Mga Artikulo

شرح متن الدُّروس المهمَّة لعامَّة الأمَّة


Ang Pagpapaliwanag sa Aklat


ANG MGA MAHAHALAGANG ARALIN


para sa pamayanang MUSLIM





Sa Ngalan ng Allah


Ang Pinakamahabagin at Pinakamaawain


Panimula


4


Ang Pagpapaliwanag sa


Panimula ng May-akda


Sinabi ni Shiekh Al-Imam AbdulAzeez bin


Abdillah bin Baaz- rahimahullah-


Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin at Pinakamaawain


Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang, Ang


Panginoon ng sanlibutan. At ang pagpapala at pagbati ng Allahu taala ay


mapasakay Propeta Muhammad at gayun din sa lahat ng kanyang pamilya at mga


kasamahan.


Narito ang maikling aklat tungkol sa pagpapaliwanag sa ilang mahahalagang


araling nararapat na malaman ng mga tao tungkol sa pananampalayang Islam,


akin itong tinawag: “Addrurus Almuhimmah li-ammatil Ummah” (Ang mga


mahahalagang aralin para sa Pamayanang Muslim).


At aming hinihiling sa Allah na nawa'y makinabang ang bawat isa na


makakabasa sa aklat na ito. At nawa’y tanggapin ang aking taus-pusong


pagpapalaganap ng Islam, tunay na ang Allahu taala ang Lubos na Mabuti at


Mapagbigay.


AbdulAzeez bin Abdullah bin Baaz


Bakit natin kailangan pag-aralan ang mga mahahalagang aralin na ito?


Sagot: Dahil ito'y mahalaga tulad ng katawagan sa kanya ng may-akda at ito ay


tinagubilin ng mg Ulama'.


At kung may magsasabi: “Oo, ito’y mahalaga; ngunit ito'y para lamang sa


isang pangkaraniwang mamayang Muslim, at ako’y isang taalibul ilm


(naghahanap ng kaalaman), ang aking antas ay mas mataas kaysa sa kanila”.


Sagot: Ating siyang tanungin, tungkol sa nilalaman ng aklat na ito, kung hindi


niya ito nalalaman, ang pangkaraniwang mamayanang muslim ay mas mainam


kaysa sa kanya, at nararapat sa isang taong naghahanap ng kaalaman ay maging


isang mapagkumbaba at huwag maging mapagmalaki sa kaalaman at mga Ulama',


at nararapat niyang tahakin ang yapak ng mga mabubuting Ulama'. At mula sa


Sahee Albukhariy, nagwika si Mujahid rahimahullah: “Hindi makakamit ng


isang taong mahiyain, maging ang taong mapagmalaki; ang kaalaman".


Panimula


5


Anu-ano ang mga napapaloob sa mahahalagang aralin na ito?


1. Ang kapamaraanan ng Assalafus Saleh kasama ang Qur-an sa


pagbabasa nito, pagsasaulo nito, pagninilay at pagsasabuhay nito.


2. Ang pagpapaliwanag sa Islam, Iman, Ihsan, Tawheed, at mga uri


ng Shirk.


3. Ang pagpapaliwanag sa Salah (pagdarasal).


4. Ang pagpapaliwanag sa Wudhu'.


5. Ang pagtataglay ng mabuting katangian, at pagkakaroon ng


mabuting pag-uugali na naaayon sa Islam.


6. Pagbabala mula sa Shirk, at ibat-ibang uri ng kasalanan.


7. Paghuhugas ng katawan ng patay, pagsasagawa ng Salah sa


patay, at paglibing sa kanya.


Bakit sinisimulan ng mga Ulama' ang kanilang mga


akda sa pamamagitan ng Basmalah?


Bilang paghingi ng


pagpapala sa


pamamagitan ng


pagsisimula sa


pangalan ng Allah.


Bilang paggalang


sa hadith ((kullu


amrin dhi baalin…)),


kahit na ito'y


Daeef (mahinang


hadith)


Bilang pagsunod


sa mga Ulama'


Assalaf


Bilang pagsunod sa


Qur-an, at


pagsunod sa mga


Sugo at Propeta.


6


Unang Aralin


Ang Kabanata Al-fatiha at Qisar Assuwar (mga maiikling talata)


Ang Surah Al-Fatiha at ilang makakayang maiiksing surah mula sa


Surah Al-zalzalah hanggang Surah Annas ay nararapat sa bawat Muslim na


magsikap na mabasa, mabigkas, masaulo at mapaliwanag ang mga


kinakailangang maunawaan.


Pagpapaliwanag


Nararapat na magsaulo sa bawat araw ng sampung ayah, na may kasamang


pag-aaral ng paliwanag nito, mula sa mga aklat ng Tafseer; katulad ng aklat ni


Shiekh Ibn Sa’di rahimahullah at nararapat din na humingi ng tulong mula sa


Allah sa pagsasabuhay nito katulad ng kaugalian ng mga Salaf.


Sa anong aklat magsisimula ang talibul ilm


(naghahanap ng kaalaman)?


Ipinapayo sa isang naghahanap ng kaalaman na siya ay magsimula sa aklat


na (Taysir Alkarim Arrahman fi tafsir kalam Almannan) na sinulat ni Shiekh


Abdurrahman bn Naaser Assa’diy rahimahullah at patawarin nawa siya ng


Allah.


Bakit?


Dahil ang


may-akda nito


rahimahullah


binibigyan ng


tuon ang


Tawheed o


Kaisahan ng


Allah.


Dahil ito’y


buod at


maiiking aklat


na nababagay


na basahin ng


isang


nagsisimula pa


lamang sa


paghahanap


ng kaalaman.


Dahil ang mga


pangungusap


at mga salita


sa aklat na ito;


madali,


magaan at


maliwanag.


Dahil ito'y


pinayo ng mga


Ulama at sila


ay nagbigay


ng


pagpapahalaga


sa aklat na ito.


Dahil ito'y


tumutulong sa


pagsasabuhay


ng Qur-an


ayon sa


kapahintulutan


ng Allah.


Unang Aralin


7


Unang Aralin


Anu-ano ang kalagayan ng mga tao


patungkol sa Qur-an?


Nahahati ang mga tao sa tatlo:


Sinabi ng Allahu taala: (At sinabi ng Sugo, Aking Panginoon tunay na


ang aking nasyon ay kanilang iniwan ang Qur-an) at sinabi ng Sugo ng Allah


((tunay na magmumula sa kanyang lahi, ang isang grupo


na nagbabasa ng Qur-an at ito'y hindi umabot sa kanilang mga lalamunan,


pinapatay nila ang mga Muslim at hinahayaan nila ang mga sumasamba sa mga


diyus-diyosan, at sila ay lalabas mula sa Islam katulad ng paglabas ng pana sa


pinana’, at kung aking silang aabutan sila'y aking papatayin katulad sa pagpatay


sa tribo ni Ad)).


(Tafreet) Ang


mga nagkulang:


Sila ang mga


iniwan nila ang


Qur-an, at nangyari


sa pamamagitan:


(Ifraat) Mga


nagmalabis:


Sila ang mga


nagbabasa ng Qur-an


at nagsaulo nito


ngunit walang


paglilinay-linay at


pagsasabuhay nito.


(Wasath) Katamtaman:


Sila ang mga nangangalaga sa pagbabasa


ng Qur-an at pagsasaulo nito at kanilang


pinaglilinay-linayan, at sila ay humihingi


ng tulong sa Allahu taala sa pagsabuhay


nito, at ito ang kinaugaliaan ng mga


Assalaf Assaleh at mga katagsunod nila.


Pag-iwan sa


paggamit nito


bilang gamot.


Pag-iwan sa


pagsasaulo


nito.


Pag-iwan sa


paglinay


nito.


Pag-iwan sa


pagbabasa


nito.


Pag-iwan sa


pagsasabuhay


nito.


8


Unang Aralin


Mga Ilang Bahagi mula sa Aklat na (Taysir Alkareem


Arrahman fi tafsir kalam Almannan)


[Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha]


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, Napakamaawain


1. Bismillaahir Rahmaanir Raheem 2. Alhamdulillaahi rabbil


aalamiin 3. Arrahmaanir Raheem 4. Maaliki yawmid diin 5.


