Ikalabing-Isang Aralin
Ano ang kaibahan ng shurut, ng rukun, ng wajib,
at ng sunnah sa Salah?
Sunnah
Kaibig-ibig
Wajib
Obligado
Rukun
Haligi
Shart
Kondisyon
Kabilang sa ibadah
Sa labas ng
ibadah
Ito'y limitado sa bahagi mula sa mga bahagi ng
ibadah
Magpapatuloy
sa lahat ng
ibadah
Maari maging
katwiran ang
jahal o
pagkalimot at
pagsadya
Maari maging
katwiran ang
jahal o
pagkalimot at
hindi ang
pagsadya
Hindi maaring maging katwiran
ang jahal o pagkalimot o
pagsadya
/
Sapat na ang
sujud sahw
Hindi sapat
ang sujud sahw
Walang sujud
sahw
91
Ikalabing-Isang Aralin
Mga Komento:
- Kapag nagkamali ang nagsasagawa ng Salah sa sujud sahw ; ang
kanyang salah ay tama pa din.
- Kapag naiwan nito ang rukon, hindi magiging tama ang kanyang
Salah hanggang sa gawin niya ang rukon at pagkatapos siya ay
magsujud sahw.
- Kapag naman naiwan niya ang wajib, at hindi niya na pwedeng
balikan siya ay magsujud sahw na lamang.
Sujud As-sahw
Ang mga dahilan sa sujud as-sahw
(sujud ng nakalimot) ay tatlo:
Ang ziyadah
(dagdag):
Halimbawa kapag
nadagdagan niya ang
ruku' o sujud o pagtayo o
pagupo.
Ang naqs
(kulang):
Halimbawa kapag
nagkulang nakulangan
niya ang wajib mula sa
mga wajib ng Salah.
Ang shak
(pagdalawang isip):
Katulad ng
nagdadalawang isip siya
kung ilang rakaah ang
kanyang nagawa; tatlo o
apat, at ito'y may
dalawang uri:
Ang pagdadalawang isip
sa loob ng Ibadah:
Kapag ito'y marami huwag mo nang
alalahanin at tingnan pa, ngunit kapag
kaunti naman doon ka sa kung saan ka
siguro, kapag naman pantay kunin mo
ang pinakakaunti o mababa.
Ang pagdadalawang isip
pagkatapos ng Ibadah:
Hindi mo na kailangan tingnan pa ang
iyong pagdadalawang isip hanggang sa
dumating ang kasiguruhan.
92
Ikalabing-Isang Aralin
Buod ng Pamamaraan ng Salah at
Paglalarawan nito:
- Ang una ay ang pagdalisay ng isang muslim (o pagsasagawa ng wudhu')
sa kanyang bahay at magsuot ng mainam na damit
- At maglakad patungo sa Masjid – o pagsakay sa sasakyan – nang
mahinahon na paglalakad at mataimtim ibig sabihin ay iwasan ang
pagtakbo o sobrang paglingon o pagtaas ng boses.
- Kapag siya ay dumating na sa masjid, huhubarin ang kanyang suot sa paa
at ilagay sa lagayan nito, at kanyang iiwan ang lahat ng makamundong
bagay at ipinagbabawal ang magbenta at magbili, pati na rin ang paghanap
ng nawawalang bagay sa loob Masjid.
- Unahin ang kanang paa sa pagpasok sa loob ng Masjid at bigkasin ang
panalangin: ((Bismillah wassalaatu wassalaamu ala rasulillah,
Allahummaftahliy abawaaba rahmatik)) at kaliwa naman kapag ito'y
lalabas mula rito at kanyang bibigkasin ang panalangin: ((Bismillah,
wassalaatu wassalaamu ala rasulillah, Allahumma inniy as-aluka min
fadlik)).
- Mauuna ang mga kalalakihan sa saf (hanay) at mahuhuli naman ang mga
kababaihan.
- Kapag ang Salah ay nagsimula na, siya ay magsasabi ng ((Allahu Akbar))
at susundan ang Imam sa anumang posisyon na kanyang naabutan, at
bibilangin na isang rakaah kapag naabutan nito ang pagtayo o ang
pagruko', at kapag nagsalam ang Imam pupunan na lamang niya ang
kanyang naiwan na rakaah.
93
Ikalabing-Isang Aralin
- At kapag siya ay nasa loob na ng Masjid at hindi pa nagsisimula ang salah,
magsagawa siya ng Salah ratibah qabliyyah (sunnah bago ang salah),
kapag wala naman sunnah na qabliyyah, magsagawa siya ng tahiyyatul
masjid bago pa man siya mauupo.
- At huwag labagin ang kabanalan ng Masjid sa pamamagitan ng
pagbabantay sa oras at pagmamadali sa pagtayo ng Salah.
- At pagpantay pantayin ang pagitan ng paa katulad ng balikat nang walang
labis at kulang.
94
Ikalabing-Isang Aralin
- Pagkatapos gawin ang mga shart ng Salah, kanyang bibigkasin ang
((Allahu Akbar)) kasama nito ang pag-taas ng dalawang kamay -
nakabukas ang mga daliri - hanggang tainga o balikat, at ang kanyang
palad ay nakaharap sa qiblah.
- Pagkatapos ilalagay ang kanyang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang
kamay. Ito man ay nakalatag o nakahawak.
95
Ikalabing-Isang Aralin
- At tumingin sa lugar kung saan ka magsasagawa ng sujud, at hindi
palingun-lingon.
- Mustahab (kaibig-ibig) na basahin niya ang panalangin sa istiftah sa unang
rakaah lamang, at mainam din na basahin niya ang iba't ibang panalangin
na naiulat dito.
- Pagkatapos ay humingi ng pagpapakupkup katulad ng naiulat: ((audhu
billahi minash shaytanir rajeem)).
- Pagkatapos basahin ang basmalah: ((bismillahir rahmanir raheem)).
- Pagkatapos ay basahin ang Al-fatiha nang maayos at tama.
