminsan.


Hachmonita, na pinuno ng


tatlongpu; siya ang nagtaas


ng kaniyang sibat laban sa


tatlong daan, at pinatay niya


sila na paminsan.


T. Tachemonita o Hachmonita? Walong daan o tatlong


daan?


II Samuel 24:1 I Mga Cronica 21:1


At ang galit ng Panginoon ay


nagalab uli laban sa Israel, at


kaniyang kinilos si David


laban sa kanila, na sinabi,


Ikaw ay yumaon, iyong


bilangin ang Israel at Juda.


At si Satan ay tumayo


laban sa Israel, at kinilos si


David na bilangin ang


Israel.


T. Ang Panginoon ni David, kung gayon, ay si Satan?


Huwag nawang ipahintulot ng Diyos na mangyari!


II Samuel 6:23 II Samuel 21: 8


At si Michal na anak ni


Saul ay hindi


nagkaanak hanggang sa


araw ng kaniyang


kamatayan.


Nguni’t kinuha ng hari ang


dalawang anak ni Rispa, na anak


ni Aja, na kaniyang ipinanganak


kay Saul, si Armoni Mephiloboseth;


at ang limang anak ni


Michal na anak na babae ni


Saul na kaniyang ipinanganak


kay Adriel na anak ni Barzilai,


na Molathita:


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


35 T. Si Michal ba ay nagkaroon ng mga anak o hindi?


Paalaala: Ang pangalang Michal sa II Samuel 21:8 ay


matatagpuan pa rin sa King James Version at sa New


World Translation of the Holy Scripture na ginagamit ng


mga Saksi ni Jehovah, ngunit ito ay pinalitan ng Merab


sa New American Standard Bible 1973.


K. Hindi ko ito kailanman nakita noon. Mayroon pa bang


marami?


M. Ibig mo bang malaman ang iba pa? Hindi pa ba ito


sapat upang mapabulaanan ang kabanalan ng Bibliya?


Tingnan mo ang Genesis 6:3: “At sinabi ng Panginoon,


Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao


magpakailan man, sapagka’t siya ma’y laman: gayon


ma’y magiging isang daan at dalawang pung taon ang


kaniyang mga araw.”


Ngunit ilang taon si Noe noong siya ay namatay?


Mahigit sa 120 taon. Tingnan mo ang Genesis 9: 29: “At


ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at


limang pung taon: at namatay.” Iginigiit ng ilang mga


teologong Kristiyano na hindi ang pinakamahabang


mararating ng buhay ng tao ang tinutukoy ng isandaan at


dalawampung taon kundi ang baha ay darating pagkalipas


ng isandaan at dalawampung taon. Pati na ito ay hindi rin


umaakma dahil sa panahon ng baha si Noe ay dapat anim


na raan at dalawampung taong gulang (500+120), ngunit


ang Bibliya ay nagsasabi na siya ay anim na raang taong


gulang. Pag-aralan mo ang mga talatang ito: Genesis


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG