Unang Aralin
(2) (Maa aghnaa anhu maaluhu) Hindi naging kapaki-pakinabang sa kanya
ang kanyang kayamanan, bagkus ito ang naging dahilan upang maging
mapagmalabis, at kahit ang kanyang (wa maa kasab) kinitang kayamanan,
kung kaya kailanman ay walang magagawa ang mga ito sa kanya upang siya
ay iligtas mula sa kaparusahan ng Allâh kapag ito'y dumating na sa kanya.
(3-5) (Sayaslaa naarann dhaata lahab) Ibig sabihin: papalibutan sila ng
Apoy, walang pag-aalinlangan, siya ay papapasukin sa naglalagablab na Apoy
(Wamra atuhuu Hamm maalatal hatab) at gayundin ang kanyang asawa, na
naging matindi ang pamiminsala sa Sugo ng Allâh na si Propeta Muhammad,
at silang dalawang mag-asawa ay nagtulungan sa kasamaan at pamiminsala,
at paghahasik ng kasamaan, at lahat ng bagay na makakasakit sa Propeta
Muhammad ay kanilang ginawa, dahil dito titipunin ang mga kasalanang ito
at ipapatong sa kanyang likod na katulad sa tinipong kahoy para gawing
panggatong, at hinanda ng Allah ang magaspang na lubid na ipapalupot sa
kanyang leeg na mula sa (mimm masad) hibla ng puno ng palmera, iniaangat
siya sa pamamagitan nito sa Impiyernong-Apoy, pagkatapos ay ihahagis siya
tungo sa kaila-ilaliman nito.
Sa kabanatang ito ating matutunghayan ang ilang sa dakilang himala
ng Allah, at tunay na ang Allah ay Kanyang pinayahag ang Surah na ito kay
Abu Lahb at sa kanyang asawa noong sila ay nabubuhay pa. At pinayahag ng
Allah na silang dalawa ay dapat parusahan sa Impiyerno, ngunit hindi sila
naniwala sa Kaisahan ng Allah, kaya naman tunay na nagyari ang balitang
pinayahayag ng Allah subhanahu wa taala.
***
[Ang kapaliwanagan ng Surah Al-Ikhlaas]
At ito'y Makiyyah
Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain
1. Qul huwAllaahu ahad 2. Allaahus Samad 3. Lam yalid wa lam
yuulad 4. Wa lam yakul lahuu kufuwan ahad
32
Unang Aralin
(1) Ibig sabihin: (Qul) Sabihin mo, O Muhammad nang mayroon katiyakan at
paniniwala at kaalaman sa kanyang kahulugan, na ang Allah (huwallaahu
ahad) Nag-iisa at Bukod-Tangi sa kaganapan, na nagtataglay ng
magagandang pangalan at nagtataglay ng Kataas-Taasan at ganap na
katangian at nagtataglay ng banal na Gawain na walang kapantay at katulad.
(2) (Allaahus samad) Ibig sabihin: ang Bukod-Tangi na inaasahan ng
Kanyang mga nilikha sa lahat ng kanilang pangangailangan, ang lahat ng
nilalang sa kalangitan at kalupaan ay lubos na nangangailangan sa Kanya, at
humingi lamang sila sa Kanya sa lahat ng kanilang pangangailangan, dahil
siya ang lubos na ganap sa Kanyang mga katangian, ang lubos na nakakaalam,
ang lubos na mapagpahintulot, ang lubos na mahabagin na kung saan ang
kanyang habag ay sumasaklaw sa lahat ng bagay ... lahat ng Kanyang
katangian ay lubos na ganap at perpekto.
(3) At kabilang sa kanyang pagiging ganap, siya ay (Lam yalid wa lam
yuulad) kailanman ay hindi Siya nagsilang at kailanman ay hindi Siya
nagkaroon ng anak, at kailanman ay hindi Siya isinilang o ipinanganak dahil
hindi niya ito kailangan.
(4) (Wa lam yakul lahuu kufuwan ahad) at kailanman ay walang
maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian
at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.
Ang kabanatang ito'y tumutukoy na ang Allah ay Nag-iisa at Bukod-
Tangi na nagtataglay ng magagandang pangalan at ng Kataas-Taasan at ganap
na katangian sa Kaisahan ng Allah.
***
[Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Falaq]
At ito'y Makiyyah
33
Unang Aralin
Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain
1. Qul a uu’dhu bi rabbil falaq 2. Minn sharri maa khalaq 3. Wa
minn sharri ghaasiqin idhaa waqab 4. Wa minn sharrinn naffaa thaa
ti fil uqad 5. Wa minn sharri haasidin idhaa hasad
(1) Ibig sabihin: (Qul) Sabihin mo, O Muhammad: Nagpapakupkop ako:
(Auudhu): hinihingi ko ang kalinga at proteksyon ng Allah, (rabbil falaq) na
Rabb ng Falaq, na ito'y pagbubukang-liwayway.
(2) (Minn sharri maa khalaq) Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha mula sa
mga tao at jinn at mga hayop, dahil dito nagpapakupkop sa Lumikha ng mga
nilalang na ito mula mga kapinsalaan na maidudulot nito.
(3) (Wa minn sharri ghaasiqin idhaa waqab): At mula sa kasamaan na
nangyayari sa gabi kapag natatakpan na ang mga tao ng matinding kadiliman
nito. At kapag kumalat na sa gabi ang maraming masamang kaluluwa at
makapipinsalang mga hayop.
(4) (Wa minn sharrinn naffaa thaa ti fil uqad) Ibig sabihin: Mula sa mga
kasamaan ng mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na
hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito'y kanilang
pinagbubuhul-buhol bilang pangkukulam.
(5) (Wa minn sharri haasidin idhaa hasad): Ang “Hasid” ay ang mainggitin
kapag kinapopootan na niya ang mga tao dahil sa mga biyayang ipinagkaloob
ng Allâh sa kanila, na kapag siya ay naiinggit ay nais niyang mawala ito sa
kanila. Kaya naman lahat ng bagay na maari na maging dahilan upang mawala
ang biyayang ito mula sa taong kinaiinggitan niya. Kaya nararapat na humungi
tayo ng pagpapakupkop sa Allah at kanyang kalinga mula sa kasamaan ng
maiinggitin, at kabilang rin sa mga bunga na pagkainggit ay ang “A’yn” o ang
Usog , dahil hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa inggit ng isang
masamang maiinggitin.
Napapaloob sa kabanatang ito ang pagpapakupkop mula sa lahat ng
uri ng kasamaan, at ito rin ay tumutukoy na ang “Sihr” o karunungang-itim ay
may katotohanan na dapat natin katakutan at humingi ng kalinga at
pagpapakupkop sa Allah mula rito at sa mga nagsasagawa nito.
34
Unang Aralin
***
[Ang Kapaliwanagan ng Surah An-Nâs]
At ito'y Makiyyah
Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain
1. Qul a uu’dhu bi rabbinn naas 2. Malikinn naas 3. Ilaahinn naas
4. Minn sharril waswaasil khann naas 5. Alladhii yuwaswisu fii
suduurinn naas 6. Minal jinn nati wann naas
(1-6) Napapaloob sa kabanatang ito ang paghingi ng pagpapakupkop at
pagkalinga sa Panginoon ng mga tao, ang nagmamay-ari sa kanila, ang
sinasamba nila, laban sa mga Shaytan o Demonyo, na siya ang pinagmulan ng
lahat ng kasamaan, at mula sa kanyang kapinsalaan at kasamaan ay
(yuwaswisu fii suduurinn naas) Na siya ang nambubuyo ng kasamaan at
naglalagay ng pag-aalinlangan sa mga dibdib ng mga tao; ginawa niyang
mabuti para sa mga tao ang masama, at pinapakita sa kanila na para bagang
mabuting larawan, at ipinapagawa ang kasalanang ito sa mga tao, at nilalayo
sila sa paggawa ng kabutihan, at pinapakita sa kanila na ito'y kasamaan. Ang
Shaytan ay palaging na sa ganitong kalagayan, siya'y naglalagay ng pagaalinlangan
sa mga dibdib ng mga tao at pagkatapos ay nambubuyo sa oras ng
pagkalimot ng tao sa pagkakaalaala sa Allâh at naglalaho kapag naalaala ang
Allâh at kapag humingi ito ng tulong sa Allah ng pagkalinga. Marapat lamang
na humingi ang isang tao ng tulong at pagkupkop at pagkalinga sa
pamamagitan ng Pagkapanginoon ng Allah sa lahat ng Tao, at lahat ng
nilalang ay nasa ilalim ng pangangalaga at paghahari ng Allah, sa
pamamagitan ng pagka-Diyos ng Allah na siyang sinasamaba, na ito ang
layunin kung bakit nilikha ang mga nilalang, at hindi ito magiging ganap para
sa mga tao maliban na lamang na labanan nila ang kalaban nilang si Shaytan
na nagnanaiis na putulin ang pagsamba ng mga nilalang sa Allah at lagyan ito
ng harang sa pagitang ng nilalang at pagsamba sa Allah, at siya'y nagnanais
na ilagay ang mga nilalang sa kanyang hanay o pangkat upang mapabilang sa
mga taga impiyerno. At ang waswas o pambubuyo ay maaaring magmula sa
35
Unang Aralin
isang Jinn o isang tao, kaya naman sinabi ng Allah: (Minal jinn nati wann
naas) Mula sa mga shaytân na nagmula sa lahi ng jinn at mula sa lahi ng mga
tao.
Ang lahat ng Papuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga
nilalang, hingin natin mula sa Kanya ang Kanyang biyaya at patawarin tayo
sa ating mga kasalanan na naging dahilan upang maharang ang maraming
pagpapala ng Allah sa atin. At patawarin tayo sa ating pagkakamali at mga
masamang pagnanais na siya ang dahilan ng pagkawala ng ating mga puso sa
pagnilay-nilay sa mga palatandaan ng Allah, at ating inaasam at hinangad na
huwag ilayo ng Allah sa atin ang kanyang kabutihan ng dahil sa mga
kasamaan natin, tunay na ang mga nawalan ng pag-asa sa kapatawaran ng
Allah ay silang mga di-mananampalataya, at ang mga nawalan ng pag-asa na
makamit ang habag ng Allah ay silang mga naligaw. At ang pagpapala at
pagbati ng Allahu taala ay mapasakay Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa
sallam at gayun din sa lahat ng kanyang pamilya at mga kasamahan. Ang lahat
ng Papuri ay sa Allah lamang, na sa pamamagitan na kanyang biyaya ay
nagaganap ang mga kabutihan.
*********
36
Unang Aralin
1) Sino ang may-akda ng Ang mahahalagang mga Aralin para sa
pangkaraniwang Muslim?
Ο AbdulAzeez bn Baz
Ο Muhammad bn Uthaymeen
Ο Haytham Sarhan
2) Bakit natin kailangan itong pag – aaralan?
O dahil ito'y mahalaga
O dahil ang mga Ulama' ay nagbigay ng payo na pag-aralan ito
O dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang usapin na kailangan
ng isang Muslim
O lahat ng nabanggit
3) Napapaloob sa aklat na ito ang sumusunod:
O kalagayan ng Muslim sa Qur-an at Tawheed
O Salah at Wudhu'
O mabuting pag-uugali
O ang babala mula sa pagsuway
O lahat ng nabanggit
4) Marapat na magsimula ang isang Muslim sa pagbabasa, pagsa-ulo at
pag-aaral ng:
O Surah Al-Alaq O Surah Al-Fatiha O Surah Al-Ikhlas
5) Nahahati ang tao sa pag-aaral ng Qur-an at pagsabuhay nito sa tatlong
pangkat.
O Tama O Mali
6) Aling aklat ng tafseer o pagpapaliwanag sa Qur-an marapat na
magsimula ang isang mag-aaral sa:
O Ibn Katheer O Ibn Sa'diy O Alqurtubiy
7) Magsisimula ang isang mag-aaral sa mga maiigsing aklat bago sa mga
mga malalalim na aklat.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa
Panimula at Tafseer
37
Unang Aralin
8) Magsisimula ang mag-aaral sa pagbabasa ng mga aklat ng tafseer sa
surah nagugustuhan niya itong ipagpatuloy at laging inuulit katulad ng
surah: Al-qasas, Maryam at Al-kahfa.
O Tama O Mali
9) Maari para sa isang mag-aaral na makinig sa mga palatuntunan
nagpapaliwanag ng tafseer ng Qur-an sa radio.
O Tama O Mali
10) Nagbabala ang Propeta sallallahu alayhi wassalam sa mga sinumang
nagbabasa ng Qur-an ngunit hindi nila sinasapuso ang mga kahulugan
nito.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Fatiha
11) Tinawag ang surah na ito surah Al-fatiha dahil ito'y nababakuran ng
mga bakod, hindi maaring makalabas ang anumang bagay at hindi rin
makakapasok dito ang anumang bagay.
O Tama O Mali
12) Tinawag na surah Al-Fatiha dahil:
………
13) Mula sa mga pangalan ng Surah Al-fatiha:
O Ummul Qur-an
O Assaba' Almathaniy
O Arruqyah
O Assalah
O lahat ng nabanggit
14) Ang pagpapakupkop sa Allah ay isang wajib bago tayo magsimulang
magbasa ng Qur-an, bakit ito wajib kung ito naman ay pagsamba at hindi
kasalanan:
……………
38
Unang Aralin
15) Ano ang kahulugan ng "Audhu"?
……………
16) Bakit tinawag na "rajeem" ang Shaytan?
O dahil isa siya'ng marjoom o malayo sa habag ng Allah
O dahil binabato siya sa pamamagitan ng shubb o bulalakaw
O dahil binabato niya ang mga tao sa pamamagitan ng shahawat at
shubuhat
O lahat ng nabaggit
17) Sino ang Allah?
O Siya ang Mahal at dakilang sinasamba
O walang ni isang nagpangalan ng pangalan na ito maliban sa kanya
O ito ang pinakadakilang pangalan ng Allah
O lahat ng nabanggit
18) Ano ang pinagka-iba ng "Arrahman" sa "Arraheem"?
……
19) Ang pangangalaga ng Allah sa mga nilalang ay dalawang uri:
O pangkalahatan o pangbukod-tangi
O walang takda at may takda
20) Ang pinakalaging ginagamit ng mga Propeta sa kanilang panalangin sa
pamamagitan ng salitang:
O Allahumma O Arrabb
21) Ang "yawmud diin" ay:
O yawmul qiyaamah
O ang araw ng pagbibigay ng kabayaran sa lahat ng ginawa
O lahat ng nabanggit
22) (Ihdinas siraatal mustaqiim) ito'y kabilang sa mga dua at
kapakipakinabang sa isang tao.
O Tama O Mali
39
Unang Aralin
23) Ang salitang "diin" ang maaaring kahulugan nito'y:
O gantimpala
O gawain
O minsan gantimpala at minsan gawain
24) Bakit nauna ang salitang ibadah kaysa sa isti-anah?
O dahil ito'y salitang pangkalahatan
O dahil ito'y karapatan ng Allah sa kanyang mga alipin
O lahat ng nabanggit
25) Anong dahilan bakit ginamit sa ayah na ito "iyyakana' budu"; ang
pantukoy na pangmaramihan?
……
26) Ang salitang ibadah ay:
O salitang pangkalahatan sa lahat ng kinalugdan at minamahal ng Allah
na mga pananalita at mga gawain hayagan man o panloob
O Ang pagsuko sa Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang utos
at pag-iwas sa kanyang mga pinagbabawal dahil sa kanyang
pagmamahal sa Allah at pagdadakila sa kanya
O maari ang dalawang nabanggit
27) Ang hidayah o gabay na nabanggit sa ayah na ito (ihdina) ay:
O gabay na pagtuturo at pagtutukoy
O gabay na pagsang-ayon sa Allah
O lahat ng nabanggit
28) Ang tinutukoy sa ayah na ito (siraatal ladhiina an amta alayhim) ay:
O lahat ng sumasampalataya sa ummah na ito
O sinuman ang nabiyayaan ng Allah mula sa mga propeta at mga
siddiqin at mga shuhada' at mga saliheen
29) Naglalaman ang ayah na ito (iyyakana' budu wa iyyakanas taiin) ang
pagsasama ng "batas" at "qadar".
O Tama O Mali
30) Alin sa mga sumusunod ang napapaloob sa kanya ang mga hindi
napapaloob sa ibang surah sa loob ng Qur-an?
O Surah Al-Fatiha O Ayah Al-Kursiy O Surah Al-Ikhlas
40
Unang Aralin
31) Napapaloob sa ayah na ito (ihdinas siraata):
O ang pagpapatunay sa pagkapropeta
O tugon sa lahat ng mga ahlul bid-ah at mga naligaw
O ang gantimpala ay sa gawain lamang
O lahat ng nabanggit
32) Napapaloob sa ayah na ito (maaliki yawmid diin)
O ang gantimpalang makatarungan
O ang tao siya ang gumagawa ng kanyang gawain
O ang gantimpala ay sa gawaing lamang
O lahat ng nabanggit
Mga Katanungan sa Ayah Al-Kursiy
33) Tinawag na ayah Al-kursiy dahil nabanggit dito ang salitang "kursiy".
O Tama O Mali
34) Ano ang pinakadakilang ayah sa Qur-an?