- Pagkatapos ay magbasa ng makakaya mula sa Qur-an; ito'y mainam na
gawin at basahin ang basmalah sa unang surah lamang.
- Pagkapatapos ay itaas ang dalawang kamay tulad sa takbiratul ihram at
sambitin ang ((Allahu Akbar)) pagkatapos ay magsagawa ng Ruko'.
- Pagkatapos ay hawakan ang tuhod, at gawin pantay ang likod sa ulo.
- At sambitin nang isang beses bilang wajib (obligado): ((subhaana
rabbiyal Adhim)) at mustahab (mainam) na dagdagan nang anumang
naiulat patungkol dito.
96
Ikalabing-Isang Aralin
- Pagkatapos kasabay ng pag-angat mula sa ruko' at bago ang pagtayo ng
matuwid, kanyang sasambitin ang: ((samiAllahu liman hamidah)) habang
itinataas din ang dalawang kamay hanggang tainga o balikat.
- Kapag nakatayo na ng matuwid kanya namang sasambitin: ((rabbana wa
lakal hamd)).
- Pagkatapos ay sasambitin ang takbir: ((Allahu Akbar)) nang hindi na
tinataas pa ang dalawang kamay at pagkatapos ay magsagawa ng sujud
gamit ang pitong bahagi ng katawan: ito'y ang noo kasama ang ilong,
dalawang palad, dalawang tuhod, at ilalim ng daliri ng dalawang paa.
- At pagkatapos ay paghiwalayin ang pagitan ng dalawang kili-kili, pati na
rin sa pagitan ng tiyan at hita, at pagitan ng hita sa bukong-bukong, at
iangat ang kanyang braso mula sa lupa.
97
Ikalabing-Isang Aralin
- At pagkatapos ay sambitin ang: ((Subhaana rabbiyal A'la)) isang beses
bilang wajib (obligado) at mustahab (mainam) na kanyang dadagdagan ng
anumang naiulat patungkol dito, at pagkatapos ay manalangin ng anuman
kanyang gustong panalangin, liban ang pinakamainam ay ang manalangin
ng amunang panalangin na naiulat patungkol dito.
- Pagkatapos ay magtakbir at umupo sa kaliwang paa muftarish habang
nakatayo ang kanyang kanang paa at ang ilalim ng mga daliri nito'y nasa
lupa habang nakaturo naman sa qiblah ang mga daliri. Ilagay ang palad sa
hita. Ito (muftarish) ang klase ng upo sa lahat ng salah liban sa pangatlong
rakaah o pangapat sa pinakahuling tashahhud dahil ang klase ng upo dito'y
tinatawag na tawarruk; ilagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang
bukong-bukong. [pakitingnan na lamang ang larawan sa ibaba]
98
Ikalabing-Isang Aralin
- Pagkatapos ay magtakbir at magsagawa ng sujud katulad ng unang sujud.
- Pagkatapos ay magtakbir at tumayo para gawin ang pangalawang rakaah, at
gawin na lamang ang mga ginawa sa una liban na lamang ang rakaah sa
pangalawa ay walang nang takbiratul ihram at dua istiftah.
- Kapag natapos na niya ang pangalawang sujud siya ay uupo para sa
attashahhud.
- At kanyang ituro ang kanyang hintuturo, habang ipagdikit ang naiwang daliri
ng pabilog, pagkatapos ay pagalawin ang hintuturo kapag nananalangin.
- Ang pagbasa ng attashahhud ay wajib (obligado).
- Kapag ang ginagawang salah ay mayroong dalawang rakaah lamang basahin
niya ang salah ibrahimiyyah [pakitingnan sa pahina 86] bilang wajib, at
humingi ng pagpapakupkop mula sa apat:
99
Ikalabing-Isang Aralin
((Allahumma inniy audho bika min adhabi jahannam, wa audho bika min
adhabil qabr, wa audho bika min fitnatil dajjal, wa audho bika min fitnatil
mahya wal mamaat)) at pagkatapos ay manalangin, pinakamainam dito ang
panalangin na naiulat tulad ng: ((Allahumma ainniy ala dhikrika wa
shukrika wa husni ibaadatik)).
- Pagkatapos ay magtaslim ng dalawang beses, mula sa kanan pagkatapos sa
kaliwa lilingon lang gamit ang ulo hindi kasama ang balikat ni hindi
pagagalawin ang ulo mula pataas at pababa ni igalaw ang kamay.
100
Ikalabing-Isang Aralin
- Kapag ang ginagawang salah ay mayroong tatlo o apat na rakaah, tatayo
siya pagkatapos niya mabasa ang tashahhud al-awwal at mustahab ang
pagsambit ng salah ibrahimiyyah.
- Magtakbir at magsagawa ng Salah para sa pangatlong rakaah at uupo para
gawin ang tashahhud kung ang Salah ay tatlong rakaah, ngunit kung ito'y
apat magsagawa ulit ng Salah para sa ikaapat na rakaah pagkatapos ay uupo
at gawin ang pinahuling tashahhud. Sambitin ang tashahhud at salah
ibrahimiyyah at humingi ng pagpapakupkop mula sa apat: ((Allahumma
inniy audho bika min adhabi jahannam, wa audho bika min adhabil
qabr, wa audho bika min fitnatil dajjal, wa audho bika min fitnatil mahya
wal mamaat)) at pagkatapos ay manalangin, pinakamainam dito ang
panalangin na naiulat tulad ng: ((Allahumma ainniy ala dhikrika wa
shukrika wa husni ibaadatik)).
- Kung ang salah ay fard (obligado), mustahab na bumigkas ng mga dhikr
na naiulat pagkatapos ng Salah.
- ((Astaghfirullah, Astaghfirullah, Astaghfirullah, Allahumma anta
Assalaam wa minkas salaam tabaarakta dhal jalaali wal ikram)).
- Pagkatapos ay sambitin: ((Subhaanallah, wal hamdulillah, wAllahu
akbar)) tatlungpung tatlong beses: lahat-lahat ay siyamnaput tatlo, at
kanyang kukumpletuhin bilang pang-isang daan ((la ilaha illa Allah
wahdahu la shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamdu wa huwa ala
kulli shay-in qadeer)).