Iyyaka na'budu wa iyyaka nas ta ii'n 6. Ihdinas siraatal mustaqiim


7. Siraatal ladhiina an amta alayhim ghayril maghduubi alayhim


walad daa~l liin.


(1) (Bismillahir Rahmanir Raheem) Ako'y magsisimula sa ngalan ng Allahu


taala


(Allah): Siya ang ma’bud (ang sinasamba), Siya ang nararapat sambahin dahil


Siya ay nagtataglay ng katangian ng uluhiyyah (marapat sambahin), at ang


katangiang nito ay ganap at kumpleto.


(Arrahman Arraheem): dalawang pangalan ng Allahu taala na tumutukoy sa


Kanyang ganap at lubos na habag at awa sa Kanyang mga nilikha, na kung


saan sumasaklaw sa lahat ng bagay at sumasaklaw sa lahat ng may buhay, at


ito'y ginawad sa mga mananampalataya na sumusunod sa kanilang mga sugo’t


propeta, at para sa kanila ang ganap na awa at pagmamahal, at liban sa kanila


mapapasakanya ang bahagi na para lamang sa kanya.


At alamin mo! Na ang pinagkasunduang panuntunan sa pagitan ng mga Salaf


at mga Imam ng ummah: ang paniniwala sa magagandang pangalan ng Allah


at sa kanyang kumpletong katangian at batas patungkol sa kanyang katangian;


sila ay naniniwala dito. Halimbawa; ang Allahu taala Ang Rahman at Ang


Raheem (Ang Maawain at Mabahabagin) at siya ay nagtataglay ng katangian


na Rahmah o Ganap na Habag at Awa. At lahat ng biyaya ay bunga ng awa


ng Allahu taala, at ganito ang kapamaraanan sa lahat ng pangalan ng Allahu


taala, tinatawag siya na Al-Aleem (Ang Lubos na may Kaalaman) na


nagtataglay ng katangian na kaalaman sa lahat ng bagay,


9


Unang Aralin


Siya ang Al-Qadir (Ang Lubos na may Kakayanan) na nagtataglay ng


katangian na Qudra (kakayanan) sa lahat ng bagay.


(2) (Alhamdulillah) (Ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allah): ito'y


papuri ng Allah sa kanyang sarili dahil Siya ay nagtataglay ng ganap na


katangian, at dahil Siya ay mayroong gawain na umiikot sa pagitan ng


kainaman at kabutihan at katarungan, sa Kanya ang kumpleto at ganap na


papuri sa lahat ng aspeto.


(rabbil aalamiin) ang Panginoon ng sanlibutan: Arrabb; Siya ang


tagapangalaga sa lahat ng nilalang sa pamamagitan ng paglikha Niya sa kanila,


at pagbibigay sa kanila ng mga kagamitan na makakatulong sa kanila, at


pagbibigay ng biyaya sa kanila nang napakadakilang biyaya na kung saan ito'y


mangyaring mawala sa kanila at hindi na sila maari pang manatili, at lahat ng


biyaya na kanilang natatamasa; ito'y nagmula sa Allah.


At ang pangangalaga ng Allahu taala sa kanyang nilalang ay may


dalawang uri:


Una: Al-ammah o ang pangkalahatang pangangalaga: at ito ang paglalang sa


lahat ng nilikha at pagbibigay ng biyaya, at paggabay sa kanila tungo sa


ikabubuti nila sa pananatili sa mundo.


Pangalawa: Alkhassah o ang natatangi na pangangalaga; para sa kanyang


mga awliya’ na mga mu’minin, aalagan sila sa pamamagitan ng Iman at


gagabayan sila tungo dito, at sila ay gagawing ganap, at ilalayo sa kanila ang


mga bagay na magiging harang at hadlang sa pagitan nila at pagitan ng


pananampalataya. At ang diwa nito; ang paggabay tungo sa kabutihan at


pangangalaga mula sa bawat kasamaan, at ang kahulugang ito'y ang tagong


lihim kung bakit ang lahat ng mga panalangin ng mga propeta ay sa


pamamagitan ng salitang rabb dahil ang kanilang hinihinging panalangin ay


napapaloob sa natatanging pangangalaga, kaya naman sinabi ng Allahu taala


(rabbil aalamiin) dahil siya ang bukod-tanging nagtataglay ng katangian ng


paglikha, pangangasiwa, at ang biyaya at kaganapan ay pinagkaloob niya at


lahat ng nilalang ay nangangailangan sa kanya sa kahit anong aspeto.


(4) (maaliki yawmid diin) : Almalik: Ang nagmamay-ari at naghahari na


nagtataglay ng katangiang Mulk (paghahari), na kung saan kabilang sa


kanyang mga bunga; siya ay nag-uutos at nagbabawal, naggagantimpala,


nagpaparusa at nangangasiwa sa kanyang mga pinaghaharian sa lahat ng uri


ng pangangasiwa at iniugnay ang Mulk sa yawmid diin at ito ang yawmul


qiyamah dahil ito ang araw ng pagbibigay ng kabayaran ng mga tao sa lahat


ng mga gawain nila, mabuti man ito o masama dahil sa araw na iyon makikita


10


Unang Aralin


ng mga nilikha ang ganap na paghahari ng Allah at katarungan niya at kanyang


karunungan at kanyang wawasakin ang mga paghahari ng mga nilalang


hanggang magiging pantay-pantay sa araw na iyon ang mga hari at kanilang


pinagharian, ang isang alipin at malaya at lahat sila ay magpapakumbabaga sa


kadakilaan ng Allahu taala at kanyang kapangyarihan, habang naghihintay sa


kanilang paglilitis na naghahangad na makamit ang gantimpala ng Allah at


nangangamba sila mula sa parusa nito. Kaya naman binukod-tangi ng Allahu


taala ang pagbanggit dito; bagamat siya ang maghahari sa araw na iyon at sa


iba pang mga araw.


(5) (iyyaka na’budu wa iyyaka nastaii’n) Ikaw lamang ang aming susundin


at sasambahin at Ikaw lamang ang aming hihingan ng tulong sa lahat ng aming


pangangailangan. At ang ibadah o ang pagsamba isang salitang


pangkahalatan na sumasaklaw sa lahat ng iniibig ng Allah at kanyang


kinalulugdan mula sa mga gawain at salita hayagan man ito o patago. At ang


istiana o paghingi ng tulong; ay pagsandal sa Allahu taala sa pagkamit ng


kabutihan at pag-iwas mula sa mga kasamaan na may kasamang pagtitiwala


sa kanya na makakamit niya ito, at pagsasagawa ng ibadah at paghingi ng


tulong; siya ang magiging daan upang makamit ang panghabangbuhay na


kaligayahan at kaligtasan mula sa lahat ng kasamaan at wala ng ibang daan


patungo sa kaligtasan maliban sa paggawa ng dalawang ito at matatawag


lamang ang isang gawain na pagsamba kung ito'y nagmula sa Sugo ng Allah,


na nagnanais makamit ang lugod ng Allahu taala at sa pamamagitan ng


dalawang bagay na ito ang gawain ay magiging pagsamba, at binanggit ang


istiana pagkatapos ng ibadah dahil ito'y kinakailangan ng isang alipin sa lahat


ng ginagawang pagsamba, dahil kung hindi siya tutulungan ng Allah hindi


niya makakamit ang kanyang ninanais mula sa paggawa ng mga ipinag-uutos


at paglayo sa mga ipinagbabawal at pagkatapos ay kanyang sinabi:


(6) (ihdinas siraatal mustaqiim); ituro mo sa amin at patnubayan mo kami at


gabayan patungo sa matuwid na landas. Ang siratal mustaqiim siya ang


malinaw na landas patungo sa Allahu taala at patungo sa kanyang paraiso; sa


pamamagitan ng kaalaman patungkol sa katotohanan at pagsasabuhay nito,


gabayan mo kami sa daan na siyang pananatili sa relihiyong Islam at pag-iwan


sa mga relihiyong maliban sa Islam, at gabayan mo kami sa daan na siyang


maintindihan namin ang lahat ng kaalaman sa relihiyon at sa pagsasabuhay


nito at ang panalanging ito'y kumpletong dua (panalangin) at


kapakipakinabang sa isang alipin; kaya naman nararapat sa isang tao na


11


Unang Aralin


manalangin sa Allah sa bawat rakaah sa salah dahil sa pangangailangan ng tao


dito at ito ang matuwid na landas:


(7) (siraatal ladhiina an-amta alayhim); daan ng mga pinagkalooban mo ng


biyaya mula sa mga propeta, mga matatapat o siddiqeen, mga nangamatay ng


Shaheed (nakipaglaban alang-alang sa Allah) at mga mabubuting tao,


(ghayri) at huwag mo kaming ihanay sa daan ng (almaghduub alayhim) mga


sinumpa dahil yaong mga nakakaalam ng katotohanan subalit ito'y kanilang


iniwan o tinanggihan; katulad ng mga hudyo at ng mga gumagaya sa kanila at


ganuon din sa daan ng mga (dalliin) mga nangaligaw; yaong iniwan nila ang


katotohanan dahil sa kanilang kamangmangan at kaligawan katulad ng mga


kristiyano at ng mga sinuman na sumunod sa kanila.