O Ayah Addayn
O Ayah Alhuquq Al-ashara
O Ayah Alkursiy
35) Ang Qur-an ay dakila dahil sa magagandang kahulugan nito.
O Tama O Mali
36) Ilang pangalan ng Allah ang nabanggit sa ayah Al-kursiy?
O 5 O 6 O 7
37) Ang pangalan ng Allah na Al-Hayy ay nangangahulugan na ganap sa
kanyang:
O Sarili O Kapangyarihan
38) Ang pangalan ng Allah na Al-Qayyum ay nangangahulugan na ganap sa
kanyang:
O Sarili O Kapangyarihan
39) Ang pangalan ng Allah na Al-Hayy at Al-Qayyum ay nangangahulugan
na kaganapan ng kanyang sarili at kapangyarihan.
O Tama O Mali
40) Paulit-ulit nabanggit sa Qur-an ang pagsasama ng pangalan ng Allah na
Al-Hayy at Al-Qayyum sa ilang lugar?
O 3 O 4 O 2
41
Unang Aralin
41) Nararapat na ang mga katangian na hindi pinagtibay ng Allah sa
kanyang sarili ay iwaksi at hindi tanggapin, ganoon din sa mga hindi
pinagtibay ng Propeta sallallahu alayhi wasallam sa Allah, ngunit
marapat ipagtibay ang kabaliktaran ng mga katangian hindi pinagtibay
ng Allah sa kanyang sarili; halimbawa: winaksi ng Allah para sa kanyang
sarili ang katangian "pagtulog" nangangahulugan ang Allah ay walang
haggang buhay at lakas.
O Tama O Mali
42) Hindi papahintulutan ng Allah ang sinuman na mamagitan maliban sa
sinumang kanyang pinili at kinalugdan at sila ang mga:
O nasa tawheed
O pagsunod sa Propeta
O lahat ng nabanggit
43) Ang mga bagay na pinapakita ng Allah mula sa mga batas at tadhana
ay:
O Kakaunti O Marami
44) Ang ayah na ito (ya'lamu maa bayna aydiihim) ay ang kaalaman ng Allah
na sumasaklaw sa mga nangyayari at mangyayari pa lamang at ang ayah
(wa ma khalfahum) ay sumasaklaw sa mga nangyari na.
O Tama O Mali
45) Ano ang kahulugan ng pangalang ng Allah na Al-Aliy kataas-taasan:
O ang kataas-taasan ng kanyang sarili
O kataas-taasan ng kanyang katangian
O nasa ibabaw ng kanyang mga nilikha
O lahat ng nabanggit
46) Sinuman ang basahin niya sa gabi ang ayah na ito, ay mananatili siyang
nasa pangangalaga ng Allah, at hindi makakalapit ang Shaytan sa
kanya hanggang sa umaga, at ito?
O ang huling mga ayah mula sa surah Al-baqarah
O Ayah Al-kursiy
47) Binabasa ang ayah Al-kursiy:
O pagkatapos ng mga obligadong Salah
O sa tuwing matutulog
O sa umaga at gabi
O lahat ng nabanggit
42
Unang Aralin
Mga Katanungan sa Surah Al-Zalzala
48) Ang surah Alzalzalah ay surah:
O Makkiyah O Madaniyyah
49) Ang surah Alzalzalah ay mayroong:
O Babala
O Panghihikayat
O nalahat ng nabanggit
50) (wa akhrajatil ardhu athqaalaha) ibig sabihin:
O bundok O mga bangkay at kayamanan
51) Ang kalupaan ay kabilang sa mga sasaksi sa alipin sa kanilang gawa.
O Tama O Mali
52) )ashtaata) ibig sabihin:
O hiwa-hiwalay na grupo
O mag-isa
Mga Katanungan sa Surah Al-Adiyat
53) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
54) Ibig sabihin ng salitan "Al-adiyat" ay:
O Ang kabayo
O lahat ng gumagalaw
O lahat ng nabaggit
55) Ang surah Al-adiyat ay mayroong babala mula sa pagpapabaya sa
mahahalagang karapatan.
O Tama O Mali
56) Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibaba:
(dabhan)
……..…
(qadhan)
…(naq-an)
….…
(lakanuud)
…
43
Unang Aralin
Mga Katanungan sa Surah Al-Qariah
57) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
58) Mula sa mga layunin ng surah al-qariah ay babala:
O sa masidhing takot sa raw ng pagbangong muli
O sa mga pagsubok sa mundo
59) Al-qariah ito'y:
O mga ayah ng pagbabanta
O yawmul qiyamah
60) Ibigay ang kahulugan ng mga salita:
(kal faraashil mabthuth)
...
(kal ihnil mann fush)
..
61) Al-mizan (Ang timbangan) na nasabi sa surah na ito'y:
O totoong timbangan
O ibig ipahiwatig ay katarungan
62) (ishatir raadiyah) ibig sabihin ay sa:
O mundo O paraiso
63) Mula sa pangalan ng Impyerno:
O Alhawiyah O jahannam O Alhutamah
O ladhaa O Assaiir O saqar
64) (naarun haamiyah) mas labis ang kanyang init kaysa sa init ng mundo
ng?
O 70% O 90% O 99%
Mga Katanungan mula sa At- Takhatur
65) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
44
Unang Aralin
66) Ang surah na ito'y mayroong:
O sa kanilang pagpapabaya sa kadahilan ng pagkalikha sa kanila
O pagbibigay ulat sa mga kalagayan ng mga tao.
67) Sa surah na ito'y ipinagbawal ang at-takathur kahit pa ito'y alang-alang
sa Allah.
O Tama O Mali
68) Salitang: paglipat sa huling hantungan:
O mayroon itong pagpapasinunganling ng araw ng pagkabuhay
O jaaiz (maaring sabihin)
69) (( hatta zurtumu)) pinangalangan silang mga bisita at hindi mga muqim
O dahil ang barzakh ay tahanan upang
O dahil lumipat sila sa kanilang tirahan sa mundo papunta sa libingan
na hindi nila pagmamay-ari.