- Pagkatapos ay basahin ang Ayatul Kursi: ((Allahu la ilaaha illa huwal
hayyul qayyum, lata'khudhuhu sinatuw wa la nawm, lahu maa fis
samaawati wa maa fil ardh, man dhalladhi yashfau indahu illa biidhnih,
ya'lamu ma bayna aydihim wa maa khalfahum, wa la yuhiituna bishayim
min ilmihi illa bimaa shaa', wasi-a kursiyyuhus samaawaati wal ardh,
wa la yauuduhu hifdhuhumaa, wa huwal aliyyul adhim)), pagkatapos ay
basahin ang surah Al-ikhlas at Alfalaq at Annas.
101
Ikalabing-Isang Aralin
Mga Mahahalagang Paalala:
- Kabilang sa shurut ng salah ay ang pagtatakip ng awrah, nararapat sa isang
nagsasagawa ng Salah na maging maingat mula sa paglitaw ng kanyang
awrah habang siya ay nagsasagawa ng salah na ito'y magiging dahilan para
masira ang kanyang Salah.
- Kapag nagsagawa ng Salah ang ma'mum kasama ang Imam, isinabatas na
siya ay tatayo sa bahaging kanan nito. Hindi siya uuna at hindi din lalayo
bagkus magkapantay ang kanilang balikat.
102
Ikalabing-Isang Aralin
Pangalan Hukum Oras Dami Katangian
Ang salah ng Jumuah ay
jahriyyah (malakas ang
pagbabasa) at
mabibilang na jamaah
ang tatlong kalalakihan
pataas.
Dalawang
rakaah
Oras ng
Dhuhr
Salatul Fard
Jumuah
Ang salah ng Kusuuf ay
jahriyyah (malakas ang
pagbabasa) na may
dalawang ruku' sa bawat
rakaah.
Dalawang
rakaah
Oras ng
eclipse
Fard
kifaayah
Salatul
Kusuuf
Maari itong:
Isang rakaah
Tatlong rakaah na
magkadugtong,
uupo lamang sa
pinakahuling
tashahhud, o
magsagawa ng
salah na dalawang
rakaah pagkatapos
ay magtaslim at
magsagawa ulit ng
isang rakaah.
Limang rakaah
uupo lamang para
gawin ang
tashahhud sa
ikalimang rakaah.
Pitong rakaah uupo
lamang para gawin
ang tashahhud sa
ikapitong rakaah
Mula isa
hanggang
labing-isa
Pagkatapos
ng Iesha
hanggang
Fajar
Sunnah
muakkadah
Salatul
Witr
103
Ikalabing-Isang Aralin
Pangalan Hukum Oras Dami Katangian
Siyam na rakaah
uupo para gawin
ang tashahhud sa
ikawalong rakaah
at pagkatapos ay
tatayo para sa
ikasiyam na rakaah
at magtashahhud at
magtaslim.
Tigdadalawang
rakaah pagkatapos
ay magwitr ng isang
rakaah.
Babasahin sa unang
rakaah ang Surah
Alkafiruun at sa
pangalawa Alikhlas
Dalawang
rakaah
Pagkatapos
ng Salatul
fajar
Sunnah
muakkadah
Ratibah
ng Fajar
Tigdadalawang rakaah
na magkahiwalay
Dalawa /
Apat
Apat na
rakaah
bago ang
Dhuhr at
dalawa
pagkatapos
Sunnah ng Sunnah
Dhuhr
Babasahin sa unang
rakaah ang Surah
Alkafiruun at sa
pangalawa Alikhlas
Dalawang
rakaah
Pagkatapos
ng Salatul
Maghrib
Sunnah ng Sunnah
Maghrib
Dalawang
rakaah
Pagkatapos
ng Salatul
Iesha
Sunnah ng Sunnah
Iesha
104
Ikalabing-Isang Aralin
Pangalan Hukum Oras Dami Katangian
Dalawang
rakaah
Pag
papasok ng
Masjid
bago uupo
Tahiyatul Wajib
masjid
Mula
dalawang
rakaah
hanggang
walo
Mula sa
pagsikat ng
araw
hanggang
bago ang
zawal
Ad-duha Sunnah
Manalangin pagkatapos
ng salam ng dua sa
istikharah
Dalawang
rakaah
Kahit
anong oras
Al- Sunnah
istikharah
Magtakbir katulad ng
takbir sa Eid na pito
kasama ang takbiratul
ihram sa unang rakaah at
lima sa pangalawa hindi
kabilang ang takbir sa
intiqal
Dalawang
rakaah
Mula sa
pagsikat ng
araw
Salatul Sunnah
istisqa'
Magtakbir ng pitong
beses kasama ang
takbiratul ihram sa
unang rakaah at lima sa
pangalawa hindi
kabilang ang takbir sa
intiqal.
Dalawang
rakaah
Pagsikat ng
araw
Salatul Sunnah
Eid
105
Ikalabing-Isang Aralin
Mga oras na ipinabawal ang pagsagawa ng Salah na Naafilah:
1. Mula fajar hanggang sa pagsikat ng araw.
2. Mula sa salah ng Asar hanggang maghrib.
3. Mula sa pagtirik ng araw hanggang sa zawal.
106
Ikalabing-Isang Aralin
1) Ilan ang kondisyon ng Salah?
O siyam O labing-isa O walo
2) Ang pagiging Muslim bilang kabilang sa kondisyon ng Salah ay mali; dahil
walang nagsasagawa ng Salah maliban sa Muslim.
O Tama O Mali
3) Attamyiz ay ang bulugh.
O Tama O Mali
4) Pag-angat ng hadath ay tumutukoy sa katawan, lugar at damit.
O Tama O Mali
5) Ang najasah (kadumihan) ng baboy ay najasah:
O malaki O mutawassit
6) Ang manni (semilya) ay dumi na mag-oobliga na maligo pagkatapos nitong
lumabas.