At napapaloob sa surah na ito ang mga aral na wala sa ibang mga


surah at sa surah na ito'y napapaloob ang tatlong uri ng Tawheed: Tawheed


Arrububiyyah na matutunghayan mula sa sinabi ng Allah (rabbil aalamiin)


at Tawheed Aluluhhiyyah - na siyang kaisahan sa pagsamba - na ating


matutunghayan mula sa salitang Allah at mula sa sinabi ng Allah


(iyyakana’budu wa iyaka nastaiin) at ang Tawheed Al-asma’ wa Assifat - na


siya'ng pagkilala at pagpapatibay sa mga kumpletong katangian ng Allahu


taala - na kanyang pinagtibay para sa kanyang sarili at pinagtibay para sa


kanya ng kanyang Sugo na walang ta’til pag-aalis ng kahulugan, walang


tamthil paghahalintulad sa kanya sa anumang nilikha at walang tashbih


pagwawangis sa kanya sa anumang nilikha; na ito'y matutunghayan natin sa


sinabi ng Allah (Alhamd).


At napapaloob din sa surah na ito ang pagpapatibay ng nubuwwah


pagkapropeta mula sa kanyang sinabi ihdinas siratal mustqiim dahil hindi


maaari kung walang mensahe, at ang pagpapatibay sa paglilitis sa mga gawain


mula sa sinabi ng Allah (maaliki yawmiddiin) at ang paglilitis na ito'y naayon


sa kanyang katarungan; dahil ang kahulugan ng diin ay ang makatarungang


paglilitis.


At napapaloob din dito ang pagpapatibay sa paniniwala sa Qadar, at


ang isang tao ay siya'ng gumagawa ng kanyang gawain kasalungat sa


paniniwala ng grupo na kung tawagin ay Alqadariyyah at Aljabariyyah.


Bagkus napapaloob dito ang tugon sa lahat ng mga Ahlul Bid’a at Dalal; mula


sa sinabi ng Allahu taala (ihdinas siratal mustaqiim), dahil ito'y kaalaman sa


katotohanan at pagsasabuhay nito at ang bawat mubtadi’ at naliligaw ay


sumasalungat dito.


At napapaloob din dito ang Ikhlas sa Allahu taala sa pagsamba at


paghingi ng tulong sa kanya; mula sa sinabi ng Allahu taala (iyyakana’budu


12


Unang Aralin


wa iyyakanas tai’n). fal hamdulillahi rabbil aalamiin at lahat ng papuri ay


naayon lamang sa Allah Diyos ng sangkatauhan.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Ayah Al-Kursiy[





255. Allaahu la ilaaha illa huwal hayyul qayyum, lata'khudhuhu


sinatuw wa la nawm, lahu maa fis samaawaati wa maa fil ardh,


man dhalladhi yashfau’ inn dahuu~ illa biidhnih, ya'laamu ma


bayna aydihim wa maa khalfahum, wa laa yuhiituuna bishay imm


min ilmihi illa bimaa shaa~', wasi-a’ kursiyyuhus samaawaati wal


ardh, wa la ya-uuduhuu hifdhuhumaa, wa huwal Aliyyul Adhim


(255) Nagpahayag ang Propeta salallahu alayhi wasallam na ang ayah na ito ay


ang pinakadakilang ayah sa Qur-an dahil sa mga napapaloob dito, mula sa


mga kahulugan ng tawheed at kadakilaan ng katangian ng Allahu taala, at


kanyang pinahayag na ang (Allah) Siya'y nagmamay-ari ng lahat ng


kahulugan ng pagkadiyos at walang karapat dapat na sambahin maliban sa


kanya at ang pagsamba maliban sa kanya ay isang Baatil. At Siya'ng (Alhayy)


siya'ng nagmamay-ari ng lahat ng kahulugan ng walang haggang buhay, na sa


kanya ang buong-kahulugan ng buong pagkabuhay na naayon sa kaniyang


kadakilaan, mula sa mga katangian ng pandinig, paningin, kakayahan at


kagusutuhan at iba pang mga pansariling katangian. (Alqayyum) napapaloob


dito ang lahat ng panggawang katangian dahil ang salitang Alqayyum siya'ng


tagapagtaguyud tagapagkaloob at tagapangalaga sa lahat ng bagay, at mula sa


ganap na pagkabuhay at tagapagtaguyud, siya ay hindi maaring antukin at


hindi rin Siya maaring matulog dahil ang pagtulog at antok ay nangyayari


lamang sa isang linikha na nagtataglay ng kahinaan at walang kakayanan at


hindi ito nangyayari sa isang nagtataglay ng isang kadakilaan at ipinahayag


na siya ang Almaalik nagmamay-ari ng lahat ng bagay dito sa kalangitan


at


13


Unang Aralin


kalupaan at lahat sila ay alipin ng Allahu taala at sila ay hindi makakalabas


sa kalagayan na ito.


(Tunay na ang bawat sinuma'ng nasa kalangitan at kalupaan ay alipin ng Rahman)


Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng pinaghaharian at Siya ang nagtataglay ng


katangiang paghahari, pangangasiwa at kadakilaan mula sa Kanyang ganap


na paghahari walang sinuman ang namamagitan maliban sa Kanyang


kagustuhan, lahat ng tagapamagitan ay alipin ng Allah at Kanyang


pagmamay-ari, hindi sila maaring mamagitan hangga't ito'y ipahintulot sa


kanila (Ipagbadya mo O Muhammad, ang lahat ng shafaah (o pamamagitan) ay


pagmamay-ari ng Allah siya ang nagmamay-ari sa kalangitan at kalupaan) at ang


Allah ay hindi Niya pinapahintulot sa isang tao na mamagitan maliban sa


sinumang kanyang pinili at kinalugdan at wala Siya'ng ibang kalulugdan


maliban sa mga yaong may tawheed at mga sumusunod sa mga propeta, at


ang sinumang hindi nagtataglay ng ganitong katangian, wala siyang


makukuhang bahagi sa shafaah, at pagkatapos kanyang pinahayag ang


kanyang malawak na kaalaman na nakababatid sa lahat at saklaw ng Kanyang


kaalaman ang lahat ng mga nilikha; ang mga nangyari at ang nangyayari at


pati na rin ang mga mangyayari pa lamang at walang maitatago sa kanya (at


alam niya ang mga naitatago at ang anumang naitatago sa puso) at walang


sinumang mula sa kanyang mga nilikha ang nakakabatid na mula sa kanyang


kaalaman maliban na lamang kung ano ang kanyang itinuro at ipinabatid sa


kanila (maliban sa mga ninais niya) mula sa mga bagay na Qadar shar-iyyah


(tinatadhana) at sa mga isinasabatas, at ito'y maliit na bagay lamang sa


kaalaman ng Allah, katulad ng sinabi ng pinaka-maalam na nilikha; na sila'ng


mga propeta at anghel: (luwalhati sa Iyo, at wala kaming kaalaman maliban sa


Iyong itinuro at ipinabatid sa amin).