70) Nabahagi ang Ilm (kaalaman) sa tatlo, ito ang: llmun yaqeen, aynun
yaqeen, haqqun yaqeen.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Asr
71) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
72) Ang surah Al-Asr ay mayroong dalil (katibayan) sa apat na masail. Ang
kaalaman, gawa, da'wah at sabar (pagtitiis).
O Tama O Mali
73) Saan dito ang tama na tumutukoy sa pagsumpa bukod sa Allah.
O Ang Allah ay maaring sumumpa kanino man sa kanyang nilikha
O Hindi maari na susumpa ang nilikha maliban sa Allah.
O Maaring sumumpa ang nilikha bukod sa Allah
74) Ang sabar (pagtitiis) ay nahati sa:
O 2 O 3 O 4
75) Ang surah na ito'y mayroong apat na utos; ang unang dalawa
pakukumpleto ng alipin sa kanyang sarili, at ang huling dalawa
makukumpleto ng alipin sa iba.
O Tama O Mali
45
Unang Aralin
Mga Katanungan sa Surah Al-Humazah
76) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
77) Ibig sabihin ng salitang " wayl " :
O lambak sa Impiyerno
O babala kasama dito isang lambak sa Impiyerno
78) Ang hamz ay sa pamamagitan ng salita at ang lamz ay sa pamamagitan
ng gawa.
O Tama O Mali
79) Ang ayah : ((yahsabuna anna lahu maalahu akhladah)) makukuha natin
dito na ang kabutihan at nadadagdagan sa paglipas ng edad.
O Tama O Mali
80) Ibig sabihin ng salita ng Allah: (wa ma adraka) na ang Propeta sallallahu
alayhi wassalam:
O alam niya O hindi niya alam
81) Sa salita ng Allah: (naarul muuwadah) quudun naar ibig sabihin ay :
O mga tao O mga bato O lahat ng nabanggit
82) Ibig sabihin ng salita ng Allah: (tattaliu alal af-idah)
O anumang pinaniniwalaan
O aabot ang init mula katawan hanggang manunuot sa puso
Mga Katanungan sa Surah Al-Fiyl
83) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
84) Sa surah na ito ang mahalagang kaalaman na makukuha natin, ang isang
malaking hayop takot na bigyan kapinsalaan ang bahay mula sa bahay
ng Allah, paano na kaya ang tao mas lalo na siya.
O Tama O Mali
85) Ipinanganak ang Propeta sallallahu alayhi wassalam sa taon ng:
O elephante O kalungkutan O alabok
46
Unang Aralin
86) Sa surah na ito isa sa mga irhasah nubuwwah ng Propeta sallallahu alayhi
wassalam; eto ang mga pangyayari na taliwas sa kina-ugalian ng isang
bagay nangyari bago ang kanyang pagkakasugo.
O Tama O Mali
87) Ibigay ang kahulugan ng mga salita:
(tayran abaabil)
.......
Mga Katanungan sa Surah Quraysh
88) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
89) Ang surah na ito'y mayroon kaugnayan sa surah:
O Fil O Kaafirun O Nas
90) Ang paglalakbay ng Quraysh noon sa panahon ng tag-lamig papunta ng
Shams at tag-init papunta ng Yemen.
O Tama O Mali
91) Itinangi ng Allah ang rububiyyah (pagiging rabb) sa bayt dahil sa
kanyang kadakilan at kataas-taasan bagkus siya ang panginoon ng lahat
ng bagay.
O Tama O Mali
92) (Rabba hadhal bayt) kabilang sa idafah (idinikit) nilikha sa lumikha
bilang pagdakila.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Maun
93) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
94) Ibig sabihin ng salitang "deen" sa salita ng Allah: (ara-aytalladhi yukadhdhibu
biddeen) ay:
O ang pagbangon at pagbibigay jazaa'
O ang pagpasinungalin ng mga karapatan
47
Unang Aralin
95) Ibig sabihin ng salitang "yadu'-u" ay:
O pinabayaan O itinaboy ng matindi
96) Ang yateem siya na namatay ang kanyang:
O ama O ina
97) Tinatawag ding yateem ang:
O hindi pa baaligh O kahit baligh
98) Ang sahw fis Salah karapatdapat sa kanya ang kaparusahan at walang
kapurihan ngunit at sahw an Salah ito'y nagagawa ng lahat.
O Tama O Mali
99) Hukom ng riya':
O jaaiz O makruh O muharram
O shirk asghar O shirk akbar
100) Sa surah na ito'y nagtuturo ng paggawa ng ma'ruf (kabutihan).
O Tama O Mali
101) Ang maaun sa tinutukoy sa ayah ay:
O Ang lalagyan
O lahat ng kina-ugalian na pinapalitan at ipinagpasensiya
Mga Katanungan sa Surah Al-Kawthar
102) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
103) Itinangi ng Allah ang dalawang ibadah na ito: Assalah at Pagkatay;
dahil sa kainaman ng pagsamba at pinamabuting gawain na
makakalamit sa Allah.
O Tama O Mali
104) Ibig sabihin ng " shaanika":
O kinagalit mo O nangmamaliit sayo
O naninira sa iyo O lahat ng nabanggit
48
Unang Aralin
105) (huwa abtar) dalil sa kanyang pagkakaintindi na ang nagmamahal sa
Propeta sallallahu alayhi wassalam ay mananatili pag-alaala o pagpupuri
man ito.
O Tama O Mali
106) Itong surah na ito'y tumutukoy na marami ang tagatulong at
tagasunod ng Propeta sallallahu alayhi wassalam.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Kafiruun
107) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
108) Binabasa itong surah sa unang rakaah pagkatapos ng Al-Fatiha sa:
O ratibah ng Fajar O ratibah ng Maghrib
O sunnah ng tawaf O witr
O lahat ng nabanggit
109) Ang ibadah na may kasamang Shirk:
O ibadah khas O hindi matatawag na ibadah
110) Ang utos sa salitang "Qul" ay para kay:
O Propeta sallallahu alayhi wassalam
O Propeta at sa lahat na maari ang utos na ito.