O Tama O Mali
7) Walang pinag-kaiba ang nadh at pagligo.
O Tama O Mali
8) Ang lahat ng bangkay ay najis (dumi).
O Tama O Mali
9) Sapat na sa paglilinis ng najasah ng aso kahit hindi lupa at kahit ang
makabagong kagamitang panlinis.
O Tama O Mali
10) Ang mga hayop na kung saan ating palaging nakakasalamuha ay kalimitan
mahirap ang pag-iwas mula rito. At maaring ang pusa ay dalisay para sa
ibang tao at para sa iba naman ay hindi.
O Tama O Mali
11) Ilan ang haligi ng Salah?
O 8 O 14 O 9
Mga Katanungan sa
Salah
107
Ikalabing-Isang Aralin
12) Ang takbiratul ihram ay ang pagtaas ng kamay.
O Tama O Mali
13) Kung naiwan ang isang rukon sahwan (nakalimutan) para sa kanya ay
sujud sahwi lamang.
O Tama O Mali
14) Ilan ang wajibat obligado sa Salah?
O 8 O 14 O 9
15) Kapag sinabi sa sujud (subbuhun quddusun rabbul malaikati war ruh), at
alam niya na ang wajib ay (subhana rabbiyal a'la) ng isang beses ang
kanyang Salah ay batil (hindi tanggap).
O Tama O Mali
16) Isinabatas sa Salah na ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng
kaliwang kamay.
O Tama O Mali
17) Ang pagpapalakas ng pagbasa ay sa unang rakaah sa obligadong
Salah kung ito'y sa gabi at sa bawat Salah isinabatas na magtipontipon
sa isang taon katulad ng dalawang Eid.
O Tama O Mali
18) Ilan ang nakakasira ng Salah?
O 8 O 14 O 9
19) Mangyayari ang tawwaruk sa tashahhud na:
O Una O Huli O lahat ng nabanggit
20) Ang dagdag na (wash shukr) sa salitang (rabbana wa lakal hamd wash
shukr); ang hukom nito'y:
O jaaiz O mustahab O muharramah (haram)
21) )rabbigh firliy wa liwalidayya) sa pagitan ng sujud:
O jaaiz O muharram O makruh
22) Paglagay ng siko sa lupa sa sujud:
O muharram O mustahab O makruh
23) Ilan ang asbab (mga rason) ng sujud sahw:
O 2 O 3 O 4
108
Ikalabing-Isang Aralin
24) (ang pagdududa pagkatapos ng Salah hindi nakaka-apekto ganundin
kapag dumami ang pagdududa).
O Tama O Mali
25) Natatangi ang sunnah ng Fajar mula sa mga ibang rawatib sa: dahil sa
kanyang kainaman, pagiging magaan, mayroong natatanging binabasa at
kahit sa paglalakbay ay sinasagawa ito.
O Tama O Mali
26) Ibigay ang hukom ng bawat mas-alah (pangyayari) sa ibaba:
Mas-alah (Sitwasyon) Hukom
Salah ng sinumang nang-iinsulto sa relihiyon
Salah ng lango sa alak
Salah ng maysakit na Alzheimer
Salah ng batang maliit
Nagsagawa ng Salah habang nakalimutan nito na wala
siyang wudhu'
Nagsagawa ng Salah habang nakalimutan nito na ang
damit niya ay marumi
Ihi ng baka
Ihi ng uwak
Nagsagawa ng Salah habang nakalabas ang dalawang
tuhod
Nagsagawa ng Salah habang nakalimutang hindi pa
pumasok ang oras
Ang Salah sa loob ng eroplano
Nag-intensyon na obligado ang oras
Nagsagawa ng Salah habang nakaupo
Nakalimutan ang Al-fatiha
Naabutan ang Imam ng naka-ruku'
Ang pagmamadali sa Salah
Maraming pagdududa pagkatapos ng Salah
Nagduda sa kanyang wudhu' pagkatapos ng Ihram
Nadagdagan ng ruku' nang hindi sadya
Iniwan ang takbiratul ihram
Iniwan ang tashahhud al-awwal
Iniwan ang pinakahuling tashahhud
109
Ikalabing-Dalawang Aralin
27) Banggitin ang pagkakaiba ng shart, rukon, wajib at sunnah.
Shart Rukon Wajib Sunnah
Nagduda kung tatlo o na apat rakaah ang kanyang
nagawa
Nagduda pagkatapos ng Salah
Nagduda sa kalagitnaan ng Salah
Nakalimutan ang sujud sahw
Nagsagawa ng Salah habang nakalitaw ang kanyang
awrah nang hindi niya alam maliban lamang pagkatapos
ng Salah
Ang taharah Paglilinis sa bahay bago lumabas patungo
sa Salah
Ang pagbebenta sa Masjid
Ang pagpapalit ng pera sa Masjid
Naabutan ang Imam sa pinakahuling tashahhud
Ang sutrah sa Salah
Ang kaunting paglingon
Ang maraming paglingon
Pagsagawa ng Salah na mabilis
Ang salah ibrahimiyyah sa attashahhud
Ang pagsasalita sa Salah
Ang paggalaw sa Salah
Nakalimutan ang Al-fatiha
Ang salah sa Jum-ah
Al-witr
Tahiyatul masjid
110
Ikalabing-Dalawang Aralin
Pagpapaliwanag sa ibang mga kondisyon:
- (ishishababu hukmiha bi an la yanwiya qat-aha hatta yatimma
tahaaratuhu) ibig sabihin magpapatuloy ang intensyon mula sa unang
wudhu' hanggang sa pinakahulihan nito.
- (inqitaau muujibul wudhu') hindi siya magsasagawa ng wudhu' habang
siya ay kumakain ng laman ng kamelyo halimbawa, o kapag siya ay
umiihi, bagkus dapat matapos muna ang nakakasira ng wudhu' saka pa
lamang siya magsasagawa ng wudhu'.