At Kanyang sinabi rin ang patungkol sa Kanyang kadakilaan, na ang


Kanyang kursiy ay sakop ang mga kalangitan at ang buong kalupaan, at ito'y


Kanyang pinangalagaan at ang sinuman ang napapaloob dito mula sa mga


nilalang sa pamamagitan ng maayos na sistema at kadahilanan na kung saan


ginagawa ito ng Allah sa Kanyang mga nilikha, at walang kahirap-hirap para


sa Kanya ang pangangalaga ng mga ito, (at siya ang Aliy) ang kataas-taasan


sa Kanyang sarili at Kanyang katangian, siya ang Aliy at siya ay nasa ibabaw


ng lahat ng kanyang nilikha, at lumalapit sa kanya ang lahat ng umiiral at


nagpapakumbaba sa kanya, (at ang Adhim) nasa kanya ang kabuohan ng lahat


ng katangian at pagiging ganap at buong kataas-taasan, na siyang dahilan


upang maging kaibig- ibig sa mga puso at dakilain ito ng mga kaluluwa,at


upang malaman ng mga tao - na may kaalaman - na ang kadakilaan sa lahat


ng bagay ay hindi papantay sa kadakilaan ng Allah.


14


Unang Aralin


***


[Ang Kapaliwanagan ng Surah Idha Zulzilati]


At ito'y Madaniyyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain


1. Idhaa zulzilatil ardhu zilzaalahaa 2. Wa akhrajatil ardhu


athqaalahaa 3. Wa qaalal inn saanu ma lahaa 4. Yawma idhinn


tuhaddithu akhbaarahaa 5. Bi ann na rabbaka awhaa lahaa 6.


Yawma idhii yasdurunn naasu ashtaatal liyuraw a'maalahum 7.


Famay ya'mal mithqaala dharratin khayray yarah 8. Wa may


ya'mal mithqaala dharratinn sharray yarah.


(1-2) Pinapahayag ng Allah ang tungkol sa mangyayari sa araw ng qiyamah,


at ang lupa ay mayayanig, lilindol at gagalaw hanggang sa maguguho ang


lahat ng bagay sa ibabaw nito; mula sa mga gusali at tirahan at kabilang din


dito ang mga bundok na kung saan magiging patag ito, (wa akhrajatil ardhu


athqaalaha) ibig sabihin: at sa araw na ito ilalabas ng lupa ang anumang


nilalaman nito mula sa mga patay at kayaman.


(3) (wa qaalal inn saanu) (at sasabihin ng tao) kapag nakita nila ang mga


dakilang pangyayari na ito, ano ba ang nagyayari sa kalupaang ito (na may


kasamang pagkagulat).


(4-5) (yawma idhin yuhaddithu) sa araw ng muling pagkabuhay ay


magsasalita ang kalupaan (akhbaarahaa) hinggil sa anumang ginagawa sa


ibabaw nito, ibig sabihin: magiging saksi ang lupa laban sa mga nilalang batay


sa mga ginawa nila sa ibabaw ng lupa mula sa kabutihan o kasamaan at ang


kalupaan ay kabilang sa mga saksi na kung saan sasaksi sila sa mga tao batay


sa kanilang ginawa. Dahil (bi ann na rabbaka awhaa laha) (katiyakan ang


Allah ay uutusan ito na mag-ulat o magsalita) uutusan itong magsalita at hindi


niya susuwayin ang utos ng Allah.


15


Unang Aralin


(6) (yawma idhin yasdurunn naasu) at sa araw na yaon tutungo ang mga tao


mula sa lugar ng paghuhukom (ashtaata) na hiwa-hiwalay na grupo, upang


ipakita ng Allah ang kanilang mga ginawa na kasamaan at kabutihan, (liyuraw


a'maalahum) upang ipakita sa kanila ang katumbas ng kanilang ginawa.


(7-8) (7. Famay ya'mal mithqaala dharratin khayray yarah 8. Wa may


ya'mal mithqaala dharratin sharray yarah) at ang sinuman ang gumawa


nang kahit na katiting na kabutihan ay makikita niya ang gantimpala, at


sinuman ang gumawa ng katiting na kasamaan ay makikita niya ang


gantimpalang-parusa, at ito'y sumasaklaw sa lahat ng kabutihan at kasamaan


dahil kapag nakita niya ang katiting na bagay na kung saan ang pinakamaliit


na bagay ibibigay sa kanya ang gantimapalang ginawa niya, at ang mas malaki


pa sa katiting na yaon ay karapat dapat na bigyan ng mas malaki, katulad ng


sinabi ng Allah (at sa araw na yaon matatagpuan ng bawat isa kung ano ang


kanilang ginawang kabutihan; ito'y nag-aabang sa kanya. Ang anumang nagawa


niya na masama ay nag-aabang sa kanya at nanaisin niya; ito'y mapalayo ng


pagkalayo-layo mula sa kanya) (at matatagpuan nila ang kanilang ginawa na magaabang


sa kanila) at ito'y nag-aanyaya sa paggawa ng kabutihan kahit na maliit


at nagbibigay ng babala mula sa paggawa ng kasamaan kahit na ito'y maliit.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Adiyat[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain


1. Wal aadiyaati dabhaa 2. Fal muuriyaati qadhaa 3. Fal mughiiraati


subhaa 4. Fa atharna bihii naf-aa 5. Fawasatna bihii jam-aa 6. Inn nal


inn saana lirabbihi lakanuud 7. Wa inn nahu alaa dhalika lashahiid 8.


Wa inn nahu lihubbil khayri lashadiid 9. Afalaa ya'lamu idhaa bu'thira


maafiil qubuur 10. Wa hussila maa fiis suduur 11. Inn na rabbahumm


bihim yawma idhil lakhabiir.


16


Unang Aralin


(1) Sumumpa ang Allah sa mga kabayo dahil sa napapaloob na malinaw na


palatandaan at lantad na biyaya na nalalaman ng nilikha, sumumpa ang Allah


sa mga kabayo dahil sa kalagayan na kung saan hindi sila mapapantayan ng


iba sa kanila, mula sa mga uri ng kahayupan at sinabi ng Allah (wal aadiyaati


dabhaa) (At sumusumpa ang Allah sa mga Kabayong rumaragasa) addabha


ito ang tunog na maririnig sa kanilang paghagok dahil sa kanilang bilis.


(2) (fal muuriyati) at sumusumpa ang Allah sa pamamagitan ng paghampas


ng paa nito sa bato (qad-ha) nagdudulot ng tilamsik ng apoy dahil sa lakas ng


hampas nito.


(3) (fal mughiiraati) at sa mga sumasalakay sa kanilang mga kalaban (subha)


sa madaling araw.


(4-5) (fa atharna bihii) na nagdudulot ng makakapal na alikabok sa


pinagdaraan nito (naq-a) alikabok, (fawasatnaa) (na sumasalakay sa


kalagitnaan ng kanilang mga kaaway).


(6) (inn nal insaana lirabbihi nakanuud) (katiyakan ang tao ay binaliwala


niya ang biyaya ng kanyang tagapaklikha) ibig sabihin: ang tao ay manuun


(gahaman sa kabutihan) napakamaramot sa kabutihan na pinagkaloob sa


kanya, ang likas na ugali ng tao ay hindi niya binibigay ang mga karapatan na


nararapat sa iba, bagkus ang kanyang likas na ugali ay ang katamaran at


karamutan sa mga bagay na nararapat niyang ibigay; katulad ng karapatan sa


kayamanan at karapatan ng katawan, liban sa sinumang ginabayan ng Allah


at sila ay hindi mapapabilang sa katangian na ito bagkus sila ay mapapabilang


sa mga tao na mapagbigay at tinutupad nila ang kanilang mga obligasyon.


(7) (wa inn nahu alaa dhaalika lashaahiid) (at walang pag-aalinlangan


inaamin niya ang pagtatangging ito) ibig sabihin katiyakan ang isang tao alam


niya sa kanyang sarili na siya ay isang gahaman at hindi niya ito pinagkakaila


at tinatanggi dahil ang bagay na ito'y malinaw, at ang Allah ay saksi sa bagay


na ginagawa nila at dito'y mayroong parusa at matinding babala sa sinuman


mula sa kanyang Panginoon; siya'y isang kanud (gahaman), tunay na ang


Allah saksi sa bagay na ito at nababatid niya.