111) Ang kaafiruun ay sila na:
O lahat ng dumating sa kanila ang panawagan ng Propeta
sallallahu alayhi wassalam
O kaafir ng Makkah
112) Sa surah na ito'y mayroong pagpapatotoo ng paglayo mula sa Shirk
at sa gumagawa nito sa puso, dila at katawan.
O Tama O Mali
113) Ang takrar (pag-ulit) sa surah na ito:
O para sa tawkid (pagbibigay diin)
O tumutukoy ang una na hindi umiiral ang gawa, at ang pangalawa ay
tumutukoy na ang gawain ay naging katangiang lazim
(hindi nahihiwalay)
49
Unang Aralin
Mga Katanungan sa Surah An –Nasr
114) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
115) Dito sa Surah na ito napapaloob ang magandang balita, ulat at utos.
O Tama O Mali
116) Para sa ummah na ito at itong relihiyon ay habag ng Allah na hindi
pa pumasok sa isip ng tao ni sa kanyang imahinasyon.
O Tama O Mali
117) Para sa pagsasabuhay sa surah na ito; ang Propeta sallallahu alayhi
wassalam ay nagpaparami ng salitang: (subhanaka Allahumma rabbana
wa bihamdika. Allahummagh firli) sa kanyang ruku' at sujud.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Masad
118) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
119) Abu Lahab siya ay:
O amain ng Propeta sallallahu alayhi wassalam
O walang anumang koneksyon mula Propeta
120) Ibigay ang ibig sabihin ng sumusunod:
(tabbat)
.................
(maaksab)
......
(fiyjiida)
......
(masad)
.................
121) Dito sa ayah na ito'y mayroon nakakahigit na patunay mula sa
patunay ng Allah; na si Abu lahab at ang kanyang asawa ay hindi
nagmuslim.
O Tama O Mali
50
Unang Aralin
Mga Katanungan mula sa Surah Al-Ikhlas
122) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
123) Pinangalanan surah Al-ikhlas nang ganitong pangalan dahil:
O dinalisay sa katangian ng Allah
O dadalisayin ang nagbabasa nito mula sa shirk
O lahat ng nabanggit
124) Katumbas ng surah na ito sa jaza' ng :
O 1/2 ng Qur-an O 1/4 ng Qur-an O 1/3 ng Qur-an
125) Binabasa itong surah sa unang rakaah pagkatapos ng Al-Fatiha sa:
O ratibah ng Fajar O ratibah ng Maghrib
O sunnah ng tawaf O witr
O sa pagtulog O lahat ng nabanggit
126) Binabasa ang Al-kafiruun at Al-ikhlas sa araw at gabi para
pamatotohanan ang tatlong uri ng Tawheed.
O Tama O Mali
127) Napapaloob sa surah Al-ikhlas:
O tawheed arrububiyyah
O tawheed arrububiyyah at tawheed al-asma' wa assifat
128) Ibig sabihin ng "Qul" ay:
O dila lamang O salita, gawa at paniniwala
129) (qul huwa Allahu Assama) ibig sabihin nag-iisa kanyang rububiyyah
at uluhiyyah at kanyang mga pangalan at natatanging katangian.
O Tama O Mali
130) (assamad) ibig sabihin ay:
O Ang hinihingian sa lahat ng pangangailangan
O Ang walang pangangailangan ngunit ang iba ay may pangangailangan
sa kanya
O Assayyid ang Panginoon na punong-puno ng karalangan at perpekto
sa kanyang rububiyyah at uluhiyyah at mga pangalan at katangian
O lahat ng nabanggit
51
Unang Aralin
131) Ang pagtatangi ng anak o nagka-anak sa Allah ay tinuturing kufur
akbar.
O Tama O Mali
Mga Katanungan sa Surah Al-Falaq
132) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
133) Binabasa ang surah Al-falaq sa tuwing:
O Pagkatapos ng limang obligadong Salah
O pagtulog
O lahat ng nabanggit
134) Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibaba:
(a-udhu)
...
(Alfalaq)
......
(fiyjiida)
..
(waqab)
......
(annaffathat)
.........
(al-uqad)
.....
(haasid)
.........
135) Ang surah na ito'y napapaloob ang:
O Paghingi ng pagpapakupkop para sa lahat
O na ang sihir ay totoo
O lahat ng nabanggit
Mga Katanungan sa Surah An-Nâs
136) Ang surah na ito'y:
O Makkiyah O Madaniyyah
52
Unang Aralin
137) Binabasa ang surah Al-Naas sa:
O Pagkatapos ng limang obligadong Salah
O pagtulog
O lahat ng nabanggit
138) Ano ang ibig sabihin ng salita "Al-khannas"?
…
53
Ikalawang Aralin
Ikalawang Aralin: Arkan (Ang mga Haligi) ng Islam
Ang pagpapaliwanag ng limang haligi ng Islam, pinaka-una at ang
pinakamahalaga: shahadatu an la ilaha illa Allah wa anna Muhammad
rasulullah kabilang ang pagpapaliwanag ng kanyang ibig ipahiwatig at
kasama din ang pagpapaliwanag sa mga kondisyon ng la ilaha illa Allah.
Ibig sabihin ng: (la ilaha) pagkakaila sa lahat ng sinasamba liban sa Allah,
(illa Allah) pagkilala na ang ibadah (pagsamba) ay naaayon lamang sa Allah
ang Nag-iisa at Walang kahalintulad.