- (instinjaa' o istijmaar bago ang wudhu') liban na lamang kapag ang
pagsasagawa ng wudhu' sa kadahilan ng utot o di kaya pagtulog o di
kaya pagkain ng laman ng kamelyo hindi na kailangan ang dalawa.
Ikalabing-dalawang Aralin
Mga Kondisyon (Shurut) ng Wudhu'
Mga kondisyon ng Wudhu ay sampu:
1. Al-islam
2. Tamang Pag-iisip
3. At-tamyiz
4. Ang intensyon
5. ishishaabu hukmiha bi an la yanwiya qat-aha hatta yatimma
tahaaratuhu (Ang pagkakaroon ng intensyon mula umpisa
hanggang sa matapos ang kanyang wudhu').
6. inqitaau muujibul wudhu' (paglayo mula sa mga nakakasira sa
wudhu').
7. instinjaa' o istijmaar bago ang wudhu'.
8. Malinis ang tubig at pagiging mubah nito.
9. Pag-alis sa kung anumang makakapigil sa pagkabasa ng balat.
10. Pagpasok ng oras ng Salah sa kung sinuman ang kanyang hadatah
ay palagian.
111
Ikalabing-Dalawang Aralin
- (Malinis ang tubig at pagiging mubah nito) hindi maaring magsagawa
ng wudhu' kapag marumi ang tubig o kinuha ng walang paalam sa mayari
[halimbawa na lang nakaw].
- (Pag-alis sa kung anumang makakapigil sa pagkabasa ng balat) tulad
ng tinta o cutex o nail polish sa kuko dahil ito'y makakapigil sa tubig para
mabasa ang bahagi ng katawan.
Sunnah ng fitra (Likas sa Sangkatauhan):
Mula sa sunnah ng fitrah:
1. Pagpapatuli : ito'y wajib (obligado) sa mga kalalakihan at sunnah
naman sa mga kababaihan kung kinakailangan.
2-5. Paggupit ng bigote, pagputol ng kuko, pag-alis ng buhok sa
kilikili, at pag-ahit ng buhok sa maselang bahagi: mula kay Anas
radiyallahu anhu: (( Binigyan kami ng panahon sa paggupit ng
bigote, at pagputol ng kuko, at pag-alis ng buhok sa kili-kili, at pagahit
ng buhok sa maselang bahagi na hindi papabayaan ng mahigit sa
apatnapung gabi)). Ibig sabihin hindi maari na pabayaan ito nang
mahigit sa apatnapung gabi.
6. Pabayaan lumago ang balbas: ang hukom niya ang wajib (obligado)
at ang pag-ahit sa kanya ay kabilang sa malalaking kasalanan.
7. Assiwak: ito ang paggamit ng kahoy ng arak o katulad nito sa
paglilinis ng mga ngipin. Ito'y sunnah, pwede itong gawin sa kahit
anong oras, at sa tuwing wudhu', at Salah, at kapag papasok ng bahay,
at pagbabasa ng Qur-an, at paggising, at kamatayan, at kapag nag-iba
ang amoy ng bibig.
112
Ikalabing-Tatlong Aralin
Furud (Mga Obligado) ng Wudhu'
Furud ng wudhu' ay anim:
1. Paghugas ng mukha kabilang dito ang pagmumug at pagsinghot.
2. Paghugas ng kamay hanggang siko.
3. Pagpunas ng lahat ng bahagi ng ulo at kabilang dito ang tainga.
4. Paghugas ng paa hanggang bukong-bukong.
5. Pagkasunod-sunod
6. Almuwalah (tuloy-tuloy)
Mustahab (mainam) na ulitin ang paghugas ng mukha, at kamay, at paa
ng tatlong beses, ganuon din ang pagmumug at pagsinghot, ngunit ang fard
(obligado) ay isang beses lamang. Ang pagpunas naman ng ulo; hindi
mustahab (mainam) ang ulitin ito, katulad ng pagkakatukoy sa mga hadith.
Ibig ipahiwatig ng Almuwalah:
Ito'y ang hinding pagpapatagal ng nagsasagawa ng wudhu' sa
paghugas ng parte ng katawan hanggang sa ang parteng nahugasan ay natuyo.
IkaLABING-TATLONG Aralin
113
Ikalabing-Apat na Aralin
Nawaqid (mga nakakasira) ng Wudhu'
Nawaqid ng wudhu' ay anim:
1. Ang mga lumabas sa dalawang labasan.
2. Ang lumabas na najis (dumi) mula sa katawan.
3. Pagkawala ng pag-iisip o ulirat sanhi ng pagkatulog o iba pa.
4. Paghawak sa maselang bahagi gamit ang kamay,sa uhanan man
ito o sa likod nang walang anumang sapin.
5. Pagkain ng karne ng kamelyo.
6. Pagtalikod sa pananampalatayang Islam.
Importanteng Paalaala:
Ang paghugas ng patay: Ang tama hindi ito kabilang sa nakakasira
ng wudhu, ito ang ulat ng karamihan ng ating Maaalam dahil sa walang
dalil (katibayan) patungkol dito. Ngunit kapag nahawakan ng naglilinis
ang maselang parte ng namatay ng walang anumang sapin magiging wajib
sa kanya ang wudhu'. At ang wajib sa kanya ay ang hinding paghawak sa
maselang bahagi ng namatay liban na mayroong sapin.
At ganuon din ang paghawak sa babae, hindi ito nakakasira ng
wudhu. Ito man ay hinawakan niya nang may pagnanasa o wala; ayon sa
pinakatamang ulat ng ating Maaalam, nang walang lumalabas sa kanya na
kahit ano. Dahil ang propeta hinahalikan niya ang kanyang asawa, at
pagkatapos ay magsasagawa siya ng salah nang hindi nagsasagawa ng
panibagong wudhu'.
Datapwat sa salita ng Allah subhaanah : ((aw laamastumun nisaa')),
ang ibig ipahiwatig dito'y Aljima' (pakikipagtalik) ayon sa pinakatamang
ulat ng ating Maaalam, at ito din ang salita ni Ibn Abbas radiyallahu anhu,
at mga grupo ng mga Ulama' mula sa unang panahon at sa kasalukuyan.