(8) (wa inn nahu) katiyakan ang tao (lihubbil khayri) siya ay gahaman sa


kayaman (lashadiid) ibig sabihin matindi ang pagiging gahaman sa kayaman


at ang pagiging gahaman niya dito at nagiging dahilan sa kanya upang iwanan


niya ang mga obligasyon sa mga bagay na ito, pinairal niya ang kagustuhan


ng kanyang sarili kaysa sa kaluguran ng Allah, at ang lahat ng ito'y dahil


sa ang


17


Unang Aralin


sa ang kanyang iniisip lamang ay ang mundong ito at kanyang kinalimutan


ang kabilang buhay.


(9-10) Dahil dito sinabi ng Allah na may kasamang pagkaganyak na dapat


mangamba sa araw ng pagpaparusa (afala ya'lamu) hindi niyo ba batid kung


ano ang naghihintay sa kanya (idha bu'thira maa fiil qubuur) kapag inilabas


na ang mga patay mula sa kanilang libingan,upang sila ay tipunin para sa


paghuhukom at pagbabayad, (wa hussila maa fiis sudur) at ilalantad na ang


anumang itinatago ng mga puso mula sa mga kabutihan at kasamaan at sa


araw na iyon ang lahat ng sikreto ay malalantad at ang lahat ng nakatago ay


makikita, magiging malinaw sa lahat ng nilalang ang bunga ng kanilang


gawain.


(11) (inn na rabbahum bihim yawma idhil lakhabiir) tunay na ang Allah


nakikita niya ang ginagawang gawain; lantad man ito o nakatago at siya ang


naggagantimpala dito at pinakadalubhasa na ganap na nakakabatid sa kanila


sa araw na iyon, at sa kanilang mga gawain na walang anumang naiilihim sa


kanila.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Qariah[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain


1. Al Qaariah 2. Maal qaariah 3. Wa maa adraaka mal


qaariah 4. Yawma yakununn naasu kal faraashil mabthuuth 5. Wa


takuunul jibaalu kal ihnil manfuush 6. Fa amm maa man thaqulat


mawaaziinuh 7. Fa huwa fii iishatir raadiyah 8. Wa amm ma man


khaffat mawaaziinuh 9. Fa umm muhu haawiyah. 10. Wa maa


adraaka maa hiyah 11. Naarun haamiyah.


18


Unang Aralin


(1-3) (Al-qariah) (Ang malagim na pangyayari) ito'y kabilang sa mga


pangalan ng yawmul qiyamah tinawag ito ng ganuon dahil sa araw na iyon


ang mga tao ay matatakot at mangangamba sa tindi ng pangyayari.


(4) (yawma yakuununn naasu) sa araw na iyon ang mga tao dahil sa tindi ng


pagkatakot at pangamba (kal faraashil mabthuuth) ay para silang nagkalat na


gamu-gamu na kung saan hindi nila alam kung saan sila tutungo at kapag


sinindihan na ang apoy ng impeyrno sila ay malalaglag dito dahil sa kanilang


kahinaan at ito ang magiging sitwasyon ng mga tao.


(5) at ang mga matatatag na kabundukan (kal ihnil manfuush) ay magiging


katulad ng mga nagliliparang balahibo, sinabi ng Allah (at makikita ninyo ang


mga kabundukan at inyo itong inaakala na matibay, sa araw na iyon ito ay lulutang


katulad ng isang ulap, at pagkatapos ito ay magiging parang bula na maglalaho na


walang matitirang bagay na makikita sa kanya, at pagkatapos nuon ay itatayo na


ang timbangan at mahahati ang mga tao sa dalawang grupo; ang mga maliligaya at


malulungkot).


(6-7) (fa amm ma man thaqulat mawaaziinuh) at para sa kanya na naging


mabigat ang timbangan ng kanyang kabutihan kaysa sa kanyang kasamaan (fa


huwa fii iishatir raadiyah) ay magiging kalugod-lugod ang kanyang


pamumuhay sa paraiso.


(8-11) (wa amm ma man khaffat mawaaziinuh) subalit siya naman na naging


magaan ang timbangan ng kanyang kabutihan at naging mabigat ang


kasamaan; (fa umm muhu haawiyah) ang kanyang hantungan at tirahan at


patutunguhan ay ang impyerno, at kabilang sa kanyang pangalan ay ang


haawiyah, na para bagang isang katayuan ng isang ina na lagi niya nang


kasama, at sinasabi rin na ang kahulugan ng haawiyah ay ang kanyang utak


ay ihuhulog sa impeyrno; ibig sabihin na ihuhulog siya sa impeyrno na


mauuna ang kanyang ulo. (wa maa adraaka maa hiyah) at ano ang


magbabatid sa iyo O Muhammad kung ano ang kaila-ilaliman na ito na


tinatawag, at pagkatapos ay kanyang pinaliwanag (narun haamiyah) ito'y


matinding init ng apoy, na ang kanyang init ay pitong-pung doble kaysa sa


init sa mundo, hilingin natin Allah na ilayo tayo mula sa apoy ng Impiyerno


[Ameen].


19


Unang Aralin


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah At-Takathur[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Al haa kumut takaathur 2. Hatta zurtumul maqaabir 3. Kallaa


sawfa ta'lamuun 4. Thumm ma kallaa sawfa ta'lamuun 5. Kalla


law ta'lamuuna I’lmal yaqiin 6. Latarawunn nal jahiim 7. Thumm


ma tarawunn nahaa aynal yaqiin 8. Thumm ma latus alunn na


yawma idhin a’ninn na ii’m


(1) Sinasabi ng Allah nang may kasamang pagkagalit sa kanyang mga alipin


ang tungkol sa kanilang pagkahibang at pagpapabaya sa pagsamba nila sa


Allah nang nag-iisa at walang katambal na siyang dakilang layunin ng


pagkakalikha sa kanila. At pagpapabaya nila sa pagkilala sa Allah at


pagbabalik loob sa kanya at pag-una ng pagmamahal sa Allah ng higit sa


anumang bagay : (Al-hakumu) nalinlang kayo sa mga nabanggit (At-


Takathur) ang paligsahan hinggil sa makamundong bagay. At hindi binanggit


dito kung anong makamundong bagay na inyong pinagpapaligsahan; upang


masaklaw ang lahat ng paligsahan hinggil sa makamundong bagay at yung


mga tao na gumagawa nito. At ang pagmamayabang sa pamamagitan ng


pagpaparami ng kayamanan at mga anak at mga tauhan, sundalo, tagapagsilbi


at katayuan at iba pang mga bagay na ang layunin ay ang pagpapaligsahan sa


pagmamarami sa makamundong bagay at hindi nila hinangad ang Allahu


taala.


(2) at nagpatuloy ang kanilang pagpapabaya at sila’y nalinlang at naging abala


sa makamundong bagay (hatta zurtumul maqaabir) hanggang sa kayo ay


makarating sa mga libingan at nalaman ninyo ang inyong mga ginawa, ngunit


hindi na ninyo pa mababalik ang buhay ninyo sa mundo. At tinutukoy ng


sinabi ng Allah: (hatta zurtumul maqaabir) na tunay na ang Barzakh ay ang


20


Unang Aralin


iyong tahanan at mula rito'y tutungo sa tahanan sa kabilang buhay. Tinawag


ng Allah ang mga papasok sa barazkh na mga bisita dahil hindi sila mananaliti


rito. Ito'y tumutukoy lamang na mayroong muling pagkabuhay at paglilitis sa


mga gawain sa kabilang buhay.


(3-6) At dahil dito nagbabala ang Allah (3. Kallaa sawfa ta'lamuun


4. Thumm ma kallaa sawfa ta'lamuun) Ibig sabihin: kung inyong taos


pusong nalalaman lamang ang inyong kinakaharap, hindi kayo


magpapalinlang sa pagmamarami ng makamundong bagay, at kayo ay


magmamadali sa paggawa ng Mabubuting Gawain, ngunit sa kawalan ng


totoong kaalaman, ang siyang nagdala tungo sa inyong nakikita (latarawunn


nal jahiim) makikita ninyo ang Qiyamah; upang makita ninyo ang


naglalagablab na apoy ng Impiyerno na hinanda ng Allah para sa mga hindi


mananampalataya.