Patungkol naman sa kondisyon ng (la ilaha illa Allah) ito ang mga:
1. Al-ilm Kaalaman kasalungat ng Aljahal Kamang-mangan.
2. Alyaqeen Katiyakan kasalungat ng Ash-shak Pagdududa.
3. Al-iklhas Pagkadalisay kasalungat ng Ash-shirk Pagtatambal.
4. Assidq Pagpapatotoo kasalungat ng Alkadhib Kasinungalingan.
5. Almahabbah Pagmamahal kasalungat ng Albughdh Galit.
6. Al-inqiyad Pagtalima kasalungat ng Attark Pag-iwan.
7. Alqabul Pagtanggap kasalungat ng Alrad Pagtanggi.
8. Alkufr Pagwaksi sa sinuman na sinasamba liban sa Allah.
At aking pinag-isa sa dalawang saknong:
عِلْمٌ يَقِين وِِِهَا
Ikalawang Aralin
54
Ikalawang Aralin
Kasama ang pagpapaliwanag sa pagsaksi na si Muhammad ay mensahero
o sugo ng Allah at kaakibat nito: Ang pagpapatotoo sa anumang kanyang
iniulat, pagsunod sa anumang kanyang iniutos, paglayo sa anumang
kanyang ipinagbawal at ipina-iwasan, at hindi sasamba liban sa kanyang
isinabatas.
Pagkatapos ay ipapaliwanag sa mag-aaral ang mga naiwan sa limang haligi
ng Islam; ito'y ang mga: Assalah, Azzakah, Sawm Ramadhan, Hajj sa
baytul Allah sa sinuman ang may kakayahang tumahak.
55
Ikalawang Aralin
Pagpapaliwanag sa mga Kondisyon ng La ilaha illa Allah:
Ang mga kondisyon ng La ilaha illa Allah ay kahalintulad ng mga
ngipin ng susi, ang salitang (la ilaha illa Allah) ay susi ng Paraiso at ang susi
hindi nito maaring mabuksan liban kung mayroong itong mga ngipin, kaya
lahat ng naiulat mula sa Qur-an at Sunnah na sinuman ang magsabi ng (la
ilaha illa Allah) para sa kanya ay ganito; para makuha ang kabutihan nito'y
nararapat na patotohanan at gawin ang mga kondisyon at ito'y walo:
1. Ang llm Kaalaman sa ibig sabihin nito: kasalungat ng jahal kamangmangan
sa ibig sabihin nito, kung walang alam sa kahulugan nito hindi ito
makakapagbigay ng kabutihan kaya nararapat sa isang papasok sa Islam ay
alam niya ang ibig sabihin nito; sabi ng Propeta: ((Sinuman ang namatay; alam
niya ang pakahulugan ng la ilaha illa Allah makakapasok ng Paraiso)) iniulat ni
Muslim.
2. Ang yaqeen Katiyakan o isangdaang porsyentong katiyakan, kung nagduda
man kahit isang porsyento sa kawalan ng pananampalataya sa pagsamba sa
mga diyos-dyusan o hindi magsasalita o nagdududa; hindi siya mabibilang na
muwahhid. Sabi ng Propeta: ((Ako'y sumasaksi ng walang ibang diyos liban sa
Allah at ako'y sugo ng Allah, hindi haharapin ng Allah sa isang alipin ang dalawang
ito (pagsaksi) nang walang anumang pagdududa liban siya ay makakapasok ng
Paraiso)). Iniulat ni Muslim
3. Ang ikhlas Kadalisayan: sinuman ang nagpakitang-tao lamang o nakagawa
ng Shirk (pagtatambal) na malaki – tulad ng pagsamba sa mga diyus-diyosan
Ang Haligi ng La ilaha illa Allah
(illa Allah) Al-ithbat Pagkilala
Pagkilala na ang ibadah (pagsamba) ay
naaayon lamang sa Allah.
(la ilaha) Annafyu Pagkakaila
(Pagwaksi)
Pagkakaila sa lahat ng sinasamba
liban sa Allah
لِكِلْ م ةَ
56
Ikalawang Aralin
– hindi ito makakapagbigay ng kapakinabangan sa kanya, mula sa Propeta
siya ay nagsabi: ((Ang pinakamasayang tao sa aking shafaah (pamamagitan):
sinuman ang magsabi ng La ilaha illa Allah khalisan (tapat) na nagmumula sa
kanyang puso o sarili)). Iniulat ni Albukhariy
4. Ang sidq Pagpapatotoo: sinuman ang magsabi nito bilang kasinungalingan
– tulad ng munafiq – hindi ito makakapagbigay ng kapakinabangan sa kanya,
mula sa Propeta siya ay nagsabi: ((Walang sinuman ang sasaksi na la ilaha illa
Allah at si Muhammad alipin niya at sugo sidqan (totoo) na nagmumula sa
kanyang puso liban na ipagbabawal sa kanya ng Allah ang Apoy (Impiyerno))).
5. Ang mahabbah Pagmamahal: minamahal niya ang Allah at hindi niya
binibigyan ng katambal ang pagmamahal na ito at minamahal din niya ang
pinag-uutos sa kanya na mahalin. Kasalungat nito ang bughdh (galit); kaya
nabilang ito isa sa mga nakakasira ng Islam: "sinuman ang magalit sa
anumang dala ng sugo kahit pa ito'y kanyang ginagawa; kafara (siya ay
nabilang sa mga walang pananampalaya). Sinabi ng Allah: (mayroong mga
tao na ginawa nilang andad (katambal sa pagsamba sa Allah) ang iba bukod sa
Allah, minamahal nila ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah).
6. Ang inqiyad Pagtalima: nararapat na mayroong paggawa, sinuman ang
iniwan ang paggawa hindi ito makakapagbigay ng kapakinabangan sa kanya;
sinabi ng Allah: (Hindi! at sa iyong Panginoon [sumumpa ang Allah] hindi sila
mananampalataya hangga't hindi ka nila ginagawang hukom sa anumang hindi
nila pagkakasunduan sa mga pagitan nila, pagtapos ay hindi sila makararamdam
sa kanilang mga sarili ng pagtutol sa anumang iyong pinasyahang paghahatol at
sila'y susunod ng ganap na pagsunod).