IkaLABING-APAT NA Aralin
114
Ikalabing-Apat na Aralin
Pagpapaliwanag sa ibang mga nakakasira:
- (Ang lumabas sa dalawang labasan) ito'y pangkalahatan, halimbawa
nito; ang ihi, tae, manni (semilya), madhiy (pre-cum), wadiy
(malagkit na likido na sumama sa ihi), hangin, kahoy, dugo, uod,
hayd, nifas.
- (Ang lumabas na najis (dumi) mula sa katawan) ang raajih
(pinakatama), hindi ito kabilang sa naqid (nakakasira) ng wudhu'
liban na lamang kung ito'y kabilang sa klase ng ihi o tae.
- (Pagkawala ng pag-iisip sanhi ng pagkatulog o iba pa) ang pagtulog
ay hindi mismo ang naqid (nakakasira) liban na malamang may
lumabas na hangin, kapag alam niya sa sarili niya na walang lumabas
na kahit ano hindi ito maituturing na naqid.
- (Paghawak sa maselang bahagi gamit ang kamay, sa unahan man ito
o sa likod nang walang anumang sapin) rajjaha (mas pinili) ni Shiekh
Islam Ibn Taymiyyah rahimahullah na mustahab (mainam) na
magsagawa ng wudhu at hindi wajib (obligado).
115
Ikalabing-Apat na Aralin
Buod ng pamamaraan ng Wudhu'
at paglalarawan nito:
- Kapag nag-intensyon na magsasagwa ng wudhu', isinabatas na magsabi ng
((bismillah)).
- Pagkatapos ay hugasan ang kamay ng tatlong beses, bubuhusan niya ang
tubig ang kanyang kamay.
- Pagkatapos ay kukuha ng tubig gamit ang kanang kamay at magmumug,
pagkatapos ay sisinghot ng tubig at ito din ay ilalabas, uulitin ito nang
tatlong beses.
- Pagkatapos ay hugasan ang mukha ng tatlong beses, ang kabuohan ng
mukha ay mula sa tubuan ng buhok sa ulo hanggang sa balbas, at sa
pagitang ng dalawang tainga.
- Pagkatapos ay hugasan ang kamay hanggang siko ng tatlong beses, kanang
kamay ang mauuna pagkatapos ay kaliwa.
- Pagkatapos ay punasan ang ulo, dadaan mula sa ulunan hanggang batok
pagkatapos ay ibalik.
- Pagkatapos ay ipasok ang hintuturo sa tainga at punasan.
- Pagkatapos ay hugasan ang paa hanggang bukong-bukong nang tatlong
beses. [pakitingnan lamang ang mga larawan]
116
Ikalabing-Apat na Aralin
117
Ikalabing-Apat na Aralin
- Pagkatapos maisagawa ang wudhu' kanyang sasambitin: ((Ash-hadu an la
ilaha illa Allah wahdahu la shareeka la, wa ash-hadu anna
Muhammadan abduhu wa rasuluhu)) at sa ulat ni Imam Tirmidhiy:
((Allahummaj alniy minat tawwabiina waj-alniy minal mutatahhiriin)).
Hukom (o hatol) sa anumang idadagdag sa mga isinabatas
Hindi maari na magdagdag sa anumang isinabatas patungkol sa wudhu, tulad
na lamang nang lagpas sa tatlo ang paghuhugas, o ang paghugas lagpas sa
siko, o lagpas ng bukong-bukong, o ang pagpunas ng batok.
118
Ikalabing-Apat na Aralin
Una: At-tahara (Paglilinis)
At-tayammum:
Ito ang pamalit sa paglilinis gamit ang tubig, kapag mayroong dahilan para
hindi magamit ang tubig sa katawan o sa ibang mga parte nito dahil sa kawalan
ng tubig o takot na makasama ang paggamit nito, papalitan ng lupa ang
paggamit ng tubig.
Pamamaraan ng Tayammum
Magsasagawa ng niyah (intensyon) ng tayammum, pagkatapos ay sabihin ang
((bismillah)), pagkatapos ay ihampas ang kamay sa lupa ng isang beses,
pagkatapos ay ipunas sa mukha at kamay.
Iba pang usapin na mayroong
kaugnayan sa Arkan ng Islam
119
Ikalabing-Apat na Aralin
Hindi na isinabatas na paghiwalayin ang mga kamay habang inihamapas ang
kamay sa lupa, kahit ang pagpunas sa mga daliri habang pinupunasan ang
kamay.
Pamamaraan ng Obligadong Pagligo (Ghusl)
Magsagawa ng niyah ng pagligo at pag-aaalis ng janaabah, pagkatapos ay
sabihin ang ((bismillah)), buhusan ang buong katawan pati ang kailaliman ng
buhok – makapal man ito o manipis - sa pamamagitan ng tubig, kasama na
ang pagmumug at pagsinghot.
Ang Sunnah sa Pagligo
Hugasan ang maselang bahagi, pagkatapos ang kamay, pagkatapos ay
magsagawa ng wudhu' para sa Salah, pagkatapos ay basain ang buhok sa ulo,
pagkatapos ay hugasan ang kanang bahagi ng katawan pagkatapos ang kaliwa,
pagkatapos ay hugasan ang paa.
Ang mga dahilan upang maging obligado ang Pagligo
1. Aljanaabah: ito'y kapag may lumabas na semilya sa pagtatalik man o
iba pang kadahilanan.
2. Paglabas ng dugo ng hayd o nifas.
3. Pagkamatay liban sa shaheed (namatay sa pakikipagdigma).
4. Kapag nagmuslim ang isang hindi nanampalataya.
120
Ikalabing-Apat na Aralin
Kondisyon sa Pagpunas ng Khuf
Dapat ang pagpunas ay naayon sa tinakdang oras; ito'y isang araw (24 oras) para
sa mga mamamayan (nakatira), at tatlong araw para sa mga naglalakbay (72
oras). Magsisimula sa unang punas pagkatapos ng hadath.