(7) (thumm ma latarawunn naha aynal yaqiin) ibig sabihin: makikita ng


iyong mga sariling mata ang Impiyerno katulad ng sinabi ng Allah : (At


makikita ng mga masasama ang Impiyerno, na kung kaya, natitiyak na nila na


walang pag-aalinlangang sila ay ilulublob doon, at kailanman ay hindi sila


makatatagpo sa anumang kaparaanan upang sila ay makatakas mula roon patungo


sa iba).


(8) (thumm ma latus alunn na yawma idhin aninn na iim) Ang mga


biyayang natatamasa ninyo sa mundo; kayo ba ay nagpasalamat sa Allah?


Inyo bang isinagawa ang karapatan ng Allah dito? At hindi niyo ginamit sa


pagsuway sa kanya? Upang sa ganuon ay dagdagan pa ang inyong biyaya? O


kayo ay nagpalinlang at nahibang dito? At hindi kayo nagpasalamat? Bagkus


ay maaring ginamit niyo pa ito sa pagsuway? At mapaparusahan kayo dahil


dito? Sinabi ng Allah: (At sa Araw na ilalantad ang mga walang pananampalataya


sa Impiyernong-Apoy upang parusahan at sasabihin sa kanila bilang pag-aalipusta:


“Katiyakan, naubos na ninyo ang kabutihan at kagandahan ng buhay sa daigdig at


nakapagsaya na kayo, kung kaya, ngayon ay papagbabayarin kayo ng kahamakhamak


na parusa sa Impiyernong-Apoy; dahil sa inyong pagmamataas sa kalupaan


nang wala kayong karapatan at dahil sa inyong paglabag at di-pagsunod sa Allâh).


21


Unang Aralin


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Asr[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Wal asr 2. Inn nal inn saana la fii khusr 3. Illal ladhiina aamanuu


wa a’milus saa lihaati watawaa saw bil haqqi watawaa saw bissabr


(1-3) Sumumpa ang Allah sa pamamagitan ng Al-Asr o Panahon na siyang


gabi’t araw, na siyang lugar na pagkilos ng mga Alipin at paggawa nila;


Tunay na ang bawat tao ay nasa pagkalugi , at ang pagkalugi ay may


maraming antas maari ang pagkalugi ay walang takda katulad ng pagkalugi


dito sa Mundo at sa kabilang buhay at pagkawala sa kanya ng biyaya at


pagpasok sa Impiyerno, at maari din na ang pagkalugi ay sa iilang panig at


hindi sa iba, kaya naman nilahat ng Allah na ang bawat tao ay nasa pagkalugi


maliban sa sinuman nagtataglay ng apat na katangian:


- Ang Iman o Paniniwala sa mga inutos ng Allah na paniwalaan ito, at


hindi mangyayari ang Iman na walang kaalaman, dahil ito'y bahagi


ng Iman at hindi magiging ganap maliban dito.


- Mabuting Gawain, at ito'y sumasaklaw sa lahat ng bawat mabuting


Gawain ito man ay lantaran o patago, at ito man ay may kaugnayan


sa mga karapatan ng Allah at karapatan ng kapwa tao, ito man ay


Obligado o kaibig-ibig.


- Ang pagpapayuhan sa bawat isa at paggaganyak sa pananatili sa


katotohanan at ito ang Iman at paggawa ng Mabuting Gawain.


- Ang pagpapayuhan sa bawat isa at paggaganyak sa pagtitiis para rito.


Pagtitiis sa pagsunod sa Allah at paglayo sa pagsuway sa Kanya at


pagtitiis sa mga masasakit na tadhana. Ang Una at pangalawa;


ginagawang ganap ng isang tao ang kanyang sarili at ang pangatlo at


pang-apat ay ginagawang ganap ang ibang tao, at sa pamamagitan sa


pagganap sa apat na bagay na ito, ang isang tao ay magiging ligtas


mula sa pagkalugi, at kanyang makakamit ang dakilang tagumpay.


22


Unang Aralin


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-Humazah[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Waylul likulli humazatil lumazah 2. Alladhii jama a’ maalaww wa


addadah 3. Yahsabu ann na maalahu akhladah 4. Kallaa layumm


badhann na fil hutamah 5. Wa maa adraaka mal hutamah


6. Naarullaahil muuqadah 7. Allatii tattali u alal af idah 8. Inn nahaa


alayhimm mu’ sadah 9. Fii amadimm mumaddadah


(1) (Waylul) ibig sabahin: kapighatian at kapahamakan at matinding


kaparusahan (likulli humazatil) ibig sabihin: sa sinuman naninira sa mga tao


at nanlalait sa kanila. Ang Al-hammaz ito'y paninira sa tao at panlalait sa


kanila sa pamamagitan ng paggalaw at kilos at Ang Al-lammaz ito ang


paninira at panlalait sa tao sa pamamagitan ng kanyang salita.


(2) Mula sa katangian ng Al-hammaz at Al-lammaz ay wala siyang ibang


ninanais liban sa pag-iipon ng yaman, wala siyang ibang ginawa kundi


bilangin ito at ito ang kanyang kaligayahan, at walang siyang kagustuhan na


gastahin ito sa daang mabuti at iba pa.


(3) (Yahsabu) kanyang inaakala (ann na maalahu akhladah) na ang kanyang


kayamanan ay mananaliti rito sa mundo, kaya naman ang lahat ng kanyang


Gawain at trabaho ay pagpaparami at pagpapa-unlad ng kayamanan lamang,


sa kanyang pagkakaakala na ito'y makapagpapahaba sa kanya ng buhay, at


hindi niya alam na ang pagiging maramot ay nagpapaikli ng buhay, at


winawasak ang mga tahanan, at ang kabutihan ay nakakapagdaragdag ng


buhay.


(4-7) (Kallaa layumm badhanna) ibig sabahin: Itatapon sila (fil hutamah Wa


maa adraaka mal hutamah) Sa apoy na nilalamukos nito ang anumang


23


Unang Aralin


inihahagis dito. At pagkatapos ay pinaliwanag kung anong mayroon sa Alhutama


(Naarullaahil muuqadah) ito'y apoy na sinilaban ng Allah sa


pamamagitan ng panggatong mula sa tao at bato. (Allatii) kung saan sa sidhi


ng paglalagablab nito (tattali u alal af idah) ay umaabot ang sidhi ng init nito


mula sa katawan ng tao na manunuot patungo sa mga puso.


(8) At ang sidhi ng init nito , sila ay hindi makakalabas pa rito, at sila walang


pag-asa pa na makakaalis pa roon, kaya naman sinabi : (Inn nahaa alayhimm


mu- sadah) ibig sabahin: magsasarado sa kanila (Fii amadimm) mula sa likod


ng mga pintuang (mumaddadah) nagtataasang mga haligi ng apoy upang


hindi na sila makakalabas pa roon, (sa tuwing sila ay magnanais na lumabas


doon ay ibabalik silang muli roon), tayo ay magpapakupkup sa Allah mula


rito, at hingin natin sa kanya ang kapatawaran at kaligtasan [Ameen].


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al-fil[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Alam tara kayfa fa ala rabbuka bi as haabil fiil 2. Alam yaj al


kaydahum fii tadliil 3. Wa arsala alayhim tayran abaabiil 4.


Tarmihimm bihi jaaratimm minn sijjil 5. Faja alahum ka asfimm ma'


kuul


(1-5) Ibig sabihin: Hindi mo nakita ang kakayahan ng Allah at ang Kanyang


kadakilaan at habag sa Kanyang mga alipin at ang mga batayan patungkol sa


Kanyang kaisahan at pagiging totoo ng Kanyang sugo na si Muhammad; kung


ano ang ginawa ng Allah sa mga nagmamay-ari ng Elepante? na ang hangarin


nila ay wasakin ang sagradong tahanan ng Allah, na kung saan ay


pinaghandaan nila ito, at nagdala sila ng mga Elepante para wasakin ang


Ka’bah at nagdala sila ng napakaraming sundalo na walang sinuman na


nakapantay mula sa mga arabo mula sa Abysinnia at Yemen, at noong sila'y


24


Unang Aralin


dumating sa isang lugar na malapit sa Makkah, walang kakayanan ang mga


arabo na dumipensa kaya naman lumikas ang mga taga-makkah mula sa


Makkah dahil sa pangamba para sa kanilang mga sarili mula sa mga kalaban.