7. Ang qabul Pagtanggap: hindi tatanggihan ang salita, gawa at pagtalima sa
kanya; sinabi ng Allah: (Katiyakan noong sinabi sa kanila la ilaha illa Allah ay
nagmamataas * at kanilang sinasabi "tatalikuran ba namin ang pagsamba sa
aming diyos-diyusan dahil sa sinasabi ng manunula na wala sa katinuan?").
8. Ang kufr Pagwaksi: pagtanggi sa mga sinasamba liban sa Allah; na ang
pagsamba na iyon sa kanila ay batil mali, at kailanman wala nang karapat
dapat na sambahin maliban sa Allah.
Paalala:
Nararapat sa kalimah ng Ikhlas ay may kaakibat na
salita, gawa at pagtalima.
57
Ikalawang Aralin
Siya ang pinaka-palasambang nilalang
dahil nagagawa niya ang kumpletong
pagsamba sa Allah
Ano ang ibig sabihin ng salita ng
Muslim; (abduhu o alipin) sa pagsaksi
anna Muhammad rasulullah?
Hindi siya maaring sambahin, dahil
wala siya'ng anumang katangian ng
pagkapanginoon at pagiging diyos.
Likas na
Pagmamahal
Ito'y jaaiz (maari) sa
kondisyon hindi mauuna
sa pagmamahal sa Allah,
halimbawa nito
pagmamahal sa anak at
asawa, sabi ng Propeta:
((hindi makukumpleto ang
inyong pananampalataya
hangga't hindi ako
magiging pinakamamahal
niyo kaysa sa inyong
magulang, anak at lahat ng
tao)).
Ang Pagmamahal
kasama ng Allah
Ito'y kabilang sa Shirk
Akbar, Sinabi ng Allah:
(mayroong mga tao na
ginawa nilang andad
(katambal sa pagsamba sa
Allah) ang iba bukod sa
Allah, minamahal nila ito
katulad ng pagmamahal
nila sa Allah).
Mga Uri ng Pagmamahal
Ang Pagmamahal
para sa Allah
Ito'y obligado, bagkus
ito ang pinakamatibay
na bigkis ng Iman.
At mangyayari ito sa
apat:
sa mga lugar na
minamahal ng
Allah katulad ng
Makkah at
Almadinah.
sa mga panahon
na minamahal
ng Allah katulad
ng laylatul qadr
at pinakahuling
1/3 ng gabi.
sa mga gumawa
nito katulad ng
mga propeta at
sugo, mga anghel,
mga kasamahan
ng Propeta, at
lahat ng
muwahhid.
sa mga gawain na
minamahal ng
Allah, ito ang
lahat ng gawain
na mayroong
batas tulad ng
tawheed.
58
Ikalawang Aralin
Mga Uri ng Pagkaalipin sa Allah
Khassatul Khassah
Ito ang pagkaalipin ng
mga sugo, sabi ng Allah:
(katotohanan siya ay isang
aliping nagpapasalamat).
Ang pagkaaliping ito'y
idinikit sa mga sugo na
natatangi lamang sa
kanila dahil walang may
kakayahan na
malampasan ang
kanilang pagkaalipin sa
Allah.
Khassah
(Natatangi)
Ito ang pagkaalipin sa
pangkalahatang
pagsunod; sabi ng Allah:
(at ang alipin ng Arrahman
na kung saan
naglalakad sa kalupaan ng
mahinahon), at ito'y
pangkalahatan sa lahat
ng sasamba sa Allah.
Ammah
(Pangkalahatan)
Ito ang pagkaalipin sa
rububiyyah (Alqahar), at
ito'y para sa lahat ng
nilikha. Sabi ng Allah:
(lahat nang nasa
kalangitan at kalupaan
liban na darating sa
Ar-rahman bilang alipin),
at kabilang dito ang
Mu'min at Kafir.
59
Ikalawang Aralin
Siya si Muhammad bn Abdullah bn Abdulmuttalib
bn Hashim, at si Hashim ay mula sa Quraysh, at ang
Quraysh ay mula sa Arabo at ang Arabo ay mula sa
angkan ni Ismael bn Ibrahim alayhissalaam.
Talaangkanan:
Buod mula sa Talambuhay ng Propeta
sallallahu alayhi wassalam
Kapanganakan:
Siya ay isinilang sa taon ng elepante sa Makkah sa
buwan ng Rabi' Alawwal at ang kanyang edad ay 63,
kabilang dito 40 na taon bago ang pagkapropeta at 23
na taon bilang propeta at sugo. Siya ay ulila sa ama
(yateem), pumanaw ang kanyang ama bago pa man siya
isinilang at ang kanyang lolo ang nag-alaga sa kanya
pagkatapos, noong pumanaw ang kanyang lolo ang
kanyang amain ang nag-aruga sa kanya.
Pagkakapadala:
Ipinadala sa thaqilayn Jinn at mga Tao, sino man ang
dumating sa kanya ang mensahe at hindi niya ito
pinaniwalaan siya ay kafir, kufur akbar.
Panawagan:
Nanawagan sa tawheed at sa pinakamagandang paguugali
at gawa, pinagbawal ang shirk at masamang
pag-uugali at gawa.
Al-isra'
at Mi'raj:
Naglakbay sa gabi mula Makkah hanggang Baytul
Maqdis, pagkatapos ay iniangat sa ikapitong kalangian,
kinausap ng Allah at inobliga sa kanya ang limang
beses na pagdarasal.
Hijra at
Kamatayan:
Nangibang-bayan mula Makkah papuntang
Almadinah, at dito na pumanaw sallallahu alayhi
wasallam, inilibing sa bahay ng Ina ng mga
mananampalataya na si Aisha radiyallahu anha.