Dapat ang Khuf (isinusuot sa paa
na gawa sa leather) o medyas ay
malinis.
Dapat ay isinuot na nasa taharah o
nahugasan ang mga paa ng tubig sa
wudhu'.
Dapat ang pagpunas ay para sa
hadath asgar hindi para sa
janaabah o anumang obligado ang
pagligo.
Dapat ay matakpan paa
Pamaaraan ng pagpunas ng Khuf
Ang daanan lamang ng mga unahang daliri ang paa hanggang bukongbukong,
ibig sabihin ang pupunasan ang harapan ng khuf, at pupunasan ng
dalawang kamay ang dalawang paa na magkasabay, ibig sabihin ang kanang
kamay pupunasan ang kanang paa at ang kaliwang kamay ay pupunasan ang
kaliwang paa nang magkasabay; katulad sa pagpunas ng tainga, dahil ito ang
sunnah.
Mga katanungan patungkol sa pagpunas
1. Kapag natapos na ang oras ng pagpunas at inalis na ang pinunasan,
mananatili ang taharah at hindi ito nasira.
2. Maaring punasan ang mga khuf at medyas na mayroong mga butas, o
ang anumang makita ang balat dahil sa nipis nito.
121
Ikalabing-Apat na Aralin
Mga Kaugalian sa Paggamit ng Palikuran
Mustahab (mainam o kanais-nais):
- Kapag papasok sa palikuran: mauuna ang kaliwang paa at kanyang
sasabihin: ((Bismillah, Allahumma inniy audho bika minal khubthi wal
kabaaith)).
- At kapag lalabas naman uunahin ang kanang paa at sasabihin:
((gufranaaka)).
Hindi maari para sa kanya:
- Ang pagdumi sa daan, sa lugar na inuupuan ng mga tao, sa ilalim ng
punongkahoy, sa lugar na makakapinsala sa tao, at sa tubig na hindi
umaagos.
- Ang humarap sa qiblah o tumalikod habang siya ay dumudumi o umiihi.
- Ang hawakan ang kanyang ari ng kanyang kanang kamay.
- Ang magdhikr sa Allah.
Kapag siya'y dudumi kanyang gagamitin ang tubig bilang panglinis (istinja)
o istijmaar (gamit ang bato o katulad nito), at ang kondisyon ng istijmaar:
- Dapat ay tatlong punas o higit pa, hindi maaari na gamiting pamunas ang
nagamit na.
- Dapat nakakalinis, at malalaman kung nakakalinis ito; gamitin ang bato o
tissue na tuyo.
- Hindi maaari ang istijmaar ng anumang madumi, o anumang
pinapahalagahan katulad ng pagkain, at hindi ang buto o dumi.
Maaaring umihi ng nakatayo sa kondisyon na sigurado itong walang tatalsik
na ihi sa kanyang katawan o damit at hindi lalabas o makikita ang kanyang
awrah: ((dumating ang propeta sa isang pamayanan at umihi siya ng nakatayo
– tulad ng kanyang pagkakasabi)). muttafaq alayhi
122
Ikalabing-Apat na Aralin
1) Ilan ang kondisyon ng wudhu'?
O 9 O 10 O 8
2) Ang furud ng wudhu':
O apat na bahagi ng katawan
O ang mga nauna kasama ang pagkasunod-sunod at almuwalah
3) Ilan ang nawaqid ng wudhu?
O 6 O 5 O 8
4) Ano-ano ang naqid ng wudhu' sa mga nasambit:
O karne ng kamelyo O ingay ng tiyan O utot
O pagkahilo O paghugas ng patay O paghawak sa babae
5) Paano ang pamamaraan ng tayammum:
6) Paano ang pamamaraan ng pagligo:
Mga Katanungan sa
Taharah
123
Ikalabing-Apat na Aralin
7) Ibigay ang hukom ng bawat mas-alah (pangyayari) sa ibaba:
Mas-alah (sitwasyon) Hukom
Pagpapalakas ng intensyon
Nag-intensyon ng wudhu' para sa isang Salah
pagkatapos ay nagsagawa ng Salah ng mas
marami pa rito.
Nagsagawa ng wudhu' para sa pagbasa ng Quran
pagkatapos ay nagsagawa ng Salah
Pagsira ng intensyon sa kalagitnaan ng wudhu'
Pagsira ng intensyon pagkatapos ng wudhu'
Nagsagawa ng wudhu' habang sa kanyang
bukong-bukong ay masa (dough)
Nagsagawa ng wudhu' habang kumakain ng
laman ng kamelyo
Nagsagawa ng wudhu' gamit ang tubig na
ninanakaw
Nagsagawa ng wudhu bago ang istinja' wa
istijmar
Pagkuha ng bagong tubig para punasan ang
taynga
Pagpunas ng ulo nang tatlong beses
Pagsasagawa ng wudhu' nang paulit-ulit
Ang pagsasagawa ng tatlong ulit
Paghugas ng khuff sa wudhu'
Takhlil ng balbas
Paghilod sa wudhu'
Pagpunas sa bahagi na obligadong hugasan
Paghugas ng ulo
Pagpasok ng kamay sa lalagyan ng tubig
Pagpapa-una ng kanan sa wudhu'
Pagdagdag ng higit sa tatlo sa paghugas
Paghugas ng bukong-bukong
Pagsasagawa ng Salah pagkatapos lumango ng
alak
Pagsasagawa ng Salah pagkatapos maligo nang
hindi nagsasagawa ng wudhu
Ikalabing-Apat na Aralin
124
Pangalawa: Az-zakah (Kawang-Gawa)
Ito'y nahahati sa dalawa:
Zakah ng pera o yaman
Ito ang pangatlong rukon (haligi)
mula sa mga haligi ng Islam, at ito'y
wajib (obligado) sa bawat Muslim na
malaya, nagmamay-ari, nasaban
(umabot na sa timbangan), at walang
zakah hanggang sa umabot sa kanya
ang hawl (isang buong taon) liban sa
mga mula sa ilalim ng kalupaan at
anumang sumunod sa orihinal nito
katulad ng dagdag sa nisab o kita sa
kalakalan dahil ang hawl nito'y
kasama sa orihinal nila. Ito naman ay
nahati sa apat:
Zakah ng katawan
Ito ang zakatul fitr, obligado sa
bawat muslim na matanda o bata,
lalaki o babae, alipin o malaya.