At ang Allah ay nagpadala laban sa mga kalaban ng mga ibon na napakarami


na may dala-dalang bato na gawa sa mainit na luwad, at pinagbabagsakan sila


nito at para silang nagmistulang mga nawasak na mga pananim sa bukirin na


ang mga bunga nito'y parang kinain ng mga hayop at itinapon ang tangkay.


Pinigilan ng Allah ang kanilang kasamaan at binalik sa kanila ang masamang


balakin sa kanilang mga leeg. ang kanilang kuwento ay kilala, at sa taong din


iyon ay isinilang ang sugo ng Allah na si Muhammad, at ito'y kabilang sa mga


pagpapahiwatig ng kayang Da'wah at palatandaan ng kanyang pagkasugo, ang


lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surat Li iilaa fi qurayysh[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Li iilaa fi quray~ysh 2. Iilaa fihim rihlatash shitaa i wassay~yf


3. Falya’ buduu rabba haadhal bay~yt 4. Alladhii at amahumm


minn juu iww wa aamanahumm min khaw~wf


(1-4) Ayon sa mga Tagapagpaliwanag ng Quran: Ang kabanata na ito'y may


kaugnayan sa naung kabanata; ito ang surat Al-fil, ibig sabihin: ginawa namin


kung anuman ang mga nangyari sa mga nagmamay-ari ng elepante para sa


tribu ng Qurasyh at ibinigay naming para sa kanila ang kaayusan at


kapanatagan at naging banayad at patuloy ang kanilang mga pamumuhay at


inaayos ang kanilang paglalakbay sa taglamig patungong Yemen at sa tag-init


patungong Sham na walang pinangangambahan upang makipagkalakalan.


At dahil doon winasak ng Allah ang sinuman maghangad ng


kasamaan sa kanila at dinakila ang katayuan ng Ka’bah at ang mga


naninirahan dito sa mga puso ng mg Arabo , kaya naman nirerespesto sila at


hindi sila hinaharang sa tuwing sila ay maglalakabay, dahil dito inutusan ang


25


Unang Aralin


mga Qurasyh na magpasalamat sa Allah kaya kanyang sinabi (Falya’ buduu


rabba haadhal bayyt) ibig sabihin: sambahin ninyo ang inyong Rabb nang


nag-iisa at gawin ninyo'ng dalisay ang pagsamba sa kanya, (Alladhii at


amahumm minn juu iww wa aamanahumm min khawwf) na siyang


nagpakain sa kanila upang hindi sila mangagutom at ginawa silang ligtas mula


sa pagkatakot at mga panganib. Ang pagbuhos ng biyaya at kaligtasan mula


sa pagkatakot at panganib ay kabilang sa mga dakilang biyaya rito sa mundo


na marapat natin ipagpasalamat sa Allah, Sayo ang papuri at pasasalamat -oh


Allah- sa mga biyayang pinagkaloob mo, nakikita man ito o nakatago, Ang


Allah ang bukod-tangi sa pagkapanginoon ng Ka’bah dahil sa kanyang biyaya


at kadakilaan, bagkus siya ang Panginoon ng lahat ng bagay.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al- Ma’un[


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Ara aytal ladhii yukadh dhibu bid diin 2. Fadhaalikal ladhii yadu’


ul yatiim 3. Walaa yahud du alaa ta aamil miskiin 4. Fawaylul lil


musalliin 5. Alladhiinahum ann salaatihim saahuun 6.


Alladhiinahum yuraa uun 7. Wayamna uu’nal maa uu’n


(1) Sinabi ng Allah nang mayroon kasamang pagmamaliit sa mga silang


iniwan ang karapatan niya at karapatan ng kapwa tao: (Ara aytal ladhii


yukadhdhibu biddiin) Nakita mo ba ang kalagayan niya na pinasinungalingan


ang muling Pagkabuhay at Pagbabayad at hindi naniwala sa mga katuruang


dala ng mga sugo.


(2) (Fadhaalikal ladhii yadu’ ul yatiim) Na siya ay matinding nagtataboy sa


mga ulila mula sa kanilang karapatan at hindi siya nahahabag dito at dahil sa


katigasan ng kanyang puso at dahil hindi siya naghahangad ng gantimpla at


26


Unang Aralin


hindi nangangamba sa parusa.


(3) (Walaa yahuddu) At hindi niya hinihimok ang iba (alaa ta aamil miskiin)


na magpakain ng mahihirap, na kung kaya, paano pa kaya niya ito ipatutupad


sa kanyang sarili na magpakain ng mahihirap.


(4-5) (Fawaylul lil musalliin) matinding kaparusahan at kapahamakan sa


mga yaong nagsasagawa ng ‘Salâh. (Alladhiinahum ann salaatihim


saahuun) silang nagpapabaya sa kanilang Salah, at hindi nila ito ginagawa sa


tamang kaparaanan at wala ito sa tamang oras na itinakda, dahil sa kanilang


walang pagpapahalaga sa kautasan ng Allah, kung saan ay nagpabaya sila sa


kanilang mga Salah na siyang pinakamahalagang pagsunod, at gumagawa ng


“Sahu Annis Salah” ay karapatdapat siyang magkamit ng parusa at walang


kapurihan, ngunit ang “Sahu Fis Salah” ito ang pagkakamali sa Salah na


nagagawa ng bawat isa , kahit ang Propeta Muhammad sallahu alayhi was wallam.


(6-7) kaya naman nilarawan sila na mga yaong nagsasagawa ng kabutihan


nang lantaran para lamang makita ng tao, matigas ang puso at walang habag.


At Sinabi: (Alladhiinahum yuraa uun) Ibig sabihin: nagsasagawa ng


kabutihan nang lantaran para lamang makita ng tao. (Wayamna uunal maa


uun) Ipinagkakait nila ang pagbibigay o pagpapahiram ng isang maliit na


bagay hindi naman nakakaapekto sa kanila kapag ito'y kanilang ibinigay o


ipinahiram (na katulad ng kagamitang pambahay), at iba pa, at dahil sa


kanilang karamutan pinagkakait nila ang Ma’un o ang mga maliit na mga


kabutihan, paano pa kung mas marami?!


Sa kabanatang ito: Nagtuturo na magpakain sa mga ulila at mahihirap at


paghihimok sa iba, at pangangalaga sa Salah at pakakaroon ng Ikhlas habang


isinasagawa ito at sa lahat ng gawain at nagtuturo ng paggawa ng kabutihan,


pagbibigay ng kahit ano ito man ay maliit, dahil ang Allah ay kanyang


minaliit at pinawalang-puri yaong mga silang hindi ginawa ito. Ang Allah


lubos na nakakaalam.


***


]Ang Kapaliwanagan ng Surah Al- Kawthar[


At ito'y Makkiyah





Unang Aralin


Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Inn naa a’ taynaa kal kawthar 2. Fa salli lirabbika wan har 3.


Inn na shaani aka huwal abtar


(1) Pinapahayag ng Allahu taala sa kanyang Sugo na si Muhammad bilang


biyaya sa kanya: (Inn naa a’ taynaa kal kawthar) Ibig sabihin: Masaganang


kabutihan at biyaya, na mula sa mga ipinagkaloob ng Allah sa kanyang


Sugo na si Muhammad sallahu alayhi was wallam sa Araw ng muling


pagkabuhay, na kabilang dito'y ang ilog ng (Kawthar) , at kabilang din ang


(Al-hawdh) na ang kanyang haba ay katumbas ng isang buwang paglalakbay,


at ang kanyang lapad ay katumbas ng isang buwang paglalakbay, na ang tubig


nito'y mas maputi pa kaysa sa gatas at mas matamis pa kaysa pulut-pukyutan,


na ang sisidlan nito'y kasing dami at kasing liwanag ng mga bituin sa


kalangitan, sinuman ang makakainom nang kahit isang beses mula rito,


kailaman hindi na siya makakatikim ng pagka-uhaw.