Urudh
Atijaarah
Ito'y kabilang sa
pagbenta at
pagbili.
Assaimatu mula
sa bahimatul
an-am
Ito ang pag-aalaga
ng hayop na halal;
isang buong taon
o mas higit pa.
Ibig ipahiwatig ng
bahimatul an-am :
Kamelyo, baka at
tupa (kambing).
Ang
inilabas ng
kalupaan
(Produkto ng
Lupa)
Ito ang mga
bunga at
prutas
An-naqdayn
Ginto at pilak
kasama na rito
ang mga salapi
at iba na
kasingkahulugan
nito.
Nisab ng ginto
ay 20 mithqal
(85 gramo) at
nisab ng pilak
ay 200 dirham
(595 gramo)
Ikalabing-Apat na Aralin
125
Ang mga Makakatanggap ng Zakah
1. Ang mga faqir: sila yaong mga nangangailangan na walang mahanap
na kahit ano o mayroong mahanap ngunit hindi sapat.
2. Ang mga miskin: sila yaong mayroon maitugon ng higit o kalahati
ng kanilang pangangailangan. Kung ilalagay natin ang
pangangailangan sa isang taon ay 12000; para sa faqir hindi aabot sa
6000 ang mayroon siya sa loob ng isang taon o wala talaga sa kanya
kahit ano, ang miskin naman mayroon siyang 6000 sa isang taon o
mas marami pa hindi lamang aabot sa 1200. Ibibigay natin sa faqir at
miskin anuman ang kanyang pangangailangan sa isang taon dahil ang
Zakah ay sa loob ng isang hawl.
3. Ang mga naglilingkod sa pagtitipon ng Zakah: sila yaong mga
nagtitipon o nangangalap nito at nangangalaga at binigyan ng
karapatan sa pagbahagi. Ang wali amr ang magbibigay sa kanila ng
kapangyarihan, at hindi kondisyon na sila ay kabilang sa mga
mahihirap bagkus sila ay bibigyan kahit pa sila ay mayaman.
4. Ang mga mapalulubag-loob ng mga puso: sila yaong mga
hinahangad na pumasok sa Islam o tumigil ang kanilang kasamaan o
upang lumakas ang kanyang pananampalataya.
5. fi Arriqab: sila yaong:
- almukatab almuslim, siya ay isang alipin na binili ng kanyang
sarili ang kanyang kalayaan.
- Ang pagpapalaya sa mga aliping muslim.
- Muslim na bihag ng kalaban.
- At hindi kabilang ang pinalaya ng kanyang amo pagkatapos ay
kukuha ng pera sa zakah, hindi ito maaring gawin.
6. Algharimun (may pagkakautang): sila yaong:
- Nagkautang upang magkasundo ang dalawang panig na
magkaaway.
- walang kakayahang bayaran ang kanyang pagakakautang.
- Hindi magiging sapat na mawala ang responsibilidad ng isang
mahirap na may utang sa intensyon ng zakah.
Ikalabing-Apat na Aralin
126
7. Pakikibaka alang-alang sa Allah: tinutukoy dito ang
pakikipagdigma kasama na ang mga pangangailangan mula sa mga
armas at iba pa.
8. Ibn Assabil: Ito yaong naglalakbay at naubusan ng panggastos,
bibigyan siya ng panustus upang makabalik siya sa kanyang lugar.
Maaaring ibigay sa isa man sa kanila, at hindi maaaring ibigay ang zakah sa
isang mayaman o sa isang malakas na may kakayahang maghanapbuhay, at
hindi rin sa pamilya ni Muhammad; sila ang angkan ni Hashim, at hindi rin
sa sinuman na obligado sa kanya na tustusan ang pangangailangan nito, at
hindi rin sa isang kaafir. Ngunit ang sadaqah tatawwu' maari itong ibigay sa
kanila at sa iba pa, ngunit kung saan mas malaki ang kabutihan -
pangkalahatan man o natatangi – ito ang pinakamainan o kumpleto.
Mga importanteng kahulugan
Bint makhadin mula sa lahi ng kamelyo, ang gulang ay isang taon,
tinawag nang ganito dahil ang kanyang ina ay buntis.
Bint labun mula din sa lahi ng kamelyo, ang gulang ay dalawang
taon, tinawag nang ganito dahil ang kanyang ina ay may gatas.
Alhiqqah mula din sa lahi ng kamelyo, ang gulang ay tatlong taon.
Aljada-'ah mula din sa lahi ng kamelyo, ang gulang nito'y apat na
taon.
Attabii' o Attabiah mula sa lahi ng baka, ang gulang nito'y isang taon.
Almusinnah mula din sa lahi ng baka, ang gulang nito'y dalawang
taon.
Ikalabing-Apat na Aralin
127
Amwal (yaman) Alhawl Annisab Porsyento ng Zakah
tingnan ang talaan
pagkatapos
tingnan ang
talaan pagkatapos
kabilang sa
kondisyon
Assaimah mula sa
bahimatul an-am
pinatutubigan ng ulan o
ilog 10%
300 saa'
hindi
kondisyon
Ang inilabas ng
kalupaan
(produkto ng
lupa)
pinatutubigan ng
Annadh (patubig)
1/2 (10%)
pinatutubigan ng
dalawa sa kanila
3/4 (10%)
1/4 (10%)
85 gramo kung
Ginto at 595
gramo kung ito'y
Pilak
kabilang sa
kondisyon
Al-athman
1/4 (10%)
Titimbangin sa
pinakamainam
para sa mga
mahihirap mula
sa ginto o pilak
kabilang sa
kondisyon
Urudh Attijarah
Mga Halaga ng Zakah
Ikalabing-Apat na Aralin