(2) At noong binaggit ng Allah ang biyayang ito sa kanyang Sugo, inatasan


siyang magpasalamat, kanyang sinabi: (Fa salli lirabbika wan har) Na kung


kaya, maging taimtim ka sa lahat ng iyong pagsa-Salâh sa iyong Rabb, at


maghandog ng hayop bilang pag-aalay lamang sa Kanya. Ibinukod-tangi ang


dalawang gawaing pagsambang ito dahil sa pagiging pinakamainam na


pagsamba, at pinakadakilang alay sa Allah, dahil ang Salah ay napapaloob


dito ang pagsuko ng puso at katawan sa Allah , na siyang nagdadala sa tao sa


iba pang pagsamba, Ang Nahr o paghahandog ng hayop bilang pag-aalay ay


isang uri ng pagsamba upang mapalapit sa Allah sa pamamagitang ng pagaalay


ng pinakamainam na hayop na mayroon siya, at paggasta para sa Allah


upang maiwasan ang pagiging maramot at sobrang paghahangad sa


kayamanan.


(3) (Inn na shaani aka) ibig sabihin: ang nagalit sa iyo at nagkaroon ng poot


nagmamaliit sa iyo (huwal abtar) Ibig sabihin: ay ipagkakait sa kanya ang


anumang kasaganaan at kabutihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay at


hindi siya kikilalanin. At ang Propeta Muhammad sallahu alayhi was wallam ay


isang tunay na ganap na nagtataglay ng kaganapan nababagay para sa isang


nilalang katulad ng matataas na pagkikila at maraming tagatulong at


tagasunod.


28


Unang Aralin


***


[Ang Kapaliwanagan ng Surah Qul yaa ayyuhal kaafiruun]


At ito'y Makkiyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Qul yaa ayyuhal kaafiruun 2. Laa a’budu maa ta’buduun 3. Wa laa


ann tum aabiduuna maa a’bud 4. Wa laa ana aabidumm maa abattum


5. Wa laa ann tum aabiduuna maa a’bud 6. Lakum diinukum waliya


diin


(1-6) Ibig sabihin: Sabihin mo sa mga Kaafiruun: (Laa a’budu maa


ta’buduun) ibig sabihin: Hindi ko sasambahin ang anumang sinasamba ninyo


na mga rebulto at mga diyus-diyosan na walang kabuluhan lantaran man o


patago. (Wa laa ann tum aabiduuna maa a’bud) At kayo ay Hindi rin ninyo


sasambahin ang aking sinasamba na Bukod-Tanging Nag-iisa, na Siya lamang


ang karapat-dapat na sambahin, dahil sa kawalan ninyo ng kadalisayan sa


pagsamba sa Allah, at ang iyong pagsamba sa Kanya nang mayroon kasamang


Shirk o pagtatambal ay hindi matatawag na pagsamba, at ang Ayah ay inuliulit


sa kabanatang ito upang tukuyin na ang Una ay dahil sa kawalan ng


paggawa at ang pangalawa ay ipinahayag patungkol sa partikular na mga


walang pananampalatayang na batid ng Allâh na kailanman ay hindi na sila


maniniwala pa, kaya naman malalalaman at mapag-iiba ang dalawang


pangkat, at pinaghiwalay ang dalawang pangkat, kanyang sinabi: (Lakum


diinukum waliya diin) Na kung kaya, sa inyo na lamang ang inyong "deen"


(o relihiyon) na inyong pinagpipilitan na sundin, at sa akin na lamang din ang


aking "deen", na hindi na ako maghahangad ng iba pa. katulad din ng sabi ng


Allah: (Sabihin mo, O Muhammad, sa mga tao: Ang bawa’t isa sa inyo ay gumawa


ayon sa likas niyang katangian), kayo ay walang kinalaman sa kung ano ang


aking ginawa at ako'y walang kinalaman sa iyong mga ginagawa.


29


Unang Aralin


***


[Ang Kapaliwanagan ng Surah An-Nasr]


At ito'y Madinayyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Idhaa jaa a nasrullaahi wal fath 2. Wara aytann naasa


yadkhuluuna fii diinil laahi afwaajaa 3. Fasabbih bihamdi rabbika


wastaghfirhu inn nahuu kaana tawwaabaa.


(1-3) Sa dakilang kabanatang ito'y napapaloob dito ang isang magandang


balita at bagay para sa sugo ng Allah na kanyang makakamit, at isang


palatandaan at paalala sa mga bagay na kakalabasan nito, at ang magandang


balitang iyon ay ang Tulong ng Allah sa kanyang Sugo, at pagkapanalo sa


Makkah at pagpasok ng mga tao sa (fii diinil laahi afwaajaa) Islâm na Deen


ng Allâh, na kung saan marami rito'y nagmula sa mga taga Makkah at taga


Madinah na noon ay kalaban ng Islam, at itong balitang ito'y ganap na


nangyari. At pagkatapos na makamit ang tagumpay na ito, inatas ng Allah sa


Kanyang sugo na magpasalamat sa Kanya dahil sa mga biyayang ito,


luwalhatiin Siya sa pamamagitan ng papuri sa Kanya at paghingi mula sa


Kanya ng kapatawaran. At ito'y tumutukoy rin sa dalawang bagay; Una:


mapagpapatuloy ang tagumpay ng relihiyon Islam at madadagdagan ito kapag


isinagawa ang pagluwalhati sa Allah sa pamamagitan ng papuri sa Kanya at


paghingi mula sa Kanya ng kapatawaran. Tunay na ito'y kabilang sa


Pagpapasalamat, at Ang Allah ay nagsabi: (Kapag kayo ay nagpasalamat ay


katiyakan na daragdagan pa Niya ito sa inyo) at ito'y nangyari sa panahon ng


mga sumunod sa kanila mula sa Ummah na ito; ang mga Khulafa Rashideen


at sa mga sumunod sa kanila sa Ummah na ito at nananatili ang tulong ng


Allah hanggang sa umabot ang Islam sa kung saan man ang kanyang inabot


na hindi umabot dito ang mga ibang relihiyon. At pumasok dito ang maraming


tao, na hindi katulad sa iba, hanggang sa nangyari sa Ummah na ito ang


pagsuway sa kautusan ng Allah, at sinubok sila sa pamamagitan ng


pagkawatak-watak, at pagsasalungat, nangyari ang nangyari,


30


Unang Aralin


ngunit para sa Ummah na ito at relihiyong ito; ay ang habag ng Allah at


kabutihan Niya na hindi na ikinaakala. At Pangalawa: ito'y tumutukoy na ang


kamatayan ng Sugo ng Allah ay nanalalapit na, dahil ang kanyang buhay ay


isang biyaya at dakila, sumumpa ang Allah sa pamamagitan nito, at ang mga


bagay na dakila ay tinatapos sa pamamagitan ng paghingi na kapatawaran


katulad ng Salah at Hajj at iba pang mga Gawain. Kaya naman inutusan ng


Allah ang kanyang Sugo na magsagawa ng papuri at pasasalamat at paghingi


ng kapatawaran, sa kalagayang ito ang kanyang buhay ay natapos na, kaya


naman pinaghandaan niya ang kamatayan, at tinapos niya ang kanyang buhay


sa pamamagitan ng pinakamainam na Gawain. Sumakanya nawa ang


kapayapaan at pagpapala mula sa Allah, at kaya naman kanyang binibigkas


na maraming beses sa tuwing magsasagawa siya ng Ruku’ at Sujud:


“Subhanaka Allahumma Rabbana wa bihamdika Allahummagh Fir li”


***


[Ang Kapaliwanagan ng Surah Tabbat]


At ito'y Makiyyah





Sa ngalan ng Allah ang Pinakamahabagin, ang Napakawaawain


1. Tabbat yadaa abii lahabiww watabb 2. Maa aghnaa anhu


maaluhu wa maa kasab 3. Sayaslaa naarann dhaata lahab 4. Wamra


atuhuu hamm maalatal hatab 5. Fii jiidihaa hablumm mimm masad


Si Abu Lahb ay amain ng Propeta Muhammad sallahu alayhi wa sallam,


at siya ay naging matinding kalaban at parusa sa kanya, walang relihiyon para


sa kanya at walang kamakamag-anak para sa kanya, winasak siya ng Allah


nang dakilang pagkawasak na kung saan ito'y kahihiyan dito sa mundo


hanggang sa araw ng muling pagkabuhay, Sinabi ng Allah:


(1) (Tabbat yadaa abii lahabi) Ibig sabihin: Pagkawasak at tuluyang


pagkabigo sa dalawang kamay, (watabb) at hindi nagtagumpay.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG